HUNK SERIES: IMRAN (Stay With Me) by Eleony Che


CHAPTER 13

NARAMDAMAN ni Imran ang tila basa sa kanyang pisngi, nang inilayo niya ang mukha sa dalaga ay doon lamang niya napansin na lumuluha pala ito.

"For pity sake! Stop crying!" Aniya napatayo at lumayo ng ilang hakbang mula sa kinauupuan ni Angel.

"Set me free, please Imran."

"Are you not happy with me?"

"Gusto ko na bumalik sa normal kong buhay. Ayaw ko ng panghawakan ninuman ang buhay ko." sagot nito sa kanyang tanong nakapagbigay kirot sa kanyang dibdib.

"At sa palagay mo ganu’n lang iyong kadali ang pakawalan ka…after all…!" kalmadong sagot niya na hindi tinapos ang sasabihin habang iniiwas ang paningin sa dalaga na patuloy pa rin sa pag-iyak. "No! I purchased you, means..your mine!" nasabi na lamang niya rito, he wanted to tell something special na kahit siya ay hindi pa rin niya lubos na matanggap sarili.

"Ibabalik ko ng buo ang pera mo na ibinayad sa pagbili noon sa akin. Kahit pa maubos ang lahat ng pinama ng ama ko basta haya…….."

Bigla niyang hinablot ang braso nito kaya hindi natapos ng dalaga ang sasabihin pagkatapos mabilis din niyang binitawan ng makitang nasasaktan niya ito. Marahas siyang humugot ng hininga, dumating na ang kanyang kinakatakutan. Kaya nga ayaw na niya ma-involved sa kahit sinung babae, even to his own mother ay hindi na siya masyadong close, but with Angel…he feel so strange para sa dalaga na siyang labis niyang kinokontrol sarili.

"Tao ako, Imran! Hindi ako isang bagay o hayop na kapag nabili mo ay habang-buhay na maging sa iyo! Hindi ako magpapakaalipin sa kahit sinu man, lalong-lalo na iyo!" naghi-hysterical bigkas ni Angel.

"How can you found out that I treated you as my slave?" madiin pero kalmadong bigkas niya rito.

"Why you don’t ask yourself? You took my innocence! Maibabalik mo ba ‘yun, ah?"

"Because you need it And I need that too! Your the only girl can give me a strange feeling that even me I can’t understand! You woke my demon masculinity and I can’t help to control it!." he said na hindi na niya alam kung ano ang nasasagot sa dalaga dahil damang-dama na niya ang konsensiya sa nagawa niya rito nu’n wala ito sa tamang katinuan.

"I begging you, Imran. Let me… ."

"If you want to leave, you may leave now." Agaw niya sa iba pang sasabihin nito. "I won’t stop you, I’m already tired to stop someone from leaving. If you really want, then just leave without even saying any words!" Sigaw niya sa dalaga at iniwan niya ito nagtatagis ang dibdib sa galit.

Ayaw na niyang maulit na makiusap na ‘wag siyang iwan ng mga taong mahal niya katulad nu’n na halos magpalapyaw siya ng iyak ay hindi pa rin siya pinakinggan ng mga magulang niya. Nagkahiwalay pa rin ang mga ito at naiwan sa mga pangangalaga ng mga katulong. Naging masalimuot din ang unang karanasan niya sa pakikipagrelasyon dahil mas pinili ng dati niyang kasintahan ang career kesa ang magpakasal sa kanya at mamuhay ng tahimik.

Bagsak ang mga balikat na nilisan ni Imran ang TRE condo, wala na siyang dahilan para bantayan o panghawakan ang buhay ni Angel. Ligtas na ito, hindi na siya kailangan nito! Nabuwag na ang sindikato ng virgin’s auction, nahuli na rin ang inaakala nitong kapatid.

Ilang beses na ba nito binanggit na ibabalik ang perang binayad niya sa mga human trafficker. At subra siyang nasasaktan dahil pinapamukha lamang nito sa kanya na hindi na siya nito kailangan sa buhay nito. Sa madaling salita ay burado na siya sa buhay ng dalaga.

"Damn! Damn!" sigaw niya habang pinagsisipa niya ang gulong ng kanyang sasakyan bago sumakay at mabilis itong pinaharurot.

"I don’t have a reason now to stay here!" malakas na sigaw ni Imran habang binabagtas ang daan patungo sa NAIA upang bumalik na sa Kuala Lumpur.

Papasok na si Imran sa airport nang may naalala siyang tawagan, “Hello Mia Jane, can I ask a favor?”

"Of course Mr. Abbas! What is it?" ana sa kanilang linya.

"First, can you cut off the pormality the way you call me. Second, can you take care of her. And third, just tell me any update everytime I’ll call you about Angel."

"U-uhhh.. Why? Where are you, Imran? I thought you still here in condo?"

"I’m going back to Kuala Lumpur, I’m here now in NAIA. She don’t need me anymore!" aniya sabay pindot ng end button ng kanyang mobile.

A MONTH AGO… 

"Eleony Che, how’s your tita sis?" dinig niyang tanong ni Mia Jane sa kanyang pamangking sis nakaupo sa kanyang tabi sa kama, samantala siya ay nakahiga at nakasandig ang ulo sa headboard.

Hinatiran siya nito ng makakain, halata na ang tiyan ng kanyang pamangkin sis, nabuntis ito ng isang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin hinaharap ni Eleony…samantala siya ay mahigit two months pregnant na rin at maselang ang kanyang pagbubuntis ayon sa kanyang obstetrician. Hindi pa alam ng mga ito ang kanyang tunay na kalagayan, nahihiya siyang magsabi sa mga kaibigan kaya ingat na ingat siya sa bawat kilos niya ngunit kanina habang nasa meeting sila ay bigla na lamang siya nag-collapse.

"I’m fine, Mama Mia. I need a eyeglasses maybe, kaya madalas na sumasakit ang ulo ko at tila naduduwal."

"Sige na po tita sis, ubusin nyo na ito." turo ni Eleony sa dinalang pagkain nasa tray.

"Are you sure? Or you want we’ll take you to the hospital?" nag-alalang tanong pa rin ni Mia Jane.

"Maybe she only miss her someone special." si Elena Breil na biglang sumulpot kasunod pa ng iba.

"Tumpak! Are you gonna miss him, right?" si Sonia na nakangisi.

"No need to deny!" ani Friah Anne.

Hindi na siya nagsalita dahil kapag nagsalita pa siya at itanggi ay lalo lang siya kakantiyaw ng mga ito, lalo na si Sonia na mahilig mang-asar at magmura.

"Mauna na ako sa inyo, dahil pupuntahan ko pa ang botique shop ko." paalam ni Eleony nauna na lumabas sa silid.

Nagsilabas na rin ang iba pa, tanging si Mia Jane na lamang ang naiwan. Napatingin siya rito at nakuha naman nito ang kanyang ibig sabihin.

"Hindi pa siya tumatawag, halos dalawang linggo na." sinabi nito sa kanya ang hininging pabor ni Imran bago bumalik sa bansang kilakhan ng binata.

"I’m not asking about him! I’m just nothing for him, and I’m so thankful that I’m free." aniya sabay iwas ng mga mata kay Mia Jane at pagkunwa’y dinampot ang baso na may lamang pineapple juice.

"Aysssussss…Pakunwari ka pa, Hui. As I know, your waiting him." taas kilay nito sabi sa kanya. "O siya, maiiwan na muna kita."

Bigla siya napahagulhol nang siya na lang mag-isa sa kanyang silid habang hinihimas ang manipis pa niyang tiyan na alam niya hindi magtatagal ay uumbok na rin katulad ng kay Eleony.

"Oh my God, help me to decide if I’ll tell to Imran about this…but how? Iniwan na niya ako at tuluyan na niyang hindi kinontak si Mama Mia. It’s my fault too."

Nang mahimasmasan siya sa kanyang pag-iyak ay bumangon siya, naligo, at inaayos ang sarili. May tinawagan, nagpa-book siya ng flight to go Kuala Lumpur. Susundan niya si Imran, magpapakaalipin na siya rito. Buo na ang kanyang pasya, bahala na!

Bitbit ang isang maleta na lumabas siya sa unit na binili ni Imran, mula nu’n umalis ang binata na hindi siya nagkapaliwanagan ng maiigi ay du’n na siya tumira. Pinagbili na niya ang lahat ng ari-arian na pinamana ng kanyang ama kaya wala na siyang dahilan pa na bumalik pa sa Cebu, lalong hindi niya kayang harapin ang babaeng tinuring niyang ina. Pinutol na niya ang ugnayan niya sa mga ito, lalo na sa inaakala niyang kapatid na siya palang nagdala sa kanya sa kapahamakan. Ngunit isa rin sa malaking pasasalamat niya dahil nakilala niya ang isang Imran Abbas.

Papunta na si Angel sa airport kasama si Mia Jane at Elena Breil, ihahatid siya ng mga ito. Ang dalawang kaibigan lamang niya ang bakante sa hapon ‘yun.

"Are you sure for your decision?" seryosong tanong sa kanya ni Elena Breil nasa kanyang tabi, samantala si Mia Jane ang nagmamaneho.

Hindi siya kaagad sumagot kaya biglang nagtaas ng kilay si Mia Jane na sinisilip pala sa front mirror. “That your stubborn!”

Napalingon si Angel kay Elena Breil na napahagikhik. “What she said?”

"Mia Jane said, your so awesome’s angel."

"I didn’t say that!" agad na sagot ni Mia Jane nakatutok na sa harapan ang mga mata.

"Yeah, you said that!" diin ni Elena.

"I said, she’s stub….."

"Will you please stop fighting?" iritabling saway niya sa mga ito. Nakaramdam naman siya ng pangangasim sa sikmura na tila mahihilo.

Nang mahinto ni Mia Jane ang sasakyan sa harap ng departure entrance ay agad siyang bumaba at kinuha ang mga gamit saka nagpaalam sa mga ito. Rush hour ang kanyang kinuhang ticket kaya isang oras na lang ang nalalabi para makapag-check in siya.

