Short Story Writing Contest Entry #1: Ours Is Almost A Fairy Tale by Anne Villahermosa


III: NOSTALGIA

“SENORITA, sino ho iyong kasama niyo kagabi?” usisa ng dalawa niyang yaya sa kanya habang inaayos ang buhok niya.

“He’s Kendal Sly Monte Carlo, son of Papa’s amigo.” sagot niya habang naalala ang binata at lahat ng nangyari kagabi. Sa totoo lang ay hindi talaga siya agad nakatulog kagabi dahil naaamoy niya pa rin ang scent ni Sly at ang paghawak, pagyakap nito sa kanya ay parang nakadikit na sa buong katawan niya. She never felt that kind of feeling to any other guys that she had dated before.

“He is so cute po Señorita. Kahit na simple lang ang suot niya, napaka-gwapo na. Eh kung nag-suyt pa’yon—“

“Suit. It’s not suyt!” pagtatama ni Hydie kay Jasmyn.

“Sorry na. Ang pakialamera mo talaga! Naku, Señorita, tiyak na pinagpantasyahan na siya lahat ng mga kababaihan doon kung nag-suit pa siya. Diba, Hydie?” tumingin ito kay Hydie, at sumang-ayon naman ang huli. Ngumiti siya at kumibit-balikat. “type mo ba siya Señorita?”

“Me? Nagpapatawa ba kayo?” she said then stood up and looked herself in the mirror.

“Ang sweet-sweet niyo nga ho noong magkasayaw kayo eh. Iba ang level! Nakakakilig kayong panoorin!” hinampas pa nito ang katabing si Jasmyn. Natawa siya roon.

“No. He was teasing me last night, and there’s no sweet about it.”

“Naku Señorita, mukhang type ka niya kasi obvious sa mga kilos niya eh. Yung mga tinginan niya sayo at mga ngiti niya. Hmmn, ikaw naman Señorita, mukhang nasa in denial stage ka pa eh.” pagpapatuloy ni Hydie. Napabunghalit siya ng tawa roon. In denial?

“Are you sure? Kayo talaga..marami kayong napapansin. There’s nothing between me and Sly.” aniya sa mga ito habang naglalagay ng lipstick. Kumibit-balikat ang mga ito habang nagpunta sa wardrobe niya at kumuha ng damit na susuotin niya.

“We’re still not satisfied, Señorita. Bagay na bagay kaya kayo. Maganda plus gwapo. Ay, pang-fairy tale!” nag-appear pa ang dalawa. Natawa siya roon dahil nabanggit na naman ang fairy tale. But he doesn’t believe in happy endings. Well..

Sinuot na niya ang damit pang-eskwela. Second year college palang siya sa kursong BS Psychology sa Zolerria University, ang elite University sa Pilipinas. Galing siya sa America ngunit dahil gusto siyang makasama ng parents niya, inilipat siya rito. 

Lumabas na siya, kabuntot ang dalawang yaya niya na bitbit ang bag niya at paper bags. 

Sumakay na sila sa sasakyan kasama ang dalawa pang lalaki niyang bodyguards. Lawyer ang Mama niya at Businessman naman ang Papa niya kaya ganoon nalang ang pag-protekta sa kanya ng mga ito lalo na at nag-iisa lang siyang anak. 

Nasasakal din siya sa klase ng buhay meron siya dahil hindi siya gaya ng ordinaryong estudyante o tao na pwedeng gawin kahit anong gusto, pwedeng umuwi kahit anong oras, o gumimik kasama ang barkada. 
Pinapayagan naman siya ng Mama at Papa niya na makipag-date sa mga gusto niya ngunit bantay-sarado pa rin siya at kabuntot ang mga bodyguards.

Sinalubong siya ng kaibigan niyang si Chinh Ylannan na BS Psych din. Nagbeso-beso sila at nag-elevator na. Kasunod niya pa rin ang mga bodyguards. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya sa mga iyon kasi ‘di siya makagalaw ng maayos, kulang na nga lang ay pati sa classroom ay samahan siya.

Pagkapasok nila sa room ay nakahinga siya ng maluwag.

“Grabe talaga ang mga bodyguards mo.” natatawang komento ni Chinh. Nag-pout siya.

“Oo nga eh. But my parents are much terrible because they hired them.” napailing siya at kinuha ang journal niya sa bag.

“Yeah right pero tingin ko ang enjoy na may mga bodyguards. Elitistang-elitista ang dating. Kainggit.” humalukipkip pa ito.

“You think so? Then, you must be weird. I want to slash your neck right now.” napabunghalit ito ng tawa sa sinabi niya. “don’t you ever wish to have bodyguards plus two yayas. It’s very annoying!” mariin pa siyang napailing at hinawakan ang noo. Natawa ito sa kanya.

“Have you read the news? Grabe lang, the girl was so slut.” narinig nilang bulungan ng mga kaklase nila sa likuran nila. Napatingin si Chinh sa mga ito.

“Ano ‘yun? Pa-join mga bhe.” usisa nito sa mga kababaihan. Nagtawanan naman ang mga iyon. Lumingon na rin siya. Nilabas ng kaklase nila ang dyaryo at nagulat siya nang lumantad ang magkayakap na katawan nila ni Sly kagabi. Nanlaki ang mga mata niya roon at nagkatinginan sila ni Chinh.

“And we found out na ikaw pala ito Señorita Francesca Nicole Fontanilla. This is Kendal Sly, richest son in the elite group. My family also belongs in the elite group pero I don’t flirt him like you do. This slut! Hmp!” humalukipkip pa si Montana Jade Montequiero. 

Hindi siya nakaimik at umayos nalang ng upo. Nagulat siya nang tumayo si Chinh at hablutin ang buhok ni Montana. 

“aw bitch!” gumanti na rin ito sa kaibigan niya, wala siyang choice kundi makipag-sabunutan na rin sa mga ito kaso lang ay tiyak na dehado sila ni Chinh dahil apat ang mga ito. Nagulat sila nang pumasok ang mga bodyguards at yayas niya at nakitulong sa pangg-gugulpi sa mga iyon kaya naman agad niyang sinaway ang mga iyon.

“What the hell is happening?!” napatigil sila sa matinis na boses ni Dean Miravilla. Tumayo sila, agad silang itinuro ng apat na babae.

“No Ma’am. They started the fight dahil nilait nila si Nicole.” pagtatanggol naman ni Chinh.

“They did the first physical attack!” angal naman ng mga ito. Lumapit sa kanila ang Dean at tinitigan sila isa-isa.

“You, highschool-attitude students, follow me. Now!” sumunod sila sa office nito. “Tell me what happened Miss Fontanilla.”

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya ng ulo. “Ahmm, we heard them gossipping about something so we got curious and asked them about it. Unfortunately, they showed us my picture with Mister Monte Carlo on the society page of the newspaper. And..” hindi niya alam kung itutuloy niya pa ang pagkukwento dahil alam niyang may pagkakamali rin sila ni Chinh.

“Montana told her that she’s slut!” sabad ni Chinh. Nanlaki ang mga mata ni Dean at napatingin kay Montana na namumutla na at ang apat pa niyang kaibigan ay ‘di na rin nakaimik. Ang may-ari kasi ng Elite University ay tiyahin niya kaya ganoon nalang ang pagkaputla ng mga ito.

“Why did you say that to Miss Fontanilla, Montana?” tanong ng Dean rito. Nagsimula na itong umiyak.

“I’m sorry Nicole. I didn’t mean to say that.” ani Montana na sa palagay niya naman ay sincere ito kaya tumango siya at ngumiti.

“I’m sorry too.” aniya. Nang maging okay na ay lumabas na sila sa opisina ng Dean. Ngunit nang nasa hallway na sila ay biglang huminto ang apat at nakataas ang kilay sa kanila. 
Nagkatinginan sila ni Chinh.

“If you’re thinking na okay na ang lahat. Humanda ka sa’min Nicole at ikaw…hampaslupang Celynh Ylannan!” nanlalaking mga matang banta sa kanila ni Montana habang umingos na ang mga ito at naglakad palayo. 

Susugurin sana ulit ni Chinh ang mga ito ngunit pinigilan niya ito. 
Nakasunod pa rin sa kanya ang mga bodyguards at yayas, hinarap niya ang mga ito.


“Can you keep a secret?” tanong niya sa mga ito. Nagkatinginan ang mga ito. “don’t tell this to my parents kundi pati kayo masasabon, I can keep this as a secret, too. Is it clear?” tumango naman ang mga ito. Nabunutan siya ng tinik sa dibdib, napangiti naman sa kanya si Chinh.


IV: THE VISITOR



NAKAUWI na sila at tuloy-tuloy na siyang nagpunta sa kwarto upang magpahinga at maya-maya ay gagawa na siya ng mga homeworks. May kumatok sa pinto niya, pinagbuksan naman niya iyon. Si Hydie iyon na maluwag ang ngiti sa kanya.

“Señorita may bisita kayo sa ‘baba.” anito na kinikilig pa. Sumabay na siya rito sa pagbaba. 

Dumagundong ang dibdib niya nang makita niya si Sly na nakaupo sa isang sofa at nagbabasa ng diyaryo. Naalarma siya. Hindi niya kaya gusto ang nakita niya sa society page? Marahil ay nagalit ang mga magulang nito? Ahhh!

Lumapit siya rito, umalis na ang mga katulong niya at nagpunta kung saan. “What are you doing here?” tanong niya rito. Binaba nito ang diyaryo at nilapag sa mesa.

“You can sit down, Miss.” anito. Ako pa ang nagmistulang bisita rito ah. Siya ang nagpaupo sa akin. Can’t!She rolled her eyes but sat on the sofa like what he commanded.

 “Ano bang kailangan mo? I want to rest.” kunwa’y naiinis siya at napapagod ngunit nang makita niya naman ito kanina ay nawala talaga ang antok at pagod niya. Tumabi ito sa kanya ngunit nakapagitan ang isang unan.

“Have you seen the page?” itinuro pa nito ang diyaryo. Tumango siya.

“At dahil diyan, I was trouble—“ napangiwi siya dahil nadulas ang dila niya.

“What? You were troubled? Why?” nahimigan niya ang concern sa tono nito, gusto niyang matuwa dahil concern ito. Umiwas siya ng tingin at umiling nalang. Hinawakan nito ang magkabilang-balikat niya at hinarap siya nito sa kanya. Napatingin siya sa mukha nito, bumilis ang tibok ng puso niya at pakiramdam niya ay lumaki ang pupil ng mga mata niya.This is weird!

“My—my classmates saw that page and called me slut. And I realise that they are right, I must be slut for getting close to you but you’re the one who’s really holding me that night and I was carried away and that’s my fault, I should not.” nalungkot ang boses niya. Partly, totoo naman ang sinabi niya, naisip niya rin iyon kanina at balak niya nga talaga itong layuan na rin lang din dahil mataas ito at tinitingala sa buong bansa.

“Nicole, you know to yourself that you’re not.” may conviction ang tinig nito parang hindi mababasag ninoman. Lumobo naman ang puso niya dahil parang isang compliment iyon na marinig ditong hindi totoong slut siya.

“This is just a dream, Sly. We should not be together. You’re one and I’m seven.” ang tinutukoy niya ay ang bilang kung anong family group rank naroon sila. Pang-una ang mga ito at pampito lamang ang pamilya niya.

“I like you, Nicole, regardless what family we’re in. It’s not about our status, it’s about us.” parang bumubulong lang ito pero napakalakas talaga niyon sa kanya. At tumatagos sa puso niya ang bawat salita nito lalo ang pangalawang ulit nitong pagsasabing gusto siya nito para bang gusto niyang atakihin sa puso sa tuwa. And she’s really trusting this guy as her parents trusted him. Nakakamangha ngang pinapasok ito sa loob, malaki ang posibilidad na itinawag ito sa kanyang Papa o Mama at pinayagan naman.

“I-it’s about us—what? Do we have that ‘us’?” tabingi ang kanyang pagngiti habang tinatanong iyon dito. Gusto niyang makarinig ng positibong sagot mula rito.

“Yes, we are friends like what I’ve told you last night.”

Naglaho ang kilig na nararamdaman niya. Oo nga pala at isang hamak na kaibigan lang ako para sa kanya. Eh ano naman ngayon, Nicole? Gusto mo, Princess ka niya gaya sa mga fairy tales? Ganoon ba? Hmp!

“Yeah, right.” simpleng tugon niya rito.

“I’ll always be around you.” lumayo na siya ng bahagya rito. So, what’s the point of being clingy and touchy? Err—but what am I saying?

“Alright. I think I really need a rest, kanina pa masakit ang ulo ko.” tumayo na siya at naglakad palapit sa hagdan. Tumayo na rin ito.

“Yeah, I’m going too. Good-bye.” tumango nalang siya habang naglakad na ito palabas. 

Nakaramdam siya ng guhit sa dibdib niya. Nagsimula na siyang umakyat. “Nicole?” agad siyang napababa sa pagtawag nito sa pangalan niya. Ngumiti ito sa kanya. “I’ve never seen you in any parties sa elite. Pupunta ka ba bukas sa elite welcome party?” hindi kasi talaga siya pala-punta ng mga parties. Nakikilala niya lang ang mga elite members kapag mayroong party na ginaganap mismo sa kanila at hindi niya rin naman nakikita si Sly dati sa mga okasyon sa kanila. Noong anniversary niya lang talaga ito nakita.

“Oo. I’ll be there after my class. See you!” ngumiti siya rio, gumanti naman ito ng ngiti at tumango saka nag-wave na ulit. “Sly?” lumingon ito sa kanya. “ahmm..nothing. Sige, go ahead.”

Kumunot-noo ito at naglakad palapit sa kanya. “Anong ‘nothing’? Anong gusto mong sabihin?” na-conscious naman siya sa paglalapit ulit nilang ganoon.

“Hmmn, wala. I mean, ingat ka.” nahihiya niyang wika rito. Ngumiti ito sa kanya. Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya. Bolta-boltaheng kuryente ang tila dumaloy sa ugat niya ngunit ayaw niyang bitawan iyon. Gusto na ba kita Sly?

“Ikaw din.” binitawan na nito iyon at umalis na rin. Mariin siyang napapikit



V: DANNY

NAPAKARAMING inihandang pagkain sa selebrasyon at pagsasalo-salo ng mga elite. Hindi kumpleto lahat lalo na’t wala ang Daddy ni Sly. Nagpapalitan lang sila ng ngiti ni Sly habang nasa kabilang table siya at ‘di rin naman kalayuan sina Sly kasama ang Mommy nitong si Jewel na ngumingiti rin sa kanya.

Mayroon daw bagong elite family ang napabilang sa 30 elite families. Halos pagmama-may-ari raw nito ang buong Mindoro at Zambales, ilang mga Fabric Companies din ang mayroon ito sa Pilipinas kaya naman napabilang ang mga ito sa elite.

“Let’s stand and welcome the newest elite family! The Guerrero family!” anang tagapagsalita. Tumayo sila at pumalakpak habang pumasok ang matandang babae at sumunod naman ang matangkad na babae na maigsi ang pulang skirt at halos lumuwa na ang dibdib sa suot na white tube, pulang-pula pa ang mga labi nito kaya naman ang mga ka-binataan sa elite ay natulala rito. Tinignan niya si Sly, nakatingin rin ito sa babae ngunit kalmante lang naman. “This is Señorita Leuticia Camarra-Guerrero at ang kanyang apo na si Monica Dannison Benitez-Guerrero—“

“Call me Danny. Danny Guerrero.” putol ni Danny sa tagapagsalita. “can we sit down now?” umupo na ito doon kaya naman umupo na rin sila. Kinuha nito sa maliit na bag ang sigarilyo at sinindihan iyon. Nagkakatinginan ang mga elite members kahit ang Mama at Papa niya ay naaasiwa ang pagmumukha sa ugaling pinakikita ng bagong miyembro.

 Umikot ang mga mata ni Danny at napahinto ito nang makita si Sly. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Nakatingin rin lang dito si Sly. Maya-maya ay inanunsyo na ng master of the ceremony na maaari ng magsi-sayawan ang lahat. Niyaya siya ng ibang kalalakihan na sumayaw. 

Pumayag naman siya ngunit nakapokus ang mga mata niya kina Sly at Danny na nagsasayaw. Parang hinahati sa dalawa ang puso niya at nagpuputok ang butsi niya.Hindi man lang ako ang unang niyaya ng kutong-lupa! Mga lalaki talaga pare-pareho eh. Basta makakita ng bagong maganda at sexy, pagtutuunan na ng malaking atensyon. Hmp!

“Nai-insecure ka ba sa kanya, Nikki?” tanong sa kanya ni Kim Taekhyun. Ang Kim family ang natatanging Korean family na napabilang sa elite. Ito ang pinaka-close niya sa mga lalaki dahil mabait ito, hindi raw siya nito type at kabisado nito ang katarayan niya.

“Kanino? Kay Danny?” inalis na niya ang tingin sa dalawa at ipinokus ang mga mata sa iba.

“Ay hindi. Kay Montana..” natatawa nitong pamimilosopo. Inismiran niya ito.

“Maghanap ka nga ng kausap mo. Huwag ako, please?” sumimangot pa siya.Payaya-yaya pa kahapon sa welcome party tapos nakahanap lang ng maganda, naitsapuwera na ako. Grr! Naiinis talaga ako sa’yo Sly! Oo nga. Nagseselos na talaga ako. Paano? Eh gusto ko na nga siya.

“Hindi mo naman kailangang mainggit sa kanya Niknik. Hmmn..” tumingin rin ito kay Danny. “binabawi ko na, hindi nga siguro masama ang mainggit. Maganda kasi siya eh tapos ang sexy pa. Lahat talaga ng lalaki gugustuhin siya..”

Sinamaan niya ito ng tingin. “Ibig sabihin ba niyan gusto mo rin siya?”

“Oo. Gusto ko siya..gusto kong patahian siya ng mas mahabang skirt.” anito. Natawa siya roon at hinampas ito sa balikat. “oh ‘ayan tumawa ka na. Good mood ka na ulit.”

“Ikaw? Bakit wala ka pang nagiging girlfriend? Bakla ka ‘no?”

“Hoy! Marinig ka ni Papa! Tsaka, mahiya ka nga, ‘di ako bakla. Ang dami-dami kong girlfriends eh, gusto mo bang maging girlfriend din kita?”

“Mas mahiya ka naman. Ganda kong ‘to, papatulan ko lang tulad mong tsinitong hilaw? ‘Di nalang uy.”

“Wag kang magsalita ng patapos baka kainin mo lahat ng sinasabi mo. Baka magising ka isang araw, in love ka na pala sa akin.”

Kumunot-noo siya rito at hinampas ulit ito ng malakas. “Ang kapal talaga ng mukha mo, Hyung! Kung gugustuhin man kita malamang hindi na ako magigising, siguradong binangungot ako n’on.” tumawa ito ng malakas.


“Ihahatid na nga kita sa table mo, ang exag mo na eh.” hinatid na nga siya nito sa table at nakipagsayaw sa mga ibang elite girls. Siya naman ay inaayos ang strap ng sandals niya. 

Hindi niya maiwasang tignan sina Danny at Sly ulit. Magkadikit na ang mga katawan ng mga ito, nakatingala si Danny kay Sly na para bang kaunti nalang at maghahalikan na ang mga ito. Tutok rin lang din ang mga mata ni Sly rito. Nagngitngit ang kalooban niya.

 Tumayo na siya at nagpahatid sa mga bodyguards niya sa mansion. Hindi niya kayang tiisin ang ambiance doon. Pag-uwi niya ay hindi rin naman niya kayang matulog. Iniisip niya sina Sly at Danny.


No comments:

Post a Comment