One Shot Writing Contest Entry #15: Learn To Love And Forgive by Sandrea Samonte


“O, ‘nak, pasensya ka na kung ito lang ang maibibigay ko sa’yo ha.Matumal kasi ang benta kaya hindi naubos ang paninda kong gulay.” Wika ni aling Norma habang inaabot kay Ana May ang tatlumpong pisong pera nang umagang iyon ng lunes.

“Nako, huwag na po Inay!” Mabilis niyang tanggi. “Mayroon pa naman pong natira sa perang kinita ko nitong bakasyon kaya itabi niyo na lamang po iyan.Makakatulong po iyan kapag kinapos kayo.” Nakangiti niyang saad sa ina.

Napansin niyang nagtubig ang mga mata ng nanay niya at siguradong anumang oras ay babagsak na ang mga luha nito.

“Inay naman! Ang aga-aga nagdadrama kayo.” Wika niya sabay yakap dito.

“P-pasensya ka na anak, hindi ka kayang tulungan ng nanay.Kahit kaunting tulong sa pag-aaral mo ay hindi ko magawa.” Umiiyak nitong wika.Hinagod naman niya ang likod nito.

“Huwag niyo pong alalahanin iyon nay.Naiintindihan ko naman po.Nagsisikap ka rin naman pong magtrabaho para sa atin kaya huwag niyo pong alalahanin ang pag-aaral ko.”

“Sana anak, huwag kang sumuko sa pag-aaral mo dahil lang sa mahirap tayo. Iyan lang kasi ang alam kong yaman na maaring makatulong sa’yo pagdating ng araw.”

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa ina saka tumingin sa mga mata nito.

“Inay, naniniwala po ako na hindi hadlang ang kahirapan tungo sa tagumpay!”

Napangiti naman ito sa tinuran niya.

“Hayaan mo ‘nak, lalo pang magsisikap si nanay upang kahit papaano ay may mai-abot ako sa ’yo.”

“Kayo po talaga inay.Sige po, mas pag-iigihan ko po ang pag-aaral.”

“Salamat anak!” malapad na ang ngiting wika nito. “O, siya sige lumakad ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo.”

“Sige po.”

Nagmano siya sa nanay niya saka humalik sa pisngi nito.

“Venus, alis na ako ha.” Paalam niya sa kapatid niyang abala sa pagsusuot ng school 
uniform. “Bantayan mong maige si Charie sa school ha.” Tukoy niya sa bunso nilang kapatid.

“Opo ate!” sagot nito nang lumingon sa gawi niya.

“Sige, ‘nay, alis na po ako.”

“Mag-iingat ka!”

“Opo!”

Tuluyan na siyang nanaog ng bahay.Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay muli siyang lumingon sa luma nilang bahay na nakatirik sa squatters area na iyon.Malamlam ang mga matang tumitig siya roon.

“Mag-aaral po ako ng mabuti para sa inyo nay.” Mahina niyang wika. “Tiis na lamang po tayo.Alam ko pong balang-araw ay giginhawa rin tayo.Kung kailangan pong gumapang ako, gagawin ko mabigyan lang kayo ng marangyang buhay.” Wika niya kasabay ng pagpatak ng iilang butil ng luha sa kanyang pisngi.Agad din niya iyong pinahid at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga bago tuluyang naglakad patungo sa paradahan ng pedicab.

Mula nang mawala ang butihin niyang ama, ang nanay na niya ang nagtaguyod sa kanila.Kaya kapag may bakante siyang oras ay pumapasok siya sa mga karinderya bilang tagahugas ng plato.Minsan naman, bilang isang waitress sa maliliit na restaurant.Nitong bakasyon ay inilaan niya ang oras sa paglalako ng mga kakanin.Nasubukan din niyang maging isang kasambahay.

