MINSAN na nga lang tayong ma-in love sa maling tao pa. Minsan na nga lang
tayong ma-in love wrong timing pa.
Minsan na nga lang ma-in love bigo pa.
Pero bakit ganoon?
Nagbabayad naman tayo ng saktong buwis, nagsusumikap naman
tayo bilang estudyante, masipag naman tayong manggagawa, tapat na mamamayan,
pero bakit kailangan tayo pa itong nasasaktan? Hindi ba pwede ‘yung happy lang
walang hurt-hurt at hindi na kailangan pang i-prove dahil kapag raw nasaktan ka
ibig sabihin nagmamahal ka talaga?
Sinasabi ng ibang pwedeng umasa pero
alam mo kung kailan ka na dapat huminto dahil mali ang maging tanga. Sino bang
naging matalino sa pag-ibig? Eh yung kahit nga pinaka-genius na ‘atang tao eh
namroblema rin sa pag-ibig eh, at dahil ganito ang naging paniniwala ko, at
least may natutunan naman ako..
Dear
John,
Gusto
ko sanang kamustahin ang lagay mo? Alam kong nagpapaka-subsob ka na naman sa
trabaho mo. H’wag mo sanang pagurin ang sarili mo mahal.. baka magkasakit ka
nyan, pero kung magkakasakit ka man..hayaan mong ako ang mag-alaga sayo. I love
you Mahal..
Love,
Bea.
Ipinadala na ni Bea ang sulat sa
messenger. Suki na talaga siya ni Manong Kolas dahil madalas—I mean araw-araw
siyang nagpapadala ng sulat sa Maynila. Nandito siya ngayon sa Camarines Sur.
Masaya ang lovestory namin ni John Michael Evangelista. Ilang buwan na ang
nakalilipas nang mabuo ang pagmamahal sa pagitan namin.
Three
months ago...
“Bea! Tama na ‘yang kababasa mo ng
pocketbooks, it’s time to find for the real guy.. H’wag mong ipupok nalang ang
sarili mo sa mga fiction guys. Halika na at magliwaliw tayo sa resort niyo!”
yaya ni Nicole sa akin. Pinsan ko yan, at napaka-lapit namin sa isa’t-isa, gaya
ng mga kaibigan ko pang sina Autumn, Celine at Leona. Naging part na rin ng
circle of friends ko sina Veaune, Sydney at Shantal dahil kaibigan din sila ni
Nicole.
Umingot-ingot ako sa pagkakahiga ko sa
duyan habang nagbabasa pa rin ako ng pocketbook. Sinigawan ako ni Nicole na
tumayo na at sumunod sa kanya pero hindi niya ako napilit.
Nagulat ako nang
hilahin na niya ako, nasubsob tuloy ako sa lupa.
“Oo na! Sasama na! Kakainis naman!
Siguro may mga dayo na naman sa resort kaya gusto mo na naman akong isama diyan
sa tawag ng laman mo! Naku, Nicole..parang di kita kabisado.” Napapailing
nalang niyang sinabi habang papasok sila sa bahay nila. Natawa nalang sa kanya
ang pinsan niya. Sa kanilang dalawa, si Nicole talaga ang maraming himalang
ginagawa, meaning..maraming kabaliwan, at kaaliwan pagdating sa mga kalalakihan
pero ni minsan hindi niya ako naisama sa mga kapraningan niya, ngayon lang
dahil pamihadong susugurin ako ng iba naming kaibigan kapag di ako sumama.
Nagbihis na ako ng simpleng blouse at
palda na umaabot hanggang tuhod. Minsan nga sinasabihan nila akong manang eh.
Ha-ha. Pero ayos lang, kaysa naman magsuot ako ng shorts na mas mahaba pa ang
bulsa. Ha-ha.
Naglagay siya ng polbo at manipis na
lipstick sa labi at nagsuklay. Kahit naman hindi siya gaanong palalabas ng
bahay, at pulos pocketbook ang inaatupag niya, alam naman niyang mag-ayos ng
sarili. Lumabas na sila ni Nicole at pumunta sa resort nila. Bakasyon ngayon,
sa pasukan ay fourth year college na siya sa kursong Business Marketing. Sa
kanya kasi itu-turn over ang resort na ito kapag nagkataon dahil ito ang pamana
sa kanya ng namayapa niyang mga magulang two years ago. Nasa pangangalaga muna
ito ngayon ng Tita Linda niya.
Sinalubong siya ng mga kaibigan pa nila.
“Mabuti at naisama mo ang sinaunang
Filipina mong pinsan, Nicole?” biro ni Autumn. Natawa ang mga ito roon, siya
naman ay napasimangot.
“Aba, hinatak ko pa ‘yan sa duyan para
lang maisama.” Ani Nicole naman na ikinatawa lalo ng mga kaibigan nila.
“At take note ha? Wala siyang dalang
pocketbook ngayon, mukhang ready to mingle ang ating butihing heredera ahh..”
gatong pa ni Celine. Napaismid siya roon.
“Haay nako! Bahala nga kayo sa iniisip
niyo, ano bang ginagawa niyo rito? Nang-iistorbo lang naman kayo eh!” aniya habang
naglalakad papunta sa cottage.
“Aray naman Bea!” umakto pang tila
nasasaktan ang mga ito sa puso, napailing nalang siya sa kadramahan ng mga
kaibigan. Umupo na rin sila sa cottage.
“Alam mo Bey, tama na yang kababasa mo
ng pocketbooks baka magpalit na kayo ng mukha ng papel sa araw-araw na ginawa
ng Diyos na basa ka nang basa.. Kinilig ka naman ba?” si Shantal naman.
“Oo naman! Try niyo kasing bumili sa
bookstore ng mga pocketbooks nang malaman niyo kung bakit ako naaadik.”
“H’wag na! Kitang-kita namin ang
masamang epekto ng mga pocketbooks sayo ‘no! Nagiging super dreamy, parang
nagsisimula ka ng magkaroon ng social phobia, tapos loner ka lagi.. Sayo nalang
yang mga pocketbooks mo!” si Autumn naman na hindi mo talaga kakikitaan ni
minsan ng pag-sang ayon sa pagbabasa ng pocketbooks.
“Grabe ha? Kapag ako nagkaboyfrie—“
“Dapat lang! Aba..nineteen ka na Bea! Magtino
ka naman..dapat ka ng magka-boyfriend. Hindi yung puro imagination. Naku,
tatanda kang imaginative. At some point, hindi naman masama yun kaso lang
isipin mo rin ang output nun if ever..magiging old woman ka. Never been
touched, never been kissed. Tsk. Tsk.” Ani Veaune na may iritasyon sa tinig.
Umingos nalang siya sa mga sinasabi ng mga ito.
“Oh? Nakikita mo ba ang mga taga-Maynila
na ‘yan? Ang gugwapo nila ‘no? Actually, kung hindi niyo maitatanong—“
“May type ka na naman isa sa kanila?!”
gagad nila sa nais sabihin pa ni Nicole. Napahagikgik naman ang huli. Napairap
nalang sila rito.
“Tsinito kasi siya, and you know? I love
chinky and cute guys.” Pinakita pa ni Nicole na kinikilig ito habang tinuro ang
lalaking naka-white t-shirt na tsinito malapit sa cottage nila. Napailing
nalang sila kay Nicole.
Sa kanilang magkakaibigan ang may
boyfriend na ay si Leona, na tinagurian nilang Most Faithful Girlfriend Ever
Alive. Si Nicole naman ay papalit-palit ng boyfriend kaya naman di nila alam
kung kailan ito magsasawa sa ganung klase ng buhay pag-ibig, at ni minsan hindi
man lang nila ito nakitaan na nagluluksa dahil sa isang lalaki, kapag wala
na—for her, expired na at hindi na hot sa paningin nito. Nakakabaliw ang
ganoong buhay, walang long-term relationship, para lang kayong naglalaro. Kung
sakali mang magka-boyfriend siya, sisiguraduhin niyang magtatagal sila at hindi
nalang sya basta iiwan.
Naka-shorts ang mga ito kaya naman nang
magkayayaan na magswimming ay siya lang ang naiwan sa cottage. Naisip niyang
boring naman kung pagmamasdan nalang niya ang mga kaibigan na nagliliwaliw sa
dagat naisip niyang paglaruan nalang ang buhangin. Gumagawa siya ng castle
kapag naiisipan niyang mapadpad rito sa resort nila.
“Want some help?” narinig niya ang
baritonong tinig na iyon sa likuran niya. Wala siyang pakialam sa mga lalaking
dayo rito sa resort nila kaya naman wala siyang ini-entertain noon pa man,
dahil bukod sa hindi naman niya type ay ayaw niya pang makipag-relasyon.
“Thanks but I can manage.” Tanging sagot
niya na hindi man lang lumingon sa kung sino iyon.
Narinig niya ang mga yabag
sa likuran niyang papalapit ng husto sa kinauupuan niya habang inaayos ang
buhangin. Umupo iyon sa tapat niya kaya naman hindi na niya napigilang tignan
ang mukha ng lalaking iyon. Naka-smile ito sa kanya, agad na kumabog ng malakas
ang puso niya. Ito na yata ang pinaka-gwapong dayo na nakilala niya. Maputi
ito, matangos ang ilong at may biloy sa kaliwang pisngi. Kamuntik na siyang
matigagal nang muli itong magsalita.
“I’m John Michael, you can call me
John..” nilahad nito ang kamay sa kanya. Tinignan niya iyon. Ipinakita niya
rito ang buhangin sa mga kamay, tanda na ayaw niyang makipag-kamay, lumuwag ang
pagkakangiti nito at inabot ang kamay niya. “Your name?” parang nakuryente ang
buong sistema niya nang maglapat ang palad nila. Bea? What’s happening to you? Sabi mo, di mo type ang mga dayo dahil
mayayabang? Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya gusto ang ambiance
kapag may mga dayo sa resort nila dahil sa mayayabang na dayo.
