"DIMAGUIBA, APRIL..." Tawag ng math instructor habang hawak ang 1/8 na index card kung saan nakasulat ang roon ang pangalan ng first year high school room ipil- ipil na hinahawakan nito.
"Present Sir..." Nagtaas ng kamay si April na nasa likuran.
"Will you stand up, Ms. Dimaguiba." Tumayo si April na nasa likuran pa ng klase. Pinagtitinginan sya ng buong klase. Hindi nya mawari kung bakit? May mali ba sa itsura nya? Okey naman ang ilong nya kahit medyo may kapanguan iyon namana pa nya sa ilong ng lola nya, hindi rin naman siya maitim pero kayumangging tunay ang kanyang balat at ang kanyang buhok palagay niya hindi na pwedeng unatin pa iyon iyon dahil sagad hanggang anit ang pagkakulot. Sa kabuuan isang Aeta si April. Dahil malakas ang dugong Aeta ng kanyang tatay.
"Tell us something about yourself," sabi ng kanyang guro na nagpabalik sa naglalakbay na diwa ni April.
Tumikhim sya bago nagsalita.
"I'm April Dimaguiba, 13, from Sitio Tana." Mabilis na sagot niya. Narinig nya ang bulung- bulungan sa buong klase.
"Ms. Dimaguiba, may I remind you that this is not a beauty pageant, take your seat.''
Mabilis na umupo si April kasabay nyang narinig ang tawanan sa buong klase, napahiya sya. May mali ba sa sinabi nya?
"Shuma- shamsey Supsup lang ang peg." narining nyang bulong ng isang kaklase nya.
"Oo nga, feeling beauty queen ang itim naman." Lalong umugong ang tawanan at hagikhikan sa buong klase.
"Class, keep quiet!" sigaw ng kanilang guro. Namumula ang pisngi ni April sa isang sulok, o ayon sa narinig nyang malakas na bulong ng isang kaklase nya ay nagiging kulay talong na daw ang mukha niya imbes na namumula. Hindi nya maawat ang panunukso at pambubuska ng mga ito sa kanya, sinosolo nya ang pagkapahiyang nararamdaman nya ng mga sandaling iyon. Unang araw pa lamang ng pasukan at may isang taon pa nyang makakasama at magtiis sa ugali ng mga ito.
"MS. SUPSUP, isang tsunami walk naman diyan oh." Isang grupo ng kaklase ni April ang nadaanan nyang nakaupong nakahilera sa isang bench na nasa harap lang ng kanilang room. Binilisan ni April ang paglalakad bitbit ang mga pinamiling pagkain ng mga kaklase nyang babae, breaktime kasi nila ng mga oras na iyon. Hindi na nga rin sya nakabili ng kanyang pagkain dahil hindi na rin naman niya mabitbit iyon sa dami ng mga pinabili sa kanya.
"Ang bait mo talaga April, 'wag kang mag- alala pagdating ng recognition day natin mabibigyan ka ng isa medal na may nakasulat na 'Dakilang utusan ng taon'." Sabi ni Mylene sabay halakhak kasama ang buong grupo. Nasaktan sya narinig. Pakitang- tao lang ba ang pinapakita ng mga ito sa kanya? Isang nang- uuyam na ngiti ang ipinupukol ng mga ito sa kanya.
Lumayas sya sa harapan ng mga ito, pero hindi pa man siya nakakalayo ay pinigilan na sya ng mga ito.
" Oy... oy...'asan ang sukli ko?" si Mylene.
"Ako rin 50.00 'yung pera ko ah." inilahad rin ni Gale ang kamay.
Pati na rin ang iba pang nagpabili sa kanya. Ipiniksi ni April ang brasong hawak ni Mylene.
"Yong mga sukli niyo ba? Tutal naman ang sisipag niyong magpabili diba? Eh, di kayo na ang bahalang kumuha ng mga sukli nyo sa canteen." Aniya't nilayasan na ng tuluyan ang mga ito.
Napatunayan ni April kung gaano kalupit ang mga kamag- aral nya kung hahayaan nyang api- apihin na lamang sya ng mga ito. Sabi ng kanyang inay ay masarap daw ang mag- aral, marami syang natututunan, at sabi naman ng kanyang tatay ay marami raw syang mga magiging kaibigan. Pero ang sinasabing mga kaibigan ng kanyang tatay ay wala syang makita. At hindi kanais- nais maging kaibigan ang kanyang mga kaklase, natututo syang maging maldita dahil na rin sa pag-uugali ng mga ito. Akala mo pag-aari ng mga ito ang eskwelahan kung umasta, akala mo anak ng mga director ang mga ito na pwede na lamang iutos sa kanya anuman ang gustuhin ng mga ito sa lahat ng oras.
