Teaser:
Madalas natin itanong na bakit nasasaktan tayo kapag iniwan tayo ng mahal natin at nagpunta sa ibang lugar although alam naman ang dahilan kung bakit kailangan nyo pansamantalang maghiwalay?
Siguro dahil sa nasanay kang importante ka palagi sa kanya, lahat ng oras at atensyon nya ay sayo.
Pero paano kung sa pagkakalayo nyo ay nagawang tumibok ng puso mo sa iba ? Sino ang pipiliin mo ang naunang pag-ibig o ang bagong pag-ibig na pumuno sa pangungulila mo?
CHAPTER 1
SI Joy ay may nobyo na nangibang bansa si Kevin sa loob ng tatlong taon. Matagal-tagal na rin ang kanilang naging relasyon. Pero dahil may mga kababata pang kapatid na pinag-aaral si Kevin ay kailangan nyang magtrabaho sa malayong lugar.
Napagkasunduan ng magkasintahan ang pangingibang bansa nito. At pumayag ang dalaga sapagkat naiintindihan ni Joy ang sitwasyon ng kanyang nobyo.
Ang lalaki kasi ang tumatayong pinakabreed winner sa kanilang pamilya. Namatay na ang ama ni Kevin. Ang ina naman niya ay hindi pwede magtrabaho na si Aling Evelyn dahil may maliliit pa itong mga anak na kinakailangan pa ng gabay ng isang magulang.
Si Kevin na rin ang nagsabi na wag na magtrabaho ang ina dahil kaya naman niya maghanapbuhay para sa kanilang pamilya sa pang-araw-araw na gastusin at pantustos sa pag- aaral ng mga nakababata pa nyang mga kapatid . Mula ng mamatay ang ama ng kanilang tahanan, ay ang panganay na anak si Kevin na ang pumalit ng responsibilidad nitong naiwan.
Ang hanapbuhay ng binata ay isang Contractor sa isang konstraksyon subalit hindi kalakihan ang kanyang sinasahod, pero kahit magkaganon ay perang kanyang binibigay sa ina ay pinagkakasya nito sa pang-araw-araw na gastusin dahil masinop ito pagdating sa pera at iyon sa isang dahilan ang hinahangaan nya sa kanyang ina.
Nagtayo ito ng maliit na sari-sari store sa tapat ng kanilang bahay at pagdating sa hapon ay nagtitinda naman ito ng barbecue, mabili ang mga ito at wala pang limang oras ay ubos na lahat ang paninda nito. Magsisimula ng ikalima ng hapon at bago sumapit ang ika-sampu ng gabi ay nasimot na lahat ang panindang ihaw-ihaw ng ina ni Kevin.
Hindi rin hirap si Aling Evelyn dahil katu-katulong nito ang mga malilit pang anak.
Lima silang lahat na magkakapatid. Grumaduate na sa high school ang sumunod na kapatid na babae ni Kevin si Genelyn. Mag-aaral na ito sa college, at dahil dun kailangan na ng malaki-laking pera para sa pag-aaral nito sa kolehiyo.
Pinag-usapan na nilang mag-anak na two years course lang ang kukunin ni Genelyn at pumayag naman ito. Para makatulong na rin sa paghahanap-buhay sa kanilang pamilya para masuportahan pa sa pag-aaral ang mga nakababata pang kapatid.
Ang totoo ayaw na ni Genelyn mag-aral pa sa kolehiyo, nakikita nya kasi ang hirap ng kanilang buhay dahil kung mag-aaral pa nga naman siya ay magagastusan na naman sila ang gusto nito ay makapagtrabaho na upang makatulong na sa pamilya.
Subalit tinutulan iyon ni Kevin, gusto nya makapagtapos ang kanyang kapatid na dalaga, ayaw nya ito matulad sa kanya na high school lang ang inabot.
" Magpapatuloy ka sa pag-aaral mo Genelyn. Kung kailangan magtrabaho ako sa ibang bansa, para kumita ng malaki-laking pera ay gagawin ko. Ang pangarap ko sa inyong mga kapatid ko ay makapagtapos ng pag-aaral kahit vocational lang para makahanap kayo ng maayos na trabaho. " wika ni Kevin sa kanyang kapatid na dalaga.
" Pero kuya may sarili kang buhay, hindi sa lahat ng oras ay sa amin nakatuon ang atensyon mo. May girlfriend ka na si ate Joy, baka magsawa yon sa kahihintay sayo palitan ka ng iba. Matagal-tagal na rin ang relasyon ninyo kuya, sayang naman kung mauuwi lang sa wala. "
" Wag kang mag-alala sa amin ng ate Joy mo Genelyn, napag-usapan na namin itong pangingibang bansa ko, pumayag sya at naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko. Hindi ko pa pala nababanggit sa inyo na niyaya ako ng kasamahan ko na mangibang bansa. May tito daw kasi sya na nagrerecruit ng mga magmamason , di ba may alam ako sa pagmamason dahil isinasama ako ni Itay nung nabubuhay pa sa kanyang pinapasukang konstraksyon.
Pumayag akong maging OFW at dalawang taon ang magiging kontrata ko. Wala naman problema sa gagastusin, salary deduction ang magiging labas para pag nakapagtrabaho na ako at kumita, sa susuwelduhin ko na lang ibabawas ang lahat ng ginastos nung may-ari ng agency. " litanya pa ni Kevin Kay Evelyn.
Ang tinutokoy nito na may tito na nagtratrabaho sa agency na kasamahan nya sa trabaho ay si Rommel. Sa lahat kasi ng mga kasamahan nya sa trabaho si Rommel ang malapit sa kanya. Isa pa nabanggit nya dito na gusto nya mangibang bansa, sinabi nya rin dito ang rason dahil mag- aaral ang kapatid nyang dalaga, kaya tiyak na madadagdagan ang gagastusin nila at hindi sapat ang kinikita nya, para tustusan ang pag-aaral ng kanyang kapatid na babae.
" Ganon ba kuya? Nabanggit mo na ba ito kay Inay at sa mga kapatid natin, eh si ate Joy alam na ba nya ang plano mo? "
" Oo nabanggit ko na ito sa ate Joy mo, hindi ba nabanggit ko na sayo na napag-usapan na namin ang pag-aabroad ko? "
" Ayyy.... oo nga pala kuya, sensya nabanggit mo na nga pala sakin kanina. " hinging paumanhin ni Genelyn sa kanyang kuya Kevin.
" Tanging si ate Joy mo at ikaw pa lang ang napagsabihan ko ng pagpunta ko sa abroad, hindi pa ito alam ni inay at mga kapatid natin, pero bukas sasabihin ko rin sa kanilang. Malaki-laki rin kasi ang sasahurin ko sa pag-aabroad ko. Makakapag-ipon ako at nakakapagpadala pa ako ng pera para sa pag-aaral mo sa college at ng iba pa nating kapatid , makakapundar na rin tayo ng mga bagong kasangkapan dito sa bahay. At pagkatapos ng kontrata ko sa loob ng dalawang taon ay magpapakasal na kami ng ate Joy mo. " sabi pa ni Kevin.
Dumating ang araw ng pag-alis ni Kevin, malungkot ang lahat, hindi maampat ang pag-iyak ng ina ng binata, pati mga kapatid nito. Hindi sila sanay na malayo sa kanila single Kevin , mula ng mamatay ang kanilang ama si Kevin na ang tumayong padre sa pamilya.
Mabait, maalalahanin at higit responsable sa pamilya. Swerte dito ang sinumang mapapangasawa babae ng binata. Kaya ng maging magkasintahan sila ni Joy, maraming ang nagsabi sa dalaga na swerte talaga sya sa nobyo, bukod sa gwapo na, masipag sa trabaho, at mapagmahal sa pamilya.
May dating naging kalive-in si Kevin, maganda naman ang naging takbo ng pagsasama nila, subalit iniwan sya ng babae at nagawa nitong sumama sa ibang lalaki.
Kaya ng maging sila ni Joy ay natakot na itong muli pang mabigo sa pag-ibig. Gagawin nya ang lahat ng paraan para hindi na mawalay sa ikalawang pagkakataon ang babaeng mamahalin nya. Ipaparamdam nya sa nobya ang buong pagmamahal niya.
Gwapo si Kevin at maganda naman si Joy. Sabi nga ng mga taong nakakasaksi ng kanilang pagmamahalan ay bagay sila.
Kahit nasa ibang bansa na si Kevin ay hindi naman nawala ang communication nya sa kanyang pamilya at nobya. Kaya hindi rin masyado ramdam ng binata ang pagkahomesick.
Masasabing naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon ng nobya hanggang dumating ang isang problema sa kanilang relasyon.
May bagong lipat sa lugar nila Joy ate nataon pang kapitbahay lang nila.
Minsan isang gabi ay galing sa trabaho si Joy ay inabutan ito ng malakas na ulan. Nataon namang habang nag-aabang sya ng dyip na masasakyan ay napadaan ang taxi na minamaneho ni Daryl.
Si Daryl ay isang taxi driver, solo lang ito sa bahay na kanyang tinutuluyan. May pamilya itong sinusuportahan sa probinsya. May kapatid itong babae pinag-aaral sa kolehiyo at isang taon na lang gagraduate na ito sa kursong kinuha.
" Oh Joy, sakay ka na, basang-basa ka na sa ulan. " wika ni Daryl.
" Salamat na lang, maghihintay na lang ako ng dyip, makakasakay din ako."
" Wag ka na mahiya, parang hindi naman tayo magkapitbahay nyan. "
Sandaling nag-isip si Daryl, alam nyang marahil ay nahihiya o naiilang sa kanya ang kanyang magandang babaeng kapitbahay.
" Ganito na lang, baka kasi matagalan ka pa ng uwi, halos puno na ang mga dyip na dumaraan, bayaran mo na lang yong pagsakay mo sa taxi ko. Okay ba? "
Naisip din ni Joy na kung mag-aantay pa nga na naman sya ng masasakyan ay matagalan pa sya sa lugar na iyon. May mga dumadaan ngang mga pampasaherong dyip ,subalit sa kinasamaang paladin halos puno na ang mga ito.
At sumakay na nga sya ng taxi na minamaneho ni Daryl. Gaya ng pinag-usapan, binayaran nga ni Joy ang kanyang pagsakay.
Kinaumagahan ay nagulat na lamang ang dalaga na paglabas nya ng gate ng bahay nila ay nakaabang na ang minamanehong taxi ni Daryl. Nang makita sya nito ay ngumiti ito sa kanya habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ng taxi nito. Ihahatid na raw sya nito sa pinapasukang trabaho, pero tumanggi si Joy.
Naabutan sila ng ina ng dalaga nag-uusap, nagsuhestyon din ito na bakit di na lang gawing service ni Joy ang taxi ni Daryl, total naman daw ay magkapitbahay lang naman sila. Hindi naglaon ay napapayag din sa nais mangyari ng ina ni Joy, hindi na nga naman nya kailangan pang mag-abang pa sa araw-araw ng masasakyan sa kanyang pagpasok sa trabaho at iyon ang naging simula ng pagiging magkaibigan nilang dalawa.
Hindi inilihim ni Joy Kay Daryl na may boyfriend na sya at sa pagbabalik nito sa Pilipinas ay magpapakasal na sila. Wala naman naging problema kay Daryl ang kanyang nalaman sa dalaga dahil pagiging magkaibigan lang talaga ang naging sitwasyon nilang dalawa.
Subalit sa tuwing magkakaproblema at magkakatampuhan sina Kevin at Joy ay si Daryl ang naging sumbungan ng dalaga sa hinanakit nya sa kanyang nobyo pero lagi nyang sinasabi kay Daryl na mahal na mahal nya si Kevin at hihintayin nya ito para magpakasal na silang dalawa. Nahihirapan na kasi si Joy sa LDR nila out Long Distance Relatioship nila. Oo nga at nakakapagskype sila, nagkakatext at nagkakatawagan, pero iba pa rin talaga yong kasama mo at katabi ang taong mahal mo.
Lingid kay Joy ay nasasaktan ng palihim si Daryl, sapagkat sa pagiging magkaibigan nila ay until-until na nahuhulog ang loob nya sa kanya.
Dahil na rin sa pagiging malapit ni Joy kay Daryl ay naging malapit na rin ang kalooban nito sa binata. Alam nyang mali dahil may kasintahan na sya at umaasa sa tapat nyang pag-ibig.
Subalit dumating sa punto na nagising na lang sya isang araw na naramdaman nyang nagkakaroon na ng bahagi sa kanyang puso nya si Daryl.
Hanggang minsan na nilagnat si Joy, wala ang mga magulang nito sa dahilang nagbakasyon sa kanilang probinsya upang makiani ng copra sa kanilang lupain.
Nag-iisang anak si Joy at si Daryl lang ang nag-aasikaso sa Kanya habang sya'y may sakit. At dahil natukso na rin sila ng kapwa nilang kinikimkim na damdamin sa isat-isa dahil sa katotohanang may iba ng nagmamay-ari na ng puso ng dalaga ay pinagkanulo sila ng mga damdaming iyon.
Hindi na nila napigilan pa ang makamundong pag-ibig at pagnanasa ng laman ay humantong na may nangyari sa kanilang dalawa. Iyon na ang simula ng palihim nilang relasyon, maraming nakakaalam sa pagiging malapit nila sa isa't-isa ni Daryl. Pero ang tanging sinasabi ni Joy ay magkaibigan lamang sila at wag itong bigyan ng kahulugan dahil maling tingnan lalo pa at alam ng mga tao na nobya sya ni Kevin baka ipakahulugan ng mga ito na sya'y nagtataksil sa kasintahan.
Ngunit sa sulok ng kanyang budhi hindi nya maitatago na nagtataksil sya kay Kevin. Kaya lang bakit kailangan pang tumibok muli ang puso nya sa isang lalaki at ang matindi pa duon pareho nya itong mahal, parehas syang masasaktan kung isa man sa kanila ang mawala.
Bakit ba kasi hindi pwede magmahal ng dalawa? Bakit kailangan pa nyang mamili at masaktan? Marami pang katanungan ang bumangon sa isipan ni Joy, pilit nyang hinahanapan ng tamang kasagutan at sa kasamaang palad naghuhumindik ang katotohang hindi siya pwede magmahal ng sabay sa dalawang lalaki, sa mata ng Diyos at sa mata ng tao ay isa itong malaking kasalanan.
Ang pagiging malapit ni Joy at ni Daryl ay hindi nakaligtas sa kaalaman ng pamilya ni Kevin. Kaya isang araw ay nagulat na lang si Joy na naging bisita nila ng araw na iyon sa kanilang bahay ang ina ng kasintahan.
Ang pagiging malapit ni Joy at ni Daryl ay hindi nakaligtas sa kaalaman ng pamilya ni Kevin. Kaya isang araw ay nagulat na lang si Joy na naging bisita nila ng araw na iyon sa kanilang bahay ang ina ng kasintahan.
CHAPTER 2
"KUMUSTA na po kayo Tita? Tuloy po muna kayo, dun po tayo sa sala, maupo muna kayo at igagawa ko kayo ng juice at sandwich. " Sabi ni Joy ng mabungaran pagkatapos nyang mapagbuksan ang kanilang gate at tumambad duon si Aling Evelyn.
Pagkatapos nya maihatid sa sala ang matandang babae, ay nagpaalam ito saglit para kunin sa may kusina nila ang kanilang memeryendahin. Pagbalik niya sa sala ay dala na nya ang kanyang tinimplang mango juice at cheese bread.
"Tita napadalaw po kayo, may gusto po ba kayong sabihin sakin? Tanong ng dalaga matapos mailapag sa May maliit na lamesa at saka naupo na rin, magkaharap sila ngayon.
Uminom ng kaunti mo ng juice si Aling Evelyn, waring may malalim na iniisip, napansin naman iyon ng dalaga ay nagtataka kung bakit napasugod ito sa kanilang bahay ng walang mabigat na kadahilanan. Saglit namayani ang katahimikan sa dalawang babae.
" Kumusta na kayo ni Kevin, ang ibig kong sabihin wala naman bang problema sa relasyon nyo? Bungad na tanong ng matandang babae.
" Wala naman po tita, maayos naman ang takbo ng relasyon namin, nagkakatawagan po kami, minsan nag-esskype din po kami. "
" Mabuti kung ganon. Ganon din ang sinasabing sakin ni Kevin, kapag tinatanong ko ang tungkol sa inyo. Kaya ako naparito dahil sa isang bagay, tungkol dun sa lalaking kaibigan mo, parating may nakakakita sa inyo na madalas kayong magkasama. "
" Si Daryl po ba? Kaibigan ko po sya at kapitbahay service ko po yong taxi nya paraw hindi ako mahirapan sa pagpasok at pag-uwi. Alam naman po ni Daryl ang tungkol sa kanya hindi po ako naglihim sa anak nyo at isa pa ho tita magkaibigan lang po kami ni Daryl. " ngunit sa kalooban ni Joy ay naguiguilty ito dahil ang totoo may relasyon na sila ni Daryl, ng unang pagkakataon kasi na may mangyari sa kanila ay sinabi nyang kalimutan na nila ang isat-isa nakalimot lang sya at nadala ng damdamin. Mahal nya si Kevin at umaasa ito na sa pagbabalik ay magpapakasal na sila ng nobyo. Subalit hindi pumayag si Daryl, nagmakaawa ito na habang nasa abroad si Kevinmanatili muna ang lihim nilang relasyon. Hindi ipinagkait iyon yon ni Joy sa kanya pero habang tumatagal ang lihim nilang relasyon ay nadadagdagan ang pagmamahal nya kay Daryl . Dahil habang nasa ibang bansa ang nobyo, ang bagong lalaki na dumating sa kanyang buhay ang nagpupuno ng mga pagkukulang at nadarama nyang pangungulila.
" Ang sakin lang Joy ay kung ano ang sasabihin ng mga tao sa nakakakita sa inyo may nobyo ka sa ibang bansa at lagi naman kayo magkasama ng lalaking iyon. Sabihin na nating magkaibigan nga lang kayo pero ang mata ng tao ay mapanghusga at hindi kita sa hinuhusgahan, nobya ka at mahal na mahal ka ng anak ko. Responsableng tao si Kevin, dahil mula ng yumao ang asawa ko ay sya na ang tumayong ama sa amin na magkakapatid nya. Tapat din sya magmahal sa babae, may una syang nakalive-in mahal na mahal nya ito ginawa lahat ni Kevin ang lahat para mapasaya at maging matatag ang pagsasama nila ng babaeng subalit sa di namin malamang dahilan ay iniwan sya ng babaeng iyon at nagawang sumama sa ibang lalaki. At bilang ina ni Kevin ay ako ang unang nasasaktan kapag nasasaktan sya, dahil bawat himaymay ng laman na dumadaloy sa kanyang katawan ay sakin nagmula. Kaya bilang isang ina, nakikiusap ako sayo Joy sa ikalawang pagkakataon ayaw ko makita sa muling kabiguan ang anak ko. Wag mo sana sayangin ang pinagsamahan nyo ng anak ko. Hindi sa hinuhusgahan kita dahil babae din ako. Sa palagiang magkasama kayo ng lalaking iyon hindi malayong mahulog ang damdamin nyo sa isat-isa at ipagkanulo kayo ng mga damdamin nyo. "
Naiwang tulala ang dalaga, mula ng magpaalam ang ina ni Kevin ay naiwan syang nasa malalim na pag-iisip.
Bakit ganon ang magsalita ang ina ni Kevin, may alam na kaya ito tung kol sa lihim naming relasyon ni Daryl? Pero kahit ganon hindi sya nagalit man lang o kinompronta ako ng layuan ko na lang ang anak nya bagkus ay pinakausapan pa nya akong wag hiwalayan ang anak.
Lalo na tuloy nalilito si Joy sa pinasok nyang sitwasyon ang pakikipagrelasyon kay Daryl. Samantalang alam nyang masasaktan nya ng husto si Kevin. Nabuo sa pasya nya na tatapusin na nya angq anumang meron sa kanila ngayon ni Daryl.
Napansin ni Aling Matelde ang malalim na pag-iisip ng kanyang anak. At palagian nitong pagbubuntunghinga ng malalim.
" Anak may gumugulo ba sa isipan mo? Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo. May problema ba anak? " sabi ng kanyang ina, karatating lang nito galing palengke, para mamili ng mga kailangan nila sa bahay.
" Kayo po pala inay, iniisip ko lang po yong mga sinabi sakin ni Tita Evelyn. "
" Ang ina ni Kevin, oh ano naman ang sinabi nya sayo? "
" Eh kasi po inay, sinabi nya sakin na wag ko sanang lolokohin si Kevin at wag ko daw sayangin yong pinagsamahan namin."
" Ha? Sinabi nya yon sayo? Pero bakit daw, may problema ba kayo ng nobyo mo anak? " sunod-sunod na tanong sa anak.
" Wala naman po kami problema ni Kevin inay. "
" Eh kung wala bakit nakapagsalita sayo ng ganon ang ina ng nobyo mo? Magtapat ka nga sakin Joy, dahil ba ito sa pakikipagkaibigan mo sa bago nating kapitbahay at paghatid-hatid sayo ng Daryl na iyon. Iyon ba? "
" Opo nay yon nga po, nakarating sa kanila ang pakikipagkaibigan ko kay Daryl. "
" Iyan na nga ba ang inaalala ko, mas maganda pa nuon na ikaw lang mag-isa ang pumapasok mag-isa sa trabaho mo, di tulad ngayon na lagi ka ng isinasabay ni Daryl sa pamamasada nya ng taxi. Kaya anak ngayong kinausap ka na ng ina ng nobyo mo tungkol sa bagay na iyan, aba'y panahon na upang iwasan nyo muna ang isat-isa, at baka dahil dyan magkasira kayo ng nobyo mo. " wika ng ina ng dalaga.
Napabuntunghininga ng malalim si Joy. Ang naging reaksyon nyang iyon ay naging kapansinpansin sa kanyang ina.
" Mukang nanggaling pa yan sa hukay yang paghugot mo ng buntunghininga anak, may problema? May problema ba sa sinabi ko na iwasan mo muna ang pakikipaglapit sa Daryl na iyon? Wag mong sabihing. . . . "
"Eh inay, ang totoo po, sa araw-araw na magkasama po kami ni Daryl, unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya, napakabait nya sakin, nasasabihan ko sya ng mga problema ko, pag malungkot ako napapasaya nya ko. "
" At anong ibig mong sabihin sa tinuran mong iyan Joy ,may relasyon na ba kayo ng Daryl na iyon ha, tama ba ako? "
" Opo inay. " pag-amin ng dalaga.
" Santisima. Alam mo ba yang pinasok mo anak? Nagpunta ng ibang bansa ang nobyo mo para sa kanyang mga kapatid at para sa inyong kinabukasan, at hindi sa kung para saan. Ano na lang sasabihin sayo ng ina at mga kapatid ni Kevin pagnalaman nila yang pakikipagrelasyon mo sa iba. Hindi ba't kinausap ka na nga dahil nakaabot sa kanilang kaalaman ang pakikipaglapit mo sa ibang lalaki gayong alam nilang nobya ka ni Kevin. Isa pa anak isipin mo na lang ang sasabihin ng mga tao sayo, kaya habang maaga pa eh putulin mo na yang pakikipagrelasyon sa lalaking iyon, aba'y maawa ka naman sa nobyo mo minsan nang nabigo yon sa pag-ibig at baka pagnagkataon bibiguin mo na naman. " ang mahabang sabi ng ina ni Joy.
" Inay, mahal na mahal ko si Kevin at hindi ko sya kaya mawala sa buhay ko , pero mahal ko ho rin si Daryl. " ang napapaluhang wika ng dalaga .
" Iyan na nga ba sinasabi ko sa araw-araw na magkasama kayo, hindi malabong mahulog ang loob nyo sa isa't-isa. Dapat pala hindi na kami pumayag ng ama na ihatid sundo ka ng lalaking iyon sa trabaho , pero hindi namin inaasahan na magkakagusto ka sa kanya , dahil batid ko kung gaano mo kamahal si Kevin, saksi ako sa naging pagmamahalan nyong magnobyo. " saad ng ina ni Joy.
" Eh , inay ano ho ang gagawin ko parehas ko silang mahal? "
"Aba Joy anak, maghulos dili ka, hindi ka namin pinalaki sa maling asal , kaya mali yang ginagawa mo hindi mo sila pwede paasahin sa pareho mong pagmamahal. Kaylanman ang ka pwede magmahal sa dalawang lalaki , isa lang ang pwede mong mahalin sa kanila si Kevin o si Daryl. Higit sa lahat bago ka magdesisyon , lagi mong tandaan sino ang mas karadapat-dapat sa kanila sa pagmamahal mo. Wag mo rin sana kalimutan may isang taong umaasa na sa pagbabalik nya , inaasahan nyang andyan ka pa rin naghihintay sa pagbabalik nya at alam mo anak kung sino ang tinutukoy ko. Mahal ka ni Kevin anak, alam namin yan ng ama mo, dahil hiningi nya ang pahintulot namin ng papa mo bago ka nya ligawan. At wala kaming tutol kung si Kevin ang mapangasawa mo. "
At pagkasabing iyon ni Aling Matilde sa anak ay kanya na itong iniwan at naiwan pa rin sa malalim na pag-iisip ang dalaga. Pangamba at takot ang kanyang nararamdaman, nagsisisi tuloy sya kung bakit sya naging marupok na babae at nagawa nyang pagtaksilan si Kevin. Magsisisi man sya ay huli parehas ng may pitak sa puso nya ngayon ang dalawang lalaki.
CHAPTER 3
NANG matapos ang tatlong taong kontrata ni Kevin sa ibang bansa ay umuwi na ito ng Pilipinas upang asikasuhin naman nya ang pansarili nyang kaligayahan sa piling ng pinakamamahal nyang babae.
Masayang-masaya siya dahil sa wakas sa ilang taong pamamalagi nya at pangungulila sa abroad ay makikita na nya ang kanyang ina,mga kapatid at higit sa lahat ay si Joy na sa kanyang pagbabalik ay aayusin na nila ng kasintahan ang araw ng kanilang magiging kasal.
" Masayang-masaya ako Joy at nakabalik na uli ako dito sa lugar natin. Makakasama ko na uli ang pamilya ko at matutupad na rin ang pangarap nating magpakasal. "
"Ako rin Kevin masayang-masaya din ako at nandito ka na uli sa tabi ko. Mis na mis na kita. "
Masaya nga si Joy at nakasama na nya uli ang nobyo pero may bahagi ng puso nya ang nakokonsensya dahil sa nagawang nyang pagtataksil dito dahil palihim pa rin ang relasyon nila ni Daryl.
Batid ni Joy na malungkot si Daryl dahil kasama nya ang tunay na lalaking nagmamay-ari at karibal nito sa kanyang puso.
Buhat ng dumating si Kevin ay palihim na ang pagkikita nila ni Daryl. At bawat pagtatagpo nila ng palihim ay may nangyayari sa kanila. Waring sa ganong palihim ay lalong pananabik ang nararamdaman ni Daryl at sa bawat nais na may maganap sa kanilang dalawa ay hindi naman ipinagkakait iyon ni Joy. Ngunit sa pangit na salita ay namangka sa dalawang ilog ang kinalabasan ng babae.
Aminado sya sa kanyang sarili na parehas nyang mahal ang dalawang lalaki. Ayaw nyang may mawala isa man sa kanila. Minsan sumagi sa kanyang isip ang isang kanta at tumutugma ito sa kanyang sitwasyon, ang kantang SANA DALAWA ANG PUSO KO .
" Parang ang lalim yata ng iniisip mo Joy? " Sabin ni Kevin ng mapansin nito ang malalim nyang iniisip.
" Wala. May naalala lang ako. "
" Ganoon ba? Ahhmm. . Kumusta na pala yong kaybigan mo, Daryl ba ang pangalan nun? Kasama ba sya sa iimbitahan mo sa kasal natin? "
" Oo, inimbitahan ko sya, kaso hindi raw sya pwede may importante daw syang lakad sa araw na iyon. "
" Ah, ganon ba? "
Maya-Maya ay biglang pagtunog ng cellphone ni Joy at rumehistro dun ang pangalan ni Daryl, nakita iyon ni Kevin.
" Oo bakit, ayaw mong sagutin? Baka may importanteng sasabihin sayo. "
" Hindi na, ayokong sagutin ang tawag nya. " ang sabi ni Joy na ikinakunot ng nuo ng kanyang nobyo, napansin iyon ng dalaga at nabahala ito na baka mag-isip ng kung ano sa hindi nya pagsagot sa tawag ni Daryl.
" Ayoko ko kasing may umistorbo satin honey, ikaw ang mas importante sakin ngayon at hindi sino pa man. " pagdadahilan ni Joy dahil ang totoo ay ayaw nyang sagutin ang tawag ni Daryl dahil nakokonsensya din sya sa nobyo. Alam nya ang dahil kung bakit tumatawag si Daryl, gusto na naman nitong magkita silang dalawa at nakokonsensya sya sa ginagawang pagtataksil sa nobyo.
Sa narinig na iyon ng nobyo sa kanya pagkuwa'y yumakap sa baywang niya ang mga braso nito at pagdaka'y ginawaran siya nito ng halik sa kanyang labi, tinugon naman iyon ng dalaga at ang mga sumunod na mga sandaliw ay mas mapusok na ang halik na iyon, mas mainit.
Dahil dun hinayaan nilang manaig ang init na kanilang nadarama mula sa kanilang katawan, ang masarap at mga kaiga-igayang pakiramdam na paglalapat ng kanilang mga katawan.
" I love you! " wika ni Kevin na kapwa nila marating ang rurok ng kaligayahan.
" I love you too " sagot ni Joy sa nobyo.
Ilang linggo pa ang lumipas mula ng makabalik sa Pilipinas si Kevin ay patuloy pa rin ang lihim na relasyon nina Joy at Daryl. Habang patuloy ang pagtataksil ni Joy sa nobyo ay patuloy din nyang naipagkakaloob ang kanyang sarili kay Daryl.
Binalot ng konsensya ang puso ng dalaga, hanggang hindi na nya makayanan ang ginagawa nyang pagtataksil, isang araw ay hindi na nya napigilang aminin sa nobyo ang ang pagtataksil sa kanilang relasyon.
" Kevin may gusto akong ipagtapat sayo. " seryosong sabi ng dalaga ng minsang nakaupo sila sa isang park.
" Ano yon honey? Mukhang importante yang sasabihin mo ah, sige na sabihin mo na. "
" Hindi ko alam kung paano ko ito ipagtatapat sayo, pero talagang hindi ko na kaya, inuusig na ako ng aking konsensya. "
Pinabayaan lang sya ni Kevin sa pagsasalita.
" Habang nasa ibang bansa ka Kevin, labis akong nangungulila sa pagkakalayo natin. Hanggang sa nakilala ko si Daryl, naging malapit kami sa isa't-isa, naging sumbungan ko sya sa mga problema ko, lagi nya kong dinamayan pagmasama ang loob ko, at pinapasaya pag malungkot ako.
At dumating sa puntong nahulog na ang loob ko sa kanya. Ang pangungulila ko sayo ay sa kanya ko naibaling. Pinunan nya ang mga pagkukulang mo habang nasa ibang bansa ka.
Patawad Kevin, pero nagawa kong magtaksil sa relasyon natin. Hindi ako naging tapat sayo, nagawa kong lokohin ka, hindi ako naging matapat sa sumpaan natin na walang magtataksil sa pag-iibigan nating dalawang. Pero maniwala ka, mahal kita. Mahal na mahal. " at tuluyan ng nalaglag sa pisngi ni Joy ang mga luha sa kanyang mga mata.
" Pero . . . Mahal ko na din si Daryl , mali man isipin at tanggapin ang katotohanan , pareho ko kayong mahal. At ayoko ng ganitong pakiramdam. Na sa tuwing isa sa inyo ang kasama ko labis-labis ang bumabangong konsensya sa dibdib ko. " wala pa ring tigil ang pagbaha ang mga luha sa kanyang mga mata,pakiramdam ng dalaga'y mugtung-mugto na ang mga iyon.
Subalit kaylangan nya sabihin lahat kay Kevin ang nagpapasikip sa kanyang dibdib. At kahit ano pa ang kahihinatnan ng pagtatapat nyang iyon ay buong puso nya itong tatanggapin.
Muling nagsalita ang si Joy at nananatiling tahimik ang nobyo at matama pa ring nakikinig sa kanyang mga sinasabi.
" Para matapos na ang kalokohan kong ito, gusto ko ng tapusin ang naging kaugnayan ko sa inyong dalawa. Pakiramdam ko ay ang sama-sama ko, dahil parehas ko kayong nikoko. Ngayong nalaman mo na ang ginawa kong pagtataksil sayo Kevin, handa kong tanggapin anuman ang naging pagtingin mo sakin, tatanggapin ko kahit anong masasakit na salita ang sabihin mo. Pandirihan mo ko. Sabihin mong marumi akong babae, tatanggapin ko kahit masakit dahil iyon ang totoo. " patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha sa mga mata ng dalaga, naninikip na ang kanyang dibdib dahil alam nya sa mga oras na iyon ng pagtatapat nya kay Kevin ay tapos na ang lahat sa kanila. Nanghihinayang man siya sa relasyon nila na mauuwi lang lahat sila, nararapat lang iyon kapalit ng ginawa nyang pagtataksil.
Sandaling katahimikan ang namayani sa magkasintahang Kevin at Joy. Unang bumasag ng katahimikan ay si Kevin.
" Kahit hindi mo pa sinasabi yan ay matagal ko ng alam, nararamdaman ko sa tuwing magkasama tayo. "
Nagulat ang dalaga sa narinig mula sa nobyo at napatutop ang kanang kamay nito sa bibig.
" Anong ibig mong sabihing matagal mo ng alam? Paano mo nalaman? At bakit hindi mo sinabing may alam ka, bakit nagkunwari kang alam, bakit hinayaan mong magpatuloy pa rin ang relasyon natin? " ang sunud-sunod na tanong ng dalaga sa nobyo, labis pa rin ang pagtataka nito gayong alam na pala ay bakit nanatili lamang itong tahimik, bakit hinayaan pa nitong sya mismo ang magtapat sa kanya sa ginawa nyang pagtataksil?
" Lalaki din ako may pakiramdam sa tuwinang magkasama tayo ay palagi kang tahimik hindi ka naman ganyan dati Joy eh. Malalim lagi ang iniisip mo at parang wala sa sarili. "
" Alam mo?? Pero bakit hindi mo sinasabi sakin na alam mo na pala ha? Bakit Kevin? " tumaas na ang boses ng dalaga.
Muling nagsalita si Kevin. " Naiintindihan ko kung bakit nagawa mong ibaling sa ibang lalaki ang pagmamahal mo , dahil sa pangungulila mo sakin. Pero tapos na yon Joy, nandito na ko uli para punan ang mga pagkukulang ko sayo, hindi ka na muling mangungulila pa sakin, pangako hindi na kita iiwan pang muli, hindi na tayo muling magkakahiwalay. Kaya nagsawalang kibo ako , kahit alam kong nagawa mong makipagrelasyon sa iba dahil ayoko kong mawala ka sakin. "
" Anong ibig mong sabihin? "
" Tanggap ko na nagawa mo kong pagtaksilan dahil wala ako sa tabi mo. Kaya wag mong hilingin na layuan kita. Mahal na mahal kita Joy, at ikaw ang buong gusto kong makasama hanggang sa ako'y tumanda. Gusto ko kahit mapuputi na ang mga buhok natin, patuloy pa ring manatili ang pag-iibigan natin. Nalipasan man tayo ng mga panahon ngunit hindi ang pagmamahalan natin. "
Lalong napaiyak si Joy sa sinabi ng nobyo.
" Bakit mo sinasabi sa akin yan? Bakit mahal mo pa rin sa kabila ng ginawa kong pagtataksil sa relasyon natin? Pinagtaksilan kita Kevin, bakit gusto mo pa rin makasama habambuhay ang babaeng katulad ko? "
" Simple lang Joy dahil minsan na akong nabigo sa pag-ibig at nasaktan, kaya pinangako ko sa sarili ko na sa ikalawang pagkakataon ang babaeng muli kong mamahalin ay hindi ko na hahayaan pang mawala sakin. Gagawin ko ang lahat mapatunayan ko sa kanya na mahal na mahal ko sya at gagawin ko ang lahat wag lang ako iwan ng babaeng mahal ko. "
Labis na naguluhan si Joy sa mga nangyari, pagkatapos nyang magtapat kay Kevin sa kanyang ginawang kataksilan ay inaasahan nyang lalayuan na sya nito at kasusuklaman.
Subalit kabaliktaran ang nangyari , bagkus ay inunawa sya nito sa kanyang ginawa at nagmakaawa pa ito sa kanya na hindi nila pwedeng tapusin ang relasyon nila, kundi ay ipagpatuloy pa rin ang plano nilang pagpapakasal.
Nahihiwagaan si Joy sa pagkatao ni Kevin. Kakaiba ang pag-ibig na iniaalay nito sa kanya. Hindi niya maiwasang pagtimbangin ang pagmamahal ni Kevin at pag-ibig ni Daryl para sa kanya.
Ngunit sa huli nangibabaw ang pagmamahal nya para kay Kevin at nagpasyahan na nyang ipagpatuloy pa rin ang plano nilang pagpapakasal.
CHAPTER 4
ISANG umaga ay biglang nagising si Joy dahil nakaramdam sya ng biglang pagsama ng kanyang sikmura. Dali-dali syang bumangon sa kanyang higaan at nagtungo sa banyo at baka abutan pa sya ng pagsusuka . Naisip nyang marahil ay hindi siguro tinanggao ng kanyang bituka ang kinain ng kinagabihan.
Subalit sa pagsuka nya ay wala naman sya kahit anong inilabas sa kanyang mga kinain. Sinundan pa iyon ng ilang beses ang kanyang pagsusuka.
Bigla nyang naalala , dalawang buwan na syang hindi nagkakaroon ng buwanang dalaw. Laging matamlay ang pakiramdam , nahihilo at pananakit ng ulo.
Nagkaroon siya ng hinala at iyon ang kinatatakutan ni Joy. Gusto makomperma kung tama o mali ang suspetsa nya. Kaya ng araw ding iyon ay nagpasya syang magpacheck-up sa doctor.
Nang matapos syang eksamenin ay nakompirma nyang sya'y nagdadalang tao at dalawang buwan na iyon sa kanyang sinapupunan.
Muli ay bumangon na naman sa kanyang isip ang isang malaking katanungan , sino kina Kevin at Daryl ang ama na kanyang ipinagbubuntis ngayon? Pero sa huli ikinintal nya sa isip na si Kevin ang ama ng kanyang dinadala dahil ito naman talaga ang lalaking kanyang pakakasalan kaya hindi na dapat syang mag-isip ng kung ano pa man.
Naging buo na sa pasya ng dalaga na kailangan na nyang tapusin ang relasyon nila ni Daryl. Maraming beses nya itong pinag-isipan, kaylangan anuman ang maging desisyon nya ay hindi nya pwede itong pagsisihan. Para sa ikatatahimik nilang tatlo,
Nakipagkita si Joy kay Daryl, sinabi nya dito na tinatapos na niya ang relasyong namamagitan sa kanilang dalawa. Dahil nakapagdesisyon na sya kung sino ang napili nyang makasama sa buhay.
" Sorry Daryl . Narealize ko na mas mahal ko si Kevin at sya ang dapat kong pakasalan. Hindi ko puwedeng sayangin ang mga magagandang sandaling pinagsamahan namin ng dahil lang sa pagiging marupok ko. Inaamin ko na sa kanya ang naging relasyon natin . "
" Ano inamin mo na kay Kevin ang tungkol satin? " ang gulat na tanong ni Daryl sa kanya.
" Oo, inamin ko na sa kanya , at alam mo ba kung ano ang sinabi nya? Matagal na nyang alam ang tungkol satin , subalit hindi man lang sya nagalit sa ginawa kong pagtataksil sa kanya bagkus ay kanya pa itong inunawa kung bakit ko nagawa sa kanya ang bagay na iyon. Dahil sa pagkakalayo namin inunawa nya ko at sa kabila ng nagawa kong kataksilan sa kanya handa pa rin nya akong pakasalan. Isa pa magkakaanak na kami. "
" Ano, buntis ka? Sigurado ka bang sa kanya yang pinagbubuntis mo at hindi sakin? "
Madiing sinabi ni Joy na si Kevin talaga ang ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan , hindi si Daryl.
" Mahal na mahal kita Joy, hindi ko kayang mawala ka . Please , wag mo sakin gawin ito, pakiusap. "
Niyakap ni Daryl si Joy at sa pagkakataong iyon ay tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan sa harap ng babaeng pinakamamahal nya . Alam nyang mali ang pinasok nyang sitwasyon ang patuloy na mahalin ang babaeng pag-aari na ng ibang lalaki at ngayon nga ay nakatakda na ang araw ng kasal nito.
Ramdam din ni Joy ang pagmamahal na pinukol sa kanya ni Daryl, sapagkat kahit alam na nitong may nobyo na sya ay patuloy pa rin ito sa pagmamahal sa kanya na hiniling pa nga nitong ok lang sa kanya na dalawa silang lalaki sa buhay nya basta wag lang nya itong iiwan.
" Hindi ito pwede Daryl. Hindi maaaring dalawa ko kayong mahaling magkasabay, sa batas ng Diyos at sa batas ng tao isa itong mortal na kasalanan. Kaya masakit man tanggapin kailangan na nating tapusin ang lahat. " sa narinig ay kumalas si Daryl sa pagkakayakap sa kanya.
" Kung iyan na talaga ang pasya mo, hindi na kita pipigilan , kung iyan ang magpapasaya at ikatatahimik ng kalooban mo. Kung saan ka maligaya ay maligaya na rin ako. Basta tandaan mo , pagkinailangan mo ang tulong ko andito lang ako para sayo dahil ganyan ka kahalaga sakin. "
Nang mapag-isa si Joy ay naging palaisipan pa rin sa kanya ang pag-ibig ng dalawang lalaki na dumating sa buhay nya. Kapwa naging kahanga-hanga ang mga pag-ibig nito sa kanya. Ang isa ay handa pa rin syang tanggapin sa kabila ng pagtataksil nyang nagawa at ang isa nama'y handang magparaya para sa kanyang ikakasaya. Kaya sa huli si Kevin pa rin ang kanyang pinili ayaw nyang masayang ang maliligayang araw na pinagsamahan nila.
Sinabi na rin nya rito ang kanyang pagdadalang-tao. Gaya ng inaasahan ay tuwang-tuwa si Kevin sa nalaman at sabik na ito na dumating na agad ang araw ng kanilang kasal.
Dalawang araw bago ang kasal nina Kevin at Joy ay parehas silang excited na dalawa sa pagdating ng araw na iyon , idagdag ang pagdadalangtao ni Joy kaya halos wala ng pagsidlan ang katuwaan nilang nadarama. Isa na silang ganap na magulang at kapag nakasal na sila ay matatawag na silang isang buong pamilya.
Napagkasunduan ng magkasintahan na sa mga magulang ni Joy muna sila pansamantalang manunuluyan habang ginagawa pa ang kanilang dapat na tirhan na kalapit din ng magulang ni Joy. Total naman daw ay nag-iisang anak si Joy ay malulungkot ang mga magulang nito kung mapapalayo pa ang nagsosolong anak kaya humiling ito sa mamanugangin na wag ng ilayo si Joy. Inunawa naman iyon ni Kevin , kungsabagay hindi na rin sya nag-aalala sa ina kung sakaling magkasakit man ito dahil may mga kapatid naman syang mag-aasikaso kay Aling Evelyn.
Isang simpleng wedding lang ang napagplanuhan nila Joy at Kevin. Hindi nila kailangan ng magarbong paghahanda sa kasal dahil ang importante sa kanila ay ang pagiging legal ng pag-iisang dibdib nilang dalawa.
Ang pinakamasayang sandali para sa kanilang magcouple, sa mga magulang nila at mga malalapit na kaibigan na kasama at magiging saksi sa panunumpa nila sa harap ng altar na sila'y magsasama sa hirap man o sa ginhawa.
Samantalang ang wedding dress naman nila ay bumili na lang sila sa Divisoria sa isang boutique.
" Tingnan mo honey,bagay ba sakin itong weddinh gown na suot ko? " wika ni Joy sa nobyo.
" Oo honey, bagay na bagay sayo yang wedding gown na suot, lalo kang gumanda sa suot mong yan honey. " ang may pagmamalaking tugon ng nobyo , hangang-hanga ito sa kanyang house to be wife ng pagmasdan sa suot nitong wedding gown ,hindi mahaba ang manggas, hindi rin mahaba ang laylayan nito, puting-puti at sukat na sukat sa katawan ni Joy.
Kitang-kita ang hubog ng katawan nito sa wedding gown, kahit na buntis na ng dalawang buwan ay hindi pa naman maumbok ang kanyang tiyan.
" Hmmp.. totoo honey? Ito na ang napili kong wedding gown para sa araw ng kasal natin. Oh,ikaw naman ang pumili ng isusuot mo sa kasal natin honey. "
" Sige honey, maupo ka muna dyan at magtitingin-tingin muna ako ng babagay sakin. "
Ilang sandali lang ay nakapamili na ng isusuot pangkasal si Kevin. Tuxedo ang napili nya na isuot at bumagay din iyon , lalo itong naging gwapo sa suot.
" Wow! Ang gwapo naman ng magiging husband to be ko. " masayang wika ni Joy .
Pagkatapos nilang makapamili ay binayaran na nila ito sa counter , ginabi sila ng pamimili kaya bago umuwi ay dumaan muna sila sa isang fastfood para kumain dahil sa maghapon nilang pamimili para sa kakailanganin bago dumating ang araw ng kanilang kasal.
CHAPTER 5
DUMATING ang araw na pinakaaasam, ang takdang-araw ng kanilang kasal. Ilabing-isa ng umaga mag-uumpisa ang seremonya ng kasal. Masayang-masaya ang mga magulang nina Kevin at Joy, pati na rin mga kapatid Kevin.
Ilang sandali ng paghihintay ng groom sa kanyang bridal ay di nagluwat ay may huminto ang bridal car, pagbukas ng pintuan nito ay ang paglitaw ng ulo na may makapal na belo , ang maganda ngunit napakasimple wedding gown ay nakapagbigay ng attraction ito sa mga tao sa simbahan.
Nagmistulang anghel si Joy na ibinigay ng langit para kay Kevin dahil napakaganda nito sa suot nyang wedding gown. Si Aling Matilde naman ay hindi mapigilan ang pagpatak ng luha dahil sa wakas ikakasal na rin ang nag-iisang anak nilang babae, magkakaroon na ito ng sariling buhay.
Napansin yon ng kanyang asawa na si Mang Kanor.
" Ano ka ba Matilde kasal ng anak natin, huwag ka ngang gumawa ng eksena dyan, may paiyak-iyak ka pa dyan. "
" Eh pakialam mo ba, sa naiiyak ako eh, biruin mo parang kaylan lang benebaby pa natin yang si Joy, ngayon ikakasal na at magkakaroon na tayo ng apo. "
" Kuhhh... tigilan mo yang kakadrama mo para namang malalayo satin ang anak , pansamantalang sa bahay muna natin sila titira habang nagpapatayo sila ng matitirhan sa katabi din nating lote ,hindi tayo iniwan ng anak kundi nadadagdagan pa at magkakaapo na tayo. Ayusin mo na yang mukha mo at mag uumpisa na ang seremonya ng kasal ng anak natin. " ang sabi pa ni Mang Kanor sa asawa.
Magsisimula na ang kasal. Walang sinuman ang nagbalak na gumambala sa seremony ng kasal.
Subalit sa isang sulok ng simbahang iyon ay nanduon na nakakatitig ang malungkot na mukha ni Daryl na nakatingin sa babaeng kanyang pinakamamahal na patunay lamang na simula sa araw ay hindi na niya kaylanman magiging kanya. Na ang babaeng minsan nyang minahal ay magmula rin sa araw na itoy pag-aari na ito ni Kevin ang lalaking pinili ni Joy na makasama sa buhay.
Hindi na napigilan pa ni Daryl ang tagpong iyon , agad na nyang nilisan ang simbahan.
Paalam Joy! Paalam aking mahal. Hangad ko ang iyong kaligayahan , alam kong mahirap din sayo ang pagpapasya kung sino ba sa amin talaga ang dapat mong piliin. Tama ka , hindi pwedeng pagsabayin ang pagmamahal mo sa aming dalawa. Tama lang na sya ang pinili mong pakasalan dahil mas nauna sya sakin dumating sa buhay mo, at nag-alay ng pagmamahal sayo.
Mahal kita ,kaya iginagalang ko ang naging pasya mo, siguro ito ang kapalaran ko ang maging bigo sa pag-ibig ko sayo. Kaya simula sa araw na ito magpapakalayu-layo na ako sa inyong dalawa. Gusto kong makalimutan ang naging kabiguan ko sa pag-ibig sayo.
Sinimulan ng paandarin ni Daryk ang kanyang side car, nakapagdesisyon na babalik na lang sa kanilang probinsya sa Bicol. Magtatayo na lang siya ng maliit na negosyo sa palengke galing sa kanyang naipon mula sa pamamasada ng taxi sa Maynila. Sa probinsya nila makakalimutan kahit pansamantala si Joy sa tulong na rin ng kanyang pamilya.
Samantala sa simbahan. . . . . .
" Ikaw Kevin , tinatanggao mo ba si Joy bilang iyong asawa , na mamahalin sa hirap o ginhawa? " tanong ng pari.
" Opo Father. " mabilis na sagot ni Kevin.
" Ikaw Joy, tinatanggap mo ba si Kevin bilang iyong asawa, na mamahalin sa hirap O ginhawa?"
" Opo Father. " mabilis at nakangiting katugunan ni Joy sa tanong sa kanya ng pari.
Matapos nilang maisuot ang singsing sa kanilang mga daliri ang isang bagay ang tanda ng pag-iisang dibdib nila ng mga sandaling iyon saksi ang kanilang mga magulang , mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan .
" And now, may I pronounce you husband ang wife , you may kiss the bride. " pagtatapos ng pari sa seremonya ng kasal.
Pinuno ng mga nakakabinging palakpakan ang loob ng simbahan.
May naghagis sa itaas ng mga bulaklak sa bagong kasal.
Ilang sandali pa ang mga nagkikislapang ilaw mula sa isang photographer na kumukuha ng litrato kina Joy at Kevin.
Maya-maya pa tinawag na ang mga kamag-anak na bagong kasal para makunan ng litrato , ang huli ang mga malalapit na kaibigan na kasama din sa programa ng kasalang iyon.
Hindi nagtagal ay nilisan na nina ng bagong kasal ang simbahan at nagpunta na sa wedding reception sa isang hotel , nagpacatering na rin sila para hindi na maging abala ang pagluluto para sa pakain sa mga bisita. Nakatulong rin ang perang ineregalo ng mga magulang ni Joy sa kanyang kasal , iyon ang ginamit nilang pambayad sa pagpapacatering.
Mga masasarap na pagkain ang mga nakahain duon, medyo may kamahalan man ang ibinayad ay sulit na sulit naman.
Enjoy na enjoy ang lahat sa selebrasyong iyon. Walang humpay ang mga pagbati kina Kevin at Joy sa kanilang kasal. Lahat ay hangad ang kanilang kaligayahan bilang bagong kasal at ang pagbigay na rin ng payo na kahit anong pagsubok man ang dumating ay maayos nila itong pag-usapan , bagkus ay pairalin nila ang pang-unawa , pagpapasensya at ang pag-ibig na nagbubuklod sa kanilang dalawa. Batid na rin ng mga ito na nagdadalangtao na si Joy dahil medyo maumbok na ang tiyan nito , nasa apat na rin naman kasi ang pinagbubuntis nito, at nawa'y maging isang malusog na bata ito isilang.
Natapos ang selebrasyong iyon, unti-unti nang nagsiuwian ang mga bisita nila. Ang tanging naiwan na lang ay ang mga magulang ng bagong kasal at mga kapatid ni Kevin.
Ang pulot gata nila ay sa mismong sa hotel na rin iyon gaganapin nina Kevin at Joy. Tatlong araw ang pinaserve nilang pag-stay , para masolo nilang dalawa ang kanilang paghohoneymoon.
Lumipas ang mga buwan malaki na ang tiyan ni Joy, at ayon sa doctor ay lalaki ang magiging anak nilang mag-asawa.
Maayos ang naging takbo ng pagsasama ng mag-asawa. May sarili silang negosyo na isang hardware hindi kalayuan sa kanilang lugar. Si Kevin ang namamahala sa , araw-araw syang nagpupunta duon. Malakas ang kita ng negosyo nilang hardware , samantalang ang ina naman ni Kevin ay may sarili ng pwesto sa palengke ,isang maliit na canteen, malakas din kinikita nito sa araw-araw ,ubos lahat ang mga nilulutong pagkain , dahil bukod sa mura na eh masarap pa.
Si Genelyn naman ay agad na nakapasok ng trabaho pagkagraduate nito ng college. Kaya nakaluwag-luwag na sa buhay ang pamilya ni Kevin , malaking tulong talaga ang ginawa nyang pag-aabroad para makaahon sila sa kahirapan.
Kabuwanan na ni Joy , anumang oras ay pwede na syang manganak.
" Naninigas na naman ba ang tiyan mo Joy? Panay na naman ang himas mo dyan sa tiyan mo. " sabi ni Aling Matilde.
" Oho nay, parang lalo yata ang pagtindi ng pagsakit. Teka. . . aray... ang sakit na talaga inay, patindi na ng patindi ang pagsakit. "
" Ganon ba anak, baka nga manganganak ka na, di ba nga kabuwanan mo na ngayon? Aba , anong oras na ba dapat nakauwi na ang asawa mo ah , bakit wala pa sya dito sa bahay? "
" Eh kasi Inay di ba Valentines Day ngayon, eh ang taong yon hindi maubusan ng kasweetan ibibili nya raw ako ng flowers at chocolates, kaya sigurado dumaan muna yon ng mall. "
" Naku swerte ka talaga dyan sa asawa mo mabuti at nakapagdesisyon kang siya ang pinili mo at hindi si Daryl. "
" Si Inay talaga manganganak na lang ako binabanggit mo pa tungkol sa minsan kong pagkakamali, pinagsisihan ko na ang bagay na yon , mabait lang talaga ang asawa ko nagawa nya kong patawarin sa nagawa ko sa kanya. "
" Wala naman akong masamang intensyon anak sa sinabi ko , nabanggit ko lang iyon dahil sa nakikita kong pagsisikap ng asawa mo lalo na ng ikasal kayo , matindi ang pagsisikap nya para sa pamilya nyo. " wika pa ng ina ni Joy.
" Ay Inay kalimutan na nga natin yon, total naman ay wala na rin naman si Daryl umuwi na sa probinsya nila, ibaon na lang natin sa limot ang lahat. "
" Tama ka anak, pasensya na uli sa sinabi ko. "
Minsan pa napangiwi si Joy dulot ng wala pa ring tigil na pagsakit ng kanyang tiyan , napaupo ito sofa napansin naman iyon ni Aling Matilde.
" Okay ka lang ba anak? Baka manganganak sabihin mo lang dadalhin ka na namin sa ospital ng Itay mo. " nag-aalang sabi ni Aling Matilde.
Saktong pagdating ni Kevin dala ang bulaklak at tsokolate para sa kanyang misis ng pagpasok nya sa kanilang sala ay naabutan nyang namimilipit na sa sakit ng tiyan ang kanyang asawa.
" Andyan ka na pala Kevin,kanina ka pa hinihintay ng asawa mo ,panay panay na ang pananakit ng tiyan nya , eh hindi naman namin maisugod sa ospital ng itay Kanor mo kung di pa naman manganganak yang asawa mo. " sambit ng matandang babae.
Nag-aalala namang tiningnan ni Kevin ang asawa , kaya agad syang tumabi dito.
"Ayos ka lang ba honey, baka manganganak ka na nga niyan , napapadalas na yang paghilab ng tiyan mo. "
" Manganganak na nga yata siguro ako honey, hindi. . . hindi ko na. . . hindi ko na kaya. . . ang pananakit ng tiyan ko. . ahh. . dalhin nyo na ko sa ospital , hindi ko na talaga kaya, pakiramdam ko lalabas na ang bata. " ang nahihirapang sabi ni Joy sa asawa.
Nataranta naman si Kevin sa pagkarinig na manganganak na nga ang kanyang asawa.
Magkahalong pagkasabik at pag-aalala ang kanyang nararamdaman. Pagkasabik dahil sa wakas isisilang na ang magiging anak nila at pag-aalala sa asawa dahil nasasaksihan nya kung paano maghirap ito sa panganganak.
" Inay dalhin na natin sa ospital si Joy ,lalabas na raw ang bata. " natatarantang sabi ni Kevin.
" Ha? Lalabas na raw ba? Sandali tatawagin ko lang sa kwarto ang itay mo. "
" Ako na po ang tatawag inay , tumawag na lang po kayo ng tricycle para may masakyan tayo agad papuntang ospital, ihahanda ko na rin ang mga dadalhin. "
Maayos na naihatid sa ospital si Joy, kanyang isinilang ang isang malusog na sanggol. Wala naman pagsidlan ang kaligayahan ng mag-asawang Kevin at Joy sa wakas ay isa na silang ganap na magulang.
Ganoon ang katuwaan ng mga magulang nila sa kanilang unang apo. Kasalukuyang bumibili ng makakain ni Joy si Kevin sa labas ng ospital dahil may maliit duong karenderya ng may tumawag sa kanyang pangalan.
"Kevin , sandali. " wika ng isang babae.
Hindi maaaring makalimutan ni Kevin ang tinig na iyon, kaya naman para syang napako sa kinatatayuan , gusto nya masiguro kung tama ang kanyang suspetsa,kaya walang pag-aatubiling nilingon nya ang nagmamay-ari ng boses na iyon sa isang babae.
CHAPTER 6
HINDI makapaniwala si Kevin ng masiguro nya kung sino ang babaeng tumawag sa kanyang pangalan.
Malaki na ang pinagbago nito hindi na ito tulad ng huli silang magkita .
" Monica, ikaw ba yan? " ang takang tanong nito sa babae.
" Oo ako nga Kevin, kumusta ka na? Lalo ka yatang gumugwapo ah. "
" Heto ok lang naman , ikaw kumusta ka na rin , parang pumayat ka yata lalo. "
" Oo nga eh , nangangayayat sa problema. Ah. . Kevin pwede ba tayo mag-usap sandali? "
" Oo naman, gusto mong kumain muna tayo bago tayo mag-usap? "
" Sige medyo nagugutom na nga ako eh. " nahihiyang sabi ni Monica .
Habang kumakain sila ay kapansin-pansin para kay Kevin na halos isunud-sunod na subo ni Monica ang inorder nilang pagkain, samantalang sa kanya ay hindi nya halos nababawasan ang inorder nyang kanin at menudong ulam at kay Monica naman isang kanin din at adobong ulam. Natapos na itong kumain ngunit sya'y hindi pa, sa tingin nya ay kinakapos ito ng budget sa pagkain.
" Salamat Kevin ha? Ang sarap talaga ng kain ko , hindi pa kc ako kumakain mula ng umalis ako ng bahay kanina. "
" Wala iyon. Kumusta ka na ngayon? "
Biglang sumeryoso ang mukha ni Monica at ang kapansin-pansin na pagkalungkot nito.
" Heto habang buhay ko na yatang pagdudusahan ang ginawa kong pag-iwan sayo nuon. "
" Anong ibig mong sabihin? " ang takang tanong ni Kevin.
" Mula ng sumama ako kay Daryo naging meserable ang buhay ko, akala ko pagsumama ako sa kanya at iniwan kita ay makukumpleto na ang buhay ko , pero mali pala. Lalo ko lang pinagdusahan ang ginawa kong kasalanan sayo Kevin. Sana mapatawad mo pa ako. " at tuluyan ng bumuhos ang luha ni Monica , wala na syang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao sa lugar na iyon.
" Matagal na kitang pinatawad Monica, mula pa ng magpasya kang iwan ako ay hindi ako nagtanim kaylanman ng sama ng loob sayo. "
" Oh salamat , talagang napakabuti mo Kevin, sayang dahil sinayang ko ang lahat satin , sayang at. . . " subalit hindi na nya naituloy pa dahil pinigilan na sya ni Kevin sa sasabihin pa sana nya.
" Tama na Monica , nakaraan na yon,kalimutan na natin ang lahat ng mga hindi magandang nangyari nuon sating dalawa. "
" Salamat Kevin , napakabait mo talaga . Ano nga pa lang ginagawa mo dito sa ospital. " tanong ni Monica.
" Ah. . . Ano kasi. . . Nanganak kasi yong ang asawa ko. " ang kandaputol na sambit ni Kevin,hindi ito makatingin ng deretso sa kanya.
Lumungkot bigla ang mukha ni Monica sa narinig na salitang iyon sa lalaking dati nyang minahal at di nagtagal ay nagpasya na muna silang maglive-in nuon habang nag-iipon pa ng pampakasal nila.
" Nag-asawa ka na pala uli , ang swerte siguro ng babaeng iyon at ikaw ang lalaking napaibig nya. "
" Mali ka Monica, ako ang swerte sa kanya dahil ako ang lalaking pinili nyang pakasalan at makasama habambuhay. " sabi pa ni Kevin.
Hindi na pinayagan pa ni Kevin na humaba pa ang usapan nilang dalawa ni Monica, ang babaeng naging naging kalive-in nya nuo. Si Monica din ang kanyang naging first love. Kaya ganon na lang ang sakit na kanyang naramdaman ng sumama ito sa ibang lalaki at iwan sya.
Hindi nya masisisi ito sa ginawa , batid nya sa sarili na kahit lahat ng pwedeng pagmamahal na iparamdam nya rito ay may kulang pa rin na isang bagay na kaylanman ay hindi nya kayang ipagkaloob sa babae.
"Sige Monica ,magpapaalam na ko sayo ha? Baka kasi hinihintay na ko ng asawa ko eh. "
" Ganon ba? Teka sandali kang kelan ka pa nag-asawa?
" Bago lang, magpipitong buwan na kaming kasal , pero limang taon na kaming magkasintahan ni Joy "
Joy pala ang pangalan ng napangasawa ni Kevin , maswerte sya at si Kevin ang napangasawa nya. Sayang at sinayang ko lang naging relasyon namin, kung naging kontento lang sana ako , kung hindi ko sana sya hinanapan ng hindi nya kayang ibigay sakin , sana kami pa rin ngayon. Magsisi man ako huli na ang lahat , nasaktan ko na sya at kaylanman hindi na muling kami ay magkabalikan, meron na palang nagmamay-ari ng puso nya.
" Ahmm. . Kevin , salamat nga pala uli sa lahat lahat ng ginawa mo sakin sa kabila ng malaking kasalanan ko sayo , nagawa mo kong patawarin. "
" Ano ka ba Monica ? Sabing ok lang yon, kung ang Diyos nga nakakapagpatawad ako pa kaya ang hindi. Naiintindihan ko kung anong dahilan at nagawa mong iwanan ako dahil ako ang may pagkukulang sayo hindi kita mabigyan ng anak kaya naghanap ka ng ibang lalaki na makakapagkompleto ng kakulangan ko sa buhay mo. "
" Iyon ang malaking pagkakamali kong nagawa mula ng sumama ako kay Daryo sa una lang ako naging masaya , pero ng dinadala ko na ang aming anak ay bigla na lang syang nagbago , palagi syang lasing umuuwi ng bahay, lagi pa syang nagdadala ng babae sa mismong pamamahay namin, kapag may naririnig syang reklamo buhat sakin agad nya kong pinagbubuhatan ng kamay kahit buntis ako. Ang pinakamasakit sa lahat namatay din ang anak namin dahil sa kapabayaan nya. "
Nakaramdam ng pagkahabag si Kevin sa babaeng dati nyang lubos na minahal , kung naging matibay lamang ito sa relasyon nila marahil si Monica pa rin san ang kasama nya ngayon at si Monica sana rin ang naiharap nya sa altar.
Tanging si Kevin lang ang nakakaalam ng buong katotohanan na ang pinagbubuntis ni Joy bago sila ikasal ay hindi siya ang ama. Lihim syang nasaktan dahil nagbunga ang minsang pagtataksil sa kanya ni Joy. Pero mahal na mahal nya si Joy ayaw nya mawala pa sa kanya muli ang pangalawang babaeng mamahalin nya.
Nangako sya sa sarili mula ng magkahiwalay sila ni Monica na ayaw na nya muling maranasan ang maiwanan.
CHAPTER 7
"HI honey, bungad ni Kevin sa asawa ng makapasok sa okopadong kwarto ng ospital. Katabi nito ang isang malusog na sanggol na isinilang ng kanyang asawa. Lihim pa rin na sasaktan si Kevin dahil ang sanggol na iyon ang naging bunga sa ibang lalaki ng kanyang asawa, subalit mas matimbang pa rin ang pag-ibig kaysa sa panibugho.
" Ano ba yang pinamili mo at parang natagalan ka yata sa labas honey, kanina pa ako nagugutom eh. "
" Ah kasi naghanap pa ako ng mabibiling prutas at makakain na rin, wala ako mapili dyan sa karenderya sa labas. Kaya naglakad-lakas muna ako, ayun medyo na palayo nga lang ako kaya ngayon lang ako nakabalik. " pagsisinungaling ni Kevin sa asawa ,ayaw nyang malaman nito na nagkita sila ni Monica at ayaw din nya ipaalam kay Monica na kapapanganak lang ng asawa nya dahil si Monica lamang ang nakakaalam ng kanyang lihim na isa syang baog na kahit kailan hindi nya kayang makapagbigay ng anak sa babae.
" Oh parang ang lalim yata ng iniisip mo, may gumugulo ba sa isipan mo honey? "
" Wala. Walang gumugulo sakin honey, ang iniisip ko lang ay kung ano magiging pangalan ng baby boy natin honey. "
" Iyon lang ba? Teka, ano nga kayang magandang ipangalan . . . . may naisip na ko kung
JOSHUA na lang kaya ang ipangalan natin,o di ba maganda naman ang pangalang yon, ano sa palagay mo? "
",Sige baby JOSHUA na lang ipangalan natin sa baby natin . " pagsang-ayon ni Kevin.
AFTER 5 years
" Joshua anak , ano ba bilisan mo dyan at malalate ka na sa school mo. " sabi ni Joy sa anak .
" Sandali lang po Mommy , magkikiss lang po ako kina lolo at lola. " sagot ng batang si Joshua.
" Bye po Lolo ,bye Lola, papasok na po ako sa school. "
" Sige apo mag-iingat ka ha. " saad ni Aling Matilde sa kanyang apo, naaaliw ito kay Joshua , dahil sa murang edad ay napakabibong bata.
"Oh nakapagpaalam ka na ba sa kanila Joshua? "
" Opo Mommy , oh nasa labas na ang yaya Huling mo kanina ka pa inaantay , sige na umalis na kayo at malalate na kayo sa school. "
" Opo. Bye mommy mwaahh."
" Bye baby."
Nang makaalis na ang school bus ni Joshua ay napansin ni Joy na may kanina pang babae na nakatingin sa kanya ng mapansin nitong wala na si Joshua ay lumapit ito sa kanya.
" Hi ! Ikaw ba si Joy? " bating tanong nito sa kanya. "
" Oo ako nga si Joy , sino ho sila ? "
"Ako si Monica ang dating naging kalive-in ni Kevin, hindi ako magtatagal may sasabihin lang ako. " ang sabi nito sa kanya.
Nang makaalis na ang babae ay naiwang tulala si Joy, inakala pala nitong nag-ampon sila ni Kevin na si Joshua. Nalaman din nyang hindi pwedeng magkaanak si Kevin dahil baog ito at yon ang dahilan kung bakit iniwan ito nuon ni Monica.
Nang dumating ang kanyang asawa ay agad nya itong kinausap. Matagal na pala nitong alam na hindi sa kanya ang pinagbubuntis nya bakit hinayaan nyang angkinin pa rin ang anak nya sa ibang lalaki .
" Bakit Kevin? Bakit ka naglihim? Matagal mo na palang alam na hindi mo anak si Joshua, kahit ako hindi ko rin alam na si Daryl pala ang ama ni Joshua. "
" Hindi mahalaga sakin kung anak ko man o hindi si Joshua, ang importante sakin kasama kita Joy , ayokong mawala ka sa buhay ko dahil mahal na mahal kita. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na muling hahayaang mawala pa ang babaeng mamahalin ko. Ngayong nalaman mo na ang katotohanan sana wag mo kong iwan Joy, wag ninyo akong iwan ni Joshua ,mahal na mahal ko kayong mag-ina. "
Napaiyak na ng tuluyan si Joy sa harap ng asawa.
" Patawarin mo ko Kevin. Patawarin mo ko sa ginawa kong pagtataksil sayo nuon. "
" Wala kang dapat ihingi ng tawad , ang mahalaga magkasama na tayo at di na magkakahiwalay pa , mangako kang hindi nyo ko iiwan ni Joshua. Mangako ka Joy. "
" Oo pangako hindi ka namin iiwan ni Joshua. " pagkasabing iyon ay masuyo syang hinagkan sa labi at niyakap ng buong higpit ni Kevin.
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment