PROLOGUE
PINAGMAMASDAN ni Brad…parang batang
inosente, walang kamalay-malay ang natutulog na si Hannah.Sana ay nagdidiwang
na ang kalooban nya sa sobrang tuwa dahil katabi niya sa higaan ang babaeng
pinagpapantasyahan ng maraming kalahi ni Adan.
Nalaman na niya sa wakas ang
buong kwento ng buhay ng babaeng ito. Nakuha na niya lahat ng impormasyong dapat
niyang malaman.Higit sa lahat,sigurado siyang nahuli nya na rin ang loob ni
Hannah dahil sa sobra nitong tiwala sa kanya. Ngayon, sigurado si Brad na
tanging siya lamang ang pinagkatiwalaan ni Hannah sa tanang buhay nito.
Pero
kailangan na niyang bumalik ng Manila para isalaysay kay Carmi ang lahat-lahat
na impormasyong nakuha niya regarding Hannah’s current status. Ngunit hindi maipaliwanag
ni Brad ang guilt na nararamdaman.Gusto niyang paghahampasin ang sarili kung
bakit sa dinami-dami ng babaeng sisirain niya ang buhay, si Hannah Forteza pa
ang nabiktima niya…si Hannah na walang ibang kasalanan kundi ang pagkatiwalaan
siya ng lubos…at sa dinami-dami ng babae sa buong universe,hindi nya magawang kamuhian
ang babaeng ito kahit pa sa tingin nya ay magiging sanhi ng totohanang
pagkakagalit nila ng nag-iisa nyang kapatid na si Carmi ang kasalukuyang
nagaganap sa pagitan nila ni Hannah.Actually it’s so difficult…to let go of the
sweetest girl he ever knew.
“Hey, what’s that strange look mean Brad?”Tiningnan
ni Hannah ng diretso sa mata si Brad. Hindi niya maunawaan ang nais ipahiwatig
ng malalim na titig nito sa kanya.
“Wala, I’m just so happy…that I have you.”
Simpleng tugon ni Brad habang buong pagmamahal na hinahaplos-haplos ang napakabango
at napakalambot na buhok ni Hannah..
How can he ever betrayed this almost perfect
kind of woman? Bawat araw na kasama niya si Hannah at pilit niyang hinahanapan
ng pangit na katangian, lalo namang lumalabas ang sobrang kabutihan sa
personality nito. Lahat ng hinahanap niya sa isang babae kung sakali man na
magpapatali siya sa isang seryoso at tahimik na relasyon ay taglay na lahat ni
Hannah. Ang pinaka-ayaw ni Brad sa ngayon ay ang totoong nararamdaman niya. Her
presence made him crazy! It’s so hard to resist the heat of passion between
them…at ayaw nyang isipin na minsan ganon din ang naramdaman ng kanyang bayaw para
kay Hannah.
“To hell with his damn feelings for this woman!” piping usal nya sa
sarili.Ang mahalaga siya ang unang pinagkatiwalaan ni Hannah ng
lahat-lahat.Ramdam nya rin na totoo ang ipinakikitang respeto nito sa kanya
kahit di pa gaanong katagalan ang obviously mutual feelings nila sa
isa’t-isa.Hindi yata siya makakapayag na umeksena pa ang bayaw niya sa gitna
nila…not because he’s determined to forget his first vengeful interest towards
her,not even because he’s more concerned with his sister Carmi… kundi natatakot
na sya na masayang ang bawat oras at sandali na wala si Hannah sa tabi nya.She’s
all that he ever wanted now!and his guilt, unti-unti syang nilalamon ng kanyang
konsensya.Ang sobrang tiwala ni Hannah,he’s not worth it.
“Brad, hindi
ako nagsisisi na lahat ay naibuhos ko na sayo…nakalimutan kong magtira para sa
sarili ko…I’ve given everything because I trusted you…and I love you that much.”Seryosong
turan ni Hannah.
Biglang nanuyo ang lalamunan ni Brad…wala syang masabi.Deep
inside him,he knew he felt the same way for this woman.Sana he’s so brave to
tell the truth nang ganito kaaga at kadali but he just can’t say a word when
she looked straight into his eyes…isa lang ang nararamdaman ni Brad,she’s a
woman to behold…a sweet little spice for a lovely life ahead.
Is real love enough to fixed everything so easily and take revenged out
of the concept?
