CHAPTER 21
JUNE
02
NAGISING siya dahil sa isang panaginip. Malalakas na tunog ng Kalembang ng simbahan ang
nagpamulat sa kanya. Tahimik naman ang paligid pati ang buong bahay. Bumangon
siya at pinuntahan ang sala, ang kusina ngunit malinis ang mga ito. Ganun din
ang kwarto ng mga magulang walang katao-tao, tiningnan din niya ang kwarto ni
Rica ngunit wala din ito doon. Sumilip siya sa bintana nagbaka-sakaling nasa
hardin lamang ang mga ito ngunit wala. At pati ang dalawang kabayo ni Yana ay
wala na rin. Naalala niyang mamayang tanghali pa ito ipapakuha ni Yana pero
bakit wala na?
"Uy,
Ate! Gising ka na pala?" si Denise ng lumabas ito sa kanyang silid
tulugan.
"Nasaan
si Mama? Si Papa? Pati si Rica?"
"Umalis
silang tatlo. Ate, paalis na rin ako. May project lang kaming gagawin."
paalam ni Denise sabay sukbit ng kanyang handbag at mabilis na lumabas ng
bahay.
"Anong
nangyayari?" kamot-ulo nitong tanong at pinuntahan ang pinto para isara.
She's
about to close the door when someone stopped it. Gulat ang rumihestro sa
kanyang mukha.
"Anong
ginagawa mo dito?"
"Ayaw
mo na ba akong makita?" he said and entered the home without Jen's
invitation.
"Hindi
ba't nagkaliwanagan na tayo? Walang ibang tao dito, umalis silang lahat.
Pwedeng sa labas na lang tayo mag-usap? Baka ano pa ang isipin ng mga tao pag
nakita kang pumasok sa bahay" kinakabahang galit na turan ni Jen.
"Bakit?
Dahil ba may Ken ka na sa buhay mo?" ang tanong ni Sam dito.
"That's
none of your business."
"Pwede
ba kitang maanyayahan sa labas? Kahit ngayon lang."
"Sam,
will you please get out of my life? Tama na. Tahimik na ang buhay ko."
napipika niyang singhal sa lalaki.
"Pag
pinagbigyan mo ako today, I'll promise I'll stay away from you. Ngayong araw
lang Jen" pagsusumamo ni Sam. She don't know if she should trust Sam again
simula kasi ng mga nangyari noon sa kanila ay nawala na rin ang tiwala niya
dito.
"Sam,
umalis ka na please."
"No,
Jen. I'm leaving if you'll not go with me."
"Sam,
please?"
"Ako
ang nagmamakaawa, Jen. Just this time. Tapos, wala na dahil magpapakalayo-layo
na ako. Gusto ko lang maging maayos ang lahat bago ako umalis. More than two
years din akong di matahimik pero ngayong nakikita kitang masaya isa lang ang
tanging hiling ko, ang mapatawad mo na ako ng buong-buo Jen" mahabang
pahayag ni Sam.
Nakikita
ni Jen ang sincerity sa mukha ni Sam. Wala na siyang nararamdaman para dito,
and she's sure for that. At nagpapasalamat din siya na seguro kung hindi
nangyari ang lahat ng iyon she didn't find Ken.
Tinatawagan
niya si Ken para magpaalam but he's not answering baka kasi iba ang isipin nito
na sumama siya kay Sam.
"Hintayin
mo ako, magbibihis lang ako."
"Thanks,
Jen."
*******
Dinala
niya si Jen sa Hotel.
"Anong
ginagawa natin dito?" kinakabahan na tanong ni Jen. She was about to
back-out ng hinawakan siya ni Sam sa palapulsuhan nito.
"Don't
worry wala naman akong gagawin sa'yo eh. May ipapakilala lang ako sa'yo"
Sam assured her.
Kinakabahan
man pero sumama pa rin siya kay Sam. Naagaw ang kanyang pansin sa palibot ng
Hotel. 'May kasal seguro' sa isip-isip niya. The hotel was fully designed. Mula
sa labas hanggang papasok nito.
Hawak-hawak ni Sam ang kanyang kamay habang
binabagtas ang daanan papunta sa isang silid.
Paikot-ikot
ang kanyang paningin sa mga naka-decorate sa paligid at di niya mapigilan ang
mangarap na sana'y sila ni Ken ang ikakasal.
"Here
we are" nasa tapat na pala sila ng isang kwarto. Binuksan ito ni Sam at
nagulat siya sa kanyang nakita.
Si
Rica ang nasa loob at may mga kasama ito at busy'ng-busy sa pag-aayos.
"Anong
meron?" malaking pagtataka niya.
"Maupo
ka na lang. Sige na!" hinila siya ni Rica at pinaupo para ayusan.
"Girls,
Go! We have two hours left!" utos ni Rica sa mga baklang nag-aayos.
"Hoy!
Icang! Ano ito?" pagpapalag ni Jen sa ginagawa ng dalawang bakla.
"Tumahimik
ka na lang diyan ng maging maayos yang make-up mo."
"Hindi
ako magpapaayos kapag di mo sinabi kung anong kabaliwan ito!" namumuo na
ang galit sa mukha ni Jen.
"Okay,
Fine! A-attend tayo ng party."
"Party?
At kailangang si Sam ang susundo sa akin?"
"Jenny,
tama na nga yang pagtatanong. Masasagot din 'yan lahat mamaya."
Malakas
ang kabang kanyang nararamdaman. Something's happening around. May kakaibang
nangyayari. Naluluha na siya sa kaba.
At
mas kinabahan siya when they wore her the Wedding Dress na inilabas ni Rica
galing sa Cabinet ng kwartong iyon. A tears fell in her eyes.
"Rica?
Ito 'yong! 'Yong pangarap kong Wedding gown?" she said in amazement.
Niyakap siya ni Rica.
Nag-Flashback
sa kanyang isip ang mga pinaggagawa nila ni Rica sa Internet noon sa sobra
nilang pangangarap na magsuot ng gown. "Wow!" ang kanyang paghangang
turan ng makita ang isang Wedding Gown.
"Hoy! Ako ang susuot niyan!"
inagaw ni Rica ang laptop sa kanya at naalala niyang dinownload pala ni Rica
ang picture ng gown na iyon at ngayon nandito na suot-suot niya ang damit
na'yon and it's more beatiful than what she seen in the internet.
"Today
is your day, huwag ka ng mag-iinarte diyan" Rica said while smiling with
tears in her eyes.
But
she's wondering, sino ang maging groom? Si Sam ang sumundo sa kanya, hindi
kaya? Hindi. Paanong siya?
"At
kanino ako ikakasal?" naibulalas niyang tanong na ikinatawa ng mga nasa
paligid niya.
"You'll
find out."
"Rica!
Ano ba! Bakit pa kailangang ganito?"
"Because
he wants it too" nakangiting sabi ni Rica.
<<SAM's
POV>>
Masakit
sa kanyang kalooban ang kanyang nakikita. Lihim siyang napaluha, nangarap na
sana kung hindi nangyari ang lahat siya ang makakasabay ni Jen sa paglakad sa
pagharap sa Altar.
Ken
asked him a favor. Nagdalawang isip siyang pagbigyan ito dahil nga sa
masasaktan lamang siya. He still love Jen but he already gave-up dahil sa mga
ilang araw din niyang lihim na pinagmamasdan si Jen mula sa di kalayuan. Sa
nakikita niya ay masaya ang dating nobya.
Sa
unang pagkita nilang muli ay ipinangako niyang babawiin nito ang puso ni Jen.
Gusto na sana niyang umpisahan ang panliligaw ulit ngunit isang malaking
katotohanan ang kanyang nalamam na nagtulak sa kanya para tuluyan ng kalimutan
si Jenny.
Para
sa kaligayahan ni Jen ay ginawa niya ang pinakiusap sa kanya ni Ken. Kung
gugustuhin niya ay itinakas na niya si Jen kanina pero mali, minsan na silang
nagkamali at may naghihintay na siyang pananagutan, isang responsibilidad na
isang bunga ng kanyang kapusukan.
Hindi
na niya kinaya pang manuod ng kasal ng kanyang minamahal kaya umalis na lang
siya pagkatapos niyang ihatid si Jen sa Hotel.
Namangha
si Jen sa nakita niyang kanyang sasakyan. "Kaya pala nawawala kayo sa
bakuran dahil nagpa-Saloon din kayo" kausap niya sa mag-asawang kabayong
sina Psyche at Cupid. The Calesa was designed kagaya sa mga sinaunang Spanish
Calesa noon.
Her
heart beats faster and faster habang papalapit sila sa simbahan. Ilang minuto
lang kasi ang lalakarin ng kabayo bago makarating sa simbahan. Sumusunod ang
dagundong ng kanyang dibdib sa bawat tunog ng yapak ng mga paa ng kabayo sa
sementadong daan.
No comments:
Post a Comment