One Shot Writing Contest Entry #7: Pangarap by Cat's Eye


MAGBUBUKANG LIWAYWAY pa lamang ay bumangon na buhat sa pagkakahiga sa lumang papag si Marco upang magpatuka ng mga alagang manok at para maagang makagayak sa paglalako ng dyaryo bago ito pumasok sa paaralan. Pagkatapos naman ng kanyang klase sa hapon ay didiretso na ito sa palengke upang magbuhat ng mga panindang isda at mga prutas ng mga tenderang naging suki na niya roon.

Kailangan niyang kumayod at magbanat ng buto sa araw-araw upang makabili ng gamot ng kanyang may sakit na ina at para na rin matustusan ang kanyang pag-aaral.

Wala na siyang ibang maasahan pa bukod sa sarili. Buhat nang pumanaw ang kanyang ama ay ang inang may sakit na lamang ang naging katuwang niya sa lahat ng bagay sa hirap at ginhawa.

Ito na ang huling taon ni Marco sa sekandarya kaya lalo itong nagsisikap makapag-ipon para sa pag-aaral niya sa kolehiyo. Pangarap kasi niyang makapagtapos ng pag-aaral upang maipagamot ang nag-iisang magulang at para maiahon ito sa kinalakhang karukhaan.

Pangarap niyang maging isang magaling at bantog na enhenyero pagdating ng panahon. Matayog man iyon kailan ma`y hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makakamit din niya ang mga minimithi sa buhay. Bagamat batid niyang hindi ganon kadaling makatungtong sa kolehiyo ay hindi siya pinanghihinaan ng loob.

Matalino siya at sa katunayan ay na sa section 1 ang binatilyo. Nagsisikap siyang mag-aral upang maging valedictorian sa kanilang pagtatapos. Napakalaking tulong niyon para sa kanyang pagpapatuloy sa huling apat na taong pakikibaka sa hamon ng edukasyon.
Napangiti si Marco nang matanaw palabas ng magarang sasakyan ang dalagitang sinisinta ng kanyang puso. Kagyat niyang inayos ang kuwelyo ng may kalumaang uniporme bago ito sinalubong.

"Magandang umaga, mahal ko." bati rito ni Marco kinuha ang dala-dalang libro ng kasintahan.

"Good morning din sa`yo, mahal ko. Ang guwapo mo ngayong umaga ah. May pinupurmahan ka bang iba bukod sa akin?" may himig na selos na wika ni Kristine.
Hindi kasi maikakaila na sikat ang kanyang katipan hindi lang dahil sa pagiging magaling na basketball player at pagiging ulirang leader nito bilang presidente ng student councilor kundi dahil na rin sa pagiging matalino, masipag at kaguwapuhang taglay ni Marco.

"Are you jealous mahal ko?" nanantiya ang mga titig na ipinukol dito ni Marco. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na pinagseselosan ng nobya ang mga mag-aaral na nagpapacute sa kanya. "Well I assure you, ikaw lang ang babaeng sentro ng paningin ko, ikaw lang ang siyang nilalaman nitong puso ko." patuloy na aniya. Marahang hinaplos ang makinis na pisngi ni Kristine.

"Dapat lang dahil kakalbuhin ko ang sinumang ipagpapalit mo sa akin."

"Your talking like an amazon, mahal ko."

"I`m dead serious, Marco. Subukan lang nilang lapitan ka at makakatikim talaga sila sa akin."

"Whoa! Mahal chill out." natatawang awat dito ni Marco.

Kahit naman maraming nagpapacute sa kanya ay hinding-hindi niya magagawang pagtaksilan ang kasintahan. Mahal na mahal niya si Kristine at sa katunayan ay isa ito sa mga dahilan niya kung bakit gusto niyang makapagpatuloy sa pag-aaral at makapagtapos. 
Gusto niyang patunayan sa mga magulang ng nobya na kaya niya itong buhayin na karapat-dapat siya sa anak ng mga ito at hindi na siya magiging alangan dito pagdating ng tamang panahon. Nag-iisang anak kasi ng alkade ng kanilang bayan si Kristine kung kaya`t patago lamang ang kanilang relasyon.

Isa sa mga pangarap niya`y makatuluyan ang katipan at maging kabiyak ng puso niya hanggang sa pagtanda`t hanggang sa kahuli-huliang ng kanyang hininga.

Kristine Aguilar was the first girl who captured his heart since the first time they had met three years ago. Unang araw nang pasukan ng mga freshmen high noong makabunggo niya ito sa lobby ng paaralan. Buhat doon ay naging malapit sila sa isat-isa hanggang sa naging magkaibigan at nauwi sa ka-ibigan.

"Nakakainis ka naman eh, sino ba ang matutuwang makita ang boyfriend niya habang napapalibutan ng mga babaeng hitad? At tuwang-tuwa ka pa."

Lumapad ang pagkakangiti ni Marco nang makuha ang nais ipabatid ng nobya. Nasa gym sila ng mga ka-team niya sa basketball kahapon nang lumapit sa kanya si Esella at ng mga kaibigan nito upang personal siyang imbitahan sa kaarawan ng babae.

"I told you the reason, haven`t I mahal ko? At isa pa ikaw lang naman ang nag-iisang babae sa loob nito." ani Marco na kinuha ang palad ng nobya at itinapat sa kaliwang dibdib.

"Ako lang talaga ,ha?" may insecurities pa rin sa tinig ni Kristine.

"Yup! You`re the only one pero..." binitin sa ere ang nais sambitin ng dila.

"Pero ano?"

"Pa kiss muna." pilyong anito na kinindatan ang kasitahan na siyang ikinapula ni Kristine.
And without waiting for her response. Marco hastily claimed her mouth with his lips na siya namang tinugon ng nobya.

"Enough na, mahal ko. Baka may makakita pa sa atin, eh." Si Kristine na biglang pinutol ang kanilang paghahalikan.

Napakamot na lang ng batok si Marco. Pero agad din namang tumalima. "Lets go mahal ko," aniyang inakbayan ang nobya.

Mahal nila ang isat-isa pero batid nila kung hanggang saan ang kanilang limitasyon. Bukod sa halik at yakap ay hindi na nila puweding gibahin ang harang hanggat nag-aaral pa silang pareho.

"Ang sweet n`yo naman baka mamaya n`yan ay langgamin na ang buong klase." pahayag ni Melay na sumabay sa kanilang paglalakad.

Napangiti na lamang ang dalawa sa tinurang iyon ng dalagita. Pareho nila itong ka-klase at matalik na kaibigan din ni Kristine.

"I love you mahal ko," halos pabulong na anas ni Marco sa kasintahan.

"Mahal na mahal din kita, mahal ko." hindi nagpatumpik-tumpik na sagot ni Kristine na halos ikalundag ni Melay sa subrang kilig na nadarama. Kay lapad ng mga ngiti na animo`y nanonood ng live drama sa mismong harapan nito.

Bahagyang pinisil ni Marco ang palad ni Kristine bago niya ito pinawalan. Gaano man kahirap ang pinagdadaanan niya ay pinipilit niyang magpakatatag at kinakaya bawat pagsubok na dumarating sa buhay niya alang-alang sa kapakanan ng dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya. Ang kanyang ina at ang sinisimpatiya ng puso niya.

KATULAD nang dati hatid tanaw lamang ni Marco ang kasintahan hanggang sa higanteng bakal na tarangkahan ng mansyon na pagmamay-ari ng mga ito. Hindi kasi siya puwedeng makita ng mga magulang ng nobya sapagkat tutol ang mga ito sa kanilang pag-iibigan.
Matamis na ngiti at ibinigay ni Kristine sa kanyang irog na nagtatago sa likod ng puno bago ito tuluyang pumasok sa loob ng gate.

Mahal niya si Marco at may tiwala siya sa nobyo. Nararamdam din niya na mahal na mahal din siya nito. Alam niyang balang araw ay matatanggap din ito ng kanyang mga magulang bilang kanyang mangingibig.

Papanhik na ng handan si Kristine nang magsalita ang kanyang ina. Halatang kanina pa ito naghihintay sa kanyang pagdating.

"Sinusuway mo na ba talaga kami ng papa mo, Kristine? Hanggang kailan ka magigising sa kabaliwan mo sa hampaslupang lalaking iyan, ha?!" galit na saad ng ginang.

"Ma, what`s wrong with that? Mahal ko po iyong tao."

"Mahal? Makakain mo ba ang pagmamahal na iyan, ha?! At anong ipapalamon sa`yo ng lalaking iyon, aber?"

"You`re being exagerated, Mama. Hindi pa naman po ako mag-aasawa. Isa pa`y nag-aaral pa lang kami at napaka bata pa na---"

"At marunong ka nang sumagot at mangatwiran ngayon Kristine?! Iyan ba ang natutunan mo sa lalaking iyan?!"

"Ma, please. Walang ginagawang masama si Marco at hindi naman po nakakaapekto sa pag-aaral ko ang relasyon namin, eh."

"Hiwalayan mo ang lalaking iyan sa lalong madaling panahon!"

"Mahal ko si Marco, Mama and I can`t breaking up with him."

"Yes, you can." Buhat sa malaking entrada ng mansyon ay pumasok mula doon ang haligi ng tahanan.

"Papa?"

"I want you to break up with him as soon as possible Kristine or he`ll be  sorry." Maawtorisado nitong pahayag. Bakas din sa aura nito ang pagsang-ayon sa kagustuhan ng kanyang mama.

"Huwag n`yo siyang gagalawin, papa."

"Alam mo kung ano ang kaya kong gawin Kristine. Kung ipagpapatuloy mo ang kahangalan at kahibangan mo sa pulubing lalaking iyan ay hindi ako magdadalawang isip na gawin ang nararapat."

"Papa, please. " nagsimulang mangilid ang mga luha sa magkabilang sulok ng mga mata ni Kristine. Batid niya kung ano ang kayang gawin ng ama laban sa kanyang katipan.

"Tapusin mo ang anumang namamagitan sa inyong dalawa and I`ll spare him. Ayoko rin muling makita ang lalaking iyan sa labas ng tahanan ko. Do you understand, Kristine?!" matigas na bigkas nito.

Iiling-iling na napatakbo paakyat sa ikalawang palapag ang dalagita habang hilam sa luha ang mga mata. Mahal na mahal niya si Marco at hindi niya kayang makipaghiwalay rito. 

Hindi niya kayang saktan ang damdamin ng kasintahan subalit kilala niya ang kanyang ama. Hindi ito magdadalawang isip na gumawa ng paraan para makipagkalas siya sa nobyo. Mas lalong hindi niya makakayanan na may mangyaring hindi kanais-nais dito. 
Hilam sa luhang napahagulhol na lamang ito buhat sa pakaisipin ang bagay na iyon.

SAMANTALA masayang tinatahak ni Marco ang daan pauwi sa kanilang bahay. Nakabili na siya ng paboritong pansit ng inang may sakit at nang gamot nito. Pagkatapos niyang maihatid ang nobya ay dumiretso na ito sa palengke para sa kanyang trabaho bilang kargador. Pagod man ang katawang lupa niya`y puno-puno naman siya ng positibong pananaw sa buhay na siyang nagbibigay ng lakas sa kanya.

"Nay, nandito na po ako." Si Marco na maingat na binuksan ang pinto ng kanilang lumang bahay. Agad niyang nakita ang ina na naghahanda ng kanilang hapunan sa gabing iyon. "

"Nay, bakit po kayo nagkikilos hindi pa ho kayo lubusang magaling, ah." Aniyang mabilis na lumapit sa ina at nagmano rito pagkatapos ay hinalikan ito sa noo.

"Kaawaan ka ng dyos....anak...."inuubong bigkas ng ginang.

"Kita n`yo na nay hindi pa kayong puwedeng mapagod. At sa tingin ko po kailangan n`yo na rin muling magpatingin sa doctor. Matagal na kayong inuubo ah," Puno ng pag-aalalang ani Marco kinuha mula rito ang platong hawak ginang at ito ang nagpatuloy sa pag-aasekaso ng mesa.

"N-naku anak hindi na kailangan ang pagpapakonsolta na `yan. Magsasayang ka lang ng pera. Ilaan mo na lang ang ipon mo para sa pag-aaral mo." muling umubo ang ginang na kahit hirap na hirap sa pagsasalita ay pinipilit pa rin nito. "P-pasensiya ka na rin nak at nagiging pabigat na ako sa`yo." Anito na sinadyang ibaling sa ibang direksyon ang paningin upang itago ang mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata.

"Nay, huwag n`yo na pong isipin ang gastos ang mahalaga po ay gumaling na kayo ng lubusan. Huwag n`yo rin isipin na nagiging pabigat kayo sa akin dahil kahit kailan ay hindi mangyayari iyon. Wala na po si tatay at ngayo`y tayo na lamang po ang magkaramay sa lahat at hindi ko po kakayanin na pati ho kayo ay mawala rin sa akin, inay." madamdaming turan ni Marco na siyang naging daan upang tuluyang maiyak ang kanyang ina.

"Salamat, anak. Kahit anong mangyari pakatandaan mo lagi na mahal na mahal kita at lagi lang akong nasa tabi mo." hilam sa luhang wika nito.

"Mahal na mahal ko rin po kayo inay." aniyang niyakap ng mahigpit ang ina.

Nagpapainit ng tubig si Marko kinabukan nang marinig ang sunod-sunod na pag-ubo ng ina. Binitiwan niya ang takuri at mabilis niya itong dinaluhan. Kagabi pa walang tigil sa pag-ubo ang ginang kahit iniinom naman nito ang mga gamot na niresita ng doctor, wala rin maaayos na tulog si Marco dahil sa pagbabantay rito. Gayon na lang ang pagkagulat ng binatilyo sa pamumutla ng ina. Wari bang hirap na hirap na rin ito sa paghinga.

"Inay ayos lang po ba kayo? Ito po ang tubig uminom po muna kayo."

"A-ayos lang ako, anak. Mawawala rin ito maya-maya. Sige na maghanda ka na at baka mahuli ka pa sa klase may exam pa kayo ngayon diba?" anitong sunod-sunod na umubo ng huli.

"Mabuti pa ho ay dalhin ko na kayo sa malapit na ospital, nay." akmang aalalayan niya itong makatayo nang pigilan ito ng ginang.

"H-huwag na anak para sa. pag-aaral ---."Hindi na nito naituloy ang nais sabihin sapagkat muli na naman itong naubo na siyang naging dahilan ng pagtakas ng ulirat nito.

"Inay? Inay... huwag n`yo po akong takutin, inay. Imulat niyo po ang inyong mga mata." nahihintakutang wika ni Marco mabilis na pinangko ang ina upang madala sa pinakamalapit na pagamutan.

TILA kakapusin ng hininga na napahilamos ng mukha gamit ang dalawang palad si Marco sa balitang yumanig sa buo niyang pagkatao. Naninikip ang pakiramdam na gustong sumabog ng dibdib niya sa katotohanang bumungad sa kanya paglabas ng manggagamot na sumuri sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na ina.

Tumingala siya sa puting kisame upang pigilin ang paglalandas ng luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Subalit labis-labis ang sakit na nararamdaman niya`t tuloy-tuloy sa paglalandas ang masasaganang luha sa kanyang pisngi.

Ayon sa doctor ay wala ng buhay ang kanyang ina nang isugod niya ito sa ospital. Nasa huling stage na rin daw ang lung cancer nito na naging dahilan ng pagpanaw ng ginang.
Wala na ang kanyang ina. Iniwan na rin siya nito. Mag-isa na lamang siya ngayon sa buhay. Mag-isang haharapin ang bawat hamon at pagsubok na darating sa buhay niya. Napuno ng iyak ng lalaki ang bawat panig ng silid na kinalalagyan ng mga labi ng kanyang ina having yakap-yakap niya ito.

"KRISTINE, wait? Mag-usap tayo, mahal ko. Huwag mo naman gawing sa akin ito, please?" nagsusumamong habol dito ni Marco nang makita ang nobya na lumabas ng gate.
Dalawang linggo na ang nakararaan buhat nang maihatid sa huling hantungan ang kanyang ina at sa loob ng mga araw na `yon ay isang beses lang nagpunta sa lamay ang kasintahan. Hindi na rin ito pumapasok sa paaralan. Nalaman na lamang niya mula kay Melay na lumipat na ito ng ibang eskuwelahan. Nagtataka man ay ayaw niyang pag-isipan ng masama ni katipan.

Ngayon niya ito higit na kailangan at kung bakit tila iniiwasan siya nito ay hindi niya lubos maunawaan ang kadahilanan.

Humarang sa daraanan na hinawakan ni Marco ang braso ng nobya na akmang papasok muli sa loob. "Mahal ko, mag-usap tayo. I`m sorry, kung may nagawa man akong mali na hindi mo nagustuhan. Pangako itutuwid ko ang anumang pagkakamaling iyon."

"Marco please, kailangan ko nang pumasok sa loob."

"Tine, mag-usap tayo. Ayosin natin ito. Please. Mahal na mahal kita at alam kung ganon ka rin para sa akin. Pakiusap sabihin mo sa akin kung bakit mo ako iniiwasan." may himig na pagsusumamo na wika ni Marco. Hinawakan sa magkabilang balikat ang kasintahan.

"Umalis ka na Marco baka abutan ka pa ng papa. " Hindi makatingin ng diretsong aniya.
Ang totoo`y higit siyang nasasaktan at nagdurusa sa nakikita niyang kirot at kinasapitan ng nobyo. Labis niya itong minamahal ngunit tatakot siyang may gawing masama rito ang kanyang papa. Sukdulang tikisin niya ito at ang pagmamahal niya rito masigurado lamang na ligtas ang lalaking nag-iisa at natatanging itinitibok ng kanyang puso.

"Hindi ako aalis hanggang hindi mo sinasabi sa akin ang totoo!"

"M-Marco."

"Mahal mo rin ako hindi ba?"

Kusang naglandas ang mga luha sa magkabilang sulok ng mga mata ni Kristine. Paano ba niya ipapaliwanag dito ang tunay niyang dahilan? Kapag ipagpapatuloy niya ang pakikipagrelasyon dito ay natitiyak niyang mawawala ang scholarship ni Marco at hindi ito makakapagpatuloy sa kolehiyo. Mahabanging langit! Hindi maaari. Paano ang mga pangarap nito? Hindi ito puwedeng mabigo. Maiging siya ang masaktan at magdusa kesa maglaho ng parang bula ang daan upang magtagumpay ito.

"Kristine, hija. Samahan mo muna akong---"naunsiyami ang nais banggitin ng ginang nang makita ang kasintahan ng anak. "At anong ginagawa mo sa labas ng pamamahay ko? Kristine pasok sa loob!" galit na hinila nito ang anak palayo kay Marco.

"Ma`am, gusto ko lamang po makausap si Kristine."

"Wala na kayong dapat pag-usapan pa! Ayoko rin makita ang pagmumukha mo kahit na kailan."

"Mahal ko po ang inyong anak, Ma`am at hindi po ako aalis hanggat hindi kami nagkakaliwanagang dalawa." may paninindigang saad ni Marco.

"Huh?! Mahal? Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagmamahal na sinasabi mo? At anong ibubuhay mo sa anak ko kung magkakatuluyan ako? Saan mo siya patitirahin? Sa barong-barong at marumi n`yong lugar? Mabibigyan mo ba siya ng magandang buhay katulad ng tinatamasa niya ngayon, ha?!"

"Ma, please tama na, pumasok na po tayo sa loob." si Kristine na tila binibiyak ang dibdib sa sakit sa pinagsasabi ng ina. Pero wala naman siyang magawa laban dito.

"Kung mahal mo ang anak ko puwes layuan mo siya`t huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo dahil kahit kailan ay hindi ka nababagay sa kanya!"

Pakiwari ni Marco ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa katotohanang iyon. Tama naman ang ina ni Kristine. Ano nga ba ang ibubuhay niya sa nobya kung magkatuluyan sila? Makakaya ba niya itong makitang nagdudurusa dahil sa pagiging anak pawis niya? Napakalaking sampal sa kanya ang kapintasang iyon sa kanyang pagkatao.

"Marahil nga ay wala po akong maipagmamalaki sa ngayon, pero ipinapangako kong balang araw ay magtatagumpay rin ako at maibibigay ko ang lahat ng mga material na bagay na nararapat para sa babaeng mahal ko. At sisiguraduhin ko na kapag dumating ang panahong iyon ay hindi na ako ang dating pulubing ipinagtutulakan ninyo palayo sa inyong anak." Matatag na wika ni Marco na siyang ikinaumid ng ginang.

Sinikap niyang na huwag maging emosyonal sa harap ng mga ito. Upang itago ang sakit na lumukob sa buo niyang pagkatao sa tinuran ng ina ng babaeng sinisinta.

Pakiwari ni Marco ay tinutusok-tusok at pinipiga at puso niya sanhi ng sakit, kirot at hinagpis nang dahil kabiguan sa pag-ibig. Dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya ang halos magkapanabay na nawala sa kanya. Pakiramdam niya`y tila siya naglalakad sa kawalan na walang hangganan dulot ng kasawiang iyon.

"SHALL I cancel your meeting with Mr. Maravilla?" anang kalihim na siyang nagpabalik sa kasalukuyang diwa ng presidente ng Bateman Empire mula sa malayong pagbabalik tanaw sa nakaraan.

"No don`t cancel anything, Katty. Thank you." nakangiting aniya.

"By the way, Ms. Kristine Aquilar is waiting for you at the lobby, shall I send her here, sir?"

Buhat doon ay napaangat ang ulo ni Marco. Bumilis ang tibok ng puso niya na tila ba sabik na sabik na muling makita ang babaeng kailanman ay hindi nawala sa puso`t isipan niya sa loob ng mahigit labing limang taon.

"Yes, please."pagkawika niyon ay mabilis na nawala sa kanyang harapan ang kalihim.
Inayos ni Marco ang sarili at pagkakaupo sa swivel chair pagdaka`y sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi. Kailangan ay presentable at hindi na siya katulad ng dati sa muling paghaharap nila ng dating kasintahan.

Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto at niluwa niyon ang magandang babae na siyang nagpatigil sa paghinga ni Marco. Nagtama ang kanilang mga mata naroroon pa rin ang kislap na hindi man lang tinupok ng mahigit dalawang dekada. Lalong tumingkad ang kagandahang taglay ng babaeng minahal niya`t naging inspirasyon niya upang lalong pagbutihin ang pag-aaral sa kabila ng napagdaan niyang hirap . Ito rin ang naging dahilan nang pagsisikap at pagpupursigi niya sa buhay upang makamit ang lahat ng karangyaang tinatamasa niya sa kasalukuyan.

Subalit magkaganon man ay hindi pa rin lubusang kompleto ang buhay niya. May kulang at kahungkagan pa rin sa puso niya at ngayo`y narito na sa kanyang harapan ang taong tuluyang magbibigay sa kanya ng walang Patid na kaligayahan.

Isa lang ang natitiyak ni Marco. Hinding-hindi niya hahayaang muling malayo sa kanya si Kristine. Pinasubay-bayan niya ang dalaga at nalaman niyang wala naman itong naging karelasyon bukod sa naging nobyo nito noong high school.

Lihim siyang na galak sa pakaisiping mahal pa rin siya ng babae. Hindi na siya makakapayag na muli itong mawala at lumayo sa kanya. Gagawin niya ang lahat maangkin lamang ito ng lubusan.

Hindi hadlang ang mahabang panahong lumipas upang hindi madugtungan naunsiyami nilang pagmamahalan.



***W A K A S***

No comments:

Post a Comment