I. CROSSROADS ENCOUNTER
“HINDI ka naman kaya masyadong kampante Madam Carmi, na ang inuutusan mo
po ay may-ari ng isang respetadong kompanya?Now, gagawin mo lang Secret Agent masaya
ka!” Hithit-buga ng sigarilyo si Brad habang patuloy na napipikon sa kakulitan
ni Carmi.
“Brad,please…hindi ko pwede ipagkatiwala kung kanino lang ang bagay na
ito,besides pamilya mo rin kami…well, of course sa ngayon…pero promise, after
this favor hindi na kita gagambalain. You can go…look for the woman of your
dream.” Nagtaas pa ng kanang kamay si Carmi tanda ng pangako sa bunsong kapatid
na si Brad para lamang mapa-payag ito na tulungan siyang kumpirmahin ang kutob
na may kinalolokohang babae ang asawang si Jopher.
“Pwede
ba magbayad ka na lang ng eksperto…for God sake ate, this isn’t my type…na
bubuntot-buntot at mag-ispiya sa kalokohan ng iba…if you really believed it as
kalokohan…at itong Hannah Forteza na ito, saang lupalop naman ng earth ito
namumugad at kailangan ko pang mag-pretend na turista just to see her pretty face,
witnessed her generous curves… or extra-ordinary talent and skills na wala ka at
nasa kanya, kaya kinahuhumalingan ng magaling mong asawa?!” Sarcastic na tugon
ni Brad.Umismid ng bahagya si Carmi at padabog na tumalikod kay Brad.
“Hindi bale na nga…ibebenta ko na lang sayo ang mga shares ko sa
kompanya and I will stay in the States for good…malayo sa mga problemang
nakaka- stress at walang pusong kapatid na tulad mo!”Patampo effect ni Carmi.
“Hey,hey! dear sister, you
decided to marry at an early age kaya whether you like it or not, it’s your
responsibility to face all the consequences behind your decisions, bakit naman
biglang ako pa ang naging walang puso ngayon?”Medyo naiirita na rin si Brad.
Hindi na umimik pa si Carmi, konsensya niya rin kasi na siya ang
panganay pero si Brad ang tuluyang nagpalago ng negosyong naiwan ng mga
magulang nila na kapwa nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya matapos maghiwalay
noong nagdadalaga at nagbibinata na silang mag-kapatid. Broken family na nga
ang kinamulatan,halip na tulungan niya muna si Brad to prepare their future ay napa-aga
pa ang pag-aasawa niya bago pa man pumanaw ang mga magulang nila.
Malungkot na
naupo sa receiving area si Carmi, tahimik. Kilala ni Brad ang kapatid,kung ano
ang binibitiwang salita,ginagawa.Baka nga iwan na sa kanya lahat ng shares nito
at manatili na sa America,malalayo siya sa dalawang pamangkin na parang anak-anakan
na niya kung ituring.Magiging tahimik at mas malungkot ang napaka-laking bahay
nila kapag wala ang makukulit na pamangkin.
“Hay naku…” Itinaas ni Brad ang dalawang kamay at iiling-iling tanda ng
pagsuko sa pagka-spoiled brat ni Carmi. “What can I do?…bunso lang ako, kaya
ikaw parin ang masusunod…” Iniwan ang kapatid matapos damputin ang kapirasong
papel na pinagsulatan ng address ng babaeng magiging daan para makapag-pahinga
rin siya for an out-of-town vacation. At least sometimes, makalalanghap siya ng
sariwang simoy ng hangin at natural na lamig ng paligid sa Tagaytay. Subalit
hindi niya dapat kalimutan na ang tunay na pakay niya sa bakasyon grande na ito
ay matunton ang lugar ni Hannah Forteza, dahilan kung bakit nangangayayat sa
stress ang kanyang kapatid sa lumalamig na raw na pagsasama ng
mag-asawa.
Actually, kung si Brad ang tatanungin,eh ano ngayon kung tipong
pinagpapalit ka na sa iba, bakit ba kailangang ipagsiksikan ng isang tao ang
sarili niya if ever…Why not just let go? Tapos! Ganon
kasimple ang prinsipyo ni Brad. Ika niya, “If someone treated you like an option,don’t
make things more complicated…remove yourself from the equation, to solve the
problem.”