Pareho kasing hindi nakatuntong ang mga magulang ni April sa high school at undergraduate pa ng elemenray ayon na rin sa kwento ng mga ito. Kaya’t gusto ng mga itong kahit sya man lang ay makatapak sa high school. Kaya’t sa bawat araw na pumapasok sya ay lagi nyang ipinapasok sa isipan ang bawat sentimong pinagpapaguran ng kanyang magulang para lang sa allowance nya ng sa ganun ay hindi sya paghinaan ng loob dahil sa mga hindi makatarungang pagtrato sa kanya ng kanyang mga kaklase.
“Kumusta ang pag- aaral mo anak?” minsan ay tanong ng kanyang nanay Lucing.
“Ok lang naman po inay kahit papano.” Ang lagi nyang sagot, wala syang problema roon dahil hindi naman sya bumabagsak, mahilig syang magbasa at mag- scan ng notes bago pumasok sa skwela para laging may laman ang utak nya sa mga on- the- spot question ng mga teacher nila sa bawat subject. Ang tanging priniproblema nya ay ang mga pambubuling natatanggap nya sa kanyang mga kaklase.
“Pagbutihin mo anak, yan lamang ang pamanang maaari naming maibigay sa’yo.” Laging bilin ng kanyang ina. Iyon pa ang lagi nyang pinanghahawakan kaialang nyang mag- aral at magtiis para makamit ang pamanang iyon balang araw.
Ayaw naman nyang biguin ang kanyang mga magulang, umaasa ang mga itong makakapagtapos sya kaya hindi rin sya susuko dahil sa mga kaklase nyang walang magawa sa buhay kaya pinagti-tripan sya palagi. Mas mahirap na siguro kapag hindi sya makakatapos lalo lamang tatapak- tapakan ng mga ito ang kanyang pagkatao.
DAHIL sa mga matataas na markang nakuha ni April ay napunta sya sa star section, ang section kung saan lahat ay halos matatalino, pinangarap nya ring mapunta roon kaya pinag- igihan nyang mabuti ang pag- aaral baka sakaling magiging maayos na ang trato ng lahat sa kanya katulad ng trato ng mga ito sa mga taga-star section, tinitingala iniilagan at nirerespeto. Kaya heto sya ngayon sa pangatlong baitan nya sa high school ay napabilang na sya sa mga ito, isa na sya sa mga estudyanteng matatalino sa loob ng campus nila.
Nawala sa paningin nya ang mga kaklaseng mahilig mambully sa kanya, isa iyon sa mga dahilan nya para malipat sya ng section. Panibagong kaklase ang kanyang haharapi, sa pagkakataong iyon mayroon na kaya syang mga magiging kaibigan? Wala na kayang manunukso at mambubully sa kanya. Nasa star- section na sya siguro naman magiging maayos na ang lahat at wala na syang magiigng problema.
Bitbit ni April ang bag ay pumasok na sya sa room Mahogany ayon sa nakasulat sa papel na ibinigay sa kanya. Kumikinang ang mga matang ipinalibot nya ang tingin sa loob ng nasa pintuan na sya. Ang ganda sa loob parang nasasalamin nya ang itsura sa kumikintab na tiles nainaapakan nya. Amg bongga ng room de- tiles pa hindi tulad ng roon na pinanggalinga nya red- cement na bitak- bitak pa ang hirap pakintabin tuwing naglalampaso siya.
“Excuse me, whoever you are, mukhang nagkamali ka yata ng room na pinasukan, nasa dulong- dulo pa ng pasilyong ito ang kinaroroonan ng Last section, kung hindi mo napapansin ay nakakastorbo ka sa klase namin.” Tumayo pa ang babae at minuwestra ang pintong pinasukan nya na para bang pinapalabas na sya nito.
“Ako?” itinuro ni April ang sarili.
”May iba pa ba? May nakasabay ka bang pumasok? Ang sabi ko nasa dulo nito ang last section in case na naliligaw ka.” Sabi pa nito.
Ngumiti sya sa mga ito, a friendly smile. “Naku Ms. Nagkakamali ka dito talaga ako, room mahogany diba? Ako nga pala si April Dimaguiba, ang bago nyong kaklase.” Pagpapakilala nya sa sarili saka sya dumeretso sa sa bakanteng upuan sa likuran ng klase. Nakarinig sya ng tawan at bulung- bulungan ng kanyang mga kaklase.
