HUNK SERIES: IMRAN (Stay With Me) by Eleony Che



CHAPTER 5

NALIGO ng wala sa oras si Imran nang pagkalabas niya sa kuwarto niya kung saan si Angel White ang umuukopa nito.

Dumiretso siya sa master bedroom na dating ginagamit ng kanyang mga magulang. Naligo siya para maibsan ang nag-iinit niyang katawan. Muntik na naman sanang may mangyari sa kanila ng dalaga kung hindi lang sana ito napahiyaw sa sakit dahil sa pagkadagan niya ng isang kamay nito na may dextrose.

"Shit this feeling!" mura niya sa sarili nakababad ang katawan sa bath tub na may laman na malamig na tubig.

"Kailangan kong dumistansya sa kanya dahil sigurado ganito lagi ang mararamdam ko. At ayaw ko samantalahin ang kahinaan niya dahil may druga pa ang katawan nito." sambit niya sa sarili.

Inaamin niya na sa kanyang sarili na malakas ang epekto ng dalaga sa kanya, hindi naman siya ganu'n sa ibang mga babae na kanyang nakakasalamuha pero ang isang ito ay subrang nagbibigay ng init ng katawan sa kanya. Kaydaling pumiglas ng kanyang alaga na tila isang sundalo na galing sa giyera at gutom na gutom.

Mahigit isang oras din nakabadbad si Imran sa bath tub saka niya napagpasyahan na lumabas na ng bathroom at nagbihis. Hindi siya dapat magpadala sa kanyang nararamdaman.

"Imran, hinahanap ka ng dalaga. Gusto niya makausap ang kanyang pamilya o kahit ang kaibigan man lang daw niya." salubong sa kanya ng kanyang mayordoma na isang Filipina.

"Okay." maikling sagot niya rito.

Dumiretso siya sa dalaga, kumatok na muna siya bago pumasok.

"What do you need?" bungad na tanong niya rito na nakaupo sa gilid ng kama na tila hinihintay siya.

"Puwede ba akong makitawag?" tanong nito sa kanya. "Siguradong nag-alala na ang Mama ko o ang kaptid ko man lang."

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya, pagkatapos ay itinanong niya rito ang numerong tatawagan nito. He dialed it then handed her the phone.

Nakailang ring na pero hindi pa rin sumasagot ang may-ari ng numero na tinatawagan ng dalaga. Kaya ibinalik na lamang nito sa kanya ang cellphone niya.

"Wala ka ba'ng ibang kontak nila?" tanong niya rito.

"Si Mama Mia, ang kaibigan ko. Baka puwede sa kanya na lang ako tatawag? Ipapasabi ko na lang na tawagan sina Mama." sagot nito sa kanya na nagkasigla ang boses. Binigay nito ang numero na tatawagan. Kaya nu'n nag-ring na ay agad niyang binigay dito pabalik ang kanyang cellphone.

"Hello." bati ng tinig mula sa kabilang linya.

Nakita niyang napangiti ang dalaga, "Mama Mia? Si Angel Whi. . ."

"Angel White!" halos sumabog ang eardrum niya sa lakas ng sigaw nito. "Where man ka oy? Nag-worry na ang grupo sa iyo! Bakit kasi kailangan mo pa'ng mag-abroad at mag-sale lady diyan sa Kuala Lumpur, eh, maganda naman ang takbo ng negosyo natin."

"Okay naman ako, Mama Mia. Hindi po ba naipaliwanag ko na sa inyo ang dahilan ko. At isa pa, wala naman ako ambag sa TRE's bar o maging sa TRE's conduminium. Gusto ko lang makatayo sa sariling paa ko kahit na isang taon lang." sagot ng dalaga sa kausap nito.

Samantala ay nakaupo lang siya sa sofa at tigtig na tigtig sa mga labi ng dalaga habang nagsasalita ito. Kanina lamang niyang nasabi sa sarili na kailangan nyan iwasan na ito upang masikil niya ang kakaibang nararamdaman niya para rito sa tuwing nasa malapit siya sa dalaga.

"Ikaw na bahala magsabi sa kanila riyan na okay lang ako, at please pakitawagan si Mama, sabihin mo lang na okay ako rito kaya 'wag siya kamo mag-alala." she ended the call. Hindi na nito pinakinggan pa ang sasabihin ng nasa kabilang linya.

"Bakit ang bilis? Tawagan mo uli si Mama Mia ba 'yun." mungkahi niya rito. Hindi na niya ito napilit pa nang umiling ito. "Just tell me when you need to call again. Is your aunt or. . .?

"Kaibigan ko siya, Mama Mia ang tawag ko sa kanya. Bawat sa grupo namin ay may kanya-kanyang tawag dito." sagot naman nito sa kanya.

"I'M SURE itinuturing mo siyang nakakatandang kapatid. They're the ones you called first." His treatment made her wary. Bakit interesado itong malaman ang pagkatao niya?

"Dayo lang ako sa Manila. Wala akong nakilalang kamag-anak. Sila ang nakilala ko minsan nakagka-trouble ako sa isang botique na pinagtatrabuhan ko dati.

"Ganu'n ba? So, kumusta ang pakiramdam mo. Wala ka na ba'ng lagnat? Nagugutom ka na ba? Gusto mo magpaakyat ako ng makakain mo?" sunod-sunod na tanung nito sa kanya.

"Dinalhan na ako ni Aling Berning ng pagkain kanina at pinainum na niya rin ang gamot ko."

"Okay. Take a rest. Lalabas na muna ako." anito sa kanya.

Bubuksan na sana nito ang pinto nang nagsalita siya. "Imran, salamat, ah."

Saglit lang siyang nilingon ng binata, at binigyan siya nito ng matipid na ngiti.

Nang wala na ang binata ay madali siyang nakaramdam ng antok kaya nakatulog siya kagad.

"Ikaw ba si Angel White?" tanong sa kanya ng isang babae na isa rin Pilipina.

"Ako nga po."

"Ako ang magsusundo sa'yo at magdadala sa agency." anito sa kanya na kaytamis ng ngiting iginawad sa kanya.

"San pala ang passport mo? Kailangan mo muna pumila sa imigration bago tayo makalabas."

Nang matapos ma-check ang kanyang mga papeles ay niyaya siya ng babaeng sumundo sa kanya na kumain na muna sa Macdonalds nasa labas lang ng LCC airport. At habang kumakain sila ay napansin niyang panay text ng babae at may tinawagan pa ito. Hindi niya naintindihan ang sinasabi nito sa kabilang linya dahil salitang Malay ang gamit nito.

"Iiwan na muna kita saglit, pupunta lang ako sa tandas." paalam nito.

"Tandas?" tanong niya sa hindi naitindihan.

"Ay, tandas mean, toilet." mabilis na sagot nito at nagmamadaling umalis kagad.

Mabilis ang mga pangyayari, pagkagising niya ay nasa loob na siya ng sasakyan at may tatlong lalaki sa loob ng sasakyan ang kanyang nabungaran.

Nagtitili siya, gusto niyang kumawala mula sa pagkatali ng dalawang kamay niya at paa niya, subalit hindi siya makatili dahil may busal ang kanyang bibig at napaikotan siya ng tali habang nakahiga sa mahabang upuan nasa likod ng sasakyan.

Ayaw niyang tumigil sa pagpigiglas kaya bigla siyang tinurokan ng injection na siyang nagpawala ng kanyang malay.

"AAAHHHHHH. Pakawalan niyo ako." malakas na sigaw ni Angel White ang narinig ni Imran nang pabalik na sana siya sa master bedroom kung saan 'yun muna ang kanyang ginagamit na silid. Galing siya sa pangangabayo.

Mabilis niyang pinasok ang dalaga at pilit na ginigising. Nang magising ito ay agad na yumakap sa kanya.
"Sshhhhh. . Don't be afraid. You're safe with me. " Imran softly whispered in her ear. Hinaplos niya ang likod nito. Iginiya niya pahiga uli sa kama. 

Angel suddenly stopped. Bumaluktok ito ng higa habang nanginginig pa ang katawan. Kumuha ng tubig si Imran nasa side table, at muling pinabangon ang dalaga upang painumin. "Relax. . . Exhale. . . Inhale. ." he put his arm around her waist.

Nang nakainum na ng tubig si Angel ay muli niya ito hiniga, nabawasan ang panginginig ng katawan nito.


"Matulog ka na muli para makabawi ka ng lakas." aniya rito at kinumutan ang dalaga na nanginginig pa rin.


Hindi iniwan ni Imran si Angel hanggang nakatulog uli ito. Hinihila na rin siya ng antok at hindi niya namalayang na nakatulog na pala siya sa tabi ng dalaga.

MADALING-ARAW ay nagising si Angel White dahil sa nilalamigan siya at dagdagan pa na nauuhaw siya. Pagdilat ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang mukha ni Imran, nakapikit ito at mahimbing ang tulog. Nagulat siya nasa tabi pala niya ang binata, nakabaluktot ito at niyayakap ang sarili.

Sunod na sunod ang kanyang paglunok na dahilan na lalo pa siyang nauuhaw. Dahan-dahan siyang bumangon upang kumuha ng tubig nasa mesa na tabi lamang ng kama. Nanginginig siya habang hawak ang baso, nakadalawang baso ng tubig. Tinignan niya ang kanyang dextrose, nagtaka siya dahil kagabi bago siya natulog ay paubos na ito pero ngayon ay puno pa. Kung ganu'n ang pinalitan na ito.

"Ohhh hmmm. ." dinig niya ungol ni Imran, kumilos ito ng bahagya. Hinagilap ang kumot at kinumutan ang sarili habang pikit ito, siguradong tulog pa rin ito.

Dahan-dahan siyang sumampa sa kama, at humiga. Humarap siya sa binata na nanatiling nakapikit, tinitigan niya ang mukha nito na nakikita mula sa sinag ng lampshade nasa side table. Napakagwapo nito talaga, napakaganda ng hugis ng mga labi nito na tila labi ng isang babae, at ang kilay nito na medyo makapal na bumagay sa hugis ng mga mata nito. Hindi niya akalain na ito ang unang lalaki sa kanyang buhay, kahit na masama ang nangyari sa kanya ay ipapasalamat na lamang niya ito sa Panginoong dahil kundi ay baka sa mas masahol pa siya napunta.

He was beyong perfection. Pigil ang hininga na lalo pa niyang inilapit ang kanyang mukh sa mukha nito. Muntik na siyang mapatili sa gulat nang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito at bigla itong nagsalita.

"You like what you see?"

Napamaang siya. Halos hindi siya makagalaw. Bago pa man siya makabawi ay mabilis na itong nilapit ang mukha sa mukha niya at kinintalan siya ng halik sa mga labi. Napamulagat siya sa magkahalong gulat at hindi maipaliwanag na damdamin. Napaatras siya, dahilan para mahulog siya mula sa kama at bumagsak ang katawan sa sahig.

"Aagghh arayyyy. ." malakas niyang hiyaw na dahilan upang magpanic ang binata.

Nagulat din ito kaya hindi agad ito nakakilos. Mayamaya ay bumalikwas ito ng bangon, at lumapit sa kanya. Binuhat siya nito mula sa kanyang kinabagsakan. Naririnig niya ang tibok ng puso nito. Gusto niyang isipin na tumitibok iyon para sa kanya. Magkahalong hiya at inis ang nararamdaman niya habang karga siya nito.

"Kasalanan mo ito!" singhal niya rito nang nalapag na siya nito sa kama.

"Bakit kasalanan ko? Eh, ikaw itong biglang umatras kaya ka nahulog." anito sa kanya na salubong ang mga kilay.

"Manyak ka kasi! Bigla ka na lang nanhahalik!"

"Sinu kaya ang manyak sa atin dalawa, ah? Ikaw itong namboboso, pinagnanasahan mo ang mga labi ko habang tulog ako. Tapos pagbigyan ka, ikaw pa ang galit!" may pilyong nakapaskil sa mga labi nito habang nagsasalita.

"Manyak? Hindi ko pinagnanasahan 'yan mga labi mo'ng panis!" aniya na nakabusangot.

"Kung hindi mo ba naman pinagnanasahan. Eh, bakit ka titig na titig sa mukha ko? At panay pa ang paglulunok mo."

Namula siya sa sinabi ng binata. Mabuti na lamang ay nasa likod nya ang lamp shade kaya hindi masyado nito maaninagan ang kanyang mukha.

"Look, I'm sorry, okay? If I hadn't kissed you, you woudn't have fallen into the bed." mayamaya ay hinging paumanhin nito sa kanya habang titig na titig sa kanyang mukha.

Halos hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito kahit na hindi naman talaga nito nakikita ang kanyang mga mata dahil natatakpan ito ng dilim. Kaya ang tanging nagawa na lamang niya ay humiga at nagtalukbong ng kumot sabay talikod sa binata.

"Opzz, pa-share ng kumot! Nilalamig ako." anito na tumalukbong din.

Pigil ang kanyang hininga, hindi siya kumilos lalo na't nararamdaman niya ang init ng hininga ng binata sa kanyang batok. Pinilit niyang pinakalma ang sarili para makatulog na ngunit bigla na lamang siya hinarap ng binata.

"Baka hindi ka makahinga sa ginagawa mo at mawalang ka ng hininga." anito sabay pinaunan sa kanya ng matigas nitong dibdib kaya napayakap siya sa binata.

"Anu ba? May unan naman para ipaunan mo 'yan dibdib mo sa akin." pagpoprotesta nya rito.

"Go sleep! Or else, ikaw ang gawing ko'ng kama!"

"Anong kama?"

"Hindi ka na inosente 'di ba? Baka gusto mo pangibabawan kita at magmamaneho uli ako sa iyo." wika nito sa napakaseryosong boses.

Nanhitakutan siya na tila nakaramdam ng kilig kaya sa halip na sagutin pa ito ay nanahimik na lamang siya, pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.

"Diyos ko, paano pa ba ako makatulog nito na nakayakap ako sa kanya." piping wika niya sa sarili.

Samantala, naririnig naman niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Pataas baba ang dibdib nito at hinahagud nito ang kanyang balikat na tila siya isang pinapatulog na sanggol.

"Relax your mind and sleep. You're safe with me, my Angel." bulong nito sa kanyang punong tenga na nagbibigay ng kakaibang kiliti.

Napilitan siyang sundin ang sinabi nito hanggang sa hinila na siya uli ng antok na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ramdam nga niya ang kaligtasan niya habang nakaunan siya sa dibdib nito. Parang pinapasalamat pa niya ang nangyari sa kanya dahil kung hindi ay malabong makilala na si Imran Abbas.


No comments:

Post a Comment