Teaser:
"Pinapalaya kita, hindi ibig sabihin hindi na kita mahal. Ang pagmamahal ko sayo kaylan man ay hindi mawawala!"
VIELLE CASTRO, she's the girl with full of dreams, full of confident. Minsan nagmahal ngunit sakit ang naging kapalit.
JASON AREBALO, lalaking may obligasyon na kailangang tuparin, para sa kaniyang pamilya. Hindi inaasahang natagpuan ang tunay na pag-ibig sa babaing nagparamdam sa kaniya na masarap pala ang maging malaya.
ROCS ALINDAO, ang babaing walang hinangad kundi ang pakasalan ang lalaking mahal niya.
Sa pagtatagpo ng kanilang landas, sino ang magpaparaya? Sino ang mgiging luhaan? At ano ang kahihinatnan ng FORCE MARRIAGE?
CHAPTER 1
"OVER-TIME kana naman Vielle?" tanong ng matalik na kaibigang si Angel mae.
"Oo! Sayang ehh, saka wala din naman akong gagawin sa bahay, nangungunsumi lang ako kay nanay." sagot ng dalaga sa kaibigan.
"Kung wala kang gagawin! ehh di magpahinga ka! Subra mo nang inaabuso ang katawan mo baka magkasakit kana niyan?" may pag-aalalang paalala ng kaibigan.
"Don't worry kaya ko pa naman."
"Sige! Ikaw bahala. Mauna na ako sa'yo."
"Mag-ingat ka."
Kumaway ito bago tuluyang umalis.
Itinuon niya ang pansin sa pag che-check ng mga produkto.
Isa siya sa mga checker sa isang grocery store. Nag che-chek ng mga paninda nila kung kaylan ang expiration date at kung ano ang produkto na wala.
Nakapagtapos siya ng Accountancy ngunit sa hirap ng ekonomiya ng Pilipinas, napakahirap sa isang tulad niya ang makapaghanao ng trabaho. Kaya kahit ganitong trabaho pinasukan niya, para may pagkukunan siya ng panggastos nilang mag-ina.
"Vielle, breaktime ka muna! Naku napaka sipag mo talaga. Swerte ang mapapangasawa mo." ano ng kanilang head.
"Naku ma'am, wala pa po 'yan sa isip ko. Sa ngayon po, kailangan kung magsumikap ng hindi magutong." nakangiti niyang saad dito.
"Napaka bait mo talagang bata ka! Hala! Kumain ka na muna at ako na diyan sa ginagawa mo."
"Salamat po, pero nakakahiya naman po."
"Naku! Ayaw ko ng hiya-haya." anito at inagaw ang kaniyang ginagawa.
Nginitian niya ito bago umalis. Sa ikli ng panahon na pinagsamahan nila ng manager niya, napakagaan ng loob niya dito. Subrang bait at mapagbiro pa.
Matapos kumain, balik trabaho uli't ang dalaga. Sa edad niyang beinte kwuatro ni hindi niya naranasan ang nararanasan ng mga kaedaran niya. Ang gumala? Pumunta sa disco? Makikipagkaibigan? Wala sa bokabularyo ng dalaga. Bawat oras, bawat araw ay mahalaga para sa kaniya.
Natapos ang kaniyang sixteen hour's na trabaho. Pagod at puyat ang dalaga. Ngunit pag dating niya sa kanilang tahanan, parang gusto niyang umiyak.
Ikaw ba naman nag trabaho at halos walang pahinga pagdating mo, ito ang madadatnan mo. Kalat sa sala, kalat sa kusina. Akala mo hindi bahay ng tao, sigurado siyang naglasing na naman ang kaniyang ina at nagwala.
"Ohh! Andiyan kana pala. Bilisan mo na at nagugutom na ako!" pupungas-pungas na saad ng kaniyang ina.
"Nay naman! Ano na naman ang ginawa mo sa bahay? Pagod na nga ako sa katatrabaho, ito pa ang mararatnan ko!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Ahh ngayon nagrereklamo kana? Sino ba naman kasi nagsabi sayo na 'yang pesting trabahonng 'yan ang pasukan mo?" pasigaw nitong sabi.
"Nay, hindi ako nagrereklamo, sa akin lang naman po sana, kahit naman po sa paglilinis ng bahay matulungan ninyo ako. O kahit po hindi nalang kayo maglinis, basta huwag 'yong ganito."
"Gagawin ko kung ano ang gusto ko! Kung ayaw mo akong kasama malaya kang makakaalis!" anito sabay talikod.
Naiwang umiiyak ang dalaga, araw-araw ng buhay niya ganito nalang. Kung ituring siya ng kaniyang ina ay parang hindi anak.
Inilapag niya ang dalang bag at nag simulang naglinis at ipinagluto ng pagkain ang kaniyang ina.
Minsan tinatanong niya sa sarili, saan ba siya nagkulang bilang anak? Simula nang nagkamulat siya, ginawa niya na lahat para lang maipagmalaki siya ng kaniyang ina.
Siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng kaniyang umaong ama. Pitong gaong gulang lamang siya ng nasagasaan ang kaniyang ama. Sinalo nito ang kamatayan na dapat sana ay para sa kaniya.
Simula noon, walang araw, walang oras na isumbat sa kaniya ng ina kung bakit nagkaganito ang buhay nila.
"Tay, kung saan kaman. Gabayan po ninyo ako. Sana po malampasan ko ang lahat nang ito, sana bukas okay na ang lahat." lumuluha niyang sambit habang nakatitig sa larawan ng kaniyang ama.
Nakatulugan niyang yakap ang larawan ng ama.
"BRO, minsan gala naman tayo." yaya ng kaibigan ni Jason.
"Naku bro, daming kung kailangang gawin. Saka kailangan kung umuwi ng maaga at family dinner namin ngayon." tanggi niya dito.
"Sige bahal ka!" anito at tuluyang lumabas sa kaniyang opisina.
Napasandal siya sa napapikit. Ganito nalang ba parati? Trabaho bahay, bahay trabaho. Hindi niya na ata kilala ang mga mukha ng mga kaibigan dahil sa mga responsibilidad niya sa pamilya.
"Sir, tumawag po ang mama ninyo kung anong oras daw ba kayo uuwi? Tinatawagan po kayo pero na off po ang cellphone ninyo." pukaw ng kaniyang secretarya.
"Salamat Mercy. Tatawagan ko nalang siya." aniya dito.
"Sige po sir."
Hinanap niya ang kaniyang tawagan. Naka off pala ito, nakalimutan niya e-on. Kapag nasa meeting kasi siya pinapatay niya para walang disturbo.
"Hello mama?"
"Hijo, kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Ikaw nalang ang wala, at andito si Rocs." ani ng ina sa kabilang linya.
"Sige po at uuwi na ako, madami po kasi akong inasekaso." magalang niyang sagot.
"Hala't bilisan mo."
"Opo!"
Kinuha niya ang jacket at mabilis inayos ang kaniyang sarili.
"Mercy!" tawag niya sa secretaryang tutol na tutok sa ginagawa.
"Yes sir?"
"Ikaw na bahala dito, total malapit na uwian, huwag kana munang mag-over time. Nagmamadali ako!" bilin niya dito.
"Sige po sir. Ingat!"
Mabilis niyang narating ang parking lot kung saan naka park ang kaniyang sasakyan.
Nagpatugtog habang binabagtas ang kahabaan ng Edsa.
NAALIMPUNGATAN ang dalaga sa tunog ng kaniyang alarm clock.
Antok man ngunit kailangan niyang bumangon at magbanat ng buto.
Sanay na siya sa ganitong routine. Halos tatlong oras lang ang kaniyang tulog, deritso sa maliit na banyo at naghilamos.
Kailangan pa niyang magluto ng babaunin.
"Gising kana pala!" boses ng kaniyang ina na kampanting nakaupo at nanonood ng t.v.
"May pasok po ako." maikli niyang sagot.
"Habang tulog ka, galing dito ang kahera! Kailangan mo nang bayaran ang upa ng bahay at kuryente."
Oo nga pala, katapusan na, bayaran na naman.
"Bukas nalang po at baka mamaya ibibigay ang sahod ko."
Mabilis niyang tinapos ang paghahanda ng pagkain. Naligo at nagmamadaling umalis. Thirty munites nalang at malalate na siya.
Medyo malayo layo pa ang kaniyang trabaho.
Dahil sa traffic bumaba ang dalaga at mabilis ang bawat hakbang. Kung hihintayin niya ang jeep na umusad baka abutin siya ng biyernes santo at mapatalsik pa siya sa trabaho.
Saktong liliko ang binata sa kaliwang bahagi ng may biglang tumawid. Huli ng nakabig niya ang manebila ng kaniyang sasakyan.
"Ohhh God!" sambit niya at mabilis na bumaba.
Isang babae ang nakahandusay sa daan. Nakasuot ng blue na maong pants at simpling tshirt lamang.
Pinulsuhan niya ito, nang siguradong buhay at humihibga pa mabilis niya itong sinakay at sinugod sa pinakamalapit na hospital.
Kinakabahan ang binata, hindi niya alam ang gagawin o tatawagan.
Palakad-lakad siya sa labas ng emergency room habang hinihintay ang paglabas ng doktor na sumuri dito.
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" bungad ng doktor.
"Ako po ang nagdala sa kaniya dito." agaran niyang sagot.
