PAKIRAMDAM ni Nancy ng mga sandaling iyun ay
mawawalan na siya ng buhay, pagkatapos niyang marinig ang balitang dala ni Aling Miling.
“Sigurado po ba kayo sa sinasabi niyo?”
Kahit paulit-ulit niyang tanungin ang bagay na ito basta matiyak niya ang
katotohanan.
“Tama ang aking binanggit, Nancy. Bakit ba
tila nawalan ka ng kulay ng marinig mo ang sinabi ko na darating dito si sir
Andrei?”
“W-Wala naman po, Aling Miling. Gusto ko
lamang makatiyak.” Pagdadahilan ng dalaga.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagdidilig
ng halaman sa mansiyon ng mga Villafuerte. Nais niyang matupad ang kanyang
pangarap na makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Kaya nga kahit na nahihirapan
siyang hatiin ang kanyang oras, pursigido pa rin siyang magpatuloy na matapos
ang kanyang nasimulang pangarap.
Pinaghuhugutan niya ng lakas ang
nakamulatan niyang payak na pamumuhay. Awang-awa siya sa kanyang ina, ang
tanging nagtataguyod ng kanilang kabuhayan.
Dalawa silang magkapatid, maaga silang naulila sa ama. At ngayong nasa
ikatlong antas na siya ng kolehiyo, ibayong pagsasakripisyo ang pinakahigit niyang kalasag.
“Anak, napakalalim yata ng iyong iniisip.”
Pansin ng inang si Nelia.
“Darating daw po si sir Andrei mamayang gabi, inay.”
“Darating lang pala, anak? Bakit tila
giyera ang susuungin mo? Napakadilim ng iyong aura.” Pansin ni Nelia kay Nancy.
“Sigurado po kasing kasama niya si Missy,
inay.” Sumimangot ang dalaga.
“Anong masama doon, anak? Hindi ba at
kasintahan niya si Andrei?”
Napasapo ng noo ang dalaga. “Iyun na nga
po, inay. Kasi, last summer ay kasama niya ulit ang babaeng iyun. Because of
that, nawalan ako ng summer job dahil sa
kanya. Ayaw kasi ni sir Andrei na may mga ibang tao sa kanilang bahay habang
nagbabakasyon silang magkasintahan. Kailangan na kailangan ko po ngayon ng
trabaho tuwing weekends, inay. Kahit papaano, may maiipon po ako para sa mga
projects ko.”
Umupo si Nelia sa kanyang tabi. Hinawakan
nito ang palad ng anak. “Nancy, pasensiya ka na. Sa edad mong iyan, dapat
pinagtutuunan mo ng pansin ang iyong pag-aaral. Kung hindi lamang maagang
pumunaw ang iyong ama, marahil, hindi ka naghihirap ng ganito.” Nangilid ang
mga luha ni Nelia sa kanyang sinabi.
“Inay, naman! Huwag na po kayong umiyak,
naiintindihan ko po ang sitwasyon. At kung buhay man si itay, tutulong pa rin
ako sa paghahanap-buhay dahil mayroon po akong pangarap na gustong makamit.”
“Napakabuti mong anak, Nancy. At ipinagmamalaki
kong naging anak kita.”
Niyakap niya ang ina. Balang-araw,
makakaraos din sila.
“NANCY!” Sumalubong ang boses ng kanyang
bestfriend.
“Hilda, para ka namang nasunugan sa lakas
ng boses mo. Ano bang sasabihin mo?”
“Tinatanong ka na naman ni madam Solem.
Siguradong maniningil na naman iyun. Patapos na ang semester, pero hindi ka pa
nakakapagbayad.”
“Ibibigay ko this week ang bayad ko,
Hilda.” Kampanteng sagot ni Nancy.
Kung mga ganitong usapin ay sanay na sanay
na siya. Mula freshies hanggang ngayong nasa junior college na, paulit-ulit na
ang ganitong scenario. Manhid na rin ang kanyang mga tainga na makinig sa
napakahabang sermon ng kanilang school treasurer. Bagamat late na,
nakakapagbayad pa rin naman siya sa mga miscellaneous ng school.
“Kung may pera lang sana ako, Nancy. Kaya
lang, alam mo naman na kapos din ako.”
“Huwag mo ng isipin, Hilda. At isa pa, may
pagkukuhanan na ako.” Ngumiti siya sa kaibigan at sabay na silang pumasok sa
kanilang classroom.
Pareho silang Business Manangement student
at nakatira pa sa parehong baryo kaya naman para na silang magkapatid kung
magturingan.
“Ipanapaalala ko lang na ang mga hindi pa
nakabayad sa semester na ito ay hindi papayagan sa pag-take ng exam!” Bagamat
maikli ay madiin ang mga salitang iyun ni madam Solemn na sinadya pa talagang
puntahan ang bawat department para ipaapalala ang pinansiyal na obligasyon ng
bawat mag-aaral.
“Opo!” Tila nasa speech choir competition
ang mga estudyante.
“Please, do! Lalo ka na, Miss Santiago!”
Napaangat ang ulo ni Nancy. “O-Opo, madam.
Huwag po kayong mag-aalala, sapagkat sa linggong ito ko po babayaran.”
“Sana nga, Miss Santiago. Masyado ka ng
binibigyan ng special treatment ng school na ito. This is a school at hindi
charity organization na kapag wala kang pambayad, puro awa ang papairalin
namin.” Nakasimangot na pagtatapos ng ginang at seryosong nilisan ang paaralan
nina Nancy.
“Oo nga naman, Nancy! Hindi palaging next
time o next week ang mga inaaral mo, and it is so unfair na kung magbayad ay
palaging late.” Sa paglabas ni madam Solem, umarangkada naman ang bunganga ni
Karla, ang classmate niyang gusto yatang maging best-supporting-evil assistant
ni Medusa.
Noon pa man, si Karla ang palaging ‘second
the motion’ tuwing napapahiya siya sa school o kaya kung natatawag ang kanyang
pansin.
“Shut up, Karla!”
At katulad ng parating nangyayari, si Hilda
na naman ang pumuna sa kadaldalan ni Karla. Batid kasi ng kaibigan na tatahimik
na lamang si Nancy at magkukunwaring hindi narinig ang kanyang mga sinabi. Deep
inside, nasasaktan si Nancy sa mga negatibong naririnig niya sa mga nakapaligid
sa kanya. Kung papatulan man niya ang mga ito, alam niyang magiging talo lamang siya.
“Hilda, huwag mo na lang pansinin.” Bulong
ni Nancy sa kanyang kaibigan.
“Papatulan ko talaga ang babaeng ito,
Nancy! Akala mo kung sinong magaling, samantalang kung mangopya ng quizzes ay
talamak!”
Hinila na niya ang kaibigan palabas. Kung
magkakainitan ang dalawang dalaga, siguradong sila ang masisisi ni Hilda.
Dinala niya ang kaibigan sa canteen at binilhan ito ng malamig na sparkle.
“Hindi mo sana ako inawat, Nancy. “
Pagmamaktol ng kaibigan.
“Kung hindi kita aawatin, baka
magkasabunutan pa kayong dalawa.”
“Tama ka! Pero, hindi lang sabunot ang
matitikman sa akin ng babaeng iyun kung nagkataon, masasapak ko ang pagmumukha
niyang puno ng make-up!” Sabay lagok sa hawak na softdrink.
“Huwag mo ng pansinin, Hilda. Totoo naman
ang kanyang sinabi, at tanggap ko ang bagay na iyun.”
“Tama na ang minsang sinabi sa iyo ng
kinauukulan, Nancy. Kung may respeto ang babaeng iyun, sana tumahimik na lamang
siya.” Depensa nito.
