Short Story Writing Contest Entry #2 : Isang Linggong Pag-ibig by Honey Cathleya



Teaser:

Hindi akalain ni Eliza na ang pag-ibig na dumating sa kanya ay siyang makakasakit rito ng sobra-sobra.

Paano niya makakalimutan ang lalakeng bawal naman pala niyang mahalin? na kahit kailan ay alam niyang hindi magiging kanya dahil nakatakda ng maitali sa isang babae.


PART 1

NASA isang resort si Eliza at ang kaibigan niyang si Paulene for a one week vacation. Actually hindi lang for vacation ang sadya nila sa resort, naroon sila upang maghanting umano ng mga matchong may anim na pandesal,

"Girl ano ba! Hindi pa ba tayo lalabas?" ani Paulene kay Eliza habang nasa kuwarto sila ng hotel kung saan nagpareserve ang dalaga.

"Masyado ka namang excited. Kararating lang natin baka puwedeng magpahinga muna tayo," aniya.

"Ano ba naman. Akala ko ba maghanting tayo ng fafaness?"

"Pagod ako Pau, tomorrow nalang okay!?"

"Liz naman eh!" anitong napapadyak.

"Hay, naku! kung gusto mong lumabas go.. Basta ako magpapahinga muna at bukas na maghanting ng mga abs."

Wala ng nagawa pa si Paulene nang nahiga na ang kaibigan.

Napakamot nalang sa ulong napa-upo sa gilid ng kama.

"Para ka naman kasing mauubusan malay mo bukas nagkalat ang mga matcho sa dalampasigan, tignan mo nga oh alasnuwebe na ng gabi," turan niya habang nakahiga.

"Oo na! matulog kana," anito.

"Sabunutan kaya kita riyan, marunong ka ng magtampo sa akin ngayon ah! Gusto mo ngayon din magpapabook ako ng flight pabalik sa Manila,"  kunwaring pagbabanta niya.

Napalingon si Paulene rito. Kita nito ang kaseryosohan sa mukha ni Eliza kahit nag totoo ay biro lang naman niya. "Liz naman, nagbibiro lang naman ako eh!" anitong napangiti.

Kilala na nito si Eliza dahil mula Elementarya ay magkaibigan na sila.
Kapag pagod ito ay alam nitong kahit maglumuhod pa sa harapan niya ay hindi ito sasama.

Pareho silang galing sa kilalang angkan at magkasosyo pa ang kanilang mga magulang sa negosyo.

"Kung gano'n ay matulog ka na!" aniya.

"Eto na nga ina-ayos ko na ang unan ko," anito.

"Good, huwag kang mag-alala bukas ay maghapon tayong maghanting ng mga fafa," nakangiting turan niya.

"Promise mo 'yan ah,"

"Promise!"

"Okay, good night na,"

"Good night din," tugon niya. Saka na umayos nang pagkakahiga. Gano'n din si Paulene.
Maya-maya pa payapa na silang nakatulog.

KINABUKASAN ay maagang nagising si Paulene.

Nakaligo na't lahat-lahat, nagrereklamo na rin ang mga alaga nito ay hindi parin nagigising si Eliza kaya napagpasyahan nitong gisingin na lang ang kaibigan. 

"Liz, wake up!" anitong sinabayan ng pagyugyog sa balikat ng mahimbing pang natutulog na kaibigan.

"Hey, girl wake-up!" ulit nito. Bahagya namang gumalaw ang dalaga saka unti-unting nagdilat ng mga mata.

"Why? it's too early pa Pau gisingin mo ako around 5 am;" aniyang sa tinatamad pang boses.

"Get up! It's too early ka dyan, Princes Eliza Villamayor almost eight na nagugutom na ako," paghihimutok nito.

Napabalikwas ito ng bangon sa tinuran ni Paulene.

"What?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?!"