“I’m Bea, now take off your hands..”
utos niya rito habang nakatingin sa gwapong mukha nito. Ngumiti ulit ito at
umupo na sa buhanginan, katabi ng castle na binubuo niya.
“I like it, I mean I like your name, it
sounds like you are a kind-hearted woman.” Papuri nito.
Gusto niyang kiligin
kaso lang baka naman binobola lang siya nito.
“You like my name? Gusto mong magpalit
tayo ng pangalan?” sarkastiko niyang sagot rito.
Natawa ito sa sinabi niya at umiling.
“you owned that name, so be it. I’m just telling you that because your name
suits you, you are beautiful..” puri ulit nito. Nararamdaman naman niyang totoo
ang sinasabi nito kaya hindi na niya napigilan ang sariling kiligin at
mapangiti ng lihim.
Maya-maya ay tumulong na ito sa pag-gawa
ng sand castle.
“Marunong ka rin palang gumawa ng sand
castle..” aniya habang dumakot uli ako ng buhangin para sa chimney.
“That’s why I asked if you need some
help. You see? We have something in common. What else are your hobbies?”
napatingin siya rito sandali. Isn’t him interested with me? Bea? What the hell are you thinking of?
“I love reading pocketbooks.”
“Oh! So I bet you believed that everyone
can have their lovestory with happy ending?” tumango siya at ngumiti. “you
smile great. Always smile because you look more beautiful when you do..”
pinamulahan siya ng mukha sa puri nito, huli na para maitago pa niya. Natapos
na nila ang sand castle. Inalalayan siya nitong tumayo upang tignan ang
kanilang ginawa.
“Perfect..isn’t it?” tanong ni John
Michael sa kanya. Ngumiti siya at sumang-ayon. “I guess they are your friends,
why don’t you join them? They look so happy while swimming together.”
“I can’t. Look what I’m wearing..”
tinignan nito suot niya. Naka-palda siya kaya paano naman siya magsu-swimming
nun?
“Oh I see. Where do you live?”
“At the village right next after this resort.”
“I’ve been here three days ago but I
never saw you.”
“I’m not staying in our resort, sawa na
kasi ako..”
“Oh! So you own this resort?”
“Ahh..yes. Actually, it’s my lost
parents’ but right after I graduate, our family lawyer will turn over this
resort to me.”
“Wow! Rich and beautiful girl..”
“Girl? I’m a fully-grown woman at
nineteen. What do you think?”
Tumawa ito sa kanya. Nainis tuloy siya. Feeling naman nya? Neneng pa ko?
“You’re still too young at nineteen.
Look, I’m turning twenty-five so I can say that I’m a full-grown man, but for
you..you’re still a lovely girl, and you’re still studying.” Nalungkot sya roon
dahil first time na may magsabi sa kanyang neneng pa sya, kahit pa in english
‘no! At galing pa sa crush niya. Oo na! Inaamin niyang crush niya si John,
dahil sa kagwapuhan at kakisigan nito.
“I’m a graduating student. H’wag mo nga
akong sinasabihang neneng! Nineteen na ako at matured na ako.”
“Tell that again to me when you turned
twenty-five. Okay?” natatawang sinabi nito sa kanya. Nakakapikon po ahh.
“Okay Manong! Diyan ka na nga!”
nilayasan na niya ito pero bago pa siya nakaalis ay ginagap nito ang braso
niya.
“Wait! Look Bea, although you are still
young in your age, you are the most beautiful girl I’ve ever seen, did you know
that?” natameme siya sa sinabi nito. Damang-dama niya kasi ang sincerity sa
boses nito, naaalala niya tuloy ang mga crush niya sa pocketbook, lalo na yung
mga nakaka-kilig moments. I’m hoping na
sana si John na nga ang Prince Charming ko..
“W-what do you mean?” aniya sa mahinang
tinig. Lumapit ito sa kanya, gahibla nalang ang pagitan ng mukha nila. Hahalikan ba niya ako?
“Since I saw you awhile ago, you caught
my attention.. my feet automatically walked towards to your place when I saw
you alone. I guess fate whispered to me thatthe girl who’s doing a sand castle
is the girl who can make your heart fell so come with her.” malamyos ang tinig
nito at parang nang-aakit, at naaakit nga talaga siya. Lumapit pa ito ng husto
sa kanya. Hinawakan nito ang baba niya at iniangat iyon. Pumikit na siya para
maramdaman ang halik na igagawad nito sa labi niya ngunit matagal na siyang
ganoon ay wala itong ginagawang iba maliban sa pagkakahawak nito sa kanyang
baba. Gusto niyang mainis nang magmulat siya ay nakasilay
ang mapanukso nitong
ngiti sa labi. Ibinaba na nito ang baba niya.
“Next time, don’t let yourself to be
seduced by me. Remember that you’re still a girl. Okay, sweetheart?” pagkatapos
niyon ay naglakad na ito palayo. Napahiya siya at naiinis siya sa sarili niyang
nagpaakit nga siya rito. Sa kabilang banda, natutuwa siya dahil hindi
sinamantala ni John ang kahinaan niya. Wag
ka ng magpapa-seduce sa kanya.. Ang cheap mo talaga Bea!
Nagulat siya nang magsi-lapitan ang mga
kaibigan niya at tumitili. Nakita kaya
nila yung kanina? Mukha akong tanga kanina.. Tsk!
“OMG! I can’t believe na may lovelife na
rin sa wakas ang ating butihing kaibigan! Did he kiss you?” tanong ni Shantal
sa kanya.
“Akala ko ba pinanood niyo kami kanina?
So, dapat alam niyo ang sagot diyan!” umupo siya sa buhanginan pero agad siyang
hinila patayo ulit ng mga kaibigan niya.
“So, nag-kiss nga kayo? French kiss ba?”
makulit na tanong ni Nicole. Sumimangot siya.
“We didn’t kiss. I mean, I’m ready for
his kiss but he didn’t. I’m glad that he respect me at di niya sinamantala ang
weakness ko.”
“O-M-G! So, crush mo ang lalaking ‘yon?
Anong name niya girl?” ulirat naman ni Sydney.
“John Michael, pero John ang gusto
niyang itawag ko sa kanya.”
“Isn’t it too classic kapag John?
Masyadong pa-old. Tawagin mo siyang Juan para cool. Ha-ha-ha.” biro naman ni Autumn.
Natawa sila roon.
“Pero mas okay kung Michael, ‘diba?” ani
Leona. Sumang-ayon naman ang iba.
“Bakit ba mas marunong pa kayo sa gusto
niya? Kung anong gusto niya, gusto ko na rin.” Kinilig ang mga ito sa sinabi
niya.
“So you must thank me dahil kung hindi
kita hinila sa duyan ‘di mo matatagpuan ang Prince Charming mo. Ako din! Nakausap
ko na rin si Mr. Chinito! And Jimmy, his name.” Kinikilig rin na pagkukwento sa
kanila ni Nicole. Natawa sila dahil tiyak may panibago na namang target si
Nicole. Hindi na talaga naubusan ang pinsan niya ng mga bebe kaya ganyan, masaya naman siya so far. At ako rin naman, I’m happy with John.
Kinabukasan ay nag-ayos na siya.
Naka-shorts siya dahil balak niyang mag-swimming. Ang mga kaibigan naman niya
at si Nicole ay mag-aayos daw para sa enrollment, siya naman ay tapos na niya
iyon last week pa kaya naman excited na siyang makita ulit si John. Hindi nga
siya nagkamali dahil naroon nga ito sa isang cottage, kasama nito ang lalaking
tsinito na sinasabing Jimmy raw, ayon kay Nicole. So, magkakilala pala ang
Prince Charming nila ni Nicole?
Nagte-telescope ang mga ito mula sa
cottage, tinatanaw siguro ang magandang bulubundukin roon sa dulo ng dagat.
Ngumiti siya nang mapatingin ito sa gawi niya. Parang nahinto ito at parang
nakakita ng diwata. Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit na rin sa kanya.
Nakangiti rin ito. Ang tangkad pala nito kaya naman kinakailangan niya pang
tingalain ito.
“Are you going to swim?” tanong nito sa kanya.
Tumango siya. Ni minsan hindi niya pa ito naringgan mag-Tagalog, mayaman siguro
sa Maynila. “come on?” tumango ulit siya ngumiti. Hinawakan nito ang kamay niya
at lumangoy na sila sa dagat. Malakas ang alon at napagkatuwaan nila ang
magbatuhan ng tubig. Nagtatawanan sila habang ginagawa iyon. Maya-maya ay
lumangoy sila sa malalim. Marunong siyang lumangoy dahil dito naman na siya
lumaki eh. Magkahawak ang mga kamay nila habang nakatingin sa isa’t-isa. Malayo
na rin sila sa cottage. Para siyang nahi-hipnotize sa tuwing magtatama ang
paningin nila.
“I like you Bea..” anito. Kinilig siya
sa sinabi nito. Ngumiti naman siya. “what? Are you not going to say something?”
“Paano naman kitang paniniwalaan? Eh
hindi ka nga marunong mag-Tagalog eh. Sige, I’m giving you a challenge,
kailangan buong araw kang magta-Tagalog habang kausap ako. Kung magsasalita ka
ng English dapat mas marami pa rin ang Tagalog sa bawat sentence mo.”
Napaumis ito at pinisil ang ilong niya.
Ngumiti siya rito.