“Feeling matalino, ang kapal ng mukha ang itim naman.” Narinig pa nyang anas ng isa sa mga nakaupo sa hindi kalayuan sa kanya.
Parang pinagbasakan sya ng langit at lupa, parang hindi sya nakawala sa mga dating kaklase nya, dahil ganon na ganon rin ang trato ng mga sa kanya noon.
Ganoon na naman ba ang kanyang haharapin sa buong taon? Isang taon na naman sa buhay nya ang kanyang bubunuin para harapin ang mga mapanghusgang tingin ng mga ito sa kanya. Isang taon naman sandamakmak na lakas ng loob ang kanyang babaunin sa araw- araw ng kanyang pagpasok.
Sumasabay na lamang si April sa mga ito sa oras ng klase pero umiiwas sya pagdating ng breaktime, lunch time at uwian.
“MISS, yung ID mo nahulog…” napalingon si April sa kanyang likuran ng maramdamang parang may sumusunod sa kanya.
“Ako ba?” sabay turo sa sarili. Tumango ang babae sabay abot ng kanyang ID.
“Salamat.” Aniya at bahagya lamang itong nginitian sabay nagpatuloy na sa paglalakad. Kailangan nyang umiwas sa mga taong katulad ng mga ito dahil hindi nya alam kung kaibigan o manlalait lamang ng itsura.
“Pwedeng sumabay?” anang babae na sumusunod pala sa kanyang likuran, hindi nagtagal ay umagapay na rin ito sa kanyang paglalakad.
Natigilan si April, o mas tamang sabihing nagulat sya? Kailan pa may nagkainteres na sumabay sa kanya? Ni tingin nga ay halos ayaw siyang tapunan ng lahat.
“Ako nga pala si Alliza.” Pagpapakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay. Ayaw sanang tanggapin ni April iyon pero naramdaman nya ang sinserong makikipagkaibigan nito.
“April.” Aniya saka tinanggap ang nakalahad nito kamay. Tuwang- tuwa si April sa wakas mayroon na rin syang maituturing kaibigan. Si Aliza na mula pa sa last section.
HINDI naman nakikipagkompetensiya si April sa loob ng klase pero parang kalaban ang tingin ng lahat sa kanya at handang ihagis palabas anumang oras na makagawa sya ng anuman hindi gusto ng mga ito.
Bagong salta lamang sya sa star- section pero natatakot ata ang mga itong maungusan nya ng grades ang mga ito. Hinihintay nya palagi ang Luch time para makasama na nya si Allliza, dito sya nagsasabi ng lahat ng sama ng loob kapag ganoong hindi na nya kaya.
Kahit nasa last section si Alliza ay marunong itong makinig sa mga hinaing nya, kino- comfort sya nito palagi at handa ang mga balikat nito sa tuwing gusto nyang umiyak. Sapat na iyon sa kanya kahit iisa lang ang kaibigan nya basta marunong makinig kapag kailangan nya ng mapaghihingaan ng sama ng loob.
Sa kalagitnaan ng taon ay bumaba ng husto ang mga gardes ni April, katunayan ay nasa pinakahuling top pa nya siya. Isa iyon sa mga pangyayari sa loob ng mga taong nag- aaral siya na wala syang pinagsisisihan ayaw na nyang mapunta sa star section, ayaw na nyang mabully, ayaw na nyang masaktan, pagod na syang umiyak gabi- gabi at magising sa umaga ng kailangang ngumiti. Ang hirap gawin niyon para sa kanya. Gusto nyang makasama si Alliza, ang tanging taong kaibigan nya, ang taong nagparamdam na mahalaga sya, ang taong nagpapahalaga sa damdamin nya, ang taong nagparamdam na tao rin sya.
PALINGA-LINGA si April sa kanyang bagong paligid, ilan sa mga bagong kaklase nya ay taga last- section ng fourth year high school ang kanyang huling taon sa sekondarya. Oo, ngayong taon ay bumagsak sya sa last section, bahala na kung anong mangyayari. Nanatawang isipin mula sa katulad nyang galling sa star section ay bumagsak sa last section. Wala na syang pakialam roon. Gusto nyang makalayo sa mga taong nanlalait sa kanya, gusto nyang makawala sa anino ng mga ito. Hindi nya kailangang ipagsiksikan ang sarili sa mga taong hindi naman sya tanggap kahit hanggang kaibigan lang.