Madalas nga sinasabi ni Brad sa mga kaibigang nagsi-share ng related
problems na ganito, “You people are causing your own problems. Pinipilit pa rin
kahit hindi na talaga pwede,kasi puso ang pina-iiral. Just let go! If things
are meant to be it is, if it wasn’t, it never was…”Paboritong linya nya yon. Wala sa
bukabularyo niya ang lumuhod at magmakaawa just to hold on to someone or in any
kind of relationship.Yan ang ugaling namana niya sigurado sa katatagan ng loob
ng nasira niyang Mama na hindi nakuha ni Carmi.Ito rin marahil ang magandang
bunga ng pagiging matatag ng prinsipyo ni Brad. At an early age of thirty, mag-isa
niyang pinalago at itinaguyod ang Leather Company na negosyo ng kanilang pamilya.
Ang passion niya sa Photography ay nandyan pa rin, pero nananatiling pangalawa lang
ito sa priority niyang pagma-manage ng kanilang negosyo.
Napahaba ang tulog ni Brad sa biyahe,hindi niya halos namalayan na
approaching na sila sa nakaka-aliw na lugar ng Tagaytay.Nagsisimula nang
matabunan ng mapuputing fogs ang buong
kalsada kaya’t nagising siya sa humihirit na wiper ng kanyang sasakyan.
“Boss, malapit na po tayo sa ‘La Forteza’.
Ang tinutukoy ng driver niya ay ang address na nakalagay sa Guest House na
tutuluyan nila for a week vacation courtesy of course ni Carmi. Bahagyang
binuksan ni Brad ang salamin ng sasakyan at pinagmasdan ng maigi ang
napaka-condusive na lugar para nga naman sa mga bakasyonistang naghahangad ng
malamig na paligid angkop sa relaxation ng isip at katawan.Umunat-unat at
nagsindi ng sigarilyo kaya pinatay ng driver ang aircon ng sasakyan.Halatang
medyo na-tensed bigla si Brad. Hindi siya sanay sa ganitong mga bagay,ang makialam sa buhay ng iba o
mag-usisa kung anumang kalakaran sa buhay meron ang iba.
“Go to hell Jopher!”
Biglang bulalas ni Brad.Bakit nga ba kailangan madamay siya sa kung anong
kalokohan ang pinasok ng inutil niyang
bayaw.Kahit sa simula pa lamang ng pagsasama nito at ng Ate Carmi niya ay tutol
na talaga siya.Mainit ang dugo niya kay Jopher pero sino ba naman siya para
hadlangan ang kaligayahan ng kapatid.Kaya nga sinadya niyang kumuha ng sariling
condo unit sa Makati para kahit papano may nakabukod siyang lugar na tutuluyan
kapag naiirita siya sa maya’t-mayang pagtatalo ni Jopher at Carmi.This must be
the reason kung bakit nawawalan siya ng ganang makipagrelasyon ng seryoso…not
because he’s afraid of commitment but because he hates to be manipulated.
Matapos makahanap ng maayos na parking area,ay sinalubong na agad sila
ng receptionist. Madali silang inasikaso nang ipakita ni Brad ang reservation slip
na binayaran ni Carmi. Malawak ang lobby ng ‘La Forteza’ na inakala ni Brad na
maliit base sa panlabas na stracture ng building. Puro abstract paintings ang
disenyo ng bawat sulok at dingding kahit sa wifi zone at mini bar
nito.Pagdating sa kwarto,hindi gaanong kalakihan ang de luxe room pero pagpasok
mo pa lang ay ramdam na ang comfort at relaxing ambiance ng buong silid dala ng
pastel color combination ng dinding at furnitures dito.Halatang nature-lover o
kaya artist ang may-ari.
Ngayon naisip ni Brad na if ever totoong karelasyon ng
bayaw niya ang may-ari ng Guest house na ito,possible rin palang makasundo ni
Jopher ang isang nature-lover samantalang napaka-moderno at pa-sosyal ang tipo
nito sa lahat ng bagay na taliwas namang masyado sa estilo niya. Brad is so
flexible and transparent.Mas komportable nga siya with plain white cotton
shirts and jeans kesa sa formal outfit kahit nasa office siya.Pero takaw-
pansin pa rin ang dating ng kakisigan ni Brad na maaaring ipangtapat sa mga
sikat na modelong lalaki worldwide.