“Okay. Anong reward ko kapag nagawa ko ng maayos?” natawa siya nang first time marinig itong nag-Tagalog. Bagay naman pala rito eh.
“Uhmm, ano bang gusto mo reward?”
“A one big hug—ibig kong sabihin, yakap
mula sayo..” natawa ulit siya doon dahil mas sanay itong mag-English. Tumango siya
at pumayag sa reward na gusto nito. Lumangoy na sila pabalik sa mas mababaw.
Umupo sila sa buhanginan.
“Bakit ka nandito ngayon sa resort
namin?”
“I am a businessman, lagi akong busy sa
work ko, dahil newspaper company ang pinatatakbo ko kaya naman napaka-hirap
gumawa ng oras para sa sarili ko. And then, parang naawa sa akin ang Dad ko
kaya naman binigyan niya ako ng break..for substitution, in-assign niya si
Dream para sa business ko, pinsan ko yun si Dream at very close kami sa
isa’t-isa kaya naman I trust him. Kaya naman naisipan namin ni Jimmy na
magbakasyon dito sa Cam Sur since maganda ang mga resorts dito lalo na itong El
Grande Resort.” Ang sinasabi nito ay ang resort niya. Napangiti siya roon.Teka, bakit nagpapasok si Tita ng isang dayo
na nasa newspaper industry? Ang alam ko kasi, mula pa noon kina Daddy at Mommy,
ayaw nilang magpapasok ng media dahil ayaw nilang dumugin ng sobrang turista
ang beach resort namin. Hayaan mo na..baka nakukulangan na ng security ang
resort..
“Dapat pala akong magpasalamat sa Dad mo
dahil binigyan ka niya ng break, kay Dream dahil siya ang nangangasiwa muna sa
kompanya mo, at kay Jimmy dahil dinala ka niya rito sa resort ko.”
“Oh, I should thank them too. Sabi ko
nga, pasasalamatan ko po sila.” Natatawa talaga siya rito dahil hindi nito
mapigilan ang pagsasalita ng Ingles.
“Bakit ka Inglisero? Laking ibang bansa
ka ba?”’
“Unfortunately, sa Australia ako lumaki.
Nineteen na ako nang umuwi ako dito sa Pilipinas para i-turn over na sa akin
ang Crash Newspaper Company.”
“Bakit naman ‘unfortunately’?”
“Siyempre, if I were born and raised
here in the Philippines, magaling siguro akong mag-Tagalog at hindi ako
nangangapa ngayon para magustuhan ako ng babaeng kausap ko ngayon.” Kinilig na
naman siya roon. Hindi tuloy niya alam kung anong gagawin niya dahil gusto pala
nitong magustuhan niya ito. I may not
like you, but you made me fall for you..
“Bakit hindi ka na nagsalita?” tanong
nito sa kanya, marahil ay napansin nitong natahimik siya. Nakagat niya ang
ibabang labi niya.
“Hindi naman kita magugustuhan kung
magaling kang mag-Tagalog eh. You are doing that para sa isang reward, ‘diba?”
ayaw niya kasing masyadong obvious rito, baka naman isipin nitong gustong-gusto
na talaga niya ito. Ayaw naman niyang magmukhang cheap.
Saglit na namayagpag ang katahimikan.
“you’re right. Para sa isang reward nga pala ang pagta-Tagalog ko ngayon.
Anyway, ikaw naman ang magkwento.”
“Ano naman ang ikukwento ko?”
“Tungkol sa buhay mo..”
“Masaya naman ako sa buhay ko kahit na
lagi akong mag-isa. Wala na ang parents ko dahil sa isang aksidente na pareho
silang nawala two years ago.”
“Pasensya na..”
“Okay lang, naka-move on na ako pero
siyempre naiinggit ako sa iba kong mga kaibigan na may magulang pa, tulad mo. Yung
Tita ko naman, bukod sa busy siya rito sa resort, busy din siya sa mga sarili
niyang business, sabi niya..sa akin din mapupunta ang mga yun dahil ako lang
naman daw ang nag-iisa niyang paboritong pamangkin. Tsaka, siya na rin naman
ang tumayong magulang ko since wala rin naman siyang binuong sariling pamilya
niya dahil puro siya business.”
“I guess, kailangan mo na pala talaga ng
lovelife..”
“Bakit naman?”
“Kapag tinurn-over na sayo ito after one
year, magiging busy ka na at baka matulad ka sa Tita mo na old woman.” Natatawa
nitong sinabi.
“Hindi naman siguro.” Dahil nandiyan ka naman para hindi mangyari
yun. Natawa siya sa sarili naisip.
“Kaya dapat kapag may nanligaw sayo sagutin
mo na agad pero siyempre check his background din muna.”Tinutukoy mo ba ang sarili mo John?
“Siguro nga I need someone..” pwede bang ikaw nalang yun John?
Marami pa silang napag-usapan. Hanggang
sa palubog na ang araw. Pinanood nila iyon. Napaka-ganda talaga ng sunset. Lalo
na at kumikislap ang tahimik na dagat. Para iyong mga diamante na lumulutang sa
dagat.
“Sa tingin ko, tapos na ang parusa ko
para sayo na pilitin kang mag-Tagalog. Masaya ako na nagampanan mo ng maayos
ang challenge mo kaya naman ibibigay ko na sayo ang reward mo.” niyakap na niya
ito ng mahigpit, nasinghot niya ang napaka-bangong amoy nito, parang gusto na
niya doong iburol ang mukha niya habambuhay. Gumanti ito ng yakap sa kanya.
Pagkaraan ay tiningala niya ito habang may ngiti sa labi.
“Salamat.” anito at ngumiti rin sa
kanya. “salamat at nakilala kita Bea.”
“Salamat din.”
“Gusto ko sanang sabihin na hanggang
bukas nalang ako dito..” may lungkot ang boses nito. Siya man ay nalungkot din
doon. Parang hinati ang puso niya sa kaalamang maaaring hindi na sila muling
magkita pa. Natahimik silang dalawa, narinig niyang bumuntong-hininga ito,
nagaya tuloy siya rito.
“Pwede bang—“ sabay nilang sinabi.
Natawa sila at nagkahiyaan na tuloy. Inayos niya ang buhok niya tinatangay ng
hangin.
“Ano na yung sasabihin mo Bea?” untag
nito sa kanya. Ano nga bang sasabihin ko?
“Ha? Ahmm.. ano, pwede bang..mag-extend
ka pa?” nahihiya niyang tanong rito, pero parang hindi tanong iyon, dahil para
siyang humihiling rito. Nakita niyang ngumiti ito sa kanya.
“If I could only pero kasi ang dami kong
problema sa trabaho eh, at panigurado akong nakatambak iyon doon dahil hindi
naman kayang i-handle ni Dream yun lahat. Pero pinapangako kong babalik ako
rito as soon as possible..” masaya siya na pinapangakuan siya ngayon ni John.
Pinilit niyang ngumiti.
“Sana kahit next week..” natawa ito sa
kanya. “what’s funny? I’m gonna miss you John..” madamdamin niyang ipinahayag
iyon rito. Hindi niya akalaing magiging ganito siya ka-showy sa pagmamahal.
“I’m gonna miss you too. Alam mo naman
na gusto kita ‘diba?”
“Gusto rin naman kita eh.” pag-amin niya
sa nararamdaman para dito. Para sa iba, ang cheap niya dahil dalawang araw
palang silang magkakilala ay nagkagusto na agad siya rito. Pero para sa isang
gaya niya na nagmamahal, walang pinipiling oras
at panahon ang pag-ibig, kapag dumating na siya, at alam mong tama ang
lahat ng timing. Grab it before anyone claim it!
Hindi agad nakapagsalita si John para
kasing na-shock pa ito sa confession niya. Tinablan na tuloy siya ng hiya.
“I’m sorry..” nasabi niya.
“Sorry for what? You’re not sorry for
your feelings. Pareho tayo ng nararamdaman, nagulat lang ako dahil hindi ko
akalaing mutual ang feelings natin. Thank you Bea.” Masaya nitong sinabi,
natuwa rin siya roon. Niyakap siya nito ng mahigpit.
“Ang ibig sabihin ba nito, mag-MU na
tayo?” sandali itong natigil. Kinabahan tuloy siya. Pero masaya siya nang
tumango ito. Ngumiti siya rito.
Kinikilig siya sa nararamdaman niya para
kay John. May lovelife na siya ngayon at si John Michael iyon. Hinatid siya
nito hanggang sa village nila. Nagpaalam na rin ito pagkatapos, pinagmasdan
niya ang likod nito habang naglalakad palayo.
Ito yata ang pinakamasarap na tulog niya
dahil alam niyang inlove siya pero ang masakit lang magkakahiwalay sila ni
John, pero nangako naman itong babalik. At aasahan niya ang pagbabalik nito.
Kinaumagahan, maaga palang ay nasa resort
na siya. Nasa labas na rin ng hotel sina Jimmy at John. Hinatid niya ang mga
ito sa exit ng beach resort, naluluha na siya dahil alam niyang medyo
matatagalan ang pagbabalik nito, pero mabilis lang naman ang panahon at
makakabalik din ito agad.
Niyakap niya ito ng mahigpit, ganoon rin
ito.
“Come back John.. Come back..”
paulit-ulit niyang sinabi rito.
“Yes, you’ll be surprised one day. I
will miss you..”
“I will miss you too.” Tumingkayad siya
at ginawaran ito ng halik sa labi. Sa tingin niya normal lang naman na mag-kiss
sila dahil mag-MU naman sila at nasa right age naman na din sila kahit pa
sinasabi nitong nene pa siya. Wala siyang natanggap na response sa halik nito,
marahil ay nagulat na naman ito. Ngumiti siya rito.
