One Shot Writing Contest Entry #20: Because Of You by Emjaye




NAGUGULUHAN si Joy kung alin sa mga hiniram niyang damit ang susuotin niya. Ngayon kasi ang reunion nila ng kanilang batch. After 13 years na nag graduate sila ng High School ngayon lang sila nagkita kita ulit. 

Nakailang damit na siyang sinukat pero wala pa rin siyang nagustuhan kahit isa kaya nagpatulong na lang siya sa kapatid na si Nerry. Wala rin siyang nagustuhan sa mga damit kaya siya na lang ang nagpahiram sa ate niya. Fit na fit sa kanya ang damit na yon, formal dress kasi ang dress code nila. Si Nerry na rin ang nag make up sa kanyang ate para maging elegante itong tingnan. 

"Perfect! ang galing ko talagang mag ayos ang ganda mo ate" ani Nerry habang tinitingnan ang kabuuan ng kanyang obra. Natuwa din naman si Joy sa naging ayos niya panay pa nga ang selfie nilang magkapatid bago siya tuluyang umalis. 

Seven o' clock sharp ang usapan sa kanilang reunion ten minutes before seven umalis na siya ng bahay. Malapit lang naman kasi sa kanila ang venue kung saan magaganap ang reunion.Pagtapat niya sa gate tiningnan niya ang Kabuuan ng eskwelahan.

"Ang laki na ng pinagbago ng School namin. Naalala ko pa dati takot na takot akong mag aral dito paano ba naman kasi ang daming gangster dito pero wala akong choice ito lang ang School na malapit sa amin kaya dito pa din ang bagsak ko. Grabe parang kahapon lang pumapasok pa ako ng maaga para lang hindi malate sa Flag Ceremon, madalas pa nga akong nababangga dito ng side car eh madilim kasi hindi ko nakikita na may side car palang dumadating" ani Joy sa sarili na bigla na lang ngumiti habang inaalala ang nakaraan. 

Pagpasok niya sa loob, nagulat siya dahil ang laki na ng nagbago sa School. Yung building nila noon na luma na dahil sa kumukupas na pintura, ngayon bagong bago na at nadagdagan pa ng dalawang building sa harapan.

Wala na rin yung botanical garden kung saan sila nagtatanim at nagbubungkal ng lupa. Yung malawak na pathway medyo sumikip na dahil sa building na nadagdag. Nandoon pa rin ang mga batibot na tinatambayan nila noon kapag hindi pa nagsisimula ang klase. 

Napa-wow na lang si Joy sa kanyang mga nakikita. Hindi nanaman niya maalis ang muling balikan ang nakaraan lalo na ng makita niya ang dating tambayan niya noon. Doon siya nagbabasa ng libro, nagrereveiw kapag may exam, at higit sa lahat doon niya hinihintay na dumaan ang crush niya. Nangingiti na lang siya kapag naaalala ang saya niya kapag dumaan na si Xyruss. Basketball player sa kanilang School noon at isa ring dancer. 

Sinubukan niyang hanapin ito sa kanilang table pero mukhang hindi siya pumunta sa Reunion. Balita niya kasi nasa ibang bansa na ito at ikakasal na. 

Tumingin tingin si Joy sa paligid, kanya kanyang kwentuhan ang mga kabatch niya. Tila walang nakakapansin na dumating siya hindi niya alam kung saang table siya uupo, medyo madilim kasi kaya hindi niya makita ang table ng 4 Carnationang section nila dati. Patuloy lang niyang iginala ang kanyang mga mata at hinanap ang table nila. 

Nagulat siya ng biglang may tumapik sa balikat niya, hinila siya kung saan nandoon pala ang table na hinahanap niya. 

Ang classmate niyang si John Ronald ang humila sa kanya. Ito ang classmate niya na bumubuli sa kanya noon kaya laking gulat niya ng ito ang unang bumati sa kanya. Nandoon na din ang iba nilang classmates at panay ang kamustahan sa isa't isa. 

Nagulat din si Joy nung kinausap siya ni John Ronald at kinamusta. Guwapo siya ngayon hindi tulad noon na parang gusgusin at hindi manlang marunong mag ayos ng sarili. Biniro tuloy siya ni Joy na nagmukhang tao ito dahil maganda ang bihis niya. Ganon din ang biro ni John Ronald sa kanya kaya panay ang tawanan nila. Pareho silang single ngayon kaya tuloy sila ang pinagpapartner nila. 

Karamihan sa mga kabatch nila may mga asawa't anak na at mga professional pa iilan na lang silang single at ang iba naman ay mga single parent. 

Nagsalita na ang MC ng reunion na sina Rio at Sheila Mae para pormal na simulan na ang kanilang kasiyahan. Parang js prom lang ang peg nila, habang kumakanta ang mga singers noon, may powerpoint presentation naman ng mga memories nila noong High School. 

May mga napaiyak dahil namiss nila ang mga moments na yon. Ang iba naman ay hagalpakan sa kakatawa ng makita ang mga itsura nila mga Totoy at Nene pa sila noon pero ngayon mga Mature na ang iba pa nga naging losyang na kasi mga Nanay na sila eh. 

"Ang sarap talagang balikan ang High School life" yon ang namutawi sa kanilang mga labi habang panay pa rin ang asaran at biruan nila. Maya maya nagpatugtug sila ng mga sayaw para mas enjoy at isa isa silang pumunta sa gitna para sumayaw. Ilang saglit pa naging sweet na ang music kaya ang mga lovers dati ay muling nagtagpo at sinabayan ang sweet music. Tuwang tuwa si Joy na pinapanood ang mga nagsasayaw nang may kumalabit din sa kanya at niyaya din siyang sumayaw. Tatanggi pa sana siya kaya lang maagap si John Ronald at nadala siya agad sa gitna kaya hindi na siya nakatanggi pa.

"Kamusta ka ngayon?" bungad nito sa kanya. Hindi alam ni Joy kung bakit hindi siya makatingin ng diretso sa binata habang ito naman ay nakatitig habang sinasayaw siya at nakangiti pa.

"Okey naman ako ngayon ikaw?" sagot ni Joy.

"Ito single pa rin and ready to mingle" nakangiting sagot ni John Ronald.

"Weh di nga balita ko ikakasal ka na eh" sabi ni Joy na hindi naniniwala sa sinasabi ng kasayaw niya.

"Dapat sana ikakasal na kaya lang hindi natuloy" ani John Ronald na lumukot ang mukha.
"Ha? bakit?" tanong ni Joy.

"Iba ang mahal niya eh hindi ako ayun inwan ako eh ikaw bakit single ka pa?" seryosong tanong ni John Ronald.

"Eh wala pang nadadapa eh alam mo naman ako kinakatakutan kaya ito wala pa ring Boyfriend" malungkot na sagot ni Joy.

"Kung sa bagay kahit multo takot sa'yo eh" pang aasar ni John Ronald.

"Tama" proud pang sagot ni Joy.

"Proud ka pa niyan ah" iiling iling na sabi ni John Ronald.

Ngingiti ngiti na lang si Joy habang nakatingin sa kasayaw niya. Pagkatapos ng music ay umupo na sila. Panay ang kwentuhan at asaran ng dalawa habang inaalala ang High School life nila. 

Bago tuluyang matapos ang gabi, nagselfie selfie muna sila at may mga kitchains pang pinamigay bilang remembrance sa pagpunta nila at nangakong magrereunion ulit after ten years. 

"Pauwi ka na Joy tara hatid na kita" offer ni John Ronald sa kanya. May kotse kasi siyang dala na nakaparada sa labas ng School. Disi oras na ng gabi at takot na si Joy maglakad kaya pumayag na siyang magpahatid kay John Ronald kahit malapit lang ang bahay nila.

 Nagpasalamat naman si Joy kay John Ronald nang makababa na siya ng sasakyan nito at nasa tapat na ng gate nila. 

PAGBUKAS ni Joy ng kanyang Facebook may natanggap siyang friend request mula kay John Ronald. Nagdalawang isip siya kung iaaccept ba niya ito oh hindi. Wala namang mawawala kung iaaccept niya tutal pinasaya naman siya nito noong reunion. Tiningnan ni Joy ang profile niya at nakita niya doon na may Girlfriend siya. 

"Sinungaling talaga yung mokong na yon sabi nya single siya" sambit ni Joy sa sarili. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng inis nang malamang may gf si John Ronald. Winalang bahala na lang ni Joy ang kanyang inis at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Writer ka pala" biglang lumitaw sa screen ng kanyang computer ang message ni John Ronald.

"Oo bakit?" pagtataray ni Joy.

"Wala naman nakakatuwa lang malaman na nagsusulat ka ng mga love stories ang ganda ah kakatapos ko lang basahin yung The Missing Princess mo ang ganda" Chat ni John Ronald sabay send ng smily.

"Salamat sa pagbabasa" reply ni Joy. 

Hindi na nagreply pa si John Ronald kasalukuyan na kasi niyang binabasa ang "I Love You Always Forever" na sinulat din ni Joy. 

Napangiti si Joy ng balikan niya ulit ang chat ni John Ronald kanina. Naisipan niya itong ichat ulit pero hindi na ito nagreply pa. 

"Ano bang nangyayari sa'yo Joy asa ka pang magrereply pa ulit sa'yo yon hello gumising ka nga may gf na yon saka asa ka pang papansinin ka non eh ang ganda ganda ng gf niya kaya kung ako sa'yo huwag ka nang umasang mapapansin ka niya' ani Joy na kinakausap ang sarili sa harap ng salamin. 

Naabutan siya ni Nerry sa ganong sitwasyon kaya tinanong siya nito kung may kausap siya. Ngiti na lang ang sinagot ni Joy sa kapatid na nagtataka sa kanya. Patulog na si Joy nang magring ang kanyang cellphone.

"Hello, sino ito?" tanong ni Joy sa kabilang linya.

"Hi Miss Writer kamusta ka hiningi ko number mo kay Rio eh" sagot ng tumatawag na si John Ronald pala. 

"Anong kailangan mo?" pagtataray ni Joy.

"May gagawin ka ba bukas? magpapasama sana ako sa'yo eh sa Sm Aura manood ng sine okey lang ba?" tanong ni John Ronald. 

Hindi agad nagsalita si Joy. Pingiisipan niya kung sasama siya oh hindi.

"Hey are you still there?" tanong ni John Ronald.

"Ah yup nandito pa ako oh sige sasama ako" pagkukumpirma ni Joy.

Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng excitement matapos nilang mag usap ng binata. Agad siyang pumunta sa kwarto at hinalungkat ang kanyang drawer para tingnan kung anong damit ang isusuot niya bukas. Napili niya ang pink na blouse na may sulat na girly na pinartneran ng pink na jeans tamang tama ito sa doll shoes niya na pink at bag na pink. May clip din siyang pink. Tuwang tuwa si Joy na pinagmasdan ang sarili sa salamin. 

SAKTONG alas dos ng hapon ng sunduin ni John Ronald si Joy, dala nito ang kanyang kotse at tuloy tuloy sila papuntang Sm Aura. Pagkatapos manood ng sine, kumain sila at naglibot libot muna. Naenjoy nila ang presensya ng isa't isa kaya nasundan pa ito ng ilang beses na pagkikita pa. Panay din ang chat nila sa facebook at pagtatawagan sa cellphone.
"Anong meron bakit mo ako dinala dito?" tanong ni Joy kay John Ronald nang dalhon siya nito sa isang Private restaurant na pinareserve niya para sa kanila. Kita sa lugar na yon ang paglubog ng araw na napakagandang pagmasdan. 

"Paborito ko ang lugar na ito. Kapag umuuwi ako lagi akong nagpupunta dito. Sana mgustuhan mo ang lugar na ito"ani John Ronald na nakatingin sa dalaga.

"Salamat ah dinala mo ako dito ang totoo kasi niyan ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar" nahihiyang sabi ni Joy.

Napangiti lang si John Ronald sa dalaga. Maya maya pa'y pumunta na sila sa kanilang mesa para kumain. Pagkatapos ay niyaya niya si Joy na sumayaw sila at doon nagtapat na si John Ronald ng pag ibig niya para sa dalaga. Buong puso naman itong tinanggap ni Joy kaya labis ang tuwa na nadarama niya ng mga sandaling iyon. May fireworks pang pahabol si John Ronald para sa dalaga. Naguumapaw ang sayang nararamdaman nila simula noong araw na yon dahil yon ang simula ng pagbabago sa kanilang buhay. 

BIRTHDAY ni John Ronald kaya may handaan sa bahay nila first monthsary din nila yon ni Joy at ito rin ang araw na ipapakilala niya sa mga magulang niya si Joy bilang girlfriend niya pero, nawala ang kanilang kasiyahan nang magalit ang Mommy ni John Ronald. 
Hindi niya gusto si Joy dahil sa itsura nito at sa estado ng kanilang buhay. Bago pa man ipakilala ni John Ronald si Joy ay nakarating na ito sa kanyang Ina at agad pina background check ang dalaga. Inisip niya kasi na baka perahan lang ni Joy ang kanyang anak kaya agad nitong hinanap ang dating Girlfriend ni John Ronald na si Cherry. Sinama niya ito noong birthday ni John Ronald para ipagkasundo sila.

"Huwag ka nang magpapakita sa anak ko dahil ikakasal na siya kay Cherry" Yon na ang mga salitang sinabi ng Mommy ni John Ronald na paulit ulit na naiisip ni Joy na nagpapahirap sa damdamin niya hanggang ngayon. 

Yon na rin ang huling araw na nakita niya si John Ronald. Sobrang sakit at nakakadurog ng puso lalo na ng mabalitaan niyang natuloy ang kasal ni John Ronald at Cherry. 

Matagal na panahon ang ginugol ni Joy sa pagmumukmok bago tuluyang nakamove on sa mga nangyari. Nakapag aral siya ng College sa UP at Journalism ang kurso niya at nagkaroon ng pagkakataong maging writer ng isang Tv Network. Sa mga nobelang sinusulat niya ramdam ang sakit ncg pinagdaanan niya sa pag ibig. Pagkatapos kasi ng pwersahang break up nila ni John Ronald, hindi na siya nagmahal pang muli. 

NAALIMPUNGATAN si Joy nang tumunog ang kanyang cellphone. Boss niya pala ang tumawag at pinapapunta na siya sa kanilang Opisina. May good news daw ito sa kanya kaya naman mabilis siyang kumilos at pumunta agad ng Opisina nila.

"Mabuti naman at nandito ka na Miss Joy meet Mr. Santos may ari siya ng pinakamalaking advertising Company dito sa Manila. Nais ka sana niyang kunin na writer para sa Kumpanya nila" sabi ng kanyang Boss.

 Nagulat si Joy sa offer sa kanya pero ms nagulat siya nang malamang magiging Boss niya si John Ronald. Hindi niya sana tatanggapin ang offer nito sa kanya pero nang mga panahong yon kailangan niya ng malaking halaga dahil nasa Ospital ang kanyang Tatay at kailangang maoperahan agad. 

Labag man ito sa kanyang kalooban pero kailangan kaya tinanggp niya ang offer sa kanya. Siguro nga panahon na para harapin ang mundo ng nakaraan para tuluyang makamove on na at wala nang bitternes sa puso. 

Nagkakailangan silang dalawa noong unang araw ni Joy sa kumpanya nila pero noong nagkaroon sila ng pagkakataong makapagusap doon naging malinaw ang lahat. 

Hindi pala natuloy ang kasal nila ni Cherry dahil hindi ito dumating noong araw mismo ng kasal nila at hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikita ulit. Nabalitaan na lang ni John Ronald na nasa Amerika na si Cherry. Napaiyak na lang si Joy nang malaman niya ang totoo. Simula nang pag uusap nilang yon naging malapit ulit sila sa isa't isa. Parang kagaya lang ng dati na madalas na chat at tawagan nila.

MULING nanligaw si John Ronald kay Joy at hindi naman ito nabigo. Muli siyang binigyan ni Joy ng ikalawang pagkakataon. Umaasa siyang hindi na mauulit ang mga nangyari noon. 

Hindi na pinatagal pa ni John Ronald at agad na niyang inalok ng kasal si Joy. Hindi na siya tumanggi pa si Joy kaya agad na inayos ang kanilang kasal. Marami ang natuwa sa balitang ito lalo na ang mga uekabatch nila pero, sa hindi inaasahang pagkakataon sa araw mismo ng kasal nila namatay ang Tatay niya dahil bumigay na ang katawan niya. 

Hindi makapaniwala si Joy na wala na ang kanyang Ama. Pangako pa naman nito na sa kanya na sa araw kasal ang kanyang ama ang maghahatid sa kanya sa altar. Sa panahon ng kalungkutan dinamayan ni John Ronald si Joy hindi siya umalis sa tabi nito hanggang makarecover siya. Nagpatuloy pa rin si Joy sa kanyang pagiging writer dahil yun ang gusto ng kanyang ama. Isa rin ito sa mga tagahanga niy na matiyagang nagbabasa ng mg nobelang gawa niya.

NAKATANGGAP ng balita si John Ronald na kailangan na ulit niyang sumakay ng barko habang si Joy naman nakatanggap ng magandang offer mula sa kanyang Boss. Isa kasi siya sa mga writers na ipapadala sa Korea para sa isang conference at training para sa mga writers. Magtatagal siya doon ng isang taon si John Ronald ay isang taon ding mwawala. 

"Sorry Mahal siguro kailangan muna nating maghiwalay ngayon, siguro may plano siya para sa atin. Kung tayo talaga para sa isa't isa pagtatagpuin niya ulit tayo" naiiyak na sabi ni Joy sa kasintahan.

"Siguro nga may plano siya Mahal na mahal kita Joy. Masakit sa akin na muli tayong magkakahiwalay sana hintayin mo pa rin ako dahil ako kahit anong mangyari tutuparin ko ang pangako ko sa'yo na ihaharap kita sa altar" naiiyak na sabi ni John Ronald. 

Yon na ulit ang huling pagkikita ng dalawa dahil kinabukasan sabay din silang aalis. 

KAHIT malayo sa isa't isa panay pa rin ang tawagan nila at chat sa fb kaya parang magkasama na rin sila. 

Nang matapos ang kanilang kontrata muli silang bumalik sa Pilipinas para ang kanilang kontrata naman ang kanilang maaiskaso. Naunang umuwi si Joy sa Pilipinas samantalang si John Ronald nasa Barko pa padaong pa lang sila. Ilang buwan ang lumipas pero wla pa rin si John Ronald. 

Tinatawagan niya ito pero na siya makontak pa. Labis na ang pag aalala ni Joy para sa kanyang mahal. kaya nagpasya siyang pumunta sa bahay nila para makibalita. Dooon niya Natuklasan na si John Ronald pala ay naaksidente at kasalukuyang nakaconfine sa Hospital. 

Muli na namang nadurog ang puso ni Joy nang makita ang sitwayon ng kanyang minamahal. Dahil sa aksidenteng natamo niya posibleng mawala ang alaala niya o paningin niya. Ano't ano man ang mangyari, hinding hindi niya ito pababayaan. 

PAGGISING ni John Ronald, nakita pa niya si Joy pero unti unting nagdilim na ang paningin niya. Halos mabaliw ang binata lalo pa't permamente nang mawawala ang kanyang paningin. 

Hindi nawalan ng pag asa ang kanyang Pamilya. Muli nila siyang pinakonsulta sa iba pang mga Doctor pero lahat sila sinabing wala ng pag asa na makakita pa siya. Dahil sa nangyari, naging malungkutin ang binata at magagalitin, madalas din siyang magkulong sa kanyang kwarto at kung minsan pa'y hindi kumakain ng buong araw. 

Naiiyak na lang si Joy sa tuwing makikita niya ang sitwasyon ng kanyang mahal. Hindi iniwanan ni Joy si John Ronald. Matiyaga niya itong inalagaan kahit madalas siyang sungitan nito at ipagtabuyan. Naniniwala pa rin si Joy na gagaling si John Ronald at matutuloy na ang kanilang kasal.

Papasok na na si Joy sa kanyang trabaho, patawid na sana siya nang maholdap siya ng riding in tandem na nakabihis studyante pa. Nanlaban siya dahil mahahalagang gamit ang laman ng bag niya. Dahil sa pagmamatigas niya, binaril siya ng mga ito. Naisugod pa si Joy sa Hospital at ang bilin niya kung sakaling mawala siya idodonate ang mga mata niya kay John Ronald sa pinakamamahal niya. 

Tinupad nila ang kahilingan ni Joy na idonate ang mga mata niya kay John Ronald para muli itong makakita. Hinanap niya agad si Joy noong magaling na siya pero doon lang niya nalaman na wala na ang kanyang minamahal. 


***W A K A S***

No comments:

Post a Comment