My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 11

ISANG buwan na siyang nasa Koronadal City, napuntahan na ata nila ang halos lahat ng Tourists spots dito. Lahat ng beaches, resorts sa Region XI at XII, lahat ng malls at kahapon lang din sila dumating galing nag-Mountain Climbing sa Mt. Apo. Dinadala siya ni Jomar sa mga lugar na may magagandang tanawin na kapag nakita mo ay mare-relax ang pakiramdam mo. At ang preskong hangin na naamoy mo ay nakakapagpagaan sa puso.

"Oh, ano Pare? Anong masasabi mo sa Pilipinas compared sa Germany?" Tanong ni Jomar dito when they're having their breakfast.

"Erstaunlich! (Amazing!) And I think, I will love this place." ang turan nito na parang wala naman sa isip. Malalim ang iniisip nito habang tinititigan at nilalaro ng daliri ang bibig ng tasa ng kape.

"Uy, Pare. Nakausap ko pala si Rica kahapon." basag ni Jomar sa malalim na pag-iisip nito. At napatingin si Ken sa pinsan when he heard Rica's name.

"How many times I called her but she's not answering, how many times I sent her messages but she didn't reply." ang tinutukoy nito ay ang pinsan ni Rica na si Jenny.

"Maybe she has reasons. She's busy." sagot ni Jomar dito. Ang totoo he always talk to Rica, araw-araw, oras-oras na seguro at minsan nagkikita din sila but he'd never told his cousin about that dahil na rin sa request ni Rica na request din ni Jenny sa kanya. Sa totoo'y nasa sentro lang ng siyudad naroroon ang tahanan nina Jenny.

Nababasa niya sa mukha ng pinsan ang kalungkutan. Sa isang buwang pagliliwaliw nila, pinapakita nitong masaya siya pero hindi ito maikakaila kay Jomar. He was in a vacation to heal his broken heart at ang gusto ni Jomar ay ang tulungan itong maging masaya at makalimot.

Lungkot pa rin ang makikita sa mga mata ni Ken but it has changed when they're in Manila when they'd met Jen and Rica. At dahil doon may nabuong plano si Jomar for his cousin.

SAMANTALA...

"Dalian mo na Jenny! Mag-uumpisa na ang programa." Excited na sigaw ni Icang sa pinsan. 
Ngayon ang Opening ng negosyo na ipinatayo ni Jen, ang "KIDDIE CAPTCHA" isang Photo and Video Studio exclusively for babies and kids, because of Jen's love for kids naisipan niyang itayo ang negosyo niya.

"Andiyan na ano ba! Mas excited ka pa sa akin diyan eh!"

Malakas na tunog ng cellphone ang kumuha sa atensiyon ng dalawa.

"Kung makatunog ang cellphone parang sound system ng diskuhan." Puna ni Jenny dito...

"Eh sa di ko marinig kapag di naka-full volume eh. At walang pakialaman, Mare!" Natatawang sagot nito sa pinsan.

"Bakit nangingislap yang mga mata mo? Mukha kang in love. Uy! In love si Icang!" Panunukso ni Jenny kay Rica.

"Hindi ako, ikaw! Kung makakislap nga yang mga mata mo eh. Parang mga flashlights lang na nagsisi-ilawan." Balik niyang tukso sa pinsan.

"Tara na nga! Kung saan na naman tayo aabot nito dahil sa kabaliwan mo."

"CONGRATLATIONS, Jen!" Bati nang lahat ng dumalo sa opening ng kanyang bagong negosyo.

"Salamat sa lahat ng dumalo. Salamat. Salamat!" Walang sawang pasasalamat niya dito.

"Saan na kaya ang babaeng 'yon? Bigla na lang nawala." Napansin niyang nawawala si Rica. Pumasok siya sa kanyang magiging opisina and she found a boquet of pink roses on her table na ipinagtaka niya ng husto. Nilapitan niya ito at tiningnan ang card na nakakabit dito at binasa.

"For the most beautiful woman who captured my heart. Ginulo mo ang mundo ko."
Walang nakasulat na sender kaya lalong kumunot ang noo niya. "Imposibleng kay Sam ito galing." Segurado siyang di ito galing sa lalaki dahil he'd never gave her pink roses kundi pulang rosas. Kasi daw sign of his great love yon pala dugo dahil sugat lang pala ang idinulot nito sa kanyamg puso.

She tried to call Rica pero can not be reached na ang cellphone nito. Binuksan niya ang PC na nasa gilid niya. Nakatagilid siya sa pintuan.

"Nagustuhan mo ba ang mga Pink Roses?" The voice's so familiar. "Hindi! Mali! Wala akong naririnig." Pailing-iling na sabi nito sa sarili. Hanggang ngayon she still keeps on denying to herself sa posibilidad na she's in love with Ken. For a month na nagkakilala sila ng lalaki, walang araw na di niya ito naalala pero pilit niya itong inaalis sa kanyang nagugulumihanang isipan.

"Hindi mo ba ako iwe-welcome? Makikikain din sana ako eh." malakas na kabog ng kanyang puso ang nagpatigil sa kanya sa kanyang ginagawa. Nilakasan ang kanyang loob, nag-inhale, exhale pa siya. "Sana guni-guni lang." tahimik niyang dalangin saka humarap.
Para siyang nakakita ng multo ng makita niya kung sino ang nasa kanyang harapan.

"How'd you--?"

"Nandito ka na pala, K--? naputol ang kanyang pagtatanong ng bigyang sumulpot ang kanyang pinsan.

"Ah, eh, insan alis na ako!"

"Hep! Hep! Bumalik ka!" hinarap nito si Rica na nasa pinto.

"Icang, ilang beses ko bang sinabi sayo na huwag mong pakialaman ang puso ko?" mahina nitong sumbat sa kanyang pinsan.

"Di naman ako nakialam ah! Inimbita ko lang naman ang boyfriend ko. Malay ko bang sasama yan!" pigil ang tinig na sagot din ni Rica. Totoo naman, nabingwit na ni Rica ang puso ni Jomar nang ganyan kabilis.

"Why don't you give your heart another chance? Hanggang kailan kakapit sayo ang anino ng kahapon niyo ng lalaking yon? Ha? Alam mo kung bakit nangyari yon? Dahil gusto ng diyos na gumising ka! And it's because someone deserves your love, at baka siya yan!" nawika ni Icang at itinuro nito si Ken sa di kalayuan.

Nasaktan si Rica sa pinagsasabi ng kanyang pinsan. Alam niyang nag-trespass siya in that way. Mali mang pangunahan ang pinsan pero all she did was, tulungan itong magising sa katotohanan na hindi si Sam ang nakalaan para dito. And it might be, Ken. At dahil na rin sa plano ni Jomar. Gusto nilang paglapitin ang dalawa dahil nakikita nila na may Spark sa dalawa at may mga lihim itong nararamdaman sa isa't-isa.

Umalis si Rica ng walang paalam at naiwan naman si Jen na namumula at naluluha na.
Nilapitan siya ni Ken to comfort her. Wala sa loob na napayakap ito sa lalaki, at di na napigilang maluha.

"Tama si Icang, napakatanga ko. Ang tanga-tanga ko."

"That's enough. I'm here. Sabay nating hilumin ang ating mga nakaraan." Ken hugged her back. He don't know what really happened sa nakaraan ng dalaga but he had a clue base na rin sa mga narinig niya kay Rica dahil hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang mahinang pag-uusap ng magpinsan.


No comments:

Post a Comment