Tunay Na Pag-ibig by Raniel Orias Cunado


"ROXANNE wake up..wake up..at baka mahuli ka sa work mo,,hurry!"pamukaw ng yaya kay roxanne na ngayo'y tulog na tulog pa ang diwa.

"hmmm...y-yes y-yaya i-im a-awake..hmmm..a few minutes pls...hmmm"turan ni roxanne na pilit pang binubuka ang bibig upang magsalita at pilit rin nitong binubuksan ang mga mata,,

"bumangon ka na dyan at hinahanap ka na ng mommy upang mag agahan,naku baka ako pa papagalitan nun pag di ka pa bumababa,,kaya halika na..bilis,"pagkuway agad nyang hinigit ang kamay ng dalaga dahilan upang pwersa itong bumangon.

"hmm..y-yaya n-naman eh..hmmm.."pilit pa ring nilalabanan ni roxanne ang antok,at halos magkanda-bulol na ito sa pagsasalita.

hindi na iyon nakapagtataka sa kanyang yaya kung bakit palagi itong antukin at kaylangan pang gisingin sa umaga."" lo pagod kasi ito pagkatapos magtrabaho sa isang kompanya kung saan siya naging acountant.mahigit alas 11 ng gabi na itong umuuwi lalo't maraming kailangang asikasuhin.

at lingid sa kaalaman ay mayaman ito dahil sa kanyang sariling pagsisikap,isang pangarap ang nagtulak sa kanya upang mas igihin pa ang pagta-trabaho.siyay panganay sa tatlong kapatid na nauna pang mag asawa kesa kanya,ganun din ang pagtataka ng kanyang mga magulang kung bakit hindi pa ito nag aasawa sapagkat maputi-na animoy tig i-endurso ng mga sabong gluta,maganda-dahil na rin sa dalawang biloy nito na mas nagpapaganda sa kanya sa tuwing ngumingiti ng bahagya,perpekto rin ang kurbada nito sa katawan na syang nang-aakit sa kalalakihan,lahat ng iyon ay likas nyang deskripsyon ngunit walang gustong sumubok o mag tangkang manligaw dito dahil na rin sa takot na baka ito'y masaktan lamang.
matanda na rin kasi ang mommy nito kayat ayaw nyang mawalay sa kinagisnang magulang lalo na't wala na ang kanyang ama.

"mauna ka na muna yaya,,susunod na ako promise,maghihilamos muna ako."wika ni roxanne nang tuluyan ng napukaw ang diwa mula sa pagkakahimbing.may antok pa rin ito ngunit kailangan nya iyong labanan upang sa gayo'y makapagtrabaho na.

"hay naku...o sya sya,bilisan mo dyan ah at bumaba ka na pagkatapos,ok??"segunda ng kanyang sariling yaya.

"yes,,,ya..promise,,"nakangiting tugon naman ni roxanne sa yaya nyang nakatayo na at mag uumpisa na sana sa paglalakad palabas.

"sige..bilisan mo ah."pagkuway agad nyang nilisan ang silid ng dalaga.

'hay naku..si yaya talaga,,tsk..'sambit sa isip ng dalaga at tuluyan na ring tumayo upang tumungo sa banyo at makapaghilamos na.

"O, yaya...nasan si roxanne?"bungad ng ina ng dalaga sa papalapit na yaya galing sa taas. 

"mam,maghihilamos pa raw po sya,at bababa na agad"segunda naman ng naturang yaya.

tanging ngiti lang ang naitugon ng ina at nagpatuloy sa pagkain ng nakahanda sa hapag.
marahil ay gusto nyang makasama ang anak na si roxanne sa pagkain lalo't sya lang ang kasama nito sa pagkalaki-laking bahay maliban sa mga katulong.

si manang leah ang personal maid ni roxanne,3 years pa lang ito na kapiling ang dalaga ngunit napamahal na ito sa kanya.