"See, Kapag nasa totoong mundo tayo tiyak alasingko pa lamang ng umaga ay dilat kana!" taas kilay na sabi nitong ang tinutukoy ay tungkol sa trabaho.

"Iba doon eh! narito tayo para mag-rest at magrelax, hmp! hindi ko tuloy nakita ang sunrise sa beach."

"Kasalanan ko gano'n?!"

"Hindi ka naman kasi nag-set ng alarm eh!" pagmamaktol niya.

"Hayaan mo bukas makikita natin ang sunrise, mag-set ako ng alarm mamayang gabi promise! pero sa ngayon ay maligo kana at ng makababa na tayo para makalamon."

"Gumaganti ka ah!" kunway pairap niyang sabi. Tumayo na rin ito at nagkakad papasok sa banyo.

"Bilisan mo't baka tutong nalang ang maabutan natin sa restaurant," pahabol nitong sabi.

"Sure, 20 minutes okay na ba!?"

"Huwag ka ng maligo!" anito, pero huli na dahil nakapasok na nang banyo ang dalaga.

Inorasan pa talaga nito ang naliligong kaibigan.

Wala pang dalawampung minuto ay nakalabas na ito ng banyo.

"Ino-orasan mo ako noh?" wika niya.

"Halata ba?"

"Hindi naman, halatang-halata lang,"

"Magbihis kana, magkaka-ulcer ako sa'yo,"

"Okay, onother 15 minutes,"

"Liz naman parang awa mo na mabubutas na mga lamang loob ko dahil kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko please!!!.."

Humagalpak ng tawa ang dalaga dahil sa itsura ni Paulene. "Fine," aniyang nakatawa parin.

Isinuot na niya ang kulay puting bulaklaking bestida niya.

Tamang tama lang naman dahil nasa resort sila at summer naman.

"Ngayon ko lang nakita 'yan ah!," wika ni Paulene.

"Ang alin?"

"Iyang damit mo."

"Kakabili ko lang noong isang araw ito,"

"Bakit hindi mo ako sinama, nagshoping ka pala."

"Hindi ako nagshoping, nagkataon lang na may pinadaanan sa akin si mommy sa mall. Nakita ko ito nagandahan ako kaya binili ko," paliwanag niya.

"Gano'n ba? Tara na," anito.

"Oo na," aniya sabay dampot sa cellphone niya at saka isiniksik sa pouch niya.

"MABUTI'T naisipan mong magbakasyon muna?" ani Cris kay Rich. Habang papasok sa restaurant na pag-aari ng resort.

"Oo nga eh! masyadong naging pagod ang isip at katawan ko dahil sa pagsasa-ayos ng nangyaring problema sa kumpanya.,"

"So narito ka para magrelax? nakakapressure ba ang nalalapit ng ikasal?"

"Gano'n na nga, salamat at sumama ka sa akin."

"Well, okay na rin para naman maiba muna ang mundo natin hindi puro papeles ang nasa harapan natin,"

Natigil nalang silang magkaibigan sa pag-uusap ng nasa harapan na sila ng counter.
Nagmamadali namang pumasok si Paulene sa restaurant.

"Bilisan mo naman Liz," anito sa kaibigan

"Mauna kana nga! para ka namang hindi kumakain ng isang buwan,"

Inaayos kasi niya ang lama ng pouch niya baka kasi may mahulog kapag dumukot siya ng pera. Naroon pa naman ang mga ID niya.

Habang nakasunod kay Paulene papuntang counter ay nasa pouch parin ang paningin niya kaya hindi niya nakita ang pagpihit paharap ni Rich dala ang tray na kinalalagyan ng pagkaing inorder nito. Serve your self kasi ang resto.

"Ay, kabayo!" bulalas niya ng mabunggo sa kung sinong nilalang. Ang damit niya ang una niyang tinignan.

"Oh my!" aniyang natingin sa damit niyang ngayon ay nagmistulang Christmas tree dahil sa naibuhos na iba't ibang putahe ng ulam.

"Miss, okay ka lang?" tanong ni Rich sa dalagang nakabanggaan.

Napa-angat ito ng tingin na nakataas ang kilay pero sa isang iglap lang ay nagbago ng makatitigan ang ubod ng guwapong nilalang na nasa kanyang harapan. Pakiwari'y tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo.

"Hey, miss are you okay? sorry ah may tumatawag kasi kaya hindi ko nakita na may kasalubong ako," muling sabi ng binata.

"Ang guwapo," piping usal niya.

"Liz, what happened?!" bulalas ni Paulene na siyang nagpabalik sa kanyang diwa.

Nagbawi ito ng tingin.

"I-im sorry," kandautal niyang sambit.

"Kasalanan ko naman miss, hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko," anang binata.

"Ako rin naman, pasensya kana rin,"

"Anyway I'm Rich," pakilala ng binata sa sarili at inilahad pa ang isang kamay sa dalaga.

"E-Eliza," nahihiya niyang sambit. Nakipagkamay naman siya sa binata.

"Hi, I'm Paulene," singit naman ni Paulene.

"I'm Cris," ang kaibigan ni Rich na  nakalapit na rin sa kanila. Ito na rin ang Nakipagkamay kay Paulene.

"Pau balik ako sa room natin kailangan kong makapagpalit, mauna ka nalang kumain," paalam niya.

"I'll go with you nalang," anito.

"Huwag na, babalik rin naman ako kaagad,"

"Sasamahan nalang kita," saad ni Rich.

"Hindi na,"

"Mabuti pa nga-, ano ba ulit pangalan mo?" ani Paulene.

"Rich," anang binata.

"Ah, sige Rich samahan mo na,"

Pinandilatan ni Eliza si Paulene pero hindi iyon pinansin nito.

"Halika na Cris, sabay na tayong kumain," anyaya nito sa kaibigan ni Rich sabay hatak sa braso ng huli.

Nauna namang naglakad si Eliza palabas ng restaurant. Napasunod nalang rito si Rich.

"Bakit parang lumakas ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa malaanghel na mukha niya," mahinang sambit nito.

"Hey! sasamahan mo ba talaga ako o hindi!?" dinig nitong sabi ni Eliza na nasa harap na pala ng elevator.

Napabilis nalang ang paglakad niya.

Habang nasa loob ng elevator ay malapit na malapit sila sa isa't dahil may mga kasama sila.

Nahapit pa ng binata ang baywang niya ng may isang pumasok galing 3rd floor.

Nakaramdam tuloy siya ng kiliting di niya maipaliwanag.

Dikit na dikit ang katawan nilang dalawa..

Samyo niya ang pabango nitong napakasarap langhapin.

Tahimik naman si Rich pero ramdam nito ang pagkabuhay ni totoy habang hawak sa baywang ang dalaga at naa-amoy ang buhok niya.

Nagpasalamat nalang ito at nakamaong pants siya.

Bumukas ang elevator sa ikalabing-apat na palapag.

Kanina ay baywang niya ang hawak ng binata, ngayon naman ay ang kamay niya. Ilang milyong boltahe ng kuryente ang naramdaman niyang nanalaytay sa buong pagkatao niya.

Feel na feel ni Rich ang ginagawa nito sa dalaga. "Damn! hindi naman ako ganito kay Nadia pero bakit sa kanya nagagawa ko? gayong kakakilala pa lang namin," piping usal ng binata.

NANG nakapasok na sa loob ng okyupado nilang kuwarto ang dalaga ay napapikit, napakagat labi at kung anu-ano pa ang ginawa niya dahil sa nararamdamang kilig.

"Kung araw-araw ba naman akong mabubuhusan ng lutong ulam at kasing guwapo niya ang makabangganpan ko di bale ng magmistulang Christmas tree ang damit ko, yyyiieee..!!!" wika niya sa sarili.

Nang nakaget-over na sa kilig ay saka niya binuksan ang di kalakihang maleta na naglalaman ng mga gamit nya.

Isang light blue na tube na gatuhod ang haba ang napili niya.

Maya-maya pa ay pinagmamasdan na niya ang sariling repleksyon sa salamin. "Perfect!" sambit niyang nakangiti.

Rich was about to knock her door pero bumukas iyon, para lang naitulos ang binata pagkaita sa dalagang lumabas mula sa pintuan.

"Hey! anyare sayo!?" untag niya kay Rich na nanatiling nakatitig sakanya.

Natauhan naman ang binata at agad nagbawi ng tingin saka nagsalita. "Nothing!" nahihiya nitong sambit.

Samantalang wala namang pakialam sina Paulene at Cris kahit may katagalan ang pagbalik ng dalawa dahil nag-eenjoy sila sa kanilang kuwentuhan.

Tahimik lang ang dalawa habang sakay ng elevator.

Napapatingin ang binata sa dalagang nakatayo sa kanyang tabi.

Sa paningin kasi nito'y kakaiba ang taglay na kagandahan ni Eliza.

'Yon bang natural na ganda, walang bahid ng make-up o kahit lip gloss lang sana, lantad ang maputi at makinis niyang balat na lalong pinatingkad ng suot niyang damit.

"Matutunaw na ako sa mga titig mo," turan niyang ikinagulat ng binata.

"Sorry, I like your beauty!" anito.

Napatitig tuloy ito sa guwapong mukha ng binata at pakiramdam niya ay nagtatalon ang kanyang puso sa sinabi nito. Beauty palang 'yon ah, how much more kung I love you na baka himatayin na siya.

Nanahimik siya hanggang sa nakabalik na sila sa restaurant kung saan sila nagkabanggaan kanina.

Masayang nagkukuwentuha sina Cris at Paulene.

Tumikhim si Eliza na nagpatahimik sa kanyang kaibigan. "Ehheemm!"

"Nandyan na paka kayo," anang napalingong si Paulene.

"Kanina pa! umiral na naman ang pagkamadaldal mo, Cris pasensya kana sa kaibigan ko, ganyan lang talaga 'yan," aniyang binalingan si Cris.

Ngumiti ang binata bago nagsalita. "Actually, nag-eenjoy akong kausap siya, hindi boring," anito.

Sumingit naman si Rich. "Maupo kana lang dito Eliza, Ako nalang umorder ng food natin,"

"Sure ka?" aniya.

"Yeah!" tugon nito. Bago nagtungo sa may counter ay makahulugang tingin ang ipinukol nito sa kaibigang si Cris.

Tumango ito, nangangahulugang nakuha kung anong ibig sabihin ng mga titig nang kaibigan.

Habang naghihintay sa binata ay tahimik lang itong nakamasid at nakikinig sa dalawang kasamang nag-uusap.

Parang hindi siya nag-eexist sa lagay na 'yon dahil tila may sariling mundo si Paulene at Cris.
Ilang sandali lang ay nakabalik na si Rich bitbit ang tray na naglalaman ng mga pagkaing para sa kanila ni Eliza.

"Let's eat," anito ng nailapag na lahat.

"Ok, thanks," anang dalaga.

Tahimik silang kumakain pero ang paligid nila ay napakaingay dahil sa usapan ng dalawang kasama nila sa lamesa.

Hindi maiwasan ni Rich ang hindi mapasulyap sa dalaga na maging sa pagnguya ay niya napakasimple para sa kanya.

"Liz, total wala naman tayong kasamang boyfee, Okay lang ba sayo na sila nalang kasama natin?" saad ni Paulene na nagpatigil sa pagsubo niya.

Nagkatinginan sila ni Rich.

"Well, that's a good idea," salo ni Rich.

"Nakakahiya kaya," wika niya.

"Wala rin naman kaming kasama kaya okay lang," ani Cris.

"Huwag ka ng tumanggi Liz please!" si Paulene.

"Fine!" anya.

"Thank you!" ani Paulene na napayakap rito. para lang mabilaukan ito.


PART 2

MAGHAPONG kasama nila ang dalawang binata.

Naghiwa-hiwalay lamang ang mga ito bandang hapon kaya nakapagsolo ang magkaibigang Rich at Cris.

"Pare mukhang iba ang tama mo kay Eliza huh!"

"Ewan ko ba pare, kakaiba siya eh!"

"Naku pare, huwag mong hayaang mahulog ng todo ang loob mo sa kanya,"

"Sana lang kaya ko Cris, sa nararamdaman ko ngayon mukhang malabong makaiwas ako sa kanya,"

"Kayanin mo pare,"

Napabuntong hininga na lamang ito at hindi na muling nagsalita pa.

SAMANTALA.. 

"Ayyiiieehhh... Kapag nga naman sinusuwerte guwapo na ang kusang dumarating at hindi na kailangang huntingin," turan si Paulene.

"Na-inlove kana agad dyan!" ani Eliza.

"Nagsalita ang hindi nainlove! hay naku Liz kahit sinong makakakita sa paraan ng titigan niyo ni Rich alam na ang nais ipahiwatig,"

"Ang dami mong alam, maligo kana nga!" pag-iwas niya.

"Oy! umiiwas, aminin na kasi, crush mo siya no?!" pangungulit ni Paulene. Kiniliti pa sa tagilaran ang kaibigan.

"Pau ano ba!" aniyang nakangiti dahil sa kiliti.

"Aminin mo na kasi,"

"Oo na! oo na! tigilan mo na ang pangingiliti," pag-amin niya. Alam niyang hindi siya titigilan ni Paulene hangga't hindi siya umaamin.

"Okay, maliligo na ako," anitong mabilisang nagtungo sa shower room.

Napahiga siya sa kama habang hinihintay matapos si Paulene sa paliligo.

Sa kanyang pagkakahiga ay nabuo sa kanyang imahinasyon ang mukha ng binatang nakilala niya kaninang umaga at kasa-kasama niya maghapon.

"Duh! What's happening to you Eliza?" kastigo niya sa sarili.

Napangiti siya habang inaalala ang mga nangyari sa maghapon.

Mula sa banggaan nila, sa pagsama nito sa kanya para makapagpalit ng damit ang hapit sa baywang at ang holding hands nila.

Kilig na kilig ang dalaga sa isiping 'yon.

"Oy imagining the moments!" bulalas ni Paulene. Para lang mapabalikwas dahil sa pagkagulat.

Tawa naman ng tawa si Paulene.

Hindi nito napaghandaan ang pinalipad na unan ni Eliza na tumama sa mukha nito. "Ang sama mo talaga!" pairap na sabi niya.

"Para kang sira dyan! nakangiting mag-isa," anitong hinagis ang unan pabalik sa ibabaw ng kama.

"Dahil doon, manggugulat kana!?"

Patuloy parin sa pagtawa si Paulene dahil sa namumulang mukha ng kaibigan.

"Sorry na," anito.

"Tse!" aniya.

"Maligo kana, maya-maya lang nandyan na sila," anitong ang tinutukoy ay ang dalawang binata. Sinabi kasi ng mga itong susunduin sila para sa hapunan.

Walang imik na tinungo niya ang banyo.

Napailing nalang si Paulene,

Alam na alam niya Kapag napana ni kupido ang puso ng kaibigan. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Rich na ubod ng guwapo at napakagentleman.

"Well, huwag kang hibang Pau! si Cris ang type mo hindi si Rich which means na ikaw ang hindi magkakagusto sa kanya," wika nito sa sarili.

"Hindi lang pala ako ang nag-iimgaine!" ganting panggugulat ni Eliza.

"Juice miyo!" anitong napalingong bigla.

Malutong na halakhak ang pinakawalan ni Eliza dahil sa reaksyon nito.

"Sira ka talaga! Mabuti nalang at healthy ang heart ko!" nakaingos nitong sabi.

"Para maranasan mo naman kung paano magulat," aniya. sabay talikod at hinarap ang salamin.

Napakamot sa kanyang ulo si Paulene.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig na sila ng katok.

"Ako na!" presenta ni Paulene na kulang nalang liparin na ang pintuan.

Naiiling nalang siyang napasunod.

Napagbuksan nito ang dalawang binatang nakasuot na lamang ng polo shirt at maong pants.

"Hi," bati ni Cris.

"Hi, tamang-tama ang dating niyo ready na kami," anitong todo pakyut.

"Where's Eliza?" tanong ni Rich.

"Nasa loob, wait lang tatawagin ko na," anito.

"No need, I'm here!" si Eliza na nasa likuran lang pala nito.

"Hi, let's go," anyaya ni Rich sa kanya.

Ngiti lang ang itinugon niya sa binata.

Naunang lumabas si Paulene.

Bago nila iniwan ang kuwarto ay sinigurado muna nilang nakalock ito dahil naroon lahat ng gamit nila.

Kumuha lang sila ng tig-isang libo at isinilid sa bulsa ng suot nilang short.

"Doon kaya tayo kumain sa dalampasigan," suhestyon ni Paulene.

"Puwede rin," si Cris.

"Liz ano? magsalita ka naman dyan!" baling nito sa kaibigang tahimik lamang sa tabi ni Rich.

"Kayo nalang ang bahala," aniya.

"Mukha ngang mas okay doon," si Rich.

Wala ng nagsalita pa dahil bumukas ang elevator.

Hinawakan ni Rich ang kamay niya. Napatingin siya sa binata.

Naroon na naman at ramdam niya ang bolta-boltaheng kuryenteng nanalaytay sa kanyang buong pagkatao.

Nang nasa loob sila ng restaurant ay nakuha niyang nagsalita.

"Let's just take dinner here," aniya.

Napalingon si Paulene rito.

"What?!" bulalas nito.

"You heard me Pau," aniya.

"Fine," pagsuko nito.

Hawak-hawak parin ni Rich ang isang kamay niya habang namimili ng pagakain.

"Liz anong gusto mo?" tanong ng binata rito.

"Sea foods," sagot niya.

Ang holding hands ay napunta sa akbay. Napatingin siya sa braso ng binatang nakapatong sa balikat niya.

Hinayaan na lamang niya. "This is my moment," piping sambit niyang palihim na napangiti.

Crab at shrimp ang pinili ni Rich.

"May gusto kapa?" tanong nitong muli s kanya.

"Okay na 'yan," aniya.

Pilyang ngiti ang laging ipinupukol sa kanya ni Paulene tuwing magkakatingin silang magkaibigan.

"Ako na," anang binata rito. Nahihirapan kasi itong himayin ang pagkalaki-laking alimango.

"Okay lang, kaya ko na," protesta niya.

"Baka masugatan ka pa," balewala nitong sabi.

Buong alimango ba naman kasi, ibang-iba sa kinakain niya sa mga restaurant sa Maynila.

"Here," anang binata matapos maalis ang shell ng alimango.

"Thanks," aniya.

Matamis na ngiti ang sininagot nito sa kanya.

They enjoy eating their dinner, Lalo na siya pati pagbalat ng shrimp ay si Rich ang gumawa, kulang nalang ay subuan niya ito.

Bago sila lumabas para magpunta sa dalampasigan ay bumili muna sila ng mga junkfoods at drinks.

Balik akbayan moment ang dalawa.

"Look at them," saad ni Cris kay Paulene.

"Yeah ang sweet nila, para silang magnobyo," anang dalaga.

"Gayahin natin gusto mo?"

"Kung okay lang sayo, why not! nakakainggit nga eh!"

Walang salitang inakbayan siya ni Cris.

Isa sa mga cottage ang inkyupa nila.

Malamig ang simoy ng hanging nagmumula sa ibayong dagat.

"Maglakad-lakad muna tayo," anyaya ni Paulene.

"Ayoko, busog pa ako eh!" pagtanggi niya.

"Hhmm, Cris tara samahan mo akong maglakad-lakad," baling nito kay Cris.

"Sure," anang binata.

"Pare huwag kayong masyadong lalayo," bilin ni Rich.

"Ok," tipid nitong sagot sa kaibigan.

Naiwan silang dalawa sa cottage.

Katahimikan ang panandaliang namutawi sa kanilang dalawa.

Hindi naman natiis ni Rich kaya ito na ang unang nagsalita.

"Eliza," sambit nito.

Napalingon sa gawi nito ang dalaga. "Yes!" aniya.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong gusto kita?" walang bikig sa lalamunang saad nito.

Napanganga siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binata.

Rich held her hands.

"Ri-Rich, kakakilala palang natin," nabubulol niyang turan.

"Hindi basehan kung gaano mo katagal kakilala ang isang tao, Believe me I like you Eliza," muli nitong sabi.

Hinawakan ng binata ang baba niya. "Look at me," pabulong niyang sabi.

Nagtama ang kanilang paningin.

Unti-unting inilapit ni Rich ang mukha nito sa mukha niya.

Sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi.

Masuyong halik na Unti-unting lumalim dahil kusa ng gumalaw ang mga labi ng dalaga at tinugon ang halik nito.

They both start maoning.

Napapikit siya at kusa nang yumapos ang kanyang braso sa batok ng binata.

Sinubukang pasukin ni Rich ang kaloob-looban ng kanyang bibig.

Kanya ngang napagtagumpayan. Pinagsasaluhan nila ang mainit at nakakabaliw na halikan.
Kapuwa nila habol ang hininga ng saglit na binatawan ang labi ng isa't-isa.

"I love you Eliza," sambit ng binatang habol parin ang hininga.

"Rich, ano na bang pinagsasasabi mo?"

"Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko, Huwag kang mag-alala hindi kita pipiliting mahalin ako, Isa lang ang paki-usap ko hayaan mo akong nasa tabi mo at patutunayan kong mahal talaga kita kahit ngayon lang tayo nagkakilala.

"Aamin ko sayo Rich kanina ng makita kita iba ang kabog ng dibdib ko, kaninang hawak-hawak mo ako bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko kinokoryente ako sa tuwing nadidikit ang balat ko sayo, ayokong magsinungaling sa sarili ko dahil ang totoo gusto rin kita," walang bikig sa lalamunang pagtatapat niya.

Sumilay ang ngiti sa labi ng binata. "Talaga! so tayo na?"

Tumango siya bilang kasagutan.

Niyakap ito ng binata. Pagkatapos ay muling inangkin ang mga labi niya.

Halos ikapugtong muli ng kanilang hininga ang halikang namamagitan sa kanila.

"I love you," sambit ni Rich ng naghiwalay ang kanilang mga labi.

"I love you too," tugon niya saka ipinilig ang kanyang ulo sa dibdib ng binata.

"Tara doon sa may bonfire," maya-maya'y anyaya ni Rich sa dalaga.

"Okay," aniya.

Magka-akbay silang naglalakad palapit sa dalampasigan.

Nagkakasiyahan ang mga naroon.

Niyakap ito ng binata mula sa likuran.

"Thank you," bulong niya rito.

"For what?"

"For making me happy and letting me do this,"

"As my boyfriend you can do what ever you want to me aside from one thing,"

"Yeah, I got it sweety don't worry okay." anito sabay halik sa batok ng dalaga.

Maglakad-lakad na rin muna tayo maliwanag naman ang sinag ng buwan," anyaya niya.

"Okay, let's get out of here, gusto ko every single moments natin ay maging memorable,"

Magkahawak kamay sila habang naglalakad sa dalampasigan.

Maya-maya ay napatili nalang ang dalaga dahil sa di inaasahang pagkiliti sa kanya ng binata.

"Rich naman eh! lakas kaya ng kiliti ko dito," aniya.

"Oh di gumanti ka," paghahamon nito sa kanya.

Lumayo ng bahagya sa kanya ang binata.

"Ang daya mo! lumalayo ka naman."

"Habulin mo ako. come on sweety,"

Para silang nga paslit na naghahabulan.

"Ayoko na! pagod na ako," pagsuko niya,

"Dali na Habulin mo na ako, hindi na ako tatakbo," anitong nakangiti.

"Promise?!"

"Oo, come on," anito.

Patakbo siyang lumapit sa binata.

Gaya ng pinangako nito hindi na tumakbo pa.

Kaagad nitong ikinulong sa kanyang mga braso ang dalaga.

"Pinagod mo ako ah,"

"Kiss nalang kita para mawala na ang pagod mo,"

Wala nang namagitan pang salita sa kanila.

Saksi ang kabilugan ng buwan sa matamis na halikang kanilang pinagsasaluhan.

Nagsimulang humaplos ang mga kamay ni Rich sa katawan ng dalaga.

Kakaibang kiliti ang nanalaytay sa buong katawan ng dalaga dala nang mga haplos dulot ng mga palad nito.

Hindi na niya namalayan kung paano naipasok ng binata ang kamay nito sa loob ng kanyang blusa.

"Sweety let's get out of here, we need some privacy," habol hiningang wika nito nang kanyang pinakawalan ang labi ng dalaga.

"Then, where we are going?" pabulong niyang tanong.

"Anywhere," anito sabay hila sa kamay ng dalaga.

Dinala niya ito sa isang cottage na malapit sa kinaroroonan nila kanina.

Puwede nang gawin tulugan. Parang maliit na bahay lang.

Kasya sa dalawang tao.

Hinila siya nito papasok sa loob saka nito isinara at nilock ang pintuan.

"Rich," tanging nasambit niya.

Naging mabilis nag kilos ng binata, muli'y nasakop nito ang mga labi niya.
Wala siyang lakas para tumanggi. Kusa nalang muling pumulupot ang mga braso niya sa batok ng binata.

Naramdaman na lamang niyang unti-unti silang gumagalaw.

Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang pagtama ng kung anong matigas na bagay sa binti niya.

Nakalapit na pala sila sa maliit na kamang naroon.

"Sit down sweety," sambit nitong hindi man kang pinaghiwalay ang kanilang mga labi.
Napasunod naman ito. Ewan ba niya kung bakit tila may sarili isip ang kanyang katawan para 
kusa nalang gumalaw.

Unti-unti siyang ipinahiga ng binata.

Nakadagan rito ang binata.

Mula sa labi niya ay bumaba ang labi nito sa kanyang leeg.

Naroon na naman ang kiliting nagpapawala sa katinuan niya.

Ingay mula sa labas ang nagpatigil sa kanilang pinagsasaluhang ligaya.

Napaangat ng mukha ang binata.

"May tao sa labas nitong cottage," mahinang sambit nito.

Magsasalita sana siya pero iniharang ng binata ang hintuturo nito sa labi niya.

"Sshh, don't make a noise, Get up, ayusin mo ang sarili mo," utos nito.

"Paano? nakadagan ka pa sa akin,"

"Sorry," anito saka bumagon.

"We have to get out of here,"

"Saan tayo dadaan?"

"Dyan sa binatana,"

"Ikaw kasi!" paninisi niya.

"Don't blame me okay?! we both enjoy what happened right?"


No comments:

Post a Comment