Di nagtagal, breakfast is served sa dining table nila Brad at Anton.Si
Anton ang kababata ni Brad buhat sa probinsya ng kanyang ina sa
Pampangga.Parang kapatid na ang turingan nila sa isat-isa bagamat amo pa rin
ang respeto ni Anton kay Brad.Personal driver at tapat na bodyguard na rin at
the same time kesa magbayad siya ng mag-aalalay na hindi niya makakasundo.
“Boss sana lahat ng amo katulad mo…mabait na galante pa.”
“Ha-ha-ha-ha ‘kaw talaga Anton, lalaki ka
ngang tunay…bolero ka eh…kala mo hah, libre lahat yan? Hindi oy!Kapag ako hindi
mo nahanapan ng chicks na matitipohan ko rito…iaawas ko lahat ng ‘to sa sahod
mo okay?”
“Di
mangyayari yan bossing…’kaw pa, kailangan ka pa bang hanapan?Ikaw mismo ang
lalapitan. I swear hindi lilipas ang araw na ito nang hindi magpapa-ramdam ang
soulmate mo rito.”
“Talaga lang hah? Soulmate pa talaga ang term na ginamit mo.”
Mapagbiro nga yata talaga ang
tadhana.Hindi pa umabot ng sampung segundo ay kusang bumukas ang pinto
tuloy-tuloy sa loob ng luxury unit nila ang babaeng nakasuot ng simpleng Adidas
na t-shirt, maiksing maong shorts at casual tennis shoes.Halatang nagulat nang
biglang nakita nito sa dining area sina Brad at Anton,na aktong napatanga naman
ang dalawa sa biglaang pagsulpot ng babae, sabay nangusap ng mata sa mata.
“Oh my!...I’m so sorry hindi ako na-informed na umalis na pala si Jopet…my
guest and a friend of mine. Dito siya sa room na ito nag-stay.Bukas ang door
kaya..akala ko…well..pasensya na talaga,I’m really sorry naistorbo ko ang
pagkain nyo.I just hope you will enjoy your stay here in my place Mr…”
“Ahhm…Brad Collin.Tumayo at unang nag-abot
ng kamay si Brad. …and this is Anton, my
personal driver and assistant.” Dugtong nito.Gumanti naman ng ngiti at tango
ang babae.Mas tumingkad ang ganda nito.
“Oh nice to meet
you Mr.Collin…Hi there Anton…I’m Hannah Forteza.” Sabay abot din ng kamay niya
kay Brad na may katagalan bago nabitiwan ng huli, sa dahilang hindi niya
napapansing sinusuri niya na pala ng tingin ang maamo nitong mukha.Simpleng
babae…pero tila anghel ang aura ng mukha nito. Malamlam ang talukap ng kanyang
mga mata, matangos na ilong at binagayan ng maliit na bibig na tila inukit ang
naka-usli at mapula nitong mga labi.Muli bahagya itong nagpaunlak ng matamis na
ngiti at dumungaw ang mapuputi niyang ngipin.
“Ahh Maam,kain po
tayo…”Biglang alok ni Anton para lamang mapatid ang mahaba-habang patlang sa
pagitan ng dalawa.Tsaka lamang tila napukawan si Brad. “Oh yes…please join us…”
“No… no thanks, may
mga nag-aantay pa sa akin sa lobby…I have to go…pasensya ulit sa
abala…”Paumanhin muli ni Hannah at pasimpleng hagod ng tingin kay Brad.
Hindi makapaniwala si Brad na ang babaeng
ngayon lamang ay kadaupang palad niya, mismong si Hannah Forteza na. Hindi yata
tugma sa isang simple at fragile-looking lady ang maging isang “other woman” o
kabit lamang…and to think halata namang hindi ito naghihirap dahil may ari nga
siya ng isang magarang resort. Malaking investment nang maituturing para sa
isang single woman.
Ngunit aminado si Brad na sa kabila ng simple at angelic na
mukha ni Hannah ay may kakaibang atraksyong hindi niya mawari sa katauhan
nito.Kaya nga halos hirap siyang bitiwan ang malalambot na palad nito nang una silang magkita.Magpahanggang ngayon
ay tila naaamoy niya pa rin ang sweet scented perfume na pumailanlan sa
kalawakan ng silid at ang hand and body lotion nito na dumikit pa yata sa mga palad niya.