“You shouldn’t do that.” Anito. Napahiya
siya dahil sa harap pa mismo ng kaibigan nito sinabi iyon sa kanya, feeling
niya tuloy maling-mali ang ginawa niya. “..hindi tamang ginagawa mo yun sa akin
Bea.”
“I’m..I’m sorry..” hinawakan niya ang
labi niya.
“Leave us for awhile Jimmy.” Ganoon na
nga ang ginawa ni Jimmy. Nauna na ito sa sasakyan. Naiwan naman sila roon ni
John. “bata ka pa, the thing like kissing is for matured people, you’re still
baby and young. But anyway, I know that you’re just going to miss me kaya
ginawa mo yun. You’re forgiven..” seryoso ito sa mga oras na iyon. Bakit
paiba-iba ang mood nito? Neneng na Neneng
ba talaga ako kaya naman bawal ko pang gawin yun? Pero bakit yung mas bata pa
sakin? Dahil ba mas matanda siya sa akin ng halos limang taon? Does it matter?
Tumango nalang siya at ngumiti pero
hindi umabot sa mga mata niya.
“Halika nga rito..” niyakap siya nito.
“you know how special you are to me, tatandaan mo yun ha? Pero always remember
not to give all your love to me, keep something for yourself.”
“Why are you saying that? Hindi ka na ba
babalik? Are you just kidding me nang sabihing babalikan mo ako?”
“Babalikan kita. Ano ba naman ‘yang
iniisip mo? I don’t like breaking promises, and I always mean my words. Okay?”
ngumiti siya roon at tumango. “bye!”
“Bye!” kumaway na siya rito. Naglakad na
ito palayo at sumakay sa sasakyan. “I will miss you so much.. bumalik ka kaagad
John..” nang makaalis na ang sasakyan ay bumagsak ang luha niya.
Sa unang araw palang na hindi sila
nagkikita ni John ay agad siyang nagresearch tungkol sa Crash Newspaper
Company, inalam lang naman niya ang address ni John, wala kasing contact number
doon si John at ayaw din naman niyang makaabala pa kaya naman mas sincere ang
pagbibigay ng letter, para may effort. Pero wala siyang natatanggap mula noon
hanggang ngayon, may parte sa puso niyang gusto ng sumuko pero mas nananaig ang
ala-ala nila ni John.
Five months na ang nakalilipas pero wala
pa rin talaga. Iniisip niyang baka hindi natatanggap ni John kaya iniisip
nitong wala na siyang pakialam rito. Isang araw nagmamadali na pumanhik ang
Yaya Cora niya sa kwarto bitbit ang isang padala mula sa Maynila. Agad niyang
binuksan iyon. Isang letter iyon at mula kay John. Nagulat siya roon at
na-excite.
Dear
Bea,
I
received all your letters, I just can’t find time to answer it because of my
projects and work. Sorry...I know you understand me. I appreciate them all..
and I love it! I missed you so much sweetheart. Here’s my contact number..
09178902289.
Love,
John.
Kinilig siya roon at halos magtatalon sa
tuwa, i-s-n-ave na niya ang numero nito at agad na tinawagan. Ngunit nakailang
tawag na siya wala pa rin sumasagot hanggang sa busy tone nalang ang naririnig
niya. nalungkot siya pero agad ding napalis dahil may nareceive siyang text mula
rito.
I
know this is you Bea, call me later baby.
Kinilig na naman siya. Kahit sa simpleng
text lang ay kinikilig na siya ng husto. Agad naman siyang nagreply.
Okay.
Text me again if your meeting is done. I love you and I missed you...
Hindi na ito nagreply pero masaya pa rin
siya. Nagreview muna siya dahil magmi-Midterm exam na sila. Alas-dose na pero
wala pa ring text si John. Kailangan na niyang tumawag ulit pero ring lang iyon
nang ring. Maya-maya ay may natanggap ulit siyang message.
Baby
please don’t call...
Huh? Pero bakit? Sigurado namang tapos
na ang meeting ng mga ito dahil alas-dose na.
Bakit?
Natutulog ka na ba? You need some rest?
Yeahh.
I’m sorry baby.. call me tomorrow.
Okay..
Nalungkot siya at nahiga na sa kama.
Pinaghintay lang siya nito sa wala. Pero okay lang, at least nagrereply naman
kahit papaano.
Maaga siyang nagising at tinawagan na
ito. Sinagot na rin nito sa wakas.
[“Hello John!! I missed you.. How are
you?”] tanong niya agad rito. Tumawa ito, namiss niya ang boses, tawa, amoy at
lahat dito.
[“Oh how I missed you too baby. I’m
fine, ikaw?”] dinadama niya ang bawat sinasabi nito.
Parang gusto niyang
i-record ang boses nito. Napangiti siya.
[“Okay lang ako. Bakit ganyan ang boses
mo? May sipon ka ba? Ubo?”]
[“Wala. Nagbabago talaga ang boses ng
isang tao through phone.”] oo nga naman!
[“Ahh yes. Sigurado akong pagod na pagod
ka sa mga ginagawa mo. Wag kang magpapaka-pagod, baka magkasakit ka. Pupuntahan
at hahanapin kita diyan kapag nangyari yun.”] tumawa ulit ito. Ngumiti siya.
[“Kumusta ang pag-aaral mo? Next year
ga-graduate ka na.”]
[“Oo nga eh. Okay na okay naman. Ikaw
lang naman ang inaalala ko eh. Kailan ba uli tayo pwedeng magkita? Sa pasko ba
pwede tayong magkita? Sa birthday mo? Pwede tayong magkita?”] December 8 kasi
ang birthday nito kaya kung kinakailangang mag-absent siya sa school gagawin
niya makapagkita lang sila.
[“Hindi muna baby. Let’s just be content
with our communication right now.”] bumuntong-hininga siya dahil sa pagtanggi
nito. Naiintindihan naman niya yun dahil baka hindi pa nga right time.
[“Okay. Hindi na po ako magi-insist.”]
[“That’s my girl. Oh sige na, maliligo
na ako at papasok sa trabaho.”]
[“Okay.. Mag-ingat ka. I love you..”]
pero busy tone nalang ang sumagot sa kanya. Masaya siya dahil nakausap na niya
ito sa wakas. Na-missed niya talaga ito. Nakipagkita sa kanya si Nicole sa
isang cottage ng resort. Naroon din ang
mga kaibigan nila. Niyakap siya ng mga ito. Umupo na sila sa cottage.
“Bea, uhmm hindi naman sa nakikialam ako
sa relasyon niyo ni John pero kasi aksidente lang talaga ang nakita ko kagabi
promise..maniwala ka.” Ani Nicole. Kumunot-noo siya.
“Ano ba yun?”
“May picture siya kasama ang isang
babae..” ibinigay nito ang isang litrato sa kanya. Si John iyon at isang babae.
Parang namumutla si John, baka dala ng flash. Pero sino ang babaeng ito?
Magkaakbay pa ang mga ito. Sumakit ang dibdib niya pero nilalabanan niya iyon.
“ahmm..ang sabi nga sa mga comments, kailan daw ang kasalan?”
“No. That’s not true, magkausap kami
last night. He told me na babalikan niya ako, he liked me and..ano ba naman
kayo. H’wag niyo akong tignan ng ganyan..” naiinis niyang sinabi sa mga ito.
“baka naman friend niya lang yan tapos malisyoso lang ang mga kaibigan nila,
ganun! H’wag nga kayong gumawa ng issue tungkol sa picture na yan!” kinuha niya
ang picture at pinunit.
“May mga friends din ako sa Manila, Bea.
Nagulat nga ako nang malaman kong kilalang tao pala si John Evangelista.
Napaka-playboy daw nun at marami ng pinaiyak na babae—“
“Stop it Shantal! Hindi ganoong tao si
John. Hindi niya lolokohin, he doesn’t like breaking promises and he mean his
words. Ano ba naman kayo! Pati ba naman kayo makikisakay sa mga ganyang bagay?
Alalahanin niyong isa kayo sa dahilan kung bakit kami nagkakilala ni John, kaya
anuman ang mangyari may sagutin kayo sakin! And you call yourselves as my
friends pero bakit napaka-nega niyo na sa akin since maging kami na ni John?
What’s wrong with you girls?”
“It’s not what you’re thinking of Bea.
Gusto lang naming magkaroon ka ng boyfriend na loyal at mamahalin ka talaga. Eh
mukha palang talaga ni John, manlolo—“
“Veaune? I told you to stop that. Hindi
manloloko si John. That’s it. Naiintindihan niyo? Hindi ako magagawang lokohin
ni John, he’s a busy man. At naiintindihan ko siya. Wala kayo sa sitwasyon ko
para i-judge niyo ng ganyan si John.” Pagkasabi nun ay umalis na siya roon.
Naiinis siya sa mga kaibigan niya dahil sa sinasabi ng mga ito sa mahal niya.
Tinawagan niya si John, sagutin mo please... sinagot nga nito
iyon kaya napangiti siya.
[“Kumusta?”] masiglang tanong niya rito.
[“I’m fine. Ikaw?”]
[“Ayos din naman. Uhmm, John? Kailan ka
ba babalik dito? Nami-missed na talaga kita eh.] nalulungkot niyang sinabi
rito. Huminga ito ng malalim.
[“I still can’t baby—John? Hello honey!
I missed you! How are you?—“] napakunot noo si Bea nang makarinig siya ng boses
babae at agad na pinatay ni John ang tawag nila. Bigla tuloy sumilid sa isip
niya ang sinabi ng kanyang mga kaibigan. Kinabahan siya na baka totoo iyon.
Sino ang babaeng iyon?
No comments:
Post a Comment