"Okay na siya, mabuti at hindi gaano kalakas ang pagkabangga sa kaniya. Ililipat na siya sa silid niya." paliwanag nito.
Nakahinga ng maluwag ang binata. "Salamat po dok!" aniya dito at pinuntahan ang dalaga.
Payapang natutulog ang dalaga. Hinawi ng binata ang kunting buhok na nasa mukha nito. Naingganyo siyang titigan ito.
Simple lang ito, walang make-up, walang lipstick. Ngunit ang labi nito ay mamulamula na kay sarap halikan.
"Haisst!" sambit niya. Ano bang nangyayafi sa kaniya? Nabangga na nga niya 'yong tao pinagsasamantalahan pa niya.
Hinalungkat niya ang isang maliit na bag upang makahanap ng kahit numero ng kamag-anak nito. Kailangan niyang ipaalam ang kalagayan ng dalaga. At baka narin nag-alala ang pamiya nito.
Ngunit wala manlang siyang nakitang address, tanging cellphone na simpe at mukhang lowbat pa.
"Hindi ko ito pweding ewan.
NAGISING ang dalaga, nang nakaramdam ng gutom. Masakit ang kaniyang balakang, at parang maninigat ang kaniyang naramdaman.
Puting kapaligiran ang bumingad sa kaniya.
"Nasaan ako?" tanong niya sa kawalan.
Binalingan niya ang taong nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan niya. Nakayuko ito, habang hawak ang isa niyang kamay.
"Sino kaya ito? Ang huli kong naalala tumatawid ako sa kalsada." mahina niyang sambit.
Hinila niya ang kamay, at siyang nagpagising sa estranherong lalaki.
"Gising kana pala! Gutom kana ba? May binili akong pagkain habang tulog ka, sandali at ihahanda ko." sunod-sunod nitong saad.
At akmang tatayo.
"Sino ka? At bakit ako andito?" pagtataka niyang tanong.
Bumalik ito sa pagkakaupo.
"I'm Jason. Hindi mo ako kilala, ako ang nakasagasa sayo habang tumatawid ka. Andito ka sa hospital, sabi ng doctote okay kana daw." paliwanag nito.
"Ha? Hospital? Naku wala akong pambayad dito, saka may trabaho pa ako. Siguradong galit na galit na ang amo ko." nataranta niyang saad at akmang babangon. Ngunit napangiwi siya.
Masakit ang kaniyang balakang.
"Huwag ka munang magkikilos, magpahinga ka. Pag okay kana saka kita ihahatid. At kung trabaho mo ang iniisip mo, hayaan mo muna iyon ang importante tuluyan kang gumaling."
"Hindi mo naintindihan."
Siguradong wala na siyang trabaho, at siguradong sasalubungin siya ng kaniyang kahera ng nakakamatay na salita, dahil sa wala siyang pambayad sa upa ng kanilang tinitirhan.
Napaluha ang dalaga.
"Hey! Please don't cry." nag-alalang turan ng binata. "Huwag kang mag-alala kung ano man ang problema mo, tutulungan kita, basta magpahinga ka muna."
Iwan ba ng binata, parang nahahabag siya ng nakita ang lungkot sa mga mata nito.
"Hindi mo naman ako kilala, hindi rin kita kilala."
Natawa ang binata sa sinabi ng dalaga. "Walang problena ehh di magpakilala ako, at magpakilala ka din." nakangiting saad ng binata.
Estranghera man ito, ngunit parang napakagaan ng loob niya dito. Parang may nag uudyok sa kaniya na tulungan ito.
"I' m Jason Arebalo, and you?" pakilala ng binata.
"V-vielle Castro." mahinang sabi ng dalaga.
"Ohhh, ngayong magkakilala na tayo, pwedi na tayong maging magkaibigan?"
Tumango ang dalaga.
Ngumiti ang binata. "So! Ngayon kumain kana't magpahinga, huwag mong isipin ang bayad dito."
At inihanda ng binata ang pagkain ng talaga.
Nakangiting pinagmasdan ng dalaga ang gwapong binata. Kahit sino ba namang angkan ni Eva ay mapatulala sa angking kagwapuhan nito.
Sa bawat galaw at the way magsalita ito, halatang mayaman.
Pinagsilbihan siya nito, kulang nalang subuan siya. Nahihiya man hinayaan nalang ng dalaga ang binata sa pag-aasekaso sa kaniya.
"Sige mag pahinga kalang ha? Babantayan kita, para bukas pag okay kana, makakalabas kana dito." ani ng binata habang inalalayan siyang makahiga. Inayos nito ang kaniyang kumot.
"Have a sweetdreams pretty angel."
"S-salamat." naiilang niyang turan. Ipinikit niya ang mata. Kinikilig siya, sa tanang buhay niya, sa edad niyang ito ngayon lang siya nakaramdam na may nag-alaaga sa kaniya.
NAALIMPUNGATAN si Jason sa mahimbing niyang pagkakatulog ng tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan niyang mabuti kung sino ang tumatawag, bigla siyang napabalikwas sa pagkakahiga ng makilala niya ito.
" Hello mama" aniya sa mahinang boses ngunit may hiyang nararamdaman sa ina dahil sa baka isipin nitong ipinahiya niya ito sa mga bisita nila.
" Nasaan ka ngayun? Anu na naman itong ginawa mo? Bakit hindi ka dumating dito?" May galit sa boses ng kanyang ina pero mahinahon pa din itong nakikipag-usap sa kanya.
" Ma, sorry po hindi ko sinasadyang hindi makarating may inasikaso ako na emergency ."
"Anung emergency ang pinagsasabi mo?"
"Ma calm down, I will explain to you later what happened."
"Okay." Kasabay nito ang pagpatay niya ng kanyang telepono.
Hinintay nalang ni Jason na magising si Vielle upang maayos niya itong mauwi sa tinitirhan ng dalaga ng sa gayun makauwi na rin siya.
Naakit talaga siya sa simpling kagandahan merun si Vielle lalo na sa mapupulang mga labi nito na kay sarap halikan.
" Jason, huwag mong pagnasahan ang babaeng parang angel na muntik mo ng mapatay. Makipagkaibigan ka nalang sa kanya." Sita niya sa kanyang sarili upang maiwasan niyang maakit ng tuluyan sa dalaga.
INIS na inis naman si Rocs sa hindi pagdating ng binata sa sariling bahay ng mga ito. Mahal na mahal niya si Jason kaya handa siyang tiisin ang lahat para lamang sa kasiyahan nito.
" Saan ka na naman nagpunta? Sino na naman ang kasama mo? " Mga katanungan na nailabas ni Rocs sa kanyang bibig.
CHAPTER 2
KINAUMAGAHAN, inayos ng binata ang babayaran at inilabas ang dalaga.
Tahimik lang ito habang lolan sa kaniyang sasakyan. Ayaw sana nito na ihatid niya ngunit nagpumilit siya.
"ihinto mo nalang diyan sa gilid, diyan nalang ako." ani ng dalaga.
"Diyan ba bahay mo?"
Umiling ang dalaga.
"Puwes, sabihin mo lang sakin kung saan ang bahay mo at doon kita mismo ibababa." pagmamatigas ng binata.
Walang nagawa ang dalaga.
Nang tumigil ang sasakyan ng binata sa harap ng napakaliit na tahana, ay namangha siya. Hindi naman lingid sa kaniya na maraming mahihirap na tao sa bansa, ngunit wala sa mukha ng dalaga, na nakatira sa ganito kaliit na tahanan.
"Pasensiya kana ha? Maingay dito sa amin." ani ng dalaga, nang nahalata ang pannahimik ng binata.
"Ahh... Okay lang, sanay naman ako sa mga ganito."
"Sa yaman mong 'yan?"
"Hindi lahat ng mayaman ay naka fucos lang sa kapwa namin mayayaman. Nakikihalubilo din kami sa mga mahihirap." paliwanag ng binata.
"Sige, baba na ako. Salamat pala." aniya at akmang bababa.
"Wait!" pigil nito at mabilis na umibis at pinagbuksan siya ng pinto.
"Salamat." nahihiya niyang turan. Napaka gentleman naman nito.
"Hindi mo ba ako patutuluyin?" nakangiting turan nito.
"Nako! Nakakahiya." alangan niyang sagot.
"Basta! Hali kana." anito at nagpatiunang pumasok.
"Tika...." pigil niya ngunit bingi ito sa kaniyang sinabi.
Nasa harap na ito ng kanilang pintuan na naghihintay na pagbuksan niya.
Naiiling nalang siyang binuksan ang kanilang maliit na tahanan.
Pinagala ng binata ang paningin sa makalat na tahanan.
"Pasensiya kana ha? Ganito talaga ang bahay namin." nahihiyang saad ng dalaga at pinagdadampot ang mga kalat ng ina.
"Nako, huwag kanang magligpit at baka ma binat kapa. Okay lang 'yan." pigil niya dito at kinuha ang hawak nito.
Nang dumantay ang kamay ng binata sa kaniyang kamay, parang milyon-milyong bultahi ang dumantay sa kaniya.
Nagkatitigan sila, nakakabingi ang kabog ng dibdib ng dalaga.
Parang namagnito ang binata na nakatitig sa dalaga. Sa dami ng babaing nakita niya, ngunit ang babaing ito ay may kakaibang ganda, kakaibang damdamin ang ibinigay nito sa kaniya.
Sumibol ang isang pagtingin na ngayon niya lang naramdaman. Kakaiba ang dating ng babaing ito sa kaniya.
"Ahemmm!!!" tikhim ng dalaga.
Parang naalimpungatan ang binata. "P-Pasensiya na." iwas ng binata.
"Baka hinahanap kana sa inyo. Kagabi kapa hindi umuuwi."
"Oo nga pala. Aalis na ako, pero aasahan momg babalik ako. Basta mangako ka na magpapahinga ka muna. At ang trabaho mo, huwag mong isipin ako na bahala pag gumaling ka." bilin ng gwapong binata.
"Pero..."
"Walang pero-pero! basta sundin mo ang sinabi ko. Babalik ako mamaya." paalam nito, bago tuluyang umalis, hinalikan niya ang dalaga sa noo.
Nabigla ang dalaga sa ginawa ng binata. Hindi niya namaayan na wala na pala sa kaniyang harapan ang gwapong binata. Napahawak siya sa kaniyang dib dib.
Umiibig ba siya sa isang lalaking kahapon niya lang nakilala? Paano ba ang umibig?
SAMANTALA ang binata, ngingiti-ngiti habang lolan ng kaniyang sasakyan.
Naguguluhan pa siya, pero isa lang ang sinisiguro niya, masaya siyang kasama ang babaing nakilala.
"Saan ka nanggaling?" sigaw ng kaniyang ama.
Kaarating niya lang at galit ng kaniyang ama ang sunalubong sa kaniya.
"Dad?"
"Sagutin mo ang tanong ko! Saan ka nanggaling? Alam mo bang naghintay kami kahapon? Pati ang pamilya ni Rocs? Tawag kami ng tawag, patay na naman ang phone mo!" bulyaw nito.
"Sorry dad, may emergency lang." nakayuko niyang turan.
"Emergency ? Tumawag ako sa opisina mo, maaga palang unalis kana! Saang kabalbalan ka nagpunta?"
"Dad,sorry po." tanging sambit niya. Nasanay lang ang mga magulang na kung ano ang sabihin ng mga ito ay sinusunod niya.
"Huwag nang maulit ang ganitong pangyayari Jason, kung hindi alam ko na ang mangyayari." anito at tumalikod.
Tiningnan nalang ng binata ang papalayong ama. Ganito naman parati, gusto nila everything are perfect. 'Yong lahat na gagawin niya dapat naaayon sa gusto ng mga magulang.
Para siyang di susi na robot.
"HI."
Napakislot ang dalaga sa tigid na nagmumula sa kaniyang likuran.
"Jason?" patataka niyang tanong.
"Yes!" anito sabay tawa.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ayaw mo ba na andito ako?" kunwaring nagtatampo.
"Hindi naman, kaso kakauwi mo lang diba?"
"Wala naman kasing gagawin sa bahay at saka boring doon." pagsisinungaling niya.
Sa totoo lang, tumakas lang siya sa kanila. Umiiwas siya sa sermon ng magulang. Iwan ba niya simula nang umalis siya kanina, parang ang kati ng paa niya at gustong bumalik.
"Hmmm, bakit? Carnival ba dito? At naglilibang-libang ka dito? Saka walang maganda dito sa lugar namin, puro sakit sa mata."
"Anong walang maganda? E ano ito?" anito at tinuro siya.
"Hmmm, binobola mo naman ako ehh!" aniya, pero sa totoo lang kinikilig siya.
"Hindi ako marunong mambola."
Nginitian niya ang gwapong binata.
"Kumusta na pakiramdam mo? Wala kabang kasama dito?" tanong nito at linagala ang paningin na tila may hinahanap.
"Okay na pakiramdam ko. Pwedi na nga sana akong magtrabaho, kaso mukhang wala na akong banalikan na trabaho." malungkot niyang sabi.
"Ayan malungkot kana naman, sabi ko sayo akong bahala? Basta magpahinga kalang."
"Bakit mo ba ako tinutulungan? Kung tutuusin nga ako ang may kasalanan kahapon. Tumawid ako kahit na naka red light pa."
"Ano kaba, walang may gusto sa nangyari. Kaya forget about it. "
Inayos nito ang plastic na dala.
"Ano 'yan?"
"Pagkain natin."
"Ikaw talaga."
"Kain na tayo. Tapos inumin mo ang gamot mo, pag gumaling ka ng tuluyan, ipapasyal kita."
Para siyang bata na excited sa mga sinabi nito.
Masaya silang kunakain ng may nag-iingay sa labas.
"Hoy! Vielle, lumabas ka diyan! Kung hindi mo ako mababayaran ngayon, mabuti pang magbalot-balot kana!" sigaw ng kahera nila na walang puso.
"Sandali ha?" aniya sa binata at lumabas.
Nadatnan niyang nakapameywang ang mataba niyang kahera.
"Ano Vielle ? Asan na? Sabi ng nanay mo ngayon ka daw magbabayad!" sigaw nito sa kaniya, kahit na nasa harapan na siya.
"Aling Julie, pasensiya na po..." katwiran niya, ngunit hindi manlang siya binigyan ng pagkakataon na mag explain.
"Ano na naman ang dahila mo? Kayong mga hampas lupa, hindi ko kailangan ang paliwanang ninyo, magbayad ka or else lumayas kayo ngayon din!" patuloy nito.
Nakapansin nadin sila ng presinsiya sa paligid.
"Pwedi po bang dahan-dahan lang at nakakahiya."
"Dapat lang na mahiya ka, kasi ilang buwan kanang hindi nagnabayad!"
"Excuse me ma'am ! Magkano po ba ang babayaran ng girlfriend ko at babayaran ko ngayon din." sabad ng binata.
Kanina pa ito nakikinig sa usapan ng dalawa. Hindi niya matiis na marining ang mga sinasabi nito.
"Jes, huwag na." pigil ng dalaga ng humugot ang binata ng pera.
"Pasok ka sa loob hon. Ako na bahala dito, at baka makakasama pa sayo." ani ni binata sa kaniya.
Napa nganga ang dalaga sa tinuran ng binata. Kinindatan siya nito at sininyasang pumasok.
Wala siyang nagawa kundi sundin ito.
Hindi naglaon ay bumalik ito.
"Done!" bungad ng binata.
"Anong done?"
"Binayaran kona."
"Bakit mo ginawa 'yon? Hindi mo naman obligasyon ito ehh. Nakakainis ka." aniya dito. Sa totoo lang nahihiya siya dito.
Kabago-bago lang nilang magkakilala parang andami ng nangyari.
"Hmmm ganito nalang! Pag nagkatrabaho ka, babayaran mo ako. Utang nalang ang lahat ng ito." ani ng binata. Para hindi na mahiya pa ang dalaga.
Tiningnan niya ito ng seryoso.
"Alam kung gwapo ako matagal na, kaya huwag mo akong titigan ng ganyan at baka ma inlove ako lalo sayo." biro ng binata.
"Tsee!" kunwaring naiinis. Sa totoo kanina pa nagoupunyagi ang kaniyang puso dahil sa presinsiya nito.
"Hoy! Huwag kang magalit ohh. Pagpatuloy nalang natin ang naudlot nating pagkain." at dumulog sa maliit na mesa.
Naiiling nalang siyang sinundan ito.
Parang matagal na silang magkakilala, nagkagaanan niya ito ng loob. Kwentuhan tawanan, napaka masayahing tao nito. Parang walang problema sa buhay. Ano ba naman kasi ang po-problemahin ng mayayaman tulad nito.
"Aalis na ako, babalik ako bukas." anito at hinati niya hanggang sa sasakyan nito.
"Hindi kapa nga nakakaalis ehh, babalik kana." biro niya dito.
"Araw-arawin kita para magsawa ka sa pagmumukha ko." sabay tawa.
"Baka masanay ako sayo ha? At hahanap-hanapin kita."
"Huwag kang mag-alala, hindi mo ako hahanap-hanapin kasi dito lang ako parati."
"Sige na uwi kana at baka nag-aalala na ang mga magulang mo."
"Ingat ka dito ha? Bye!"
Kumaway ito bago tuluyang umalis.
Malapad ang ngiti sa labi ng dalaga na pumasok sa kanilang bahay. Ngunit nagtataka siya at gabi na wala parin ang kaniyang ina.
Pumasok siya sa kaniyang silid, may pagkain pa naman na natira kanina, ito nalang ang kakainin ng kaniyang ina oagkauwi nito.
"JASON!" bungad ng kaniyang ina, habang naghahanda siya para matulog.
"Yes mom?"
"Pwedi ba tayong mag-usap sandali?"
Tinanguan niya ito at naupo sa gilid ng kama.
"Alam mo bang hintay kami ng hintay sa'yo kahapon?" panimula nito.
"Sorry po." tangi niyang sabi.
"Where had you been? Sa tanang buhay mo ngayon kalang nawala sa importanting araw na kasama ang pamilya."
Napayuko siya, ayaw niyang magsinungaling pero pag sinabi niya ang totoo, alam niyang magagalit ang mga ito. "Nasiraan po kasi ako ma, tapos tatawag sana ako kaso lowbat na ang phone ko." hindi siya makatingin ng diretso sa ina.
"Magdamag? At kakarating mo lang kanina nawala kana naman agad?"
"Sorry po mom, hindi na po mauulit."
"Sana nga hindi na mauulit." anito at lumabas sa kaniyang silid.
Ngayon lang siya nakapag sinungaling sa mga magulang, ngayon lang nang nakilala niya si Vielle, iba ang naging epekto ni Vielle sa kaniyang buhay. Parang ang saya-saya niya simula kagabi na kasama niya ang dalaga.
Naaawa siya sa klasi ng buhay nito, pero may kakaibang damdamin na nararamdaman niya para dito.
Patihaya siyang nahiga at nakatingin sa kisame. "Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?" sambit niya sa kawalan.
Nakangiting mukha ng dalaga ang kaniyang naaaninag. Ang masayahin nitong mukha, ang biloy nito na tuwing lalabas ay parang malalaglag ang kaniyang puso sa angkin nitong ganda.
Na sa simpling ngiti lang ng dalaga, parang nahuhulog na ang puso niya sa tuwa. Ito na ba talaga ang pag-ibig? Sumisibol sa hindi mo inaasahang pangyayari? Kung ang naganap na aksidenti kahapon ang nagibg mitsa upang makilala niya ang babaing magpapatibok ng kaniyang puso, puwes pnagpapasalamat siya sa nangyari kahapon.
Pabaling-baling ang binata sa kaniyang higaan. Pipikit, didilat siya, mukha ng dalaga ang kaniyang naaaninag.
"Ginayuma mo na ba ako Vielle ?" saad niya sa kawalan.
"Sana umaga na para makita kitang muli." patuloy ng binata.
Babangon, uupo, hihiga. Kung may makakita sa kaniya malamang pagkamalan siyang siraulo.
Naikot na ata niya ang buong silid sa kakalakad. Papaandarin ang t.v pero hindi naman nakatutok sa screen ang kaniyang mata.
Ngayon naintindihan niya kung bakit parang siraulo ang kaniyang mga kaibigan nung nakakilala ng babaing mamahalin nila.
Ganito pala ang epekto ng pag-ibig, nakakabaliw, nakakatuliro.
Halos walang tulog ang binata. Alas kuwatro palang ng umaga nakaligo na siya.
Kung hindi lang nakakahiya baka kanina pa siya umalis at puntahan ang dalaga, ngunit alam niya na sa ganitong oras tulog pa ito.
Bumba siya at pumunta sa kusina upang mag timpla ng kape.
"Ohhh! Hijo ang aga mo ata?" puna ng kaniyang yaya.
"Nagising kasi ako ya, tapos hindi na ako makabalik sa pagtulog kaya magkakape nalang ako, tapos maya-mata aalis na." aniya dito at kumuha ng tasa.
"Naku! Baka naman inlove ka kaya hindi ka makatulog?" pasimpling saad ng matanda habang nagluluto ito ng itlog.
Napatigil siya sa paghigop ng kape at tumingin dito.
"Ohh ano? Napatigil kana diyan? Inlove ka nga ba hijo?" tanong nito.
Napakamot siya ng batok at nagpatuloy sa paghigop ng kaniyang kape.
"Silent means yes?" patuloy ng matanda.
Tumawa siya sa tinuran ng kaniyang yaya. "May pa english-english kana ngayon ya, saan mo naman nakuha 'yan?"
"Narinig ko lang na parating sinasabi ng papa mo." anito sabay tawa.
Mabuti pa itong yaya niya naintindihan siya. Mas nagiging open siya dito. Halos ito na ang nagpalaki sa kaniya sa panahon na busy ang kanilang mga magulang sa kanilang negosyo.
Sa kunting bagay o kilos niya alam ng kaniyang yaya ang kaniyang nararamdaman.
CHAPTER 3
MAAGANG nagising ang dalaga, nagtaka siya at walang nag-iingay sa labas. Nasanay siya na tuwing gigising ay mabungaran ang ina na nanonood ng t.v.
Pinuntahan niya ito sa maliit na silid ng kaniyang ina, ngunit kung ano ito kahapon ganun din ang ayos nito ngayon. Ibig sabihin hindi ito umuwi. Hindi ugali ng kaniyang ina na hindi umuwi kahit magkagalit sila. Napansin niya ang papel sa mesa na maliit. Hindi niya ata ito napansin kahapon?
"Pagod na ako kasama ka, magkaniya-kaniya na tayo." ang nakasaad sa sulat.
Iniwan na siya ng nanay niya? "Bakit nay? Hindi paba sapat ang lahat ng hirap ko para maibigay ko ang mga gusto ninyo? Para mahalin niyo ako tulad ng dati?" luhaan niyang saad habang hawak ang maliit na papel.
Humagulgol siya ng iyak. Kahit araw-araw na pinaparamdam ng Ina na wala siyang silbi, mahal na mahal niya ito.
Nagtaka ang binata, kanina pa siya katok ng katok ngunit walang sumasagot. "San kaya 'yon? Bukas naman ang pinto." saad niya at dahan-dahang pumasok.
Ganun nalang ang kaniyang pagtataka ng nakarinig ng hikbi buhat sa isang silid.
Nang kaniyang punantahan naabutan niyang umiiyak ang dalaga habang yapos ang isang unan.
"Vielle ? What happened ?" pag-alala niyang tanong. Nasasaktan siyang nakikita na nasasaktan ito.
Napatingin ang dalaga sa tinig na narinig. Bigla siyang yumakap dito.
"Iniwan na ako ni Nanay, bakit ganun ? Mahirap ba akong mahalin bilang anak?" umiiyak niyang tanong dito.
"Shhh! Tahan na. Baka may pinuntahan lang 'yon. O baka nagpapalamig lang." saad ng binata habang hibahagod ang likod ng dalaga.
Wala man siyang alam sa mga pangyayari, ngunit ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito.
"Nag-iwan siya ng sulat, sawa na daw siya. Ginawa ko naman lahat para mawala ang galit niya, pero kulang parin. Kasalanan ko ang lahat."
"Tahan na please! Babalik din siya maniwala ka sa'kin."
Hinayaan lang ng binata na umiyak ito sa bisig niya. "Iiyak mo lang, minsan kailangan nating umiyak upang maibsan ang sakit na nararamdaman natin."
Maikling panahon man na nakilala ng dalaga si Jason, magaan na ang loob niya. Ramdam niya na mabuti itong tao, hindi na siya nahiyang umiyak sa harap nito.
Nang naramdaman ng binata na okay na ito, saka niya kinausap. "Wala man akong alam, pero handa akong makinig. Mahirap magdala ng mabigat sa dibdib, dapat may isang tao tayong pagkatiwalaan upang ma voice out natin ang mga sakit na nasa loob." aniya at tinuro ang dib dib nito.
"Salamat, maikling panahon man tayo nagkakilala, gumaan ang loob ko kasi andiyan ka na handang makinig sa'kin." wika ng dalaga.
"Basta! Simula ngayon, andito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan."
"Salamat."
Sa mga lumipas na araw mas lalong nagkalapit ang dalawa sa isa't-isa. Bago pumasok ang binata sa opisina, dinadaanan niya ang dalaga. At bago siya umuwi, dinadaanan niya rin ito. Minsan lumalabas sila, ginagawa ng binata ang lahat upang mapasaya ito.
NAKAPAGTRABAHONG muli ang dalaga. Mabuti nalang at nadala sa oaliwanag ang kaniyang amo.
Araw-araw parin siyang naghihintay na saba balikan siya ng kaniyang ina. Todo kayod siya, over-time upang sa pagbalik ng kaniyang ina, lilipat sila sa mas okay na tirahan.
Gagawin niyang lahat, mahalin at mapatawad lang siya ng ina. Hinahanap niya din ito, sa mga malalapit na kamag-anak pero sad'yang pinagtataguan ata siya.
"Ayan kana naman,nakatulala. Ilang besis ko bang sabihin sayo na ayaw kung nalulungkot ka." bungad ng binata. Halos araw-araw din biya itong bakakasama.
Tila driver na niya ito. Hatid sundo siya sa trabaho. Bago siya nito ihahatid, kumakain muna sila sa labas.
"Hindi ko lang maiwasan na isipin si Nanay. Kumusta na kaya siya? Kumakain ba siya ng tama? Nasa mabuti ba siyang kalagayan?" sunod-sunod niyag tanong.
"Hmm! Ganito nalang. Ipapahanap natin ang Nanay mo." suggestion nito.
Biglang umaliwalas ang kaniyang mukha at napatingin dito. Ngunit sumimangit din. "Huwag na nakakahiya!"
"Anong nakakahiya?"
"Ikaw nalang lahat, hindi pa nga ako bayad sa lahat nang naitulong mo sa'kin ehh!"
"Saka na kita singilin." nakanginiting turan ng binata. "Kapag pinakasalan mo na ako." dugtong nito ngunit pabulong.
"Anooo?" pinanlakihan niya ito ng mata.
"May sinabi ba ako?" maang-maangan ng binata.
"Meron."
"Ano?"
"Ewan ko sayo!"
"Hmmm! Kung ano-ano ang naririnig mo, hali kana magpakasal este mamasyal tayo." biro niya dito sabay hila sa kamay ng dalaga.
"Hoy! Saan mo ako dadalhin?" protesta niya.
"Basta!" maikli nitong sagot.
Wala na siyang nagawa ng isinakay siya nito sa sasakyan. Kinabitan siya nito ng seatbelt, amoy na amoy niya ang pabango ng binata.
"Ayan pinagpapantasyahan mo na naman ako." pukaw ng binata.
Hinampas niya ito sa braso. "Kakainis ka! Parati mo nalang akong niloloko!"
"Hindi mo pa nga ako sinasagot niloko agad? Sagutin mo muna kaya ako at nang malaman mo na hinding-hindi kita lolokuhin. Mamahalin kita at aalagaan." sagot ng binata.
Napatingin siya dito. Sana totoo nga at seryoso ang mga sinasabi nito, ngunit lahat ata dinadaan nalang nito sa biro.
"Ayan gwapong-gwapo na naman ako sa paningin mo." nakangiti nitong saad at lumabas ang cute nitong biloy sa pisngi.
"Puro ka biro, hala fucos ka sa pagmamaniho at baka mabangga tayo." pag-iiba ng dalaga sa usapan. Mas'yado nang nalulunod ang kaniyang puso dahil sa mag sinasabi nito kahit mga biro lang.
"Masusunod mahal na Reyna!"
"Tsee!" irap niya sa binatang tawa nang tawa.
Naiiling na nakangiti ang binata. Ayaw niyang isipin ng dalaga na sinasamantala niya ito, kaya dinadaan niya sa hiro.
Sa mga araw na nagkakasama sila, lalong napalapit ang dalaga sa puso ng binata. Gustuhin niya mang magtapat natatakot siya na baka iwasan siya ng dalaga. Dito niya natutunan na pwedi pala siyang lumabas sa buhay na meron siya at makihalubilo sa mga taong nakapaligid dito.
Tulad nalang minsan na nakikipaglaro sila sa mga bata sa lugar nito.
Nakilala niya ng lubusan ang dalaga at hinangaan sa taglay nito kabaitan. Pusong mamon sa kapwa nito mahihirap.
Kaya hindi niya masisi ang sarili kung bakit siya ito hinangaan at minahal. Oo! Mahal niya na ang babaing ito. Babaing nagpapasaya sa kaniya araw-araw.
"VIELLE?" tawag ng binata sa dalagang tahimik na nakamasid sa ina.
Hinanap niya ang ina nito, upang maibsan ang pag-aalala ng dalaga. Para matahimik na ito.
Nakaupo lang sila sa loob ng sasakyan habang tanaw ang ginang na masayang naikipag halobilo sa kapwa nito.
Ayon sa inutusan niya, nakatira ito sa isa sa malayong kamag-anak. Sad'ya nitong pinagtaguan ang anak.
"Okay na ako na nakitang masaya siya. Siguro nga, hindi ako ang makakapagbigay kasiyahan sa kaniya." malungkot niyang wika.
"Magiging okay din ang lahat sa inyo." aniya at awang-awa sa dalagang kanina oa umiiyak.
"Sana nga! Siya nalang ang meron ako."
"Andito ako para sa'yo Vielle, hinding-hindi kita iiwan." seryosong saad ng binata na nakatitig sa dalaga.
Hinawakan niya ang maamong mukha nito at pinahid ang luha.
"Hanggang kaylan kang andiyan? Tulad ng nanay ko, iiwan mo din ako."
"No! Never! Hindi ko iiwan ang taong mahal ko. Oo Vielle, maniwala ka't sa hindi minahal na kita. Ewan ko kung kaylan ito nagsimula. Basta ang alam ko, noong nabangga kita at nakasama, pinapasaya mo ako." pahayag nito.
Tulala ang dalaga na nakatingin dito.
"Excited akong umalis ng bahay hindi para pumasok sa trabaho, kundi para makita ka. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Noong una natakot akong magtapat kasi baka sabihin mo sinasamantala kita, pero Vielle, totoo! Mula dito!" sabay turo sa kaliwang dib dib. "mahal na mahal kita." patuloy ng binata.
Tamimi ang dalaga, parang nalunok niya ata amg kaniyang dila. Hindi niya alam ang sasabihin, pero sa loob loob niya, masaya siya. Kasi mahal siya ng lalaking mahal niya.
Mahal niya na ito, simula ng alagaan siya nito, ipinaramdam nito na isa siyang princessa, ngunit takot siya at baka tulad ng kaniyang ina, iiwan din siya nito.
"Hindi kita minamadali sa sagot, sinabi ko lang ito para malaman mo."
"N-nabigla ako, pero ayaw kung maging sinungaling." seryoso niyang sabi. "Mahal din kita." mahina niyang saad.
Napamulagat ang binata. "WHATTT?" sigaw ng binata. Mabuti nalang at controlado niya ang menibella.
"Kailangan mo talagang sumigaw?" aniya dito dahil sa pagkabigla. "Bingi kaba?"
"Ulitin mo ang sinabi mo!" anito sa dalaga.
"May sinabi ba ako?" maang maangan niyang sagot
"Meron."
"Ano?"
"Mahal mo ako."
"Alam mo naman pala ehh, magtatanong kapa." aniya at kunwari umirap.
Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga. "Say it again."
"Na ano?" nahihiya niyang tanong.
"Na mahal mo ako."
"Nasabi kona diba? Kailangan pa bang ulitin?"
"Oo! And that's my order!"
Natawa ang dalaga sa sinabi nito. Saka tinitigan ng mabuti. "OO! Mahal din kita."
"Yahooo!" biglang sigaw nito at niyakap siya.
"Hoy! Nasasakal ako ano ba?" likramo niya dito at pikit kumawala.
"Ay sorry honey!" anito at hinalikan siya sa noo. "Hinding-hindi ka magsisisi. Mamahalin kita at aalagaan."
"Salamat." tanging sambit ng dalaga.
May pinagdadaanan man sa buhay si Vielle, napapagaan dahil andiyan ang binata na katuwang niya.
Ganito pala ang magmahal, puno ng liwanag ang buhay.
"JASON anak!" tawag ng kaniyang ina. Kakauwi niya labg, hinatid niya ang nobya.
"Yes ma?" aniya sabah halik sa ina.
"Andito si Rocs hijo, kanina kapa hinihintay." saad nito.
Sinulyapan niya ang dalagang nakaupo kaharap ang kaniyang kapatid.
"Pinuntahan kita sa office ngunit wala ka, kaya dumiretso nalang ako dito." anito.
"Napapadalas ata ang pagbulakbol mo sa oras ng trabaho son?" tanong ng ina.
"Ahh, may meeting kasi ako sa labas ma." pagsisinungaling niya.
"Total sabado bukas, bakit hindi ko yayaing lumabas si Rocs?"
Tiningnan niya ang dalagang nakangiti. Halta niya naman na matagal nang may gusto si Rocs sa kaniya. At ayon sa mommy niya dati, ito ang babaing nakatalaga na magiging asawa niya. Ngunit sa panahon ngayon at pag naging okay na ang lahat ipapakilala niya si Vielle sa pamilya.
"Ahh.. Ehhh.. M-ay pupuntahan po akong importanti bukas ma." dahilan niya dito.
"Pero sabado bukas hijo."
"Oo nga po, pero importanti kasi ito. Sige ma, maiwan ko muna kayo at magpapahinga muna ako." aniya at tumalikod.
Naiwang naiinis si Rocs, simula dati napakailap ng binata sa kaniya.
"Don't worry hija at akong bahala, pag hindi na siya busy, sasabihin kung ipasya ka."
"Okay lang po tita, naintindihan ko po. Andito lang naman po ako para sa kaniya." ani ng dalaga at pilit na ngumiti.
Siguro panahon na para sabihin niya sa ama na kaolangang makasal na sila ng binata.
Sa panahon ngayon, naglipana ang mga kababaihan sa paligid. Baka ma kakita oa ang binata at ma out of place siya.
Gagawin niya ang lahat upang mapadali ang kanilang kasal. Alam niya na aayon sa kaniya ang lahat.
"Magpapaalam na po ako tita." nakangiting saad ni Rocs sa ginang.
"Sige hija, at mag-iingat ka." biling ng ginang.
Tiningnan ng ginang ang papalayong dalaga.
Halata ang pagkakagusto ng dalaga sa kaniyang binata, at ito ang gustong mangyari ng kani-kanilang pamilya.
Bata palang sina Jason at Rocs, pinagkasunduan na nila na sa pagsapit ng tamang panahon at magpapakasal ang dalawa, para sa lalong ikalalago ng kanilang negosyo.
Para sa dalawang pamilya, ang mayaman ay para lamang sa kapwa mayaman. Sinisiguro ng ginang na maaalagaan ni Rocs ang kaniyang anak.
"Ma!" tawag ng bunsong anak na babae.
"Yes anak?"
"Di po ba, kailangang kausapin niyo muna si kuya if ready na po siyang mag-asawa?" tanung nito.
"Anak, simula palang alam na ng kuya mo na si Rocs ang kaniyang mapapangasawa." ani ng ginang. Narinig siguro lahat ng kaniyang dalaga ang pag-uusap nila ng kaniyang esposo, hinggil sa pagpapakasal ng dalawa.
"Pero ma, need parin kausapin si kuya. Malay mo hindi pa pala ito handa sa ngayon?"
"Ang kuya mo walang problema, kung ano ang sasabihin namin ng daddy niyo gagawin niya. At matanda na ako anak, kailangang makita ko na ang aking mga apo bago ako lumisan dito sa mundo." ani ng matanda.
May sakit siya sa puso dahil nadin siguro sa katandaan, at wala siyang hinangad kundi ang mapabuti ang kaniyang dalawang anak.
"Kaya ikaw! Dapat sa tamang panahon magiging handa ka sa lalaking mahanap ng iyong daddy para sa'yo." wika ng ginang dito.
"Hindi ba pweding ako ang pipili ng lalaking nababagay para sa'kin ma?"
"Anak, alalahanin niyo. Ang kabutihan niyo lang ang aming iniisip. Kaya sana huwag na kayong tumutol pa."
Hindi na umimik ang dalaga. Ayaw din nito na bigyan ng alalahanin ang ina.
Lingid sa kanilang kaalaman, nakikinig ang binata sa kanilang pag-uusap.
CHAPTER 4
MAGDAMAG nag-iisip ang binata kung paano sabihin sa mga magulang na hindi niya kayang pakasalan si Rocs dahil my iba na siyang mahal.
"Jason, come here! Sumabay kana sa amin na mag-almusal." tawag ng kaniyang ama.
Ayaw niya sana ngunit wala siyang magawa, baka mas lalo lang mag tampo ang kaniyang ina.
Hinalikan niya sa noo ang kaniyang ina, gayun din ang kaniyang dalagang kapatid.
Naupo siya katabi ng kapatid at nag timpla ng kape.
"How's the business ?" tanung ng ama.
"Good dad!" maikli niyang sagot.
"Napapansin ko nitong nakaraang araw ay nagiging abala ka? At parating wala sa opisina mo." diretsong sabi ng ama.
"Ahh.. Ehh.. M-may inaasekaso lang ako dad." aniya at hindi makatingin ng diretso sa ama.
"Sana nga sa ikabubuti ng lahat ang pinagkakaabalahan mo. Alalahanin mo na ayaw na ayaw kung malagay sa kahihiyan ang pamilyang ito."
"Maliwanag po dad." nakayuko niyang sagot.
Hindi umiimik ang kaniyang ina at kapatid. Sa bahay nila ang kaniyang ama ang batas.
"Siya nga pala, sa makalawa pag-uusapan ng dalawang pamilya ang nalalapit niyong kasal ni Rocs."
Nabitiwan ng binata ang hawak na tasa. Natapon ang kaaniyang kape sa mesa.
"Sorry po." paumanhin niya. Mabilis na nilinis ng katulong ang kalat.
"May mali ba sa sinabi ko?"
"W-wala po."
"Excited na ako anak na makasal ka. Alam mo namang pangarap kung magkaroon ng apo bago pa ako mawala." tuwang-tuwa na saad bg kaniyang ina.
Nagkatinginan silang magkapatid. Pareho nila alam ang obligasyon nila bilang anak. Lalo na't may sakit sa puso ang kaniyang mommy, at ayon sa doktor nito, once na aatakihin itong muli may posibilidad na mamatay ito.
"Kayo po ang bahala dad, mom. Aalis na po ako at marami pa po akong dapat na aasekasuhin." paalam niya.
Gusto niyang makaalis sa harapan nang mga ito, gusto niyang sumigaw ng kalayaan.
Diretso siya sa bahay ng nobya.
"Bakit mukhang matamlay ka ata ngayon? May dinaramdam kaba?" may pag-alalang tanung ng dalaga at sinalat ang ulo ng binata.
Hinawakan ng binata ang kamay nito. "Mahal na mahal kita, kahit anong mangyari, ikaw lang ang babaing minahal at mamahalin ko." seryosong saad ng binata. Pinipigil nito ang luhang gustong lumandas.
Nahihiwagaan ang dalaga sa kinikilos ng nobyo, ngunit binaliwala niya kang ito.
"Mahal na mahal din kita."
Niyakap ng binata ang nobya ng napakahigpit, yakap na parang ayaw niyang kumawala dito.
Dito niya naramdaman ang kalayaan tuwing kasama niya ito, pinaparamdam nito sa kaniya na wala siyang kakulangan. Araw-araw pinaparamdam nito kung gaano siya kamahal. Kaya mahal na mahal niya ito.
Tulad ng nakaugalian nila, dadaanan nila ang nanay nito at tinatanaw kahit sa malayo, ihahatid niya ito, tapos siya didiretso na sa opisina. Kinahapunan ganun din.
Hindi alam ng binata kung paano sasabihin at ipapaliwanag sa nobya ang kaniyang sitwasyon na hindi ito masasaktan.
"Jason, are you with us?" naiiritang tanung ni Rocs.
Kasalukuyan silang nakikipag-usap sa mag-aayos ng kasal. Parang robot na di susi ang binata na sumusunod sa mga kagustuhan ng lahat. Excited at tuwang-tuwa ang kaniyang ina, ayaw niyang sirain ang bagay na nakapag papasaya dito.
"Sorry Rocs, mauuna na ako sa'yo. Magpasundo ka nalang at may pupuntahan pa ako." aniya at mabilis na umalis.
"JASON! JASON! JASONNN!" nang gagalaiti sa galit ang dalaga habang tinatawag ang
pangalan ng binata.
Tinanaw niya nalang ito habang sumakay sa sasakayan at umalis ito.
"Shittt!" mura niya at kinuha ang tawagan.
"Hello, detective Hernandez !" aniya.
"Yes miss Rocs Alindao." ani ng kabilang linya.
"Sundan niyo siya kakaalis lang sabihin niyo sa'kin kung saan siya nag pupunta." utos niya sa mga ito sabay baba ng tawagan.
May mga taong beinte kuwatro oras na nagbabantay sa kaniya, mga itinalaga ng kaniyang ama para sa kaniyang kaligtasan, ay siyang inutisan niya upang sundan ang binata.
DIRETSO ang binata sa bahay ng nobya.
"Ohh! Anong ginagawa mo dito? Katatawag mo lang ahh? Akala ko ba may mahalaga kang gagawin at bukas kapa makakapunta dito?" may pagtatakang tanung ng dalaga.
Bigla nalang siyang niyakap ng nobyo. Ramdam ng dalaga na may pinagdadaanan ito. Mga ilang araw na parati itong tahimik at pag nagtatanung siya bigla nalang siyang yayakapin.
"Mahal na mahal na mahal kita, kahit anong mangyari." seryosong sambit ng binata.
"Mahal na mahal din kita, kung ano man ang pinagdadaanan mo, handa akong makinig. Girlfriend mo ako diba?"
Napatingin ang binata dito. Inakay niya ang nobya sa upuan kahoy. Dapat nga niyang sabihin dito.
Bumuntong hininga siya bago nagsimulang sabihin ang lahat. Lahat-lahat!
Lumuluhang nakikinig ang dalaga. Nasasaktan siya ngunit nanaig ang pag-unawa at pagmamahal niya sa nobyo.
"Pero huwag kang susuko, humahanap lang ako ng tiyempo upang kausapin si mommy. Pangako, aayusin ko ang lahat para lubusan tayong lumigaya." ani ng binata habang hawak ang mukha ng nobya.
"Andito lang ako, susuportahan kita sa lahat ng bagay."
Hinalikan ng binata ang dalaga sa pisngi. How lucky he is having Vielle, so loving ang understanding girlfriend.
Napakislot ang binata ng nag vibrate ang kaniyang tawagan.
"Hello!" aniya.
"Hello kuya, please come home now!" ani ng kaniyang kapatid. Halata sa boses nito na umiiyak.
"Why?"
"Si mommy!"
Nang narinig ang pangalan ng ina, dali-daling pinatay ang tawagan.
"I have to go hon, babalik ako!" paalam niya sa nobyang nakikinig lang.
"Sige mag-ingat na ha?" biling nito.
Hinalikan niya ito sa pisngi at mabilis na pinasibad ang kaniyang sasakya.
"What happened ?" agad niyang tanung sa kapatid na nakaupo sa gilid ng kama, habang ang ina ay payapang natutulog.
"Hinimatay! Sabi ng doktor napagod daw." mahinang sambit ng kapatid.
Nilapitan niya ang ina at hinawakan ang isang kamay nito. Hinalikan niya ito sa noo. "I love you mom."
Natakot siya at baka kung ano ang masamang mangyari sa ina. Kaya dapat siguro makiayon nalang siya. Alam niyang maiintindihan siya ng nobya.
Lumandas ang kaniyang luha. Ang mamili sa dalawang taong mahal mo ay napakasakit, ngunit may dapat na unahin. 'Yon ay ang makakapagpaligawa sa ina.
KAKAALIS lang ng binata ng may narinig na katok ang dalaga, mabilis niyang binuksa na sa pag-aakalang bumalik ang nobyo.
Ngunit isang hindi kilalang babae ang kaniyang nabungaran. "Sino po sila miss?" magalang niyang tanong. Halata sa pananamit nito na isa itong mayaman.
"So! Ikaw pala ang babaing kinababaliwan ng fiance ko? Dito ka pala nakatira?" diretsahang tanung nito at walang sabi-sabing pumasok. Pinaikot ang paningin sa kanilang maliit na barong-barong na nakangiwi, tila nandidiri sa mga nakikita.
"Wala po kayong permiso na pumasok." habol niya dito.
"Don't worry hindi ako magtatagal sa bahay na ito. O kung bahay ba ang tawag dito." maarti niting turan. "I just came to tell you, stay away from my boyfriend! Isa kang linta na nakadikit sa buhay ng boyfriend ko! Layuan mo siya bago mo pagsisihan kung bakit mo siya nakilala." pagbabanta nito.
Sa tono ng pananalita nito, alam niya na ito ang babaing pakakasalan ng nobyo. "Excuse me miss, kung sino kaman! wala kang karapatang pagsabihan ako! At mawalang galang na, lumayas kayo sa pamamahay ko!" matigas niyang sabi at nilakihan ang awang ng pinto.
Tiningnan siya ng masama ng panauhin, ngunit hindi siya nagpatinag.
"Alalahanin mo, ang mayaman para lang sa kapwa namin mayaman!" anito at tuluyang umalis.
Nakaramdam ng panghihina ang dalaga nang wala na ang babae. Naupo siya at umiyak, ngayon niya na realize na mahirap pala pasukin ang mundo ng mga mayayaman.
HINDI nagparamdam ang nobyo, nag massage siya ngunit walang reply, okay lang naintindihan niya.
Palabas na siya sa kanilang Bahay upang pumasok sa trabaho ng nabungaran ang isang magandang babae. Tiningnan niya ito, may pagkakahawig ito sa nobyo.
"Hi!" nakangiting bati nito.
"Hello!"
"Can we talk for a while?" pakiusap nito.
Tumango siya at inaya itong pumasok.
"Siguro nagtataka ka kung sino ako at bakit ako naparito." panimula nito na nakatitig sa kaniya. "I'm Julibec, Kuya Jason sister! Andito ako para makiusap." umiiyak nitong turan.
Nakikinig lang siya, pero alam niya sa tono ng pananalita nito, may hihilingin ito na napakahirap ibigay.
"Hindi sa ayaw ko sa'yo para kay kuya, kaligayahan ko ang kaligayahan niya, ngunit nakataya dito ang kaligayahan ng aming ina. Andito ako na nagmamakaawa na pakawalan mo na si kuya. Mahal na mahal ka niya, napakahirap para sa kaniya ang mag desisyon pag andiyan ka. Lumayo ka! Sa lugar na hindi ka niya makikita." patuloy nito habang umiiyak. "Ayaw kung maging kontrabida, pero nagmamakaawa ako bilang isang anak."
Lalo siyang napaiyak sa sinabi nito.
"Please Veille! Mahina na si mommy, kapag nagkagulo mas lalo siyang hihina at baka ikamatay pa niya." wika nito at mas lalo pang umiyak. "Ito pera! Hindi ito suhol, magagamit mo ito upang makalayo ka at magsimulang muli." patuloy nito at inilapag ang isang sobre. "Aalis na ako, sana makapag-isip ka, alang-alang sa mommy namin."
Nakatulala ang dalaga, hindi niya namalayan na wala na ang kausap. Nakatitig sa kawalan, gulong-gulo.
PAGKALIPAS ng tatlong araw saka binisita ni Jason ang nobya. Miss na miss niya ito, ngunit tiniis niya kasi kailangan niyang alagaan ang ina.
Nakapag desisyon na siya kailangan nilang mag-usap. Masakit pero kailangan, siguro nga hindi sila ipinanganak para sa isa't-isa.
Katulad ng nakaugalian niya, niyakap niya ito.
"I missed you!" bulong niya dito at hinalikan sa buhok.
"Miss din kita." ganti ng dalaga.
Naupo sila, humarap sa kaniya ang binata.
"Vielle, honey ko! Mahal na mahal kita!" wika ng binata at nagsimulang nagsilaglagan ang luha nito.
Hinawakan niya ang kamay nito. Kailangan niyang patatagin ito, alam niyang hindi madali ang pinagdadaanan nito.
"Alalahanin mo, ano man ang sasabihin mo handa akong makinig at umintindi." masuyo niyang saad dito.
"Ang hirap ng ganito, mahal kita, at handa kitang ipaglaban ngunit sa ganitong sitwasyon malabo ang lahat." panimula ng binata.
"Kung darating sa punto na kailangan mong pumili, huwag ako ang piliin mo, kasi marami ang masasaktan, marami ang maaapektuhan. At kung umabot sa punto na kailangan mong
sumuko? Naiintindihan ko." wika ng dalaga habang lumalandas ang kaniyang mga luha.
Hinawakan ng binata ang mukha ng nobya. "Sumusuko ako, hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal. Ang pagmamahal ko sa'yo ay walang hangganan. Siguro nasa panahon tayo na kailangang unahin ang responsibilidad kaysa sa sarili natin. I love you so much, you are a nymph , my happiness. But... I love my mom too, I couldn't make a move na makakasakit sa kaniya." umiiyak na wika ng binata.
"If there is a life after death, I will search you first and I choose to be with you. And that time, I would never make you cry." patuloy niya habang walang patig ang pag-iyak.
Humagulgol ang dalaga sa iyak, pero nakapag desisyon nadin siya.
"G-gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama at ang makakabuti sa lahat." aniya dito at hinawakan ang gwapong mukha ng binata.
"Pinapalaya kita, hindi ibig sabihin hindi na kita mahal. Ang pagmamahal ko sayo kaylan man ay hindi mawawala!" madamdamin niyang saad dito. At niyakap ng mahigpit.
Hinalikan ng binata ang dalaga, bago nilisan ang bahay na naging saksi ng kanilang pagmamahalan.
Napaupo ang dalaga at humagulgol. Napakasakit, subrang sakit, ang sakit-sakit.
Dalawang braso ang yumakap sa kaniya. Nang tingalain niya, mukha ng kaniyang ina ang kaniyang nakita. Lalo siyang humagulgol at yumakap dito.
"Tahan na anak, ganyan talaga ang pag-ibig dumarating sa punto na kailangan nating masaktan para sa ikabubuti ng lahat." wika ng ina habang hinahaplos ang kaniyang buhok.
"Patawad sa lahat anak, mahal na mahal kita. Andito lang si nanay."
Humagulgol ang dalaga sa balikat ng ina.
Tama nga ang kasabihan may nawala pero may mas mahalaga na babalik. Masakit man pero sad'yang Ganito ang buhay, kailangang pakawalan ang hindi nakalaan para sayo. Baka may ibang plano ang D'yos para sa kaniya.
CHAPTER 5
HABANG papalapit ang araw ng kanilang kasal, tila isang papel na walang buhay ang binata. Sumasabay sa agos, bawat sabihin ng dalawang kampo, oo lang siya nang oo.
Wala naman siyang karapatang magreklamo diba? Ito ang dapat niyang gawin, upang lubusang lumigaya ang kabiyang ina.
"Son, are you excited for tomorrow ?" tanung ng kaniyang ina, habang nagpapahangin siya sa verandah, hibdi niya namalayan ang paglapit nito.
Nginitian niya ang ina. "Basta excited at masaya kayo ma, abot langit na ang saya ko." aniya sabay ng pilit na ngiti.
"Wala akong hiling kundi ang mapabuti kayo nang kapatid mo. Sigurado akong magiging maganda ang buhay mo pagkatapos nito." wika ng ina.
Niyakap niya ang ina upang maitago ang luha na bumabadyang lumaglag.
"Ganyan talaga ang ikinakasal son, kinakabahan at 'di mo mawari ang iyong nararamdaman." anito at hinahagod ang kaniyang likod.
Kung alam lang ng kaniyang ina kung gaano kasakit ang dulot ng mga pangyayari.
Na sa araw-araw na dumaraan ay mas lalo niyang namimis si Vielle, alam niyang nasaktan niya ito lubos. Pinangakoan niya at iniwan.
Ilang besis na gusto niyang puntahan ito, ngunit pinipigil niya ang sarili.
At baka tuluyang masaktan niya ang ina.
"Ohh siya! Matulog kana para makapag relax ka bukas." anito.
"Sige po. Goodnight !"
Humalik siya sa ina bago pumasok sa kaniyang silid. Hindi din naman siya makakatulog sa kakaisip kay Vielle. Nagiging hagard na ang kaniyang mukha dahil sa kakulangan sa pagtulog at walang ganang kumain.
"MOMMY, I'm so beautiful!" tuwang-tuwa na wika si Rocs, habang paikot-ikot sa harap ng salamin.
Ngayon ang araw ng kanilang kasal, ang araw na pinakahihintay niya. Pagkatapos nang araw na ito, isa na siyang ganap na Mrs. Jason Arebalo. Ang matagal na niyang pinangarap.
"Oo anak, you are the most beautiful bride." puno ng paghanga na saad ng ginang.
Kalat sa lahat ng pahayagan ang kasalan ng taon. Pinag pi-p'yestahan sila ng medya, upang ma coverage ng mga ito ang bawat detalye ng kanilang kasal.
"Be happy always anak, like this!"
"Yes mom, matutupad na ang matagal kung pangarap."
"Hali kana at baka naghihintay na ang iyong mapapangasawa." yaya ng ina. At inalalayan ang anak.
Kinaiinggitan ng lahat ang buhay na meron si Rocs, nag-iisang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya ng bansa. Lahat ng luho niya ay ibinibigay ng magulang. Isa na dito ang maikasal siya kay Jason.
Childhood friends sila, ngunit kalaunan nahulog ang loob ni Rocs sa binata at hiniling niya sa ama na ipapakasal sila pag sumapit ang tamang panahon.
"KUYA!" tawag ni Julibec sa kaniya habang tanaw sa kawalan.
Sinulyapan niya ito.
"Naintindihan ko ang nararamdaman mo, hanga ako sa sakrepisyong ginawa mo." ani ng kaniyang kapatid.
Nilapitan niya ito. "Huwag kang mag-alala, okay lang ako. At patuloy akong naniniwala na magiging okay din ang lahat, pagdating ng panahon." aniya sa kapatid.
"You are a hero kuya!"
"Ito ang tandaan ko! Ito ba ang huling Force marriage ng pamilya. Sa susunod hindi ko hahayaang pati ikaw ay maranasan ang nararanasan ko."
"Napakaswerti ko na ikaw ang kapatid ko, kung alam lang sana nina mom and dad ang saloobin mo."
"Basta masaya si mommy! Masaya narin ako."
"I love you kuya!"
Niyakap niya ang kapatid. "I love you my sweet sister."
TUMUNOG ang kampana, hudyat na magsisimula na ang kasal.
Nababanaag sa mukha ng kaniyang mga magulang ang saya.
"Anak be ready she is coming!" ani ng ina at inayos ang kaniyang polo.
Nginitian niya ng pilit ang ina.
Hindi niya manlang magawang sulyapan ang kaniyang bride, namalayan niya nalang nang nasa harap niya na ito at inabot ng mga magulang nito ang kamay sa kaniya.
Oo lang ng oo ang binata sa bawat tanong ang pari. Ni hindi nga niya namawayan na tapos na pala ang ceremony.
"You may kiss the bride!" ani ng pari.
Excited si Rocs sa halik. Alam niyang hindi siya hahalikan ng esposo kaya siya na ang humalik dito. Kinawit niya ang kaniyang dalawang braso sa leeg nito at siniil ng halik.
Palakpakan ang mga tao.
Todo kapit si Rocs sa braso ng asawa. Oo asawa niya na ang isang Jason Arebalo.
Hindi din sila nagtagal sa reception, lumipad patungong America ang bagong kasal.
LIMANG TAON ANG LUMIPAS....
"Nanay, diba sabi niyo po kapag mabait ba ako uuwi na si tatay?" tanong ng kaniyang bibo na anak.
Inaayusan niya ito, sa edad nito na mahigit apat na taong gulang, pumapasok ito sa Nursery School. Sa paglipas ng mga taon, naging mas matatag si Vielle para sa anak.
"Oo! Kapag hindi na busy si tatay." sagot niya dito.
"Hindi pa po ba ako mabait nanay?" makulit nitong tanong.
"S'yempre mabait! Kaso dapat lumaki ka at mag-aral ng mabuti, para matuwa si tatay."
"Sige po nanay, mag-aaral po akong mabuti."
"Hali kana! Kumain kana at baka ma late kapa sa school."
Magang kumain ang kaniyang anak. Ito ang naging lakas niya upang patuloy na lumaban sa hamon ng buhay.
Nakatira sila sa isang malayo na probinsiya. Malayo sa mausok at maingay na lungsod. Dito natoto silang mamuhay nang payapa. Ang pera na ibinigay ng kapatid ni Jason ay ginamit nilang puhunan sa isang maliit na sari-sari store.
At nagpatayo din sila ng maliit na karendirya. Ang kaniyang ina mismo ang nagluluto nang mag putahing tinitinda nila.
Kakaunti man ang kanilang kinikita, pinag kakasya nila sa pang-araw-araw nilang gastosin.
Pinagtutulungan nilang mag-ina na mapalago ang kanilang negosyo, para sa kinabukasan ni Jecsan, ang kaniyang anak.
Parang kahapon lang simula ng lisanin niya ang lungsod. At pilit na kinakalimutang ang pait ng kahapon. Ngunit gayon paman laking pasalamat niya at ngayon meron siyang anak na nagpapasaya sa kaniya.
"Anak may bisita ka!" mahinang sambit ng kaniyang ina. Maaga itong nagbukas ng kanilang tindahan.
"Sandali Nay at uunahin ko muna si Jec." aniya na hindi manlang tinapunan ng tingin ang ina.
"Bilisan mo na nak at ihahatid na kita sa school! Sige ka, pag na late ka." aniya sa anak.
"Opo nanay!" magalang na saad ng anak.
Inayos niya ang bag nito, ni hindi niya manlang namalayan na may isang nilalang na nakatunghay sa kanila habang lumuluha.
Parang tinuklaw ng ahas ang dalaga nang lumingon ito.
Isang hindi inaasahang nilalang ang nakatayo. Sa lumipas na mga taon, walang pinagbago ito.
"H-hi!" anito at pinunasan ang mata.
Palipat-lipat ng tingi ang dalaga sa binata at sa kaniyang anak.
"Nanay, bilisan mo na po at mahuhuli na ako." ani ng anak.
"Ahh... O-oo anak." aniya dito na hindi inaalis ang tingin sa binatang kaharap.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng kaniyang puso, tibok na sa iisang tao niya lang naramdaman.
"Nanay! Sino po siya?" tanong ng anak sabay turo sa binata. "Bakit po kamukha ko siya?"
Hindi alam ng ang sasabihin.
"Hali ka!" tawag ng binata sa bibong bata.
Alanganing lumapit ang bata, tumingin muna ito sa tahimik na ina.
"Sabi po ni nanay, don't talk to strangers po."
"H-hindi naman ako strangers ehh. See? Magkamukha nga tayo!" pigil iyak na wika ng binata.
"Nanay!" tawag nito sa ina.
Lumuhod ang ina para upang magpantay sila ng anak.
Sinulyapan nito ang binata bago nagsalita.
"Diba sabi mo gusto mong makita si tatay? Gusto mo siyang mayakap kasi miss na miss mo na siya?" saad ng dalaga dito at hindi napigilan ang paglandas ng luha.
Tumango ang anak.
"Diba goodboy ka naman? Kaya ayan na si tatay!" sabay turo sa binatang lumuluha na nakamasid sa kaniyang mag-ina.
Biglang sumaya ang mukha ng bata at lumapit sa ama. Lumuhod din ang binata upang magpantay sila ng anak.
"Tatay, hindi kana po busy sa work?" tanong ng bata.
Umiling ang binata at hinawakan sa braso ang anak.
"Tatay bakit po kayo umiiyak? Hindi po ba kayo masaya na nakita ninyo ako?" patuloy nito at hinawakan ang kaniyang mukha.
"Umiiyak si tatay kasi masaya. Matagal ka nang gustong makita at mayakap ni tatay."
Kusang yumakap ang anak sa kaniya. "Miss na miss ko din po kayo tatay, huwag na po kayong umiyak."
"Mahal na mahal kita anak. Sana hindi pa huli ang lahat para makabawi ako."
"Hindi na po kayo aalis?"
Hinawakan niya ito sa mukha at umiling. "Hindi na! Hinding-hindi kona kayo iiwan ni nanay." saad ng binata sa bibong anak, at sinulyapan ang dalagang umiiyak.
"Yeheee!" nanay hindi na po aalis si tatay! Sasabihin ko kay lola." tuwang-tuwa na turan ng bata. Masaya itong tumakbo palabas ng bahay, upang puntahan ang kainyang ina.
Nakatingin sila sa papalayon anak. Nang wala na ito sa paningin nila saka hinarap ng binata ang dalaga.
"Patawad!" sambit niya dito.
"W-wala ka namang kasalanan ehh! Pero sana huwag kang mangako sa bata na hindi mo siya iiwan. Ayaw ko siyang masaktan." ani ng dalaga na hindi makatingin ng diretso dito.
"Vielle, sana hindi pa huli ang lahat para sa atin."
Nabigla ang dalaga sa sinabi nito. "P-paano ang pamilya mo?"
"Divorced na kami!"
"Ha?" may tuwa siyang naramdaman.
"Oo! After the wedding, lumipad kami patungong America, ngunit sa mga araw na nagsasama kami, naramdaman niyang hindi ko siya kayang mahalin. Kaya pagkalipas ng ilang taon, pinalaya niya ako." kwento ng binata. "Pinahanap ko kayo, at ngayong nahanap kona kayo, pangako gagawin ko ang lahat upang makabawi."
Napaluha ang dalaga, luha ng kaligayahan.
"Please don't cry!" hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at pinunasan ang luha nito.
"Magiging masaya na tayo. Ito na ang panahon na wala ng makakapaghiwalay sa'tin. Mahal na mahal kita, ikaw lang ang babaing minahal ko at mamahalin habang buhay."
"Mahal na mahal din kita! Ikaw at ang anak natin." puno ng pagmamahal na wika ng dalaga.
Niyakap ng binata ang dalaga.
Huli man! titiyakin niyang pupunuan niya ang kaniyang pagkukulang sa kaniyang mag-ina.
Tama nga ang kasabihan, there is a right time for everything, in the right situation.
MINADALI ng binata ang lahat, nagpakasal sila sa simbahan. Simpling kasal lamang pero ito ang pinakamasayang araw ng kanilang buhay. Puno ng saya, tanggap ng kanilang mga magulang ang naging desisyon ng binata.
Nanirahan sila sa probinsya, tahimik at walang gulo. Nagpatayo ng kunting negosyo. Naging kontento na sila ng kung anong meron.
Minsan dumadalaw ang mga magulang ng binata sa kanila, aliw na aliw ang mga ito sa bibo nilang anak.
Si Rocs, sa wakas nahanap narin nito ang bestguy of her life. Masaya na itong naninirahan kasama ang sariling pamilya.
Sa bawat araw na dumaraan, ipinaparamdam ni Jason ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya, pinupunan niya ang mga taon na wala siya sa tabi ng mga ito. Larawan sila ng isang masayang pamilya.
Sa buhay pala, hindi kailangang magmadali, kasi ang lahat ng sakit ay may katapusan at pag ito na tapos, isang walang hangganang saya ang kapalit.
Sa lahat ng hirap at pasakit na kanilang dinanas, ngayon mas nagiging matibay sila. At handa sa ano mang pagsubok pa na dadaan sa kanilang pagsasama.
***WAKAS***
No comments:
Post a Comment