“Hi…” isang grupo ng kabataan ang lumapit mula sa sulok na kinaroroonan nya. Tininggan sya isa- isa ng mga ito. Nailang sya bigla. bubulihin na naman ba sya? Ano na naman kayang mga bagong panlalait ang iniisip ng mga ito na ibabato sa kanya. di bale sanay na sya roon, hindi na sya dapat masaktan. Sapat na ang tatlong taon para tumibay ang dibdib nya. May mga tao talagang nilikhang mapanghusga sa kapwa at hindi alam tignan sa salamin ang sarili. may mga taong hindi tanggap ang kapwa tao, salamat na lamang pala sa mapagmahal nyang mga magulang.
“Hello…” ganting bati nya sa mga ito.
“Bakit nandito ka lang sa isang sulok? ayaw mo bang makisalamuha sa mga tulad naming porket nandito kami sa last section? iniisip mo rin bang baka maalihan ka sa kabobohan naming?” anang isang babaeng nasa pinakaunahan ng mga ito.
“Sabi na nga ba eh. iyong mga taga star- section masasama talaga ang ugali, ayaw makipagkaibigan sa mga katulad namin. Hindi man kami kasintalino nila masdiskarte naman kami.” anang isa pa.
“Tsaka isa pa, hindi naman kami bobo ah, sadyang matatalino lang talaga sila.”
Narinig nya ang samut- saring negatibong komento ng mga ito sa pinanggalingan nya. Hindi lang pala sya ang nag-iisang nag- iisip ng ganoon
“Katulad ka rin ba nila?” nang- uusig na tanong ng mga ito sa kanya. Sunod- sunod ang nagging pag- iling ni April. Nilapitan sya ng isa sa mga ito.
“Umiiyak ka na wala pa kaming ginagawa sa’yo.” inabutan sya nito ng isang panyo, “Gusto ka lang naman naming maging kaibigan.
Lalong napaiyak si April. Sinong mag- aakalang sa mga ito pa sya makakatagpo ng kaibigan, ang mga ito pa ang mag- aalok sa mga ng pakikipag kaibigan ng hindi nya ipipilit ang kanyang sarili.
Magkakaroon na ba sya ng kaibigan bago man lang nya lisanin ang kanyang alma mater? Magiging makulay na kaya ang kanyang high school life?
ANG sarap ng mga maraming kaibigan, napagtanto ni April, pumapasok siya ng school ng may ngii sa mga labi, wala syang pinangangambahan at anumang alalahanin nab aka kung ano na naman ang sapitin nya sa buong araw na iyon, at umuuwi sya ng hapon na masaya at walang pagpapanggap.
Nabibigyan ny ng tunay na ngti ang kanyang mga magulang, wala ng bahid iyon ng pagkukunwari. Hindi katulad noon na pinipilit nya ang sariling masing masaya sa harapan ng mga ito kahit na sa kaloob- looban nya ay durog na durog na.
Hindi nya kailangan tumapat sa mga taong matatalino na walang ibang gawin kundi alisputahin ang mga hamak na katulad nya para lamang makakuha ng respeto mula sa iba. Mayroon palang mga taong handang tanggapin sya at gawing kaibigan ng walang ibang motibo.
Si April ang madalas na leader at nagsisilbi ring tutor ng mga last section sa tuwing may exams at activities sila, sama- sama silang nagrereview sa tuwing sumasapit ang periodical test. At si April ang unang- unang natutuwa sa tuwing pumapasa ang lahat, ibig kasing sabihin niyon at nakikinig talaga ang mga ito sa tuwing nagpapareview sya.
“Sayang ‘no? kung bakit ngayon lang kasi tayo nakatagpo- tagpo, kung kailan patapos na ang school year, kung kailan malapit na tayong magkahiwa- hiwalay.” malungkot na sabi ni Alliza. Naroon sila sa ilalim ng punong mangga, nakahilerang nakaupo habang hinihintay ang oras ng pasukan. Nakakalungkot rin naman talagang isipin lalo na kay April dahil pakiramdam nya nasa first year high school pa lamang sya dahil ngayon pa lang nya nakikilala ang mga bagong kaibigan.
“Oo nga eh, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nakilala ko kayo sa mga panahong ito.”
Masarap kasi sa pakiramdam na may mga taong nagtatanong ng kung anong problema kapag tahimik lang siya, yung may mag-aabot ng panyo kapag umiiyak sya, at iyong may balikat syang sinasandalan kapag feeling nya ay hindi na nya kaya.
“Sana sa pagtuntong natin sa college ay makakasama ko pa rin kayo.” sabi ni Uge, para sa isang katulad nya, mahirap nang makahanap ng katulad ng mga ito, animo kahit panahon ay sinusubukan ang kanilang samahan. Malapit na silang magkahiwa- hiwalay. Nagkamali si April sa naiisip noong una, hindi pala malupit ang mundo, sadyang mali lang siya ng mga sinasamahang tao. May mga tao rin naman palang naghahanap rin ng kaibigan, at maswerte syang natagpuan nya ang mga ito bago pa sya gagraduate.
“Sana nga…” lihim na nausal nya, paano nya muling haharapin ang buhay collge kung papalarin syang makapsok kung wala na ang mga ito sa tabi nya.
“Hindi pala talaga lahat ng may utak ay mapagmataas.” parang wala sa sariling sabi ni Anja, sinang- ayunan naman ito ng mga kasamahan.
“Nagtitiis kang turuan kami, kahit na medyo nahihirapan kana, kahit sobrang kulit naming, hindi mo kami sinusukuan.”
“Wala ‘yon, sa totoo lang ay Masaya ako sa ginagawa ko.” ano lang naman kasi ang ginagawa nyang pagtulong sa mga ito kumpara sa pagkakataong ibinigay ng mga ito sa kanya para maging kaibigan. Hindi iyon kayang tumbasan ng anuman. “Tinaggap niyo akong bilang kaibigan at hindi nyo ako nialait at binu-bully katulad ng ilan.
“Bakit naman namin ‘yon gagawin sa’yo ‘no, mga walang utak at walang magawa sa buhay lang ang mga gumagawa ng ganon.” Naputol ang kanilang kwentuhan ng marinig na nila ang bell, sabay- sabay na silang tumayo, nakasalubong nila ang mga taga star- section, isang nag-iinis na tingin ang nakuha nya mula sa mga ito. Yumuko na lamang sya at hindi na pinatulan pa ang mga iyon, wala namang sumasakit na parte ng kanyang katawan sa ginagawa ng mga ito.
“Ang yayabang talaga.” narinig nyang sabi ng mga kasama nya, nang masigurong nakalayo na ang mga ito. Isa lang ang ipinagpasalamat nya, kung hindi dahil sa mga ito ay hindi nya makikilala ang mga tunay na kaibigan na kasama sya sa mga sandaling iyon, handa syang ipagtanggol anumang oras.
ARAW ng kanilang pagtatapos.
Kasama nya ang kanyang nanay at tatay ng tanggapin nya ang kanyang diploma, may natanggap rin syang parangal na‘huwarang estudyante ng taon’ taliwas sa mga sinabi ng dating mga kaklase nya na ‘dakilang utusan ng taon’. Simbolo iyon ng pagpupursiging iginugol nya sa pag- aaral sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nya.
Masayang pinagmamasadan nya ang kanyang mga kaklase na tuwang- tuwa habang hawak ang kani- kanilang diploma, nagbigay ng tig- iisang thumbs- up ang mga ito sa kanya. Nang pumailanlang ang “Farewell” na isa sa mga graduation song nila ay hindi nya mapigilang umiyak, panahon na talaga para mahiwalay sya sa kanyang mga kaibigan. Malaki ang nagging parte ng mga ito kaya nanging Masaya ang kanyang high school.
Pumikit sya at nagpahid ng luha, pagmulat nya ay apat na kamay ang may hawak na panyo ang nakalahad sa kanyang harapan. Si Allza, Zena, Uge at Anja.
“Wag ka ng umiyak hindi pa naman ito ang huli diba,” pero naiiyak ring sabi ni Alliza, niyakap sya ng mga ito. “Sa college magkakasama pa rin tayo.” anito Inabutan sya ng cellphone bilang regalo daw, para raw kahit nasa malayo ay matetext pa rin nila ang isa’t- isa. “Ito lang ang tangi naming maibigay sayo sa dami nang naitulong mo sa amin, dahil sayo nahawakan na rin namin ang aming mga diploma.
“Isa ka talagang ‘huwarang estudyante’April, isang maaasahan at mabait na kaibigan.
Niyakap sya ng mga ito. Sa pagtatapos nya ng high school mayron na rin syang masasabing masayang ala- ala na kanyang naipon sa piling nang kanyang mga kaibigan.
Hindi na sya mahihirapang harapin ang buhay college dahil tinuruan naman sya ng mga ito kung paano harapin ng may positibong pananaw ang anumang negatibong darating na pagsubok sa kanyang buhay.
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment