MAAGA akong nagising
ngayong umaga dahil sa mayroon akong pasok sa aking trabaho bilang isang
babaeng pulis. Isasara ko na sana ang bag ko lulan ang mga gamit ko nang
maalala kong nakalimutan ko pa palang ilagay doon ang isa ko pang notebook na
nasa kuwarto. Kinuha ko iyon at sa hindi inaasahang dahilan, biglang may nalaglag galing sa notebook na
iyon--isang kapirasong papel.
Pinulot ko iyong at isa pala iyong lumang larawan nang aking makita--larawan namin ng aking best friend.
Habang pinagmamasdan iyon, hindi ko maiwasang maalala 'yong mga panahong nagpapaunahan pa kami sa hallway ng school namin para lang mapatunayan ko sa kaniyang mas mabilis akong tumakbo kahit kapuwa kami nagdadalaga at nagbibinata noong mga panahong iyon.
Dinukot ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at binasang muli ang huling text niya sa akin na hindi ko po nabubura.
"Sikreto 'yon, sasabihin ko sa 'yo 'pag nagkita ulit tayo."

Iyon ang sabi sa text
niya sa akin kaya naisipan kong dumalaw muna sa kaniya bago ako tuluyang
pumasok sa aking trabaho. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nadadalaw dahil
na rin sa lagi akong abala sa mga responsibilidad ko bilang pulis. Pero ngayon,
susubukan sumaglit sa kaniya dahil baka nagtatampo na siya sa akin.
Habang nasa taxi, hawak-hawak ko pa rin ang lumang larawan naming dalawa. Napapangiti na lang ako habang nakikita siyang nakangiti at ako naman ay may ipot ng ibon sa ulo--sa aming larawan nang kami'y kapuwa mga bata pa.
Tandang-tanda ko pa 'yong araw na kinuhanan ito noong nasa unang taon pa kamang ako sa sekondarya...

NASA gym ako noon at tahimik na nagsusulat ng aking ulat tungkol sa katatapos lang na labang ng basketball sa aming paaralan. Nais kasi ng aming guro na ilahad ko sa klase ang tungkol doon bilang parusa sa aking kabugukan--cutting classes--kahit lahat naman kami ay nakapanood niyon.
Isinusulat ko na lang
sa pinal na papel ang buong ulat ko habang ako lang mag-isa ang naroon nang
bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses...
"Patricia!" sigaw ng lalakeng nasa pinto ng gym.
Kilalang-kilala ko ang boses na iyon kaya't hindi na 'ko nag-abala pang pansinin pa siya habang papalapit sa akin at tuluy-tuloy lang ako sa pagsusulat; idagdag pang asar na asar ako sa kaniya noong mga panahong iyon.
"Uy, anong problema mo?" tanong niya na para bang walang ginawang mali.
Hindi ko pa rin siya inimik at tuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Pero sadyang gusto niyang kunin ang atensyon ko kaya pati ang paghatak sa ginagamit kong ballpen ay ginawa niya.
"Hoy!" galit kong sigaw sa kaniya.
"Hoy ka diyan? May pangalan ako 'no?" pagmamalaki niya.
"Mr. Noel Timothy delos Reyes," ani ko--ang pangalan ng lalakeng laging nagsusumbong sa teacher namin tuwing nag-ka-cutting ako.
"Yes, anong maipaglilingkod ko sa 'yo?" tanong niya nang may pilyong ngiti.

"Akin na kaya
'yong ballpen ko?" utos ko sa kaniya at ginawa naman niya agad. Pagkabigay
niya, agad akong tumayo at lumabas ng gym dahil alam kong hindi ako
makakapagsulat nang maayos kung nasa tabi ko siya; alam kong aalaskahin niya
lang ako.
"Uy, saan ka pupunta?" tanong niya habang nasa likod ko't nakasunod sa akin.
Pero kahit na nakasunod siya sa akin, hindi ko pa rin siya iniimik hanggang sa nakaupo na ako sa isa sa mga bench sa garden. Doon ko na lang itinuloy ang pagsusulat ko ng ulat ko habang siya'y tuloy pa rin ang pangungulit sa akin.
"Masaya ba magsulat ng ulat?" pang-aasar niya.
"Gusto mo batukan kita? Ikaw kaya ang may kasalanan nito," sagot ko nang may halong pagmamaldita.
"Anong ako?! Ikaw ang may gawa niyan sa sarili mo," pagtatanggol niya sa sarili.
"Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na ikaw ang nagsusumbong kay Ma'am kapag nag-ka-cutting ako. Kaya huwag mong ibaling sa akin ang sisi, puwede ba?!" sigaw ko sa kaniya.

Sandali siyang
nanahimik dahil sa sinabi ko at sinamantala ko naman ang pananahimik niyang
iyon para makapagpokus at maisulat nang maayos ang ulat ko. Pero habang
nagsusulat ako, bigla na lang napalitan ng hagikgik ang pananahimik niya.
"Hahaha!" Maluha-luha pa siya kasabay ng malakas niyang pagtawa.
Napukaw niya muli ang atensyon ko't pinagmasdan lang siya habang tumatawa. Noong una, hindi ko talaga alam kung bakit siya tumatawa hanggang sa maramdaman ko ang tila ba mainit-init na likido na umaagos sa anit ko. Kinapa ko iyon sa ulo ko at marahan kong ibinaba ang kamay ko para makita kung ano iyon. At nakita ko ang kulay puting likido na may halong kulay itim na medyo malapot-lapot at may masangsang na amoy pa. Habang iniisip ko kung ano iyon, bigla ko na lang narinig ang...
Click!
Napalingon ako kay Timothy at nakita kong nakangiti siya habang nakatabi sa akin.

Nakatapat rin sa amin ang lente ng camera na
hawak niya at agad niyang tiningnan iyon matapos niyang pindutin ang buton
niyon. At lalo pa siyang
humagipak sa kakatawa.
"Hahaha!... mukha kang tanga dito, o. Hahaha!..."
Pero sa halip na ubusin ang lakas ko sa pagkaasar sa kaniya, tumayo na lang ako at inayos ang mga gamit ko. Naglakad ako papunta sa locker ko para malinis ko ang sarili ko sa cr at iniwan ko na lang siya sa bench habang tawa nang tawa. Hindi ko na lang siya inintindi dahil alam kong ako lang ang talo kung maasar ako sa kaniya.
NOONG araw na ng paglalahad ko ng aking ulat sa klase, siyempre hindi puwedeng mawala 'yong lalakeng nagsusumbong kapag nag-ka-cutting ako--si Timothy.
Natapos naman nang maayos ang ulat ko, pero sadyang gumagawa siya ng paraan para maasar ako.
Umupo siya sa tabi ng upuan ko kaya pagkaupung-pagkaupo ko, nagawa niya ang bulungan.
"Ano ngayon, mag-ka-cutting ka pa?"
Pagkabulong niya, ngumiti siya na para bang napakataas ng tingin niya sa sarili niya dahil kaya niya akong isumbong 'di gaya ng iba kong kaklase. Pero siyempre, mas mataas pa rin ang pride kaysa sa kaniya.
Lagi pa rin akong
nag-ka-cutting pagkatapos ng parusang iyon. Siyempre, lagi pa rin niya akong
sinusumbong at lagi pa rin akong nakakatanggap ng parusa. Isa pa nga sa naging
parusa ko ang linisin ang buong hallway ng school namin dahil daw sa hindi
talaga ako nadadala. Mahirap iyon dahil ako lang mag-isa ang pinaglinis niyon.
Pero hindi na 'ko nagulat nang makita ko si Timothy
na hindi pa agad umuwi makita lang akong naglilinis.
"Ano, masaya ka na? Sige, tawanan mo na 'ko. Alam kong kanina ka pa tuwang-tuwa dahil nahihirapan ako," pabalang kong sabi sa kaniya at ipinagpatuloy na ang paglilinis ko kahit tumatagaktak ang pawis ko.
"Akin na nga 'yan," sabi niya sabay hatak ng mop na hawak ko.
"Hind, akin na!" sigaw ko sabay bawi ng mop na inagaw niya sa akin. "Ako ang isinumbong mo at ako ang pinarusahan kaya ako ang dapat gumawa nito."
Natahimik siya sa sinabi ko. Siguro'y nasaktan ko siya sa panunumbat ko pero sinabi ko lang kung ano ang totoo. Siya ang laging nagsusumbong kaya siya ang dapat sisihin.

Tahimik lang siyang
nagmamasid sa akin habang naglilinis ako. Medyo nailang ako sa katagalan ng
ginagawa niya kaya sinubukan kong tanungin siya.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?"
Pero hindi siya umiimik at patuloy pa rin sa pagtingin sa ginagawa ko. Parang lalo tuloy akong nakonsensya sa ginagawa niya sa akin noong mga oras na iyon.
"Bakit ba lagi mo akong isinusumbong?" muli kong tanong.
At sa wakas, narinig ko na ulit ang tinig niya. "Kasi, matigas ang ulo mo."
"Ano pakialam mo? Gusto ko, tumigil ka na sa pagsusumbong."
"Ayaw ko nga. Titigil lang ako sa pagsusumbong kung titigil ka sa pag-ka-cutting."
Ako naman ang natahimik dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero, tama siya; kaya nga lang, sadyang matigas pa rin ang ulo ko.
Pagkatapos niyon, nagpatuloy pa rin ako sa dati ko nang ginagawa. Parang may gusto akong patunayan sa kaniya kahit alam kung parusa ang kapalit niyon sa oras na isumbong niya ako.
Pero nagbago ang lahat nang minsan siyang hindi pumasok.

Wala siya noong araw
na iyon at wala rin 'yong taong magsusumbong 'pag nag-cutting ako. Malaya ko
nang magagawa iyon nang walang kaakibat na parusa. Pero noong nasa labas na ako
ng gate, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa mga paa ko para maglakad ulit
pabalik ng room namin at hindi ko na nagawang mag-cutting. Basta nanatili lang
ako sa room namin at tinapos ang buong klase sa
maghapon.
Unang beses na nangyari iyon na hindi ako nagka-cutting kaya tampulan
ako ng kantiyawan ng mga kaklase ko. Niloloko-loko pa nila ako at ano daw ba
ang nakain ko noong araw na iyon. Pero hindi ko sila inintindi, ang iniisip ko
lang noong mga oras na iyon ay kung ano ang nangyari kay Timothy at kinailangan
niya pang lumiban.
NANG sumunod na araw, maaga akong pumasok at inabangan ang pagpasok ni Timothy. Hinintay ko ang paglitaw niya mula sa pinto ng room namin pero sa tagal ng paghihintay ko, hindi ko pa rin siya nakita hanggang sa magsimula na ang klase namin.

Natapos ang una naming
klase nang hindi ako nakikinig sa guro namin at nakatanaw lang sa walang lamang
upuan ni Timothy. Natapos rin ang ikalawa at ikatlong klase namin nang wala
siya at doon na nabuo ang pag-aalala ko sa kalagayan niya. Naisip kong siguro'y
malala ang sakit niya kaya kinailangan niyang lumiban ng dalawang araw.
Dahil doon, naisipan kong mag-cutting muli ng klase namin at nagkaroon ako ng pagkakataon noong lunch break na namin para lang mabisita siya.
Habang naglalakad ako sa hallway, biglang may lalakeng nagsalita mula sa likuran ko.
"Patricia, saan ka pupunta?"
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Carlo na nakatayo sa likod ko kasama si Melissa na umiinom naman ng juice.
"Pupunta akong canteen," palusot ko.
"Baka naliligaw ka? Hindi diyan ang papuntang canteen," paliwanag ni Melissa na medyo may pagkamataray na tono.
Dahil sa sinabi niya, nakaramdam ako ng hiya sa pagtatangka kong pagsisinungaling sa kanila mapagtakpan lang ako kalokohan ko.

Pero sadyang mataas
ang pride ko kaya umisip ako ng magandang pambanat sa kaniya para hindi
maapakan ang pride ko dahil sa pagsisinungaling.
"Siyempre, dahil may sarili akong canteen," sagot ko na may halong mamimilosopo.
"Hindi nga? Baka mag-ka-cutting ka lang?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
Dahil sa asar ko nang mabuking niya ako, pagtataray na lang ang tangi kong nagawa.
"Paki mo?" sabi ko at tinalikuran na sila. Pero pagkatalikod ko ay nakita ko naman ang lalakeng hinahanap-hanap ng mata ko--si Timothy.
"Ako ang may paki, dahil isusumbong kita," banat pa niya.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko noong sandaling makita ko siya matapos niyang hindi magparamdam. Para bang lumamig ang buong paligid ko at hinahabol ko pa ang aking hininga nang marinig ko ang tinig niya. Hindi ko rin maigalaw ang dila ko para makapagsalita na para bang namamanhid. Ang bagal ng oras habang nasa harap ko siya at parang lumiliwanag ang paligid naming dalawa.

"Timothy, nandito
ka na pala?!" sigaw ng epal na si Melissa kay Timothy habang nag-mo-moment
ako. "Ok ka na ba? Baka hindi mo pa kaya, umuwi ka muna kaya at magpahinga
ka muna kaya sa bahay niyo." Lumapit siya sa kaniya at kinakapa-kapa ang
noo ni Timothy na para bang malapit silang magkaibigan.
Hindi niya naisip na ang tagal kong hinintay ang pagpasok ni Timothy tapos pauuwiin niya agad?
"Melissa, malaki na si Tim. Kaya na niya ang sarili at kaya nga siya pumasok kasi magaling na siya, e," sabat naman ni Carlo at talagang sumasang-ayon ako sa sinabi niya.
"Tama siya, Melissa. Ok lang ako," sagot ni Timothy.
Lumayo naman sa kaniya si Melissa at nagpa-cute sa kaniya. "Kahit na, ayaw kong mabibinat ka," sagot pa niya.
Sa totoo lang, nairita talaga ako sa kaniya noong mga oras na iyon. Aywan ko ba, pero nabubuwisit talaga ako sa mga ginagawa niya kay Timothy. Siguro'y dahil sa na etsa-puwera ako sa kanila, pero bukod doon, wala na 'kong maisip na dahilan.

Hindi ko na itinuloy
ang balak kong pag-ka-cutting dahil pumasok na ang dahilan kung bakit ko
gagawin iyon. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit siya lumiban nang higit sa
isang araw.
Dahil sa gusto kong usisain ang dahilan ng pagliban niya, gumawa ako ng iba't ibang paraan para malaman iyon.
Medyo malayo ang upuan niya sa upuan ko kaya hindi ko siya makausap. Pero sadyang maparaan ako kaya noong umalis sandali 'yong guro namin para pumunta sa faculty room, ginawa ko na ang aking plano. Tumayo ako at naglakad papunta sa puwesto ni Timothy pero agad ding bumalik ang guro namin kaya naabutan niya akong nakatayo.
"Miss Patricia Uy, kailangan ba talagang tumatayo sa upuan 'pag wala ako?" mataray niyang tanong kasabay ng tawanan ng mga kaklase ko.
Napahiya ako sa klase dahil sa ginawa ko kaya tanging pagkamot na lang sa ulo ko at pagbalik sa upuan ko ang nagawa ko matapos nila akong pagtawanan.
"Sorry, Ma'am."

Iyan na lang ang
naisagot ko sa kanya matapos pumalpak ang plano kong puntahan si Timothy. Alam
kong walang kuwenta talaga 'yong plano ko pero wala akong magagawa, iyon lang
ang kinatas ng utak ko noong oras na iyon.
DUMATING ang uwian pero hindi pa rin ako nakagawa ng paraan para makausap o makamusta man lang siya. Habang naglalakad, hindi ko inaasahan ang bagay na nalaman ko tungkol sa kaniya.
Naglalakad na 'ko pauwi at medyo dismayado dahil hindi na ako nakaisip ng plano para makausap siya hanggang sa...
"Patricia!" isang pamilyar na boses muli ang narinig ko mula sa aking likuran dahil para mapahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko siya at hindi ako nagkamali ng akala dahil siyang-siya iyon. Nakita ko si Timothy habang tumatakbo papalapit sa akin.
"Bakit?" tanong ko nang walang emosyon ang mukha ko habang hinihintay na makalapit siya sa akin. Pero sa totoo lang, sa kaloob-looban ko, nagtatatalon na sa galak ang puso ko at sabik na sabik siyang makausap.

"Hindi ka raw
nag-cutting kahapon?" sabi niya habang nakangisi.
"Sino naman nagsabi sa 'yo?" tanong ko at inumpisahan muling maglakad kasabay niya. Pero hindi ko na siya tinanaw pa at nakatanaw na lang ako sa dinadaanan namin.
"Si Melissa," sagot niya.
Medyo bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sagot niya at hindi ko alam kung bakit.
"Close pala kayo?" muli kong tanong.
"Medyo lang, magka-text kasi kami, e." At lalo pang bumilis ang tibok ng puso dahil muli sa sagot niya.
"Ganun ba? Ah..."
Iyon na lang ang naisagot ko sa kaniya dahil tila ba nawalan ako ng ganang kausapin siya. Nanahimik na lang ako pero siya talaga ang kumakausap sa akin.
"Himala pala 'yong nangyari kahapon, hahaha!..." pangangantiyaw niya pero nanahimik na lang ako at hindi ko na siya pinansin.
Kaya lang, hindi ko napigilan ang sarili ko na mapansin ang isang bagay na iyon.
"Dito ka rin nakatira?" tanong ko habang nakaturo sa village namin.
"Oo, bakit?" tumatango-tango pa siya nang sumagot.

Hindi talaga ako
makapaniwalang magkamukha lang kami ng village na tinitirahan. At ang
nakakagulat doon, ang tagal na naming magkaklase pero hindi ko alam ang bagay
na iyon.
"Ano kasi... hindi ko alam."
"E, paano mong malalaman, 'di ba hindi mo naman kami kasabay umuwi? Nauuna ka kasi lagi, hahaha!..." muli niyang kantiyaw sa akin.
Muli akong natahimik sa sinabi niya. Tama kasi siya; ako ang may kasalanan niyon; ako ang madalas mag-cutting; ako ang walang disiplina at; ako ang hindi marunong sumunod sa regulasyon ng paaralan namin.
"Tama."
Iyon na lang ang nasabi ko matapos kong maisip lahat ng maling nagawa ko.
Muli, tinanong niya ako ng tanong na para sa aki'y napakahirap sagutin.
"Bakit ka nga pala nag-ka-cutting?"
Iyan ang tanong na talagang napaisip ako dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Sumakit talaga ang utak ko sa kaiisip ng sagot sa tanong niya hanggang sa...
"O, dito na 'yong bahay namin. Pahingi na lang ng number mo para magkatext naman tayo," sabi niya.

Napalingon na lang ako
sa bahay na tinutukoy niya at nakita kong malapit lang iyon sa tinitirahan
namin. Ibinigay ko na rin ang cellphone number ko pagkahingi niya at nagpaalam
na ako sa kaniya.
HANGGANG sa makarating ako sa bahay namin, iniisip ko pa rin kung bakit ako nag-ka-cutting. Kahit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ko ginagawa iyon noong nasa sekondarya pa lang ako.
Nagulat na lang ako nang marinig ko tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at tiningnan kung bakit iyon tumunog. Isang unregistered number ang nagtext sa akin at agad kong inusisa kung ano ang laman ng text na iyon.
"Hi, si Timothy 'to. Paki-save nalang 'yong number ko. Thanks!" ang laman ng text na iyon at may smile emoticon pa sa dulo.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nabasa ko. At simula noon, naging mag-textmate na kami kahit nagkikita naman kami sa paaralan.
Doon ko nalaman ang dahilan ng pagliban niya. Nagkatrangkaso kasi siya kaya hindi siya agad nakapasok pagkagaling niya.

Naging close na rin kami
simula noon dahil tinigilan ko na ang pag-ka-cutting. Lagi na kaming sabay
pumasok at umuwi hanggang sa maging best friend na ang naging pagtrato namin sa
isa't isa. Gumagawa na rin ako ng assignment at nakikinig na 'ko sa guro namin.
Nabago niya ang dating ako.
Binago niya ako na para bang isang tunay na estudyante at utang na loob ko sa kaniya kung ano ako ngayon. Siya lang ang nagawa ng lahat nang iyon sa akin. At siya rin ang dahilan kung bakit umiiyak ako ngayon.
Maaaring mag-best friend lang kami pero, isa pa rin akong babae. Madali akong mahulog sa isang lalakeng alam kong mapagkakatiwalaan, maaasahan, at hindi nang-iiwan na lalake. At natagpuan ko na lang ang sarili kong may lihim na pagtingin sa bestfriend ko.

DALA-DALA ko ang lihim na iyon hanggang sa makatungtong kami sa ikaapat na taon namin sa sekondarya. Sinikreto ko sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko sa bawat araw na magkasama kami. Ang mga araw na iyon ay tila ba isang karayom na tinutusok ang buong katawan ko.
Mga araw na wala akong
magawa sa kalagayan ko dahil takot akong mawala ang pagkakaibigan namin at
hindi ko na siya makasama.
Pero minsan, alam ko sa sarili ko na sinubukan kong umamin sa kaniya...
Minsan, inaya ko siya sa isang tahimik na lugar sa village namin. Gabi iyon at saktong sakto para sa pag-amin ko.
Sasabihin ko na sana sa kaniya ang nararamdaman ko kaya lang, inunahan niya ako.
"'Tol, anong pangarap mong maging?" tanong niya.
Sa loob ko, gusto kong sabihin sa kaniya na pangarap kong maging asawa niya at makasama siya habang buhay dahil iyon lang talaga ang pangarap ko noon. Pero muli, inunahan niya ako.
"Ako kasi, pangarap kong maging pulis. Para mahuli ko 'yong lalakeng gumahasa sa nanay ko at pumatay sa kaniya," sabi niya at medyo narinig ko pang suminghot siya mula sa ilong.

"Bakit, hindi pa
ba siya nahuhuli?" usisa ko.
"Hindi pa, saktong pitong taon ngayon..." sagot niya.
Nagulat ako sa nalaman ko. May mga bagay pa rin palang hindi ko alam kahit na matagal na kaming magkaibigan. Naiintindihan ko naman kung nahihiya siya o nag-aalinlangan dahil na rin sa selan ng usaping iyon.
"Sorry..."
"Ok lang, ako dapat ang mag-sorry dahil naglilihim ako sa 'yo," sagot niya.
Noong mga oras na iyon, nakokonsensya rin ako dahil din sa paglilihim ko sa kaniya. Pero mas inisip kong best friend niya ako noong mga oras na iyon at kailangan niya ako. Hindi ko muna inisip ang sarili kong gusto dahil mas ginusto kong tumulong sa kaniya.
"Naiintindihan kita," sabi ko sabay hagod sa likod ng umiiyak na lalake sa tabi ko.
Unang beses kong makakita ng lalakeng umiiyak kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Pero isa lang ang sa tingin ko'y sigurado ako, isa ako sa pinakamasuwerteng babae sa mundo dahil kaibigan ko ang isang mapagmahal na lalake gaya niya.

HANGGANG sa dumating
ang isa sa hindi ko makakalimutang birthday sa buhay ko--ang 16th birthday ko.
May sakit ako noon at hindi na ako nagpagawa pa ng party sa nanay ko. Pakiramdam ko rin kasi ay matanda na 'ko para maghanda pa ng birthday party.
Dumating ang mga regalo galing sa mga kaibigan ko at dinalaw rin nila ako, puwera kay Timothy. Tanging text lang niya ang natanggap ko na nagsasabing, "...may sasabihin ako sa 'yo."
Nasabik talaga ako sa nais niyang sabihin kaya agad akong nagreply sa kaniya ng, "Ano 'yon?"
Kaya lang, namatay na ang cellphonr ko dahil empty battery na iyon kaya ipina-charge ko muna sa nanay ko at natulog muna ako para makapagpahinga. Nang magising ako ay umaga na at magaling na ako. Nataranta talaga ako dahil hindi ko nalaman ang sasabihin ni Timothy sa akin kaya agad akong lumabas sa kuwarto ko at pinuntahan ang nanay ko para kuhanin ang cellphone kong ipina-charge sa kaniya.

Pagkapunta ko sa
kaniya, nakitang kong umiiyak siya. Marahan ko siyang nilapitan dahil alam kung
hindi maganda ang pakiramdam niya.
"Ma, bakit?" usisa ko.
"Anak, patay na kasi 'yung matalik kong kaibigan. Nahulog sa bangin ang sinasakyan nilang kotse..." sagot niya habang umiiyak. "Kasama niyang namatay 'yong pamangkin niyang si Timothy."
Biglang bumilis ang tibok ng puso dahil sa sinabi niya. Sobrang kaba ang naramdaman ko habang umaasang hindi ang best friend ko ang Timothy na tinutukoy niya.
Tumakbo ako palabas ng bahay para puntahan ang bahay ng best friend ko at tama ang hinala ko.
Napaluhod na lang sa kalsada habang tinatanaw ang isang van na may dalang kabaong at ipapasok ito sa loob ng bahay ng best friend ko. Umagos ang luha mula sa mga mata ko habang dinudurog ang puso ko sa nakita ko. At hanggang ngayon, siya ang pa rin ang dahilan kung bakit umiiyak ako tuwing gabi. Kasi sana, hindi na lang ako nagkasakit noong birthday ko para hindi na lang siya napahamak.

Kuwento sa akin ng
tatay ni Timothy, gusto daw pumunta ni Timothy sa Baguio para bumili ng
strawberries at red roses para sa may sakit niyang kaibigan. Birthday din daw
kasi ng kaibigan niya at gusto niyang gawing espesyal iyon dahil labing-anim na
taong gulang na rin ito. Sinabi niyang bumili na lang sa mall dahil hindi siya
puwedeng magmaneho para kay Timothy. Pero sadyang
mapilit daw talaga ang anak niya kaya sa kapatid na lang niya, tiyahin ni
Timothy, ipinagkatiwala ang anak niya.
Pero nang pauwi na raw sila Timothy, biglang bumuhos ang malakas na ulan sa Baguio na nagdulot ng madulas na daan. At doon, nawalan sila ng kontrol sa kotse at dumausdos ito pababa sa isa sa mga bangin doon.
Hindi nila alam na ako ang tinutukoy ni Timothy na kaibigan niyang paglalaanan ng mga bulaklak at prutas na iyon.
Nangyari ang trahedyang iyon dahil lang sa pagnanais niyang bigyan ako ng hindi ko makakalimutang birthday. At nagtagumpay nga siya sa nais niyang iyon.

Ako nga ang dahilan
kung bakit hindi ko na siya nakakasama hanggang ngayon kaya ang tangi ko na
lang nagawa ay ang ipagpatuloy ang pangarap niya. Hanggang ngayon din nagsisisi
ako kung bakit hindi ko inamin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.
SA gitna ng pagluluksa ko, natanaw ko ang
cellphone ko at muli kong binasa ang mga naging pag-uusap namin sa text na hindi ko pa nabubura habang inaalala ang
lahat ng masasaya naming alaala. Hanggang sa makita ko ang isang text na hindi
ko pa babasa noon.
"Sikreto 'yon, sasabihin ko sa 'yo 'pag nagkita ulit tayo."
Iyon ang huling text na natanggap ko mula kay Timothy na hindi ko pa nabubura hanggang ngayon. At hanggang ngayon din, hindi ko rin alam kung ano ang sikreto niyang iyon.
Pero sisiguraduhin kong malalaman ko iyon kung hindi man ngayon, Timothy. At siyempre, ikukuwento ko ulit ang lahat ng ito, 'pag nagkita ulit tayo.

***W A K A S***
No comments:
Post a Comment