”BAYAD po! Salamat!”
Muli ay ibinalik niya ang atensyon sa
hawak na long bond paper matapos abutin
ng isang pasahero ang kanyang bayad. Kailangan niyang mag-review sa gaganaping
pagsusulit ngayong umaga. Hindi na niya ito nagawa kagabi sa kadahilanang
nakatulugan niya sa sobrang pagod. Kung ang mga kaklase niya ay nagpapahinga o
gumigimik tuwing weekend, kabaliktaran naman sa kanya dahil kailangan niyang
magtrabaho para matustusan ang pag-aaral. Maliban sa weekdays na nagtatrabaho
siya pagkatapos ng oras ng klase sa gabi’t araw. Masasabing tulog lang ang
kanyang pahinga.
”Danny!”
Napalingon siya sa tawag na iyon ni
Ronel. Kaklase at masasabi niyang malapit niyang kaibigan.
”Sabay na tayo.” sabi niyang malalaki
ang mga hakbang na papasok ng campus. ”Nakapag-aral ka ba? May exam tayo
ngayon.”
”Kaya nga may ipapakiusap sana ako.
Tulungan mo naman ako mam’ya.”
”Dre, hindi ito ang unang beses na
nakiusap ka sa’kin at pinagbigyan kita pero sa pagkakataong ito—”
”Danny, last na ’to, Dre. Hindi ako
nakapag-aral kagabi at malalagot na ako sa parents ko kapag bumagsak na naman
ako.” nakikiusap ang boses ng kaibigan. ”Ako’ng bahala sa pambayad mo sa outing
natin sa susunod na linggo.”
Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan.
Alam nitong kapos siya at walang pambayad sa nalalapit na retreat.
”Pero hindi rin ako masyadong
nakapag-aral.” may pag-alinlangan na sabi niya.
”You can still pull it out, Dan.
Matalino ka, hindi mo kailangang mag-aral ng puspusan.”
”Sige.”
”Yes! Salamat, tol!”
”Saan ka pupunta? Maya-maya lang
darating na ang teacher natin.”
”Wala pa naman tsaka makikita ko rin
naman kung papasok na siya.”
Iiling-iling na sinundan na lamang niya
ng tingin ang papalayong kaibigan. Kadalasan naitatanong niya sa kanyang sarili
kung bakit siya ipinanganak na kapos at walang-wala samantalang iyong iba naman
ay sobra sa karangyaan. Siya na iniluwal na mahirap at maagang naulila sa mga
magulang.
”Hindi kapa ba papasok?”
”H-Ha?”
”Kasi nakaharang ka sa pintuan. Hindi
makakapasok ang iba nating kaklase.” ani Leticia na nakatayo sa likuran niya.
”Sorry.” sagot niya bago umurong para
bigyang daan ang kaklase.
”Ang layo na naman siguro ng inabot ng
diwa mo. For sure, perfect mo na naman ang test.”
”Iyon nga ang ipinag-aalala ko. Hindi
ako nakapag-aral ng mabuti.”
”But reviewed.”
”I did but I don’t think it’s enough to
cover the whole exam.”
”Bago pa ako maubusan ng dugo sa’yo sa
kaka-inglis mo ang mabuti pa ay maupo na tayo at malapit ng dumating si Ms
Terror.” medyo pabulong na ang boses ni Leticia ng tukuyin nito ang literature
teacher nila.
”Terror ba talaga si Ms Antolin? Mukhang
hindi naman ah.”
”Sa lahat ikaw lang ang nakapagsabi niyan.
Palibhasa kasi nasa iyo na ang lahat ng dunong. Ang boring kaya magturo ni Ms
Antolin. Inaantok ako sa klase niya.” pabulong na sabi ni Leticia at
tamang-tama naman na pumasok ang taong pinag-uusapan nila.
”Alright, good morning class and please
pay attention.” anang guro na nagpatahimik sa mga estudyante at ang lahat ng
mata ay nakatuon dito. ”I am going to re-arrange your seats and I will call
your names one by one. Ok? Now, lets start.”