IMRAN wasn’t feeling good, ilang araw na siyang matamlay at pagod but he need to be strong lalo na’t maraming problema sa kanyang kompanya. He’s stupid to trusted the person sa accounting department, he didn’t notice na karamihan pala sa kanyang empleyado ay hindi nagsasahod ng maayos. He only discovered na may anumalya the time he focused to his work para makalimutan niya saglit si Angel.

Uminum na lang siya ng gamot para sakit ng ulo, mula sa KLCC tower ay dumiretso siya sa kanyang bahay nasa Taman Malate. Nang naiparada na niya ang sasakyan ay may natanggap siyang SMS mula kay Mia Jane na kanyang ikinagulat kaya tinawagan niya kagad ang babae.

"Hello Mia Jane! Yeah, it’s me! Are you sure for that? She’s coming? But how..she don’t know the way to come here." tarantang sunod-sunod niyang tanong.

Pagkatapos na masigurado ng kanyang kausap ang kanyang tanong ay mabilis niyang pinaandar muli ang sasakyan ay binagtas ang daan patungo sa LCCT airport para sunduin ang dalaga.

"My Angel, your crazy innocence to follow me…after that you don’t know the road to find me …" nangingiting wika niya sarili habang pinaparada ang kanyang Lexus sport car.

Tumakbo siya papunta sa airport, sa arrival pasenger at naghintay sa mismong exit ng immigaration section. Hindi na siya tinanong pa ng security nakatalaga dahil pamilyar na siya sa mga ito.

Nagkakandahaba ang kanyang leeg sa katitingin sa mga lumalabas at iniisa-isa niya ang bawat mukha ng mga ito. Markado na sa kanyang isipan ang mukha at anyo ng dalaga maging ang kabuuhan nito ngunit nais pa rin niyang makakasiguro na hindi makaligtas sa mga paningin niya ang dalaga.

"Hello, excuse me!" pigil niya sa isang stewardess na dumaan sa kanyang harapan.

"Huh? Oh, hi Mr. Abbas." anito nakangiti, nakikilala siya nito subalit ni katiting ay hindi naging pamilyar sa kanya ang mukha ng babae.

"Ah..Saan kayo galing? I mean, you came from?" tanong niya rito na hindi napansin na isa pala itong Chinise. Simula nu’n nakasama na si Angel ay nasayang na siyang magsalita ng tagalog.

"From Korea , Sir Abbas." sagot ng kasama nito na halatang isang piloto.

"Oh!" Napatampal sa kanyang noo sabay tingin sa kanyang relo na suot.

"Are you waiting a person, Sir? From?" tanong ng babae na pinigilan niya para tanungin.

"Yes! From Philipines, Cebu pacific airlines. Dumating na ba?" hindi mapakaling sagot niya rito. He expecting na agad niyang makita si Angel kaya halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan.

"Mamaya pa pong seven o-clock ang dating ng galing sa Pilipinas. Meron pa pong natitirang dalawang oras, Sir." singit uli ng piloto na Filipino pala.

"O-okay! Thank you!"

"Are you okay, Sir? Are you feel nervious?" maya-maya’y tanong ng stewardess nagtataka sa kanya.

"I’m fine!" matipid niyang sagot habang nakatanaw pa rin sa mga tao nasa immigration section.

"By the way, Sir. Sa KLM airlines po kami." nakangiting pakilala ng piloto.

Pinagmasdan niya ang mga ito, ang uniform ng stewardess at ang captain ng piloto. “Oh.. I see, sorry.”

Natauhan siya ng wala na ang mga ito sa kanyang paningin, muntik na niya makalimutan na ang pamilya pala nila ang may-ari ng KML airlines.

Mahigit dalawang oras din ang kanyang hinintay, binaliwala niya ang masamang pakiramdan at tiniis niya ang pananakit ng ulo para lang kay Angel.

Muli siyang tumayo at sumilip sa mga taong nagsidatingan hanggang sa nahagip ng kanyang mga mata ang babaeng halos memorado na niya ang hugis ng mukha at katawan nito, maging ang makimtab nitong mahabang buhok.

"Angel…." sambit niya ng malapit na ito sa exit ng pintuan.

Nasasabik na siyang mayakap ito pero bakit kung kelan malapit na ito sa labasan ay saka naman humihina ang paglakad nito habang hila-hila ang malaking maleta.

Napasapo ang dalaga sa noon na kanyang pinagtatakhan, huminto ito sa paglakad hanggang sa nabitawan nito ang hilang maleta kaya nakapagsingitan siyang pumasok sa mga tao na lumalabas.

'Angelllllll…..” malakas niyang tawag dito patakbo sa kinaroronan ng dalaga nang makita niya itong muntik na mapasubsob sa sahig kung hindi lang naagapan ng sumusunod dito.

"Imran?" bigkas pa nito ng kanyang pangalan bago tuluyan nawalan ng malay.

"Angel…Angel… Wake up! What happen to you?" tarantang tinapik-tapik niya ang pisngi nito subalit hindi na ito gumagalaw.

"Helppppppppp….." malakas niyang bigkas habang karga ang dalaga.


No comments:

Post a Comment