CHAPTER 24
PAGKATAPOS ng One week honeymoon nila ay lumipad sila papuntang Batanggas para makadalo sa
kasal nina Angel Lorraine at Hayder Montenegro. Naging masugid na magkaibigan
na rin kasi ang mga ito through Hanna Jalandoni.
Hindi
naman napigilan ni Jenny na maging emosyonal sa pagsaksi sa kasal ng dalawa
lalo na ng malaman nila ang pinagdaan ng dalawa.
"You
can never tell" mahinang sambit niya sa kabiyak na ginantihan naman siya
ng ngiti ng lalaki at hinapit payakap sa kanya.
"Look
at their son, he's so cute."
"Makakabuo
din tayo ng mas cute pa diyan. Mamaya, atin ulit sisimulan." malokong
turan ni Ken saka naman kijurot ni Jen ang kanyang tagiliran.
At
sa Batanggas na rin nila itinuloy ang kanilang pagpupulot-gata.
*****
Ken
was so happy but he's too worried. Araw-araw siyang tsini-Check ng kanyang ina
at malapit na siyang maubusan ng Alibis.
He
told her mother that his grandmother let him manage the farm kaya medyo
matatagalan pa daw siya sa Pilipinas. Totoo ngang siya ang nagma-manage ng
ilang ektaryang Rambutan Farm nila pero paano kung malalaman ng mga magulang
niya behind his long stay in the Philippines?
He
had already a plan to tell them the truth lalo pa ngayon na kasal na sila ni
Jen but he's too coward to do that now. 'Time will come' pampalakas niya sa
kanyang loob. Nag-iipon lamang siya ng lakas habang hinihintay niya ang
approval ng kanyang inapply na residency sa Pinas.
"Kenneth!
What's happening? When will you go home? The Company is waiting for you,
Son." His mother.
HECKMANN's
Tiles Corporation was a major player in the tile business all over Germany.
"Mom,
I'm happy here and I-- I had applied for residency. I want to live here,
Mom."
"Are
you crazy, Kenneth? Hindi diyan ang buhay mo! We're waiting for you! Your
father will not like this. So you better come back before he knew it! You know
your father, Kenneth!" pagbabanta ng kanyang ina.
"I
thought you want me to be happy, Mom? And I found it here. And I'm
staying." matatag niyang pahayag sa ina.
Nagngingitngit
sa galit ang kanyang ina habang humihikbi sa kabilang linya. "Makikita mo,
Kenneth!"
It's
hard to choose between the first woman you love and the special woman in your
heart.
A
mother who gave you life and a woman who completed your life.
He
loves his mom and so do Jen. Darating din ang araw na maiintindihan din siya ng
kanyang ina 'yan ang laging tinatatak niya sa kanyang isipan.
Ang
kanyang ina ay mananatiling kanyang ina panghabambuhay; ngunit ang asawa kailangan
mong pangalagaan ang inyong relasyon para lalong tumatag hanggang katapusan.
THREE
MONTHS AFTER:
The
couple had nothing to ask for. Baby na lang ang kulang para mabuo ang kanilang
pamilya. For 3 months na pagsasama nila ay araw-araw na pinapanalangin ni Jen
na sana'y magbunga na ang pagmamahalan nila ni Ken. Nagpatingin naman siya sa
isang OB-Gyn and the doctor said na wala naman daw problema sa kanyang
Bahay-bata. Normal naman daw ito and the doctor advised her na huwag masyadong
magpagod. Nang dahil daw sa stress kaya di sila makabuo-buo. Nagtaka si Jen sa
mga itinuran ng Doktor. Hindi naman siya stressed para magka-problema, masaya
naman sila and nothing to worry about.
Biglaang
sumagi sa kanyang isipan ang mga magulang ng asawa.
Nakalimutan na niya ang
tungkol dito dahil sa sayang naramdaman niya sa piling ni Ken. At doon niya
naisip na baka si Ken ang maraming iniisip at di lamang ito nagsasabi sa kanya.
Wala
namang ipinagbago kay Ken kahit medyo matagal-tagal na rin silang nagsasama ay
nanatiling sweet at mapag-alaga ang lalaki. <<mahina lang segurong
maglimlim. XD!>>
She's
too busy synchronizing her documents sa kanyang laptop one sunday morning nang
dumating si Ken mulang nag-jogging. Patuloy pa rin siya sa pangangalaga sa
kanyang business ang KIDDIE CAPTCHA kasabay ng paglusog ng kanyang buhay
pag-ibig ang pagsugasog sa tuktok ng kanyang business. Marami na silang regular
costumers and all the feedbacks were heart-melting!
He
hugged her from the back and kiss in the nape of her neck. "How are you, Cupcake?"
malambing na tanong ng asawa at idinampi nito ang kanyang pisngi sa pisngi ng
asawa.
"Hey,
Sugar! Mag-shave ka nga! Nangangati ako sa balbas mo." nagpupumiglas na
sabi ni Jen na parang kating-kati talaga sa balbas ng asawa.
His
eyebrows frowned. Nagtataka sa mga itinuran ng asawa dati rati'y tuwang-tuwa
ito na kinikiliti niya sa pamamagitan ng kanyang tumutubong balbas pero ngayon
kung pwede palang itulak siya nito sa pangangati eh ginawa ng asawa.
Hinarap
niya si Jen at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. He looks so worried. At
maya-maya pa'y idinampi niya ang kanyang palad sa noo at leeg ng asawa.
"Wala
ka namang lagnat, Cupcake." ang pagtatakang sabi niya.
"Wala
naman talaga akong lagnat ah! Why you act like that?"
"Strange,
you changed a lot this week."
Napatigil
siya sa kanyang ginagawa. Sa sobrang pagka-excited niyang magkaanak ay
nakalimutan niyang alamin ang mga senyales ng isang nagbubuntis. Ang naalala
lang niya ay noong nagbuntis ang kanyang ina kay Denise, halos oras-oras na
nanghihingi ng manggang hilaw ang kanyang ina noon at iyan din ang kanyang
ginagawa kay Ken ngayon.
Gusto niyang tumalon sa saya sa pag-iisip na buntis
nga siya pero pinigil niya ang kanyang sarili di muna niya sinabi kay Ken ang
kanyang akala.
Every
morning siyang nagsusuka na wala namang isinusuka kundi puro laway lang. At
umiba na rin ang panlasa at pang-amoy niya sa mga pagkaing dati ay nilalantakan
niya.
At
napaparami na rin siya ng kain ng manggang hilaw na nagiging dahilan minsan ng
pag-aaway nila ni Ken dahil nakakasama daw sa katawan ang sobrang asim.
She
called her OB-Gyn friend Thess Amodia for tomorrow's appointment. Gusto niyang
magpa-Check-up. Si Thess ay isa sa mga kababata niya. Kababalik lamang nito
galing Armenia para sa isang Medical study doon.
Malapad
ang kanyang ngiti ng magpaalam sa asawa na may katatagpuin siyang isang
kaibigan. Ken let her go alone.
Masayang
niyakap ni Ken ang babae bago ito umalis, "I love you so much, Jenny. Lagi
mo sanang tatandaan na ikaw lamang ang laman nito." turan nito sabay lagay
ng kamay sa kanyang dibdib.
"Hey!
Ang agang magdrama ng mahal ko ah! Hindi ako magtatagal babalik ako agad"
paalam ni Jen saka siniil siya ng halik ng asawa.
May
kakaiba siyang nararamdaman ng araw na'yon. Pakiramdam na parang may mawawala. She
can't explain.
Matagal-tagal
din siyang niyakap ulit ang asawa.
"Ken.
What's wrong, Honey?"
"Nothing,
I just love you."
"I
love you, too. Hindi ako magtatagal, I'll be back soon" paalam nito sa
asawa.
Maaga
siya sa kanyang appointment with Dra. Thess. May iba pa itong pasyente kaya
matiyaga siyang naghintay sa labas habang di mapalagay at kinakabahan.
"Hey!
Jenny! Kamusta?" bati sa kanya ni Thess.
"Okay
lang, Sis" matipid niyang sagot.
"Ikaw
ha. Di mo man lang ako naimbitahan sa kasal mo" may pagtatampong sabi ni
Dra. Thess.
"Sorry,
Sis. I'm not even invited in my wedding"
"What?
Anong ibig mong sabihin?"
"Yap,
Sis. Di ko alam na ikakasal ako" and she started to tell her Love story to
Thess habang tsini-check-up siya nito.
Kinakabahan
siya sa maging resulta. Tapos na ang masusing pag-check-up ni Dra. Thess at
kagatlabi itong nakaharap kay Jen.
"Anong
result, Sis?" kinakabahang excited nitong tanong...
SAMANTALA:
Ken
sleeps so soundly ng may biglang kumatok sa pintuan ng bahay. Di na siya
namilit na sumama kay Jen dahil baka makadisturbo lang siya sa pagkikita ng mga
kaibigan nito.
Papungas-pungas
siya ng kanyang mata patungo sa pinto.
"I'm
coming!"
"Si---,
sino po sila?" tanong niya ng makita kung sino ang kumakatok.
"Are
you Kenneth Lourd Crisostomo Heckmann?" tanong nito.
"Yes,
Sir. Ako po iyon. May kailangan po kayo?" nagtataka niyang tanong sa apat
na lalaking naka-uniporme.
"I'm
Danniel Dela Peña from Bureau of Immigration, Mr. Heckmann" pagpapakilala
ng kausap nito.
Biglang
sumikdo ang malakas na kaba sa kanyang dibdib. Taga-Immigration ang kanyang
kaharap at hindi pa approved ang kanyang residency sa Pilipinas. Ayun kay Jomar
na siyang tumutulong sa pagpa-follow-up nito ay binubusisi pa daw ng maayos ang
ibang papeles ni Ken for approval. Pero ang ipinagtataka nilang lahat ay bakit
tumagal ng ilang buwan ang pag-proseso nito at ngayon ay ang taga-immigration
na mismo ang nasa kanyang harapan.
"Wha---t
can I do for you, Sir?
No comments:
Post a Comment