My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 14

KAKABABA lang niya sa Studio nang mapansin niyang umiba ang paligid nito. Kinurot niya ang kanyang pisngi maybe she's just dreaming, she thought. Two days lang kasi silang nakasarado at pagbalik niya may tumubo na kaagad na mga rosas sa harap ng kanyang pwesto? At hindi lang basta rosas, namumulaklak na rosas pa. Sumakit ang ulo at pisngi niya sa iisiping panaginip lang ito. Ang ganda ng mga Pink Roses, ang mga bukol at namukadkad nang mga bulaklak nito.

Tuwang-tuwa siya sa kanyang nakikita. Gustong lumukso ng kanyang puso. Nilapitan niya ang mga rosas at pinagsawa ang sarili sa pag-amoy dito. Kung nananaginip man siya ay ayaw na niyang magising. Pinagsawa ang kanyang sarili sa paghawak at pag-amoy sa mga bulaklak..

"Do you like them?" muntikan na siyang napatalon sa gulat ng may nagsalita sa kanyang likuran. Nakapikit pa naman siya habang inaamoy ang bulaklak. Pasimple niyang kinurot ulit ang kanyang pisngi. Pero kagaya sa una niyang pagkurot ay nakaramdam siya ng sakit na ang ibig sabihin na siya ay gising at mulat na mulat.

"You did these?"

"Yap! Do you like them?"

"Thank you! But---" masaya siya, di niya maipagkakaila pero sa isang bahagi ng kanyang pagkatao ay may kalungkutan at nananalangin na sana'y ito na ang lalaking nakatadhana sa kanya.

"For you, My cupcake. I'll do everything to make you happy." na-touch siya sa mga ipinahayag ni Ken. Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. She'd never treated special before. Ken is very thoughful and extra sweet. Hindi niya maiwasang ikumpara ito kay Sam.

"Did you asked DPWH about this? Hindi kaya sagabal ang mga ito kasi malapit sa National Highway? At baka makasuhan ka nila?" pag-iiba ni Jen sa usapan. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga dumaraan at mga katrabaho nila.

"Of course! I even seeked advice from DENR kung anong flowers ang makakatulong sa pag-beautify sa City." ang ganting biro ni Ken na ikinatawa niya. He's so sweet. Pilipinong-Pilipino ang pag-uugali nito. Sa Puso, sa Salita at sa Gawa. Likas na masayahin si Ken ayun sa kwento ni Lola Tisang at ngayon lang ito nanumbalik pagkatapos ng mahigit anim na buwan na. And Lola Tisang was very thankful to Jen because she's the reason sa pagbabalik ng kanyang apo.

Si Ken ay hindi mapili sa pagkain, hindi kagaya sa ibang dayuhan na napapangiwi pag nakakita ng strange food but Ken is different. Simula noong muntikan na silang mag-away tungkol sa balut ay nabago niya ang pananaw ni Ken when it comes sa foods.

"Kinuha ko pa 'yan sa Flower Farm ni Lola." ang masayang kwento ni Ken.

"Hindi pala ang DPWH ang kakaso sa'yo eh, si Lola pala." pagbibiro ni Jenny.

"No, she will not. She's the one who suggested this."

"What? Dinamay mo pa si Lola?"

"Siya ang may gusto."

"Now, I know. Dahil lang kay lola at ginawa mo'to?" pagtatampo nito.

"Of course not! I love you." malambing na sabi ni Ken sabay akbay papasok sa loob ng studio.

"ARAY! Nilalanggam ako!" Malakas na sigaw ni Rica ng kakapasok pa lang niya sa Studio ng makita ang magkasintahang sweet na sweet na nag-uusap.

"Inggit ka lang, Ate Icang! Eh 'yong pagmamahal mo inaanay na!" Supalpal ni Bakekang na isang Photographer ng Studio na ikinatawa ng lahat.

"Tsee! Eh ikaw nga diyan, inaamag na! Hahahaha! May boylet ako kaya di ako inaanay! Ikaw talaga!" Ganti naman ni Icang.

"Tama na nga 'yan! Kayo talaga!" Saway ni Jen sa mga ito.

"Hmmm... Cupcake, I'm going na ha? May aasikasuhin pa ako. Kita na lang tayo mamaya sa dinner." Paalam ni Ken dito at ginawaran ng smack kiss sa labi ang nobya.

"Bye, Sugar. Ingat sa pag-drive."

"For you, I will. I love you, Cupcake." Bulong nito sa tainga ng. dalaga.

"I love you too, My Sugar." Ganting bulong naman ni Jen kasi maraming mata at tainga sa paligid.

"Kaya naman pala ako nilalanggam eh!" Panunukso ni Rica kay Jen nang umalis na si Ken...

"Walang pakialaman, Mare! Ikaw, ano bang tawagan niyo ni Jomar ha?"

"Lab and Kisses. Oh my Lab!" Sagot nito saka nilagay ang dalawang kamay sa dibdib at papikit-pikit pa....

"Ano yan? Para kayong si Vic Sotto at Vina Morales?" Ganting tukso niya kay Icang.

"Eh kayo? Sugar at Cupcake? Kayo ba si Aga Muhlach at Agot Isidro ha?"
Napuno ng tuksuan, kulitan at tawanan ang studio ni Jenny. Pati mga costumers nila ay napapahalakhak na rin sa kanila.

She can't explain kung gaano siya kasaya simula nang tinanggap niya ang pag-ibig ni Ken.
Every day is a beautiful day para sa kanya... Pagkamulat niya sa umaga para siyang baliw na nakangiti. Because Ken gave her a reason to smile.

"Ang ganda naman ng anak ko." papuri ng Ina ni Jen habang siya'y nag-aayos para sa isang dinner sa tahanan ng mga Crisostomo. Ang pamilya ng ina ni Kenneth.

"Siyempre naman! Mana ata sa akin yang anak natin!" biglang sumulpot naman sa pintuan si Mang Elpidio.

"Ma, Pa. Nagmana ako sa inyong dalawa, siyempre." nakatawang sabat ni Jen sa mga magulang.

"Masaya kami para sa'yo, anak." madamdaming turan ng ina nito saka siya niyakap.

"Mas maganda kaya ako kay Jenny, Tito!" singit naman ni Icang na nakapostura na din. Inimbitahan din siya sa dinner dahil kay Jomar.

"Sus, ginoo! Purya buyag!" sagot ni Mang Elpidio na ikinatawa ng lahat.

Si Jomar na ang sumundo sa kanilang dalawa. Kinakabahan si Jen sa maaaring pagtanggap ng pamilya ni Ken.

"You're so beautiful, My Kisses!" papuri ni Jomar sa nobya.

"Ang gwapo mo rin, Papa Lab." ganti naman ni Icang dito.

"Ang korneks niyong dalawa." singit ni Jen sa dalawa at inirapan lamang siya ni Rica. 
"Tseeeee!!!"

"Kinakabahan ako, Icang." reklamo ni Jen nang bumaba sila sa sasakyan.

"Relax, Sistah! Inhale, exhale!" si Rica na kinakabahan din pala.

Sinalubong sila ni Ken pagkadating nila. At napatulala siya sa nobyong kaharap. "Do I look good tonight para mapatulala ka ng ganyan?" ginawaran siya ng halik sa pisngi ng lalaki.

"Hindi ah! May palipad-lipad kasing kulisap sa likuran mo." palusot niya dito.

"Halika na. Hinihintay ka na ni Lola." pagyaya nito sa dalaga.

"Lola, this is Jenny. Uhmmm... My Uyab." pagpapakilala ni Ken sa Lola.

"Mano po, Ma'am." kinuha ng matanda ang kanyang salamin at pinagmasdan ang dalagang kaharap. "Kagwapa sa imong uyab, Dong. No wonder why you have chosen her." papuri nito na ikinapula ng kanyang pisngi.

"Salamat po."

"Apo, tawagin mo akong lola kasi apo na rin kita."

"Salamat, Lola." nahihiyang sambit ni Jen.

Ipinakilala din ni Jomar ang kanyang nobya. At tuwang-tuwa ang matanda dahil magaling ang pagpili ng kanyang mga apo.

Pagkatapos ng dinner ay nagkasayahan ang lahat habang si Lola Tisang ay ini-interview pa rin si Jenny.

"Naikwento sa akin ng aking apo na galing ka daw abroad, iha?" pagtatanong ng matanda.

"Opo, Lola. Two years po akong nandoon."

"Anong naging trabaho mo doon, iha?"

"Katulong po." matipid niyang sagot dito pero di siya nag-alinlangang sabihin dito.

"Napakarangal na trabaho, lalo na kapag nasa abroad." komento ng matanda.
"Cupcake, come on let's dance." yaya ni Ken sa kanya na nakangiti at inilahad nito ang kanyang kamay para sa dalaga.

"Sugar, dito na lang ako kay Lola." pagtanggi nito. "Cupcake. Lola can I dance with her?" binalingan nito ang lola at pinagpaalam si Jenny dito.


"You should dance me first." pagbibiro ng matanda.

No comments:

Post a Comment