Teaser:
MARAMING beses ng sumubok si Rema na magmahal at
hindi na rin mabilang kung ilang beses na rin siyang nasaktan, pero hindi
naging hadlang sa kanya ang mga dagok na `yon lalo na sa pag-ibig upang
ipagpatuloy pa niya ang buhay. Makatagpo pa kaya siya ng lalaking makakatangap
sa kanyang madilim na nakaraan o itutuon na lamang niya ang nalalabing kabanata
ng kanyang buhay sa kanyang mga anak.
CHAPTER 1
SA edad na beinte anyos isang dalagang ina na si Rema, nagmahal ng lalaking akala niya
sa kanya lamang liligaya pero hindi pala. Ang kanyang tinatawag na kaligayahan
sa taong mahal niya ay isang malaking dagok sa buhay na mahirap lusotan.
Rema
Sanchez, matalino, simpleng babae, matangkad, maputi, masunorin na anak pero
pagdating sa pag-ibig ay naging bobo at sawi.
Ang taong
minahal niya ng totoo ay isang mama’s boy at hindi makapagpasya ng wala ang ina
nitong laging nakabuntot sa kanya.
May balak na silang magpakasal `pag naging isang
taon na ang kanilang anak pero sa isang kondisyon magiging alila si Rema sa
pamamahay ng kanyang mga beyenan at ang kapalit nito’y pagtira niya sa bahay ng
magulang nang lalaki.
Sa una’y
okay lang kay Rema ang maging alila siya total sa pangalawang magulang naman at
hindi sa ibang tao, pero kalaunan ay lumalabas ang pagkamahadera, matapobre at
higit sa lahat nalaman niya ang totoong mga ugali ng taong pinakikisamahan niya.
At naisip niyang walang kinabukasan ang kanyang anak pag ito’y lumaki na dahil
ni karga ng bata ay parang nandidiri ang ina ng lalaki.
Kahit
pagod at puyat ay hindi niya inintindi basta kasama lang niya ang lalaking
sobra niyang minahal, pero may hangganan ang lahat ng kanyang pag titiis.
Isang araw
nagpasya si Rema na iwan ang lalaking minsan niyang pinagkatiwalaan at minahal
ng lubusan, ayaw na niyang maging alila at mismo siya’y naawa na sa kanyang
sarili kasi ni sa pagkain pinagbawalan pa siya. Naisip niya tuloy na kaya ginagawa
ito ng kanyang biyenan para mamatay na siya.
Kahit
gutom na siya ay hindi pa rin siya pinakain ng mga ito katuwiran nga hindi pa
tapos ang trabaho niya,tiniis lamang niya ang pagtrato para lamang sa kanyang
mag-ama. Ang ginawa ni Rema para maibsan ang gutom ay umiinum na lamang siya ng
tubig para mapanatili ang kanyang kaunting lakas. Lakas na nilaan para sa
kanyang anak.
Nagpasya
siyang kausapin ang lalaki tanungin niya kung kailan sila bubukod at mamuhay ng
payapa. Malayo sa biyenan at kakayanin niyang itaguyod ang naisip na buohing
pamilya kahit na siya ang magtiis at laging umunawa sa lalaki.
Walang
alam na trabahong bahay si Leo kasi lumaking may yaya at katulong kaya naisip
ni Rema siya na lang ang mag-adjust para sa lalaki.
Kinagabihan
umuwi ang lalaki na maganda ang mood, nilapitan at humalik ito sa kanya. Sa nakikitang
mukha ni Rema sa lalaki ay masaya kaya naglakas loob siyang sabihin ang kanyang
plano.
“Kamusta
ang araw mo?” may lambing na wika ni Rema sabay halik ulit sa labi nito. Nakasanayan
na kasi niyang pag-uwi ng lalaki ay humalik siya agad sa mga labi nito.
“Okay
naman. Ikaw kumusta naman ang araw mo rito sa bahay?” balik na tanong ni Leo sa
kanya at nakatingin ito sa mukha niya.
Si Leo
Cruz isang binatang mama’s boy, matangkad, moreno, mayaman, nag-iisang anak at
nagtatrabaho sa sariling kompanya ng pamilya. Isang binata na laging naka dependi
sa magulang. Walang prensipyo at laging sinasabi ang katagang, “Ang magulang
niya ang magpasya sa kanyang buhay at kinabukasan.”
“Ito
nakaraos din sa pagod sa araw-araw,” sagot ni Rema habang nakayuko ang ulo
nito. Hindi siya makatingin sa lalaki kasi alam niyang uumpisahan naman niyang
buksan ang paksa tungkol pagbubukod nila na lagi na lang nagtatalo at nauuwi sa away o
tampuhan. Gayon pa man nilakasan pa rin ni Rema ang kanyang loob.
“Mabuti
naman kung gan’on.” wika ni Leo at lumapit ito sa kanya para yakapin siya na
patalikod.
“Kailan
pala tayo bubukod, Leo?” tanong niya sa lalaki. Kahit nanginginig ang kanyang
tuhod ay ngbakasakali pa rin siyang may patutungohan ang kanilang usapan.
“Bakit?
Ayaw muna ba rito sa bahay?” balik na tanong ntoa kay Rema.
“Hindi
naman sa gan’on. Kaso, may trabaho ka na. Puwedi naman siguro tayong bumukod na
sa magulang mo, ‘di ba?”
Sa narinig
ni Leo ay parang uminit ang punong tenga ito kaya agad na nagsalita ito. “Hindi
ako puweding umalis rito sa bahay dahil magagalit si Mommy.” Ani Leo.
“Pamilyado ka na Leo, kailangan munang tumayo sa sarili mong mga paa. Bakit palagi ka na lang nakadependi sa ina mo at hindi ka makapagpasya para sa sarilimo.” Gusto ng umiyak ni Rema.
Hindi siya
makapaniwala na hanggang ngayon ay sunod-sunoran pa rin si Leo sa ina nito. All
this time mas iniisip ni Leo ang ina nito kay sa kanilang mag ina.
Nasasaktan
siya sa sinagot ni Leo. Sabagay laging ganito ang sagot ng lalaki kapag kinkausap
niya kaya ngayon nakabuo na ng pasya si Rema.
“Mimili ka
na Leo kami ng anak mo o `yang ina mo?” mahinahon niyang wika sa lalaki. Ayaw
din niyang magtaas ng boses at baka pagbuhatan pa siya ng kamay.
Tinignan
siya ni Leo na namumula ang mukha sa galit. Alam niyang galit na galit na ang
lalaki base sa nakikita niyang expresyon ng mukha nito.
Pagkatapos
ay nilapitan siya nito at sinakal. Sa unang pagkakataon ay pinapili niya ang
lalaki kung sino sa kanila ang pipiliin nito. Ang magulang nito na alam niyang mahal na
mahal ni Leo o silang magpamilya na siya mismo ang pumilit na mabuo.
“Kahit kailan hindi ko iiwanan ang ina ko! Isaksak mo yan sa kukuti mo! Kung gusto mong lumayas sa bahay na ito… lumayas ka! Kung gusto mo, dalhin muna rin ang anak ko, malaya kang dalhin ito! Huwag ka nang magpakita pa sa akin o mabalitaan kong bumalik ka at magmakaawa sa harapan ko! Naintindihan mo ba!”
“Leo, hindi ako makahinga… pakawalan mo ako.” Mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Rema sa lalaki.
“ Isa pa, dalhin mo ang lahat ng mga gamit nang bata sa inyong pag-alis. Iisipin kong hindi kita nakita at nang wala akong anak sa `yo. Ang sabi ng mommy ko makakagawa pa ako ng bata kong sakaling lumayas ka at hindi na magpakita pa.” Sabay alis nito sa kanyang harapan.
“Ikaw na nga ang pinili ko at laban sa pamilya ko tapos ito lang pala ang mapapala ko.” Iyak nakaluhod si Rema sa sahig.
Pagkatapos
ng sampung minutong pag-iyak ay tumayo na siya at tinignan ang kabuohan ng kuwarto.
“Siguro nga, ‘di tayo ang nakalaan para sa panghabang buhay na pag sasama, Leo.” Bulong ni Rema sa sarili.
Tumayo na
siya at nagmadaling nag-impaki, uuwi na siya sa mga magulang niya. Alam niyang
kahit walang kilalaning ama ang anak ay okay lang. Aa tamang panahon ay maipapaliwanag
n’ya rin sa anak niya ang totong pangyayari sa ama nito.
Nang gabing ‘yon hindi alam ni Rema nakikinig pala ang ina ng binata sa harap ng pintuan ng kanilang kwarto at dinig din nito ang kanilang pagtatalo.
“Hindi mo makukuha ang anak ko Rema, asawa ka lang at ako ang ina.” bulong naiwika sa sarili ng ina ni Leo sabay lakad at umalis sa harapan ng kwarto. Tumatawa ng pagyak bago pumasok sa sariling kwarto.
Dahil sa mga binitawang salita ni Leo lalong nasaktan si Rema hindi niya akalain na ‘yon ang sasabihin sa kanya ng lalaki. Mahal na mahal niya si Leo pero kailangan niyang mamili na ngayon.
Anak o ang pagmamahal niya sa lalaki.
“Ang hirap magpasya sa inyong dalawa pero handa na akong pakawalan ka, Leo. Sana maging masaya kana `pag wala na kami ng anak mo rito sa bahay ng mga magulang mo. Hangad ko ang kaligayahan mo sa aming pag-alis, mahal ko.” Bulong niya sa sarili.
Umiyak naman siya ulit bago tinignan ang kanyang anak na lalaki nasa kuna ito at mahimbing natutulog .
Nilapitan
niya ang bata at binuhat saka hinalikan. Kinausap ang anak. “Aalis na tayo rito
sa bahay ng ama mo anak, hindi maganda ang lugar na ito para sa `yo at sa akin.
Wala tayong puwang sa buhay nila.” Wika
niya sa anak habang panay ang agos ng mga luha sa pisngi niya.
Hindi umimik ang bata, napasarap ang tulog nito sa gabing `yon at hindi kasi ito nakatulog ng maayos buong araw kaya tulog na tulog sa ngayon gabi.
Ibinalik ni Rema ang bata sa kuna at pinagpatuloy ang kanyang pag-impaki ng mga damit nilang mag ina. Hindi umabot ng tatlong oras ay tapos na siyang mag-impaki at bihis na bihis na rin sila. Handa na sila sa kanilang pag-alis kahit maghahating gabi na.
Karga sa
kanang kamay ang bata at sa kaliwang kamay naman ay ang maleta nilang mag-ina.
Diretso na siya sa may pintuan at pagkalabas ng bahay ay tinignan muna niya ang
buong bahay bago nagsalita.
“Pangako, ito na ang huling gabi na aapak ako sa bahay na ‘to at asahan niyong hindi na ako magpapakita pa kahit kalian.” Lakas loob niyang bulong sa sarili at humakbang na patungong gate. Hindi na siya nagpaalam sa ina ni Leo kasi alam niyang pagtatawanan lang siya nito.
Sa ‘di
kalayuan ay nakita ni Leo at ang kanyang ina ang paalis ni Rema. Gusto sanang
habulin ni Leo ang mag-ina niya pero pinigilan siya ng kanyang ina.
“Huwag
munang sayangin ang oras mo sa taong sila mismo ang umalis. Babalik din `yan kapag
nakapag-isip ng matino. Alam kong hindi ka nila matiis kaya sigurado akong
babalik sila para sa `yo. Hintayin mo na lang ang araw na `yon, anak.”
Hindi na hinabol ni Leo ang kanyang mag-ina dahil sa sinabi ng kanyang mama. Nakatingin na lamang siya habang nglalakad paalis ng bakuran nila ang mga ito.
PAGKALABAS ni Rema sa bahay ni Leo ay huminga siya ng malalim alam na niyang
hindi na siya babalik sa bahay na `yon kahit magunaw man ang mundo. Naglakad na
siya papuntang labasan ng subdivision. Wala siyang pagod na naramdaman kundi
nasasaktan ang kanyang puso. Iniyakan pa rin niya ang lalaki kahit pinagsabihan
na siya nito ng masasakit na salita.
Nangibabaw
pa rin ang pagmamahal niya sa binata pero mas nangibabaw na ngayon ang pag
mamahal niya sa kanyang anak. Hindi pa siya nakaabot sa may bungad ng
subdivision ng bumuhos ang malakas na ulan. Buti na lang ay nakahanda siya
kanina sa kanilang pag-alis nagsuot siya ng rain coat bago lumabas ng bahay
protection nilang mag-ina sa lamig at ulan.
Malakas
kasi ang hangin kinahapunan kaya naramdaman ni Rema na uulan kinagabihan. Hindi
nga lang niya inaasahan na sa gabing `yon matatapos na ang kanyang pagtitiis.
mula ng siya ay mabuntis hanggang sa ipinanganak niya ang kanyang anak na
lalaki, ngayon lang niya muling naramdaman ang maging Malaya.
Wala pang pangalan ang kanyang anak at hindi pa ito rehistrado sa munisipyo. Pero may naisip na siyang ipangalan sa bata, pangalanan niya itong Michael Angelo Sanchez.
Sa bahay lang siya nanganak noong at kahit na kabuwanan na niya n’on ay nagtatrabaho pa rin siya kahit hating gabi na. Makakatulong raw `yon sa kanyang pagbubuntis sabi ng ina ni Leo pero alam ni Rema na hindi. Tango na lang ang kayang ginawa kasi ayaw niyang isipin nito na nagprotesta siya sa magulang ng lalaking sinamba niya.
Magkaklase kasi sina Leo at Rema, doon nag-umpisa na nagkakilala silang dalawa hanggang sa nanligaw sa kanya ang lalaki. Dahil crush naman ni Rema si Leo ay sinagot naman niya ang binata. Pinakilala si Rema sa magulang ni Leo na sa una pa lang ay hindi na niya gusto ang kanyang naramdaman. Subalit dahil puso niya ay kanyang sinugal kaya nagpatuloy ang kanilang relasyon hanggang sa nabuntis siya ni Leo.
Hindi na niya natapos ang kanyang pag-aaral sa kadahilanang lumaki na ang kanyang t’yan. Tinanggap nga siya sa ina ni Leo pero alila naman siya sa pamamahay nito. Nalaman na rin ng magulang ni Rema ang kalagayan niya pero tinanggap siya nito. Bagkos ay umiyak na lamang ang mga magulangniya kasi alam nila na na bata pa ang kanilang anak para suongin ang buhay mag-asawa.
Bago siya
umalis ng bahay nila ay sinabihan siya ng kanyang ina, “Kung hindi muna kayang makisama sa kanila anak, bumalik ka rito tatanggapin
pa rin kita. Walang ina na kayang itakwil ang kanyang sariling anak dahil lang
sa isang pagkakamaling nagawa nito.”
Kaya ngayon uuwi na si Rema sa kanyang mga magulang. Ang hindi alam ni Leo ay laging pinapadalhan ng pera si Rema. Katwiran ng magulang ni Rema ay baka sakaling kailangan niya ng pera ay may pagkukunan siya na hindi humihingi sa binata.
Alam ng mga magulang ni Rema na hindi siya ang taong materialistic at lagi siyang kontento kung anong meron sa kamay niya kaya nga mahal na mahal siya ng mga magulang niya dahil sa ugaling taglay ni Rema.
Bago umalis si Rema kanina ay kinuha na niya ang lahat ng perang kanyang tinago na galing sa sariling magulang. Hindi niya ginastos ni isang sentimo kasi alam niyang balang araw ay mas kailangan niya ang pera na `yon. Kahit siya’y gutom hindi pa rin niya ginalaw ang pera dahil pinaglalaanan niya sa ganitong emergency at ngayong gabi ay magagamit na niya ito.
Malakas ang buhos ng ulan at kasabay ang pag agos ng kanyang luha. Hindi niya akalain mauuwi sa isang masalimuot na pangyayari ang lahat. Hindi rin umiyak ang anak niya kasi binalot niya ito ng mabuti bago umalis ng bahay.
Tumigil saglit si Rema sa kanyang paglalakad at tumingala sa kalangitana saka nagdasal. “Diyos ko, tulongan mo akong bumangon muli sa mga pagsubok na binigay mo para sa akin. Hindi ko ito makakayang harapin na mag-isa. Hindi ko na alam ano ang gagawin ko para sa kinabukasan namin ng anak ko. Kung isa man itong dagok sa aking buhay na kailangan kong lutasin, kakayanin ko po Panginoon. Bigyan mo lamang ako ng sapat na lakas para itaguyod ang kinabukasan ng aking anak. Maraming salamat sa pagsubok na ito kasi alam kong nand’yan Ka lagi para gabayan ang buhay namin ng anak ko.”
Naglakad na muli si Rema at patuloy na umiiyak. Sa may dulo ng kalsada ay may nakita siyang taxi na palapit sa kanila. Huminto muna siya at inilapag ang maleta saka kumaway sa taxi na agad din huminto sa harapan niya.
“ Manong, pwedi mo ba akong ihatid sa Davao?” tanong ni Rema sa taxi driver.
“Puwedi naman, Ineng… pero malaking halaga ang mabayaran mo, mula Cagayan de Oro City to Davao City.” Sagot ng taxi driver sa kanya.
“Magkano po ba, Manong?” inosenting tanong niya dito. Hindi kasi niya nasubukan na mag taxi pauwi sa kanila kasi mas sanay siya sa bus.
“Naku,
mahigit tatlong-libong pesos kung sakali, Ineng.” Sagot ng taxi driver sa kanya.
“Sige po, okay lang sa akin basta makauwi lang kami ng anak ko sa lugar kong saan ako lumaki.”
“Ano kamo? May anak ka, Ineng?” gulat na tanong ng taxi driver. Wala kasi siyang nakitang may hawak na bata si Rema kaya nagtaka ito.
“Opo..”
“Nasaan na ang anak mo?” tanong nito sa kanya.
“Puweding papasukin mo muna kami, Manong. Pakitulongan mo na lang ako sa maleta ho naming.” Pakiusap ni Rema sa Taxi driver.
“Ay sorry! Saglit lang, Ineng.” Lumabas na ang taxi driver sa sasakyan at umikot ito papunta sa kanila. Kinuha ang maleta pagkatapos ay inilagay sa likod ng sasakyan saka sila sumakay sa taxi.
CHAPTER 2
PAGKASAKAY
ni Rema nang taxi ay tinanggal niya ang kanyang rain coat at doon na niya
inilabas ang kanyang anak na natutulog pa rin. Nakita ng taxi driver ang bata
nang ilabas niya ito mula sa kanyang mga bisig kaya napatango na lang ang taxi
driver. Pinaandar na rin ng taxi driver ang sasakyan at umalis na sila sa lugar
na `yon.
“Manong, puwedi
po ba tayong huminto kung may makita kayong restaurant kasi po kanina pa ako
nagugutom. ‘Di pa po ako kumain ng hapunan.” Pakiusap ni Rema sa taxi driver.
“ Okay, Ineng. Sus kang bata ka! Ke gabi na nga at naisipan mo pang sumuong sa ulan. At ‘di ka man lang natakot na baka magkasakit pa ang anak mo.” Wika nito habang ang mga mata ay nakatuon sa kalsada.
Hindi na
lang siya umimik sa sinabi ng taxi driver dahil tama naman ito. Hindi namalayan
ni Rema sa kanyang paghaplos ng kanyang anak ay nakatulog na siya dala ng
matinding pagod at gutom.
Limang oras ang biyahe mula Cagayan de Oro City to Davao City `pag mabilis ang takbo ng sasakyan. Kaya binilis ng driver ang pagatakbo ng taxi nito upang makarating kagad silang mag-inang pasahero nito.
Sa buong
biyahe ay hindi nagising si Rema bagkos ay mahimbing pa rin ang tulog niya. After
five hours narating din nila ang Davao
City. Naramdaman niya paggising sa kanya ng taxi driverng para tanungin kung
saan banda ang tirahan niya.
“ Ineng,
gising nandito na tayo sa Davao. Saan banda ang sa inyo?”
Dahil sa
matinding pagod nahirapan si Rema na magsalita. Parang bumigay ang kanyang
buong katawan at ang anghang ng kanyang dalawang mata. Pinilit pa rin niyang
gisingin ang diwa niya para sabihin sa taxi driver ang bahay ng kanyang mga
magulang.
Tumingin muna
siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Sa nakikita n’yan mga ilaw sa kapiligiran
ay nawala ang pagod niya, excited na siyang makauwi kagad kailang sa bahay. Masaya
niyang tinignan ang labas pagkatapos ay ngumiti sa taxi driver.
“Saan
banda ang sa inyo ineng?” ulit na tanong ng taxi driver sa kanya.
“Sa may
kapitolyo ho.” Sagot niya
“Ok.”
“Maraming
salamat po.”
“ Wala
`yon, Ineng. May pagkain pala rito na binili ko kanina habang tulog ka. Sabi mo
kasi kung may madaan akong restaurant ihinto ko. Kaso nakatulog ka kaya
binilhan na lang kita. ” Sabay abot ng taxi driver sa kanya ng supot.
“Maraming
salamat ho, Manong.” Sabay kuha ng plastic at kumain na siya.
Nagpatuloy sa pagmaneho ang taxi driver pagkatapos ay iniliko ito sa isang daanan ang sasakyan patungo sa kapitolyo kung saan siya nakatira, maging ang kulay ng bahay ng kanyang mga magulang.
After
twenty minutes ay nasa bungad na sila sa harapan ng kanilang bahay.
Hindi muna pinaalis ni Rema ang taxi baka kasi hindi siya pagbuksan ng kanyang mga magulang kapag siya ay mag-door bell na. Naisip niya kapag hindi siya pagbuksan ng mga magulang ay sa motel na sila magpalipas ng gabi, may pera pa naman siyang natira.
Hindi muna pinaalis ni Rema ang taxi baka kasi hindi siya pagbuksan ng kanyang mga magulang kapag siya ay mag-door bell na. Naisip niya kapag hindi siya pagbuksan ng mga magulang ay sa motel na sila magpalipas ng gabi, may pera pa naman siyang natira.
Lumabas si
Rema na karga ang bata gaya ng dati nakabalot pa rin ito ng makakapal na tela. Nagpasalamat
siya at hindi umiyak ang kanyang anak sa buong biyahe. Nakailang door bell na
si Rema pero wala pa rin nagbukas ng ilaw sa loob ng bahay nila.
She was
hopeless…
Ang akala
niya’y wala nang magbubukas ng ilaw kaya aktong tatalikod na sana siya nang makita
niya ang pag-ilaw ng kanilang bahay. Nakita niyang lumiwanag na ang buong
kabahayan kaya nabuhayan siya ng loob.
Pinababa
na niya sa taxi driver ang kanyang maleta at pagkatapos ay binayaran niya ito
ng apat na libong pesos, kasama na rin ang bayad ng kanyang pagkain at dahil
nabaitan siya rito ay dinagdagan na niya bilang tip.
“Maraming salamat po sa tulong n’yo at sa
maayos na pagmaneho n’yo, Manong.” Wika ni Rema sabay abot ng pera sa kamay ng
taxi driver.
“Wala `yon Ineng, maraming salamat rdn sa `yo at may pangbayad na ako sa matrikula ng bunso kong anak na nag-aaral ng high school.” Paliwanag ng taxi driver sa kanya.
Ngitian
niya ito at tumango lamang dito. “Salamat po ulit.”
Umalis na
agad ang taxi driver. Pero bago pa ito umalis ay sinabihan siya na mag-iingat
lagi. At huwag na ulitin ang magbiyahe ng gan’on oras.
Akmang
mag-door bell ulit sana si Rema nang bumukas ang gate ng kanilang bahay at
nakita niya ang kanyang mga magulang nagulat na tumingin sa kanya.
“ Ma, Pa.”
Tanging naisambit ni Rema habang hindi niya mapigilan ang luha, umiyak na ito
sa harapan.
Kahit naguguluhan ang mga magulang ni Rema ay hindi na nagsalita pa ang mga ito. Nabatid ng mga ito nasa hinding magandang kapalaran ang kanyang sinapit sa piling ng lalaking kanyang minahal.
“Shhhh…
tahan na anak. Huwag ka ng magsalita pa, iha. Pumasok ka na sa loob at welcome
ka pa rin sa pamamahay na ito.” Wika ng kanyang ama samantalang ang kanyang ina
ay niyakap siya ng mahigpit.
“Tara na sa loob, anak.” Yaya ng kanyang ina habang inaalalayan siya nito papasok sa loob ng bahay.
Kinuha ng kanyang ama ang maleta at ang kanyang ina naman ay kinuha ang kanyang anak.
Pagkapasok sa loob ay umupo si Rema sa sofa at doon pinakawalan ang malakas na hikbi na kanina lang ay kanyang pinipigilan. Nilapitan siya ng kanyang ina para patahanin siya, labis na nahahabag ang kanyang ina sa sinapit niya.
“Ma, Pa,
sorry I failed you.” Paghinging paumanhin niya sa mga ito.
“It’s ok
anak. Nandito na ito kaya tanggapin na lang natin ang lahat. Sana buo na ang
pasya mo na hindi na balikan ang lalaking `yon. Gusto kong mamuhay ka ng
tahimik na gaya noon.” Sambit ng kanyang ama pagkatapos pinakawalan ang malalim
na hininga.
Hindi maatim ng kanyang ama ang nangyari sa kanya pero sa pagkakataon `yon ay pinadama sa kanya nito ang pagtanggap uli ng buo. Ramdam niya ang awa ng kanyang mga magulang sa kanya pero hindi lamang ito pinapahata sa kanya.
“Halika na at magpahinga na kayo ng apo ko, alam kong pagod kayo sa biyahe.” Yayang kanyang ina.
“ Ma, puwedi po bang kumain muna ako kasi nagugutom pa po ako. Hindi po ako nabusog sa kinain ko kanina.”
“ Mahabaging Diyos! Bakit hindi ka kumain? Hindi naman kami nagkulang ng pera na pinapadala sa `yo buwan-buwan. Bakit ang payat muna ngayon? Para kang malnurist na hindi pinapakain ng ilang buwan. Tignan mo nga ang sarili mo ang payat mo….. parang buto’t balat na.” Mahabang wika ng kanyang ina.
Napayuko
na lamang siya sabay kagat ng kanyang
pang-ilalim na labi. Nahihiya siya sa ina pero hindi niya kayang itago ang
gutom nararamdaman niya.
“Halika sa kusina at may pagkain doon.” Hinila siya ng kanyang ina samantalang ang kanyang ama ang nagbantay sa kanyang anak.
Pagkarating sa kusina ay ipinaghanda siya ng pagkain ng kanyang ina. Pagkalapag pa lang ng masasarap ng pagkain ay agad siyang kumain. Hindi na siya nag-abalang maghugas ng kamay basta ang alam niya sa mga oras na `yon ay gutom siya, gusto niyang magpakabusog at matulog. Pinabayaan lang siya ng kanyang ina at tahimik na tumitingin sa kanya habang kumakain.
Hindi man
nagsasalita ang kanyang ina alam niyang nagtataka ito lalo na sa kanyang
pagkilos na tila isang patay-gutom. Nakikita niya sa sulok ng kanyang mga mata
ang awa nito sa kanya at ang
pamamasa-masa ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya ang ina.
Sunod-sunod
ang ginawang pagsubo ni Rema, kahit na punong-puno pa ang lamang ng bunganga ay
sumusubo na kagad na parang inaagawan ng pagkain.
“Diyos ko
po, anong nangyari sa `yo anak? Parang...” sambit nga kanyang ina nang abutan
siya nito ng maiinum na tubig. Hiangod-hagod ng kanyang ina ang kanyang likod
nang muntik na siyang mabulunan.
“Salamat po, Ma?” aniya pagkatapos niyang uminum. Nang mapansin niyang tila namumula ang mga mata ng ina ay tinanong niya ito. “Umiiyak po ba kayo,Ma?”
“Hindi anak, medyo inaantok pa talaga ako.” Pag-sinungaling nito sa kanya na alam niyang hindi pinapakita ang mga luhang nais lumabas sa mga mata nito.
“Ah, okay. Tara na po at inaantok na rin ako. Maya-maya maghahanap na rin ng pagkain si Micheal Angelo. Hindi pa ho siya dumede simula kanina.” Pilit niyang pinasigla ang kanyang boses. Ayaw niyang maawa sa kanya ang ina at umiiyak dahil sa kanyang mapait nasinapit.
“Tara na, puntahan natin ang maglolo.” Wika ng kanyang ina na ngitian siya nito na kahit s akabila ay nakikita ang kalungkutan sa mga mata nito.
Pumunta na silang mag-ina sa sala pagkatapos ay kinuha ang anak at nagtungo na sa dating kuwarto niya. Nilapag niya ang anak sa kama at ‘di mapigilan ang pagpatak ng kanyang luha.
Naawa siya
sa kanyang anak pero mas naawa siya sa kanyang sarili. Sa kanyang isipan, kaya
naman niya tiisin ang lahat kahit ginawa siyang alila. Pero ‘di niya kayang
tiisin ang mga pasya ni Leo. Parang sinabing hanggang kama lang ang papel niya
sa buhay nito.
KINABUKASAN
ay maagang nagising si Rema para maghanda ng agahan. Nasanay na kasi siya sa
bahay nila Leo na siya ang palaging naghahanda ng agahan sa araw- araw.
Amoy ng
bacon, tusino at hotdog ang nagpagising sa kanyang mga magulang. Pagkalabas ng
kuwarto ng mga ito ay diretso na sa kusina at nakita siyang pawisan habang
nagluluto ng agahan. Nakahain na rin siyang ng pagkain sa mesa nang tignan ng
mga magulang niya ito.
“Ang aga
mong nagising ngayon anak, ah. Dapat nagpahinga ka pa at nang makabawi ka ng
lakas. Tignan mo, oh… ang payat muna ngayon!” wika ng kanyang ina habang
humakabang palapit sa kanya.
“Ok lang ako Ma. Nasanay na ako na maagang gumising at ipaghanda si Leo ng pagkain kasama ang mama niya.” Wala sa loob sagot niya sa kanyang sa ina.
Hindi na nagsalitang muli ang kanyang ina bagkus tila naramdaman nito ang hindi magandang pagmaltrato sa kanya sa bahay nila Leo.
Pagkasabi ni Rema ng katagang ‘yon ay naalala niya ang lalaki. Iling ng ulo na lang ang kanyang ginawa nang tumingin sa kanya ang ama niya at saka tinignan nito ang kanyang ina. Ngumiti na lang ang kanyang ina bilang tugon ng kanyang iling.
Hindi
naman nila masisi si Rema sa kanyang sitwasyon ngayon kasi ang alam nila nagmahal
lang ang kanilang anak pero `yon nga lang sa maling tao.
“ Pa,
parang masarap ang pagkain na hinanda ng ating anak ngayon.” Anang ng ina ni
Rema.
Ayaw na
nilang makitang malungkot o lumuha ang kanilang anak. Alam naman nila kung ano
ang kalagayan nito ngayon kahit hindi nagsasalita si Rema sa kalagayan nito pero
may pinakiusapan sila na bantayan ang kanilang anak sa bahay nila Leo.
Ang katulong nila Leo. Ito ang tagasumbong sa kanila kung paano minaltrato ang kanilang anak.
Nang nalaman nila gusto nang sugurin ng kanyang ama si Leo pero pinigilan ito ng kanyang ina.
“Wala tayo
sa posisyon na sumugod. Kusang sumama ang anak mo at hintayin na lang ang mga
susunod na mangyayari. Huwag padalos-dalos ng pasya at baka ang anak mo ang
maiipit doon.” Ito ang binitawang salita sa ina ni Rema noong araw na may
nalaman sila sa sitwasyon ng kanilang anak.
“ Hindi naman po Ma, masaya lang po ako na kahit ganito ang natamo ko sa buhay ay tinanggap niyo pa rin ako. Kaya nga nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan niya ako ng magulang na laging nagmamahal sa akin at walang sawang pag-intindi sa ugali at sitwasyon ko. Ma, Pa maraming salamat po.” Maluhang bigkas ni Rema sa magulang niya.
Sino ba
naman mag-akala na tanggapin pa rin siya ng kanyang magulang pagkatapos nitong
gumawa ng kasalanan sa kanila.
“Wala `yon
anak ang mabuti pa’y punasan muna ang iyong mga luha at simula sa araw na ‘to
hindi ka na iiyak pang muli. Kami ang pupuno ng pagkukulang ng iyong asawa at
mamahalin namin ang iyon anak na apo namin. Aba! Mahal naming kayo ng apo ko.”
Wika ng kanyang ama habang hinagod ang kanyang likod.
Hindi man mapigilan ulit ni Rema na pakawalan ang mga
luha sa kanyang mga mata pagkatapos marinig ang mga salitang binitiwan ng
kanyang ama. Masaya siyang tinignan ang ama at niyakap niya ito. Hindi na rin nagsalita ang kanyang
ina at tahimik na itong nakiramdam sa kanilang mag-ama at napaiyak sa isang
tabi.
CHAPTER 3
LUMIPAS
ang mga araw at buwan abala si Rema sa pag-aaruga ng kanyang anak. Nakikita
niyang mahal ng kanyang magulang ang anak niya at kapatid. Sa mga araw nagdaan
hindi sila ginulo ni Leo at kahit papaano ay mas nakatulong ito sa kanya para
kalimutan ang lalaki.
Isang
umaga nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang pinsan sa Saudi. Sinabi nito
nangailangan sila ng tagabantay ng bata at malaki ang sasahurin. Naisip niya na
tamang-tama ang pagtawag ng kanyang pinsan kailangan na niyang kumilos para sa
kinabukasan ng kanyang anak.
Isang umaga kinausap ni Rema ang kanyang mga magulang at kapatid. Kinabahan siya habang tinignan ang mga ito. Takot na siyang makikita niya ang mga reaction ng mga ito sa kanyang gagawin na hakbang.
“Sana
pumayag sila sa gagawin ko.” Bulong niya sa kanyang sarili. Huminga muna siya
ng malalim at nilakasan ang kanyang loob at nagsalita siya.
“Ma, Pa,
may balak po akong mangibang bansa.” Umpisa niya.
Nakita niyang
nakatingin ang kanyang magulang sa kanya at ang kanyang kapatid. Palipat-lipat
ang tingin niya sa kanyang mga magulang at sa kapatid na si Elena. Pagkatapos
at tinignan siya nito, lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya.
Yumuko si
Rema kasi naramdaman niyang hindi siya papayagan ng kanyang magulang base sa
nakikita niyang pag-iba ng mukha ng mga ito. Tahimik ang namagitan sa kanila at
ilang sandali ay ng salita ang kanyang ama.
“Saan mo
ba gustong pumunta iha? At ano ang magiging trabaho mo?” magkasunod na tanong
ng kanyang ama.
Pagkarinig
ni Rema sa tanong ng kanyang ama ay nabuhayan siya ng loob. Naramdaman niyang papayagan
siya nito. Kanina akala niya ay galit ito sa kanya kaya di nagsalita. Mali pala
siya…..
“Gusto ko
sanang sumubok mag-abroad sa Saudi, Pa… kung payagan niyo ako ni Mama. Ayaw
kong lagi na lang umasa sa inyo habang ako naman ang may malaking responsibilidad
sa anak ko. Simula na kasi nang umuwi ako rito kayo na lahat ang gumagastos at
natatakot po akong habang lumalaki ang anak ko baka hindi ko maibigay ang
magandang kinabukasan sa kanyang paglaki. Iniisip kong tumatanda na po kayo ni
Mama.” bumuntong hininga muna siya at tinignan ang bawat isa.
Tinignan
niya ang kanyang kapatid na nakatingin sa kanya at ang kanyang ina nakakunot
ang noo nito habang pinakinggan ang kanyang paliwanag.
“At
nag-aaral pa si Elena ngayon. Sana hayaan niyo po ako na umalis. Libre naman po
at wala po akong gastos sa paglakad ng mga papeles. Naghahanap po kasi ng kasamahan
si Eleony sa Saudi, tagabantay daw ng bata.” Mahabang paliwanag niya.
Si Eleony
ay pamangkin ng kanyang ama. Ang ina nito at ang kanyang ama ay magkapatid kaya
alam niyang panatag ang mga magulang nila kung sakaling payagan siya.
“Bueno,
pag-usapan muna namin `yan ng Mama mo.” Sagot nito.
“Teka lang,
Ate! Sino magbabantay sa anak mo?” protesta ni Elena.
Ramdam
niyang ayaw bantayan lagi ng kanyang kapatid ang kanyang anak. Kaya ang pag-asa
niya kanina ay parang maglalaho pa.
“Ako na ang bahala sa anak ng ate mo, Elena.”
Mahinahon na sagot ng kanyang ina na labis na nagpasaya sa kanya.
“Salamat
po Pa, Ma.” Nagliwanag ang mukha
ni Rema sa kanyang narinig. Alam niyang may posibilidad na payagan siya ng
kanyang mga magulang.
Pagkatapos nilang kumain ay niligpit na niya ang pinagkainan. Kinagabihan alam niyang mag-uusap ang kanyang mga magulang tungkol sa kanyang pasya na mangibang bansa.
KINABUKASAN
kinausap si Rema ng kanyang mga magulang at sinabi ng mga ito ang tungkol sa
pasya niya. Ang tanging hiling ng kanyang mga magulang ay maging maganda ang
buhay ng kanilang buhay na mag-ina at makalimutan na tuluyan si Leo
Gabi-gabi pa rin kasi siya humikbi kaya marahil ay naririnig siya ng mga ito na umiiyak at natutukoy ng kanyang mag magulang ang dahil ang kanyang pagluha sa gabi.
Tinawagan agad ni Rema ang kanyang pinsan upang ipaalamna pinapayagan na siya ng kanyang mga magulang. Isang buwan lang daw ay lilipad na siyang patungong Saudi.
Sa
nalalabing araw ni Rema sa Pilipinas ay inaruga niya ang kanyang anak at
palaging binubulong ditto kung gaano niya kamahal ang anak. Sa mga araw na
lumipas ay kinabahan si Rema kasi takot siyang paglaki ng kanyang anak ay hindi
na siya makilala nito.
Pinayapa
na lang niya ang kanyang sarili at pinagdasal na sana hindi dumating ang
kinatatakutan niya. Kahit nandiyan lagi ang kanyang mga magulang para sa anak
niya ay alam niyang mangangailangan pa rin ang anak niya ng kalinga ng ina at
pagmamahal.
Araw ng
pag-alis ni Rema ata nasa airport na siya, pigil ang kanyang mga luha na huwag
malaglag. Hinatid siya ng mga magulang niya kasama ang kanyang anak. Subalit
kahit anong pigil niya sa kanyang luha ay labis pa rin itong naglandasan sa
kanyang mga pisngi. D’on niya labis nadama kung gaano kahirap ang mawalay sa
nag-iisang taon na anak, hindi pa naman ito nabinyaga dahil sa labis na hiya na
sa kanyang mga magulang.
Hindi maayos ang pamamaalam ni Rema sa kanyang mga magulang at anak. Hindi niya kayang makita ang anak na umiiyak. Kaya walang lingon na umalis na siya upang pumasok sa departure area.
Nakaalis
si Rema ng bansa na puno ng pag-asa, pag-asa na sana makamtan na niya ang buhay
naninais niya para sa anak at mga magulang.
Nakarating
si Rema sa Saudi airport, sampung oras din ang kanyang biyahe at hindi niya
namalayan ang paglapag ng eroplano dahil buong biyahe ay natulog lamang siya. Naalala
niya ang kanyang anak noong paalis na siya. Nalaman lang niya na dumating na
sila nang magsalita ang flight attendant. Inayos niya ang kanyang sarili at
pagkatapos nakipila na rin siya palabas ng eroplano. Ilang oras din ang kanyang
paglakad at pagproseso ng kanyang papel pagkatapos naayos ang lahat ay lumabas
na siya. Sa kanyang paglabas nakita niya agad ang kanyang pinsan.
Napagkasunduan kasi nila na ang pinsan niya ang susundo sa kanya para hindi siya matakot o mawala.
Napagkasunduan kasi nila na ang pinsan niya ang susundo sa kanya para hindi siya matakot o mawala.
“Pinsan, dito ka.” sigaw sa kanya ni Eleony. Pagkarinig ni Rema sa boses ng pinsan niya ay laking tuwa niya.
“Salamat pinsan sa pagtulong mo sa akin.” Anang ni Rema sa kaharap.
“Wala `yon
basta ikaw.” Kinuha ni Eleony ang ibang gamit ng pinsan at masaya silang
naglakad palabas ng airport.
Hindi na
rin nagtanong si Rema kong may sasakyan sila kasi nasabi na ni Eleony na may
driver itong kasama sa kanyang pagsundo.
Nakasakay
na sila sa van at nagkumustahan ang dalawang magpinsan. Puno ng tawanan ang
loob ng sasakyan.
Pagkadating
sa bahay ng amo ni Eleony ay namangha si Rema. Kaylaki ng bahay na parang malapalasyo.
“ Ang
ganda ng bahay, pinsan.” Paghanga ni Rema sabay tingin sa apat na palapag ng
bahay.
“Mas maganda ang looban, pinsan. Halika na at alam kong pagod ka. Bukas mo na makilala ang amo natin dahil sa ngayon ay wala sila rito. Nasa kabilang bahay at naki-party.”
Sumunod na
lang si Rema sa pinsan niya na papasok sa loob ng bahay. Unang pasok palang
niya ay nakikita niya ang kagandahan ng loob ng bahay. Kung humanga man siya sa
labas kanina mas lalo siyang namangha sa loob nito. Tahimik na lang siyang
naglakad at sumunod sa pinsan niya.
Pumunta
sila sa maids room at pagkatapos ay inilapag nila ang kanyang mga gamit.
“Tara sa
kusina tayo. Kakain ng hapunan.” Pagbigay alam ni Eleony sa pinsan niya.
Pagdating
sa kusina ay napanganga siya. Sobrang laki ng kusina na kung sa Pilipinas ay
isang bahay na.
“Huwag ka
nang mamangha rito at masanayan mo na rin ang mabuhay bilang prinsesang
katulong.” Pagbibiro nito sa kanya.
“Bakit
prinsesang katulong, pinsan?” nagugulohang tanong niya.
“Kasi
naman ang buhay natin dito ay parang prinsesa. Nakatira sa malaking bahay at
masasarap ang mga pagkain. Dito mo lang maranasan na ang agahan ay manok,
tanghali ay manok at hapunan ay manok. Uuwi na yata tayo sa Pilipinas na may
pakpak sa kakakain ng manok.” Pagbibiro muli ni Eleony sa pinsan niya.
Alam kasi
nito ang pakiramdam sa unang tungtong ng ibang bansa. Naranasan na nito at
ngayon ay sanay na sanay na ang kanyang pinsan. Apat na taon na rin ito nasa
ibang bansa at isa lang din ang amo nito simula nang nag-abroad ito.
“
Pakisamahan mo lang ang Madam natin at maging mabait ka lang sa mga anak nila
para wala kang iisipin na problema.”
Tumango lang si Rema at tahimik ulit ito. Kumain na silang magpinsan at pagkatapos ay bumalik ulit sa kanilang kwarto.
“Ito ang
kama mo at ito naman sa akin. Ang isang cabinet ay sa `yo, sa akin naman ang
isa. May mga sabon, shampoo at iba pang personal na gamit ka riyan. Ang iba
libre ng amo natin, ang iba ay binili ko para sa `yo.” Tinignan muna ni Eleony
ang kanyang pinsan at pagkatapos ay nagsalita ito muli.
“Sana mag-enjoy ka rito at makalimutan mo ang lahat ng problema sa Pilipinas. Sinabi na sa akin ni Tiyang at Tiyo ang nangyari sa `yo. Sorry ha.”
“Wala `yon
okay lang ako, pinsan. Salamat ulit.”
“ Sige na…
pahinga ka na nga! Ang drama natin ngayon! Unang gabi mo pa lang, hayaan mo ‘di
ko na ipaalala ang nangyari sa buhay mo noong nasa Pilipinas ka. Start a new
life Rema, ‘di maganda na ikulong mo ang sarili mo sa nakaraan. Have a fafa
here. Marami akong kilala d’yan sa chat. Mag chatroom tayo at ipakilala kita.”
“Huwag na.! Baka maloko ulit ako ng dahil sa lalaki. At saka ang pinunta ko dito ay trabaho hindi naman lalaki. Sorry ha.”
“ Naku! Nasabi mo lang yan dahil bitter ka pa sa past mo.”
“ Sikapin kong kalimutan ang nakaraan ko pero hindi ang anak ko.” Nakisabay na lang siya sa biro ng kanyang pinsan. Totoo naman kasi ang sinabi niya na trabaho ang hanap niya kaya siya nag-abroad.
Kinabukasan
alas kuwatro palang ng madaling araw ay ginising na siya ng pinsan niya. Sinabi
nito na kailangan nang gumayak para sa araw na `yon. Kahit pagod pa si Rema ay
bumangon na siya at nag-umpisang magtrabaho.
Alas nuwebe ng umaga na nang gising ang kanilang amo. Pinakilala siya ng kanyang pinsan at nakagaanan naman ng loob ni Rema ang among babae. Pakiramdam niya ay mabait ‘to sa kanya. Sinabihan siya na ang bunsong anak nito ang babantayan niya at wala na siyang ibang trabaho bukod doon.
Unang
sahod ni Rema ay pinadala niya lahat sa magulang niya. Pinakiusapan niya ang
ina na siya na ang bahala sa binyag ng kanyang anak. Masaya siya kasi may
maitulong na rin siya sa kanyang mga magulang at hindi na siya umasa gaya noon.
Lumipas
ang dalawang taon hindi umuwi si Rema. Pinagpatuloy ang kanyang trabaho at
Masaya at kontento na siya sa araw-araw. Isang gabi tumunog ang kanyang mobile
at tinignan niya kung sino ang tumawag. Nakita niyang hindi nakarehistro ang
number nito kaya naisipan niyang baka gumamit ng ibang numero ang kanyang amo. Sinagot
niya ang tawag.
“Hello.”
Mahinang boses niya. Nasa tabi kasi siya ng kanyang alaga sa mga oaras na yon.
Hindi sumagot
ang kanilang linya kaya nag-hello ulit siya ng tatlong beses bago siya
nakarinig na may nagsalita.
“ Hi.” Masigla nitong bati sa kanya.
Kunot
naman ang noo niya sa kanyang narinig. “Sino ka?” tanong niya sa kabilang
linya.
“ Ah…
amm.. gusto ko lang makipagkilala at makipagkaibigan sa `yo,” putol-putol na
paliwanag ng lalaki.
“Hindi ako interesado. Teka, saan mo nakuha ang number ko?’ tanong niya ulit. Gusto niyang malaman kong sino ang nagbigay ng numero niya.
“Ah,
pinsan mo si Eleony.”
“Ah ganon
ba. Sorry ha wala akong balak makipagkilala sa `yo at sorry ulit dahil busy ako
ngayon.” Sambit niya sa kausap. Nakita niyang gumalaw ang bata na binabantayan
niya at ayaw niya lumikha ng ingay kung maari.
“Sorry sa abala.” `Yon na ang huling salita narinig ni Rema sa lalaking tumawag
sa kanya.
Ang unang
tawag ay nasundan ng maraming tawag. Sa una ay minsan lang sinagot ni Rema ang
tawag pero kalaunan ay sinasagot na rin ang bawat tawag at text nito sa kanya.
Naging masaya ang bawat araw at gabi ni Rema dahil sa kanyang kausap na si Cyrus. Nalaman din niya nasa Saudi din ito nagtatrabaho sa isang pastry shop. Sinabi rin ni Cyrus na kasama niya ang kanyang ina sa bahay at pareho ang kanilang pinagtrabahuan.
Sa ilang
buwan na palitan ng mensahe at tawag ay nahulog ang loob ni Rema sa lalaki.
Sinabi ni Rema na may anak ito at tanggap naman siya ni Cyrus. Sinabi rin ni Rema
sa pinsan niya ang panliligaw sa kanya ni Cyrus kaya ang binigyan siya ng payo
ng kanyang pinsan.
“Pinsan, hindi naman sa nakialam ako sa `yo
pero pagtimbangin mo muna ang sitwasyon. Binata si Cyrus at ikaw ay may anak
niya. Oo nga tanggap ka niya pero paano naman ang ina ni Cyrus matatanggap ka
ba niya bilang kasintahan ng kanyang anak kung malaman niya na single mother
ka. At isa pa payo ko lang, nakilala ko si Cyrus sa chatroom kaya mag ingat ka.
Maraming manloloko at sana hindi ka maloko. Minsan ka ng nagmahal at pinabayaan
ng mama’s boy na ama ng anak mo. Ayaw ko
lang makita kang umiiyak muli. Nangako ako sa magulang mo na iingatan kita.
Akala ko pa naman ay hindi ka interesado sa kanya pero mali pala ako. Basta
ingat-ingat lang sa ngayon.”
Napaisip
si Rema sa sinabi ng pinsan niya at simula noon ay iniwasan niya si cyrus. Pero
napakakulit lang ni Cyrus, lagi pa rin itong tumatawag at gustong makipagkita
sa kanya.
Para matapos ang kanyang pag-iwas sa lalaki ay nakipagkita nga siya rito.
Nakiusap siya sa kanyang amo na humingi ng day off at binigyan naman siya.
Araw ng biyernes ang kanyang day off, inimbitahan siya ni Cyrus na makipagkita dahil birthday naman nito ang araw na `yon. Kaya nakipagkita si Rema sa lalaki. Sa isang mall nagtagpo at pagkatapos ay pumunta sa bahay nila Cyrus.
Pinakilala siyang kasintahan nito sa ina ng lalaki at nagulat naman siya. Mabait ang ina ni Cyrus sa unang pagkakilala ni Rema at tanggap nito ang relasyon nila ng kanyang anak. Ang isang pagkikita ay nasundan ng maraming beses hanggang sa may nangyari sa kanila.
Isang
pagniniig na hindi niya makalimutan. Isang umaga masama ang pakiramdam ni Rema
at sa kanyang paggising ay tumakbo na siya sa kubita. Agad na kinabahan siya…
paano na na? tanong ng kanyang isipan.
Tinawagan niya si Cyrus at pinaalam niyang buntis siya para makasiguro na buntis siya ay nakipagkita sa kanya si Cyrus at binigyan siya ng pregnancy test. Agad naman pumasok si rema sa ladies room sa mall.
Paglabas
niya ay pinakita kay Cyrus ang resulta, dalawang linya ang nakita niya at
laking tuwa ito. Nagtatalon na parang nanalo ng lotto.
“Paano na
tayo?” tanong niya kay Cyrus.
“Huwag
kang mag-alala panagutan kita.” Sagot ni Cyrus sa kanya.
Tumawag si
Rema sa magulang niya at sinabing mag-aasawa na siya. Naging asaya ang kanyang
magulang at sa wagas ay may lalaking tumanggap sa kanya. Kahit nakipagrelasyon
si Rema kay Cyrus ay lagi naman siyang nagpapadala sa kanyang magulang.
Lumipas
ang isang buwan ay napagkasunduan ni Rema at Cyrus na kukuha ng hulugang bahay
sa Cavite. Masaya si Rema sa bawat araw at pati ang pinsan niya. Sinabi na rin
niyang buntis siya at pati sa amo nila. Habang naghihintay si Rema ng ilang buwan
ay naging mahirap ang kalagayan niya. Lagi na siyang antukin at walang ganang
magtrabaho.
Seven
months ng kanyang pagbubuntis nagpasya siyang umuwi sa Pilipinas. Hindi pa
naman halata masyado ang kanyang tiyan kasi mahigpit na pinagbawalan niya ang sarili
na huwag uminum nag malamig na tubig o softdrinks para di masyado lumaki ang
kanyang t’yan.
Bago umuwi
ng Pilipinas si Rema ay may bahay na sila ni Cyrus. Silang dalawa ang nagbabayad
ng downpayment pati sa monthly nito. Handa na ang lahat sa kanila at ang kulang
na lang ay kasal.
Year 2004 ay umuwi ng pilipinas si Rema at doon na tumuloy sa bagong bahay na
hinuhulogan nila ni Cyrus. Nagulat nalang siya sa kanyang pagdating ng bahay ay
nandoon na ang kapatid ni Cyrus nakatira. Hindi pa kasi sumama sa kanyang
pag-uwi si Cyrus dahil hindi ito agad na pinayagan ng manager nito.
Pagkapasok
ni Rema sa bahay nila at tinignan siya sa mga kapatid ni Cyrus mula ulo hanggang
paa. Kinabahan si Rema batid niyang may hindi magandang mangyayari na darating.
Pinapasok siya ng ma kapatid ni Cyrus at pagkatapos at binigyan ng pagkain.
Hinabilin pala si Rema ni Cyrus na ingatan silang mag-ina nito.
Sa unang araw ay maganda ang pakikitungo sa kanya hanggang sa nakapanganak ito. Na CS (cesarian) si Rema sa pangalawang delivery niya. Malaki ang gastos kaya umpisa na ang pagbabago ni Cyrus kay Rema. Kung dati sa kanya binibinigay ang pera ngayon sa kapatid na ni Cyrus.
Ang hindi alam ni Rema ay siniraan siya ng sariling kapatid ni Cyrus. Kesyo may ibang lalaki si Rema o kaya’y nakipaglandian ito. Sisinilang ni Rema ang bata na wala si Cyrus kaya mas lalong nasaktan si Rema.
Hindi na rin pinaalam ni Rema sa kanyang magulang ang nangyari sa kanya. Kinimkim niya ang mga sakit. Hanggang isang araw ay umuwi si Cyrus na hindi pinaalam sa kanya. Malamig na ang pakikitungo sa kanya at hindi na gaya ng dati.
Nakisama
pa rin si Rema for the sake of his son. Lalaki ang pangalawang anak niya kay
Cyrus.
Isang umaga may sakit si Rema. Hindi niya nagawang asikasuhin ang kanyang anak dahil sa may lagnat siya at masakit ang kanyang tyan. Iyak ng iyak ang kanyang anak kaya napilitan siyang bumangon at nagtimpla ng gatas. Sa bungad ng pintuan ay nakita niyang galit na mukha ni Cyrus.
Isang umaga may sakit si Rema. Hindi niya nagawang asikasuhin ang kanyang anak dahil sa may lagnat siya at masakit ang kanyang tyan. Iyak ng iyak ang kanyang anak kaya napilitan siyang bumangon at nagtimpla ng gatas. Sa bungad ng pintuan ay nakita niyang galit na mukha ni Cyrus.
“Pinabayaan
mong umiyak ang anak natin. Ano ba ang ginawa mo?” bungad na tanong nito sa
kanya.
“Masama
ang pakiramdam ko. May lagnat ako Cyrus.”
“aAsikasuhin mo ang sarili mo at huwag kang magdrama. Marami ka pang gagawin sa araw na ‘to at kailangan matapos mo ang lahat.” Sigaw nito sa kanya.
Napapikit
na umiyak si Rema. “Ang malas ko sa pag-ibig. Bakit ganito ang buhay ko?”
tanong niya sa kanyang sarili
Ginawang katulong si Rema sa sariling bahay niya. Hindi pinakain at kung hindi siya manghingi sa kapitbahay ay walang laman ang kanyang tiyan. Ang lahat na masasakit na salita at pagtrato sa kanya ay tinanggap pa rin niya kahit gusto na niyang sumoko.
Nahihiya
na rin siya sa kanyang mga magulang at takot na rin siyang bumalik pa sa
kanila. Hanggat maari ay tinitiis niya ang lahat. Bumalik sa alaala niya ang
nakaraan na pagsasama nila ni Leo.
“Akala ko ba may kaya `yan sa buhay! Ginawa na ngang alila sa sariling asawa kono pero bakit nandito pa rin yan.”
Isa ito sa mga naririnig ni Rema sa mga kapatid ni Cyrus. Umiyak na lang siya at walang araw at gabi na ‘di umuulan ang kanyang mata.
“Ako na
yata ang tinaguriang reyna ng iyakin.” Minsan naibulong ni Rema sa kanyang
sarili.
Isang umaga nagising si Rema na masaya ang mga tao sa sala.
Isang umaga nagising si Rema na masaya ang mga tao sa sala.
FINAL CHAPTER
DUMATING
na pala ang ina ni Cyrus ang akala niya’y ipagtanggol siya pero hindi pala. “Ows…
gising na pala ang reyna. Mag impaki ka na at umalis ka sa pamamahay na ito. Kaladkarin
ka palang babae. Pati kapitbahay ay nilandi mo at pati ang tycicle driver ay
pinatulan mo rin.” Wika ng ina ni Cyrus sa kanya. “At saka sa pag-alis mo
maiiwan dito ang bata. Pobreng bisaya. Nangarap na umangat sa buhay pero diyan
ka nagkamali dahil nalaman ko ang bulok mong tinatagong ugali.”
Hindi
makapag salita si Rema sa kanyang narinig. Umiyak siya at tumingin kay Cyrus,
humingi ng saklolo sa lalaking mahal niya pero tinignan lang siya nito. Pumasok
si Rema sa kuwarto at nagsimulang mag-impaki habang umiiyak. Nangyari naman ang
kinatatakutan niya naloko ulit siya sa pangalawang pakakataon.
Tumawag siya sa kanyang kapatid na kasunod niya at humingi ng pera pamasahi pauwi ng Mindanao. Binigyan naman siya nito na dapat pang-eroplano pero nagbarko na lamang siya. Binilhan pa kasi niya ng gatas ang kanyang anak.
“Bago ka
lumayas sa bahay na ito permahan mo muna ang mga papeles na ‘to dahil ibebenta
ko na ang bahay at lupa. Malas kasi ang bahay na ito at masakit lang sa akin na
dito ka pa nakipaglandian.”
Gustong sumigaw ni Rema at sabihin ang katotohanan pero wala siyang lakas. Sino ba ang maniniwala pa sa kanya, nilason ng mga kapatid ni Cyrus ang isipan nito pati ang kanilang ina.
Pinermahan ni Rema ang papel at nagsalita ito.
Gustong sumigaw ni Rema at sabihin ang katotohanan pero wala siyang lakas. Sino ba ang maniniwala pa sa kanya, nilason ng mga kapatid ni Cyrus ang isipan nito pati ang kanilang ina.
Pinermahan ni Rema ang papel at nagsalita ito.
“Ingatan
niyo ang bata at mahalin niyo siya. Ang pera na makukuha ko sa bahay ay ilaan
mo sa kinabukasan niya.” Sabay alis ni Rema patungong Pier.
Nakarating
si Rema sa Davao at gulat ang pamilya nito sa ayos niya. Bumalik ang dating
Rema niloko at sawi. Pinaliwag ni Rema ang nangyari sa kanya at umiyak ang ina
niya. Galit na galit ang kanyang ama at pati si Elena.
“Huwag ka nang
umiyak at lumaban ka naman. Ikaw lang na kapatid ko ang iyakin at tanga pa!”
‘di mapigilan ang galit ni Elena sa kapatid kaya nakapagsalita ito ng hindi
maganda. Nasaktan siya sa kanyang nalaman
“Sa oras na humihingi sila ng sustento sa bata ay hindi ka magbibigay. Panindigan nila ang lahat, huwag ka nang magpakita doon at nasa tamang panahon uuwi dito ang iyong anak. Walang anak na hindi hinahanap ang kanyang ina.” Mabagsik na wika ng kanyang ama.
“Pa, sinabi nila na wala na raw po akong karapatan sa bata. Ma, Pa, Sorry po sa pangalawang pagkakataon sawi ulit ako.” Nakayukong hingi ng paumanhin ni Rema sa magulang niya.
“Kung
hindi ka lang namin mahal, hindi ko lang alam kong ano pa ang kaya kong gawin
sa’yo.” Wika ng ama ni Rema.
“Pa, huwag naman ganyan.” Singit na wika ng kanyang ina.
“Alagaan mo muli ang sarili mo at gaya ng dati tutulongan ka namin bumangon muli.” Wika ng ina ni Rema sabay yakap nito.
Samantalang si Michel Angelo ay nakatingin lamang sa kanila at nagugulohan. Nasa tatlong taon gulang na si Micheal Angelo at bibong bata ito. Hindi binigyan ng problema ang magulang niya.
“ Sino
siya?” tanong ni Micheal Angelo sa kanyang ina.
Sa narinig
ni Rema ay para siyang binuhusan ng kumukulong tubig. Hindi makagalaw ang buong
katawan at hindi rin nakaimik.
She was
shocked….
“Come
baby.” kausap niya sa anak sabay yakap dito at umiyak.
“Pasensya
ka na anak, kung hindi ka man nakilala ng anak mo. Lagi naman naming siyang
pinagsabihan na ikaw ang ina niya. Katunayan pa nga pinakita namin ang iyong
letrato para lang hindi ka makalimutan.” Paliwanag ng kanyang ina habang
umiiyak ito.
Habang yakap ni Rema ang anak niyang panganay ay umiyak ito. Naalala niya ang kanyang anak na iniwan sa Manila. “Ok lang po ‘yon, Ma.”
Pagkatapos
ng mahabang usapan nila ay kumain na at pinagpahinga si Rema ng kanyang
magulang at kapatid. Simula ng pag-uwi ni Rema sa kanila ay lagi na lang itong
nakakulong sa kuwarto. Lagi na lang nakikita ng kanyang magulang na mugto ang
kanyang mga mata at ni sa pagkain ay wala na sa ayos. Nasaktan ang mga magulang
ni Rema sa kanilang nakikita kaya isang umaga kinausap nila si Rema.
“Anak, puwedi
ba ilabas mo ang sama ng loob mo. Huwag mong kimkimin! Kami ang nasasaktan at
handa pa rin kaming umawaain ka. ‘Di ba sabi namin sa `yo dati na walang ina na
hindi matiis ang kanyang anak. Ina ka na rin ngayon kaya sana naintindihan mo
ang aming damdamin. Ayaw namin na lagi kang ganyan pati na si Micheal ay
napabayaan muna. Hindi lang siya ang iyong anak. May isa ka pang anak na
kailangan mong itaguyod at ipaglaban. Kung nagkamali ka ng dalawang beses sana
may malaking rason ka para tumayong muli. Hindi ka namin pinalaki na maging
ganyan….. talaga lang sinubok ka ng tadhana.” Mahabang lintaya ng kanyang ina
habang umiiyak itong niyakap siya.
Sa narinig
ni Rema parang doon lang siya nagising. Tama ang kaniyang ina kailangan niyang
mas maging matatag ngayon para sa anak niya.
“Ma, bakit gan’on? Nagmahal lang naman ako at sa maling tao pa. Dalawang beses na akong niloko at iniwan. Dalawang beses na akong nasaktan at naulit muli ang nangyari sa nakaraan. Paano ko pa ba ipagpatuloy ang buhay kung lagi na lang ganito ang mangyayari. Ma, pagod na akong umiyak at masaktan.”
“May dahilan ang bawat nangyari sa buhay mo, anak. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Nandito lang kami ng ama mo para damayan ka sa lahat ng iyong problema. Bumangon ka at ayusin ang buhay mo. Hindi man maibalik pa ang nangyari sa nakaraan, bumangon ka sa iyong pagkadapa.”
“Maraming salamat Ma.” Pinahid ni Rema ang kanyang mga luha gamit ang kanyang daliri.
Ngayon nakausap na niya ang kanyan ina at ipapakita niya na willing na siyang mag-move on.
Ilang
araw, buwan at taon na lumipas ay tuluyan nang naka-move on si Rema. Palangiti
na ito at lagi ng inasikaso ang panganay n’yan anak.
Napagkasundun nila ng magulang ni Rema na susunod ito kay Elena sa Dubai para doon na muling ipagpatuloy ang kanyang pag-move on at maghanap ng trabaho. Nakaalis na si Rema ng Pilipinas at pangtatlong buwan na niya ngayon sa Dubai.
Wala pa
rin siyang nahanap na trabaho kaya pina-exit siya sa Kish Island (Iran) para
doon hintayin ang panibagong visa. Unang dating niya sa lugar maraming Pinoy
ang nakikita niya sa hotel at sa tabing dagat.
May baklang pinoy na lumapit sa kanya at nagpakilala.
“Hi, Pinay
ka?”
“Ah.. oo.”
Maiksing sagot niya sa kausap.
“Bakit
hindi ka naki-join sa amin? May ipakilala ako sa `yo.”
“Ah! Huwag na at okay na ako dito.” Tanggi niya
“Naku girl! Huwag sayangin ang pagkakataon na makahimas ng abs. Maraming fafa dito at yummy pa.” Biro nito sa kanya.
Hindi
mapigilan ni Rema ang hindi tumawa sa sinabi ng bakla sa kanya.
“Ikaw talaga.”
“Esay, at
your service girl.” Sabay abot ng kamay nito sa kanya.
Tinanggap
naman ni Rema ang kamay at sinabing “Rema here.”
Simula
noon naging malapit na kaibigan ni Rema si Esay. Kung saan man ito nagtungo ay
lagi siyang dinadala ng kaibigang bakla.
May 28,
2008, nakilala ni Rema si Ken dahil pinakilala
ito sa kanya ni Esay.
“Ken,
halika pakilala kita sa kaibigan ko.” Sigaw ni Esay habang naglalakad si Ken sa
dalampasigan.
Lumapit
naman si Ken sa kanya at ngumiti sa kanilang dalawa. Yumoko si Rema kasi
hangga’t maari umiiwas siya sa mga lalaki. Wala man siyang phobia sa lalaki
pero hindi pa handa ang puso niyang magmahal ulit.
“Hello!”
masiglang bati ni Ken kay Rema.
Tumingin
lang si Rema kay Ken at ngumiti.
“Alam mo
sa mga araw na lumipas nakikita kita laging malungkot. Care to share what’s
bothering you?” seryosong wika nito.
Iniwan na kasi silang dalawa ni Esay at alam
naman kasi ni Esay na crush ni Ken si Rema. Minsan na itong binanggit ni Ken sa
bakla. Simula nang magkakilala na si Ken at Rema ay lagi na silang magkasama. Eksantong
isang buwan mula ng magkalilala sila gumawa ang bakla ng isang kalokohan.
June 28,2008. “Ken, halika nga kayo ni Rema parang sinusolo muna ang kaibigan
ko, ah.” Reklamo ni Esay kay Ken.
“Hindi naman
nagkaintindihan lang kami ng kaibigan mo ang it seems like… I like her.” Prangka
nitong wika ni Ken.
“Ang
mabuti pa at sabayan niyo ako ng kalokohan.” Si Esay.
“Ano yon?”
tanong ni Rema.
“Kunyari
ikakasal ko kayo. Dali na tumayo na kayong dalawa.”
“Ayaw ko
nga! Ibang laro na lang, Esay.” Suhesyon ni Rema.
“Mas
exciting ‘to, gaga! Ken, kuha ka ng lubid at ‘yon ang gamitin natin kunyari na
sing-sing.”utos nito sa kanya.
Kumuha
naman si Ken ng lubid at habang ginawa nitong bilog ay sa kanya ito nakatingin.
“I think I found her.” Bulong nito sa sarili.
“I think I found her.” Bulong nito sa sarili.
Ginawa nga ni Esay ang kanyang kalokohang plano, kunyari kinasal niya si Rema ani Ken. At sa sobrang saya ni Ken ay kumanta ito sa harap ni Rema at nagpatugtog ng gitara.
“So it’s
you by Raymond Lauchengco”
We smiled
and that's how it all started,
And you came right in time
When I needed someone
And we said hello,
Suddenly my heart was beating fast.
And you came right in time
When I needed someone
And we said hello,
Suddenly my heart was beating fast.
CHORUS:
So it's
you I've been waiting for so long,
So it's you, where were you all along?
Very special moments, these will always be with me,
We are here, you and I, we belong.
We touched and we felt more beautiful,
And two hands reachin' out
Filled with so much longing;
It felt good inside,
There is no denying I'm in love.
So it's you, where were you all along?
Very special moments, these will always be with me,
We are here, you and I, we belong.
We touched and we felt more beautiful,
And two hands reachin' out
Filled with so much longing;
It felt good inside,
There is no denying I'm in love.
CHORUS:
So it's
you I've been waiting for so long,
So it's you, where were you all along?
Very special moments, these will always be with me,
We are here, you and I, we belong
So it's you I've been waiting for so long,
So it's you, where were you all along?
Very special moments, these will always be with me,
We are here, you and I, we belong
We are here, you and I, we belong.
So it's you, where were you all along?
Very special moments, these will always be with me,
We are here, you and I, we belong
So it's you I've been waiting for so long,
So it's you, where were you all along?
Very special moments, these will always be with me,
We are here, you and I, we belong
We are here, you and I, we belong.
Habang
pinakinggan ni Rema ang bawat linya ng kanta ay umiyak siya. Every line of the
song is so meangful for her… naisip niya tuloy na sinadya ito ni Ken.
“I hope
you’re the answer to my prayers, but I know it’s impossible. I had two kids to
a different man. Kung magmahal man akong muli…. sana matanggap niya ang
nakaraan ko at ang dalawang anak ko na siyang nagbibigay ng lakas ngayon para
ipagpatuloy ko ang buhay… mahalin ako ng buo at tapat …`yon lang ang tanging
HULING HILING NG PUSO ko.” Bulong ni Rema sa sarili at umalis na doon
pagkatapos ng kanta.
Pagkakita
ni Ken kay Rema na umalis ay tinabi muna niya ang guitar sabay habol kay Rema. Nakita
niya ang dalaga nakatingin sa dagat. Nilapitan niya ito at patalikod niyang
niyakap.
“That song
is for you. Always remember that I love you.” Bulong ni Ken sa kanyang tenga.
“Why Ken?”
tanong ni Rema sa binata.
“It’s my
heart who said he love you. I know from the start I had this feeling na gusto
kita. Until one day I woke up, naramdaman ko na lang ito na hindi inakala. I
love you Rema.”
“Hindi ako
ang babae na para sa `yo Ken… You didn’t know about me and my past. Ayaw ko ng
magmahal at magpaasa ng tao. Ayaw ko rin saktan ang damdamin mo. Sorry to say
this… I’m not the right girl. Kaya hangga’t maaga pa ay layuan mo na ako at gan’on
din ako sa `yo. Pagbalik natin sa Dubai isipin mo na lang na hindi tayo nagkakilala
at nagkausap. Kung ano ang nangyari dito ay mananatili lamang dito. Hanggang
dito lang ito Ken.” Kumalas ng yakap si Rema at naglakad pabalik ng kuwarto niya.
Bukas na ang uwi niya ng Dubai at ayaw niyang may paasahin siyang tao.
Hindi
nakaimik si Ken sa ginawa ni Rema sa kanya. Hindi lang isang beses ginawa ni
Rema ang ganito kaya mas magpursige pa siyang makilala ang dalaga.
Kinabukasan
ay maaga ang alis ni Rema nagpaalam siya kay Esay at sa ibang kasamahan at
kaibigan. Hindi niya makita si Ken sa umagang iyon kaya umalis na siya. Alam
niyang nasaktan niya si Ken pero anong magagawa niya, talagang takot na siyang
magmahal.
Pagdating
ng Dubai ay kinalimutan na ni Rema ang nangyari sa Kish. May trabaho na rin
siya ngayon. Wala na siyang balita sa lalaki.
Isang gabi
may tumawag sa mobile ni Rema numero lang ito. Sinagot niya ang tawag at
kinabahan siya. Si Ken ang tumawag sa kanya.
“Kita tayo
ngayon sa may beach malapit sa inyo may sasabihin lang ako.” Anang ni Ken. Hindi
na siya nito binigyan ng pagkakataon magsalita pa.
Dial tone
na ang narinig ni Rema pagkatapos ay tinignan niya ang kanyang mobile. Nagbihis
si Rema at pumunta sa beach na sinasabi nito. Nasa may buhangin na siya ay
niyakap siya ni Ken.
“Kahit
ilang beses mo man akong ipagtabuyan, ilang beses mo akong saktan. Tandaan mo
mamahalin pa rin kita at hahanapin kahit saan ka man magtago dahil ang puso
ko’y para lamang sa 1yo nakalaan, Rema.” Iyak na wika ni Ken
Nagulat si
Rema sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na magkita pa rin sila ni Ken.
“Simula nang
kinasal tayo sa Kish, iniisip kong asawa na talaga kita. Oo nga, hindi kita
niligawan pero alam kong mahal mo rin ako. Takot ka lang magmahal.” Si Ken.
“May anak
na ako, Ken. The worst is… hindi pareho ang ama.” Umpisa ng paliwanag ni Rema.
“ Alam
kong may anak ka Rema pero hindi ako doon nakatingin kundi sa puso mo. Tanggap
kita at mahal kita. Huwag kang mag-alala, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa
`yo. Love doesn’t choose who or to whom you fall its like magic. Once it hit
your heart you can’t stop it.” At hinalikan ni Ken si Rema sa labi.
Pinakilala
siya ni Ken sa mga magulang nito at tinanggao naman siya ng mga magulang at kapatid
ni Ken. Isa din single mother ang ina ni Ken nang pinakasalan ito ng ama ni Ken
kaya naiintindihan ang kalagayan ni Rema. Masaya na rin ang mga magulang ni
Rema at lagi nilang pinagdasal na maayos ang buhay na tahakin nila. Papa na rin
ang tawag ni Micheal Angelo kay Ken at nagustohan naman ito ni Ken.
June 28,
2011, kinasal si Rema at Ken sa simbaha. Wala ng mahihiling pa si Rema kundi
ang magpasalamat siya sa Panginoong may kapal na may isang lalaking nagmamaahal
at tanggap siya ng buong-buo.
The
wedding song Rema requesred while walking in the asle is All my Life by: America
***W A K A S***
tulo sipon ko dito... hehehe
ReplyDelete