CHAPTER 27
"SAAN ang plato ng kuya mo?" Galit na tanong nito kay Denise nang isang umagang
di nakita ang plato sa pwestong kinakainan ni Ken. Sa sobrang pag-aalala ng
pamilya ni Jenny ay tumira ang mga ito sa bahay nila ni Ken, ayaw niya kasing
umalis sa bahay para man lang makalimot. Ayaw niyang iwan ito dahil baka
dumating si Ken at wala siya.
"Ate,
tatlong buwan ng wala si Kuya. Tanggalin na natin ang plato niya" si
Denise na maluha-luha.
"Sampung
taon man ang lumipas, maghihintay ako sa pagbabalik niya. Kaya huwag mong
tanggalin ang plato niya" humihikbing turan ni Jen.
"Ate,
kung sakali ngang babalik siya sa tingin mo matutuwa 'yon sa itsura mo? Ayusin
mo ang sarili mo. Magpalakas ka" pangaral ng kapatid niya sa kanya na
ikinatahimik niya saka umalis si Denise na humuhikbi.
"Anak.
Tama ang kapatid mo. Tingnan mo ang sarili mo, anak. Nangangayayat ka na dahil
sa kakaiyak at pagmumukmok. Hindi lang si Ken ang nagmamahal sa'yo, nandito pa
kami Jenny" ang pag-aalo sa kanya ni Aling Pasing na kanyang ina.
"Ang
sakit-sakit, Ma."
"Naiintindihan
kita, Jenny. Pero 'wag mong pabayaan ang sarili mo. Hindi lang ikaw ang
nasasaktan, mas nasasaktan kami sa kalagayan mo anak."
Sa
duyan ang kanyang pahingahan, ang duyan na maraming masasayang alaala nila ni
Ken ang naiwan. Umaga, tanghali, gabi doon niya tinatapos ang araw niya.
Tatlong buwan na ganyan ang ginagawa niya. Wala ring magawa si Rica, iniintindi
na lang niya ito at di pinapabayaan.
She's
always there lighten up her day kahit na nagsasalita siyang kaharap ay parang
tuod pero di siya napapagod. At hindi din pinabayaan ni Rica ang Kiddie
Captcha'ng pagmamay-ari ni Jenny.
Minsan
na rin silang nag-away ni Jomar dahil nawawalan na siya ng oras sa katipan,
she's still in Print Media and she also manage Jen's business at ang
pangangalaga pa niya kay Jen.
Malaki
ang utang na loob niya sa pamilya ni Jen at ngayong dumadaan sa paghihirap ang
pinsan niya ay ipinangako niyang di niya ito pababayaan.
Kung
alam lang niyang ganito ang madadatnan niya sa buhay pag-ibig ni Jenny sa
piling ni Ken ay di na sana niya tinulungan si Jomar na pagtagpuin ang dalawa.
Wala
ding nagagawa si Jomar dahil kahit siya nahihirapan ding makausap si Kenneth.
Guilty siya sa mga nangyayari.
"Sugarrrr!!!!
Ibaba mo ako! Hahaha!"
"Hahahaha!
That's what you get from fooling me!"
"Tama
na please! Promise, I will not do that again!"
Her
tears keeps on falling. Nabibingi siya sa kulitan at tawanan ng asawa. She
forgot herself. Ni di na siya nakakapagsuklay. Ang kanyang kapatid na si Denise
ang nagsusuklay sa kanya habang nilalaro nito ang humaba na niyang buhok, pero
nasaktan niya ang kapatid. Unang beses niyang nasigawan si Denise at mas lalo
pa siyang lumulubog sa kalungkutan.
Anong
dapat niyang gawin ngayon? Nahihirapan siyang magmove-on.
Papunta
sana siya sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig ngunit bigla na lang
siyang nanghina at di na niya alam ang sumunod na nangyari.
"Alam
mo bang buntis ka, Jenny?" maluha-luhang tanong ni Rica sa kanya when she
woke-up. Nasa malapit na Health Center dinala ng mga ito ng matagpuan siyang
walang malay sa sahig.
"Oh
God!"
Sunod-sunod
na pumatak ang kanyang mga luha. Nakalimutan niya ang bata sa kanyang
sinapupunan.
"Alam
mo bang mahina ang pintig ng puso ng bata? At delikado ang kalagayan niya kung
mananatili kang ganyan! JENNY! Magpakalakas ka dahil sa anak mo!" galit si
Rica! Galit siya dahil di man lang nila alam ang tunay na kalagayan ni Jenny.
Buntis pala ito pero di man lang nila ito napansin.
Yakap-yakap
lang siya ng ina habang walang tigil sa paghagulgol sa iyak ganun din si Rica
at Aling Pasing.
"Mag-umpisa
kang muli, anak. Tutulungan ka namin ng Papa mo, ni Denise, ni Rica para sa
magiging anak mo" ang turan ng nag-aalalang ina.
"Ang
bata ang naging bunga ng pagmamahalan niyo ni Ken at huwag kang mag-alala anak,
siya ang tanging kayamanan mo. Malay mo siya ang maging tulay sa pagbabalik ni
Ken" ang pahayag ni Mang Elpidio sa anak. Minsan lang nakikialam ang ama
niya sa kanyang buhay. Tahimik na tao si Mang Elpidio ngunit noong panahong
nakita niyang lugmok na sa kalungkutan ang anak ay di ito nagpabaya. Halos araw-araw
nito pinupuntahan ang bahay ng mga Crisostomo para magkaliwanagan sa tunay na
nangyari sa pagitan nina Jen at Ken pero wala ding nagawa ang mga Crisostomo.
Wala na rin silang kontak kay Angela na ina ni Kenneth.
Napagtanto
niya ang kabaliwan niya. She's always wrong in choosing the right man for her.
She always give her heart easily at buong-buo pa.
Matagal siyang naka-recover
sa panloloko sa kanya ni Sam ngayon naman ang pag-iwan sa kanya ni Ken ng di
inaasahan at ang masama pa nito, she will become a mother without a father
beside them.
Di
siya nawawalan ng pag-asa that Ken will come back at tama nga si Denise, dapat
alagaan niya ang kanyang sarili para sa pagbalik ni Ken and for their baby.
No comments:
Post a Comment