Short Story Writing Contest Entry #18: Selfish Love by Michelle Erbito


Teaser:

Naging madilim ang buhay ni Kevin nang maging ulila siyang lubos at nang mamatay ang kanyang kasintahan. He made a promise to himself,maghihiganti siya sa isang taong may kaugnayan sa pagkamatay ng mga pinakamamahal niya sa buhay. Habang ginagawa ang hakbang ay nakilala niya si Jana,kinasuklaman niya ito dahil sa anak ito ng taong nakadisgrasya sa mama at girlfriend niya.


Ngunit habang tumatagal ay nagiging malambot ang puso niya. Hindi niya namalayan kaagad na umiibig na siya sa dalaga at mukhang hindi na niya maisasakatuparan ang kanyang plano.


"TUMAKBO ka na habang may oras ka pa,panigurado namang mahahabol pa rin kita!" Nanlilisik ang mga mata ng lalaking humahabol kay Jana sa isang madilim na lugar,dahil sa pagtakbo niya ay di na niya alam kung saan iyon. Kahit wala na siyang lakas pa para tumakbo ay pinipilit pa rin niyang ihakbang ang mga paa. Takot na takot siya sa mga oras na iyon,una,di niya kilala ang lalaking humahabol sa kanya,pangalawa,mukhang may balak pa ito na pagsamantalahan siya.
Sa bilis ng pagtakbo niya ay natisod pa siya,dahilan kung bakit napatigil siya. Her heart beats faster. Konti na lang ang distansya ng lalaki at maaabutan na siya nito. Pinilit niyang tumayo kahit sobrang sakit na ng mga paa niya. She tried to calm herself pero mukhang di na niya magagawa pa. "Huli ka! Pagsasawaan muna kita!" Nasa harap na niya ang lalaki. Nakatutok pa ang hawak nitong baril sa ulo niya. "Pakiusap! Maawa kayo,sino ba kayo?at bakit niyo ako kilala?" umaagos ang luha ni Jana habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng lalaki sa kanya.

"Hindi ka na makakatakas sakin ngayon!" isang matigas na bagay ang pinukpok nito sa ulo niya. Nakaramdam siya ng pagkahilo at nawalan ng malay.

"S-SINO ka?" nang idilat ni Jana ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang harapan ang isang guwapong lalaki. Matangkad,katamtaman lang ang kulay ng balat,medyo singkit at mapungay ang mata. Seryoso ang tingin nito sa kanya,nakakatunaw talaga. Di siya sinagot nito kaya inulit niya ang tanong. "Sino ka?"

"Kevin Madrigal,mabuti na lang naitakas kita sa lalaking pumukpok sa'yo sa ulo." Pormal na sagot ng binatang si Kevin.

Sariwa pa rin sa utak ni Jana ang pangyayari mga ilang oras ang nakararaan,tumatakbo siya ng mabilis upang tumakas sa lalaking magtatangka ng masama sa kanya. Ang akala niya ay di na siya makakaligtas pa,mabuti na lang at sumulpot si Kevin upang sumaklolo.

"Mag-isa ka nung mga oras na iyon tama ba?sa isang babaeng tulad mo,di dapat at di tamang lumabas ng gabi lalo na kung mag-isa."

"Hindi naman talaga ako mag-isa noong time na yun,kasama ko si Lyra,workmate ko. Kagagaling lang namin sa trabaho,pauwi na kami,nakatakas lang talaga siya nang may humahabol samin."

"That sounds like--,baka naman may nakaaway kayo"

"Wala naman kaming nakakaaway,saka ano naman kaya ang habol samin nun?"

"Puwede kayong gawing sex slave or pagsamantalahan kayo tapos itatapon na lang sa ilog ang katawan niyo,kung kayo kasi ay di nagpapakakampante,mas safe kayong makakauwi ng bahay niyo."

"Ano pa bang magagawa ko? Nangyari na ang lahat,salamat sa tulong mo. Kailangan ko na ring makauwi"

"Ihahatid na lang kita mamaya,just take enough rest,sabi naman ng doktor hindi ganoon kalala ang pagkakapukpok sa ulo mo,that's why I brought you here in the hospital." Sumulyap muna si kevin sa kanyang relo. Nang makita ang oras ay kumuha siya ng gamot at inabot iyon kay Jana.

"Here. Take this medicine,don't worry,prescripted yan ng doktor." Sabi pa nito.

"Paano kung kasabwat ka nung lalaking humabol sakin kanina?" Di napigilan ni Jana ang sarili at naitanong iyon. But for her honestly,wala sa itsura ni Kevin ang maging rapist at nasasangkot sa mga krimen. Sa porma at tindig pa lang nito ay mukhang may sinasabi na sa buhay. Mukhang nasa mid twenties pa lang ang binata at kahit na seryoso ang aura nito ay halata pa rin ang pagiging mabait at gentleman nito.

TAHIMIK lang na nakatingin si Jana sa puntod ng kanyang ama. Today is her father's 10th death anniversary. Awang awa siya sa kanyang tatay,namatay na nga ito dahil aksidenteng nabunggo ang minamaneho nitong truck sa isang kotse,ito pa rin ang sinisisi ng pamilya ng nabunggo nito kahit napatunayan na sa korte na di sinasadya ang nangyari. Ang pagkakaalam ni Jana ay galit na galit ang pamilya ng nabunggo ng tatay niya,ang nanay niya ang nagkuwento noon sa kanya. Kapag naaalala niya iyon ay lalo siyang nalulungkot. She cares a lot when it comes to her parents. Alam na alam niya kung gaano naghirap ang mga magulang niya para bigyan siya ng maayos na buhay. Isang plain housewife ang mama niya at truck driver ang papa niya. Kahit di ganun kalaki ang sinasahod ng papa niya ay kontento na sila sa buhay kaya isang napakalaking problema ang nangyaring trahedya sa papa niya. She thought that she can't handle too much pain. Nang mamatay ang papa niya ay naghirap lalo sila ng kanyang mama pero dahil sa pagsisikap ay unti unti silang nakabangon at naigapang pa siya ng mama niya sa pag aaral.

She closed her eyes,she prayed and smiled. Malapit na rin palang maupos ang kandilang sinindihan niya sa puntod ng kanyang papa. Pinahid niya ang luha sa mata at bumuntong hininga. "I miss you papa,alam kong masaya ka sa piling ni God."

Medyo dumidilim na rin ang ulap,hudyat na maggagabi na. Naisip niyang umalis na para di siya gabihin lalo sa pag uwi.

Maraming bagay siyang naiisip,lahat lahat ng nangyayari sa buhay niya. Marahil may plano ang nasa itaas kaya nangyari ang trahedyang iyon. Napayuko na lang siya habang naglalakad kaya di niya napansing nakabunggo na pala siya ng tao.

"Sorry." iniangat ni Jana ang kanyang mukha at nagulat siya sa kanyang nakita. Napanganga siya. Ang taong nasa harap niya,walang iba kundi ang tagapagligtas niya. Si Kevin.
"What a small world! Dito lang pala tayo magkikita ulit." Nakangiting sabi ni Kevin. Napaatras bahagya si Jana,di niya alam kung dahil nagulat siya o na-excite lang. Ano nga bang meron sa lalaking ito?bumibilis ang tibok ng puso niya lalo pa't nakikita niya ang malapad na ngiti sa labi nito.

"Kevin?"

"Natatandaan mo pa pala ako."

"Makakalimutan ko ba naman ang taong nagligtas sakin?"

"Well,nasa sa'yo lang naman kung kakalimutan mo ako diba?Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Death anniversary ng papa ko ngayon,dumalaw lang ako."

"Ah, I'm sorry"

"Ano ka ba,wala yun,eh ikaw? Bakit ka nandito?"

"Death anniversary ni mama at ng girlfriend ko."

Napatahimik na lang si Jana sa sinabi ni Kevin.

Mas masakit pala ang sinapit ni Kevin dahil dalawang pinakamamahal sa buhay nito ang nawala. Lumungkot ang anyo nito at alam ni Jana na ang dinaramdam nito ang dahilan.

"Sorry din Kevin."

"Quits na tayo ah." Kevin showed his cute smile again. Ngumiti na naman ito na para bang walang anumang dinadalang problema. Isa na namang napakagandang view iyon para kay Jana. Napako lang ang tingin niya sa binata. Wala siyang masabi,basta ang gwapo at kisig talaga ni Kevin. Napakasuwerte ng babaeng makakatuluyan nito balang araw.

"Ihahatid na lang kita sa inyo. Okay lang ba? Pauwi ka na rin diba?"

Nakakahiya man,pero ang hirap para kay Jana ang tanggihan ang alok ni Kevin. Tamang tama rin,kaysa makisabay sa rush hour ay mas mainam na sumabay na lang siya rito para makauwi ng maaga. Magandang pagkakataon na rin iyon para mas makilala pa niya ito nang husto at maging kaibigan.

'Kung puwede rin kahit sa pagpasok ko sa trabaho eh,hindi talaga ako tatanggi basta ikaw ang mag aalok.' anang pilyang utak niya habang di niya namamalayang napatango na siya at ibig sabihin lang ay tinatanggap na niya ang offer ni Kevin na ihatid siya nito.

"KEVIN, patay na ang mama mo,nabunggo ang kotseng sinasakyan niya ng isang 10 wheeler truck kasama ng mama mo si Aya,siya naman nag aagaw buhay. Puntahan mo ako dito sa ospital." halos di na maintindihan ni Kevin ang sinabi ng kanyang papa mula sa kabilang linya ng telepono dahil sa paghagulhol nito ng iyak. Nakakakilabot ang mga sandaling iyon. Kulang na lang ay paliparin niya ang sasakyan niya makarating lang kaagad sa ospital.

Mabilis ang pagtakbong ginawa niya papunta sa kinaroroonan ng papa niya. Natagpuan niya ito sa tapat ng E.R, may mantsa ng dugo ang damit na suot nito at malakas na humahagulhol sa pagluha.

"Pa--pa" nauutal na sabi ni Kevin habang nilalapitan ang ama.

Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. "Wala na ang mama mo, wala na Kevin. Kasalanan ko ito,dapat hinatid ko na lang sila ni Aya sa pupuntahan nila. Pabaya ako! Kasalanan ko ito!"

Gumanti naman ng yakap si Kevin sa ama. "Papa,bakit nangyari ito? Papa--"

"Kevin,hindi ko kakdayanin ito. Napakapabaya ko."

"Don't blame yourself pa." pilit niyang pinapakalma ang papa niya. They felt so hopeless.
Iyon na ang umpisa ng pagdilim ng buhay ni Kevin.

NAGISING mula sa isang masamang panaginip si Kevin. Habol hininga pa siyang bumangon at sinapo ang kanyang noo. Mainit ang katawan niya,senyales na lalagnatin na naman siya. 

Hindi na naman siya makakatulog dahil napanaginipan na naman niya ang eksena noong mamatay ang mama niya. Sa kasamaang palad,ang girlfriend niyang si Aya ay di na rin nakayanan ang aksidente. Ang akala niya ay may chance pang magising ito pero iyon ay hanggang maling akala na lang.

Malaki ang pinagbago ng buhay niya. Nawalan ng atensiyon ang papa niya sa kanya. Halos araw-araw ay puro pag-inom ng alak ang ginagawa nito. Madalas kung magsugal at mag uwi ng babae sa bahay. Hindi na siya bata at inosente para makakita ng maling gawain ng kanyang ama dahil 17 years old na siya noon.

Lagi na ring mainitin ang ulo ng kanyang ama,kaunting bagay lang ay galit na ito sa kanya kaya iniiwasan na lang niya ang umimik rito. Naging malamig ang relasyon niya sa kanyang ama hangga't sa umabot na sa puntong napagbubuhatan siya ng kamay kahit wala namang dahilan. He thought before that a rebellion can solve all of his problems. Pero tumatak pa rin ang pangaral ng kanyang mama noon na dapat ay huwag na huwag siyang magtatanim ng galit sa kapwa. Isa pa ay tatay naman niya ito. Pinalampas niya lang mga pananakit nito. Pinag aralan din niya kung paano palaguin ang negosyo nila na napapabayaan na ng kanyang ama.
In just three months,na-manage ni Kevin ang business nila nang hindi pinapaalam sa papa niya.

He also planned a surprise party dahil magbi-birthday na rin ang ito. Excited siyang umuwi sa bahay at dinala pa niya lahat ng proof na umunlad na nga ang negosyo nila. Agad siyang pumanhik sa kwarto nito. He took a deep breath before knocking the door.

He made a knock more than three times but his father doesn't open the door. Napilitan siyang buksan ang pinto pero naka-lock. Bigla na lang siyang kinutuban ng masama. His mind is full of 'What if' . What if his father is--

Kaagad niyang kinuha ang duplicate key ng kwarto. Nang mabuksan niya ay tumambad sa paningin niya ang kanyang pinakamamahal na ama. Tumulo ang kanyang mga luha. Wala na itong buhay dahil nag-suicide ito sa pamamaraang pagbigti sa sarili.
"Pa!!" kahit anong lakas ng sigaw ni Kevin ay wala ng mangyayari pa. Patay na ang tatay niya. Sumunod na ito sa mama niya.

TUWANG-tuwa si Jana nang makatanggap siya ng e-mail mula sa mama niya na kasalukuyang nasa ibang bansa. Malapit na raw itong magbalik bayan kaya natutuwa siya talaga. Limang taon na rin kasi mula nang umalis ito para magtrabaho doon. She really missed her mom,nagsisimula ng maging maayos ang lahat.

Back to reality, napasulyap siya sa orasan at bigla niyang naalalang may pasok pala siya sa trabaho. Kaunting oras na lang ay late na siya. Mapapagalitan na naman siya ng husto ng kanyang boss at iyon ang kinakatakot niya.

KITANG-kita ni Kevin kung paano ipahiya si Jana ng Supervisor nito sa boutique. Nagkunwaring customer si Kevin,patingin tingin siya sa mga damit na naka display hangga't sa makalapit siya sa kinaroroonan ni Jana at ng bisor nito.

"Palagi na lang ganyan Jana. Baka gusto mong wag na lang magtrabaho!" sigaw kay Jana ng supervisor.

"Hindi na po mauulit,sorry ma'am." mangiyak-ngiyak na paghingi ng apology ni Jana.

Pinagtitinginan na sila ng ibang customer. Si Lyra naman na kaibigan at katrabaho niya ay di magawang magsalita at depensahan ang kaibigan dahil takot ding mapatawan ng sunction at madamay pa. Di na nakapagtiis si Kevin. He walked in front of Jana's supervisor with many clothes in his hand.

"Magkano ba ang sinasahod ni Jana dito?"

Napalingon na lang si Jana sa pinagmulan ng boses. Nanlaki ang mga mata niya. She was shocked after seing Kevin,just a few inch away from her. Ngumiti ito.

"Sir Kevin? Kayo pala." nahihiyang bumati ang supervisor ni Jana.

"Sir Kevin?ibig sabihin big boss din siya?" sa isip ni Jana.

"Dodoblehin ko ang sahod ngayon ni Jana. Just let her go out with me." salubong ang kilay ni Kevin habang nakatingin sa supervisor. "Pero bakit naman sir?" alanganing tanong nito.

"Kung hindi ka papayag,baka mag back out ako bilang distributor ng boutique niyo. O kaya ikaw ang gagawin kong reason sa pag back out ko. Isusumbong pa kita sa head niyo." May himig ng pananakot ang sinabing iyon ni Kevin.

"Ah,eh-- Sorry sir. Di na po mauulit." Dispensa ng supervisor. "Kay Jana ka mag-sorry."

"pero sir,it's just a matter between me and her. Trabaho lang po."

"Ganun? Trabaho mo pala ang manigaw lang ng isang empleyadong katulad mo? What if I told you that it's a matter of business at nakasalalay itong boutique niyo?"

Napakamot ulo na lang ang bisor at lumapit kay Jana. "Sorry Jana,stress lang ako sa work." Paghingi nito ngd paumanhin sa dalaga.

"Pakibalot nito. Babayaran ko lahat." Natuon naman ang atensiyon ni Jana kay Kevin at sa madaming magagandang damit na hawak nito.

"Ah,sige po Sir" dali-daling kinuha ng bisor ang hawak ni Kevin.

Kevin just laid his eyes to Jana. Pansin niya na nahihiya ito at di man lang makatingin ng diretso sa kanya.

Iniabot kaagad ng bisor ang mga damit na nakalagay na sa paper bag. "How much?"

"Five thousand Sir."

"Okay" Cash ang ibinigay ni Kevin at lalo pang nagulat si Jana. Ano nga ba ang gustong palabasin ng binata?may gusto kaya itong patunayan. Pero hindi naman mukhang pasikat ang binata. She just don't understand what Kevin did. Pinagtanggol na nga siya. Bumili pa ng maraming damit sa boutique na pinapasukan niya.

"ANO bang kailangan mo sakin? Bakit nag abala ka pang bumili ng damit? Pinagtanggol mo pa ako sa bisor ko? Tapos ngayon,saan naman tayo pupunta?" Ilang minuto na rin ang lumilipas habang nakasakay siya sa kotse ni Kevin. Tahimik lang itong nagmamaneho kaya binasag na ni Jana ang katahimikan at sunod-sunod na ang mga tanong niya.

"Gusto ko lang ng kausap" Kevin replied.

"Sorry. Ang daldal ko kasi." Nahihiya siyang humingi ng dispensa kay Kevin. Naaawa siya rito. Something is happening to her that she can't explain while she looks at Kevin. Naaawa siya pero parang ang simpatya niya ay higit pa sa normal na kapwa tao lang. She felt that she wants to comfort him in the way she could do. Paano nga ba niya pagagaanin ang loob nito gayong hindi naman sila close?

"No. I'm fine. Huwag kang mag-sorry." It took five minutes before he answered.

"Kasalanan ko talaga. Hindi ko naman kasi alam na may pinagdaraanan ka pala."

"Nandito tayo para mag-enjoy,hindi para magdrama okay?"

"Okay. Total okay ka na,puwede mo bang sabihin kung bakit sakin mo naaalala ang girlfriend mo?"

Napabuntong hininga si Kevin. "Pareho kayo. Mahinhin,simple at mukhang mahina. 
Ewan,basta. Naalala ko bigla si Aya nang makita kitang ina-attempt na samantalahin nung lalakeng di mo kilala. I remember her, kung paano ka umiyak,ganun din siya. Talagang napaka-weak pero mabuti ang kalooban."

Jana seemed so touch with his words. Ramdam niya ang sakit ng kalooban nito.

"Kalimutan mo na nga lang kung anong sinabi ko sayo Jana." Tinitigan siya ni Kevin. Matagal iyon at para bang sinusuri siya nito nang maigi. She couldn't react. Hindi na niya yata matatagalan ang mga titig nito.

'Nakakatunaw. Huwag ka nang tumingin please.' Gusto niyang isatinig iyon pero alam niyang awkward kapag sinabi pa niya.

"Para sayo talaga ang mga ito." Iniabot ni Kevin ang lahat ng paper bag na puro mamahaling damit na binili pa niya sa boutique na pinapasukan ni Jana.

Her eyes rounded. Sa pagkakataong ito nagawa na naman siyang gulatin ni Kevin.

"Teka ano ba 'to? Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari? Ano bang kailangan mo sakin?" tumaas ang tono ng pananalita niya. Such a weird thing,bibigyan ka ng maraming damit ng isang lalake na di mo pa kilala tapos napakabait pa ng trato sayo. Imposible naman wala itong motibo o gustong makuha sa kanya.

"Tanggapin mo na,para sayo talaga yan." He just replied.

"Ayoko. Sorry talaga Mr. Kevin--"

"Madrigal. Kevin Madrigal." Pormal ang boses ni Kevin nang sabihin ang last name.

"Okay. Salamat Mr. Kevin Madrigal. Hinahanap na ako ng mama ko sa bahay." Gumawa pa ng palusot si Jana kahit ang totoo ay di naman niya kasama ang mama niya dahil nasa ibang bansa ito. Tumayo siya at aalis na sa harap ni Kevin.

"Wait Jana". A soft voice of him made Jana stop.

"Ano?"

"Nothing. You're just beautiful. I'm sorry kung nakaistorbo ako."

Nagkunwari lang si Jana na wala siyang pake sa huling sinabi ni Kevin. Beautiful? Ang parents lang niya ang nagsasabing maganda siya. Wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nakapagsabi noon. Maybe because she just look plain and simple,kung hindi lang kailangan mag make-up habang naka-duty sa boutique ay di na siya maglalagay pa ng kahit anong kolorete.

"Aalis na ako. Thanks and goodbye."

That's all she can say then she walked out.

NAKAKUYOM ang mga palad ni Kevin sabay suntok sa pader. He arrived at his home or in other term his house. Wala naman kasing tao o ibang kapamilya siyang naninirahan doon. He's alone since his parents died ten years ago. Madilim na ang buhay niya. He felt that his life is wasted. Tumatakbo lang ang buhay sa negosyo ng nasirang ama. Boring. No thrill at all. He never dated anyone. Wala na siyang magugustuhan pa maliban kay Aya pero ngayon gulong-gulo na ang utak niya. Hindi siya makapaniwalang tinanggihan ni Jana ang binigay niyang damit rito. He was dropdead gorgeous. At sa itsurang iyon ay napag-isipan pa siya na masamang tao ni Jana. He felt insulted.

Marahas na napabuntong hininga siya at kumuha ng alak sa ref. Again,he will make himself drown with liquor. Iyon na lang ang nakakapag-refresh ng utak niya. All he can blame is the person involved in the accident. Ito ang pinaniniwalaan niyang dahilan kung bakit naging patapon ang buhay niya.

"Siguro magiging masaya lang ako kapag naging patapon na rin ang buhay ng taong may kaugnayan sayo." Tinutukoy niya ang truck driver na namatay na rin noong nangyari ang aksidente. Para sa kanya ito ang ugat ng lahat at kahit patay na ito,di pa rin siya makukuntento. 
He only thought about revenge. Hindi puwedeng lumambot ang puso niya sa kababawang dahilan lang. His plan should not be destroyed. Ilang taon na rin ang inilaan niya para maisakatuparan iyon.

MAAGANG nagising si Jana para maghanda sa trabaho kahit late na ang kanyang tulog kagabi. She is just to eager to do her goals in life. Kailangan niya talagang magtrabaho para makatulong sa mama niya. Inayos niya ang make up sa sarili. She needs to be more presentable. Madalas kasi siyang nasisita ng supervisor kapag naka-light make up lang siya.

A sudden knock on the door made her stop on what she's doing. "Sino naman kaya iyon?" napabuga pa siya ng hangin.

"A-Ano--" natigilan siya nang makita kung sino ang kumatok sa pinto. A man with a pretty face,pointed nose and thin red lips.

Pagsasarahan pa sana ito ni Jana ng pinto pero hinawakan agad nito ang kamay niya.

"Good morning." Kevin said. He made a pretty smile again. Talagang good na ang morning.

"Ano na namang dahilan ng pagpunta mo dito?saka paano mo nalaman ang bahay ko?" mataray na tanong ni Jana.

"I just want to give all the  dress that I bought for you yesterday." He smirked.

"Alam mo,di ko maintindihan kung bakit ginagawa mo to eh. Ano bang gusto mong mangyari?"

"Wala. As in wala lang,bakit?kailan pa naging masama ang pagiging generous?"

"Ewan ko sayo,umalis ka na lang. May pasok pa kasi ako."

Sinaraduhan ng pinto ni Jana si Kevin. Kabastusan man ang ginawa niya,wala na siyang pakialam pa. But she can't deny the feeling when she looked Kevin. Kahit nakasimpleng polo ay napakagwapo pa rin nito. Hindi niya alam kung bakit kahit wala pa itong ginagawa o sinasabi ay nakakaramdam siya ng di maipaliwanag na excitement. Hindi kaya ito na ang senyales na nagkakagusto na siya rito?

NAGMAMADALING umalis si Jana sa bahay. Masyado yata siyang nag-ayos ng sarili para maging presentable sa trabaho. Hindi niya natantsa ang oras,siguradong bad shot na naman siya sa kanyang boss.

Mabilis ang pagtakbong ginawa niya pero napahinto siya nang may humintong sasakyan sa harap mismo ng dinaraanan niya. She paused for a while. Hindi tinted ang sasakyan kaya nakita niya kung sino ang driver. A guy with an extraordinary charm who can take her breath away. Hindi siya kumurap, si Kevin na naman. Mukhang hindi siya titigilan ng lalaking ito.

"Hoy! Balak mo bang pumatay ng tao?" binulyawan ni Jana ang binata. She hitted the front of the car using her shoulder bag because of her anger. Wala rin siyang ibang makitang pwedeng ibato,kung may bato lang sana siyang siyang nakita agad. Sobrang kaba ang naramdaman niya,akala niya ay madidisgrasya na talaga siya at maoospital nang wala sa oras.

"Alam kong nagmamadali ka Jana. Ihahatid na kita sa pupuntahan mo." lumabas sa kotse si Kevin. He grabbed Jana's hand without telling that he will do that. "Ano ba? Bitawan mo ako!" inis na utos ni Jana sa binata. Mukhang malala pa sa heart attack ang nararamdaman niya ngayon. The volt of electricity is approaching her. Kapag nadidikit ang balat niya kay Kevin ay lagi niyang nararamdaman iyon. Such a weird feeling. Kahit sinabi niyang bitawan siya,ang kabilang bahagi naman ng utak niya ang nagsasabing huwag siyang bitawan nito. Huwag na huwag.

"Para na rin makatipid ka sa pamasahe." mahigpit ang pagkakahawak ni Kevin sa kanang pulso ni Jana. Iginiya niya ito papasok sa kotse. Di na nakapalag pa ang dalaga. Mabilis na niyang pinaandar ang sasakyan. He was driving and the silence occupied between them. 
Sumusulyap si Jana sa side mirror ng kotse ni Kevin.

"Ano bang gusto mong mangyari?nagt-take advantage ka ba sakin?" She didn't even hesitate to ask him. Napangiti lang si Kevin at pinahinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada.

"Assuming too much can hurt you so much".

"So,bakit mo pala ginagawa ito? At talagang natunton mo pa ang bahay ko."

"Remember noong last week,nagkita tayo sa sementeryo diba? Hinatid kita sa bahay mo,you taught me how to go there. And don't even assume that I'm taking advantage,dahil iba ang paraan ko para gawin iyon."

"At paano?"

Kevin smiled,not nice but a naughty smile. He cupped Jana's face and he pulled himself closer. He kissed her. Yes he did. The passionate and deep kiss. 

He grabbed her wrist,he pulled himself closer to her. Mas malakas siya,dahil doon ay di nakapalag si Jana. Isang minuto lang ang halik na iyon pero parang napakatagal para kay Jana. It was her first kiss. Hindi siya nagkaroon ng nobyo dahil choice niya iyon. She wanted to help her mother by focusing to her job. At ngayon,sinira na ni Kevin ang plano niya. Na-shock siya. Para siyang naparalyzed dahil sa kiss ni Kevin. She already prove to herself,ganun pala ang taking advantage para kay kevin,ang mangnakaw ng halik. Nang makahuma ay agad siyang lumayo kay Kevin. She couldn't make a move. Dapat nga sinasampal na niya ito katulad ng mga nangyayaring eksena sa drama. But why does she felt that she liked it?

Agad siyang umiwas ng tingin,akmang aalis na siya sa kotse pero maagap na nahawakan ni Kevin ang kanyang braso.

"Sorry Jana. I am sorry." Malumanay ang tinig ng binata,may impact agad sa puso ni Jana ang paghingi nito ng paumanhin. Kunwari ay wala lang,umalis siya sa kotse at iniwan si Kevin na walang kahit anong sinasabi.

HABANG naglalakad sa tabing kalsada ay biglang nag-ring ang cellphone ni Jana. Bisor ng boutique ang tumatawag,bigla siyang nataranta at sinagot iyon kaagad.

"Sorry Ms. Jana,you are no longer connected to the company as an employee." Sabi ng bisor,hindi man lang nakapag-hello si Jana dahil dire-diretsong nagsalita ito sa kanya mula sa phone.

Nanlumo siya at pakiramdam niya ay parang nanghihina ang kanyang mga tuhod,napatigil siya sa paglakad.

Again,she is hopeless. Ang trabaho niya sa boutique ay isa sa mga bagay na meron siya at pinag-iingatan niya iyon. And the person who can blame is Kevin Madrigal. Kung hindi siguro siya pinagtanggol nito ay hindi magagalit ang supervisor at hindi siya masisibak sa trabaho. 
Pakiramdam niya ay nasisira na ang pagkakaguhit ng eyeliner dahil nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.

'Paano na ang bahay pati ang mga utang namin? Hindi pwedeng si mama lang ang umako sa pagbabayad.'

She is so fragile. Napakahina niya talaga,konting pagsubok lang ay madaling sumuko at panghinaan ng loob. And Kevin was right. Naalala na naman ni Jana na kinumpara pa siya ni Kevin sa yumaong kasintahan nito.

Then she realized her situation at this moment. Tuluyan na siyang napaiyak. She looks so pathetic. God knows she really love her job. Alam niya kung gaano kahirap maghanap ng trabaho kaya nagsusumikap siyang pagbutihin iyon pero sa isang iglap ay nawala. Wala pa siyang sariling ipon dahil inilalaan niya sa pagbabayad ng mga utang. Since the death of his father,naghirap sila ng kanyang ina at pati bahay ay naisangla na. Undergraduate din siya sa kolehiyo kaya paniguradong mahihirapan na naman siyang maghanap ng trabaho.

"ANO? Nagtagumpay ka na ba sa mga plano mo?" Ibinaba ni Ynez ang hawak na tasa sabay tingin kay Kevin. Isa siya sa mga matalik na kaibigan ni Kevin simula pa noong highschool days. Alam niyang may pakay ito sa kanya kaya tinawag pa siya nito para lumabas at pumunta ng coffee shop.

"Napakailap,hindi ko agad makuha ang tiwala niya. Pinapakita niyang matapang siya kahit ang totoo ay mahina naman talaga siya."

Napabuga na lang ng hangin si Kevin.

"Di yata tumalab ang karisma mo sa babaeng iyon. Baka hindi ka niya tipo." Natatawang sagot ni Ynez.

"It's not about the type matters,ang kailangan ko lang ay makuha ang loob ni Jana. Dapat na maging magkaibigan kami. Dapat makuha ko ang tiwala niya."

"Di ka pa ba sumusuko Kevin? Ten years na ang nagdaan eh,you're not a young boy anymore. Puwede ka na ngang maghanap ng magiging asawa at bumuo agad ng pamilya. Mag-isa ka na lang,di ka ba nalulungkot? Dapat siguro kalimutan mo na rin si Aya pati ang pagkamatay ng parents mo."

"No. I can't. Hindi puwede. Kahit sabihing matagal na,hindi ko makakalimutan yun Ynez. Si Aya lang ang pinakamamahal ko,alam mo naman yan diba? Ang tatay ni Jana ang dahilan kung bakit namatay si Aya at mama. Hindi matanggap ni papa ang nangyaring aksidente kaya nagpakamatay na rin siya. Akala ko ba naiintindihan mo ako?" Kevin became emotional again. 

Luminga-linga muna sa paligid si Ynez at napabuntong hininga. "Tama na nga yang pagiging dramatic Kevin. Some people here laid their eyes to us. Nakakahiya,baka isipin pa nila kung anong sinabi ko sayo. Para kang di lalake dyan. Now tell me,bakit mo ako tinawagan? What do you want?"

Sumeryoso ang mukha ni Kevin. "Gusto kong gumawa ka ng way para mapalapit ako kay Jana. Ikaw ang gagawin kong tulay."

"Seryoso ka diyan? Liligawan ko siya? Naku ah. Girl ako at hindi lesbian." Ynez laughed so loud when she heared Kevin's idea.

"Hindi ganun. Mukha ba akong nagpapatawa? Sasabihin ko ang detalye kung paano" turan ni Kevin kay Ynez.

"HELLO Ms. Jana?" 

Isang babae ang kaagad na bumati kay Jana nang buksan niya ang pinto.

"Sino po kayo?" Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. She even try to recognize the woman in front of her pero di niya matandaan kung kilala niya ito at kung nagkita na ba sila.

"I'm Ynez Montelibano of Elegance Fashion Inc., Somebody recommends you to me as a fashion consultant." Sagot ng babae. Halatang edukada at well-mannered ito kahit ibase lang sa tono ng pananalita. Maganda ang pananamit nito na naibagay sa magandang mukha at pangangatawan.

Sinipat mabuti ni Jana ang itsura ng babaeng iyon. That girl looks elegant and smart,kung paghahambingin siguro ni Jana ang sarili sa babaeng estranghera ay wala na siyang panama. 

'Hindi ka naman siguro scammer.' Sa isip-isip niya.

"Talaga po? at sino naman po?" she politely asked.

Ngumiti naman ito. "Isa sa mga nakakakilala at nakakaalam kung gaano ka kahusay sa pagtatrabaho. I just want to invite you at my office,io-orient kita sa magiging trabaho mo."

Di naman agad makapaniwala si Jana. She suddenly got excited,narinig niya kasi ang salitang trabaho at sa ngayon ay iyon talaga ang pinakakailangan niya.

"Ta-talaga po?" Hindi siya agad nakahuma. Parang gusto pa niyang ipaulit ang magandang balitang sinabi ng babaeng nagpakilala bilang Ynez.

Napangiti si Ynez at bahagyang natawa. Kahit pagtawa niya ay may poise,it also sounds so sexy. "Oo naman. Hindi mo ba ako papapasukin muna? Para mapag-usapan natin ang new career mo?" Sagot niya.

"S-sige po ma'am Ynez."

Naging maluwang ang ngiti ni Jana at pinapasok sa loob ng bahay si Ynez.

NAPAWI ang kaba ni Jana nang makarating siya sa main branch ng Elegance Fashion na pag-aari ni Ynez. Napakaganda ng ayos sa loob at magaganda rin ang mga damit na nakadisplay. Naalala niya rin ang mga disenyo ng damit sa boutique na dati niyang pinasukan,pero parang mas nagandahan siya sa disenyo ng Elegance Fashion. Isa na rin ito sa mga maituturing na no.1 clothing line sa bansa. Napapanganga na lang siya sa mga nakikita.

"Ready ka na ba Ms. Jana?" marahang tinapik siya ni Ynez at ngumiti ito sa kanya. Malamang ay napansin nito na sobra siyang nagandahan sa mga nakikita.

"First day of orientation,hindi dapat kabahan okay?" pagch-cheer up pa ni Ynez kay Jana.

"From now on,ikaw na ang magiging assistant ko." Dagdag pa niya.

"Huh? Ano po? Assistant niyo?" Di makapaniwalang tanong ni Jana. Ang pagkakaalam niya talaga ay fashion consultant lang siya sa Elegance Fashion,ngayon lang sinabi ni Ynez na assistant pala ang kanyang designation.

"Well,nalipat kasi sa malayong lugar ang dati kong assistant. May mahalaga akong pinaasikaso sa kanya. Ayaw mo ba?"

Napailing si Jana at bahagyang ngumiti. "Hindi naman po sa ganun Ma'am Ynez. Nagulat lang po ako. Kasi ang alam ko pag assistant ay siya yung laging sasama sa mga lakad niyo. Tama po ba?" paliwanag niya.

"Hindi sa lahat ng oras. Pero pinili kita bilang assistant dahil may tiwala ako sa'yo. 
Ipagkakatiwala ko na rin ang pagma-manage ng branch sa'yo Ms. Jana." Sagot naman ni Ynez.

Napalunok na lang si Jana at pilit na ngumiti. She can't decide at the moment. Unang una,wala siyang alam sa pagiging ala manager at pangalawa naman ay may kung ano na namang pumasok sa isip niya. It's really unbelievable that someone will approach you to handle the hardest responsible despite of lack of knowledge to your historical and educational background carefully. Kung siya ang may ari,di siya papayag na kung sinu-sino na lang ang pahahawakin ng kompanya. Nakakatakot din pumalpak,isa pa ay kataka-taka na binigay agad ni Ynez ang tiwala nito sa kanya. Ano kayang motibo nito?

Naisip niyang pakana ito ni Kevin. Pilit niyang iwinaksi sa kanyang utak ang binata. H'wag muna ngayon,ayaw niyang mapahiya kay Ynez.

"Please Jana,I know you can handle this branch. Please? Payag ka na?"

Parang nagmamakaawa ang boses ni Ynez at saka hinawakan ang mga palad ni Jana. Tumingin si Jana sa mga mata nito. Looks like she's really in need for an assistant. Halatang kinukumbinsi siya nito.

"Okay. Gagawin ko po ang makakaya ko." Di namalayan ni Jana na awtomatikong tumango siya.

Maluwang ang ngiti ni Ynez dahil sa pagpayag ni Jana."H'wag kang mag-alala Jana. By next week magpapadala ako dito ng taong makakatulong sa'yo. Magiging temporary trainor mo siya." She assured.

BUMUNTONG-hininga si Jana nang makita niya ang mga manequin na sira-sira at walang damit. Ibinilin kasi ni Ynez na dapat ay ayusin niya ang mga iyon dahil di pa dumarating ang orders ng branch. Dahil wala si Ynez ngayon,ang dalawang staff lang ang kasama ni Jana. 

Sinabihan din siya ni Ynez na ngayon darating ang temporary trainor niya. Kinabahan siya kapag naiisip iyon. Sabi kasi ni Ynez ay isang magaling na negosyante at board member ng Elegance Fashion ang trainor niya. Ibig sabihin lang naman ay hindi basta basta ang taong iyon.

Inalis niya muna sa isipan niya kung sino talaga ang trainor niya. Habang busy sa pag-aassist ng customer ang dalawang staff,siya naman ay nasa stockroom para i-arrange at linisin ang mga nasirang manequin.

Gumamit siya ng mataas na upuan para abutin ang isang manequin na nakalagay sa upper cabinet. Nahirapan talaga siyang abutin dahil masyadong mataas ang pinaglagyan ng manequin kaya tumingkayad pa siya.

Napangiti siya nang maabot ang pakay na manequin. Nakuha niya iyon pero nawalan siya ng balanse at nahulog siya sa upuan.

Naramdaman ni Jana na nakabalot na siya sa bisig ng isang di kilalang lalake. Bumagsak kasi siya mula sa mataas na upuan,mabuti na lang at hindi siya nasaktan dahil may nakasalo pa sa kanya.

"Are you okay?" She heared the familiar voice of a man. Tiningnan niya kung sino ang lalakeng sumalo sa kanya.

She was shocked. Her eyes had open wide while looking at this man.

His eyes,nose,lips and every details of his face. Ito lang naman ang lalaking pilit niyang winawaksi sa kanyang isipan,si Kevin Madrigal.

Di siya agad nakahuma,alam niyang ramdam ni Kevin kung gaano siya kabigat. Tila napako ang paningin niya sa maamo at gwapong mukha nito.

"What a small world Jana." Nagsalita si Kevin at doon lang nakahuma si Jana at bumalik sa realidad ang kanyang isip.

"K-kevin?" Napabalikwas agad si Jana at saka tumayo. Agad siyang nagpagpag ng damit dahil kumapit ang mga alikabok galing sa sirang manequin na kinuha niya.

"A-ano bang ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" Tanong ni Jana.

"Ako kasi ang magiging trainor mo Ms. Jana."

Dumoble pa ang gulat ni Jana. Kung ganun,tama nga ang naunang hinala niya. Si Kevin na naman ang may dahilan kung bakit siya nagkaroon muli ng trabaho.

"Nakakainis!" Gustong pagbuntungan ni Jana ang mga sirang manequin. Kailan nga ba siya titigilan ng lalaking ito?

"HELLO guys!"

Nabasag ang katahimikan sa biglang pagdating ni Ynez. "May dala akong coffee!" itinaas niya ang dalang tray na may tatlong tasa ng kape.

"Kumusta ang pagtuturo kay Jana,board member Kevin?" Tinapik ni Ynez ang balikat ni Kevin at ngumiti.

"Okay lang. She's doing well." Malumanay na sagot ni Kevin.

"Malungkot yata ang kaibigan ko. Na-stress ba sayo Jana?"

Ibinaling ni Ynez ang tingin kay Jana.

"Ah-hindi ko po alam kung nai-stress ko siya." napayuko na lang si Jana,feeling naman niya ay napahiya siya ng konti.

"Ganito na lang. Let's go out mamaya. Isasama ko na rin ang dalawang staff." Pang eengganyo ni Ynez sa dalawa.

Kevin just said nothing but he sighed.

"Alam ko hindi ka busy Kevin. Sama ka ah." wika ni Ynez.

"Baka po may pupuntahan din ako Ma'am Ynez." Pagsisinungaling ni Jana. Ang totoo naman ay diretso lang siya ng uwi sa bahay.

"Sige na. Kahit mamayang gabi lang. Please?" Ayan na naman ang nagmamakaawang tinig ni Ynez at parang gusto na namang pumayag ni Jana sa pabor na hinihingi nito.

"Okay."

Iyon lang ang narinig nina Jana at Ynez kay Kevin. Then he left.

"Pagpasensiyahan mo na yan si Kevin. Marami kasing pinagdaraanan sa buhay ang lalakeng yan,pero mabait naman siya eh." Wika ni Ynez.

Tumango naman si Jana. "Opo. Mabait naman siya." turan niya.

"Bakit mo nalaman? Magkakilala ba kayo?" tanong ni Ynez pero ang totoo nama'y alam niyang magkakilala ang dalawa.

"Ang totoo po niyan,si Kevin ang nagligtas sa buhay ko noong muntik na akong mapagsamantalahan." Pagtatapat ni Jana. Siyempre,hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon,she met Kevin because of that incident. Then she just realized,isa pala iyon sa mga pangyayaring dapat ipagpasalamat sa Diyos.

"Talaga? Ang romantic naman. Parang mga telenovela sa TV. Then the boy and girl fell to each other." Natawa pa si Ynez nang sabihin iyon.

"Imposible,mayaman siya at ako naman,isang pangkaraniwang babae." Naging malumanay ang tinig ni Jana.

"Ano ka ba Ms. Jana. Wala namang batayan ang love. Type mo siya?"

"Hindi po ah." Pagkakaila naman ni Jana. But deep in her heart,she really liked Kevin Madrigal and she doesn't even know why. Basta,nagising na lang siya isang araw na gusto na niya ito,lagi na rin itong sumasagi sa isip niya pero pinipilit naman niyang kalimutan na lang ito.

SUMASAYAW sa salin ng tugtog sa bar sina Ynez at ang dalawang staff. They were enjoying the night,pero napapansin naman ni Ynez na nasa tabi lang sina Jana at Kevin. Hindi man lang nag-uusap ang dalawa. Naisip niyang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa.

"Tara,sayaw tayo. Let's enjoy the night." pagyaya ni Ynez. She grabbed them both. Walang nagawa ang dalawa nang mahatak sila ni Ynez sa dance floor.

Nakisabay na lang sa agos si Kevin. He danced as the music played so loud.

Nakikita naman ni Jana ang paglapit ng ilang mga babae kay Kevin.  Ngumingiti-ngiti ito at nakikipagsayaw habang nagkukwentuhan pa. Gusto niyang lumapit para marinig ang boses ni Kevin at ng babaeng nagf-flirt rito. Nakaramdam nga siya ng selos. She doesn't know why. 
Biglaan na naman,hindi naman siya dapat magselos pero ngayon ay nararamdaman niyang may pumipiga sa kanyang puso kapag nakikitang may ibang kasama si Kevin.

Isa  na nga kaya iyon sa mga palatandaang nai-inlove na siya sa binata?

NAGMAMADALING naglakad si Jana papuntang highway para makapagpara ng sasakyan pauwi. Sa sobrang pagmamadali ay natapilok ang kanyang kaliwang paa at nasira ang takong ng kanyang sapatos.

"Naku naman!" Inis niyang sabi habang pinipilit ibalik ang pagkakaayos ng nasirang heels. Parang gusto niyang magmura sa mga oras na iyon. Late night na nga siyang makakauwi dahil sa dami ng inasikaso sa branch,ganito pa ang mangyayari. Tiningnan niya ang kanyang wrist watch. 30 minutes left before 12 midnight. Wala ng bukas na mall o kahit tiangge man lang para mapagbilhan ng tsinelas. She looks like a modern Cinderella. She had no choice,hinubad niya ang nasirang sapatos at nagmistulang pilay dahil hindi maayos ang paglalakad.

Kaunti lang naman ang taong dumadaan kaya hindi siya masyadong conscious sa kanyang sarili.

"Jana" Napahinto siya sa paglalakad, tila nakarinig siya ng magandang musika. Katulad ng dati,parang tambol na namang dumadagundong ang tunog ng kanyang puso.
Nilingon niya ang pinagmulan ng boses. She saw Kevin at his car. Huminto talaga ito para sa kanya.

"Ingat ka sa pag-uwi." Ngumiti lang siya sa binata at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Ihahatid kita." Narinig niyang wika nito.

"Naku,hindi na. Nakakahiya." Pagtanggi ni Jana.

"Gusto mo pa bang buhatin kita?" Lumabas ng kotse si Kevin.

Parang eksena sa pelikula ang nangyayari. Kevin came towards Jana. Parang may slow motion effects at background music dahil feel na feel ni Jana ang ganung moment.

"Uuwi ka na ganyan ang ayos mo? Hindi ka ba nahihiya?" Nasa tono ng pananalita nito ang pagsesermon.

"Wala namang tao kaya hindi ako mahihiya."

She just took only a half of a step,nahuli ni Kevin ang kanang braso niya at walang pasabing binuhat siya nito papunta sa kotse.

For the second time,nagawa na naman ni Kevin na isakay si Jana sa kotse niya ng mabilisan.

"Ihahatid kita sa inyo okay?" Seryosong wika ni Kevin.

"GOODNIGHT" ani Kevin nang maihatid niya si Jana sa bahay nito. Tumango lang ang dalaga. Dala ng hiya ay isinara niya agad ang pinto,wala siyang kahit anong nasabi,kanina pa nga lang habang nakasakay siya sa kotse ni Kevin ay di niya maikakaila na napakasaya niya.

Para siyang batang paslit na nanalo sa isang laro. Nagtatatalon siya at napapahampas sa pader kasabay ng abot tenga niyang ngiti.

She never did that before. For the first time,she felt the real feeling of being a teenager that she never experienced before. Puro pag-aaral ang inaatupag niya noon at nadagdagan pa ng depresyon nang mamatay ang kanyang ama."Yes!" napasigaw siya dahil sa excitement.
Agad niyang binuksan ang computer. She opened her email and sent a message to her mom.

'Ma,inlove na yata ako.'

ABALA sa pag-aayos ng mga dress at gowns si Jana. Nasabihan naman siya ni Ynez na magiging busy sila this week. So far,their strategies are working. Natututunan na rin ni Jana ang mga pinapaliwanag ni Kevin pagdating sa business management.

Pahikab-hikab pa siya nang biglang dumating si Kevin.

"Good morning" Seryosong bati nito. Malumanay at mukhang hindi maganda ang umaga.

"Parang hindi naman maganda ang umaga mo." Pagpuna ni Jana.

"Wala man lang kasing thank you kagabi. Bigla ka na lang nagsara ng pinto." Turan ni Kevin at may himig pagtatampo ang boses nito.

Jana bite her lower lip. "Sorry,inaantok na kasi ako kagabi eh." Nakaramdam siya ng hiya sa binata.

"Okay. Ngayon pala,tayo lang ang tao dito,wala sina Ali at Mia." Sagot ni Kevin at tinutukoy niya ang dalawang staff na kasama nila sa main branch ng Elegance Fashion.

"Ay ganun? Bakit di sila papasok?"

Sa kabilang banda ay mas lalo yatang kakabahan si Jana. Dalawa lang sila ni Kevin at ito lang talaga ang puwede niyang i-approach.

"Yup." Maikling turan nito.

"Ikaw na lang pala ang tatanungin ko sa mga hindi ko pa nalalaman dito sa branch." Nahihiyang wika ni Jana.

Kevin sighed. "Naiilang ka pa rin ba sakin?"

Nagulat si Jana sa tanong ni Kevin. It was unexpected,well,magaling yatang makaramdam ang lalaking ito. Yes,naiilang talaga siya,hindi niya rin maipaliwanag kung bakit. Siguro ay dahil sa hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang natulungan ng binata. Kulang na lang ay takpan niya ang mukha dahil pakiwari niya ay hindi siya basta-basta makakabawi rito.
Kevin is a kind man. Noon pa lang ay napatunayan niya iyon. Nakakaguilty rin dahil aminado siya sa kanyang sarili na hindi niya napakitunguhan ng maayos ang binata.

"KUMUSTA ang three days na kayo lang ni Jana ang magkasama?" Binigyan ng makahulugang tingin ni Ynez si Kevin at pasalampak na umupo sa sofa sa loob ng opisina.
"You didn't told me about our two staff. Di mo man lang sinabi na nilipat mo na sila ng branch. Mabuti na lang nandito ako,kawawa naman si Jana. Tapos umalis ka pa. Hay naku,ikaw talaga si Ynez Montelibano." Inis na wika ni Kevin,ni hindi niya tiningnan ang kaibigan. He just focused his attention to his laptop.

"Saan si Jana?" Tanong ni Ynez,kanina pa niya hindi nakikita si Jana at hindi pa rin bukas ang branch.

"May lagnat siya."

"Talaga? Wait,pupuntahan ko siya." Nag-alala si Ynez. Dinukot niya ang cellphone at akmang tatawagan si Jana.

"Puwede ba,huwag mo siyang tawagan. Stop showing your concern to her. Kakampi mo ako diba?"

Kevin stood up. Nilapitan niya si Ynez at kinuha ang cellphone nito.

"Ano bang problema mo Kevin? Hindi ka man lang naawa sa tao. You're so cruel." Mabilis na hinablot ni Ynez ang cellphone at nabawi niya iyon kay Kevin.

"I promised to myself. Hindi ako titigil hangga't di ko napapahirapan si Jana. I want to make her life miserable,alam mo yan Ynez!" Asik ni Kevin.

Nagpakawala ng buntong hininga si Ynez. "Grabe naman Kevin? Hindi mo pa ba nakakalimutan ang nangyari sa parents mo? Kay Aya? At kung paano ka nabuhay mag-isa? Idadamay mo pa si Jana na wala namang kasalanan!"

"Kahit na! Ang tatay niya ang may kasalanan kaya namatay si mama at Aya! Na-depressed si papa kaya siya nagpakamatay!"

"Pero alam naman nating aksidente ang nangyari Kevin!"

"Kung ayaw mo pala ng ginagawa ko,bakit pumayag ka na maging kasabwat ka sa plano ko?"

"Stop this nonsense thing Kevin! Hindi ito makakatulong sa paglago ng negosyo!"
Padabog na nilisan ni Ynez ang opisina. Pagkabukas naman niya ng pinto ay nakita niyang nakatayo si Jana at mukhang matamlay.

"Oh my God Jana! You look really tired and sick. Dapat hindi ka na lang pumasok." Hinawakan ni Ynez ang noo ni Jana at inalalayan ito. Nag-aalala talaga siya para rito kaya bigla naman niyang binalingan ng masamang tingin si Kevin.

"Alam mo naman yatang may sakit siya diba? Bakit di mo sinabihang magpahinga na lang!"
Dahan dahang pinaupo ni Ynez si Jana.

"Don't blame me." Wika ni Kevin. He slightly take his eyes to Jana. Nakakaawa talaga ito,kahapon ay alam niyang masama ang pakiramdam ni Jana. Sa tatlong araw na sila lang ang nasa main branch ay hindi na nakakapagbreak si Jana at madalas pa itong naiistress sa mga makukulit na customer at late na rin ang uwi nito dahil sa tambak na gawain. Ang hirap palang magpanggap na hindi ka concern o naaawa man lang para sa isang tao. It's just like acting that you don't care and it really kills inside.

"Sorry Ma'am Ynez,naging dahilan pa ako kaya hindi pa agad tayo nagbukas. Huwag na po kayong magtalo." Tumayo si Jana ngunit wala sa balanse,umiikot ang paningin niya at nawalan ng malay.

JANA found herself lying in hospital's bed. Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang bumangon.

"Just lay down. Huwag mo nang pilitin pang bumangon." Narinig niya ang boses ni Kevin. As usual,seryoso na naman ang tinig nito. Para talagang yelo na tinubuan ng mukha,kamay at paa dahil napaka cold nito. He's not a type of a guy na masyadong pinapakita ang concern. Hindi man lang ito ngumiti.

Lagi na lang poker face.

"Sorry. Matigas ang ulo ko." Nahihiya man ay humingi ng paumanhin si Jana sa binata. Pakiwari niya ay napakarami na niyang atraso kay Kevin at hindi siya agad makakabawi rito.

"Nangyari na. Huwag ka nang magsorry dyan." Napakaseryoso pa ring magsalita ni Kevin.

"Pero,ang dami kong fault,dapat hindi mo na lang ako--"

"I told you,take a rest. Gusto mo yata yung paulit ulit ka pang sinasabihan!" Pinutol ng binata ang sasabihin sana ni Jana. Halos pasigaw nang sabihin ni Kevin iyon.

"Okay. Sorry talaga. Ang tanga ko kasi." Napayuko si Jana. Lalo yatang dumudoble ang hiyang nararamdaman niya kaya hindi na naman niya matingnan ng diretso si Kevin.

"I'm worried,okay?" He walked out.

Naiwan si Jana sa hospital room. Parang nangyari na naman ang unang pagkikita nila ni Kevin,ang pagkakaiba lang ay mas nice ang pakikitungo nito noon. Unlike now,he was cold as an iceberg. Hindi maintindihan ni Jana kung bakit nagbago na ito.

PASULYAP SULYAP si Kevin sa screen ng kanyang cellphone,kanina pa niya inaantay ang tawag ni Ynez dahil gusto niyang malaman kung ano na ang kondisyon ni Jana. Laking pagsisisi rin niya dahil umalis pa siya ng Ospital.

"Shit! Mag-focus ka sa trabaho Kevin" Napamura siya,sumasagi na naman sa kanyang isip si Jana,hindi niya alam kung bakit.

'Hindi puwede!' Muli niyang pagprotesta sa sarili.

Bakit bigla na lang siyang naging ganito? Siya pa nga ang sumumpa sa sarili na pahihirapan niya si Jana pero bakit siya pa ang nahihirapan kapag nasasaktan ito?
Nag-ring ang cellphone niya. Bigla siyang napangiti,tumatawag si Ynez.

"Hello? Kumusta si Jana?" Sumigla ang boses niya. Tila atat na atat siyang malaman ang kalagayan ni Jana.

"Wala ako sa Ospital. Uuwi na rin si Jana,naghiwalay na kami ng way." Sagot ni Ynez mula sa kabilang linya.

"Pero hindi pa siya okay!" Nainis siya sa sinabi ni Ynez. "Hinayaan mo lang siya na umuwi at walang naghahatid sa kanya? Nasaan ka ba?"

"May urgent meeting ako eh. Pinasakay ko naman si Jana sa taxi bago kami maghiwalay."

"Pero--"

Naputol na ang tawag.

"Damn! Shit!" Sunod sunod na mura ni Kevin. Nagmadali siyang kumilos para bumalik ng ospital.

NAGMUMUNI muni si Jana sa loob ng kanyang kwarto habang nagpapahinga. Gumaan na ang pakiramdam niya,ang tanging nakakapagpabigat lang ay ang pag-iisip niya kay Kevin. 
She is really inlove. Talagang tinamaan na siya.

'Bakit ganito?' Nagmistula siyang baliw na tinatanong ang sarili.

She heard a knock on a door. Napabalikwas siya. Wala naman siyang bisita dahil sa makalawa pa dadalaw si Lyra. Wala naman siyang iba pang kaibigan na mag-aabalang dumalaw sa kanya. Napakagat labi siya. Baka mapapaaga ang singil sa upa ng bahay.

Agad niyang binuksan ang pinto.

Someone suddenly hugged her.

Mahigpit ang yakap nito sa kanya. She smelled a familiar scent. Ang bango. Ang bisig na iyon ay talagang pinapangarap niya noon pa. Kung puwede lang ay doon na siya makulong.

"Jana." Kevin whispered. It sounds sweet. Ngayon lang narinig ni Jana ang ganung boses ng binata. Nakakahalina sa tainga.

"Kevin,okay lang ako." Napangiti si Jana. Gumanti siya ng yakap kay Kevin.

This moment is so special. Pero bakit? Anong nagtulak sa binata para gawin iyon sa kanya?

"Nag-alala ako kung alam mo lang." Wika ni Kevin.

Naging speechless si Jana,hinayaan na lang niya ang ganung sandali. Memorable,she also wished for the moment to happen again.

NAGING malalim na naman ang iniisip ni Kevin. One of these days he felt like he's different from the person he was before. He changed a lot,ginaganahan siyang magtrabaho dahil inspired siya hindi katulad noon na para siyang robot,trabaho ng trabaho at walang pagod,walang nararamdamang emosyon,he didn't laugh or smile to anyone.

Tiningnan niya ang picture ni Aya na nakatago sa kanyang wallet.

"Walang papalit sa'yo Aya,pero okay lang naman kung magmahal ako ulit diba?"

Pumatak ang kanyang luha. Hindi niya akalaing mahuhulog siya sa sarili niyang patibong. Mahal na niya si Jana,magpapakatotoo na siya sa nararamdaman. He also planned to ask Jana for a date with him. Sana ay pumayag ito.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang dalaga.

"Hello?"

"Bakit ka napatawag Kevin?" wika ni Jana mula sa kabilang linya.

"Yayayain sana kitang lumabas eh. Okay na ba ang pakiramdam  mo?"

"Okay na ako. Bakit ka nga pala makikipagkita?"

"Wala lang."

"Okay."

"See you later bye." Napangiti si Kevin nang putulin ang tawag. Nabuhayan siya ng pag-asa.

NAGING masaya ang pamamasyal nina Jana at Kevin. They both enjoyed at the amusement park. Tuwang tuwa rin sila sa magagandang view na nakikita. They had an absolute fun. Kahit pagod ay hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa kanilang mukha.

"Nag-enjoy ako,salamat Jana." Nakangiti pa rin si Kevin habang sinamahan papasok si Jana sa bahay nito.

"Ako nga rin eh,ngayon lang talaga ako nakapagsaya. Nawala agad ang stress ko." Jana showed her energetic smile.

"I think,I like you." Naging seryoso ang mukha ni Kevin. He said those words with formality. Diretso ang tingin niya sa mga mata ni Jana.

Jana was in total shock. Sinabi iyon ng binata,malinaw na malinaw at tagos sa puso.

"Pagod ka na siguro,late night na rin,umuwi ka na." She tried to change the topic.

"Akala ko magiging madali ang lahat,ang hirap magtago ng nararamdaman Jana. And I think,telling you what I really feel for you is the only way." Hinawakan ni Kevin ang dalawang palad ni Jana. He was trembling,he felt the real nervous. Ngayon lang siya ulit nakapag-confess ng nararamdaman sa isang babae.

"K-Kevin--"

"Sshh." Gamit ang hintuturo ay nagawang patigilin ni Kevin si Jana sa kung anumang nais sabihin nito. He moved closer as he took a deep breath.

"I love you Ms. Jana." Masuyong wika ni Kevin.

"Mahal din kita." Biglang nasambit ni Jana ang mga katagang kanina pa niya kinikimkim. She was totally captivated and hypnotized with those eyes.

"Nothing matters." Wala nang nagawa pa si Jana. Nasakop na ni Kevin ang kanyang mga labi at masuyong ginawaran siya ng halik. Nothing really matters,kapwa na nila naipahayag ang nararamdaman para sa isa't isa. Wala na sa isip ni Kevin ang pagganti. He doesn't care about the past. Masaya na siya sa kasalukuyan,he already found his happiness.

BAKAS sa mukha ni Kevin ang ngiti habang abala sa pagta-type sa harap ng laptop. Napatigil siya sandali. Sumagi na naman sa isip niya si Jana. Nawawala ang stress niya kapag naiisip ang dalaga. Ika-dalawang linggo na nila bilang magkasintahan. Inilihim muna nila ang relasyon kay Ynez dahil paniguradong puro kantyaw at panunudyo na naman ang matatamo nila rito.

They secretly go out for a date. Lagi pang hinahatid ni Kevin si Jana pagkatapos ng working hours. He always monitored her despite of being busy. Nai-imagine na rin niyang bubuo siya ng pamilya kasama ito. He wanted a happy and simple life as long as he's with Jana forever. Gumagaan lalo ang kanyang pakiramdam kapag naiisip ang ganoong mga bagay.

"Huli ka!"

Biglang napaangat ang tingin ni Kevin. Seryosong mukha ni Ynez ang bumungad sa kanya.

"Kanina ka pa nandiyan?" Kunot ang noo niya habang tinatanong iyon.

"Oo. Alam ko kung anong ginawa mo!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Napasagot mo na pala si Jana. Nakakaawa talaga siya."

"Ano ba talagang gusto mong ipahiwatig Ynez?"

"Ngayong napasagot mo na siya,magagawa mo na rin siyang saktan tama?"

"Of course not! Hindi ko sasaktan si Jana. Kinalimutan ko na ang mga plano ko na gumanti dahil sa aksidente na kinasangkutan ng papa niya noon."

"Don't lie Kevin,ala kong ginagawa mo ang lahat para saktan si Jana,niloloko mo lang siya! You don't love her! Palibhasa lalake ka at hindi mo kami naiintindihan!"

"Tumigil ka na nga Ynez,baka marinig ka ni Jana."

"Wala naman siya dito. I can say what I want to make you realized how stupid you are!"

"Okay! Inaamin ko! Ang tanga ko talaga! I was trapped. At nakakatawang nahulog pa ako sa sarili kong patibong. I loved her. Nagsisisi ako dahil nagawa kong takutin siya nang pinasundan ko siya sa isang lalake noon. Nakonsensya din ako kaya ako na mismo ang gumawa ng aksyon para matigil lang ang pananakot na yun. Una niya akong nakita noong nagising siya sa ospital. She was injured. I admit,I was a fool. Napakamakasarili ko."

Bumuhos ang luha sa mga mata ni Kevin. Lahat ng sinabi niya ay totoo,mahal na mahal niya si Jana. He admire her since the day that they first met.

He regret all of his actions before.

"May paiyak-iyak ka pang nalalaman. Nakuha mo na rin ang gusto mo! Masasaktan mo na si Jana,alam ko tuwang tuwa ka naman talaga. Ang hirap kasi sa'yo, masyado mong binibigyang halaga ang nakaraan."

Sarkastikong natawa si Ynez. Hindi siya naniniwala kay Kevin kahit pa kaibigang matalik niya ito.

NABITAWAN ni Jana ang hawak niyang isang tray na may tatlong tasa ng kape dahil sa mga narinig niya. Malinaw na malinaw sa pandinig niya ang mga napag-usapan nina Kevin at Ynez.
It was really unexpected. Ang alam niya ay mahal na mahal siya ni Kevin at wala itong hinangad na masama para sa kanya. Pero akala lang pala lahat iyon. All of the things happened because of many lies.

Walang aksidenteng pagkikita,lahat iyon ay planado pala ni Kevin. Nasaktan siya ng husto dahil ang lalakeng minahal niya ay siya rin palang gumawa ng bagay na naglagay sa kanya sa alanganin. Pero ang pinakamasakit, nalaman niyang kaya may galit ang binata ay dahil sa car accident na nangyari sa mama at nobya nito.

"Akala ko lang pala ang lahat,hindi niya ako mahal. Gusto lang niyang gumanti dahil naniniwala siya na kasalanan ng tatay ko ang lahat." Nanlulumo siya at umiyak.

Tumakbo siya palayo sa kinaroroonan nina Ynez. Hindi siya gumawa ng kahit anong ingay. Nilisan niya ang Main branch ng Elegance Fashion. Since she already found out the truth,mukhang hindi na niya makakayang humarap kay Ynez at lalong-lalo na kay Kevin na minahal siya at ni minsan,hindi sumagi sa isip  niya na lolokohin siya nito.

"JANA!" Hindi tumigil sa pagkatok si Kevin. Talaga ngang galit si Jana. He blamed himself for being selfish. Napakasama niya kaya natural lang na magalit ito.

"Jana please.." Tumulo ang kanyang luha. He never thought that he would hurt himself for being selfish. He would never be happy with this kind of situation.

"Umalis ka na Kevin Madrigal. Pakiusap." Inangat niya ang mukha at nakita ang matamlay na mukha ni Jana. Namumugto ang mga mata nito. Diretso ang tingin sa kanya ng dalaga.

"Bakit mo ako sinaktan ng ganito? Pinaglaruan mo lang pala ako." She cried again.

"Jana,ang akala ko magiging masaya ako dahil nagkalapit tayo at makakagawa na ako ng paraan para saktan ka,mali pala. Akala ko,makukuntento na ako kapag nasaktan kita,masyado akong nasaktan dahil sa pagkamatay ng mama ko at ni Aya,following the suicide of my father. Hinayaan kong makulong ako sa nakaraan at hindi ko naisip na nasaktan ka rin naman nang mamatay sa aksidente ang papa mo. Aaminin ko,sinadya kong pasundan ka sa tauhan ko. I want them to torture you,kaso nakonsensya ako,I told him to stop hurting you. Ang lalakeng nanakit sayo noong una nating pagkikita,ako ang nag utos sa kanya." Naluluhang saad ni Kevin. Patuloy lang ang pag-iyak niya at niyakap ng mahigpit si Jana.

"Makasarili."  Yun lang ang narinig nito mula kay Jana,nagpumiglas ito sa pagkakayakap at magkabilang sampal ang binigay nito sa kanya.

"Huwag mong asahang mapapatawad kita Kevin. Palibhasa,may pera ka kaya nakakapanakit  ka ng tao kung kailan mo gusto. Pinaikot mo lang ako sa sarili mong palad. Kunwari tinulungan,pero yun pala,ikaw lang ang gumagawa ng paraan para magkalapit tayo! Ginawa mo ang lahat para mapalapit ako sayo. Ako naman palibhasa tanga,nagpadala sa mga pagpapakitang-tao mo!"

Damang-dama ni Kevin ang mga salitang binitawan ni Jana. Tagos hanggang buto.

"I love you." Sambit ni Kevin.

Natawa na lang si Jana sa sinabi ng binata.

"Pakiusap,tigilan mo na ang panloloko sa sarili mo,nagmumukha ka lang tanga."
Isinara ni Jana ang pinto. Napahagulhol na naman siya sa pag-iyak. Mahal na mahal niya si Kevin,pero hindi niya alam kung minahal nga siya nito dahil sa sakit na naidulot ng binata. She wanted to feel his warm hug again,nang niyakap siya nito ay nanghina siya Her heart was shaking. Gusto niyang pagbuksan ng pinto si Kevin at yakapin ito ng mahigpit pero naisip niyang wala namang magbabago at mukhang hindi na maibabalik sa dati ang lahat.

TWO MONTHS LATER..

HUMUGOT ng hininga si Jana,kasalukuyang nasa airport na siya at malapit na ang kanyang flight.

'Kumusta na kaya si Kevin?'

Bigla na namang bumabalik sa kanyang sistema ang mga alaala ng binata. She always feel the tension at pakiramdam niya ay dumudoble pa iyon ngayong paalis na siya ng bansa. Hindi niya namalayang pumatak na ang luha sa kanyang mata.

"Jana!"

Someone called her. Napalingon naman siya sa pinanggalingan ng boses.

The time seems stopped. Si Kevin lang naman ang lalaking tumawag sa kanya. Nakita niyang nakangiti ang binata kahit na may luhang pumapatak sa  mga mata nito.

"I love you!" He screamed as loud as he could.

Parang na-magnet naman si Jana at kusa na lamang niyang naigalaw ang mga paa at saka lumakad palapit kay Kevin.

"I'm sorry Jana. Kung hindi na talaga magbabago ang isip mo,okay lang. Sana kahit ngayon lang,tanggapin mo ang sorry ko." Malungkot na wika ni Kevin. Pinilit niyang ngumiti pa ng maluwag para ipakitang okay lang siya sa harap ni Jana. But his smile can't hide the sorrow and pain. Sana lang talaga,may time machine na puwedeng ibalik ang mga oras na lumipas at mga pangyayaring naganap na.

"Bakit nagpakita ka pa? Alam mo bang sa ginagawa mong 'yan,lumalambot lang ang puso ko kaya hindi ko na magawang kalimutan ka?" Nalaglag na mula sa kanyang mata ang luha. 
Naiiyak siya dahil hindi niya kayang pigilin ang  nararamdaman. She really wanted to hug him so tight.

She loved him and it was one of the sweetest feeling.

"Sorry,masama akong tao. Sorry kung pinaglaruan kita,akala ko kapag naghiganti ako ay magiging okay na ako,pero hindi pala,na-realize ko kasi na mahal talaga kita." Hinapit ni Kevin ang baywang ni Jana at bigla itong niyakap ng mahigpit.

"Sorry..." Pagsusumamo niya.

Nakakapanghina ang yakap na iyon. Ramdam ni Jana ang sinseridad ng binata.
Kung pipigilin niya lang ang nararamdaman ay baka magsisi lang siya sa huli. She hugged him back. Naging agaw pansin ang eksena nila sa airport.

"Mahal din kita." Sambit niya.

"Apology accepted?" Malapad ang ngiti ni Kevin. Tango lang at ngiti ang turan ni Jana.

"Hindi ka na aalis?"

"Kung hindi mo ako pinigilan,malamang nakaalis na ako talaga."

They embraced each other . Ang tanging alam lang nila ay dapat na nilang talikuran ang madilim na nakaraan na kaugnay sa trahedyang naganap sa mga mahal sa buhay nila noon.

Everything is okay now. Mahal nila ang isa't isa at iyon lang ang pinakamahalaga.

Mas magandang harapin ang bukas nang hindi inaalala ang pait ng nakaraan.

***W A K A S***


No comments:

Post a Comment