CHAPTER 9
KANINA pa gising si Angel, bumaba na siya kanina ngunit bumalik din siya sa silid na inilaan para sa kanya matapos marinig ang usapan nila Imran at ng ina nito.
Hindi niya mapigilan na hindi humikbi nang makabalik siya sa silid,narinig niya lahat ang sinabi ng binata. Laruan nga talaga siya para rito, isang alipin sa kama. Hanggang doon lamang ang realsyon ng lalaki sa kanya, lalo na’t binili lamang siya nito mula sa sindikato ng malaking halaga.
"Kailangan ko ng umalis dito, walang patutunguhan ang relasyon meron kami. I will pay him back para sa malaking halaga na ibinayad nito sa sindikato."aniya sarili habang pinupunasan ang pisngi niya nabasa ng luha.
Napaigtad siya ng may kumatok sa dahon ng pinto ng silid na kanyang kinaroroonan. Dali niyang inaayos ang sarili at lumapit sa pinto upang buksan ito.
Nagulat siya nang mapagbuksan ang ina ni Imran. “Who are you?” bungad na tanong nito sa kanya ng deretsahan.
Napalunok siya, hindi niya alam ang isasagot dito. Oo nga, napakilala siya ng binata kagabi sa ina pero hindi kumpletong detalye.
"Pwede po ba’ng si Imran na lang ang sumagot sa tanong n’yo." mahinahong sagot niya rito.
Nakataas ang sang kilay nito na tila inuusig siya ng mga titig nito sa kanya na kanyang ikinaiilang. “Ikaw ang tinatanong ko! Kaya ikaw ang dapat na sumagot ng tanong ko!”
Napayuko naman siya sa tinuran nito. “Tinulungan lang po ako ni Imran, wala po kaming relasyon.”
"Tinulungan sa ano? Isa ka bang takas sa Kuala Lumpur?" Sarcastic na tanong muli ng Mama ni Imran.
Nanginig ang mga kamay ni Angel, namutla siya at biglang pinagpapawisan ng malapot. Muli siyang sinakluban ng takot, ayaw niyang sagutin ang tanong ng ina ng binata dahil hindi niya alam ang kanyang isasagot.
"Haller! I’m asking you, takas ka ba? Kaya ka tinulungan ng anak ko."
"H-hindi po… B-binili ako ni Imran sa mga sindikato." sagot niyang nauutal. Napakagat siya sa ibabang labi habang pilit na kinukontrol ang sarili na huwag kabahan o manginig man lang.
"Binili? What?" napasigaw itong sabi.
"Mama!" Boses ni Imran mula sa likuran ng ina na nakabalik na pala
Napahawak siya sa kanyang dibdib, tila siya nabunutan ng tinik na nakahinga ng kaunti.
"Oh, Hijo. Andito ka na pala. I’m just asking her if who is she…"
"No need to asked her, Mama!" naputol ang sasabihin pa sana ng ina ni Imran dahil nagsalita kagad ito.
Biglang tumititig sa kanya ang binata na muntik na niyang ikalundag. Hindi niya malaman kung ipapasalamat ba niya ang biglang pagdating nito para lang mailigtas sa katanungan ng ina o o maiinis siya dahil sa mga narinig kanina sa dining room.
"Hindi ka pa raw nag-aalmusal! Gusto mo ba na subuan pa kita?" baling nito sa kanya na madilim ang mukha.
"H-hindi pa ako nagugutom." sagot niya habang pinagpipisil-pisil niya ang kanyang mga kamay upang mabawasan ang panginginig.
Napansin ng binata ang kanyang ginagawa niya sa mga kamay niya kaya hinawakan siya sa kamay nito.”Nanginginig ka naman.”
"Why? What happen to her?" tanong ng Mama ni Imran na hindi pa pala umaalis sa silid ng dlaga.
"She’s under of medication, Mama. She’s have a lot of drugs sa katawan niya. Biktima siya ng human trafficking kaya ko siya kasama para maibalik sa kanyang pamilya."
Dinig na sagot ng binata sa ina nito na halos ipagting ng kanyang dalawang tenga. Hindi! Hindi na kailanagan na ibalik mo ako sa pamilya ko,Imran! Aalis na ako rito at babalik sa amin! Sigaw ng isipan niya habang hila-hila siya nito patungo sa dining room.