Hindi na umimik si Nancy. Kiming ngumiti na
lamang ito. Magkaibang-magkaiba talaga sila ng ugali ni Hilda. Mas pipiliin
niyang manahimik, kaysa makipagtalakan sa kaaway. Taliwas ito kay Hilda, kahit
maubos ang kanyang boses basta maipaglaban lamang niya ang kanyang prinsipyo at
karapatan.
“NANCY! Nancy!” Tinig ni Miling ang kanyang
nauulinigan habang nagbibihis si Nancy. Kagagaling lamang niya ng paaralan.
Nagmamadali siyang nagpalit at lumabas.
“Bakit po, aling Miling?” Magalang niyang
tanong.
“Pinapatawag ka ni sir Andrei, Nancy.”
Bagamat may pagtataka sa kanyang
pagmumukha, nakaramdam naman siya ng kakaibang kaba. Nabuo sa kanyang isipan
ang malaking question mark kung bakit siya pinapatawag ng binata. Malayo na ang
narating ni Andrei Villafuerte. Tatlong taon bago siya nagtapos ng kolehiyo ay
itinalaga na siya ng kanyang mga magulang na siyang mamahala sa kanilang
negosyo sa Maynila. Isa itong real
estate, dahil mabilis ang paglago ng kanilang negosyo, madalang na kung umuwi
ng probinsiya ang mag-anak. Tanging si aling Miling na lamang at ang asawa nito
ang naiiwan at nakatalaga na mag-alaga sa bahay. At napakalaki ng pasasalamat
ng dalaga, dahil tuwing summer at weekends ay tutulong siya sa malaking bahay,
para may panustos siya sa kanyang pag-aaral. Hindi sapat ang kinikita ng ina
bilang mananahi sa bayan, at malaking ginhawa sa gastos ng nag-umpisa siyang
mag-paid labor sa mga ito.
“Ano po kaya ang sasabihin ni sir Andrei?”
Pagtataka niyang tanong sa matanda.
“Hindi ko alam, ineng. Ang mainam pa ay
sumama ka na sa akin para malaman mo kung anong nais ipabatid.”
“Sige po, aling Miling. Magpapaalam lamang
po ako kay bunso. Wala pa po kasi si inay at baka mag-aalala sa akin kung hindi
ako madatnan ng bahay.”
“Sige, Nancy. Hihintayin na kita sa
tarangkahan.”
Tumango siya sa matanda. “Sige po.”
Hindi pa man niya nakakaharap ang binata,
niyayakap na siya ng kaba. Ayaw niyang isipin na ipinapatawag siya para
sabihing hindi na niya kailangan sa mansiyon para magtrabaho para hindi sila
maistorbo ng kanyang kasintahan. May balak pa naman siyang mag-cash advance
para makapagbayad na siya sa balance na kailangan niyang i-settle para makakuha
siya ng permit na mag-take ng exam para sa kanilang finals this last semester.
“Nasa bibliyotika si sir Andrei, puntahan
mo at magdala ka ng green tea para sa
kanya.”
“Samahan niyo na po ako,aling Miling.”
Panunuyo niya sa matanda.
“Hindi puwede, Nancy. Alam mo naman na
masyadong maselan ang batang iyun kung privacy ang pinag-uusapan. Madali ka na,
ang green tea niya ay dapat mainit na mainit at sa favourite niyang tea cup mo
ilagay.” Mahigpit na bilin ng ginang.
“O-Opo.” Atubiling sagot nito.
Huminga
muna siya ng malalim bago kumatok.
“Please, come in.”
Napapikit saglit ang dalaga ng marinig ang baritonong tinig ni
Andrei. Marahan niyang binuksan ang
glass door. As usual, may hawak na namang libro ang binata. Nagbabasa na naman
ito habang walang ginagawa.
“M-Magandang hapon po, sir.”
Inilapag ni Andrei ang hawak at tinanggal
nito ang reading glass. Lalong lumitaw ang taglay nitong kaguwapuhan.