63 na rin ang ina ni roxanne,ngunit walang kupas pa rin ang pag aalaga sa anak kahit na may yaya itong nag aalaga.

lumaki sa hirap ang pamilya ni roxanne ngunit sa pagsisikap nito ay naitaguyod nya ang pamilya at naiahon mula sa paghihirap.mabuti naman ang naging resulta ng pagsisikap ng dalaga sapagkat may sarili na itong bahay kung saan sila nakatira ngayon,malawak at malaki ang loob ng bahay maging sa labas.nag mala-mansyon ito sa laki,may apat na silid na syang nasa 2nd floor ng bahay at may 3 katulong.

mapalad sya at nangyari sa kanya ang ganuong bagay ngunit ang labis na ikinalungkot nito ay ang pagkawala ng haligi ng tahanan mula sa aksidenteng naganap sampung taon na nakakalipas.

ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa utak ni roxanne ang nangyari,alam nyang hindi nagkataon ang nangyari sa kanyang ama kundi alam nyang sinadya iyon.
isa na rin iyon sa rason kung bakit ayaw nyang mag asawa dahil marami pa syang kaylangang matuklasan tungkol at may kinalaman sa car-accident na naganap sa kanyang ama.

MASAYANG pinagmamasdan ni roxanne mula sa kwarto nya ang larawang nakahilera sa maliit na cabinet banda sa kama nya kung saan naroroon din ang lamp shade matapos maghilamos mula sa banyo at sandaling pumahid sa maliit na tuwalya saka kinuha ang larawan nya kasama ang mahal na ama.

'malakas ang kutob ko,pa na sinadya ang pagkamatay mo.at yun ang aalamin ko.'
mula sa matamis na ngiti kanina ay napalitan ng labis na puot sa mukha nito.
umaasa syang mahahanap nya ang may sala sa ama,,

ngunit kinaylangan nya ng katuwang upang gawin ang lahat ng iyon. kailangan nya ng karamay,..

(FAST FORWARD)

"GOOD MORNING!" bati ni roxanne sa mga co-officemate habang tinutungo ang sariling PC.

"good morning din,roxanne.."balik na sambit ni Jessa,ang matalik na kaibigan ni roxanne..magkatabi lang kasi ang PC nilang dalawa kaya't hindi malayong di magkarinigan.

matipid na ngiti lang ang naitugon ng dalaga sa kaibigan tila pumipinta sa mukha nito ang malalim na iniisip.

"Ay..Sad???"silip ni Jessa sa katabing unit na si roxanne mula sa glass frame sa bawat PC.

"ha?...wala..wala to.."naiilang man ay lakas-loob na sambit niyon ni roxanne.

"anong wala,,kilala kita noh,,"segunda ng kaibigan at balikwas na lumabas sa sariling unit at dali-daling pumasok sa unit ni Roxanne.

"sya nga pala,roxanne..may bago tayong manager dito,,..ang gwapo nya,,matipuno ang katawan..maputi,,katulad mo."anas ng kaibigan nang tuluyan ng makapasok sa unit ng dalaga di rin nito maiwasan ang pamumula ng magkabilang pisngi.

"eh ano namang pakealam ko dyan,."walang-tinging tugon ni roxanne habang naka-sentro ang mga mata sa ginagawa nito sa computer,

"hay naku,,kahit kelan wala ka talagang pakiramdam noh,,dyan ka na nga!"mahinang tapik ni jessa sa dalaga saka bumalik sa sariling lugar.

hindi maipaliwanag ni roxanne kung ano ang mararamdaman,ngunit rumirehistro pa rin sa kanyang isipan ang paghihigante,

alam ng napatawad na ng panahon ang nangyari sa kanyang ama ngunit kahit ngayo'y sariwa pa rin ito sa kanya.

bahagya syang natigilan sa ginagawa at napagawi ang paningin sa isang larawang nakapwesto sa gilid niya.

pagkuway hindi na nagpatumpik tumpik at hinablot ang larawan niyon.

sa larawang iyon ay ang kanyang ama kasama ang matalik nitong kaibigang si mang ben,
si mang ben ang kauna unahang naging kaibigan ng kanyang ama..matagal na itong hindi nya nakita pagkatapos pumanaw ang ama ni roxanne.

dahan dahang namuo ang mga luha ni roxanne,at kalauna'y lumandas ang luha sa kanyang pisngi.

di niya maiwasang maluha lalo't nakikita nya ang ama sa larawan.

