HUNK SERIES: IMRAN (Stay With Me) by Eleony Che


CHAPTER 8


NAPAGOD si Angel White sa byahe nila ni Imran, hindi na sila bumalik pa sa bahay ng binata sa Selangor, Gombak. Pinakuha na pala nito ang kanyang mga gamit sa driver nito at dumiretso na sila sa LCCT airport, Kuala Lumpur.

Ilang oras din ang kanilang biniyahe. Naalala n’ya kung paano niya nakitaan ng pag-alala ang mukha ni Imran nang bigla siyang nanginig at muntik ng mag-break down. Bigla na lamang bumalik sa alala niya ang nakaraan du’n sa airport kung saan du’n siya dinukot ng hindi nakikilalang mga lalaki, kasabwat marahil ang Filipina na sumundo sa kanya at nagdala sa kanya sa Macdonalds.

"Nasaan na tayo?" tanong niya kay Imran nasa kanyang tabi. Lulan sila ng kotse na sumundo sa kanila sa NAIA terminal 3.

"Sa bahay." matipid nitong sagot sa kanya.

"Saan bahay? Ang dami mo’ng bahay? Pati pala rito, meron din?"

Natawa ito sa kanya, “Ayaw mo ‘yun. marami tayong mapupugadan?”
Inirapan niya ito.

Pagkalabas nila ng kotse ay agad niyang sinuyod ng tingin ang malaking bahay nasa kanyang harapan, at ang malawak na bakuran nito.

Ang ganda at ang laki! Malaki rin ang bahay nila sa Cebu. Pero hindi kasing laki nito at kaganda. Kakaiba rin ito sa Villa Abbas nasa Sabah, maging ang bahay ni Imran nasa Selangor, Gombak. Ang galing ng nagdesinyo nito. Angel thought herself.

"Imran!’

Magkasabay silang lumingon ni Imran sa babaeng nagsalita. Sophisticated, may kataasan at tila isang modelo na binihisan.

"Mama." Niyakap ni Imran ang babae.

Napatitig si Angel sa tinawag ng binata na Mama. Kung ganun, ito pala ang ina nito…subalit napakabata pa! Kaya palipat-lipat niyang tinitigan ang dalawa.

"May kasama ka, hindi mo ba ipapakilala sa’kin? Bakit biglahan na lang ang dating mo rito? Gabi na! Nabalitaan ko na nun nakaraan buwan ay nandito ka sa Pilipinas, hindi ka man lang napasyal." wika ng ina ni Imran.

"Ito po si Angel White." pagpapakilala sa kanya ng binata. "Angel, si Mama. Sa kanyang bahay ito." dugtong pa ng binata.

"Mama mo?As in, mother?" Hinding makapaniwalang tanong niya.

"Bakit, Hija, may pagdududa ba sa mukha namin? Para hindi kapani-paniwala na mag-ina kami.?" Sarcastic na tanong ng ina ni Imran na may kasama pa’ng nakataas ang isang kilay.

"K-kasi po…n-apakabata niyo tignan p-para maging ina niya." Nauutal na sagot niya.

Tumawa ang ina ni Imran, “Magkakasundo tayo, Hija! Salamat sa compliment. Pasok na muna kayo, magpapahanda ako ng makakain nyo.”

Nang nakapasok na sila sa loob ng bahay ay lalong napamangha si Angel na napansin naman ni Imran, “Magaling na interior designer si Mama, building, event, o maging sa pagde-design ng mga damit. Kaya sila nagkahiwalay ni Papa dahil sa hindi nito maiwan ang kanyang hilig na trabaho.”

"Talaga? Ang galing niya, means, siya ang nag-design nitong bahay niyo."

Tango lamang ang tinugon ni Imran, at agad niyang napansin ang malungkot nitong mata. Mahirap basahin ang kalooban ng binata, bigla na lang nakikitaan ng kalungkutan sa mga mata nito.

"Are you tired, Angel without wings?"

'H-ha?” nagulat siya sa tanong nito. Nababaanagan ang lungkot sa mga mata nito. Pero nagagawa nito ngayon na magbiro.

Tumango siya. Pagod nga siya at inaantok pa rin kahit na sa ilang oras nilang byahe ay natulog naman siya.

Iginiya siya nito patungo sa silid na ilaan nito para sa kanya. “This is your room,” Imran said when they reach the second floor. ” You still have time to rest before we eat..”

"Teramah Kasih…"

Napakunot ang noo nito, tinignan siya nito nang matagal.”Don’t try to speak again the bahasa language. Mas gusto kong marinig ang salitang Pilipino.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi bago siya iniwan sa silid na tutuluyan niya.

She felf calm inside her room. Kumuha siya ng kanyang damit na ipamalit niya sa bag na kanyang dala saka pumasok sa banyo upang makapag-half bath bago matulog. Nanlalagkit siya dahil sa ilang oras din nilang byahe.

Nang makatapos na siyang nakapaghugas ng katawan at nakapagbihis ay agad siyang sumampa sa kama upang matulog. Ngunit, hindi niya maiwasan hindi maisip ang kanyang Mama at kapatid, pati na rin ang kanyang mga kaibigan.

Kumusta na kaya sila Mama, at ang nag-iisa niyang kapatid na si Justin, maging ang mga TRE’s girls. Kumusta na kaya ang pamamahala nila sa TRE’s bar, at TRE’s condominium. Sa isipin iyong ay hindi niya naiwasan na hindi lumuha, napasigok siya. Kung hindi sana naging ma-pride na dahilan na sumubok siya na magtrabaho sa ibang bansa para lang may patunayan sasarili ay hindi sana niya dadanasin iyon.

"Oh, God!" bulalas ni Imran na pumasok pala na hindi man lang niya naramdaman. "Don’t show me those tears again, Angel!" Umupo ito sa tabi niya sa kama. "Forget that damn nightmare! The monster in yourmind. You’re already safe here, and your free!"

"Hindi ko naman pinapakita sa iyo, ikaw man lang itong biglang pumasok." Sagot niya na walang mahagilap na idahilan.

"At namimilosopa na ka?" sabi nito na hinagod ang kanyang balikat.

Nag-init ang kanyang pisngi, hindi niya mawari kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. Ang kanyang dibdib ay walang humpay sapag kabog. Parang hinahanap ng katawan niya ang init na pinagsaluhan nila ni Imran ng ilang beses na.

"Can I sleep here?" mayamaya ay tanong nito sa kanya."Don’t worry,I didn’t touch you."

Umisod lang siya bilang pagsang-ayon na pumapayag siya. Bumaluktot siya sa loob ng kama at pinilit na makataulog. Naramdaman niyang humiga na ang binata sa kanyang tabi, lumapit ito sa kanya,’yun pala ang itinaas nito ang kanyang ulo upang ipaunan sa kanya ang braso nito. Gustong-gusto niyang kiligin pero pinigilan niya. Ayaw niyang makapag-isip ito ng masama sa kanya.

"GOOD morning, Mama!" Imran hugged the pretty woman nakaupo sa harap ng mesa sa kusina at nagkakape.

"Tell me about her? Siya na ba?"

"I don’t want to talk about that, Ma. Can I take my breakfast now? Bago tayo magkumustahan." iwan niyang sagot sa tanong ng ina.

"Imran! Kelan ka ba muli magse-share sa akin ng mga activity mo sa personal mo’ng buhay? Aba,gusto ko na magkaapo. Why you don’t plan to settle your life para sa pagbuo ng pamilya?" Naiiling na saad ng Mama niya.

"Pagbuo ng pamilya? That’s useless, Mama! Hindi ako naniniwala sa kasal o sa pagbuo ng pamilya. Ayaw ko’ng makasal at wala sa isip ko ang pagbuo ng pamilya." sagot niya sabay tayo. Nawalan na siya ng gana mag-almusal kaya iniwan niya ang ina sa kusina kahit na tinatawag siya nito ng ilang beses.

Dumiretso si Imran sa garahe at sumakay agad sa kanyang sport car mercedes bens na kulay dilaw. Ito ang paborito niyang gamitin kapag nandito siya sa Pilipinas. Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang sasakyang palabas sa bakuran ng mansyon ng ina.

Bigla siyang na-allergy sa usaping pagbuo ng pamilya. Simula nang nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya ay wala na sa planu niya ang bumuo ng pamilya o makasal. Para sa kanya ay hindi mahalaga ang kasal, at hindi siya naniniwala na tatagal ang samahan ng isang pamilya dahil matutulad lamang sa kanilang pamilya. Ayaw niyang masaktan ang magiging anak nya, maging katulad niya naiwan ng kanyang mga magulang sa pag-aaruga lamang ng mga kasambahay nila.

Huminto ang kanyang sasakyan sa isang mataas na condominium, ang TRE. May isang tao siyang gustong i-meet dito, ang kilala niyang magaling na detective. Hindi niya ito natawagan o napagsabihan na makipagkita siya rito. Pero nakakasigurado siya na andito pa ‘yun sa loob ng unit nito.

"Hi, I want to ask if Mr. Alf Tyrone Mondraza’s here?" tanong niya sa receptionist nasa information desk.

"Wait, Sir. I will check first…but can you give your info . . "sagot ng babae na kanyang napagtanungan. Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nang natitigan siyang mabuti."Oh, Mr.Imran Abbas. I’m sorry, kayo po pala."

Tumango lang siya rito, at napabaling ang tingin niya sa dalawang babae na bagong dating, galing sa loob ng elevator. Naka-short lamang ito ang isa with a hang lady shirt, at ang isa naman ay naka-long dress tube na pink.

"Good morning po!" bati ng mga staff na nakakasalubong sa mga ito na ginagantihan naman ng mga ngiti nito. Maging ang receptionist na kanyang napagtanungan ay bumati rin. Huminto ito sa information desk.

"Miss Yulo, napansin mo ba si Friah? Kagabi pa namin siya hinahanap." tanung ng babaeng naka-short.

"Miss J, ang huling kita ko po ay nagmamadali siyang lumabas kahapon. Hindi ko na po alam kung nakabalik pa dahil iba na po ang nakaupo rito." sagot naman ng nasa information.

"Okay!" paalam na sana mga ito nang pinakilala siya ng receptionist.

"Mr. Abbas, nice to meet you. Dito ka pa namin na-meet sa condo na ito." ang tinawag na Miss J ang unang nagsalita. "Ito si Eleony Che, isa sa mga ka-business partner nitong TRE."

"Hello, ladies." nakipagkamay siya sa mga ito. Napakasimple lang ng mga babae ang nasa kanyang harapan. Hindi niya akalain na mga babae pala ang may-ari ng lahat na TRE business na sumisikat ngayon.

"Kung si Alf Tyrone ang hinahanap niyo, nasa unit niya ito. Nakita ko kanina na may hinatid na babae sa elevator." singit ni Eleony Che.

Nagpasalamat siya sa dalawa, nauna na ang mga ito na nagpaalam dahil hahanapin pa raw ng mga ito ang isa sa kasosyo ng TRE na si Friah. Napag-alaman niya sa mga ito na puro mga babae ang nasa likod ng TRE, anim na mga babae at nabanggit isa-isa ni Miss J sa kanya ang mga pangalan. Bigla niya naalala si Angel na iniwan niya pa kanina na natutulog nang mabanggit ni Miss J ang isa sa kasosyo ng mga ito na kapangalan ni Angel nasa ibang bansa raw.

Tinungo na ni Imran ang unit ng kanyang kaibigan na isang magaling na detective, nasa 8th floor ang unit nito. Nang nasa pasilyo na siya ay may nasalubong siyang babae na naglalakad at may kausap sa cell phone nito.

"Hello Luke Bryan, Sonia `to. Can you wait please? Asikasuhin mo muna ang problema mo kay Honey Cathleya habang hindi ko pa nakikita ang pinapahanap mo sa akin. Or else…irekomenda na lang kita sa kakilala ko na detective, isa sa may-ari ng unit dito sa TRE condominium." dinig niyang sabi nito.

Napakunot siya ng noo dahil sa pangalan nabigkas nito, naalala niya tuloy ang kaibigan niya at dating kaklase. Huling nakasama niya ito noon sa bar kung saan nagsimula ang lahat napasama siya kina Farhan at Jamil sa pagpunta sa isla kung saan ginanap ang auction virgin. Mukhang pamilyar din sa kanya ang mukha ng babae, maganda ito at may kahawig kaso hindi niya lang matukoy kung sino.

Nasa harapan na siya ng unit ni Agent Alf Tyrone Mondraza, isang private investigator dati sa NBI na ngayon ay may sarili ng agent training school makatapos na mag-resign sa trabaho.

"Imran Abbas, ang batang bilyonaryo! Napadpad ka rito, pare, emergency ba?" bungad sa kanya nito nang pagbuksan siya ng pinto.

"Some problems to solve. You’re always away from your office."

"Well, you have my number. You didn’t give me a call." Inabutan siya nito ng brew coffee, nag-aalmusal pa kasi ito na kanyang naabutan.

"May ipapahanap ako sa iyo." he start to open about the case of Angel White.

"So, you hire me as your private investigator? Alam mo naman na wala na ako sa serbisyo, nagpapa-training na lang ako ngayon. Why you don’t hire a other private investigator para riyan sa pinapahanap mo."

"Ikaw na, pare. You have ample connections and you have access to public documents even na nag-resign ka na sa NBI." he said after his friend sat down in front of him. "I’ll shoulder the expenses."

Gusto niya makulong ang nasa likod ng pagdukot kay Angel at sa pagpasa sa dalaga sa sindikato upang mabuwag na rin ang sindikato na kinabibilangan ng kaibigan ni Farhan na si Jamil. Ikinuwento niya ang nangyari kay Angel.

"Oh, fuck! That’s human trafficking.May international law para riyan. Mabigat na kaso iyan, pare."

"Kaya nga ikaw ang napili ko’ng lapitan para sa kasong ito. Angel has been traumatized. Iwant to help her. And I want them in jail kung sinu man ang nasa likod nito."

"Dapat ay nagsampa na rin ng kaso ang biktima. Twenty years to life ang conviction. May kasama pa’ng kidnapping. So, where is the victim now?" Interesadong sabi nito.

"Nasa bahay ni Mama. Hindi ko pa hinahatid sa kanila, she told me na may ina at nag-iisang kapatid siya."

"Is she under your protection? Hmm… I smell something nice." Ngumiti ito nang kakaiba at may kasamang kindat pa.

"How much…"

It seems that she’s something special to you. You’re acting like a hero to a damsel in distress.” Putol nito sasabihin sana niya.

"You can visit her. Alam mo naman kung saan nakatira si Mama." pag-iiba nito ng usapan."Just ask her sa ibang detalye."

"Whew! Love is in air! I really smell something fishy, pare. Is she special to you?" Pangungulit sa kanya ni Alf Tyrone.

"Ganyan ba talaga ang mga detective, tsismoso?" tila naiinis niyang sabi.

Humalakhak ito, “Pikon!”

He just shrugged his shoulder. All he knew was he didn’t want anybody to harm Angel again. But love? He don’t know!

Dalawang tao na ang nagtanung sa kanya ngayon araw din mismo, about Angel. If she’s special for him. Ang sagot lang ng isip niya ay ayaw niyang maranasan ang naranasan ng mga magulang niya at hindi siya naniniwala sa pag-ibig.

No comments:

Post a Comment