“Yes?” Ni hindi man lang ito tumingin sa
kanya. Iginawi nito ang paningin sa labas.
“P-Pinapatawag niyo daw po ako?”
“I want it.”
“Po? A-Ano pong gusto ninyo sa akin?”
“Wala akong gusto sa iyo. I want that green
tea. Ayaw mo bang ilapag sa table?” Supladong tanong ng binata.
“S-Sorry po, sir. Ito na po.”
“Nancy, right?” Hindi pa rin tumitingin ang
binata sa kanyang gawi.
“O-Opo.”
Sa unang pagkakataon ay tumingin si Andrei
sa kanya. “I’m not a language pathologist, yet, napapansin ko lang na tuwing
nagsasalita ka ay palagi kang nauutal.”Tahasang pansin ng binata sa kanya.
Namula ang dalaga sa kanyang narinig.
Napansin pala ito ni Andrei at hindi siya agad nakasagot. Ganoon na ba
ka-sensitive si Andrei at ultimo maliliit na bagay sa paligid ay napapansin
niya yata?
“Hindi ka na sumagot, Nancy. Did I say
something hurtful?”
“Wala po, sir. Ano po ang maipaglilingkod
ko sa inyo?”
“Good speech. At least, diretso na kung
magsalita.” Muling banat ni Andrei.
Hindi sumagot ang dalaga. Nanatili siyang
nakatayo at naghihintay ng susunod na sasabihin ni Andrei sa kanya.
Nahalata marahil ni Andrei na naputulan na
siyang sasabihin, kaya tumayo ito at hinarap si Nancy.
“I was informed na dito ka pa rin
nagtatrabaho kapag walang pasok.” Panimula niya.
“Naku, sir! Kung ano pong binabalak ninyong
gawin sa akin ay huwag niyo naman pong ituloy. Maawa po kayo sa akin, sir
Andrei. Mahirap lamang kami at baka po hindi ko na matupad ang mga pangarap ka
sa binabalak ninyong gawin.”
Napataas ang kilay ni Andrei at hinawakan
niya ang mga braso ng dalaga para mapigil niya ang ginagawa ni Nancy sa kanyang
damit.
“What are you doing? Nalulukot na ang damit
ko dahil sa iyo!”
Tila sumali si Nancy sa ice bucket
challenge at bumalik ang kanyang katinuan ng mapansin niyang mahigpit niyang
hinahawakan ang pang-itass na suot ni Andrei.
“Pasensiya na kayo, sir.” Nabigla niyang sambit.
“Ano bang nangyayari sa iyo, Nancy! Ano
bang pinagsasabi mong hindi ko itutuloy na balak? For your information, wala
akong binabalak sa iyo, okay?”
“Okay po, pasensiya naulit, sir.
Kinakabahan lamang po ako sa susunod kong marinig sa iyo.”
“Why? What do you think I will suppose to
say?”
“Baka po kasi pagbawalan niyo ulit akong
magtrabaho habang nandito po kayo ni maam Missy.” Prangka niyang tugon.
“Wala na kami ni Missy.”
“Talaga po?” Nakangiting sambit ni Nancy sa
kaharap.
“Halatang masaya ka sa sinabi ko. Why,
Nancy?”
“Nagbabakasakali po kasing magpapatuloy pa
rin ako sa pagtatrabaho sa mansiyon , dahil hindi ninyo kasama ang maarte ninyong girlfriend.”
“Ex-girlfriend.” Pagtatama ni Andrei.
“Ex-girlfriend.” Ulit ni Nancy.
“You are right. Hindi kita pipigilan na
magtrabaho dito, as long as hindi nakakasira sa pag-aaral mo.”
“Talaga po? Salamat po,sir!” Masayang
pasasalamat ng dalaga. Naibsan ang takot na kanyang unang naramdaman bago
hinarap ang binata.
“Anong course mo?”
“Business management, sir.”
“Your mother’s choice?”
“Hindi po, sir. Ako po talaga ang may gusto
ng kursong kinuha ko.” Sagot ni Nancy.
“Mabuti at hindi kontra ang nanay mo sa
napili mo?” Muling usisa sa kanya.
Umiling-iling ang dalaga. “May freedom po
ako, sir Andrei. Hindi ako pinapakialaman ng aking ina kung anuman po ang gusto
kong kurso. Ako kasi ang nag-aaral, kaya dapat ako ang masusunod lalo pa ang
pangarap ko ang nakataya dito.”
“You talk too much. Go home.”
Natutop ng dalaga ang kanyang bibig.
Aarangkada pa sana siya sa pagpapaliwanag, ngunit pinutol na ito ng kausap.
Napansin niya kasing biglang nag-iba ang mood ni Andrei. Naiingayan na
siya marahil, kaya siya pinapaalis na.
“Bye, sir!”
“Close the door when you leave.” Utos ni
Andrei.
Ngumiting tumango ang dalaga at maingat nitong
isinara ang pinto.
MULING kinuha ni Andrei ang inilapag na
aklat at muling binasa ang nilalaman ng aklat. Tumunog ang knayang cellphone.
“Hi, mom!” Walang ganang sagot ng binata.
“How are you, son? Remember, you will be
the next cover in a prestige business magazine.”
“I know, mom. Bye.”
Agad ng pinutol ng binata ang usapan. Alam
niya ang ibig ipakahulugan ng ina sa pagpapaalala sa kanyang gagawing
photoshoot next month. Ngunit, hindi lamang ang pagpapanatili ng maganda
built-in ng kanyang pangangatawan ang ipinapaalala ng ina. Hindi lamang niya
tahasang sinabi na kailangang maging careful siya sa bawat kilos niya habang
nasa bakasyon para hindi naman masira ang kanyang reputasyon at higit sa lahat
ang kanilang kredibilidad.
Minasahe niya ang kanyang sentido, kahit
maganda ang panahon ay tila sumakit ang kanyang ulo ng maisipang mga paalala ng
ina. He is so tired of being manipulated by their family’s credibility. He
wants to be free. He can’t help himself not to envy Nancy. Kailangan pa niyang
awatin ang dalaga kanina, para kasing nasasagi ang kanyang ego tuwing naririnig
niya ang salitang freedom. He don’t have that word and he hate to hear it. If
only, he can choose and practice his free will, everything must be worth-living
for.
NAGMANO si Nancy ng makasalubong niya ang
ina na nasa tarangkahan. Halatang hinihintay nito.
“Si Buboy, inay?” Usisa niya sa ina.
“Nasa kwarto na ang kapatid mo, maagang
kumain at matutulog. Kailangan daw niyang maging maaga bukas.”
Biglang naalala ni Nancy ang lakad ng
kapatid. “ May poster-making pala siya bukas, inay. Wala pa pala siyang
allowance.”
“Anak, hindi na. Itago mo na lamang ang
pera mong iyan, alam kong kakailanganin mo. Isa pa, binigyan ko na siya ng
pera, kaya wala ka ng dapat pang
ipag-alala.”
“May sobra pa naman ito, inay.”
“Itago mo na lamang iyan, Nancy. Kahit may
sobra ka pang pera, anak,alam kong balang araw ay kakailanganin mo iyan.
Graduating ka na sa susunod na pasukan, mas marami kang kakailanganin.”
“Oo nga po, inay. At nagpapasalamat ako sa
Diyos, dahil sa loob ng limang linggo na mananatili si sir Andrei dito,
papayagan pa rin niya akong magtrabaho.” Masaya niyang pagbabalita sa ina.
Lumarawan din ang kagalakan sa mukha ng
kanyang ina. “Mabuti kung ganoon, anak. Nagbago yata ang ihip ng hangin. Hindi
naman bago sa atin na kapag nandito ang anak ng mga Villafuerte, ayaw niyang
may ibang taong gumagawa ng kanilang tahanan, bukod sa mag-asawang sina manang
Miling at manong Kardo.”
Maaliwalas ang mukha ni Nancy na sumagot.
“Kasi po, inay, wala na sila ni Missy. Iyung kasintahan ni sir Andrei na maarte?
Sa palagay ko nga po, ang babaeng iyun ang nag-uudyok kay sir para hindi ako
noon makapaglinis sa kanila. Parang gusto niya nasosolo lang si sir Andrei.”
Sumimangot ang dalaga.
Napadilat ang kanyang ina. “Oh, Nancy. Tama
na, anak. Hindi pa rin magandang tingnan na kinukutya mo ang dating karelasyon
ni Andrei. Alalahanin mong pamilya nila ang malaking tulong para sa pag-aaral
mo.”
Muling ngumiti ang dalaga at seryosong humingi
ng paumanhin sa ginang. “Pasensiya na po, inay. Natutuwa lamang po ako sa
magandang balita.”
“Anong magandang balita, Nancy? Ang
pagpayag ni Andrei na ipagpatuloy mo ang iyong paglilingkod sa kanila o ang
pagiging single ulit ni Andrei?” May halong panunukso sa ngiti ng kanyang ina.
Pinamulahanan ang dalaga. “Ang inay talaga! Kung ano po ang
iniisip ninyo, nakakahiya naman.”
“Anak kita, Nancy. Alam kong hanggang
ngayon crush mo si Andrei.” Pambubuko ng ina sa kanya.
“Noon po iyun, inay. Bata pa lamang po ako
noon. Ngayon, edukasyon po ang mahalaga sa akin. Ang pagbutihin ko ang aking
pag-aaral at magkaroon ako ng mga kapaki-pakinabang na karanasan bilang
mag-aaral.”
“Hindi naman kita pinagbabawalan na
makipagrelasyon, basta alam mo kung paano gawing inspirasyon ang pag-ibig.”
Ngumiti ang ina.
Seryosong sumagot si Nancy. “Saka na po ang
lovelife, inay. Isa pa, sapat na kayo ni Buboy na maging inspirasyon ko. Balang
araw, magkakaroon po kayo ng anak na nasa opisina at nagtatrabaho sa kilalang
business establishment, inay.”
“Napakabuti mong anak, Nancy. Tama ang
iniisip mo, anak. Napakahalaga ang edukasyon, tanging ito lamang ang pag-aari
na walang makakahiram o makakaagaw. Hindi ito parang damit na hubarin at
ipamigay o ipahiram sa iba.” Saludo ng ginang sa kanyang dalaga.
“At alam ko pong ang simpleng pamumuhay na
mayroon tayo, inay, ang magbibigay-daan para magkaroon ako ng de-kalidad na
edukasyon. Nararapat lamang na pandayin ko ang magagandang asal at pagbutihin
ko ang iyong mga pangaral upang magtagumpay din ako, inay. Almost, I’m quite
there.”
“Absolutely, anak.” Sagot ng kanyang ina na
nagdulot sa dalawa upang pagsaluhan ang malulutong na tawa.
“Natututo ka na ng banyagang salita, inay.”
“Napulot kolamang sa inyo ni Hilda kapag
nag-uusap kayo ng ibang lengguwahe para mahasa ang mga dila ninyo.” Natatawang
sambit ng ginang.
“Halina kayo, inay. Pumasok na tayo at
maghapunan na rin. Kailangan ko rin po kasing mag-review.” Yakag niya sa ina.
“I nominate Nancy Santiago for Supreme
Student Council president!” Malakas na sambit ni Hilda.
“No, maam! Hindi po ako capable.” Tanggi ni
Nancy.
“Why? You are smart, Nancy. At isa pa, you
can be a role model because of your good conduct.” Sambit ng kanilang student
council adviser.
“Ayaw ko, sir.”
“Well, let’s the class decide, Miss
Santiago.”
At dahil halos lahat ay sumang-ayon na siya
ang president candidate ng isang partido ay wala pa ring nagawa si Nancy. Hindi
sa natatakot siya sa ano mang laban, ngunit, nahihiya siyang mapapabayaan niya
ang resposibilidad kung sakaling siya ang mananalo.
“Sir, ako naman ang president candidate ng
kalaban na student administration!”
Kapwa napatingin sina Hilda at Nancy sa
sinabing iyun ni Karla. Pilyang tumingin ang dalaga sa kanilang dalawa.
“Alam mo, insecure talaga si Karla sa iyo,
Nancy.”
“Ikaw naman, Hilda. Bakit naman pinasubo mo
ako? Alam mong I can’t do the responsibilities.” Paniningil niya sa kaibigan.
“Kaya mo, Nancy. You can! I like your
leadership, at gusto kong makinabang ang bawat estudyante, lalo na ang mga
freshmen.”
She hesitates. “Ewan ko, Hilda.”
“Have some self-confident. Napakatalino mo,
Nancy. And I think, kung mananalo ka, mahahasa ang pagiging creative and
resourceful mo. In that case, kapag makatapos na tayo at maghahanap ng trabaho,
may background ka na kung paano i-handle ang mga tauhan mo.”
“Tauhan?” Tumawa si Nancy. “Hindi CEO ang
magiging trabaho ko kung magtapos tayo, Hilda. Maging personal secretary lamang
o kaya naman field supervisor ay malaking bagay na sa akin ito. But, of course,
alam kong marami pa akong dapata pagdaanan para makahanap ng magandang
trabaho.” Pagpapaliwanang ni Nancy.
“At bago nating pag-usapan ang trabaho,
asikasuhin na muna natin ang ating report para makapasa tayo. Basta, lalaban ka
kay Karla. Next year pa naman, ito. Mapaghahandaan mo pa ng husto. Hindi ba
siya na naman ang kalaban mo bilang secretary ng student council. You won over
her, kaya, you can win the second time around.”
Inakbayan niya ag kaibigan. “Tumpak. Oo,
Hilda, tatanggapin ko ang hamon.”
“That’s my bestfriend.” Natutuwang sambit
ni Hilda.
“IT'S a Saturday, Nancy. You should rest,
shouldn’t you?”
Napapiksi ang dalaga ng marinig niya si
Andrei. Kasalukuyan siyang nagwawalis sa back garden ng bahay.
Tipid na ngumiti ang dalaga. “Kailangan ko
pong gawin, sir.”
“Baka naman inaabuso mo na ang katawan mo,
Nancy. Nasambit kasi sa akin ni aling Miling na may mga pagkakataon na inuuwi
mo ang mga labada sa gabi.”
“May mga time na abala ako ng linggo, sir
ndrei. Para po hindi ko mapabayaan ang trabaho, kailangan ko pong humanap ng
tamang panahon para may magawa po ako. Nakakahiya naman po kasi kung magiging
dahilan ang pagiging estudyante ko para magawa ang mga obligasyon ko.”
“Hindi ba mahirap, Nancy? Parang nakakapagod.”
“Naku, hindi po, sir! Ang sikreto kasi ay pagmamahal. Kung mahal mo ang ginagawa
mo at may dedikasyon ka, kahit nakakapagod na, masaya pa rin at tila ang
kapagurang mararamdaman mo ang magsisilbi pang lakas mo para lalong
magpursige.” Sagot ni Nancy.
“Maybe, you are right. Kaya siguro, parang
napapagod na ako.”
“Kayo sir? Napapagod po saan? Minsan nga
po, hindi ko maiwasan ang mainggit sa inyo, eh. Hindi niyo kailangang maging
working student para makapagtapos ng pag-aaral. Kaming mahirap lamang, halos
hatiin ang katawan para lahat ,magawa, eh.”
Umupo si Andrei sa garden chair na malapit
lamang sa kanila. Sinenyasan din niya ang dalaga na itigil muna ang ginagawa.
“Honestly, I envy you, Nancy. Mayroon kang
kalayaan na gawin kung anong gusto mong gawin. Masaya ka sa ginagawa at hindi
mo iniinda ang pagod.” Matamlay na sagot ng binata.
“First things first, talk to them. Hindi mo
rin po kasi malalaman kung anong magiging reaksiyon nila kung hindi mo
susubukan.”
“Natatakot akong hindi nila ako
maintindihan, Nancy.”
“Mas nakakatakot na hindi mo susubukan, sir
Andrei, hindi sa pakikialam, ano po ba ang gutso niyang gawin?”
“I want to be an agriculturist, Nancy.
Gusto kong magkaroon ng sariling farm sa Davao where is my mom’s province.
Pero, napakalaking tiwala ang ibinigay nila sa akin para mapanatiliko ang
kaunlaran ng real estate naming sa Maynila. I think, I’m really tired of
pretending that I really love the job, which is I can’t even like.”
Pagpapatuloy ni Andrei.
“Maling akala ko, sir. Minsan, hindi ko maiwasan
na isipin na napakahirap ng kalagayan ko para makamit ko ang edukasyon. Hindi
pala ako dapat mainggit. Kung tutuusin kasi, dapat maging inspired ako, to
pursue my dreams, lalo pa at ako mismo ang may desisyon nito.”
“Tama ka, Nancy. And thank you, dahil sa
araw naito, binigyan mo ako ng lakas para maging totoo.”
“Wala iyun, sir. Pareho naman po tayong
natuto sa araw na ito.”
“Mag-iiwan ako ng calling card sa iyo.
Gusto ko kasing kunin kita sa on-job-training mo next year sa company namin.”
“Are you serious, Sir Andrei?”
“Yes! Of course, seryoso ko. I will, Nancy.
I just know that our company needs someone like you, habang ako, muling
mag-aaral. And soon, magkakaroon ng sariling farm.”
Marami pa silang napag-usapan at masaya ang
dalawa sa kanilang paghihiwalay ng araw na iyun. Nabuo sa isip ni Andrei na
sundin ang kanyang nais at maging bukas ng saloobin sa kanyang mga magulang.
Mauunawaan man nila o hindi, ang mahalaga ay magiging totoo siya sa kanyang
sarili.
Masayang umuwi si Nancy, sa paglisan sa
mansiyon na iyun, naging magaan ang kanyang kalooban. Nakikipag-usap na sa
kanya ang binata. Higit pa man, natutunan niyang hindi nasa estado ng buhay ang
pagkakaroon ng magnadang trabaho at kasiyahan sa nakakamit na tagumpay. Mainam
na aspeto sa pagiging estudyante na sundin kung ano talaga ang gusto niyang
maging kurso, upang sa kanyang pagkakaroon ng hanap-buhay, ang kapaguran ay
hindi masyadong mararamdaman dahil kaakibat nito ang kakaibang sigla at saya.
Napatingin siya sa kalangitan, ngumiti
siya. Indeed, it’s a happy day. It is a Saturday.
Nakasalubong niya si Karla sa gate. “Siguro
naman ay nakapagbayad ka na?”
Ngumiti si Nancy. “Of course, Karla. At sana,
huwag mo ng problemahin ang mga obligasyon ko. Makapagtatapos ako at makakamit
ang mga pangarap ko. At mula ngayon, hindi ako mahihirapan at mapapagod, kahit
anuman ang mga maririnig kong negatibo sa aking paligid. Excuse me, Karla, I
need to go.”
“Whatever! Let’s us see.” Mataray nitong
sambit.
Lumingon muli ang dalaga sa kanya. “See you
next year, Karla! I’m excited for our debate as supreme council president.”
“Yeah, bitch!” Pagdadabog ni Karla.
Narinig niya ang palakpak sa kanyang
likuran. “Hilda!”
“That’s my best friend! Are you ready for
the final exam?”
“Very ready!” Sagot ni Nancy at nilapitan ang
kaibigan.
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment