My Fight WithYou by Cory Khong


CHAPTER 9

INIMBITAHAN siya ni Rica sa kanyang Tilapia Farm sa Lake Sebu. Plano nilang mag-stay ng isang linggo doon para makapag-unwind na rin. Marami na ring Tourists Spots ang na-discover sa lugar na'yon. At ang dinadayo ngayon ay ang ZipLine na nakadugtong sa Seven Falls. Ang ganda ng place for relaxing. Mapapahanga ka sa view pati na rin sa pagka-hospitable ng mga mamamayan doon.

They checked-in sa Punta Isla Resort for a week stay wala kasing bakante sa bahay bakasyunan nina Rica kasi pinaupahan din nila ito for tourists.

Hapon na sila dumating at nagpahinga na lamang sila sa kwartong kanilang inupahan.

They ate their breakfast at naghanda na rin sa pagtungo sa First Falls kung saan nandun ang First ZipLine. The only way to be there is to ride a single motor o ang tinatawag na skylab.

Mapapa-WOW ka talaga sa lugar, sa view, sa green fields, sa matatayog na punong-kahoy, sa malalapad na lake at higit sa lahat ang nakakamanghang falls.

"Handa na ba kayo, Maam?" tanong ng in-Charge sa kanila.

"Ako, handa na?" Si Rica na itinaas pa ang dalawang kamay na parang si Darna.

"Ano pa nga ba, eh naitali na ako dito. Kaya Go na!" First time niyang sumakay dito dahil nga sa kondisyon ng kanyang tiyan na hindi sana sa pagta-travel o sa pagsakay ng mga extreme rides.

"Waaaaaaaaaahhhhhhh" sabay nilang sigaw ni Rica nang mag-umpisang pumailanlang ang zipline. Pakiramdam niya'y mahuhulog lahat ng bahagi ng kanyang katawan, nanginginig at namumutla sila sa sobrang takot.

"Huwag kang pumikit, Insan!" Sigaw ni Rica ng makita niyang nakapikit ito.

"Hindi mo mai-enjoy ang ride kung pipikit ka! Look! Nagtatalunan ang mga kapatid mong mga unggoy sa baba! Hahaha!" Pagbibiro ng pinsan niya.

Sinunod nito ang sabi ng kanyang pinsan, nakakalula ang taas pero napakaganda ng view sa baba... Ang ganda ng mahabang falls, ang gandang tingnan habang humahalik ang tubig nito sa lake... Then sa forest area, may makikita kang mga unggoy na nagpalipat-lipat ng pagtalon sa ibang puno.

They enjoyed the ride kahit nakakatakot. Naiisip niya, paano kaya kung mahulog siya sa tubig at maraming ahas ang mababagsakan niya sa ilalim? Seguradong walang makikinabang sa kanyang kagandahan. Nakakatakot! All she did was pray...

Wala namang tigil sa kaka-Picture si Rica sa mga views sa baba. Parang relax na relax lang ang kanyang pinsan habang siya'y nanginginig na sa kaba.

Malapit na silang umabot sa dulo ng 740m Zipline when someone caught her attention. 
Pamilyar na bulto ng isang taong nasa dulo. "Sam?" sambit nito nang mapagsino ang nandun. 
"Sana ako'y namamalikmata lamang, Lord!" Tahimik niyang usal. At di nga siya nagkamali dahil ang taong pinilit niyang kalimutan sa loob ng dalawang taon ang nandoon.

Kung pwede lang maiurong pabalik ang takbo ng Zipline ay ginawa na niya huwag lang ulit mag-krus ang landas nila ng lalaking iyon. Mapaglaro talaga ang tadhana, kung kailan na naka-move-on na siya saka naman babalik at babalik ang taong pilit niyang iniiwasan.

They're busy composing theirselves nang makababa na sila sa line nang maramdaman niyang may lumapit at nakatitig sa kanyang likuran, "Jenny, is that you?" pasimpleng tanong nito but she pretended na hindi niya ito narinig. Hindi niya ito pinansin at dali-dali siyang naglakad paalis.

"Jen, please! Let's talk! Let me explain for what had happened!" Tawag nito sa kanya. Tumigil siya at huminga ng malalim bago niya ito hinarap.

"Explain? You don't have to, di na kailangan. Tapos na ang lahat ako'y iyo ng nasaktan." Pigil-luhang sagot niya dito habang nakatiim ang mga bagang. Gusto niya itong sampalin, gusto niyang magsisigaw dahil sa nabuhay na galit sa kanyang dibdib.

"At para saan pa? That was 2 years before. At ngayon mo pa naisipang magpaliwanag?"
"Ikaw pa rin ang laman ng puso ko, Jen. Oo, nagkamali ako dahil mas inuna ko siyang puntahan kaysa sa'yo and I didn't expect na hahantong sa ganun ang lahat. Jen, lalaki ako! 

Siya ang nag-umpisa at natukso lang ako!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Sam pagkatapos nitong magsalita.

"Hahaha!" Mapanuyang tawa ni Jen at sinampal naman ang kabilang pisngi ni Sam.

"At ginawa mo pang rason ang pagkalalaki mo! Ginawa niyo akong tanga." Puno ng 
paghihinakit na naisatinig ni Jen.

"Jen, please! Give me a chance para maipakita ko sa'yo na nagsisisi ako sa ginawa ko sa'yo." Pagsusumamo nito na hindi na pinansin ng babae.

"Go to hell!" Malakas na sigaw ni Jen sabay nagmartsa na rin ito palayo sa lalaki. Naiwan si Sam na sapo-sapo ang mga pisngi habang tinititigan ang papalayong dalaga.

"I will take your heart back, Jen."

Ang bilis ng lakad niya, kumuha kaagad siya ng isang skylab at nagpahatid sa resort. Di tumigil sa pagdaloy ang kanyang mga luha, ang buong akala niya ay nakapagmove-on na siya. Ang akala niya ay di na siya masasaktan pag nagtagpo sila pero kabaliktaran ang nangyari dahil mas dumoble pa yata ang sakit na kanyang nararamdaman.

Nang makarating siya sa resort doon niya inilabas lahat ng kanyang sama ng loob, iniyak niya lahat ng galit na nasa kanyang puso. Paghihinagpis at poot ang laman ng kanyang dibdib.

Nang mahimasmasan saka lang niya naalala si Rica na naiwan pala niya sa Seven Falls.

Tinawagan niya ito, ikinuwento at pinaliwanag niya dito ang nangyari at naintindihan naman siya ng pinsan.

"Paano ka ba magmo-move-on kung ganyan ka?" tanong ni Rica sa kanya.

"Kinalimutan ko na siya ng dalawang taon pero bakit ganun Icang, nang makita ko siya kanina ay biglang nanumbalik ang lahat?"

"Because you didn't listen for the reasons. Dahil di kayo nag-usap bago kayo naghiwalay."

"Di na kailangan, Icang. Malalim ang naidulot niyang sakit sa puso ko." wala pa rin siyang tigil sa kakaluha.

"Time heals, Jen."

"Until when?"

"Maging busy ka, gumawa ka ng makabuluhang mga bagay hindi 'yong puso mo lang ang binabantayan mo. May mas nangangailangan pa sa pagmamahal mo, nandiyan ang Ina at Ama mo, si Denise. Ang hirap sa'yo ibinigay mo ang lahat ng oras mo kay Sam." mahabang sermon ni Rica.


May point ang kanyang pinsan, noong sila pa ni Sam ay inialay niya dito ang halos buong oras niya. At ang masama pa ay pati ang kanyang puso ay ibinigay niya dito ng buong-buo.

No comments:

Post a Comment