Nagkatinginan ang lahat at makikita sa
mata ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa kagustuhan ng tinatawag nilang terror
teacher.
”PARE, wala na akong magawa kanina dahil
ang layo mo sa akin at nakabantay si Ms Antolin.”
Pagkatapos ng pagsusulit ay kaagad
niyang kinausap si Ronel. Sa una ay hindi niya ito mahanap dahil nauna itong
lumabas ng silid at ayaw niyang isipin ng kaibigan na sinadya niya ang
nangyari.
”Ok lang Dre, naintindihan ko. Punta ka
mam’ya sa bahay.” anito habang naglalakad palayo.
”Hindi ka galit sa’kin?”
”Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Basta
mam’ya.”
”Bakit ano’ng mayro’n?” pasigaw niyang
sagot.
”Basta malalaman mo nalang. Aasahan kong
darating ka, Danny.” anito na sumakay nang kotse.
”Ako sayo, hindi ako magtitiwala sa
kagaya ni Ronel.” ani Leticia na nasa gilid na niya. May himig pagbabala ito.
”Alam mo, lagi mo nalang akong
ginugulat. Para kang kabute bigla nalang sumusulpot at ano naman ang alam mo
tungkol kay Ronel?”
”Basta my bad vibes ako diyan sa
kunyaring kaibigan mo. Sa totoo lang nakikipaglapit lang naman ’yan sayo dahil
kailangan ka niya.”
”Ang dami mong alam, alam mo ba ’yon?
May vibes ka pang nalalaman.”
”Basta mag-iingat ka nalang sa kanya,
Danny. Nasa huli ang pagsisisi.”
Naiwan siyang nahulog sa malalim na
pag-iisip habang sinusundan ng tingin ang naglalakad palayo na si Leticia.
”Danny, mabuti nalang naabutan pa kita.”
”Bakit, Allan?” lingon niya sa kaklase.
”Pinapatawag ka ni Ms Antolin.”
”Ako?” sabay turo sa sarili. ”Bakit
daw?” kinakabahan niyang tanong.
”Puntahan mo nalang. Hindi ko rin alam
eh. Pa’no, mauna na ako ha? May practice pa kasi ako eh.” anito na varsity ng
school nila.
”Sige, salamat.”
Samut-sari ang nasa isip niya habang
binabagtas ang silid-aralan kung saan si Ms Antolin. Nandoon na iniisip niyang
pagagalitan siya ng kanilang teacher sa muntikan na niyang pagpapakopya kay
Ronel kanina kung hindi lang siya nahuli. Inaasahan din niyang hindi malayong
mangyaring babawasan ang puntos niya sa nakuhang pagsusulit and worst is kung
magsumbong sa principal’s office ang teacher nila na pinapanalangin niyang
huwag mangyari dahil ikakawala iyon ng scholarship niya.
”Ms Antolin, nakikiusap ako. Tungkol po
do’n kanina—h’wag n’yo po akong isumbong.” patiuna na niya pagkapasok ng
classroom.
”Danny, I haven’t say any word yet.”
Hindi makapaniwala na tumingin siya
rito. Wala sa mga mata ni Ms Antolin ang pagagalitan o susumbatan siya bagkos
isang nakakaunawang ngiti ang ipinakita nito sa kanya.
”Naiintindihan kita, Danny. I was the
same as like you when I’m in your age. And I admire you academically. Your
persona and attitude. Alam ko rin ang hirap at sakripisyo na pinagdadaanan mo. Napakabuti
mong bata but be wise on whom to be friends with. Iyong hindi mag-take
advantage sa kahinaan mo. I know you get my point.
”Yes, Ms Antolin.” aniyang walang
maapuhap na sagot.
”Alright, then. Let us pretend we didn’t
talk about that matter. Ibibigay ko sa’yo itong test papers for you to check.
