Dear John by Anne Villahermosa


HINDI na sila muli pang nagkausap pa ni John mula noong araw na iyon. Ilang weeks na rin siyang namomroblema tungkol sa babaeng tumawag kay John. At dahil semestral break, naisip niyang pumunta bukas sa kompanya na pinagtatrabahuhan ni John. Hindi siya papayag na basta nalang siyang balewalain ni John, first time niyang ma-inlove at hindi naman siya papayag na basta nalang siyang iwanan ng kanyang mahal.

Ilang araw din siyang hindi nakakakain ng maayos dahil sa pag-iisip, nag-aalala na nga ang Tita Linda niya ngunit wala itong kaalam-alam kung ano ang pinagdaraanan niya ngayon. Maya-maya ay may kumatok sa kwarto niya. Buong araw ding nakasara ang pintuan niya dahil ayaw niyang may kausap.

“Bea? Bakit ba ang ayaw mong kumain? Ni ayaw mo ring lumabas riyan sa kwarto mo? May dinaramdam ka ba? Pwede mo namang kausapin ang Tita..” anang Tita Linda niya sa labas ng kwarto niya. Nakatayo lang siya sa tapat ng bintana niya habang pinagmamasdan ang dagat. Minsan din siyang kinumbinsi ng Tita niya na mag-nobyo na siya para naman hindi siya nahuhuli sa mga kaibigan niya pero ayaw din naman niya. May mga ilang dayo at taga-Bayan ang ipinakilala sa kanya nitong lalaki ngunit ni isa roon ay wala siyang pinakitaan ng interes. 

Pero si John..si John ang tanging nakabihag ng kanyang puso, at siya lang ang tanging nakapagbigay ng kasiyahan sa kanya, ngunit ayaw niyang isiping ito rin ang makapagbibigay sa kanya ng kirot sa puso. Gumilid ang luha niya sa bigla niyang naisip na iyon. May iba ka na bang mahal John?

Sinubukan niyang tawagan ang number nito pero operator lang ang sumasagot sa kanya. Naluluha na tuloy siya. Naisipan niyang bumaba muna at kumuha ng tubig. Nakita niya ang Tita niya na may kausap sa telepono, mukhang seryoso ang mukha nito kaya naman na-curious siya kaya lumapit siya nang di man lang nito napapansin.

“How dare you to toy my niece’s feelings?” galit ang tono ng boses ng Tita Linda niya. Toy her niece’s feelings? Sinong pamangkin niya? Biglang umandar ang isip niya at lalong na-curious. “pumayag akong pumasok ka sa resort ng magulang niya, pero iyon lang pala talaga ang habol mo? Hindi mo ba talaga siya nagustuhan? Ha?” bigla siyang nakaramdam ng kirot at pag-ikot ng kung ano sa tiyan niya. Si John ba ang kausap ng Tita niya? Naalala niyang mahalaga sa resort ang privacy pero pinapasok ng kanyang Tita si John, dahil ba gusto nitong ma-inlove siya sa dayong iyon? Napaiyak siya ng mahina. Tatapusin niya at pakikinggan niya ang lahat ng usapan ng mga ito.

“How dare you Mr. Evangelista! How dare you! You just toy her feelings for your own good! How can you be that so cruel? Ako na ang magsasabi sa kanya habang maaga pa.. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito John!” pagpapatuloy ng Tita niya sabay ibinagsak ang telepono, panay ang agos ng luha niya. Hindi kasi siya makapaniwalang kakutsaba ni John ang Tita niya tungkol sa pagpapa-ibig sa kanya.

Nang humarap ito ay napasinghap ito, masama ang tinging ipinukol niya rito habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata niya.

“N-narinig mo ba ang pinag-usapan namin ni—“

“Ni John? You asked him, how can he be so cruel to me? Why don’t you ask yourself about the same question? How can you be so cruel to me? He toyed my feelings because you let him to! Ang sama-sama-sama mo Tita! Hinayaan mong saktan niya ang puso ko! Bakit mo sa akin ginawa ‘to? Bakit?” hiyaw niya sa galit, napaiyak na rin ang Tita niya, halos hindi nito alam kung ano ang uunahing sabihin.

“I’m sorry Bea. Ayoko lang naman talagang matulad ka sa akin na walang asawa at pamilyang mag-aaruga pagdating ng panahon. Naisip ko si John, siya ang tipo ng lalaking magugustuhan mo, kaya naman pumayag akong ilagay na nila sa newspaper ang resort ng magulang mo for the sake of your lovelife..”

“For the sake of my lovelife Tita? Tell me, anong sinabi niya sa inyo ha? What did he tell you?!” bulyaw niya rito halos gusto niyang magpapa-padyak sa sobrang galit niya.

“Ah—“

“Minahal ba niya ako? Bakit mo sinabing pinaglaruan niya lang ako? Did he tell you that he didn’t like me? Or love me? Ha?!”

“Bea, I’m sorry..”

“Ayoko ng sorry mo...ayoko! Sagutin mo yung tanong ko...” humahagulhol na siya sa iyak. Napaupo na siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya, para kasing hinihiwa ang puso niya dahil sa nangyayari. Umupo rin ang Tita niya at niyakap siya.

“Kalimutan mo na siya Bea, he didn’t even like you..or love you.. I’m sorry for this darling.. I’m really really sorry...” hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya. Patuloy lang siya sa pag-iyak.

“How can you do this to me Tita? Paano mo nagawa sa akin ‘to? Bakit niyo ko pinagkaisahan? Bakit mo niyo ko sinaktan? Naging mabuti naman ako ahh! I don’t deserve this! I don’t deserve this!!” pagkasabi nun ay marahas siyang tumayo at pumanhik sa itaas at pumasok sa kwarto, kinuha niya ang papel ng address ng kompanya ni John at kinuha ang susi ng sasakyan. 

Bumaba na siya, hinabol siya ng Tita niya. “pupuntahan ko siya..he told me he loved me! Hindi lang ang scenery ng resort ang gusto niya, pati ako...sinabi niyang babalikan niya ako. Mahal niya ako! Mahal niya ako!!” sigaw niya habang pinatakbo na ang sasakyan ng mabilis. 

Nakarating siya ng alas-singko ng hapon sa kompanya ni John sa Makati. Mugto ang mga mata nang pumasok siya sa loob niyon. Agad siyang pumunta sa secretary nito upang tanungin kung nasaan si John, wala raw ito doon.

“Pwes, nasaan siya! Anong address ng bahay niya? Akin na! Akin na!!” sigaw niya sa sekretarya nito. Nagulat ito sa kanya.

“Hindi po pwedeng sabihin Ma’am—“

“Ako ang girlfriend niya, bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya?”

“Sa pagkakaalam po namin ay si Miss Tizon ang girlfriend niya, at nasisiguro kong hindi po kayo si Miss Tizon dahil na-meet ko na po siya.” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng sekretarya. May girlfriend na si John? Sandali siyang napatigil.

“Pero kailangan ko siyang makausap! Kailangan kong makausap si John! JOHN!!” sigaw niya sa lobby. Agad siyang inawat ng mga security at nilabas roon. Nagpupumiglas siya ngunit wala siyang magawa dahil dalawa ang mga ito at basta nalang siyang ibinalibag sa kalsada kaya napaiyak siya sa sobrang sakit.

“Ang dami talagang nagkakandarapa kay John. Haay nako! Ang dami ng pinaluhang puso ng lalaking ‘yan kaya ako..hindi ako mai-inlove sa mga gaya niyang palikero at manloloko! Hmp!” agad nagpanting ang tainga niya kaya agad siyang tumayo at sinabunutan ang babaeng may kausap. Agad rin naman siyang pinatulan ng dalawang babae.

“Hindi totoo ang sinabi mo! Hindi manloloko si John! Hindi niya ako magagawang lokohin!” habang pwersado niyang pinagbubuhol ang mga ito. Agad silang pinituhan ng mga security at dinala sa presinto. Hindi siya nagsasalita habang patuloy sa pagrereklamo ang dalawang babae tungkol sa kanya. Pagkatapos ng warning sa kanila ay pinalaya na rin naman sila. 

Lumong-lumo siya habang pabalik ng kompanya. Gabi na at tiyak hindi rin siya papapasukin ng mga security, kaya naisip niyang doon nalang magpalipas ng gabi at hintayin ang kinabukasan upang makita si John.

Nakasubsob lang siya sa labas ng building. Nilalamok na siya pero magtitiis siya makita niya lang si John. Bakit ako kailangang magdusa? Bakit kailangang ako pa ang makaranas ng ganitong klaseng pag-ibig? Mabait naman akong mamamayan ah? Mabait naman akong estudyante. Nagbabayad ang resort namin ng buwis, wala naman akong nilalabag na sampung utos ng Diyos pero bakit ako pa?

“Miss?” tawag ng isang lalaki malapit sa kanya. Nag-angat siya ng ulo, isang lalaking naka-business suit iyon. Agad siyang napatayo sa pag-aakalang si John iyon ngunit hindi naman pala. “namamaga ang mga mata mo. Teka, sayo ba ang kotse na iyon?” itinuro nito ang kotse niya. Walang gana siyang tumayo. “nasiraan ba ang sasakyan mo kaya ka na-stranded dito?” umiling siya. Kumunot-noo ito.

“Kilala mo ba si John? John Michael Evangelista? Siya ang COO nitong Crash Company. Matutulungan mo ba ako?” sunod-sunod niyang tanong rito. Hindi agad ito nakakibo, naramdaman na niyang wala itong alam sa lahat ng tanong niya. “sorry. Akala ko lang pwede mo akong matulungan..” bumagsak ang mga balikat niya.

“Ikaw siguro ang sinasabi sa akin ni Carrie na sumisigaw sa may lobby para hanapin si John.” Nanlaki ang mga mata niya dahil kilala nito si John.

“Nagta-trabaho ka din diyan?” tinuro niya pa ang building. Ngumiti ito at tumango. Namangha siya. “kung ganoon pwede mo akong matulungang makausap si John?”

“Pwede sana kaya lang gabi na at mukhang hindi mo siya makakausap.”

“Bakit naman?”

“Nagpapahinga na yun kaya kung ako sayo, bukas mo nalang siya kausapin.”

“Iyon na rin ang iniisip kong mangyayari kaya nga nandito ako sa labas para makita ko kaagad siya kung sakaling papasok man siya.” Nagulat siya nang tawanan siya nito, sinamaan niya ito ng tingin. “bakit? Iniisip mo bang nababaliw na ako kay John? Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan namin. Iniisip mo rin bang obsess ako? Wala kang alam! Wala kang alam!” pinagbabayo niya pa ito sa dibdib habang naiiyak na naman siya. Pinigil nito ang mga kamay niya sa pagbayo niya sa dibdib nito. “I’m sorry, akala ko kasi ikaw si John.” Uupo sana ulit siya kaso lang ay mabilis siyang hinatak nito at isinakay sa sasakyan nito.

“Wala akong gagawing masama sayo.” anito habang in-start nito ang sasakyan nito. “h’wag kang mag-alala, hindi mawawala ang sasakyan mo diyan. Pagod na pagod na ang mga mata mo at namumugto pa. Paano ka magkakaroon ng lakas bukas para hambalusin si John kung lutaytay ka at walang tulog?” hindi nalang siya nakaimik sa sinabi nito. Maitsura naman ito at charming ang personality. Medyo nakikita niya nga si John dito lalo na kapag biglang tingin. “would you mind if I ask kung ano bang meron sa pagitan ninyo ni John?”

“Boyfriend ko siya pero pinaglalaruan niya lang ako, gusto kong iklaro ang tungkol lahat sa amin dahil ayoko siyang husgahan hangga’t hindi ko naririnig sa mismo niyang bibig.”

“Ilang months na bang kayo?”

“Five months..”

“Five months? At saan naman kayo nagkakilala?”

“Sa resort namin. El Grande Resort..”

“Oh! I see. Anyway, I am Dream Rivera, and you are?” nanlaki ang mga mata niya. Ito pala si Dream, ang pinsan na tinutukoy ni John. “bakit parang nagulat ka?”

“Ikinuwento ka na kasi sa akin minsan ni John, ang sabi niya noong nagbakasyon siya sa amin, ikaw raw ang nangangalaga ng kompanya habang wala siya.” Ngumiti ito at tumango. “I’m Bea Atienza. Nice to meet you Dream..”

Ngumiti ito at tumango. Nakarating na sila sa isang mansion. Napaka-ganda ng bahay na iyon.

“Bahay niyo ito?” tanong niya kay Dream.

“My house. Walang nakatira dito maliban sa akin at mga katulong.”

“But why? Wala ka pang sariling pamilya?”

Tumawa ito, kanina pa siya nito tinatawanan eh. Inismiran niya ito.

“Wala pa akong sariling pamilya at ulila na ako. Namatay si Dad sa isang cancer, at si Mom naman ay nagkaroon na-depress at inatake sa puso kaya halos magkasunuran lang silang nawala ni Dad.” Nararamdaman niya ang paghihirap sa tinig nito dahil ulilang lubos rin siya.

“Ulila rin ako kaya naiintindihan kita.”

“Ulila ka rin?” tumango siya.  “ohh.. sorry for us.” Ngumiti nalang siya. “coffee or wine?”

“Wala. I’m not a coffee or wine drinker, water can do.”

“Okay.” iniutos nito sa kasambahay ang isang wine at water. Umakyat sila sa itaas. “inaantok ka na ba?” umiling siya. Pumunta sila sa terrace, maulap ang langit at malalabo ang bituin sa langit. Biglang sumilid sa isip niya si John, ang masasayang pag-uusap nila na laging siyang pinauulanan ng papuri, ang unang pagdidikit ng balat nila, ang unang yakap nila, at ang unang pagdidikit ng mga labi nila. Gumilid ang luha niya na agad din niyang pinalis.

“Bea?” untag sa kanya ni Dream. Tinignan niya ito, inabot nito ang baso ng tubig. Kinuha niya iyon at uminom siya. “wala ka bang gustong itanong tungkol kay John?”

“Marami akong gustong itanong pero si John ang gusto kong sumagot niyon. Pasensya ka na.”

“Okay lang. Tama lang na mag-isip-isip ka at tama naman na kung may malalaman ka dapat ay kay John mo itanong.” Hindi nalang siya umimik. Naubos na niya ang tubig.

“Saan ba ako pwedeng matulog Dream?” tanong niya rito pagkaraan. Iginiya siya nito sa isang silid. Napaka-laki niyon. Pumanhik na siya sa loob. “Salamat. Dadalhin mo ba ako bukas kay John?” tumango ito. Ngumiti siya rito. “salamat..” tumango ito, pinagsarhan na niya ito ng pinto. Nang makahiga na siya ay inisip niya ang lahat ng mga sasabihin niya kay John kapag nagkita sila bukas.

Kinabukasan, inabutan siya ng kasambahay ng maisusuot. Naligo siya at isinuot ang puting dress na iyon. Mukhang mamahalin iyon, kailangan niyang magpasalamat mamaya kay Dream. Maya-maya ay bumaba na siya, nasa sasakyan na raw si Dream at hinihintay siya. Sumakay na siya sa passenger seat. Nakatingin lang sa kanya si Dream ngunit walang sinasabing anuman.

“Salamat sa lahat-lahat Dream.” Tumango lang ito at nagsimula ng magpatakbo ng sasakyan. Wala rin silang kibuan sa sasakyan, mas okay na iyon para maipokus niya ang sarili sa 
paghahanda ng emosyon niya. Kinakailangan niyang kumalma at magtiwala.
Nakarating na sila sa kompanya. Bumaba na sila ng sasakyan. Kinabahan siya bigla.

“Bea..” nilingon niya si Dream. “kung anuman ang sabihin ni John, gusto kong mag-sorry bilang pinsan niya. Palakasin mo ang loob mo. Masaya akong nakilala kita, sana hindi ito ang una’t huli. Hintayin mo siya rito sa labas.” Iyon lang sinabi ni Dream at pumasok na sa loob ng kompanya. Ano ang ibig sabihin ni Dream?

Hindi nalang niya pinansin ang sinabi ni Dream, luminga-linga siya sa paligid. Totoong maganda ang Maynila, napaka-taas ng mga buildings, parang ibang bansa pero hindi niya gugustuhing manirahan dito dahil hindi ganoon kapayapa ang lugar. Lagi ngang sinasabi ng mga kaibigan niyang old fashion daw siya dahil ayaw niya sa mga modern things.

“Bea?” biglang bumilis ang tibok ng puso niya pero habang tumatagal ay bumibigat iyon. Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Hindi niya alam kung yayakapin niya ito at sasampalin pero nanaig ang pagmamahal niya kay John kaya naman kusang lumakad ang mga paa niya palapit rito at niyakap ito ng mahigpit. Napaiyak siya sa sobrang missed niya rito. “bakit ka naparito?”

Kumalas na siya sa pagkakayakap at hinarap ito. Ganoon pa rin naman ito ngunit medyo maputla ang mukha nito, pero bagay naman kaya ayos lang. Ngumiti siya rito.

“I just missed you so much..” tumingkayad siya upang halikan sana ito ngunit nilayo nito ang mukha. Gumilid ang luha niya, naalala niya ang sinabi ng kanyang Tita, hindi siya mahal nito at ni hindi man lang gusto. Nagtatanong ang mga mata niyang tumingin rito.

“Tumawag sa akin ang Tita mo, alam mo na raw ang tungkol sa napagkasunduan namin pero ayaw mo raw maniwala.. Bea, hindi ko sinasadyang masaktan ka, I’m sorry pero totoo ang lahat ng sinabi ng Tita mo.” naumid siya at unti-unting parang pinupunit ang puso niya. Napaiyak siya. “you’re nineteen and so young. You don’t deserve this, right? I’m so sorry Bea. I just toyed your feelings. I used you for our company..nandahil sayo, dumami ang nagpa-advertise na mga resorts sa amin. Pinaglaruan lang kita, pinasagot para sa pagtupad ng kasunduan namin ng iyong Tita.” Nakapikit lang siya habang pinakikinggan ang masasakit na sinasabi nito, halos lahat ng iyon ay sampal sa pagkatao niya. Nagmulat na siya ng mga mata. Walang emosyon ang mga mata nito.

“Minahal mo ba ako? O ginusto mo man lang ba John?” umiiyak niyang tanong rito. Hindi ito agad nakapagsalita.

“I’m sorry pero gaya ng sinabi ko I just used—“ sinampal niya ito ng malakas.

“Manloloko! Manggagamit! Kinamumuhian kita John! I hate you! I hate you!” pagkasabi niyon ay kumaripas na siya ng takbo papunta ng sasakyan niya. Pinaandar na niya iyon at bumalik sa Camarines Sur. Lulugo-lugo siyang dumating sa Cam Sur habang pugto ang mga mata. Niyakap siya ng kanyang Tita pero agad niya itong nilayo. Pumunta na siya sa kanyang kwarto at doon umiyak nang umiyak.

Ilang araw matapos ang sem break pumasok pa rin naman siya sa mga klase niya at sa ojt niya pero hindi na siya ganun ka-ganado. Hindi niya rin pinapansin buhat noon ang Tita niya, hindi niya pa ito mapapatawad.

Ilang buwan ang makalipas at graduate na siya bilang Business Administration. Kinausap siya ng Tita niya.

“Bea, I’m sorry for what had happened in a last few months. I’m sorry darling..” sincere na paghinga ng Tita niya ng tawad.

“Papatawarin ko na kayo ngunit ang kondisyon ko ay hinding-hindi ka na dapat makikialam sa buhay pag-ibig ko Tita. At ang huling kondisyon ko, kahit anong mangyari, hindi dapat magkrus ang landas namin ni John Michael Evangelista. Nagkakaintindihan ba tayo Tita?” matigas ang tinig niya. Tumango ito.

“Ipinapangako ko Bea.” Saka niyakap siya nito. Natapos ang party na iyon, nagkausap-usap sila ng mga kaibigan niya.

“Ano bang dapat nating sabihin kay Bea? Congratulations ba o condolence? Tignan niyo naman kasi ang mukha niya? Parang namatayan..” ani Autumn, nagtawanan ang iba niyang mga kaibigan. Hindi lang siya umimik.

“Naku, napasama lalo ang unang pag-ibig ng ating kaibigan..kita niyo ‘yan? Kung hindi sana natin siya pinilit na mag-dyowa, hindi siya magiging ganyan ka-cold, may mistake din kami sayo, friend. We’re so sorry.” Ani Veaune. Ngumiti nalang siya ngunit hindi umabot sa mga mata niya,

Pagkatapos niyon ay umakyat na siya sa kwarto niya. Naiinis siya dahil imbes makapag-relax siya ay naiistorbo siya ng pinsan na si Zarrah. Ang lakas-lakas kasi nitong magpatugtog. Dito kasi muna ito magi-stay ngayong bakasyon. Kumatok siya sa kwarto nito, pinagbuksan naman siya nito habang naghe-head banging pa.

“Will you minimize the sound, Zarrah?” hindi yun pakiusap, kundi utos para sundin niya. Mas nakatatanda siya rito kaya naman pwede niya itong utusan.

“Ate naman.. halika-halika, may ipaparinig ako sayong kanta.” Hinatak siya nito. Makulit talaga ang pinsan niyang ito. In-operate nito ang dvd at tumunog na ang kanta doon.

“Ano na naman ‘yan?”

“Sabi kasi ni Tita mayroon ka daw ex na John ang pangalan kaya ‘yan ang tugtog na ipaparinig ko sayo.”

“What?” nakakunot-noo niyang tanong rito. Tumango ito. Bakit ba hindi nalang ako tantanan ng alaala ni John?


Long were the nights when my days once revolved around you. Counting my footsteps, praying the floor won’t fall through again. And my mother accused me of losing my mind but I swore I was fine.

You paint me a blue sky and go back and turn it to rain. And I lived in your chess game but you change the rules everyday. Wonderin’ which version of you I might get on the phone, tonight. Well I stopped picking up and this song is to let you know why..

Dear John, I see it all now that you’re gone. Don’t you think I was too young to be meesed with, a girl in the dress cried the whole way home. I should’ve known..

Well, maybe it’s me and my blind optimism to blame. Or maybe it’s you and your sick need to give love then take it away. And you’ll add my name to your long list of traitors who don’t understood. And I’ll look back and regret how I ignored when they said run as fast as you can...

Dear John, I see it all now that you’re gone. Don’t you think I was too young to be messed with, a girl in the dress cried the whole way home. Dear John, I see it all now that I was wrong, don’t you think nineteen’s too young to be messed with, a girl in the dress cried the whole way home. I should’ve known.

You are an expert at sorry and keeping lines blurry. Never impressed me by acing your tests. All the girls that you’ve run dry, have tired lifeless eyes ‘cause you burned them out but I took your matches before fire could catch me, so don’t look now I’m shining like fireworks over your sad empty town...

Lumapit sa kanya si Zarrah at niyakap.

“Ayoko na ring ma-inlove kasi nakikita kita na ganyan Ate eh..” napaiyak siya lalo sa sinabi ng pinsan. Gumanti siya ng yakap, parang ngayon lang siya nakaramdam ng masasandalan at mapag-iiyakan. John, you’ll gonna see me shining like a fireworks..someday.


***WAKAS***

No comments:

Post a Comment