“AMBER!” agad naman siyang napalingon sa taong tumawag
sa kanya. Napangiti siya ng makita ang kaibigan na si Alex. Tumigil sila sa
hallway ng school. Hindi alintana ang mga matang nakatitig sa kanila na puno ng
inggit.
“Oh bakit?” bungad na tanong niya sa kaibigan.
“Ipapaalala ko lang sayo ang meeting mamaya.” tumango siya. Muntik na niyang
makalimutan ang meeting na sinasabi ni Alex.
Si Amber ang President ng sorority
ng pribadong eskwelahan. Halos lahat ay kilala siya dahil sa angking ganda at
talino. Maraming naiingit at naiinis sa kanya dahil sa attitude na meron siya.
Mayabang at mapag mataas si Amber. Hindi basta basta ang nakakapasok sa
naturang sorority dahil sa pamamahala niya. She’s a perfectionist pagdating sa
school activities especially sa sorority. She’s mean and sometimes a bully.
What she want is what she get. Kung bakit siya ganyan ay siguro family matters.
Kapag sa bahay ay tanging ang yaya niya lang makikita at makakausap. Her
parents is busy about business.Sa sobrang pagka busy ng parents niya ay hindi
na siya napapansin.
“I need you mom.” minsan binulong yan ni Amber habang
mahimbing natutulog ang mommy niya. Nag iisang anak nga siya pero parang walang
oras ang parents niya sa kanya kung kaya’t hindi nila na papansin ang unti
unting pagbabago niya.
“WHAT’S new, Queen Amber?” Queen? Napapangiti siya
kapag naririnig ang katagang yan. Gusto niya ng attention at tanging sa school
lang niya nakukuha iyon. Umiling siya sa bumati sa kanya at pumasok sa office
ng sorority nila.
Tinitigan niya ang mga students na gusto makabilang sa club
niya. Huminto siya sa harap ng isang plain and simple girl. Automatic na tumaas
ang kanang kilay niya. “You look familiar.” sambit niya at agad namang tumingin ang
babae sa kanya.
Lumapit ang secretary ng club sabay sabing. “Introduce yourself
to the Queen.”
Kinakabahang tumango at nagsalita ang babae. “Im Alice. Sophomore. Taking up BSHRM.”
Ngumiti ng
matamis si Amber sa kanya. “Scholar?” nagulat man ay tumango si Alice. Agad
namang lumapit ang members ng club at agad na pinaalis ang nasabing babae. Why?
Dahil hindi siya tumatanggap ng scholar o working students. Ano pang aasahan
niyo sa isang Amber Javier.
“Diba sinabi ko na i-check niyo ang backgrounds nila
bago mag screening?” tanong niya sa mga members ng sorority na nakapalibot
ngayon sa kanya.
“Im sorry, Queen. Nag-fill up siya ng form at hindi
niya nalagay na scholar siya.”
Paano nga ba nalaman ni Amber na scholar yung
babae? Simple lang. Minsan niya na iyon nakita sa library at sa Dean’s office.
It means yun yung assign task sa kanya bilang scholar ng school at minsan na
rin siyang nag attend ng seminar na kasama ang scholar’s ng school.
Pinigilan
niyang hwag magalit para kahit papaano ay hindi matakot ang mga new members sa
kanya kahit alam niya na lagi siyang pinaguusapan dahil sa katarayan niya.
Huminga siya ng malalim at agad na nilisan ang office na walang pasabi.
“Kaasar! Muntik ng makapasok ang isang scholar sa
sorority ko. Tsk!”
“Chill ka lang, Amber.” napa irap siya sa babaeng nasa
harap niya. Agad naman siyang napangiti at nawala ang lahat ng inis sa katawan
ng makita ang hawak ni Alex.
“So, magkita tayo later.” inabot niya agad ang isang
VIP ticket sa nasabing bar. Tumango siya at agad na umalis para mag ready
mamaya.
AS usual ay wala ang mommy at daddy niya. Nagsimula
siyang mag-ayos dahil ilang minuto na lang ay susunduin siya ng mga so called
friends niya. Kahit alam niyang pakitang tao lang ang pinapakita ng mga iyon sa
kanya ay binabalewala na lang niya. She love fame. She love sleep-overs and
parties. It’s just the way she wanted her life to be. No one can stop her. Para
sa kanya doon siya nababagay dahil ka level niya sila at konti na lang ay
magiging queen bee na rin siya ng school hindi lang sa sorority niya.
Excited
siyang bumaba at lumabas ng gate. Nakita na niya ang van ni Alex.
“Ready?”
tanong sa kanya ni Alex na lumabas ng van.
Ngumiti siya sabay sabing. “Ready.”
Tinatahak na nila ang daan papuntang club. Biglang nag ring ang phone niya at
kahit gusto niyang sagutin iyon ay hindi pwede. Ayaw niyang sabihan siya ng
kung ano-ano kapag kinausap niya ang parents niya na tumatawag ngayon..
Tinitigan niya lang ang phone niyang naka silent. Tumingin si Alex sa side
niya.
“Ba’t hindi mo sagutin?” sabay ngiti ng nakakaloko.
Napa buntong hininga siya. Kahit walang pakialam ang parents niya sa kanya ay
mahal niya pa rin naman ang mga iyon. Binaling niya si Alex at ngumiti na lang.
May mas malala pa sa ugali niya at yun ay si Alex. Ayaw niyang mawala ang unti
unting pagsikat niya dahil lang sa tawag ng parents niya.
Muli niyang tinago
ang phone at tumingin sa labas. Tamang tama ay narating na rin nila ang
nasabing bar. Namangha siya sa nakita. Hindi niya pinapahalata na first time
niyang pumasok sa ganoong lugar. Mukhang hindi ito ang huling pagpunta sa lugar
na ito. High class ang bar kung kaya’t puro rich kid ang nakikita niya. Some
are part of the soccer team ng school nila.
“Woah! Nagce-celebrate ata ang soccer team ah.” agad
rin naman napansin ng kasama niya. Wala siyang nararamdaman kundi excitement.
Sinundan niya na lang ang mga kasama nito papunta sa soccer team. Kahit ayaw
niya ay wala siyang magagawa. Nang makalapit ay agad namang naghiyawan ang team
dahil sa paglapit nila. Lahat ay nakatingin sa kanila at lalong lalo na sa
kanya. Naiilang man ay ngumiti na lang siya. Umupo na sila at nagkwentohan.
“Here.” napatingin siya sa lalaking nag-abot ng
maiinom sa kanya. Hindi na siya nagdalawang isip at tinanggap na lang ito.
Tinukso sila ng mga taong nakapalibot sa kanila. Dahil ang taong nagbigay sa
kanya ng maiinom ay walang iba kundi si Troy Lopez ang hearthrob ng school at
member rin ng soccer team. Great right? Mas lalo siyang sisikat kapag naging
sila. Iniisip pa lang ni Amber na magiging nobyo niya si Troy ay napapangiti na
siya ano pa kaya kapag totohanan na. Mukhang mapapadali ang pagiging sikat niya
sa buong campus.
Natapos ang gabi na sobrang saya niya. She never felt this way
before. Napapaligiran siya ng mga rich kid at spoiled brat na kagaya niya.
Hindi niya inaakala na dati ay simpleng babae lang siya pero ngayon marami ng
naiingit dahil sa meron siya.
Umuwi siya ng masaya. Hindi alintana na madaling
araw na siyang umuwi. Basta ang para sa kanya ay masaya siya. Humiga siya sa
kama at napa isip. Paano kaya kung andito ang parents niya? For sure hahayaan
lang nila ito or baka ma grounded siya. Oo, minsan na rin siyang na grounded at
naiinis siya sa nangyari noon dahil lang pinagbintangan siya ng parents niya na
nag cutting classes na kahit minsan ay hindi niya nagawa noon at hanggang
ngayon.. Bakit ba ang bait niya noon? Kahit ngayon na sikat siya sa campus ay
hindi niya pa rin magawa mag cut ng classes. Cutting classes is not her thing.
Pero alam nating magbabago ang pananaw niyang iyon dahil sa mga taong nakapaligid
sa kanya ngayon.
“LET'S go, Amber.”
Nagtaka si Amber sa sinabi ni Alex
sa kanya. “where?” simpleng tanong niya.
“Duh! Sa bar saan pa ba? Don’t tell me
hindi ka sasama?” napaisip siya.
Naglalaban ang puso at isip niya. May next class pa
siya at major subject iyon. Higit sa lahat mapapatunayan na ng parents niya na
nagcu-cutting classes talaga siya. Kapag hindi naman siya sasama siguradong
tatawanan siya ng mga ito dahil sa mga dahilan niya. Hindi lang iyon malaking
turn off yun kay Troy na siguradong sasama papuntang bar.
“May next class pa ko
eh.” nahihiyang sabi niya.
Hindi nga siya nagkamali ay tinawanan siya ni Alex.
“Are you kidding me? Oh come on!h Hwag ka ngang KJ dyan. Let’s go!” sabi nito
sabay hila sa kanya palabas ng campus. Wala na talaga siyang nagawa at sumama
na lang. Iniisip niya na lang na maari ito na ang huli niyang pag cut ng
classes.
PUMASOK na sila sa bar. Hindi pa rin niya maiwasan na
mamangha sa nakikita niya. Elegant ang theme ng nasabing bar. Ang iba ay naka
formal attire pa habang umiinom. Tiningnan niya naman ang suot niya. She’s
wearing a simple black dress pero kahit ganun ay confident pa rin siya. Umupo
na sila at nagsimula na rin ang party.
Ilang minuto lang ay dumating na rin si
Troy at mga kasama nito.
“Hi!” bati sa kanya at ngumiti na lang siya bilang
tugon. Napuno ng musika at sayawan ang bar. Umiinom na rin siya dahil hindi
niya magawang tanggihan ang mga kasamahan.
Nahihilo ay pinilit pa rin ni Amber
na umuwi kahit madaling araw na. Hinatid naman siya ng mga kasamahan niya.
Hindi pa rin niya maiwasan na nagawa niya talagang mag
cutting classes at pumuntang bar sa pangalawang pagkakataon. Akala niya yun na
ang huli hindi pala. Mas lalo pa siyang nae-enjoy dahil dito. Sabi nga nila
masarap ang bawal.
KINABUKASAN ay pumasok siya ng school kahit masakit
ang ulo. First period class niya ay minor subject lang. Alam naman niyang late
siya kung kaya’t walang takot na nag cut siya ng class.
Nagtungo sa cafeteria
at uminom ng kape. Unexpected na nagawa niyang magdesisyon na magcut ng class.
Ang sa isip niya na lang ay may reason naman siya kaya ginawa niya iyon.
Mukhang masasanay na siyang mag cut ng classes tutal ay hindi naman mapapansin
iyon ng kanyang mga magulang. At isa pa breaking rules is fun. Napangiti siya
sa naiisip. Napatingin siya sa phone na hawak hawak. Almost two days ng hindi
siya kino-contact ng parents niya.
Minsan napapa-isip siya na baka kinalimutan
na siya ng mga ito. Noon masaya naman sila ah pero nagsimula lang silang maging
busy nung na promote ang parents niya sa trabaho.
Hindi niya maiwasang hindi
malungkot. Kung tutuusin mas gusto niyang mag stay ang mom o dad niya para lang
makasama siya. Sinusubukan niya rin mag rebelde ngunit hindi niya magawa. Pero
tingnan niyo siya ngayon ibang iba na. Gusto niya lang naman ng atensyon kung
kaya’t nagagawa niya iyon. Noong nasa bar siya iniisip niya kung ano ang
magiging reaksyon ng parents niya pagnalaman ang mga kalokohan niya. Matataas
lagi ang grades niya sa school tapos nung nag college na siya naging dean’s
lister siya.
Inaamin niya naman na natutuwa siya sa tuwing pinupuri siya ng
parents niya but still pagkatapos nun wala na. Nung araw na, na grounded siya
ay buong linggo siyang binantayan ng parents niya. See? Kaya hindi niya
maiwasang maiinis dahil dun.
Isang beses lang naman nangyari yun pero grabe ang
atensyon na binibigay sa kanya. Hindi naman ganun kakitid ang utak niya para
hindi maintindihan kaya lang hindi pa rin siya makuntento sa dahilan na mas
napapansin siya ng parents niya kapag may mali siyang ginawa. Ibig sabihin
dapat ngayon andito sila para magrounded siya sa mga ginawa niya for a week
pero wala. Siguro napapagod na ang mga iyon sa kanya. Ganito ba talaga ang
totoong buhay? Masyadong cliche kapag nilagay sa isang kwento. Pero kahit anong
gawin niya yun na yun. Sa lalim ng pag iisip niya ay nakatulog siya.
Napadilat si Amber dahil nararamdaman niya na may
humahaplos sa mukha niya. Ng makita niya ang taong iyo ay agad niya itong
niyakap.
“I miss you, Mom.” Halos maiyak siya pagkasabi niya nun. Niyakap siya
ng ina pabalik.
“I miss you too, sweetie.” Sobrang saya niya dahil sa wakas ay
andito na rin ang parents niya. Kumalas siya sa pagkakayakap at agad na
tinanong ang mommy niya.
“Mom, stay here okay?!” agad naman napaiwas ng tingin
ang ina niya. Bumuntong hininga si Amber at tumayo na sa kama. “I knew it.”
sabi niya at pumasok ng banyo.
Naiinis siya dahil hindi na naman magtatagal ang
parents niya dito. Wala rin naman siyang magagawa kahit pa makiusap siya sa mga
ito. Tahimik silang kumakain ng tanghalian. Kahit wala siyang ganang kumain ay
pinilit niya pa rin dahil aalis rin naman ang mga ito mamayang hapon.
“Kamusta ang school, baby?” tanong ng daddy niya.
Hindi niya tinignan ito habang sumagot ng matamlay.
“Fine.” napatigil naman sa
pagakain ang mommy niya. Hindi niya maiwasang hindi tignan ito. Nakita niyang
kumunot ang noo nito. Bigla siyang kinabahan. Baka alam na nila na dalawang
beses siya nag cutting classes at tatlong beses rin siyang pumasok ng bar.
Napalunok siya ng makitang tumingin rin ang daddy niya sa kanya.
“What’s
wrong?” kinakabahan man ay tinanong niya ang mga ito.
“Nagtatampo ka ba sa
amin, Amber?” tanong ng mommy niya.
Mas lalo siyang naiinis sa tanong na iyon.
Tinatanong ba iyon? Hindi pa ba obvious? Hindi siya nagsalita at hinintay na
lang ang susunod na sasabihin nila.
“Sorry, baby. Busy lang kami ng mommy mo.”
Yeah, right! Ano pa ba ang aasahan niya? Paulit ulit lang naman. Tapos ano?
Susuyuin siya gamit ng pera, bag, shoes at mga bagay na hindi naman niya
kailangan. Oo, alam niya na ang maaaring mangyari.
“Here.” see? Ayan na nga ba
ang sinasabi niya eh. Wala na siyang ginawa kundi abutin ang bagay na hawak ng
mommy niya.
Pag abot niya nito ay nagulat siya. Seriously? Binigyan siya ng
susi. Susi ng kotse. Hindi niya lubos maisip na bibigyan siya ng mga ito ng
kotse. Nag driving lesson naman siya kaya walang problema dun. Agad siyang
tumayo at tumakbong tinungo ang garahe.
Nakita niya ang isang kulay pulang
sasakyan na alam niyang mas kaiingitan pa siya lalo sa campus lalong lalo na
kay Alex na ubod ng yabang. Hinawakan niya ang sasakyan pagkatapos ay lumapit
siya sa mga mgualng niya na sumunod sa kanya papuntang garahe.
Niyakap niya ang
mga ito sabay sabing “Salamat po.” tinugon naman ang yakap niya. “We love you,
sweetie.” Ngayon ay masasabing buo na ang araw niya.
SA loob ng isang buwan nag iba na ang daily routine
niya. Halos araw araw silang pumupunta ng ibat ibang high class na bar gamit
ang bago niyang sasakyan.
Pagkatapos kasing ibigay ng parents niya ang kotse nito
ay agad naman silang umalis dahil sa isang business trip. Ilang araw ding hindi
nagpaparamdam ang parents niya. Naiinis siya sa mga ito. Pakiramdam niya ay
binigay lang ang kotse sa kanya ng mga magulang niya ng sa ganun ay hindi siya
magtampo. Party dito, party doon.
Unti unti niya na ring napapabayaan ang
pag-aaral niya. Mas focus pa siya sa sorority niya. Lagi siyang active when it
comes to her club. Dahil dun nahuhuli na niyang gawin ang mga projects niya at
requirements sa mga subjects sa kursong kinuha niya.
She’s taking up BS Tourism
at mukhang kailangan niya nang mag focus sa studies niya kung gusto niyang
mabilang sa ika-apat na taon. Pero parang wala lang sa kanya kahit nakatanggap
na siya ng warning sa isang subject sa pagiging late for almost one month.
Binalewala niya na rin ang ibang school works dahil sa mga unexpected dates
niya. Tama. Naging sila na ni Troy kagaya ng inaasahan. Sumikat na siya sa
campus at dahil dun kahit papaano ay nagiging masaya siya.
Of course walang
alam ang parents niya na may boy friend siya dahil alam naman niyang ayaw ng
mga parents niya mag boy friend siya hanggat hindi pa siya nakapagtapos ng
pagaaral. Pero mas lalo siyang naging bossy at mas dumami ang haters niya.
Sino
ba naman ang hindi maiinis at hindi magalit sa kanya? Noon ay hinahangaan siya
dahil simple, maganda at matalinong estudyante lang siya pero ngayon ibang iba
na. Ang tinuring niyang mga kaibigan ay ang mga member ng club na laging
nakadikit sa kanya dahil rin sa sikat siya. Andaming plastic sa paligid at
hindi niya napapansin. Bulag siya sa kasikatan na meron siya. Hindi niya
iniisip at binabalewala ang mga bulong bulongan. Who cares? As long as sikat
siya hanggang tingin lang sila. Hindi niya maexplain eh. Mas gusto niya pala
ito kesa naman na lagi siyang binabantayan ng parents niya.
Siguro okay na ito
kesa naman pagbawalan siya sa mga bagay na nagpapa enjoy sa kanya.
PERO isang
araw hindi niya lubos maiisip kung bakit may epekto pa rin sa kanya ang mga
mababang grades niya. Oo, natanggap niya na ang Midterm grades niya.
Naghihinayang man ay hinayaan niya na lang.
“Hey, Amber!” napatingin siya sa
paparating na si Alex.
Kumaway siya at lumapit na rin ito. “I think alam mo
na?” kumunot ang noo ni Amber sa tanong ni Alex. Nahuli niya itong tinitignan
ang hawak na papel na may grades niya.
“Hindi ka na pala Dean’s Lister.” sabi
nito at tumango na lang si Amber. “It’s okay. Halika sama ka na lang sa amin.
Magcecelebrate tayo. At least pasado pa rin.”
Sumama na lang si Amber tutal
wala naman siyang gagawin at isa pa ay hindi naman alam ng mga parents niya.
NANG makapasok sa bar ay hindi mapakali si Amber. Hindi
niya alam kung bakit.
Nagulat na lang siya ng tumunog ang cellphone niya at
nakitang nag message ang mommy niya.
Tinititigan niya lang ang cellphone habang patuloy sa
pag party ang mga kasama niya. Ilang oras rin silang nagtagal sa bar at halos
lahat ng kasama niya ay nakainom maliban sa kanya na hindi ginalaw ang inuming
binigay sa kanya.
Nasa harap na sila ng kotse niya ng tumigil si Alex sa harap niya.
Sila na lang dalawa ang magkasama dahil may kanya kanyang kotse naman ang mga
kasamahan niya maliban kay Alex na sinadyang iwan ang kotse nito.
“Give me the key.” isang utos ang narinig niya kay
Alex.
Umiling siya sabay sabing “No! Lasing ka na at ako ang magmamaneho.”
matigas na sabi niya pero ngumiti ito sa kanya.
“KJ ka pa rin? Hindi ako lasing
okay? Just give me the key or else..” nabigla siya sa pagkakasabi ni Alex sa
kanya.
Alam niya ang ibig sabihin nito. Kapag hindi niya kasi sinunod ang utos
nito ay siguradong aagawin niya ang lahat na meron siya. Takot siya kay Alex at
sa kayang gawin nito. Masakit man pero yun ang totoo.
Agad naman niyang binigay
ang susi. Papasok na sana siya ng nag message ulit ang mommy niya. Hinayaan
niya lang ito at pumasok ng kotse. Nagsimula ng magmaneho si Alex pero nabalot
siya ng takot ng patakbuhin ng mabilis ni Alex ang kotse na para bang nasa
paliksahan sila. Napahawak siya sa seat belt.
Sinigawan niya si Alex na itigil
ang sasakyan pero parang wala itong pakialam. Unti unti na niyang naaalala
lahat ng mali na nagawa niya. Naiiyak na siya dahil andami na niyang kasalanan
lalong lalo na sa parents niya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Nananalangin
siya na sana may tumulong sa kanya. Napapikit siya ng maramdaman na mababangga
sila. Napuno ng pagsisi ang puso at isip niya kasabay nag pagdilim ng paligid.
TAKOT na takot na napabangon sa higaan si Amber. Halos
mawalan siya ng hininga sa naaalala niya. Napatingin siya sa paligid at
tuluyang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi.
“Are you okay, miss?” tanong ng
nurse sa kanya. Halos mawalan siya ng lakas ng tinignan ang paligid. Nasa
hospital siya.
Pinilit niyang magsalita. “N-nasaan ako?” tanong niya sa nurse
at agad namang lumapit ito sa kanya.
“Bumangga ang sinasakyan niyo sa isang
poste, Miss.”
Nangiginig si Amber ng marinig iyon. At agad naman niyang naalala
si Alex. “Ang kasama ko. N-nasaan siya?”
Napayuko ang nurse sa tanong niya. “Im
sorry, Miss. She’s dead”
Halos hindi makahinga si Amber sa narinig. Kung pwede
niya lang ibalik ang lahat ginawa niya na. Biglang may inabot sa kanya ang
babaeng nurse.
“Miss, sa tingin ko kailangan niyo po itong basahin.” napatingin
siya sa nurse kahit patuloy siya sa pag iyak. “Sayo na muna ang cellphone ko
kasi ang cellphone mo ay sira na. Andyan nga pala ang sim card mo.” pagkasabi
ng nurse ay agad naman siya nitong tinalikuran. Binasa niya ang message ng
Mommy niya nung bago siya naaksidente.
“Hi, sweetie. I know you have a bad day today. Don’t
worry hindi kami galit ng Daddy mo dahil hindi ka na Dean’s Lister. Sorry kung
wala kami dyan kasi inaasikaso namin ng daddy mo ang papers natin papuntang
Korea. At least for almost one month ay natapos na rin namin ang lahat ng
trabaho namin. Mag babakasyon tayo doon for one month. Kaya sorry kung wala
kami sa tabi mo palagi dahil para rin ito sa atin. I hope you understand. Wala
kang kasalanan baby. Proud kami sayo, no matter what. Keep safe and we love
you. See you tomorrow, sweetie.”
Napaiyak na nang lubusan si Amber.
Nagsisisi
siya sa lahat ng ginawa niya. Sana nakontento na lang siya sa anong meron sa
kanya. Sana noon pa niya na-realize na sobrang mahal siya ng parents niya. Sana
mapatawad siya sa lahat ng maling ginawa niya. Sa lahat ng kasinungalingan at
kasakiman niya sa kasikatan ay pinagsisihan niya na iyon. Ngayon ay binigyan
siya ng pagkakataong ng Panginoon para itama lahat ng maling ginawa niya.
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment