My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 26

HEIDELBERG, GERMANY

ALL the way from NAIA to Germany nakabantay ang mga tauhan ng kanyang ama. He knows that. Seguradong ang kanyang pamilya ang may pakana ng lahat ng ito.

Hindi niya mapapatawad ang kanyang mga magulang kung ganitong nakikialam ang mga ito sa sarili niyang buhay. Haharapin niya ito para magiging maayos ang lahat and he will come back sa Pilipinas para kay Jenny.

Masakit sa loob niya na umabot sa ganito ang lahat. Ni hindi niya nakausap ng maayos ang asawa, hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos.

Naghihintay ang kanyang ina sa labas ng pinto ng Heckmann's Mini Mansion when they arrived.

Pagkababa niya sa kotse ay sinalubong agad siya nito.

"Welcome home, Son!" isang kambal na sampal ang dumapo sa kanyang mga pisngi bilang pagsalubong. "Wala kang utang na loob! Bakit mo ito nagawa sa amin ng ama mo ha? Bakit Kenneth?" Galit na galit na sumbat ng kanyang ina.

"I want to be happy, Ma. Can you understand that?" ang tanging naituran niya.

"At kailangan mo kaming suwayin for your happiness? Hindi mo man lang ba inisip ang mararamdaman namin?" tumaas na ang boses ni Mrs. Heckmann.

"I told you, I love Jen. Pero di mo matanggap-tanggap kung anong nakaraan niya! What's with that, Ma? At bakit kailangang umabot sa ganito? I'm planning to be home with her but what the hell you did?" for all the words Kenneth had said, isang malutong na sampal ulit ang dumapo sa kanyang pisngi.

"How dare you telling me that! Your father is in the hospital because of you, Bastard!" umiiyak na turan ni Angela.

"You're so selfish, Kenneth! Hindi mo man lang kami inisip ng ama mo!"

"No, Ma. I'm not. Kayo ang selfish. For all of my life, sinunod ko lahat ng kagustuhan niyo. Pero ang pakialaman ang Puso ko, it's not right, Ma. I just came back to fix things between us." panunumbat ni Ken saka tinalikuran ang ina at pumasok para tawagan si Jenny.

"You're not coming back to Philippines, Kenneth!" maawtoridad na sabi ng Ginang.

Sa pag-angat pa lang niya sa awditibo ng telepono ay napansin niyang wala itong dial tone. 'Crap!' he said.

"No communications, in and out. No devices, No internet. You're grounded hanggang sa tumino ka!"

"What? You can't do these, Ma!"

"Guard, bantayan niyong di makalabas ng bahay ang suwail niyong amo!" utos ni Mrs. Heckmann sa mga bodyguards na nagbantay kay Kenneth mila sa Pilipinas hanggang Germany.

"Oh! By the way, Kenneth. One month ng nasa Comatose stage ang ama mo" Mrs. Heckmann informed him.

Napaupo siya sa sofa at nasapo niya ang kanyang ulo at lihim na lang na napaluha.

Hindi niya inaasahan na aabot sa ganito ang lahat.

Anong gagawin niya ngayon?

"God! Please Protect, Jen!" taimtim niyang panalangin sa gitna ng pagpatak ng kanyang mga luha.

******

She has nothing to do. Wala na ang asawa, iniwan na siya. Bawat galaw ng orasan ay ganun din ang pagpatak ng kanyang mga luha. Kani-kanina lang ay tuwang-tuwa siyang malaman na magkaka-anak na sila ni Ken. Ngayon niya napatunayan na, may kapalit na pighati ang sobrang kasiyahan.

"Jen. Tama na, Insan. Halika, magpahinga ka na" yaya sa kanya ni Rica pero tahimik lang ito, walang imik at patuloy sa pagpahid sa mga luha nito.

"Ang Tanga-tanga ko, Icang! Ba't di ko man lang napansin 'yon? The first time I've met him may sagabal na, pero di ko pinansin 'yon. And I've let myself fell for him" ang paghihinagpis ni Jenny.

"Hindi, Jen. You were destined, pagsubok lamang ito at malalampasan niyo din. Just trust, sa pag-iibigan niyo ni Ken at magtiwala ka sa Diyos. He had plans for you and Ken" Rica's advice.

"Bakit ganito, Icang? Lagi na lang akong nasasaktan? Ito ba ang plano ng Diyos sa akin ha? Ito ba?"

"Don't question Gods will, Jenny. We will not that strong enough if we will not pass hardships, hindi natin malalaman ang hirap kung lagi na lang sarap. Magpalakas ka! Just trust he'll come back."

She's really afraid. Nanghihina na ang kanyang puso at ang kanyang utak sa pag-iisip sa asawa.

She didn't have a good sleep. Binabangungot siya sa tuwing nakakaidlip siya at ang lahat ng kanyang nakikita ay kung anu-anong pangitain.

Malalalim na ang kanyang mga mata at awang-awa na ang kanyang pamilya. Wala silang magawa sa kalagayan ni Jen, they keep trying to lift her spirit up pero parang bingi na ito sa kanilang pangungumbinse.

Rica and Jomar tried to contact Ken but they got an negative answer. 

Kahit si Lola Tisang na Lola ni Ken ay nakialam na rin ngunit masasakit na sumbat lamang ang narinig nito mula sa anak na si Angela na ina ni Kenneth. Galit si Angela sa kanyang ina dahil sa pangungonsenti nito sa apo at paglihim sa kanya sa lahat ng nangyari. After that, hindi na nakakausap ni Lola Tisang si Angela.

Isang buwan hanggang nagdalawang buwan ng lugmok sa kalungkutan si Jen. Grabe na ang pagkaputla nito dahil sa iyak at puyat.

Kahit anong pag-aalo ng kanyang ina sa kanya ay walang epekto dito. All she need is Ken ang tanging laman ng kanyang utak at puso.
She's too selfish in that thought.

Everytime she get inside their room ay nakakabinging tawanan nila ni Ken ang bumubungad sa kanya, all their memories came back and that hurts her more.

Sa bawat lingon niya sa saan mang sulok ng bahay nila ni Ken ay bumabalik ang mga masasayang alaala nilang mag-asawa na sa hinagap ay di niya inisip na hahantong sa ganito ang lahat.

From the day Ken left, all she did was cry. Wala na ngang luhang lumalabas sa kanyang mga mata but her heart and mind didn't stop calling his name, praying that when she will awake in the morning, Ken's beside her and she's only dreaming.


'It's just a bad dream' palagi niyang sabi sa kaniyang sarili pero ang katotohanan ay di niya maiwasan. He's away from her.

No comments:

Post a Comment