"You must to eat! May mga gamot ka pa na dapat inumin! Paano ka gagaling niyang kung hindi ka marunong pangalagaan ang sarili mo!" pagalit na wika nito sa kanya.
Tahimik siyang umupo sa silya na itinuro nito sa kanya. Dinig niyang tinawag ng binata ang kasambahay ng ina nito at nag-utos.
"Tell me, ano ang tinatanung ni Mama sa iyo?" anito na umupo sa katabing silya malapit sa kanya.
"Wala naman!" mahinang sagot niya. Hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito, ayaw niyang maiyak dahil sa mga narinig kanina.
"Umiyak ka naman ba?"
Umiling siya. Magagalit ito sa kanya kapag nalaman na umiiyak siya kanina umaga at sigurado ay tatanungin nito kung anung dahila na umiyak naman siya.
"Kung hindi ka umiyak. Bakit maga ang mga mata mo?"
Tinanhali na kasi ako ng gising. Kaya nga hindi pa ako nakapag-almusal.” pagsisinungaling niya rito.
Tinitigan siyang maigi, tila inuusig naman siya ng konsensiya sa pagsisinungaling niay rito. Mayamaya, hinawakan ng binata ang kanyang kamay. Pinisil-pisil nito ang dalawang kamay niya na nakapatong sa mesa. Nakatingin lamang siya sa mga kamay nila, napapalunok siya sa ginagawa nito.
"Gusto mo bang lumabas mamayang gabi? O gusto mo ba tawagan ang pamilya mo nasa Cebu? Paluwasin mo sila rito, may bahay ako sa Forbes Park. Puwede kayo roon…O kaya, tawagan mo ‘yun kaibigan mo na tinawagan mo noon." suggestion nito sa kanya.
"Saka na muna." maikling tugon niya. Gusto niyang bawiin ang mga kamay niya sa binata subalit mahigpit nitong hinahawakan mga kamay niya kapag tinatangka niyang bawiin.
"So, lalabas na lang tayong dalawa mamaya. Okay?"
"Imran, takot akong lumabas. Baka bigla nila akong kukunin, ayaw ko sa maraming tao." nanginginig na boses niyang sagot rito.
"No! Aalis tayo mamaya. And I will assure you na hindi ka mapaphamak. Pupunta tayo sa resort na personal kong pagmamay-ari." nakangiting sabi nito.
Sasagot pa sana siya subalit pumasok na ang dalawang kasambahay nito na may dalang mga pagkain at inilagay sa kanilang harapan.
"What can you say to this place?" tanong ni Imran kay Angel pagkatapos nilang kumain kanina ay nagbyahe kagad sila patungo sa resort na pagmamay-ari ng binata.
"Ganoon ka kayaman para kahit saan sulok ng mundo ay may mga paagmamay-ari kang property?" balik tanong ni Angel habang humahangang nakatitig sa karagatan.
"Hmm… I don’t want to count it! Would you like to take a walk along the beach?" tanong muli ni Imran sabay hawak sa kamay ng dalaga.
Nang tumango si Angel ay hinila siya nito palabas ng bahay at tumakbo papunta sa dalampasigan.
Angel could smell the salty breeze coming from the sea.It felt like home. Nasa malapit din sa dagat ang kanilang bahay, kapag gusto niyang mapag-isa ay nagtutungo siya sa tabing-dagat at nakatanaw sa karagatan. Bigla siya nakaramdam ng kalungkutan, naalala niya ang kanyang Mama at ang nag-iisang kapatid niya. Kung hindi lang sana naging matigas ang ulo niya ay hindi dadanasin na mapabilang sa mga human trafficking.
"Angel, why?" tanong ng binata. Mukhang nahalata nito ang kalungkutan nadarama niya.
"W-wala… May naalala lang ako." sagot niya na subrang pagpipigil na huwag malaglag ang mga luha niya.
"Don’t worry, mahuhuli rin kung sinu man ang may kagagawan ng nangyari sa iyo. Mawawala rin ang takot mo at muli mong makakasama ang pamilya mo.Just trust me and stay with me first." anito sabay pisil sa kanyang palad na kanina pa nitong hawak ang kanyang kamay.
Pinahilig siya nito sa balikat nito. The warmth of his body gave her a special kind of comfort. Masarap sa kanyang pakiramdam. Nagtagal sila sa ganoong posisyon.”Paano pala ang trabaho mo?” kapagkuwan ay tanong niya sa binata.
"Maari ako mag-opisina rito, nasa Kuala Lumpur ang main office ko. Pero maaring ipasa sa opisina ko sa Ayala. May sariling building ang pamilya namin doon."
Tiningala niya ito, ganoon ba talaga ito kayaman. Maaring kahit saan ay may sariling office.Kunsabagay, nakaya nga siya bilhin nito mula sa human traffecker.
Biglang pinisil nito ang ilong niya, “Anong nasa isip mo, hmm?”
"W-wala ha."
"Wala ha? Sige nga …" Binuhat siya nito bigla at dinala sa maalong tubig.
Napatili siya.”Ibaba mo ako!” Nagpupumiglas siya kaya natumba sila. She took a deep breath. Nakainom siya ng tubig-alat.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito nang mapaubo siya.
"Ikaw kasi!" Hinampas niya ito.
"Sorry …" He splashed some water on her. Humalakhak ito.
"Nang-iinis ka ba?" Gumanti siya hanggang sa nagsabuyan sila ng tubig.
"Ayoko ko! Stop it, Angel."
Hindi pa rin niya ito tinitigilan. Gusto niya itong asarin. Gusto niyang maging masaya habang kasama pa niya ito.
Tila napipikong sinugod siya nito. “Ayaw mo akong tigilan?” Binuhat siya nito muling, dinala sa dalampasigan saka kiniliti siya nito.
Buong katawan niya ay tila kinukuryente sa ginagawa nitong pagkikiliti sa kanya. Kaya hindi niya mapigilan na tumili habang tumatawa na halos hindi na makahinga . “Tama na! Surrender na ako!”
He was still laughing hard when he stopped tickling her.
Humiga sila sa buhangin, magkatabi at parehong naghahabol ng hininga. Pinikit niya ang kanyang mga mata, masaya siyang kasama si Imran, nakakalimutan niya ang masamang nangyari sa kanya at pati na rin ang problema nila ng kanyang mama na dahilan kung bakit siya nangibang bansa bilang OFW. Sa kabila ng magandang buhay na meron siya ay ninais niyang magtrabaho bilang sales lady sa bansang Kuala Lumpur ngunit masaklap ang nangayri sa kanya. Napabilang siya sa human trafficking, at laking pasasalamat niya dahil dininig ng Diyos na mailigtas siya sa pamamagitang ni Imran.
"Hey…!" Tinapik siya ni Imran sa kanyang pisngi. Hindi siya kumibo, naramdaman niyang tumagilid ito at nasisigurado siyang nakatitig sa kanya ang binata.
Bumilis ang pintig ng puso niya sa nararamdaman mainit na hininga ng binata sa kanyang mukha. Gusto na niyang imulat ang kanyang mata subalit tila may sariling pag-iisip ang mga iti na huwag namuna dumilat, at ang kanyang labi ay tila may hinihintay.
"Are you okay, my Angel? She could fel the warmth of his breath.
Ang labi niya na naghihintay ay naiinip kaya she opened her eyes. His face was three inches away from hers. His penetrating stare was melting her heart. Napalunok siya habang sinasalubong ang titig nito sa kanya.
"A-alis…" nasabi na lamang niya. She lightly slapped his face nang hindi pa rin ito kumikibo na nakatitig sa kanya.
Biglang hinawakan ni Imran ang kanyang kamay, dinala ito sa pisngi nito hanggang sa labi nito at saka hinagkan ng binata. Nakaramdam siya ng tila kuryente sa katawan kaya muli siyang napalunok at pumikit ng mga mata.
'I miss this…” bulong sa kanya nito at isang iglap ay sinakop na nito ang kanyang labi na kanina pang naghihintay na mahagkan ng labi ni Imran/
Mabilis na napayakap ang kanyang braso sa batok nito. “Ahh Imran…” ungol na lumabas sa kanyang bibig.
Nawawala siya sa katinuan kapag natitikman niya ang labi nito, pinapalasap ni Imran sa kanya ang matamis at mainit nitong halik na siyang kinakasabikan niya lagi.
"Sorry." anito na biglang hiniwalay ang labi nito sa kanyang labi at humiga uli sa buhangin.
Pakiramdam niya ay napahiya siya, binitin siya ng binata. Nagsisimula pa naman siyang maging agresibo dahil sa halik nito, kinakasabikan niya muli ang pagkaisa ng kanilang mga katawan. Subalit …nagsawa na ba ito sa kanya? Piping tanong ng kanyang isipin.
Tinalikuran niya ito, tumayo. Tumakbo siya nang mabilis. She felt so nothing for him! Wala na, tapos na ba ang pagiging alipin niya rito kaya papalitan na ba siya nito. Madali para rito na bumili ng isang babae sa auction virgin dahil sa isa itong bilyonaryo. Kaya siya ay itatapon na lang ba!
"Angelllll… . ." dinig niyang tawag nito sa kanya subalit hindi man lang niya ito nilingon.
Nalilito siya kung babalik na ba siya sa kanyang mama, tatanggapin na ba niya ang lalaking inilaan nito para sa kanya o pagtataguan na lamang niya ito maging ang kanyang mga kaibigan. Ang kanyang kasosyo sa TRE condominium at bar.
Sa bilis ng kanyang takbo ay hindi niya napansin ang isang malaking stone shell nahagip ng kanyang isang paa, at dahilan ng pakawalang balanse ng kanyang katawan. Nadapa siya at subsob sa buhangin.
"Oh my God! Bakit ka kasi tumatakbo ng mabilis?" si Imran na sumunod pala sa kanyang pagtakbo. Tinayo siya nito, inalis ang buhangin nasa kanyang mukha.
Tinabig niya ang kamay ng binata at iniwas ang kanyang mukha. “Gusto ko na umuwi.”
Marahas na humugot ng hangin si Imran at agad din binuga. “Look, Angel. I’m so sorry. Hindi na mauulit na halikan kita.” he sincerely said as he grabbed her hand.
GABI na sila nakabalik sa bahay ng kanyang Mama, habang nasa byahe sila ay hindi kumibo si Angel. Natulog ito habang nasa byahe, at paminsan-minsan hinahawakan niya ang kamay ng dalaga natutulog.
I’m always get a hard-on everytime I’m with her, bulas niya habang nakatitig sa maamong mukha ni Angel na mahimbing natutulog.
Nasa loob na ang kanyang sasakyan sa bakuran ng bahay ng kanyang ina, lumabas siya ng kotse at umikot sa gilid ng kotse sa kinauupuhan ng dalaga. Binuksan niya ang pinto at maingat na binuhat ang dalaga na tulog parin.
Dinala niya ito sa kuwartong ginagamit nito at maingat na nilapag sa malambot na kama. Mabuti na lamang ay nakapagbanlaw na ito at nakapagpalit ng damit.
"Sleepwell, my Angel. . I’m always here for you to protect you," aniya sa nahihimbing nadalaga. Hinalikan niya muna sa noo ito saka lumabas ng silid nito.
"Well… Tell me, Imran. Where did you get that woman?" Tanong ng Mama niya nasa labas lang pala ng silid.
"Binili ko siya." deretsong sagot niya sa ina habang pahakbang papunta sa kanyang sariling silid.
"Binili? How? Same like a doll?" gulat na sabi nito.
"Mula sa human trafficker, Mama. She’s a victim and she need me. She’s under therapy. Her trauma has given her a nightmares."
"Oh? Wow! How much? Bakit hindi mo na lang siya ibigay sa pulisya? Para sila na ang bahala na umasikaso sa kanya or else ibalik sa pamilya niya." her mother with a sarcastic voice.
"No way!" he instantly reacted. "Please Mama, stop asking me about that and I don’t want to talk about Angel. Sa akin siya and I don’t want to lose her."
Ngumiti ang kanyang ina sa sinabi niya,”Who’s saying? Ngayon mo sasabihin sa akin na wala sa isip mo ang pag-aasawa, Imran? Hindi mo ba napapansin ang sarili mo kung siya ang kasama mo? Hindi ako tumututol sa kahit sinung babae, make sure na she’s not slut kagaya ng naunang karelasyon mo noon.”
Maging sa kanyang sarili ay nabigla siya, ang plano niya ay ihatid ang dalaga sa pamilya nito.Pero ano itong naisagot niya sa kanyang ina. Malayo sa nakaplano na niya ang lumabas sa kanyang bibig.
"Don’t worry, Mama. She’s not the same with them. So don’t compare her those sluts. She’sdifferent and reserved." tanging nasagot na lamang niya sa kanyang ina bago tuluyan napumasok sa kanyang silid.
No comments:
Post a Comment