"hey!"

dali-dali nyang pinunasan ang mga luha gamit ang kanyang kamay at bahagyang nilingon ang likuran.

"are you crying?"nakangiting tanong ng binata sa harap ni roxanne.

maputi at mala-artista ang dating ng binata na bumagay sa kanya ang manipis na blue-shirt kung saan bakat na bakat ang matipuno at maskuladong katawan,nakakaakit rin ang mapuputi ngunit ni isang tagiyawat ay wala kang matatanaw dahil sa mukha nito.
bahagyang natulala ang dalaga sa kaharap.

"hey!"

biglang napukaw ang pagtulala ni roxanne.

"ah!..hindi...wala..a-atsaka s-sino k-ka?"naiilang ngunit bahagyang namula ang pisngi ng dalaga.

"oh yes..im the new manager of this industry."sambit ng binata na sinabayan pa ng nakakaakit nitong ngiti.

ramdam ng dalaga na mabait ito.

"im s-sorry s-si-r.."nahihiyang itinugon ng dalaga at iikot na sana ang swivel chair nito upang ipagpatuloy ang ginagawa ng biglang hinigit ng lalaki ang makinis na braso ng dalaga.

"pls..Darwin nalang itawag mo sakin,naiilang ako..And it's ok,is that your father?"napagawi ang paningin ng binata sa larawang hinahawakan ngayon ni roxanne.
napatingin rin ang dalaga sa larawan saka lakas-loob na nagsalita.

"o-oo.."naiilang na anas ni roxanne habang pinagmamasdan ang naturang larawan.

"ahh...i see,,nasan na sya ngayon?"sabay nun ang pagbitiw ng kanyang kamay sa braso ng dalaga at bahagyang kumunot ang noo na tila sabik pakinggan ang maaaring itugon ng dalaga.

sandaling tumahimik si roxanne at namutawi ang lungkot sa sarili.
sasabihin ba nya ang nangyari sa binata,o mas mananaig ang lihim na syang nagdala sa kanya sa labis na puot.

ilang segunda rin bago sya nagsalita habang halata sa mukha ng binata ang sabik ngunit malungkot sa maaari nyang isagot.

sinalubong nya ang tingin ng binata saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga at lakas loob na sumagot.

"patay na siya,,matagal na.."saka tuwid na lumandas ang luha sa kanyang pisngi at binaling ulit ang tingin sa larawan. saglit ring namayani ang katahimikan ng dalawa matapos marinig at masabi iyon.

"oh..i dont know,,sorry.."sa wakas ay basag ni darwin sa sandaling pagmuo ng katahimikan.
patuloy pa rin ang pag agos ng luha ni roxanne na nakatitig pa rin sa larawan.

"if it's ok for you,,paano sya namatay."dagdag pa ng binata na nasa seryoso ang mukha nito.
ibinaling ng dalaga ang paningin sa binata habang patuloy pa rin ang pagtuwid ng mga luha sa pisngi,

saglit nyang pinahiran ang mga luha at muling nagsalita.

"car-accident...pero alam kong hindi iyon aksidente alam kong sinadya iyon wala man ako ng mga araw na iyon pero nabanggit ni papa ang tungkol dun bago pa man sya lagutan ng hininga.."kakapahid lang ng luha at muli na namang lumandas iyon dala ng labis na emosyon sa mga salitang binitawan.

saglit pa at muling nagsalita ulit ang dalaga.

"at sisiguraduhin kong mabibigyan ng hustisya ang pagkawala ng papa ko."ngayo'y namayani ang labis na puot sa sarili.

lumambot ang binata sa nasabing iyon ng dalaga.

lungkot na may halong awa ang naramdaman ng binata sa mga oras na iyon.

unang kita palang nya kay roxanne ay nahulog na ito,ika nga na "love at first sight".dahil dun ay biglang nabuhayan ang binata.

"may mga tauhan akong pwedeng makatulong sayo at mag muling buksan ang kasong iyon,alam kong ngayon mo lang ako nakita at ngayon lang rin kita nakita,pero handa akong dumamay at tulongan ka sa iyong misyon ngayon"hindi na napigilang sambit ng binata.

"corny" mang tawagin ang unang pag ibig sa unang pagkikita ngunit iyon ang kanyang nadarama.

sa katunayan ay matagal na nyang kilala si roxanne,ito kasi ang syang nakasama nya noong nakaraan nilang apointment.

matagal na rin nyang gusto ang dalaga hindi lang dahil maganda ito,ngunit alam nyang masipag ang dalaga at yun ang mas nagustuhan nya rito.

pagkuway tumayo si roxanne saka sinalubong ng mahigpit na yakap ang binata.
tila huminto ang mundo ni darwin sa mga oras na iyon. hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya,kung magugulat,matutuwa o makilig dahil sa yakap ng dalaga.

marahan nyang ginalaw ang kamay upang gantihan rin ito ng yakap sa dalagang walang sawang humahagulgol mula sa pagkakakulong nito ng mga bisig ng binata.
bahagya nyang hinipo ang ulo ng dalaga.

"ssshhhhh...."paghihilom nito kay roxanne na nagmistulan ng batang umiiyak dahil sa walang tigil nitong paghagulgol.

"dont worry,,tutulungan kita.."dagdag pa nito.

ramdam nilang nakatitig ang mga mata ng ibang taong naroroon.magkahalong kaba at lungkot ang namutawi sa dalawa na magkayakap pa rin hanggang ngayon.

LAHAT ng binitawang salita ng binatang si Darwin ay nagbigay katotohanan lalo't lahat din niyon ay tinupad ni Darwin sa dalaga.

ang patuloy sa paghanap ng syang may sala sa kanyang ama,ang pangakong bubuksan muli ang kaso na matagal ng nawaksi,mga salitang pagsikapang ma-imbistigahan ang naturang aksidente.

at dahil din dun ay nabuhayan ng loob at pag asa na mabigyang hustisya ang namayapang ama,at doon din sya may lakas na loob upang umibig ng makilala ang binatang si Darwin,hindi man nila alam kung ano ang kahinatnan ng misyon basta't para sa dalagang si roxanne ay mabigyang kalinawan ang lahat.

na kung tama ba ang kanyang hinala,kung tlagang hindi totoo na aksidente ang lahat.
kahit abutin man ng ilang siglo ang misyon ng dalaga ay hindi iyon rason sa kanya upang matigil ang hustisya.

simula't sapol ay mas napamahal kasi ito sa kinagisnang ama, ni hindi nya inakalang mangyayari iyon sa kanyang ama.

7 taon pa lang ito ay halos ayaw na nyang mawalay ang ama sa kanya.

tandang tanda pa nya ang mga masasayang sandali kasama ang ama.pinapaboran ito sa kanyang 2 kapatid ngunit sya naman ang panganay,dinadala sa mga pasyalan,binibigay ang mga nalalabing oras sa kanya at iba pang mga bagay na kinagawian at ikinasaya nito.

sa kabila ng labis na pangungulila ng dalaga ay isang lalaki ang pumuna sa mga pagkukulang na ipinagkait sa kanya,dadamayan sa mga masasakit na pangyayare,nandi-dyan sa tuwing nalulumbay,pinapasaya ang bawat araw na darating kasama sya at higit sa lahat handang tumulong sa anumang problema maging tungkol sa kanyang ama at yun ay walang iba kundi ang una nyang lalaking nayakap,nakita,at tumulong na si Darwin,

PATULOY sila sa paghahanap,mga ilang araw na rin ang makalipas simula ng magkakilala si Darwin at Roxanne.

"EEEEENNNNGGG..."

napapitlag si roxanne mula sa pagkakahiga sa kama,kakapahinga nya lang buhat sa pagsama kay Darwin upang mamasyal nang marinig ang pag vibrate ng kanyang cellphone,mag aalas tres na rin simula ng makauwi sa tahanan saka inilatay ang pagod na katawan sa malambot nitong kama.

pagkuway agad nyang hinablot ang cellphone.
ini-slide ang touchscreen upang tuluyan ng masagot.

SAMANTALA...

kasalukuyang nasa presinto ang binatang si darwin kasama ang abogado at ang di-malamang mga tauhan.

"huli ka na ngayon mang ben,,wala ka ng takas,nawala ka upang makatakas,"anas ni darwin sa lalaking nasa 70 anyos,matanda na ito ngunit sa ayos ng galaw ay hndi halata.

"kaya ko lamang ginawa iyon dahil may malaking utang ang ama ni roxanne ngunit kahit kaylang wala syang planong bayaran."wika ni mang ben,kung natatandaan nyo.si mang ben ang matalik na kaibigan.

ilang taon na rin ang nakakalipas simula ng mangyari ang ganuong bagay.

kasalukuyan rin ngayong hinahawakan ng mga pulis si mang ben upang mapasok na sa kulungan.

sa di kalayuan ay isang dalaga ay dali-daling bumaba mula sa kotse at mabilis na pumasok sa police station kung saan naroroon si darwin kasama ang ibang tauhan pa nito.

"DARWIN!"pagkuway sinalubong ng dalagang si roxanne ang binatang si darwin ng mahigpit na yakap mula sa likuran.

nag uumpisa ng namuo ang luha sa mga mata ng dalaga habang yakap ang binata.
ng makatawag kasi si Darwin kay roxanne ay magkahalong kaba,dismaya at tuwa ang naging reaksyon ng dalaga dahil sa narinig na balita kayat agad nyang tinungo ang himpilan ng pulisya.

ilang taon nyang hinanap ang salarin,ilang beses na rin syang palaging umiiyak,at pagod dahil sa misyon at ngayon ang araw at oras ng kanyang pahinga at paghilom ng sugat lahat ng ito ay dahil sa binatang si Darwin.

patuloy pa rin sa pag iyak si roxanne habang nakayakap pa rin sa binata.ayaw nyang puntahan o makita ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang tatay, ayaw nya na ring makita ang pinagkatiwalaan si mang ben ay importante sa kanya ay nabigyan ng hustisya ang kanyang ama at sapat na iyon upang manahimik at mamayapa kay roxanne ang kapanatagan.
heto't umiiyak pa rin ang dalaga.

dahan dahang humarap si darwin sa nakayakap na dalaga sabay ikinulong ng kanyang kamay ang magkabilang pisngi ng dalaga na ngayo'y puno na ng luha at binitawan ang matatamis na salita..

"PANGAKO..eto na ang luhing beses na iiyak ka..."

(A MONTH LATER.)

MATAPOS ang lahat ay kampanteng dinalaw ni roxanne kasama ang ngayo'y nobyo nyang si Darwin ang puntod ng ama.

"Pa,salamat sa mga alaala na iyong iniwan,alam kong masaya ka na ngayon sakin,maraming salamat at ikaw ang kauna unahang lalaking nagmahal sakin at ngayoy nagpahinga ka na,naalala mo pa ba nung sinabi m0ng mahahanap ko rin ang tunay kong pag ibig? yung mag aalaga,daramay at tutulong sakin?..nahanap ko na Pa,at sya ang nagpuna ng pagkukulang at naumpisahan mo pa...nahanap ko na sya....si Darwin"

kasabay ng pag iwan ng mensahe sa ama ng dalaga,ay nilingon nya si darwin mula sa likuran nya na ngayoy tila masaya at nakangiting mukha na bumungad sa dalaga.
pagkuway agad sinalubo ng mapusok na halik ng dalaga ang binata..
alam nyang itinadhana na sya sa lalaking iyon,alam nyang kapag nariyan ang binata ay kampante at ligtas sya,at higit sa lahat..Alam nyang dadamayan at tutulungan sya ni Darwin sa oras ng kalungkutan.

ang dating puot ng dalaga ay napalitan ng labis na tuwa dahil sa nakatadhanang lalaki sa kanya,

kalaunay unti-unting naghilom ang mga sugat ng nakaraan si roxanne at unti unting nakalimutan ang mga masasakit ngunit may kapalit na kaligayahan na alaala,

sapagkat nandyan ang binata na syang magbibigay sa kanya ng nasayang at nawalang pag asa ng dalaga at syang pupuna sa mga kaylangan nito.

sa wakas,at nahanap ni roxanne ang tanda ng pag ibig na syang nagdala sa kanya sa kaligayahan at nahanap ang kanyang.....

***W A K A S***

No comments:

Post a Comment