"'NAY promise
ko sa'yo makakasuot ako ng itim na togang iyan." Nakangiting sabi ng
dalagang si Maricor sa kanyang ina habang papasok sila sa Unibersidad kung saan
siya mag-aaral.
"Promise mo
'yan ha? Wala nang bawian." Nakangiti ding sagot ng ina niya sa kanya.
Nagpatuloy sa
paglalakad ang mag-ina papunta sa Registrar's Office kung saan magsusubmit ng
Registration Form. Habang nasa pila ay hindi maiwasan ng dalaga na iikot ang
mga mata para tumingin sa paligid.
Napangiti siya nang makita niya ang mga
poster kung saan nakalagay ang mga pangalan at litrato ng mga nakapagtapos na
may parangal.
'After 4 years magkakalitrato din ako ng katulad nila at
magkakaroon din ako ng maraming parangal.' Sabi ng dalaga sa isip bago ibinalik
ang atensyon sa pila.
Nang siya na ang
magpapasa ay tinanong siya ng registrar kung anong kurso ang kukunin niya dahil
nakalimutan niya palang lagyan ng tsek ang nasa box ng napiling kurso.
"Anong kursong
gusto mong kunin.?" Tanong ng taga-registrar sa kanya.
"BSHRM po
ma'am." Magalang na sagot nito. Matapos ay sinabi na sakanya kung kailan
siya babalik upang kumuha ng examination.
Nang makauwi na
sila ay tinanong siya ng kanyang ina kung bakit BSHRM ang gusto niyang kuning
kurso at hindi Education. Ang tanging sagot ng dalaga ay ' I want to manage my
own Hotel someday' na may kasamang ngiti sa mga labi. Makikita sakanya ang
determinasyong maiahon ang pamilya sa hirap.
IT'S Sunday, at
ngayon na ang araw na kukuha siya ng examination. Bago umalis ng bahay ay
nagdasal muna siya upang humingi ng tulong sa maykapal. Umalis siya ng bahay na
may determinasyon at tiwala sa sarili na makakapasa siya sa exam.
Kumuha siya
ng exam ng walang kahirap-hirap. She has this feeling na makakapasa siya. She
need a high score para sa scholarship na inaplayan niya. Kahit kasi mataas ang
grado niya noong high school at honor student siya ay hindi pwedeng maging
kampante siya dahil kailangang hindi bumaba sa 100 ang score na makukuha niya
sa exam. Umuwi siya na maaliwalas ang mukha upang pagtakpan ang kabang
nararamdaman pagkatapos ng exam.
"Nay, nandito
na po ako." msayang sabi ng dalaga.
"Kamusta ang
exam anak?" tanong dito ng ina.
"Okay lang po.
Medyo mahirap pero kinaya din naman." determinadong sagot nito.
"Iyan ang anak
ko. Basta anak kahit anong mangyari huwag kang susuko." nakangiting payo
ng kanyang ina.
"Syempre naman
nay. Para iyon sa pangarap natin eh. Gagawin ko po ang lahat upang maabot ang
pangarap natin." nakangiting sabi nit sa ina.
"Sige na.
Magpalit ka na at marami pa tayong gagawin sa bukid." sabi ng kanyang ina.
Umakyat na siya
upang magbihis. Tumutulong siya sa nanay niya sa maliit na garden nila sa bukid
kapag walang pasok. Iyon kasi ang tanging kabuhayan na iniwan ng kanyang lolo
para sa kanyang ina. Ang lupa ding iyon ang tanging kinukunan nila ng kabuhayan
dahil sa pagsasaka lamang angkayang pagkakitaan ng kanyang mga magulang dahil
parehong hindi nakapagtapos ng kolehiyo.
Gumayak na sila
papunta sa bukid dala ang mga gagamitin nila at ang agahan at pananghalian para
sa kanyang ama na maagang gumayak upang mag-araro. Napangiti siya ang makita
ang maaliwalas na kapaligiran sa kanilang bukirin. Parang nasa paraiso ka lang
kapag nakatayo ka sa isang burol at kita mo ang berdeng paligid at ang mga
magagandang bulaklak na napalilibutan ng i ba't-ibang kulay ng paru-paru.
Masaya ang pagtulong niya sa bukid. Hanggang sa makauwi siya at makapag pahinga
ay hindi mawala sa kanyang isip ang magandang atraksiyon sa burol na iyon.
LUMIPAS ang mga
araw at ngayon na ang araw na pinakahihintay ni Maricor. Ang araw na lalabas
ang result ng kanilang entrance exam. Kinakabahang pumunta ng paaralan sina
Maricor at ang kanyang ina. Mabuti nalang at walang masyadong estudyante ang
nandito ngayon kaya hindi na nila kailangan makisik-sik pa. Agad naman niyang
nakita ang pangalan niya dahil nakahighlight ito. Siya ang nagtop sa exam.
Masaya silang umuwi dala ang magandang balita.
Nakapasok si
Maricor sa BSHRM bilang iskolar ng paaralan at ng gobyerno dahil sa pagiging
topnotcher sa entrance exam. Masaya siya dahil ito na ang daan upang makamit
niya ang pangarap.
Noong una ay hindi
naging maging madali ang buhay niya sa HRM dahil kailangan niyang pag-aralan
lahat ng tao na kabilang sa isang departamento ng hotel. Kailangan niya ring
imemorize ang lahat ng mga gamit sa hotel at kung saan ito ginagamit. Ang
kutsara na akala niya ay simple lamang ay mayroon palang iba't-ibang klase at
gamit. Sa huli ay nakapag-adjust din siya at natutunan din niya ang lahat ng
dapat matutunan.
LUMIPAS ang mga
taon at ngayon ay nasa huling taon na siya sa kolehiyo. Sa tatlong taong
lumipas ay siya ang top 1 sa buong Departamento nila. At ngayon na nasa huling
taon na siya ay ipinagpatuloy parin niya ang pagsisikap. Ngunit merong mga
problema na darating para subukin ang katatagan ng isang tao.
Dahil sa graduating
na siya ay may OJT sila sa second semester. At doon niya nakilala ang
kaisa-isang lalaking nagpatibok sa puso niya. Isa ding HRM student ang nobyo
niyang si Ojie na kasama din niya sa hotel kung saan siya nag-OJT. Dahil sa
bago palang siya sa mundo ng pag-ibig ay madali siyang matukso. Sobrang mahal
niya ang kanyang kasintahan.
ISANG araw ay
nagpasya ang dalawa na sumama sa kasamahan nila sa trabaho na magparty.
"Babe gusto mo
bang sumama sa mga kasama natin?" Tanong ng nobyo nito.
"'Wag na. Dito
nalang tayo. Baka kasi magkagulo pa doon." Pagtanggi nito.
"Minsan lang
naman eh. Sige na babe. Please." Pagmamakaawa pa ni Ojie sa kasintahan.
"Kung gusto mo
ikaw nalang ang sumama. Basta ako hindi puwede dahil may duty ako bukas ng
umaga." Pagtatapos nito sa usapan.
Wala nang nagawa pa
si Ojie kundi ang tumahimik dahil kahit ano pa ang gawin niyang pagkukumbinsi
sa nobya ay hindi nito mababago ang desisyon niya. Kilala na niya ito dahil
halos magdadalawang buwan na din niya itong nakasama.
"Hey guys!
Bakit hindi pa kayo bihis?" Kunot-noong tanong ng boardmate nilang si
Carina. Kasama din nila ito sa trabaho at kaklase din niya ito.
"Kayo nalang.
May duty kasi si Maricor bukas ng umaga." Sagot ni Ojie dito.
" 'Edi ikaw
nalang ang sumama sa amin." Pangungumbinsi pa ng babae dito.
"'Wag na.
Walang kasama ang girlfriend ko dito. Next time nalang." Pagtanggi nito.
Wala nang nagawa
ang mga kasama nila kaya't nagpaalam nalang ang mga ito at umalis na. Habang
ang magkasintahang naiwan ay tahimik lamang nagpakiramdaman. Ngunit hindi na
kinaya ni Ojie ang sobramg tahimik ng paligid kaya siya na ang unang nagsalita
upang basagin ang tensyon.
"Babe sorry
na. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mong sumama. It's just that, gusto
ko lang na kahit papaano meron ka ring social life katulad ng mga kaibigan mo
at hindi puro libro ang kaharap mo." Mahinahong sabi nito sa kasintahan.
"I know I
maybe harsh kanina. Ayaw ko lang kasing biguin ang pamilya ko. Alam mo naman na
nangako ako sa kanila na magtatapos ako na may parangal at may magandang
pangalan. Ayaw kong sirain ang tiwalang ibinigay nila sa akin. Isang buwan
nalang mula ngayo ay magtatapos na tayo. Marami pa namang oras para sa sinasabi
mong social life kapag nakapagtrabaho na tayo." Mahabang paliwanag nito sa
kasintahan.
"I know and I
understand. But promise me na magpapahinga ka din minsan sa kakabasa mo nang
mga aklat na iyan. Mahirap na at baka magkasakit ka dahil sa sobrang pagod at
kulang sa tulog." Parang tatay na sabi nito kay Maricor.
"Yes babe. I
promise. Thank you sa pag-unawa mo. I love you." Nakangiting sabi niya
dito.
"I love you
too." Masayang sagot nito.
Muling tumahimik
ang paligid at nagpatuloy na ang dalawa sa pag-aaral hanggang mapagod na sila
at nagpasyang magpahinga. Magkaharap lang ang silid ng dalawa kaya sabay na
silang pumasok pagkatapos mag paalam sa isa't-isa. Kahit na nasa isang boarding
house lang sila ay wala paring may nangyayari sa kanila. It's because they know
there limitation and they promise to themselve na hindi nila gagawin ang bagay
na iyon hangga't hindi pa sila handa.
NORMAL Days had
passed. Two weeks nalang at matatapos na ang On the Job Training nila. Malapit
na din ang graduation nila. It means na malapit na ding maghiwalay ng landas
sina Maricor at Ojie. Pero bago pa mangyari iyon ay isang pangyayari ang
maagang nagpahiwalay sa kanila.
Isang gabi habang
nag-aayos ng mga gamit si Maricor para sa malapit na pag-aalis sa boarding
house ay pumasok sa kanyang kuwarto si Ojie. Hindi niya alam kung bakit siya
kinakabahan dahil sa pagpasok ng kasintahan. Hindi ito ang unang pagkakataon na
pumasok ito sa silid niya. Maging siya ay nakapasok na din sa silid nito.
Ngunit iba ngayon dahil wala silang ibang kasama sa bahay dahil may pinuntahang
party ang mga kasama nila. She feel strange about this night pero hindi na
lamang niya ito ipinahalata sa kasintahan bagkus ay ipinagpatuloy na lamang
niya ang kanyang ginagawa.
"Babe."
Tawag sa kanya ng nobyo.
"Bakit?"
Tanong nito ngunit tuloy parin sa ginagawa niya.
"Are you okay?
You looked pale." Puna nito.
"Pagod lang
siguro ako babe. Alam mo naman na malapit ng matapos ang OJT natin and we need
to prepare ourselves. Medyo kinakabahan lang ako at netetense." Sagot nito
sa nobyo.
"Hahaha. Ang
matalinong si Maricor biglang kinabahan? May sakit ka ba babe? Ngayon ko lang
yata na nalaman na kinakabahan ka." Natatawang sabi nito.
"Bakit? Hindi
na ba ako puwedeng kabahan?" Taas-kilay nitong sabi.
"Puwede din
naman. Nakakapanibago lang." Nakangiti pa rin nitong sabi.
"Okay."
tanging sagot nito.
Muli na namang
natahimik ang dalawa. Hindi alam ni Ojie kung paano niya uumpisahan ang
sasabihin sa kasintahan. Hindi niya alam kung paano niya ito iapproach na hindi
ito mao-offfend. Naglakas loob na siyang magsalita nang may biglang sumara ng
malakas ang pinto ng kanina'y bukas na kuwarto.
Bigla naman napayakap sa kanya
si Maricor dahil sa sobrang pagkabigla ay natumba silang dalawa sa kama. Hindi
alam ni Ojie kung anu ang gagawin niya. The beautiful scene under is tempting
him. Maricor wearing a sleeveless blouse and a short is giving him a hard on.
Gusto niyang pigilan ang sarili but he can't. Unti-unti niyang ibinaba ang
mukha upang halikan ang dalaga. Hindi naman ito umiwas kaya itinuloy na niya.
Hanggang sa nangyari ang hindi dapat.
Nang mahimas-masan
si Maricor sa nangyari ay bigla nalang siyang tumalon mula sa kama at isinuot
ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig. Matapos na makapagbihis ay agad
siyang tumakbo papasok sa banyo at doon ibinuhos ang lahat. Umiyak siya
hanggang sa napag-isip niyag nagyari na iyon at hindi na maibabalik pa. Lumabas
siya sa banyo at nagkulong sa kanyang kuwarto.
MULA nang mangyari
iyon ay hindi na muli pang nagpakita si Maricor kay Ojie. Pilit niyang iniwasan
ang lalaki hanggang sa matapos ang kanilang OJT. Pilit niyang kinalimutan ang
mga nangyari nang gabing iyon. Ibinalik niya ang dating buhay nang makauwi na
siya sa bahay nila. Palagi siyang nakakulong sa kuwarto mula nang makauwi siya.
Nagtaka man ang kanyang mga magulang ay hinayaan na lamang nila ito. Alam ng
kanyang ina na may nobyo ang kanilang anak dahil minsan na niya itong
naipakilala sa mga magulang.
Isang umaga ay
naabutan ni Aling Maria ang anak na malalim ang iniisip. Three weeks na mula ng
umuwi ito mula sa Hotel na piangtrabahuhan nito bilang OJT. Lumalabas lang ito
kapag papasok ng University para sa Graduation Parctice nila. Ngayon lang ulit
ito nakita ng matanda na maagang nagising at may malalim na iniisip. The first
time na nakita niya itong nasa ganitong sitwasyon ay noong nawala ang perang
pangenrol nto dahil sa dinukot ng magnanakaw. Kaya alam niyang meron itong
malaking problema na hindi nito sinasabi sa kanila. Naglakas-loob na ang
matanda na lapitan ang anak upang kamustahin.
"Anak Okay ka
lang ba?" nag-aalalang tanong dito ng kanyang ina.
"Oo naman nay.
Nag-iisip lang ako kung ano ang magiging speech ko bilang Suma Cumlaude ng
Batch namin." pilit na ngiting sagot nito.
"Alam kong
hindi iyon ang dahilan kung bakit ang layo ng tingin mo." deretsang sabi
ng kanyang ina.
"Nay naman.
Kilala niyo naman ako kapag may iniisip." sagot nito.
"Kilala nga
kita. Kaya sabihin mo na sa akin kung anong problema mo bago ko pa malaman sa iba."
seryoso na ang mukhang sabi ni Aling Maria sa anak.
"Namimiss ko
lang po si Ojie. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin."
malungkot na sabi nito.
"Nag-away ba
kayo anak?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina.
"Wala po.
Nagkatampuhan lang." pagsisinungaling nito. Hindi naman nahalata ng
kanyang ina iyon kaya nanahimik nalang siya.
"Ah. Dapat
pag-usapan niyo 'yan." payo nito.
"Opo nay.
Kakausapin ko po siya." sagot nito.
Nang maka-alis na
ang ina ay agad kinuha nito ang kanyang telepono at dinayal ang numero ng
kasintahan.Sinagot naman nito kaagad ang tawag niya.
"Hello?"
sabi nito.
"Naistorbo ba
kita?" tanong ng dalaga sa dating kasintahan.
"Hindi naman.
Ang tagal ko nang hinihintay ang tawag mo. Hindi mo kasi sinasagot ang mga text
at tawag ko. Kamusta ka na?" mahabang litanya ng lalaki mula sa kabilang
linya.
"Okay lang
naman. Puwede ka bang makipagkita sa akin sa susunod na araw pagkatapos ng
graduation ko?" kinakabahang tanong nito.
"Sige.
Saan?" tanong nito.
"Sa labas ng
University namin." tanging sagot nito.
"Sige.
Darating ako. I miss you babe." sabi ni Ojie
.
"Sige.
Bye." tanging sagot nito bago ibaba ang tawag.
Kinakabahan siya sa
kung anong magiging reaksiyon nito tungkol sa kalagayan niya ngayon. Hindi pa
alam ng kanyang mga magulang ang tungkol sa kondisyon niya. Nais niya sanang
sabihin sa mga ito ang kalagayan pagkatapos niyang kausapin si Ojie. Alam
niyang magagalit ang kanyang mga magulang dahil dito. Pero wala siyang magagawa
dahil ang isang beses na pagkakamaling nagawa nila ay nagbunga.
NAGTAPOS bilang
Suma Cumlaude si Maricor at maraming karangalan ang natanggap niya ngunit hindi
siya lubusang naging masaya dahil alam niyang ang diploma at karangalan ngayon
na pinanghahawakan niya ay unti-unting lalaho kapag nalaman ng mga tao ang
tungkol sa kalagayan niya.
Alam niyang magiging isang kahihiyan ito sa kanyang
pamilya. Pero kahit ano pa ang sasabihin nila ay bubuhayin niya ang magiging
anak nila ni Ojie. Ang isa pang diploma na natanggap niya sa kanyang pagtatapos
sa kolehiyo.
Pagkalabas niya ng
paaralan ay nandoon na at naghihintay si Ojie sa kanya. Pinauna na niya ang
kanyang mga magulang upang makapag-usap silang dalawa. Hinintay muna niyang
wala nang tao sa paligid bago nagsalita.
"Mayroon kang
dapat malaman." pag-uumpisa nito.
"Ano iyon?
Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita ang seryoso mo na. Ngumiti ka naman
diyan." sabi nito para pagaanin ang tensyon sa pagitan namin.
"I'm two
months pregnant." sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang namutla na parang
binuhusan ng Iang baldeng tubig na may maraming yelo.Ang kaninang masayang
mukha niya ay napalitan ng seryoso at walang emosyon.
"Bakit hindi
mo sinabi kaagad sa akin?" seryosong tanong nito.
"Noong isang
araw ko lang nalaman ang tungkol dito." seryoso ring sagot ko sa kanya.
"So ano nang
plano mo?" tanong ulit nito na para bang ako lang ang gumawa ng batang
nasa sinapupunan ko.
"Bubuhayin.
Ikaw anong plano mo?" balik tanong ko sa kanya.
"Hindi ko
alam. Ang alam ko lang kailangan kong panagutan iyan dahil anak ko din iyan."
sagot nito. Napasabunot nalang ito sa kanyang ulo dahil sa hindi alam kung
anong gagawin namin pareho.
"Sasabihin ko
na sa mga magulang ko ang tungkol dito mamaya pag-uwi ko." pagbigay alam
ko sa kanya.
"Sasama
ako." determinadong sagot niya.
Gumayak na din kami
at sumakay sa sasakyan pauwi sa bahay.
Isang masayang selebrasyon ang naabutan
namin. At ang masayang selebrasyong iyon para sa akin ay masisira lang kapag
ipinagtapat na namin sa kanila ang totoo.Pagpasok namin ay maraming bumati sa
akin ngunit nginitian ko nalang sila at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng
bahay.
Naabutan nanimg nag-uusap sina Nanay at Tatay. Hahayaan nalang namin
sana sila nang tawagin kami ni nanay. Hawak kamay kaming humarap sa kanila.
Kita ko ang labis na pangamba sa mukha ni Ojie ngunit hindi ko nalang pinuna
dahil kahit ako ay kinakabahan din.
"May sasabihin
ba kayong dalawa sa amin?" mahuinahong sabi ni Nanay.
"Opo. Mayroon
po kaming malaking kasalanang nagawa. At ngayon palang ay humihingi na ako ng
despensa." seryosong sabi ni Ojie sa kanila habang ako ay tahimik lamang
na nakikinig sa tabi niya.
"Ano iyon
Maricor?" seryosong tanong ni Tatay. Alam kong kapag seryoso si Tatay ay
dapat ko ang sabihin ang totoo.
"Buntis po ako
Tay, Nay. Sorry po." umiiyak na sabi ko sa kanila. Hindi ko makita ang
reaksyon nila dahill sa nakayuko ako. Nakita ko ayon sa kilos nila na pinigilan
ni Nanay si Tatay na saktan ako.
"Ilang buwan
na?" si Nanay naman ang nagtanong. Feeling ko nasa imbestigador kami at
may malaking kasalanan sa batas.
"Dalawang
buwan na po." nakayuko ko pa ting sagot.
"At kailan mo
pa nalaman? Bakit hindi mo manlang sinabi sa amin. Alam mo ba na araw-araw
hindi kami makatulog dahil sa sobrang pag-alala sa'yo dahil ang putla mo. Alam
mo ba kung anong gulo itong pinasukan ninyo?" mahabang litanya ni nanay.
"Noong
nakaraang araw ko pa po nalaman. Sorry po nay." sagot ko.
"May magagawa
pa ba kami? Kahit gusto namin kayong patayin ngayon ay wala pa ring silbi dahil
hindi pa rin nito mababago ang kalagayan mo. Anong plano ninyong dalawa?"
tanong ni nanay habang nakatingin kay Ojie na tahimik lamang na nakikinig sa
amin.
"I will marry
her. But I wat to tell it first to my parents." seryosong sagot nito.
"Sige. Pero
dito muna titira ang anak namin hanggang sa hindi pa kayo ikinakasal.
Maliwanag?" seryosong sabi ni Tatay na nahimasmasan na dahil sa nangyari.
Marami pa kaming
napag-usapan. Pagkatapos niyon ay pinagpahinga na muna nila ako at pinauwi na
si Ojie upang sabihin sa mga magulang nito ang tungkol sa kondisyon ko.
Kahit na ganito na
ang nagyari sa akin ay hindi ko parin pinagsisihan. I know na kahit hindi ko
man nabuo ang pangarap ko ay nagkaroon naman ako ng dahilan upang ipagpatuloy
ito at kasama sa pagbuo ng pangarap ko para sa pamilya ko ay ang ba go kong
pamilya.
Kung meron man
akong natutunan sa buhay ko sa kolehiyo sa apat na taon, iyon ay ang huwag
tumuigil sa pagkamit sa pangarap. Kahit madapa ka bumangon ka at lumaban. Huwag
magpatalo sa mga problemang ibinabato ng mundo sa iyo.
***WAKAS***
No comments:
Post a Comment