CHAPTER 10
HINDI na nila tinapos ang isang linggong bakasyon sa Lake Sebu. Pagkatapos nilang
bisitahin ang Little Baguio ay umuwi na agad sila kinahapunan. Plano pa sana
nilang bisitahin ang iba pang falls sa lugar na iyon ngunit nawalan na ng gana
si Jen. Bakasyon ang plano nila sa Lake Sebu pero nauwi ito sa isang
destruction dahil sa sinira ng isang Sam ang kanilang pagre-relax.
Ang
madaldal at makulit na Rica ay tahimik lang na nakasunod sa kanya ngayon. Di na
muna ito nagtatanong o nangungulit man lang dahil kilala niya ang pinsan. Ayaw
nito ng salita ng salita kung may dinadala ito sa kanyang dibdib. Katahimikan,
'yan ang kanyang gusto kaya nirespeto ito ni Rica. Isang oras din ang biyahe
nila pero walang umiimik.
Pabulong-bulong
si Rica ngunit di din ito pinansin ni Jen.
"Kamusta
ang bakasyon niyo, Anak?" Tanong ni Aling Pasing dito ng dumating sila sa
kanilang tahanan.
"Okay
naman, Nay. Ang ganda ng lugar." Matipid niyang Sagot dito.
"Oo,
Tiyang. Ang ganda ng lugar kaya nga di namin natapos ang isang linggo doon di
ba?" Pabirong sabat ni Rica sa tiyahin na tinitigan naman siya ni Jen ng
Warning look.
"Oo
nga, Anak. Bakit di niyo tinapos ang isang linggo,doon?" Singit ni Mang
Elpidio na kakarating lang galing sa kapitbahay.
"Maliligo
muna ako, Ma, Pa. Tapos magpapahinga na din ako." Irap-sagot niya sa mga
ito. Iniwan na niya ang mga magulang at hinila na rin si Rica papasok sa kwarto
niya.
"Icang,
gusto kitang makausap mamaya." Pahabol ni Aling Pasing sa mga ito.
"Patay!"
Kamot-ulong sabi ni Rica.
"Pwedeng
huwag mo ng banggitin kina Mama ang nangyari sa Lake Sebu." Pakiusap ni
Jenny kay Rica ng pumasok na sila sa kwarto. Ayaw niyang mag-alala pa abg mga
ito sa kanya.
"Hanggang
ngayon ba di ka pa rin nakapag-move-on?" si Rica.
"Ang
akala ko, Oo. Pero ng makita ko siya, muling bumalik ang sakit na naidulot nito
sa puso ko." Maluha-luha niyang sagot sa pinsan.
"Maybe
that's because, gusto lang sukatin kung talagang nakalimot ka na. Kung
nasasaktan ka pa, ibig bang sabihin niyan may puwang parin siya sa puso
mo?" Seryosong sabi ni Rica...
"Poot
at galit ang naiwan sa puso ko, Icang. Yan ang tanging alam ko."
"MA,
sino yang kainuman ni Papa sa labas?" Tanong niya sa Ina nang magising
siya, isang hapon ng biyernes.
"Si
Sam, anak. Noong hindi pa yan nadestino sa Lake Sebu every friday nandito yan
laging may dalang galon ng tuba." Sagot ni Aling Pasing na
ikinadismaya niya.
ikinadismaya niya.
Magkapitbahay
sila nina Sam doon sa dati nilang tirahan. Nang pumunta siya ng abroad, bumili
siya ng lupa't bahay sa isang subdivision para na rin malayo siya sa lalaki at
ang pamilya nito kung makauwi na siya ng Pilipinas pero heto natunton pa rin
pala ang tahanan nila.
"Ano
pa ba ang kailangan ng lalaking yan?" Galit na sabi nito.
"Anak,
kalimutan mo na lahat. Nagsisi na naman eh at saka humingi siya ng tawad sa
amin ng Papa mo. Di daw niya sinadya ang lahat." Paliwanag ng kanyang ina
ngunit siya'y bingi na sa mga paliwanag tungkol kay Sam.
"Mahal
mo pa rin ba siya?" Tanong ni Aling Pasing...
"May
iba ng laman ang puso ko, Ma."
"Anak,
kausapin mo si Sam." utos ni Mang Elpidio sa kanya nang pumasok ito.
"Pa,
ayaw ko ng makita ang lalaking 'yan."
"Eh
di kausapin mo para huwag ka ng gambalain pa." Si Mang Elpidio. Tama naman
ang kanyang ama kailangan niyang makausap si Sam for total closure sa kanilang
dalawa. Mahirap gawin pero kailangan. Wala silang formal break-up ng lalaki.
Nakakabuti nga segurong kausapin na niya ito.
"Kamusta
ka na, Jen." tumayo si Sam at sinalubong siya ng lumabas siya sa pintuan.
"Sam,
pwede bang patahimikin mo na ang buhay ko?" Garalgal niyang sagot sa
lalaki habang nakatiim-bagang at nakakuyom ang mga palad.
"Jen,
mahal pa rin kita." seryosong turan ni Sam na ikinangiti niya ng mapakla.
"Huh!
Kabaliwan! Hanggang ngayon ba di mo pa rin alam ang salitang mahal? Ang ibig
sabihin ng salitang iyan?" tumaas ang kanyang alta-presyon sa sinabi ng
lalaki.
"Jen,
nagkamali ako alam ko. Kaya nga humihingi ako ng tawad eh." Pagsusumamo ni
Sam.
Tumahimik
si Jen ng ilang minuto at nag-isip.
"Sige,
pinapatawad na kita pero ang mahalin ka ulit--- hindi na mangyayari 'yon."
ang naisatinig niya.
"Bakit,
Jen? May iba na bang laman ang puso mo? Sabihin mo sa akin at ako'y lalayo
na."
Jen
had to do this. Totoong may laman na ang kanyang puso ngunit di pa siya
segurado sa tunay niyang nararamdaman.
"Oo,
may iba na akong mahal. Ngayon pwede ka ng umalis!" Pagtataboy niya sa
lalaki.
"Sino
siya, Jen?"
"Ano
ba? Wala ka ng pakialam doon!" napipika niyang singhal dito.
"Gusto
ko lang makaseguro na di ka niya sasaktan."
"Like
the way you did?" Pang-iinsulto niya sa lalaki. Natutop ang lalaki sa mga
sinabi ng dalaga.
"Ang
kapal din naman ng mukha mong magsabi niyan, na ikaw mismo hindi mo
napanindigan! Na ikaw mismo ay di tumupad sa iyong pangako!"
"Mahal
pa rin kita Jen iyan ang totoo. Mag-umpisa tayong muli, please. Ibalik natin
ang dati." pagmamakaawa ng lalaki.
"YOU
CAN LEAVE NOW!" Matapang niyang pagtataboy kay Sam. Wala ng magawa si Sam
malalim ang sugat na naidulot niya sa dalaga. Malaki ang pagsisisi niya sa
nangyari, si Jen ang mahal niya ngunit may umeksena sa kanilang pagmamahalan
kaya nabuwag ito.
"I'm
sorry, Jen." Laglag balikat na umalis si Sam at naiwan siyang luhaan with
relief.
Hindi
pa man siya lubusang nakapag-move on kay Sam ay gumaan na rin ang pakiramdam
niya na nailabas niya ang poot sa kanyang puso.
Masarap
sa pakiramdam na ito ay nailabas niya.
Nilibang
na lang niya ang kanyang sarili sa mga makabuluhang bagay gaya ng sabi ni
Icang. At hindi na siya nagmumukmok gaya ng dati. Wala na ring maririnig na
malulungkot na kanta sa kanyang MP3 player.
At
inalis niya lahat ng mga bagay na makapagpaalala sa kanya sa lalaking dati
niyang minahal na ngayon ay kinamumunghian na niya.
She
changed her looks, too. Ang dating laging nakataling buhok ay ngayon nakalugay
na. Masaya ang pamilya niya ng makita ang pagbabago sa kanya. Ang dating
mukhang malungkot ngayon ay may ngiti ng masisilayan. Ngiting tunay hindi pilit
lamang...
No comments:
Post a Comment