You got the highest scores kaya sayo ko ipinapaubaya ang checking.” anito at
iniabot sa kanya ang isang brown envelop.
”Sige po, Ms Antolin.”
”Good. See you Monday, Danny.” anitong
tinalikuran na siya at lumabas ng silid.
Naiwan siyang relieved bagamat naroon pa
din ang kaba.
MALAYO palang ay dinig na niya ang
malakas na tugtog na nagmumula sa malaking bahay. Hindi na siya magtataka kung
naghost si Ronel ng party dahil out of the country vacation ang mga magulang
nito ayon sa kaibigan. Mula sa maykayang pamilya ang kaibigan at hindi rin
nakakapagtaka kung nakatira ito sa isang exclusive subdivision.
”Bakit ang tagal mo kanina pa kita
hinihintay?” ang salubong na tanong sa kanya ni Ronel ng pagbuksan siya nito ng
pintuan.
”Ano’ng okasyon bakit nagpa-party ka?”
”Does it need an occasion to blast a
party? Halika na nga, just enjoy! After all, it’s Friday night!”
Habang hinihila siya ni Ronel papasok ay
namataan niyang naroon din si Leticia na pasuray-suray ang lakad kung hindi
lang sa pag-agapay ng dalawang lalaki na hindi pamilyar sa kanya ang mukha.
Mabilis na lumapit siya sa mga ito at kinausap si Leticia.
”Letty, ok ka lang?” nag-aalala niyang
tanong dahil sa tila nanlalambot ang kaklase.
”S-Sino k-ka?” tanong nito sa namumungay
na mga mata matapos niyang igiya paupo malayo sa karamihan.
”Ako si Danny.” pagpapakilala niya.
”D-Danny? W-Wala a-akong k-kila-lang
D-Danny!”
”Magkaklase tayo!”
”K-Kakla-se? A-Ano ’yon? A-At b-bakit
L-Let-ty a-ang t-ta-wag m-mo s-sa’kin?”
”Dahil Leticia ang pangalan mo. Minsan
Letty ang tawag ko sayo.”
Alam niyang lasing na ang kaklase kaya
kahit pangalan nito ay hindi na matandaan pero ang ipinagtataka niya ay hindi
nangangamoy alak ang hininga nito at kung bakit gusot-gusot ang suot nitong
uniform at buhok.
Bigla siyang kinabahan sa iniisip at
walang pasabi na binuhat ang kaklase palabas ng bahay nang biglang may kung
anong matigas na bagay ang biglang humambalos sa likod niya dahilan at natumba
siya kasabay ni Leticia. Nandidilim ang kanyang paningin na pilit iminumulat
ang mga mata subalit pawang anino lamang ang kanyang maaninag hanggang sa mawalan
na siya ng malay.
”Arghh. . .ang likod ko ang sakit!”
daing niya pero laking gulat niya at pagtataka dahil hindi niya maigalaw ang
dalawang kamay nang matantong nakaposas ito.
”Hayop ka! Walanghiya! Pagbabayaran mo
ang ginawa mo sa anak ko! Papatayin kita!” anang may edad ng lalaki na handang
sugurin siya kung hindi lang ito napigilan ng mga nakaunipormeng pulis.
Iiling-iling na wala siyang
naiintindihan sa mga nangyayari.
”W-Wala ho akong ginawa. Wala akong
kasalanan.” palipat-lipat siya ng tingin sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya
sa silid kung saan siya naroon at naghahanap ng may magtatanggol sa kanya
subalit sa kasamaang-palad wala siyang may kilala alin man sa mga ito.
”Magmaang-maangan kapa hayop ka!
Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan!” ang patuloy na sigaw ng galit
na galit na lalaki.
”Wala akong ginawang masama. Wala akong
kasalanan.” paulit-ulit niyang bigkas na umiiyak.
Kahit wala na ang mga pulis na kumausap
sa kanya ay hindi pa rin niya lubos maisip ang kinasangkutang krimen na wala
siyang kamalay-malay subalit siya ang idinidiin. Ano ang kanyang magiging
buhay? Paano ang kanyang mga pangarap? Ang kanyang mga pagsisikap at sakripisyo
kung sa isang iglap lamang ay masisira? Isang maling hakbang na nagdulot ng
dungis sa kanyang buong pagkatao? Paano niyang ibabangon ang kanyang sarili at
pangalan? Sino ang kanyang tatawagin at lalapitan gayong wala siyang ibang
kilalang pamilya maliban sa kanyang sarili?
Tigom ang bibig at tigmak sa luha si
Danny na kinakausap ang sarili.
”Ano ang nagawa kong kasalanan para
danasin ang ganitong kalupitan, Diyos ko? Wala na nga akong mga magulang bakit
n’yo pa ako pinabayaan? Naging mabait at mabuti naman ako Sayo? Bakit?!
Argghh!”
Takbuhan ang doktor at ibang nurses nang
marinig ang sigaw na iyon ni Danny. Animo ito nasasapian at nagwawala.
15 YEARS LATER
MADILIM ang kalangitan at tila
nagbabadya ng malakas na ulan. Subalit hindi iyon ramdam ni Danny habang
naglalakad sa dalampasigan ng naka-paa. Ang matinis na boses ng mga bata
kasabay sa paghampas ng alon ay tila musika sa kanyang pandinig. Hindi alintana
ng mga ito ang lamig o takot sa paligid. Naupo siya sa may buhanginan at
napatingin sa dagat.
Maraming tanong ang umuukilkil sa kanyang isipan. Tulad na
lamang ng paano niyang haharapin ang buhay ngayong malaya na siya? May
tatanggap pa kaya sa kanya? Napatingin siya sa hawak na kapirasong papel.
Nagdadalawang-isip kung pupuntahan ang taong nagbigay niyon sa kanya labing-limang
taon na ang nakakaraan. Paano kung wala na doon ang taong hinahanap niya? Kung
buhay pa kaya ito? Kung kilala pa kaya siya?
Nanatili pa siya ng mahigit kalahating
oras doon bago nagpasyang sundin ang inuudyok ng isipan. Naisip niya, ano pa ba
ang mawawala sa kanya kung hindi niya susubukan?
”Alam kong darating ang araw na ito,
Danny.” anang ginang nang pagbuksan siya ng pinto.
”Ms Antolin.” bigkas niya sa pangalan ng
dating guro.
Tumanda ito ng ilang taon kumpara sa
edad nito na hindi niya inaasahan.
”Salamat naman at naabutan mo pa ako,
Danny.” nakangiti subalit halata sa mga mata nito ang kalungkutan.
”Ms Antolin, may sakit po ba kayo?
Pumunta ho tayo ng ospital kung gano’n. ihahatid ko kayo.” nag-aalalang sabi
niya pero nginitian lang din siya nito.
”Hanggang ngayon hindi kapa rin
nagbabago. Kapakanan pa din ng iba ang iniisip mo.” makahulugan nitong sabi.
”Maupo ka muna, alam kong pagod ka. Ipaghahain lang kita ng makakain.”
”Tulungan ko na po kayo.”
”Sige at para masanay mo rin ang sarili
mo dito sa bahay.”
”Sabayan n’yo po ako.” sabi niya ng
makitang para sa kanya lamang ang inihain nito.
Tahimik na pinagsaluhan nila ang
hapunang inihanda ni Ms Antolin. Hanggang sa kasalukuyan ay palaisipan pa rin
sa kanya kung bakit siya nito tinutulungan. Noong makulong siya ay ito lang din
ang nagtitiyagang bumisita sa kanya at natigil lamang iyon noong ilipat na siya
sa New Bilibid Prison. Pero bago iyon ay may inabot itong address sa kanya na
maari niyang puntahan paglabas niya. Kinuha niya iyon kahit nawawalan na siya
ng pag-asang mangyayari nga iyon. Ngayon, heto siya at kasalo sa hapunan ang
nag-iisang taong nagmamalasakit sa kanya na sa tingin niya ay ito naman ang
nangangailangan ng isang magmamalasakit at mag-aaruga.
”Aalagaan ko po kayo. Simula ngayon
hindi ka na mag-iisa.”
”Huwag mo akong intindihin, Danny. My
time is over but yours is just starting. Bata kapa. There’s too much life and
opportunity awaits for you. Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral. Patunayan mo sa
lahat na nakakaangat ka.”
”Hindi na po siguro mangyayari pa iyon.
Ang tagpi-tagpi kong pangarap ay isa na lamang pangarap nas a hangin nilipad at
minsan man ay hindi matutupad.” malungkot niyang wika.
”Magtutulungan tayo para matupad mo ang
iyong pangarap, Danny.”
Five fast years passed at ngayon isang
taon na lamang at gagraduate na siya ng kolehiyo sa kursong Civing Engineering.
Ang lahat ng iyon ay utang niya sa butihing si Ms Antolin na nagsilbing
guardian niya buhat ng pumasok siya sa pamamahay nito.
”Ms, kukunin ko ’to.” turo niya sa
malaking bouquet ng puting rosas.
”Kailangan n’yo pa ba ng card sir?”
tanong ng babae sa kanya.
”Yes, please. Salamat.”
Sinulatan niya ang card at malawak ang
ngiti na lumabas siya ng flower shop. Gusto niyang i-surprise si Anya at ayain
itong kumain sa labas. Nagpareserved siya sa isang mamahaling restaurant sa
araw na ito. Mahigit isang linggo din niya itong pinlano.
”I’m home!” masaya siyang pumasok ng
bahay ngunit kakaiba ang katahimikan ng mga sandaling iyon.
”Anya?” tawag niya sa babae.
”Anya!” muli niyang tawag nang wala pa
ring sumasagot at napatakbo siyang pumasok sa kwarto ng babae.
Doon natagpuan niya itong nakalungayngay
ang ulo habang nakaupo sa sariling wheelchair. Awang ang mga labi na walang
salitang lumabas sa kanyang bibig maliban sa mga luhang nag-uunahang pumatak sa
kanyang mukha.
”Happy birthday. Bakit hindi mo man lang
ako hinintay? May bulaklak akong dala para sa’yo. Tignan mo, diba paborito mo
ito pati ang kulay? Puti, simbolo ng iyong puso.” kausap niya sa babaeng naging
inspirasyon niya, kaagapay, katuwang sa pagbabagong-buhay. Pero ngayon ito
naman ang kinuha sa kanya. ”Bakit kailangan mong mawala? Kung kailan natagpuan
ko ang isang pamilya na nagmalasakit at nagmahal sa akin?
Yakap-yakap si Anya na humahagulhol ng
iyak si Danny. Tila ito paslit na nawalan ng magulang.
”Minsan kailangan din natin silang
pakawalan. Isipin nalang natin na kinuha na siya ng nasa Itaas dahil tapos na
ang misyon niya dito sa mundo. Pero hindi ibig sabihin niyon iniwan niya tayo.”
”Sino ka?” tanong niya sa babaeng
namulatan bago igala ang mga mata sa kinaroroonan.
”Nandito ka sa ospital. Kailangan mong
matiknan dahil sa nanghihina ka kahapon. Huwag kang mag-alala, may nag-aasikaso
na kay Tita.”
”Tita?” nagtatakang tanong niya.
”Malayong pamangkin at isa rin sa
pinag-aral niya. Ako nga pala si Lara.” pagpapakilala nito.
”Ako naman si Danny.”
”Alam ko. Naikuwento ka na sa akin dati
ni Tita. Inaamin ko, nagtampo ako sa kanya noon kaya ako umalis.”
”Ako ba ang dahilan?”
Saglit na hindi ito makasagot at alam na
niya kung bakit kaya siya na ang kusang nagsalita at humingi ng tawad.
”Wala kang dapat na ihingi ng tawad,
Danny. Naging makitid ang pag-iisip ko at sarili ko lang din ang inaalala ko.
Kung may pinagsisisihan man ako, iyon ay ang hindi ko man lang naalagaan si
Tita sa panahong kailangan niya ng kalinga ko. Hindi rin ako nakapagpasalamat
sa kanya sa lahat ng kabutihan niyang nagawa para sa’kin.” sabi nitong
humihikbi.
”Walang huli sa taong nagsisisi, Lara.
Isa iyan sa mga itinuro niya sa’kin. Let go of all the pain and hatred. Ang
kapayapaan ng loob ay makakamtan mo hindi lamang sa isip maging sa iyong puso.”
”Look who’s us talking now.” natatawang
sambit ni Lara bagamat may luha sa mga mata.
”Mabuti naman at bumalik ka.”
”Yes, but it’s already too late.”
”Hindi, Lara. Magsisismula palang.”
makahulugan niyang sabi na hinawakan ang palad ng dalaga.
1 YEAR LATER
”CONGRATULATIONS! Engineer, Danny
Tolino! Wow! How’s that sound?” masayang sinalubong siya ng mahigpit na yakap
ng nobya.
”Sounds an achievement, Ms Lara Agusan.”
tugon niya na gumanti ng yakap dito.
”Correction, great achievement!”
”Yes, it is. And it’s all because of
her.”
Napalingon silang pareho sa malaking
portrait na nakakabit sa sala. Isang alaala na laging papatnubay sa anumang
tatahakin nila.
”May gusto palang kumausap sayo.”
nakatingala si Lara ng sabihin iyon at makikita sa mukha nito ang takot at
pag-alinlangan.
”But why you’re looking so creepy?”
Pinandilatan siya nito.
”Binibiro lang kita, bigla ka kasing
sumeryoso. Sino ba ang naghahanap sa akin?”
”Ako, Danny.”
Walang kakurap-kurap na tinitigan lamang
niya ang babaeng nakatayo paharap sa kanya. Hindi rin niya mabasa ang emosyon
na napapaloob sa kanya ng mga sandaling iyon. Pilit niyang pinapakiramdaman ang
sarili kung may galit ba siyang nakatago sa kaibuturan ng kanyang puso subalit hindi
niya makapa iyon.
”Leticia.”
”Hindi sapat ang isang oras o isang araw
para humingi ng tawad sayo. Ganunpaman, I’m taking my chance—”
”Kalimutan na natin ang lahat ng
nakaraan, Letty. Tulad ko, biktima ka rin at alam ko hindi birong hirap ang
pinagdaanan mo bago malampasan ang mga pagsubok na iyon. Masaya ako at nagkita
tayo.”
”Maraming salamat, Danny. Napakabuti mo
sa kabila ng lahat ng hindi magagandang nangyari sayo.”
”Ang mga papangit na alaala o pangyayari
dapat na nating iwaksi sa isipan for us to build new hope, new life.”
”Tama ka. And congratulations. Hindi na rin
ako magtatagal at baka hinahanap na ako ng anak ko.”
”Mag-iingat ka, Letty. Huwag kang
mag-atubiling lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong.”
”Tatandaan ko ’yan, Danny.”
”May gusto ka pa bang ipagtatapat
sa’kin?” lingon niya sa katabing nobya.
Hindi kasi ito makatingin sa kanya na
tila may nais sabihin pero nag-aalangan.
”I-It’s about—”
”About? Go on. . .” sabi niya in an
assuring look that everything will be fine anuman ang ipagtatapat nito.
”Ronel is out of jail. They bailed in
return to support his child from Leticia. He also did community service and
show good records inside na nagpababa ng kaso niya.”
”Ipagpaubaya na natin sa kanila iyan,
mahal. Sa ngayon wala na akong mahihiling pa. I have you and that’s all it
matters. Mahal na mahal kita. You’re now my hope and my future.”
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment