PART 3
TATLONG araw ang mabilis lumipas.
"Pudpod na ang lips mo girl," pabirong turan ni Paulene.
"Gaga ka talaga! anong tingin mo sa lips ko keypad ng 3310?" nakangiti niyang sabi.
"Parang gano'n na nga, paano kasi pinapapak lagi ng boyfriend mo. Ikaw girl ah baka maisuko mo 'yan! huwag mong kalilimutan ang motto natin.
"Huwag ipagakakaloob ang virginity hangga't hindi private property," sabay nilang sambit.
Saka sila nagkatawanan.
Mula pa kasi noon ay 'yon ang motto nilang dalawa. Minsan na ring naging dahilan para sila'y hiniwalayan.
Ini-ingatan niya rin naman ang kayamang kanya lamang ipagkakaloob sa sino mang maka-isang dibdib.
"Madaling araw na, matulog na tayo," ani Paulene.
Kakabalik lamang kasi nila mula sa beach.
"Napagod ako sa paglangoy," aniya.
Nag-night swimming kasi sila.
"Ako rin. kaya kailangang matulog na," ani Paulene.
Ilang saglit lang kapuwa na sila payapang natutulog.
SAMANTALA dilat na dilat pa ang magkaibigang Rich at Cris.
"Mukhang nagkakahulugan kayo ng loob ni Paulene huh!" wika ni Rich.
"Well, wala namang problema sa akin pare, 100% single ako nagkataon pang walang girlfriend,"
Napabuntong hininga ito sa sinabi ni Cris.
How he wish na katulad rin siya nito.
"Bakit pa kasi ako napunta sa pamilyang sunud-sunoran sa mga ninuno, walang kalayaang mamili ng babaeng mamahalin," wala sa loob niyang turan.
"Pare, Payong kaibigan lang. Alam mo mas mabuti mong gawin ay umiwas kana kay Eliza habang maaga pa, malaking problema 'yan kapag nagkataon,"
"Pare mahal ko si Eliza."
"Paano si Nadia at ang kasunduan, alalahanin mong nakasalalay sa kamay mo ang malaking shares sa kumpanya niyo, Maraming masasagasaan kapag nagpatuloy ang relasyon niyo't malaman ng papa mo, tiyak na maiipit si Eliza kawawa naman 'yong tao,"
"Saka ko na pag-iisipan ang lahat sa ngayon ang importante masaya akong kasama si Eliza kahit hindi ko alam kung anong kahahantungan ng relasyon namin,"
"Look Rich or sabihin na nating unikahija rin naman si Eliza at galing siya sa kilalang angkan, pero pare kahit doble o triple pa ang yaman nila kumpara sa inyo walang magagawa 'yon para hindi matuloy ang kasal niyo ni Nadia,"
"Naguguluhan ako Cris, alam mo namang simula pa ay hindi ko na mahal si Nadia and we both know na gano'n din siya sa akin, Bakit pa kasi nabuo ang marriage arrangements na 'yan sa mga mayayaman!"
"Nagkataon lang na napabilang ang pamilya mo sa bagay na 'yan."
"Paano ko sasabihin kay Eliza ang totoo? Masasaktan ko siya,"
"Masasaktan at masasaktan siya sa ayaw at sa gusto mo, Sabibin na nating nagmahal ka lang pero mali pare, Maraming maaapektuhan at masasaktan,"
"Pero masasaktan ko ang babaeng mahal ko Cris, Siya ang gusto kong makasama at pakasalan, Bakit ngayon ko pa siya nakilala, I fell in love in a wrong time,"
"Nasayo ang desisyon pare, Pero natitiyak kong malaking gulo ang idudulot kapag nagkamali ka ng desisyon, Isa na dyan ang pagpull-out ng ama ni Nadia sa mga shares nila sa kumapanya niyo, Alam nating pareho na 'yon ang dahilan kung bakit ka ipinagkasundo ng papa mo bukod sa alin-sunod sa inyong mga ninuno,"
Napasabunot nalang ito sa kanyang buhok.
Alam niyang tama lahat ng sinasabi ni Cris.
"Pare whatever your desisyon is. Susuportahan kita," pampalubag loob na wika ni Cris,
Mahal niya si Eliza, Kahit sabihan pa siyang nahihibang na dahil sa bagay na 'yan pero 'yon ang totoo.
Iisipin pa lamang niyang masasaktan ito at ang posibilidad na umiyak ang dalaga sa harap niya'y para ng dinudurog ang kanyang puso.
"Salamat pare," aniya.
"No worries, what friends for diba?"
"Magpahinga na tayo," saad niya.
"Sige," ani Cris.
Dala ng pagod sa paglangoy ay nakatulog ito kahit magulo ang isip niya.
TUNOG nang cellphone ang gumising sa kahimbingan ni Rich.
Basta nalang niya sinagot ang tawag niya na hindi man lang pinagtu-unan ng pansin kung sino ang caller.
"Hello," aniya sa inaantok na boses.
Para lamang mapadilat ng marinig ang boses ng nasa kabilang linya.
("Where the hell are you man?!") tinig ni Nadia.
"What makes you to call?"
("I just want to remind you na kailangan nating magpunta sa hotel next week para sa preparation ng reception nang kasal natin. Huwag mong sabihing ipasolo mo sa akin!")
"I will be there next week."
("Make sure! Tandaan mo hindi ko gusto ang kasalang ito!")
"At para namang gusto ko rin,"
("Whatever, walang puwedeng umatras sa atin, we have no choice,") huling sinabi nito.
Nawala tuloy ang natok niya.
Napabuntong hininga nalang itong bumangon.
SAMANTALA ay pakanta-kanta si Eliza habang nagsusuklay ng buhok. Kakatapos lamang niyang naligo.
"Iba talaga ang nagagawa ng love sa isang taong inlove," turan ni Paulene na kagigising lang.
Napangiti siyang lumingon sa kinahihigaan nito.
"Napapakanta lang, binigyan mo na ng kahulugan, bumangon kana dyan at ng makaligo kana," aniya.
"Tanghali na pala," anito nang napatingin sa wall clock na nasa kuwarto.
"Lunch na nga, bilisan mo na gutom na kaya ako,"
"Hindi pa sila nagpunta dito?"
"Hindi pa, baka tulog pa mga 'yon,"
"Wait misscall ko si Cris," anito saka bumangon at kinuha nag cellphone sa ilalim ng unan.
Napadilat naman ng mata si Cris ng maulanigan ang pagtunog ng cellphone nito Pero hindi naman nagtagal. Hindi nalang muna nito pinagkaabalahang tignan. Una nitong nilingon ang kamang hinihigaan ni Rich pero wala ang kaibigan doon.
Siya naman labas ni Rich mula sa banyo.
"Gising kana pala," aniya.
"Ginising ng miss call," tugon niya.
"Kanino galing?"
"Hindi ko alam, baka kay Paulene," anito sabay bangon at dinampot ang cellphone na nakapatong sa bedside table.
"Mabuti sayo miss call lang sa akin tawag ni Nadia,"
Napaangat ng tingin si Cris. "Bakit naman tumawag?"
"To remind me, tungkol daw sa pagpunga namin sa hotel next week kung saan gaganapin ang reception ng kasal namin."
"Oh I see, Maliligo na ako baka hinihintay na tayo nina Paulene, siya ang nagmiss-call."
"Okay," kimi niyang sagot.
"GIRL alin ba ang magandang isuot sa dalawang ito?" si Paulene na itinaas ang dalawang bestidang gatuhod ang haba.
Saglit na pinagmasdan ni Eliza ang dalawang damit bago nagsalita.
"That one!" aniya na itinuro ang kulay lavander na may mga hugis pusong desenyo.
"Sure ka?"
"Magtatanong ka sa akin tapos hindi ka naman pala maniniwala,"
"Okay, fine ito ang susuotin ko,"
Napabuntong hininga na lamang si Eliza.
Eksaktong naka-ayos si Paulene ay may kumatok na.
"Nandyan na sila," ani Eliza.
"Ok, let's go," anito.
Sabay nilang tinungo ang pintuan.
"Hi sweety," bati ni Rich sa dalaga nang nakalabas na sila.
Lumapit naman si Eliza sa binata at naglambitin sa batok nito.
"Hi, i miss you," sambit niya saka humalik sa labi ng binata.
"I miss you too," anito Pagkatapos.
"Eeehheemm! Cris ang daming langgam no?" si Paulene.
"Oo nga eh! pinapapak na ako, nagugutom pa naman ako," pabiro namang turan ni Cris,
Nagkatawanan ang magkasintahan.. "Tara na nga," anyaya niya sa mga ito matapos kumalas mula sa pagkakayapos sa batok ni Rich.
"Mamaya konti, ang ganda kasing panoorin ng live love scene eh!" Pilyang saad ni Pauline.
"Tse!" pairap na sabi ni Eliza.
"Tara na nga honey," si Paulene muli sabay ipinulupot nito ang isang braso sa braso ni Cris.
"Sure honey," si Cris.
"Wow, may mag-honey pala dito, halika na baby baka laggamin naman tayo," pambubuska ni Eliza.
Nagkatawanan nalang silang apat bago nagtungo sa elevator.
"HANGGANG kailan kayo dito?" tanong ni Rich kay Eliza habang nasa cottage sila at nananghalian.
"Hanggang sunday, bakit?"
"Wala naman, natanong ko lang,"
"Eh kayo?"
"Hanggang sunday din, balik Manila kami kinagabigan,"
"Oh di sabay-sabay na tayong bumalik ng Manila,"
"Okay," anito.
Napasulyap si Cris kay Rich.
Alam na ni Rich kung ano ang nais ipahiwatag ng tinging 'yon ni Cris.
Na-alala niya ang usapan nilang magkaibigan kagabi.
NAKABIBINGING katahimikan ang namagitan sa kanila.
Hanggang sa narapos na silang kumain ay walang nagsalita.
Nakatanaw sa ibayong dagat si Rich.
"Cris samahan ko naman ako sa restroom," pambabasag ni Paulene sa katahimikang bumalot sa kanila.
"Sure," anito.
"Excuse us," paalam ni Paulene.
Tumango lang si Eliza.
Nang nakaalis na ang dalawa ay kinausap niya ang binata.
"Bakit natahimik ka dyan?" saad niya.
Napalingon sa kanya ang binata. Ginagap nito ang dalawang palad niya.
"Why?" sambit niyang muli.
"Wala lang, gusto ko sa mga oras pang magkakasama tayo ay maging memorable lahat," anito.
Iba ang nararamdaman niya. Hindi niya mawari kung bakit siya nakakaramdam ng kaba.
"May problema ba?"
Umiling lang ang binata,
Pinisil niya ang tungking ilong ng binata na siyang nagpangiti sa kanya.
"Ayan smile kana, bigla ka nalang kasing sumeryoso dyan!" nakangiti niyang turan.
"Mamimiss lang naman kita kapag nasa Manila na tayo, balik trabaho na naman ako," anito.
"Ako rin naman ah! pero hindi naman siguro ibig sabihin na hindi natin mabibigyan ng oras ang isa't isa diba?"
"Sabagay,"
"Rich may hindi kaba sinasabi sa akin?" wala sa loob niyang naitanong.
Umiwas ng tingin ang binata.
"Nothing sweety," anito.
"Iba ang nagpaparamdam sa akin eh! Makikinig ako kung ano man 'yan,"
Hindi nito alam ang isasagot sa dalaga. Wala pa itong lakas ng loob ipagtapat rito ang lahat.
"Hey! mukhang seryoso kayo dyan!" biglang sulpot na si Paulene nakasunod si Cris.
Napalingon sila pareho.
"Hindi naman," si Eliza.
"Guys mag-bar tayo tonight," si Cris.
"Sige ba," sang-ayon ni Eliza.
"Okay lang ba pare?" baling ni Cris kay Rich.
Tango lang ang isinagot nito sa kaibigan.
"Liz tara doon sa may dalampasigan," anyaya ni Paulene sa kanyang kaibigan.
"Tirik na tirik ang araw oh!" aniyang tumingala. Tanghaling tapat ba naman kasi.
"Takot kang umitim gano'n?"
"Takot sa sunburn!"
"Ang sabihin mo takot kang iwan si Rich mo nag-aalala kang baka lapitan siya ng mga 'yon oh!" nakatawang sabi nitong ininguso ang mga babaeng naka-twopiece sa ilalim ng mga malalaking payong.
"Gaga ka talaga!" pairap niyang turan.
"Aminin..."
"Tumigil ka dyan ah! Mas sexy naman ako kesa sa kanila, tama ba ako baby?" Turan niyang ikinangiti ni Rich.
Sa kabila ng magulo nitong isipan ay nabibigyan parin naman ng atensyon ang nobya.
"Oo naman, Ikaw ang pinakaseksi," anito.
"Naks! Oh narinig mo 'yon?" aniya kay Paulene.
"Kinilig ka na naman,"
"Siyempre naman,"
Hindi nalang nangulit si Paulene.
Nanatili sila sa cottage hanggang sumapit ang oras ng alaskuwartro ng hapon.
"Guys valley ball tayo," anyaya ni Cris.
"Good idea pare," ani Rich.
"Tara baka maunahan tayo," si Cris muli.
Magkakasabay silang tumayo.
Inakabayan ni Rich si Eliza. Si Cris naman at Paulene ay magkaholding hands lang.
"Kayong dalawa nalang magkapartner," suhestyon ni Rich.
"Sus, hindi niyo talaga maiwan-iwan ang isa't isa," ani Paulene.
"Hindi naman sa gano'n, Gusto ko lang makasama ang sweety ko," nakangiting turan ni Rich.
"Fine, sige puwesto na!" ani Paulene,
Tumawid sila sa kabila.
"Galingan mo baby ah!" wika ni Eliza.
"Sure, pero kailangan ng pampagana sa paglalaro," anitong may pilyong ngiti.
"Alam ko na 'yan! lapit na," aniya.
Lumapit naman ang binata.
Mabilisang halik ang iginawad nila sa isa't isa,
"Maglalaro ba tayo o maglalambingan nalang kayo at manonood kami??!!.." sigaw ni Paulene,
"Bleeehh, inggit ka lang!!" balik niyang sigaw.
Malutong na halakhak ang pinakawalan ni Paulene.
Maya-maya pa'y nag-umpisa na sila..
"Yehheeyyy! 1-0," nagtatalon na si Eliza.
"Pakiss nga ulit dyan!" ani Rich.
"Sure baby," aniya sabay mabilis na nakipaghalikan sa binata.
Nagpatuloy sila sa paglalaro.
"Wwooooooo!!!! tie," tili naman ni Paulene ng sila ang naka-score.
"Hug tayo," ani Cris.
Nagyakapan silang dalawa.
"Okay lang 'yan sweety, Kiss nalang tayo ulit," si Rich.
"I love you baby," pabulong niyang sambit.
"I love you more Eliza," tugon ng binata,
Pawis na pawis sila pagkatapos nilang maglaro,
"Iba talaga ang power ng kiss," nakangiting turan ni Paulene.
Nanalo kasi ang dalawa.
"Nagkiss rin sana kayo," ani Eliza.
"Hindi pa puwede, saka na kapag kami na ni Cris," anito.
Bumalik na sila sa hotel para magpahinga saglit. Napagod sila pare-pareho sa paglalaro.
PART 4
"WAIT Pau naiwan ko 'yong pouch ko sa lamesa natin," Ani Eliza. Kakatahid lang sa kanila ng dalawag binata.
"Liz naman eh, nahihilo na ako eh!"
"Balikan ko nalang, mauna ka nang matulog," aniya.
"Ano?! Hindi puwede sasamahan kita pero kapag nadapa ako tulungan mo akong bumangon ah!" anito. Hindi naman sila lasing na lasing dahil hindi naman hard drinks ang ininom nila.
"Oo ba, tara na baka sakaling wala pang nakakuha," aniyang nagmamadaling lumabas.
"Wait!" sigaw ni Paulene.
Mabuti nalang at nakasuot sila ng tsinelas kundi nagkada-tapilok na sila.
Hindi nila alam na bumalik ang magkaibigang Cris at Rich sa bar.
"Pare babalik na tayo ng Manila bukas ng gabi, wala ka pa bang balak sabihin ang totoo kay Eliza?" saad ni Cris.
"Hindi ko alam kung pa'no ko sisimulan eh. natatakot akong baka lumayo siya sa akin,"
"Kailangan mong maging handa sa posibilidad na 'yan! tingin ko kay Eliza matalinong babae, Huwag mo nang hintayin pang makabalik tayo ng Manila na hindi mo nasasabi ang totoo,"
"Susubukan ko pare,"
"Gawin mo pare, kahit anong gawin mo masasaktan at masaktan siya,"
Tinungga niya ang basong may lamang alak,
"Mahal na mahal ko siya Cris, Pinipiga ang puso ko sa isiping masasaktan at mapapaiyak ko siya,"
"Ikaw kasi, nagpadalus-dalos ka nainlove ka kaagad sa kanya,"
"Anong magagawa ko tumibok ang puso ko,"
"Gano'n kabilis?"
"Naduduwag ako Cris, Ayokong mawala si Eliza sa buhay ko."
"Maraming bagay ang nakasalalay sa kasal niyo ni Nadia Rich, uulitin ko malaking gulo kapag hindi mo ituloy!"
Bumilis ang kabog ng dibdib ni Eliza sa kanyang mga narinig.
Hindi na niya namalayang nagsilandasan na pala ang mga luha niya.
"Liz," nasambit ni Paulene na siyang ikinalingon ng dalawang binata.
Napanga-nga ang mga ito. Lalo na nang nakita ang nagkislapang mga luha ni Eliza.
"Rich, why!?" mahinang sambit ng dalaga.
"Liz, let me explain,"
"Explain?! Huwag na Rich narinig ko na lahat!" aniya.
"Mahal kita Eliza, mahal na mahal."
"Mahal? Ginawa mo akong tanga! Alam mo ba kung gaano kasakit huh?!"
"Hindi ko gustong saktan ka, Makinig ka sa akin please!"
Hindi makapagsalita si Cris at Paulene.
Ginagap ng binata ang kamay niya pero kaagad binawi ng dalaga.
"Isa ka palang manloloko Rich! May naghihintay pala sa pagbabalik mo sa Maynila at alam mo kung anong masakit huh?! Ang malamang ikakasal kana!" aniya sabay dampot ng pouch niya at nagtatakbong lumabas. Nahimasmasaan ito sa mga narinig niya.
Nang tangkaing sundan ni Rich ay pinigilan ito ni Paulene.
"Don't follow us!" mariing sabi nito.
Tinalikuran na nito ang dalawang binata.
Napasabunot sa sariling buhok si Rich na muling naupo.
"Bumalik nalang tayo sa hotel pare," anyaya ni Cris rito.
"Anong gagawin ko Cris?" mahinang sambit niya.
"Hindi ko alam pare. Mabuti pa umalis na tayo rito para makapagpahinga ka."
"Hindi rin ako makakatulog pare,"
"Hindi rin naman tayo puwedeng maglasing, Sa tingin mo kakausapin ka ni Eliza kapag lasing ka?"
SAMANTALA..
"Liz wait!" sigaw ni Paulene.
Pero parang walang naririnig ang dalaga.
Naabutan nalang niya ito sa elevator.
Pumasok silang magkaibigan nang bumakas na.
Humagulhol si Eliza na napayakap kay Paulene.
"Pau, ang sakit!"
"Alam ko, kailangan mong maging matatag at simulang tanggapin ang lahat."
"Paano? Lintik na puso kasi ito basta nalang umibig sa loob ng isang araw,"
"Don't blame your heart Liz, kaya tayo mayroon niyan para magmahal,"
"Bakit ako pa ang napiling paglaruan ng kapalaran?!"
"Sinungaling siya! Niloko niya ako eh! Ikakasal na pala siya, Paano naman ako?"
Nayakap nalang ni Paulene ang dalaga.
Hanggang sa nakapasok na sila sa kuwarto ay hindi parin mapatid-patid ang luha niya.
Napapasunod na rin sa pag-iyak niya si Paulene.
"Liz tama na, Siguro sinadya lang kayong pagtagpuin pero hindi itinadhana para sa isa't isa."
"Pero bakit ako pa?"
"Paano niya nagawang lokohin ang fiance niya?!"
"Hindi ko alam, Siguro kailangan mo siyang pakinggan para maliwanagan ka,"
"Ayoko siyang makita't makausap!"
"Hindi mo malalaman kung ano ang dapat mong gawin kung hindi ka makikinig sa kanya. Lalong hindi ka puwedeng mag-iiyak buong magdamag!"
"Nasaktan ako eh! ilang beses ko siyang tinanong kung anong problema niya bakit siya tahimik kanina pero hindi siya nagsalita, Sa halip na sabihin niya sa akin ang totoo pinakilig niya ako na pawang pagpapapanggap lang pala!"
"Tama na, matulog kana."
"Hayaan mo nalang ako, Magpahinga kana,"
"Sa tingin mo makakatulog ako kung hindi ko makitang tulog ka?"
"Hindi ako makakatulog dahil pakiramdam ko tinutusok-tusok at tinatadtad ang puso ko.. Paano ko sisimulan muli ang buhay ko? Hanggang kailan ako masasaktan?"
"Liz puwede mo siyang ipaglaban kung gugustuhin mo."
"Hindi ka naman siguro bingi diba? Narinig mo naman sigurong malaking gulo kapag hindi natuloy ang kasal nila, Pau ayokong bigyan ng problema sina Daddy, Ayokong mapasok sila sa malaking gulo kapag nagkataon!"
"Mag-usap kayo ni Rich para magkaliwanagan kayo, Oo masakit pero mas mahihirapan kang tanggapin ang anumang kahihinatnan niyo hangga't may gumugulo sa isipan mo! Sa tingin ko mahal ka naman talaga niya eh!"
"Paano nangyaring mahal niya ako, Eh may mahal naman siya at pakakasalan pa siya diba?"
Naguguluhan na rin si Paulene dahil pareho naman silang walang alam.
"I'll talk to Cris tomorrow para alamin ang lahat," saad niya.
"Kakausapin ko nalang si Rich pero samahan mo ako bukas bago tayo magpunta sa airport, sabihan mo si Cris na magkita-kita tayo sa cottage na tinatambayan natin mauna tayong aalis hindi na tayo sasabay sa kanila, Magpapachange flight ako bukas ng umaga,"
"Ang gulo mo, kanina sabi mo ayaw ko siyang makausap tapos ngayon kakausapin mo siya, ano ba talaga!?"
"Kakausapin!" tipid niyang sagot.
Pinunasan niya ang mga luhang naglaglagan sa pisngi niya.
"Matulog na tayo," saad niya.
"Sure ka na matutulog ka at hindi mag-iiyak?"
"Susubukan kong pigilan ang mga luha kong huwag lumabas,"
Ramdam ni Paulene ang sakit na nararamdman nang kaibigan.
Hinagod nalang nito ang likuran niya.
Kahit hindi nito nakikita ay alam nitong umiiyak parin ito.
HINDI mapakali si Rich sa kanyang kinahihigaan.
Iniisip niya ang dalaga.
"God knows na hindi ko intensyong saktan ka Eliza," mahinang usal niya.
Magulong-magulo ang isipan niya. Naroon na ang pagtatalo ng magkabilang sulok ng isip niya.
Ipaglaban niya ang dalaga ang sinasabi ng isa pero kumukontra ang kabila.
Tinitimbang niya ang lahat, Kung alin nga ba ang mas mahalaga sa kanya ang mga bagay bang nakasalalay sa kasal nila ni Nadia o ang babaeng mahal niya?
Hanggang sa nakatulugan nalang niya ang lahat.
KINABUKASAN bahagyang nanakit ang ulo ni Eliza pati paningin niya ay nanliliit dahil sa pamumugto parin ng kanyang mga mata.
Nag-upisa na namang lumabas ang butil-butil niyang luha sa mata nang maalala ang lahat.
"God, ituro niyo po sa akin ang dapat kong gawin, Huwag niyo pong hayaang magkamali ako ng desisyon," mahinang usal niya.
"May goodness Eliza, Kagigising mo palang umiiyak ka na naman!?" bulalas ni Paulene.
"Hindi ko mapigilan eh!"
"Eliza naman eh! ganyan ang itsura mong uuwi?"
"May magagawa ba ako? doon muna ako sa condo ko," aniya.
"Hindi tayo puwedeng magchange flight,"
"Bakit?"
"Fully book na lahat ng maagang lilipad,"
"Makakasabay parin natin sila?"
"Mismo! Maligo kana at tatawagan ko si Cris para ipaalam ang sinabi mo kagabi,"
"Si-sige," aniya.
Pagkapasok niya sa banyo ay nakita niya sa salamin ang kanyang itsura.
Ngayon lang siya nag-iiyak ng sobra. Anong magagawa niya ngayon lang din siya nasaktan at nagmahal ng sobra.
Tinawagan naman ni Paulene si Cris.
Pagkatapos nilang nag-usap ay nag-ayos muna ito ng mga gamit nilang magkaibigan. Pati na rin kasi ang kay Eliza ay ayusin nito dahil alam nitong magulo ang isipan niya.
"PIINAPAPUNTA tayo ni Paulene sa cottage na tinatanbayan natin sa beach." ani Cris kay Rich.
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam, basta ang sabi niya pumunta raw tayo doon,"
"Sige," aniya.
Lumabas silang magkaibigan.
Nauna silang dumating sa cottags.
Kalalabas lang din ng dalawang dalaga mula sa elevator.
Naka-shade ito dahil sa pamumugto ng mga mata niya.
Malayo palang sila ay nakita na nila ang dalawang binata sa cottage.
Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa tuluyan na silang nakalapit.
Kaagad niyakap ni Rich si Eliza. "Akala ko hindi kana magpapakita sa akin," bulong nito sa dalagang mahigpit na yakap-yakap.
"Iwan muna natin sila," saad ni Cris kay Paulene.
Tumango ang huli at sumama sa binata.
Lumipat lang sila sa ikatlong cottage.
"Let me go Rich.." sambit niya.
Pinakawalan naman ito ng binata.
"Hindi kita sasampalin dahil alam kong kahit ilang milyong sampal ang gawin ko hindi maibabalik ang mga luha ko, Hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko!" turan niyang pinipigilan ang huwag maiyak.
"Liz hindi ko intensyon ang saktan ka, Maniwala ka sa akin mahal kita. Handa kong gawin ang lahat huwag ka lang mawala."
"Hindi ako bingi Rich para hindi narinig ang sinabi ni Cris na malaking gulo ang mangyayari kapag hindi mo itinuloy ang kasal mo!"
"Lalayo tayo Eliza, Sasama ka sa akin diba?"
"Rich. Hindi kakayanin ng konsensya kong may magkakagulo dahil sa pag-iibigan natin, maraming madadamay at masasagasan lalo na ang masasaktan, Hindi tayo matatahimik kahit saan tayo magpunta!"
"Liz ipaglaban mo naman ako!"
Hindi na talaga niya napigilan ang mga luha niya.
"Gustuhin ko man Rich pero hindi puwede, mali ito! Hindi kaya ng konsensya kong habang masaya ako sa piling mo mayroon namang nagkakagulo! Ayokong marami ang magdurusa dahil lang sa kagustuhan kong makasama ka, Mahal kita at ayokong maging magulo ang buhay natin, Para sa ikatatahimik ng lahat pipilitin kong makalimot alang-alang sa katahimikan,"
"Pero ayokong mawala ka Eliza!"
"Makakaya mo Rich, Ayokong maging makasarili, Tanggapin nalang natin pareho na hanggang Isang lingong pag-ibig lang ang ipinagkaloob sa atin, Masakit Rich pero kinakailangan nating pakawalan at lumayo sa isa't isa, Sosolohin ko ang sakit maging matiwasay lang ang pamumuhay ng bawat isa sa atin,"
"Bakit pa kasi tayo ang napiling paglaruan ng kapalaran?"
"Mananatili sa ala-ala ko ang mga masasayang araw na kasama kita, Hindi ko makakalimutan ang mga 'yon, kahit ganito ang hinantungan ng lahat nagpapasalamat parin akong nakilala at nakasama kita, Mananatili kang may lugar sa puso ko dahil naging special at bahagi ka ng buhay ko,"
"Liz stop crying please, I'm sorry for hurting you kung gaano kasakit sayo ang lahat gano'n din sa akin, Hindi ko mahal si Nadia Eliza biktima kami ng marriage arrangement hindi naman ako puwedeng humindi dahil ipu-pull out ng pamilya niya ang shares nila sa kumpanya namin, Please! huwag kang lumayo sa akin,"
"Rich buo na ang desisyon ko, Ayokong masira ang pamilya niyo, Just let me go,"
"Kung 'yan ang gusto mo sige," pagsuko nito.
"I'm sorry Rich,"
"You don't have to say sorry, wala kang kasalanan Eliza,"
"Thank you for the happy memories Rich, Can i hug you for the last time?"
Buong higpit nilang niyakap ang isa't isa.
"You will remain in my heart untill the end of time Eliza, Handa kang masaktan para lang sa ikatatahimik ng lahat, Hindi ko akaling magagawa mong isakripisyo ang kaligayahan mo,"
"Kinakailangan Rich, Goodbye! best wishes in advance,"
Kumalas na siya sa pagkakayakap sa binata.
Naging mabilis ang galaw ni Rich hinapit nito ang baywang ng dalaga saka nito inangkin ang mga labi niya.
Walang magawa ang dalaga, Pinagbigyan niya ito sa kahuli-huliang pagkakataon.
Ginantihan niya ang halik nito.
"Rich enough," sambit niya ng pakawalan ng binata ang mga labi niya.
Iniwan niya ang binata sa cottage. Pinuntahan niya si Paulene at nayayang umalis na doon.
Hindi niya nakita ang mga luhang kumawala sa mata ng binata dahil hindi na siya lumingon pa sa gawi nito.
Lumapit na rin si Cris rito at niyayang bumalik na sa hotel para ayusin na ang kani-kanilang gamit.
Tahimik itong sumunod sa kaibigan.
"Kaya mo 'yan pare," ani Cris pero hindi parin ito nagsalita.
PART 5 (FINALE)
"ANONG nangyari Liz?" tanong ni Paulene rito habang naglalakad sila pabalik sa hotel.
"Huwag na muna nating pag-usapan Pau please! gusto ko munang matahimik," sagot niya.
"Okay, Pero kapag kailangan mo ng balikat na maiiyak narito lang ako huh, kahit gawin mong pamunas ng uhog at luha mo ang damit ko okay lang basta alam kong ikagagaan ng pakiramdam mo," seryosong turan nito.
"Salamat Pau, Tunay ka talagang kaibigan,"
"Punasan mo na 'yong mukha mo," anito.
Hilam kasi sa luha ang mukha niya. Habang naglalakad kasi ay panay ang pag-agos ng masaganang niyang luha.
Dinukot niya ang panyo mula sa bag niya at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Halika na, Masakit pa ang ulo ko, Gusto ko munang magpahinga," Aniya.
Nagtuloy na sila sa loob at dumeretso sa elevator.
Kinagabihan ay ang balik nila sa Maynila.
Hindi siya tumabi kay Rich na dapat sana at magkatabi sila ng uupuan.
Naupo siya sa bakanteng upuan sa likuran nina Cris at Paulene.
Nakatulog siya habang nasa himpapawid sila.
Hindi naman inabot ng dalawang oras ang flight nila,
Gaya ng sinabi niya, sa condo niya muna ito dumeretso.
"Iwan na kita rito uuwi muna ako sa amin," paalam ni Paulene rito.
"Sige Salamat," aniya.
"Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng makakausapa darating ako Liz," anito.
"Ok, salamat muli," aniya sabay yakap sa kaibigan.
TATLONG araw na mula ng nakabalik sila buhat sa bakasyon.
Eliza try to make herself busy pero hindi parin mawala-wala sa isip niya ang lahat.
Pinupuntahan naman ito ni Paulene sa opisina.
"Sigurado kana ba sa desisyon mo Liz?"
"Hindi naman siguro kaduwagan ang ginawa ko diba?" ani Eliza kay Paulene.
"For me, tama lang naman 'yon mas pinili mo ang katahimikan ng lahat, tumps up ako sa'yo bihira lang ang nakakagawa sa bagay na 'yan,"
"Mahirap sa akin 'yon dahil mahal ko siya Pau, hindi ko nga alam kung paano ko sisimulang lumimot kita mo oh wala akong nagagawa, narito nga ako sa opisina pero wala naman ang konsentrasyo ko sa trabaho mabuti nga hindi na ako kinukulit ni mommy sa kakatanong kung anong problema ko,"
"Makakaya mo Liz, Ikaw pa!"
"Kakayanin Pau. Naisip ko ngang umalis na muna para makapag-isip at makalimot na rin,"
"Saan naman ang destinasyon mo?"
"Sa Europe,"
"Alam na ba nina tito at tita?"
"Oo ipina-alam ko sa kanila kagabi, wala namang naging problema. Isa pa may sangay ang kumpanya doon,"
"Sabagay, Kailan naman ang alis mo?"
"Hindi ko pa alam, aasikasuhin pa ni dad ang mga papeles ko, maybe after a week,"
"Ikaw ang bahala, kung 'yan ang alam mong paraan para makalimot ka, go Liz,"
"Thank you Pau, kumusta naman kayo ni Cris?"
"Hhmm.. Okay naman kami,"
"Mabuti pa kayo walang hadlang sa inyo, malaya kayo sa lahat ng bagay,"
"Ops! Walang iiyak please, Ikaw rin naman malaya kang makakapagdesisyon para sa sarili mo nagkataon lang na napamahal ka sa isang taong sunod sa mga ninuno nila,"
"Hindi ko mapigilan eh! Ang sakit parin kasing isipin na ang taong mahal ko hindi para sa akin,"
"Liz naman eh! Ganyan talaga ang pag-ibig, Kahit gaano kasakit magparaya minsan kailangan lalo na kung maraming masasagasaan, ikaw na rin ang nagsabing malaking gulo kapag nagpatuloy ang relasyon niyo ni Rich,"
Naisuklay nalang niya ang dalawang kamay sa kanyang buhok.
SAMANTALA sa opisina naman ni Rich. Hindi niya inaasahang pupuntahan siya ni Nadia.
"Can we talk?" wika nito pagkapasok sa opisina ng binata.
Napaangat ng mukha ang binata. "What are you doing here?" tanong niya sa dalaga.
"I want to talk with you!"
"Kung narito ka para ipaalala ang tungkol sa kasal natin, huwag kang magalala matutuloy 'yon,"
"Hindi 'yan ang pinunta ko rito, Narito ako para sabihing hindi ako magpapakasal sayo!"
"What?!" bulalas niya.
"You heard me right? naisip ko na walang patutunguhan ang kasal natin dahil pareho nating hindi gusto, isa pa may mahal ako at siya ang pakakasalan ko."
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Nadia? Ikaw na rin mismo ang nagsabing walang puwedeng umurong,"
"Kung nagaalala ka sa pag-pull out ni daddy sa shares niya sa kumpanya niyo, hindi mangyayari 'yan dahil ako ang hindi sisipot, Ayokong matali sa isang kasal na alam kong kahit kailan ay walang kahahantungan, Panahon na siguro para putulin na ang pagsunod ng mga magulang ko sa mga ninuno nila, Ayoko ng maging sunod-sunuran sa kanila may sarili na akong isip,"
"Pero Nadia-"
"Flight ko pabalik sa Italy alas-otso ng umaga sa araw mismo ng kasak natin, Pero para walang makahalata pupunta ka parin sa simbahan,"
"Sigurado kaba dyan sa gagawin mo?"
"Yep! Alam kong hindi natin matututunang mahalin ang isa't isa Rich, Dahil ni hindi nga tayo magkaibigan diba? kung alam ko lang dati pa na ipagkasundo ako nina daddy kaya nila ako pinauwi ay hindi sana ako bumalik rito, naghihintay sa akin ang nobyo ko doon Rich, Sana mahanap mo rin ang babaeng nararapat sayo,"
"Thank you Nadia, Hindi ko na kailangan hanapin pa dahil nahanap ko na siya, Hangad ko rin ang kaligayahan niyo ng nobyo mo,"
Sa sayang nadarama ng binata ay nayakap niya si Nadia.
"Ginawa ko lang ang alam kong tama, Hindi tayo puwedeng habang buhay maging sunod-sunoran sa mga magulang natin may kanya-kanya tayong karapatan, Sige alis na ako ang plano huwag mong kalimutan,"
"Oo, salamat muli,"
Hindi na nagbitaw ng salita pa ang dalaga.
Napaluha sa tuwa ang binata. Kaagad niyang dinukot ang cellphone niya para tawagan si Cris.
Ipina-alam niya ang mga nangyari sa kaibigan.
"Pero hindi ka muna puwedeng makipagkita kay Eliza hangga't hindi pa natatapos ang dapat kasal niyo ni Nadia," si Cris na nasa kabilang linya,
"Alam ko, magtitiis muna ako Cris, huwag mo na rin munang ipa-alam kay Paulene,"
"Makakaasa ka, Sige na may gagawin pa ako," anito.
"Sige pare." aniya saka na pinutol ang pag-uusap nila.
Nag-uumapaw ang kaligayan niya. Naging ganado siya sa trabaho niya?
MABILIS lumipas ang mga araw.
Araw ng kasal ni Rich at Nadia.
Mag-aalasdiyes na ay wala parin si Nadia na ipinagtaka na ng karamihan. Nakailang tanong na rin ang paring magkakasal sa dalawa kung matutuloy pa ba o hindi.
Maya-maya pa ay nagsalita na ang ama nito.
Hinayag nitong wala ng kasalang magaganap dahil dalawang oras na silang naghihintay sa anak nito.
Humingi ito ng paumanhin sa mga magulang ng binata dahil sa hindi pagsipot ni Nadia.
Nakaramdam ng kaluwagang dibdib si Rich.
Binulungan niya si Cris.
"Okay, tatawagan ko si Paulene," anito matapos marinig ang ibinulong ni Rich.
SA airport kung saan hinatid ni Paulene si Eliza.
"Ingat ka palagi doon," bilin nito sa kaibigan.
"Oo, ikaw din mamimiss kita," aniya.
"Ako rin naman,"
"Samahan mo muna ako sa restroom na-iihi ako,"
"Sige,"
Sabay silang pumasok sa kinaroroonan ng comfort room.
"Pakihawak Pau," aniyang inabot ang shoulder bag niya.
Habang naghihintay si Paulene ay tumunog ang cellphone nitong hawak-hawak.
Nang mapagsino ang tumatawag ay sinagot nito.
"Hey babe," anito.
"Where's Eliza babe?" tanong ni Cris.
"Nandito sa airport kasama ko, bakit?"
"Anong ginagawa niyo dyan?"
"Ngayon ang alis niya papuntang Europe,"
"What?! Listen babe, Gumawa ka ng paraan para hindi siya makaalis,"
"Why?" hindi natuloy ang kasal ni Rich at Nadia hindi siya sinipot nito."
"Talaga? okay, I got it babe akong bahala. bye!" nagmamadali niyang binuksan ang shoulder bag ni Eliza.
Kinuha nito ang ticket na nakaiipit sa passport ng kaibigan.
Itinago nito sa likurang bulsa ng kanyang jeans.
"Tara na Pau para makapagcheck-in na ako," si Eliza na kalalabas mula comfort room.
"Okay," painosenteng wika nito.
"Before you enter make sure na kompleto na mga gamit mo, including passport and ticket," pasimpleng paalala nito,
SAMANTALA, "Pare nasa airport raw sila, paalis daw si Eliza ngayon," saad ni Cris kay Rich,
"What?! No! hindi siya puwedeng umalis, lets go!" aniyang patakbong tinungo ang kotse niya.
Napasunod nalang din si Cris.
"Dahan-dahan lang pare baka mabangga tayo," anito sa kaibigan dahil sa sobrang bilis nang pagpapatakbo niya sa kotse.
Mabuti na lamang at hindi pa gaanong matraffic.
"Pau!" untag ni Eliza kay Paulene.
"Oh, bakit?"
"Nawawala ang ticket ko,"
"Huh? saan mo ba inilagay?" painosenteng tanong nito.
"Inipit ko sa passport ko kanina,"
"Baka naman nahulog nang hindi mo namamalayan,"
"Ano ba naman, mabuti pinaalala mong icheck ko mga gamit ko, kung hindi nagmukha akong tanga sa loob,"
"Anong gagawin natin?"
Baka dito lang nahulog hanapin natin," aniya.
Hilong-hilo na sila sa kakahanap pero wala silang nakitang ticket,
"Alangya! dahil sa ginawa ako pati ako nahilo," piping usal ni Paulene.
Napasandal naman si Eliza sa may dingding. Hindi niya napansin ang pag-alis ni Paulene.
Nakita kasi nito si Cris at Rich na kararating lamang.
Sinalubong nito ang dalawa.
"Here," anitong iniabot ang ticket ni Eliza kay Rich.
"Good job babe," nakangiting turan ni Cris.
"Ako pa! Go rich nandoon siya oh!" anitong itinuro ang kinaroroonan ni Eliza.
Nakapikit ito kaya hindi niya nakita ang paglapit ni Rich.
"Miss ito ba ang kailangan mo?" tanong nitong nagpadilat sa dalaga.
Una niyang napansin ang ticket na hawak ng binata.
"Yes!" aniya. Kukunin na sana niya ang ticket pero inilayo ng binata sa kanya.
"Hindi ka puwedeng umalis, Hindi ako papayag Eliza," turan ng binata.
Saka palang niya napansing nakabarong ang lalakeng nasa harapan niya.
"Rich?!"
"Mismo!" anang binata.
"Anong ginagawa mo rito? huwag mong sabihing hindi mo sinipot si Nadia.
"Mali! ako ang hindi niya sinipot," anito.
"Linoloko mo ba ako?"
"Hindi ka niya Linoloko Eliza, totoong hindi sumipot si Nadia, Kaya tinawagan ko si Paulene, Nang sinabi niyang narito kayo at paalis ka sinabihan ko siyang gumawa ng paraan para hindi ka makaalis." Salo ni Cris.
Nagpeace sign si Paulene rito.
"Ang sama niyo talaga!" pairap niyang sabi.
"Hindi ah! di hinayaan ka sana naming makaalis kung masama kami," ani Cris,
"Pinakaba niyo kaya ako, nagkadahilo ako sa kakahanap ng ticket ko kinuha lang pala ng bruhang 'yan!"
"Hindi lang naman ikaw ang nagkadahilo ah, kasama ako," nakangiting sabi ni Paulene.
"Kahit na! Akin na iyang ticket ko," aniya.
Pero ibinulsa ni Rich. "Kunin mo kung gusto mo," anitong may pilyong ngiti.
"Di kukunin," aniya, sabay lapit sa binata.
Pero mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya. "Hindi ko hahayaang makaalis ka Eliza, Dito ka lang at magpapakasal ka sa akin," bulong nito sa punong tainga ng dalaga.
"Rich let me go ano ba! pinagtitinginan na tayo ng mga tao,." ganting bulong niya.
"Ayoko nga baka umalis ka!"
"Hindi ako aalis,"
"Talaga?"
"Oo nga, Hindi na ako makahinga"
Pinakawalan naman siya ng binata.
"Eliza kapag iniwan mo ako. Magpapakamatay ako!" banta nito.
"Kaya mo?!" Hamon niya sa binata,
"Gusto mo patunayan ko?" anito.
"Sira ka pala eh! sinabi na ngang hindi ako aalis, Magpakamatay ka dyan! di ikaw ang mang-iwan kapag nagpakamatay ka!"
"Love mo pa rin ba ako?" anitong parang bata.
"Sa tingin mo ba ganon lang mawawala ang pagmamahal ko sayo? kaya nga sana ako aalis para kalimutan ka!"
"Puwede na ba nating ituloy ang Naumpisahan nating isang lingong pag-ibig?"
"Sige na nga, gawin na nating lifetime," aniya.
"Talaga? pakiss nga!" aba hihirit kaagad.
Walang sabi-sabing hinapit siya nito at sinikil ng halik ang kanyang labi.
Nagpalakpakan ang mga nakiusyoso sa kanila.
"Mahal na mahal kita Eliza," sambit nito ng maghiwalay na ang kanilang labi.
"Mahal na mahal din naman kita," tugon niya, Yumakap siya sa binata.
"Akala ko mawawala kana talaga sa akin,"
"Ako rin naman,"
"Oy tara na, tama na 'yan, para kayong si Kathniel pinagkakaguluhan kay oh!" untag ni Paulene.
"Tara na raw," anang binata,
Masaya nilang nilisan ang airport..
Panay ang kulitan nila habang nasa loob ng sasakyan. Maya't maya ang kiss nila..
"I love you sweety ko," sambit ni Rich.
"I love you too Baby ko," madamdaming tugon niya, saka nila pinaglapat ang kanilang mga labi. Pagkatapos ay ang mahigpit nilang yakapan.
**W A K A S**
No comments:
Post a Comment