Naiinis siya dahil hindi
niya makumbinsi ang sarili na may katotohanan ang kutob ng kapatid niya ukol
kay Hannah.Hindi niya rin maintindihan kung sakali man, ang dahilan kung bakit nagustuhan
ng isang Hannah Forteza ang bayaw niyang si Jopher na napaka-boring, presko at walang
sense kausap.For sure si Jopher ang Jopet na sinasabi nitong bisita last time.
Animo’y Palace in the Sky na rin ang location ng Guest House ni Hannah.Alanganing
tawagin na Hotel cause its so much like a home…napaka-gaan ang aura ng lugar. Higit
na makapal ang fogs dahil may kataasan na ang lugar.Out of curiousity at kasama
na rin sa pakay ni Brad na usisahin ang lahat-lahat ng tungkol kay Hannah,
nagpasya itong lumabas at mag-ikot sa lobby hanggang sa labas na rin. Namataan
niyang nasa gawing pool si Hannah nag-yo-yoga session with a couple of friends.
Para hindi halata ay sumabay si Brad sa iilang binata na tantiya niya ay mga
guests din katulad niya. Sa labas lang of course ang smoking area at malapitang
mapagmasdan si Hannah ang babaeng dahilan ng bakasyon niya na ito. Lagi niyang
nire-remind ang sarili sa totoong pakay.
Si Hannah,
may maliit na beywang,hindi gaanong matangkad pero mala-labanos na kutis mula
hita pataas sa balikat maging sa kabuoang mukha at pisngi nito na nagkukulay rosas sa mahinhing sikat
ng araw.Malusog ang hinaharap nito na kapansin-pansin dahil sa
skinny shirts na madalas nitong
sinusuot.Ang kurba ng katawan nito ay tila isang Barbie na naka-usli ang
namimilog na puwetan.
Sino nga namang lahi ni Adan ang hindi mapapako ang tingin
sa simple pero nakaka-magnetong alindog ni Hannah.Ewan niya pero tila naiinis
siya sa mga kalalakihang guests na naroon sa poolside at halata namang
nag-eenjoy ng husto kapapanood kay Hannah at sa mga friends nito na ka-session
sa yoga.Pero alam ni Brad base sa bulong-bulongan ng karamihang male guests,si
Hannah ang sentro ng eksena.Ganito nga ba ka-attractive ang babaeng
ito?Tinatanong ni Brad ang sarili but he also knew the answer right here…from
his very own eyes. Dahil siya mismo hindi niya maikakaila na halos ayaw na niya
iwaglit sa paningin si Hannah just after their first meeting…
He wished to have another chance to be with her. Wala
siyang karapatan na sarilinin si Hanah but he can’t understand this sudden
feeling of selfishness,na tila naiirita siya o nagseselos kaya sa mga lalaking
nagpapantasya dito.
“Shit! This isn’t
what I suppose to feel for this woman…”Piping usal ni Brad sa sarili.Dapat ay
nagagalit siya dito halip na humanga kasi marahil, mawawalan ng ama ang mga mahal niyang pamangkin dahil sa
pagkahumaling ng bayaw niya sa babaeng ito or marahil ay kasosyo si Jopher sa
pagpapalago ng maliit pero magarang
Guest House na ito. She must be a social climber…a whore and a
home-wreaker!Bakit ba siya kailangang humanga at mahalina sa makamandag nitong
alindog o pigura?
Tiim-bagang niyang muling pinagmasdan si Hannah…mala-diyos, sadyang
hindi matanggihan ninomang lalaki ang kakaibang atraksyon meron ito. Habang
tinititigan sya ay higit na nakaka-akit…lalo na ang mga labi niyang siguradong
mag-aalay ng matatamis na halik.Naiinis sya sa sarili…bakit ba madalas
pumapasok ang idea na ganyan sa utak nya tuwing napapako ang tingin sa mga labi
ni Hannah?Hindi naman siya ganon sa ibang babae na magaganda rin.She’s pretty
yes…but just simple,so fragile…and yet he think she’s dangerous.Hmm… just as
dangerous as he is in his intention with her.Intensiyon ng paghihiganti na
pilit nawawaglit sa tuwing nakaka-ramdam sya ng awa dito…konsensyang di mawari.
I love this story (Lovers sanctuary) written by Clara dayrit...interesting..Hindi kupa tpus basahin PEO interesting n agad.sana mai published gawen pocketbook...pls....comment kayu after read the story
ReplyDeletesiksik sa lessons learned.this story is worth to win and be published.
ReplyDelete