My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 12

ILANG araw nang di siya kinikibo ni Rica at di siya sanay. Pagkadating na pagkadating ni Rica ay diretso na agad ito sa kwarto niya. Pati parents niya ay nagtataka sa mga ikinikilos nilang dalawa.

She missed her, ang kakulitan at ang pagkamatabil ng dila nito ay hinahanap niya.

"Icang, sorry na oh! Di ko sinasadya." Paghingi niya ng tawad sa pinsan ngunit umakto ito na di siya naririnig.

"Hoy! Babaeng walang balakang! Kausapin mo naman ako! Pasensiya na, ikaw kasi ang kulit mo." Pagsigaw nito sa tainga ng pinsan at nilalaro't sinasabunutan ng bahagya ang buhok nito.

"Wala yon, pasalamat ka sa akin. Kung hindi dahil sa akin di ka naka-tsansing kay Fafa Ken! Ayyyiiie!" Kinikilig nitong sabi kay Jen!

"Pero huwag mong pakialaman ang buhok ko, purya usog!"

"Aray! Ano ba Jenny Louise Agreda! Hindi pa nga kita napapatawad ng buong-buo eh, nananakit ka na diyan." Reklamo nito.

"Ang baliw mo kasi, magseryoso ka naman minsan."

"Ay, oo nga pala. Totoong kayo na ni Jomar?" Pang-iintriga nito kay Rica.

"Oo naman! Magpaligoy-ligoy pa ba ako kung mahal naman namin ang isa't isa? Huh!" Masayang wika ni Rica at buntong hininga lamang ang naging tugon niya dito.

Ken invited her for a dinner the next day para na rin sila makapagrelax at makapag-usap ng maayos.

The place was great, sa isang tahimik na restaurant na matatagpuan sa isang medyo mataas na bahagi ng siyudad. With the breath-taking view of the city, makakapag-relax talaga ang every costumer ng restaurant lalo na kapag gabi.

Tahimik lang si Ken na pinagmamasdan ang dalaga habang nilalaro ng tinidor ang pagkain sa harap nito.

Jen started the conversation and she got the couraged to tell him her past kahit naninikip ang dibdib niya.

"T'was our first year anniversary. Ayos na ang lahat para sa celebration namin. I've waited for an hour sa aming meeting place pero di siya dumating. I called him a million times di niya sinasagot.

After half an hour more, he called. Ang sabi may emergency daw at di siya makapunta. I cried too much sa reception. Galit ang naramdaman ko at tampo, di ako tumigil sa kaiiyak and I've decided to go in my bestfriend's boarding house para may malabasan ako nang sama ng loob. I didn't told her that I'm coming.

And----, She was very shocked when she opened the door. Ayaw sana niya akong papasukin pero nagpumilit ako at dahil sa di na ako matigil-tigil sa kakaiyak ay pinapasok niya ako. .
When I entered the room, I found Sammy inside sleeping quietly in the bed. I didn't said anything dahil sa gulat but looked at them while my tears didn't stop from falling. Magkahalong galit at awa ang aking naramdaman sa aking sarili." Walang tigil sa pag-agos ang luha niya habang nagku-kwento sa lalaki.

"And you didn't give them a chance to explain?"

"Nakita ng dalawang mata ko ang sitwasyon sa kwarto at hindi ako manhid, Ken."

"You should have listen."

"Isinara ko ang puso at isip ko for that thing."

"And that's why you left Philippines."

"Yeah, I thought I could move on if I'm away."

"And you didn't?"

"Not that much."

"That's why I'm here in the Philippines, too. To move on and find myself again." Napatingin si Jen sa lalaki, ibig sabihin pareho sila ng pinagdadaan. And maybe that's the reason na sila'y pinagtagpo, to find comfort to each other.

Like Jen, hindi na rin nag-alinlangan si Ken na ikwento sa babae ang mapait niyang kahapon. 
At di na rin napigilan ni Jen na tumayo at yumakap sa lalaki dahil nangingilid na rin ang mga luha nito.

May mas malala pa pala sa pinagdaanan niya at mas masakit pa.

"Let's forget our past, ang nakaraan ang magiging gabay natin for a better future." Ang nasambit ni Jen habang nakayakap pa rin sa likod ng lalaki... //namimihasa ka na jen ah! Hahaha//

They tried to enjoy the night mas mabuti na rin na nailabas nila at nai-share ang mga itinatagong lihim ng kanilang mga puso.

That night made them more comfortable with each other. Mas naging malapit na si Ken sa Puso ni Jen ganoon din ang lalaki.

DI siya marunong manligaw because German's not used to it. But Jomar advised him na kailangang ligawan ito dahil ito ay isang dalagang Pilipina. Ken, did what Jomar said.

Everyday ng nakakatanggap ng bouquet of Pink roses si Jen at galing ang mga iyon kay Ken. Tumatambling sa kilig ang kanyang puso.

Chocolates and Pink Roses on daily basis. 'Yan ang bumubungad sa kanyang umaga pagpasok niya sa kanyang opisina.

She's afraid of what she's feeling right now. Kakaibang pakiramdam. She's afraid to fall in love again. At pinangako niya sa sariling ayaw na niyang umibig dahil ayaw na niyang masaktan ulit. 

Ngunit bakit ganito, ang hirap sugpuin ang kakaibang tibok nito. Lalo na't laging nasa harap niya ang lalaki at may kakaibang ngiting sumisilay sa mga labi nito.

When she knew Ken's past ay naawa siya dito at may tumulak na kakaiba sa kanya para humanap ng paraan para mapasaya ang lalaki but she didn't expect na manligaw ito sa kanya.

She keeps denying of her feelings. Pero, magiging sinungaling siya pag sinabi niyang di siya masayang nakikita ang lalaki.

"Kumukutitap ang mga mata mo, Sistah!" Tukso ni Rica pati na rin ang kanyang mga tauhan sa Studio.

"Tsee! Tumahimik ka nga! Bakit ka nandito ha?"

"Ayaw mo bang makita ang beautiful pes ko?"

"Pag nandito ka, tumalikod ka lang maa-appreciate ko pa ang beauty mo."

"Tseee!!!! Ampalaya!"

Ito ang simula ng bawat umaga nila, tawanan at tuksuan.

"Kailan mo ako sasagutin?" Tanong ni Ken sa kanya isang gabing bumisita ito sa bahay nila.

"Magdusa ka muna." Ang totoo'y natutuwa siya sa mga ipinapakita ng lalaki.

"Jen naman eh." Reklamo nito.

"Kung papasa ka sa pagsubok."
"Ano namang pagsubok yon?"

She's in her way, her way na pagbuksan ang kumakatok sa isinara niyang puso.

"UWAAAAAHHH" malakas na sigaw ng bata sa Studio ni Jen. At wala siyang tigil sa kakatawa dahil sa kakapanood kay Ken na inaalo ang bata para tumahimik lamang.

Isa sa mga paraan nila para makunan ng maayos at magandang pictures ang mga bata ay ang may naka-assign na makikipaglaro sa mga ito.

Habang busy ang mga bata sa paglalaro ay may nagnanakaw naman ng mga shoots sa mga ito. Iniwan ni Mrs. Noor De Vera ang anak nitong si Trance, Jr. sa studio ng panandalian lamang at nangako naman si Jen na magiging okay ang bata sa kanila.

"O ano, suko ka na? You just started." Pang-aasar niya sa lalaki.

"No way! Pero paano ba patitigilin sa pag-iyak 'to? Baby tahan na." Nagkakandarpa at nag-aalalang sabi ni Ken habang sinasayaw-sayaw pa ang isang taong gulang na bata.

"Where's his mother? She's irresponsible." pagre-reklamo ni Ken.

"Sa Kabilang pwesto may binili lang. Hindi iresponsable 'yong Nanay. Ako ang nakiusap na iwan muna niya si Damulag." ngingiti-ngiti pa rin si Jen.

"Paano ba patatahanin 'to ha? Twinkle, twinkle---" he started singing nursery rhymes ngunit di pa rin tumigil sa kakaiyak ang bata.

"JEN!!!" sigaw nito sa harap ng dalaga na ngumingiti pa rin.

"Tingnan mo ang diaper niya at baka puno na."

"Huh? What?" tiningnan nga niya ito at nanlaki ang mga mata nito nang makitang tumae si Baby Trance. Di magkandaugaga sa kakatawa si Jen sa reaksiyon ng binata.

"Tapatin mo nga ako, Jenny! Galit ka ba sa akin ha?" Tanong ni Ken na nakatitig sa mga mata ng babae pagkatapos nitong mahugasan ang bata. Walang sinagot si Jen kundi ang pag-rolled eyes lang nito ng ilang beses.

EVERY Sunday naman ay niyayaya siya ni Ken na mamasyal pagkatapos nilang magsimba. At ang Flower Farms naman ang pinaka-paboritong pinapasyalan nila, because Jen loves flower too much!

Gumagaan kasi pakiramdam niya 'pag nakakakita siya ng mga bulaklak especially roses, Pink roses. She's an environment lover actually.

"Lola, na-na-hi-gug-ma na ko." Bato-bato nitong pagtatapat sa lola dahil nag-uumpisa palang siyang pag-aralan ang lenggwahe ng mga ito.

"Tinuod apo? Sus Ginoo!" Tuwang-tuwang sabi ng Lola ni Ken at niyakap ito.

"Kang kinsa man? Who?" Excited na tanong ng matanda.

"Darating ang araw na ipapakilala ko siya sa inyo, Lola." Madamdamin nitong turan.

"Jen, may schedule tayo bukas sa birthday party ng triplets na anak nina Mr. and Mrs. Jalandoni." Bakekang informed her. Sila ang napili ni Mr. Elton Jalandoni na gumawa ng 
Coverage sa gagawing espesyal na kaarawan ng kanilang triplets.

"Hmm, may schedule ako bukas eh. Baka hindi ako makakasama." pahayag nito. At maya-maya ay may sumilay na konting ngiti sa kanyang mga labi. Lagi siyang sumasama pag may Special coverage sila pero ngayon ay napagdesisyunan niyang iba ang kanyang pasasamahin.

"Sayang naman. That's a big event." nalungkot si Bakekang sa naging desisyon ng amo. Lagi kasi itong nakaalalay sa kanila kapag may Special Coverage sila at laging successful ang kanilang trabaho because of Jen's Supervision.

"May isasama naman kayong seguradong magaling din eh, siya muna ang hahalili sa akin. Please be cooperative with him, okay? Paki-inform na din mga kasama mo ha."

"Kakayanin kaya namin 'yon? Sanay kasi kaming lagi kang nandiyan na gumagabay sa amin, 'Te eh." it's her passion, Photography. Kahit may mga Photographer naman siyang tinanggap sa Studio niya ay naka-Hands-On pa rin siya at gumagabay sa kanyang mga katrabaho.


"Magaling kayo at hindi kailangan na sa bawat Special Events ay lagi akong nandiyan. I trust all of you." Jen assured Bakekang.

No comments:

Post a Comment