Lahat ng klase ng trabaho ay pinapasok niya makatulong lang sa nanay niya at sa pag-aaral na rin niya.Siya kasi ang nagpapa-aral sa sarili niya,  imposible man pero iyon ang totoo.Ang nakakaya lang kasi ng kinikita ng nanay niya ay ang kanilang pang araw-araw na gastusin.Malaking tulong din ang pagiging scholar niya, pati na rin ang pagiging working student niya.

Sa isang public school lang siya nag-aaral.At kapag dumarating sa puntong gusto na niyang sumuko, pilit niyang inaalala at itinatatak sa puso’t isipan ang paborito niyang motto.Ang “Poverty is not a hindrance to success.”.Iyan ang isa pang nagsisilbing inspirasyon niya sa pag-aaral.

PAGSAPIT ng sinakyan niya sa gate ng Bolnerillo National High School ay agad na siyang bumaba at pumasok sa loob.Naglalakad na siya sa pathway ng school nang mahagip ng kanyang paningin si Kefren na nakaupo sa purok ng Sophomore.Ibig bang sabihin ay dito rin ito mag-aaral?

Kilala niya ang binata dahil naging kaklase niya ito noong first year siya.Subalit nang mag-second year sila ay napunta ito sa ikatlong section.Wala kasing pumapasa sa mga exams nito.Lagi pa itong lumiliban sa klase.Nang mag-third year sila ay doon pa rin ito.Minsan, sinubukan niya itong lapitan upang yayaing mag-aral ng mga lessons nila pero iniwan lang siya nito.Tinanong niya rin ito minsan kung may problema ba ito dahil ayaw nitong magtino sa pag-aaral.At sa kahuli-hulihang pagkakataon, muli siya nitong iniwan at sinabihan pang huwag itong pakialaman.

Napag-alaman niya sa mga kaklase niya na anak ito ng isang business tycoon.Nagloloko raw ito sa mga paaralang pinapasukan nito kaya minabuti ng mommy  nito na ipasok ito sa isang normal na paaralan upang sa ganoon ay magbago raw ito at matutong magtino sa pag-aaral.Ngunit sa tingin niya ay mukhang malabo iyong mangyari.Binawi na niya ang tingin mula rito saka tuluy-tuloy ng naglakad.

Nasa tapat na siya ng bulletin board nang makarinig siya ng sigaw kaya napahinto siya.

“Best friend Manalastas!”

Sigaw ni Jenie Palgan habang patakbong lumapit sa kanya.

“Best! Na miss kita! Sobra!” wika nito nang makalapit sa kanya.

Naramdaman yata nito na wala siyang balak tugunin ang yakap nito kaya agad itong napakalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

“O, mukhang hindi mo ako na miss ah.” Tila nagtatampo nitong wika.

“Hindi naman Manalastas ang pangalan ko ah!” kunwari ay pagalit niyang wika.Napansin niyang mas napasimangot ito. “Oh my gosh! Super duper over major kitang na-miss best!” tili niya sabay yakad dito ng mahigpit.

“Baliw ka talaga! Akala ko totoong galit ka.” Natatawa nitong wika.

“Hindi ka na mabiro.O, tayo na! Baka mahuli tayo.First day of school pa naman.” Wika niya nang kumalas sa kaibigan.

“Ano nga pala ang  section mo?” tanong nito habang naglalakad sila patungo sa room ng mga fourth year.

“Section A.Ikaw?”

“Sa B ako.”

“Ay, akala ko pa naman makakasama na kita sa iisang-room.”

“Hindi naman ako kasing galing mo eh.” Nakakamot sa ulo nitong wika.

“Ikaw talaga.Oh, dito na ang room ko.So, bye na!”

“Bye best!”

Pagka-alis ni Jenie ay agad na siyang pumasok sa room nila.Wala pa masiyadong tao roon, kung mayroon man ay parang ngayon lang niya nakita ang mga ito.Abala ang mga ito sa pag-uusap kaya tumuloy na lang siya.Pagtingin niya sa mga silya ay may nakadikit ng pangalan doon.Kaya hinanap na lang niya kung saan nakalagay ang sa kanya.Natanaw niyang nasa second to the last row ito.M kasi ang family name niya.Tinungo na niya iyon at naupo.

 Unang tunog ng bell ay nagsidating na sina Rona, Dap, Rose, Leah at si Angelo na pawang mga  kaklase at kaibigan niya mula noong first year siya.Nang makita siya ng mga ito ay agad itong nagsilapit at niyakap siya.Matapos ang kumustahan ay nagpasya silang mag-kwentuhan muna.Tutal wala pa namang time.Dahil nalibang sila, hindi nila napansin na ikatlong tunog na pala ng bell kaya bumalik na ang mga ito sa kani-kanilang upuan.Eksaktong pagtingin niya sa may pinto ay siya namang pagsulpot  doon ng isang lalaki.Agad niya naman itong nakilala.So, magkaklase pala sila?

“Uy, si Kefren oh!” narinig niyang wika ng isa niyang kaklase.

“Akalain mo, kaklase natin siya ulit.” Tila kinikilig ding wika ng isa pa.

“Hay! Ang gwapo niya talaga!” tila hibang namang wika ni Dap.

Habang si Kefren ay tila walang pakialam sa mga ito.

Nagkibit balikat na lang siya.Yeah, tama ang mga ito.Gwapo nga si Kefren, matangkad, maputi at matangos ang ilong.Almost perfect kaya maraming nagkaka-crush sa binata.Tuluy-tuloy itong naglakad palapit sa kanya habang nakapamulsa ang mga kamay nito.May suot din itong headphone.Walang sabi-sabing dumaan ito sa harap niya saka naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya mismo.Kakausapin sana niya ito subalit dumating na ang teacher nila.

“Good morning class!” nakangiting bati ni Ms Jonabelle Tiniam.Ang English teacher nila.

“Good morning ma’am!” sabay-sabay nilang wika maliban kay Kefren.

“How’s your vacation?”

“It’s fine ma’am.” Mabilis namang sagot ni Rona.

“That’s good!” Nasisiyahan nitong wika. “Now, since its first day of school and some of you are transferees, and the others came from  different sections so you better introduce yourself one by one.Let’s begin with this row.” Tukoy nito sa first row.

Nagsimula na ang  pagpapakilala hanggang umabot sa kanila.Tumayo na siya at pumunta sa harapan.

“Hello classmates! I know some of you knew me already because we’ve  been together since first year till now.And for those who don’t know me yet, my name is Ana May Manansala.I lived at Kalbario Street.16 years of age!”

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase niya.Bumalik na rin siya sa kinauupuan niya.Isang minuto na yata siyang nakaupo subalit hindi pa rin natitinag sa pagkakaupo ang binatang katabi niya.Nang lingunin niya ito ay nakapikit pala.Tinatawag na rin ito ng teacher nila at pinagtitinginan na rin ito ng mga kaklase nila.Hindi na siya nagdalawang-isip pang tanggalin ang suot nitong headphone.

“What the hell do you think you’re doing?” galit nitong baling sa kanya.Bahagya lang siyang nagulat saka nakipagtitigan dito.

“Tawag ka ni ma’am.” Wika niya.

“Mr  Manuel, if you’re not interested in my class, the door is open for you.” Kalmadong wika ni teacher Jonabelle.

Walang imik itong tumayo at pumunta sa harapan.

“Kefren Villafuerte Manuel.” Maikli nitong pakilala saka ito naglakad pabalik sa upuan nito.

“Next time, do it in a proper way.Hindi ‘yong napipilitan ka lang.”

“I will ma’am.”

Hinablot nito sa kanya ang hawak niyang headphone.Hindi na lang siya nagsalita pa at nakinig na lang sa instruction ng teacher nila.Pinapasulat sila nito kung anu-ano ang mga ginawa nila nitong kakatapos lang na bakasyon.As usual, hindi gumawa si Kefren.


INIS na bumaba ng sinakyan nitong pedicab si Kefren.Ito ‘yong pinaka ayaw niya.Ang mag-commute.Hindi kasi siya pinayagan ng mommy niya na gamitin ang kotse niya.Pumasok na siya sa mataas na gate ng bahay nila saka tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
“Magandang hapon seniorito!”

Agad na bati ni Aling Paula sa kanya.Isa sa mga kasambahay nila.

“Where’s Elizabeth?” tanong niya nang huminto sa tapat ng katulong.

“Lumuwas siya ng Manila kanina lang seniorito dalawang-araw daw siya roon.”

“Okay!”

Pagkarinig sa sagot ng katulong ay walang sabi-sabing naglakad siya papanhik sa ikalawang palapag ng bahay nila.

“Seniorito, sabi po ng mommy niyo---“

“I’m tired!” wika niyang hindi manlang nag-abalang lingunin ang katulong.

Pagkapasok niya sa silid ay nilock niya iyon.Nagpahinga siya saglit bago nagpasyang mag-shower.Matapos ang ilang minutong pagbabad sa shower ay lumabas na siya at nagsuot ng boxer short.Pahinamad siyang nahiga sa kama sabay pikit ng mariin.Gusto na niyang matulog.May pasok pa siya bukas.Ilang sandali lang ay tuluyan na siyang naidlip.


KINABUKASAN ay late na siyang pumasok.Nagsisimula na ang klase nila sa Mathematics nang dumating siya.Ito kasi ang first period nila tuwing martes at huwebes.

“Good morning sir!” bati niya saka tuluy-tuloy ng pumasok.

“You’re late Kefren!” wika ni Sir Vicente.

“I’m sorry sir.”

“You’re forgiven.But don’t do it again if you want to pass in my subject.”

“Yes sir.”

“You may sit down.”

Tinungo na nga niya ang kinauupuan niya.Nakita niyang tinititigan siya ni Ana May.Kilala na niya ang dalaga dahil sa lahat ng naging kaklase niya noon ay ito lang ang naglakas loob na lapitan siya at yayaing mag-aral ng lessons nila.Iniiwas niya ang tingin dito saka naupo na sa silyang katabi nito.

“Who wants to solve and explain  the problem on the board?” tanong ng Math teacher nila.

“Sir!” mabilis pa sa alas-kwatrong nagtaas ng kamay si Ana May.

“Okay, Miss Manansala.”

Excited itong nagpunta sa harapan at kung paano ito kabilis nagtaas ng kamay ay ganoon din nito iyon nasagot.Unbelievable! Ang ganda pa ng pagkaka-explain nito.

Lihim siyang napangiti, likas talagang magaling ang dalaga.Noong first year sila ay ito ang nangunguna sa klase.Hanggang nag-third year sila ay ito pa rin ang first honor.Rinig niyang scholar ito at president din ng Student Government Council.

Madalas itong maging emcee kapag may mga programs sila.Halata talagang masipag itong mag-aral kaya siguradong proud ang mga magulang nito.Dahil sa isiping iyon ay bigla siyang nalungkot.Subalit pilit niya iyong iwinaglit sa isipan.Nagpalakpakan ang mga kaklase nila matapos magpaliwanag si Ana May.Nakangiti itong bumalik sa upuan nito.Muli namang nagsulat sa black board ang teacher.

“Who wants to try?”

“Ah, sir! Si Kefren daw po.” Gulat siyang napatingin sa dalaga.

“What’s wrong with you?”

“Bakit? Hindi mo alam ang sagot?” nakangisi nitong tanong.

“Kefren? Are you going to solve the problem?” untag sa kanya ng teacher.

“Yes sir!” Nawika na lang niya.

“Go! Kefren!” narinig niyang wika nito.

This girl is so unbelieveable! Sa loob-loob niya habang patungo sa harapan.Mabuti na lang at may stock knowledge siya about  Algebra  kung hindi ay baka mapahiya siya sa klase.Matapos niyang masagot at maipaliwanag ang sagot ay nagpalakpakan ang mga kaklase niya.Kakaiba namang tuwa ang nakita niya sa mga mata ni Ana May.


NATAPOS ang ilang lingo nilang klase na naging maayos at mapayapa.Masaya siya dahil nagawa niyang pasagotin sa board si Kefren.Halatang magaling ang binata pero ayaw lang talaga nitong mag-aral ng mabuti.Minsan sa klase ay pinipilit niya itong mag-participate. 

Minsan ay pumapayag ito subalit mas madalas itong tumanggi.Hanggang lumipas ang isang buwan at dumating ang araw ng preliminary examination nila.Akala niya ay matino na ang binata.Subalit mali siya dahil wala na namang pumasa isa man sa mga exams nito.Minsan tuloy naiisip niyang baka may matindi itong pinagdadaanan.Kailangan niyang gumawa ng paraan, baka sakaling mapatino niya ito.Tamang-tama naman dahil mukhang masisimulan niya iyon ngayon.

“For your first project, I want you to make greetings card, invitation card, resumes, business cards and news letter.Find your partner para hindi kayo mahirapan.Anyway, you have your module naman hindi ba? Malaking tulong ‘yan.” wika ni Ms Lesly Mae Negre, ang computer teacher nila. “If you’re done doing your project, please sent it to my facebook account.Is that clear?”

“Yes ma’am!”

Sabay-sabay nilang sagot.

“Let me know kung sino ang partner niyo para marecord ko.”

“Ma’am! Kami po ni Kefren.” Wika niya.

“Okay Ana.”

“Anong problema mo?” tanong ng gulat na binata.

“No choice.May partner na sila, tayo lang ang wala.”

“Tsk!” nasabi na lang nito.

Nakinig na sila sa discussion ng teacher.Hanggang mag-bell para sa recess.

“Kefren, kailan tayo magsisimula sa paggawa ng project?” tanong niya habang nakikisabay sa paglalakad ng binata palabas ng room.

“Wala akong balak gumawa.”

“Aha! Mamayang hapon na lang tutal wala tayong pasok.May emergency meeting daw ang mga faculty members so malaking pagkakataon ‘yon.So, sabay na lang tayo mamaya after lunch.Alam kong may computer kayo kaya roon na lang tayo sa inyo.Bye!” saka niya ito iniwan.

Naipailing na lang ang naiwang binata.


“ARE you going to stand there forever?” untag sa kanya ng binata.

Paano kasi, para siyang namatanda sa pagkakatitig sa malaking bahay na nasa kanyang harapan.Mistula na itong mansion sa ganda at laki.

“Expected ko ng malaki ang bahay niyo pero nakakagulat pa rin.” Balewala niyang wika.
Magka-agapay na silang naglakad papasok.At kung maganda ang labas ng bahay dahil napapalibutan iyon ng iba’t-ibang klase ng bulaklak, mas maganda naman sa mismong loob niyon.Pakiramdam niya tuloy nasa palasyo siya.

“Good afternoon seniorito!” bati ng isang katalong na sumalubong sa kanila.Tantiya niya ay nasa mid-thirties na ito. “Seniorito tumawag kanina ang mama mo.Gusto ka raw niyang makausap.”

“Tell to Elizabeth that I don’t want to talk to her!” Wika ng binata nang huminto ito upang harapin ang katulong.Nangunot naman ang noo niya, ibig sabihin tinatawag ni Kefren ang mommy nito sa mismong pangalan nito? “Paki handa kami ng miryenda.” Saka ito tuluyang naglakad patungo sa may hagdan.Napansin niyang napaka cold ni Kefren magsalita.

“Hello po, ako po pala si Ana May.” Nakangiti niyang pagpapakilala sa babae.

“Hi Ana, ako nga pala si Paula.” Nakangiti rin nitong wika.

“Nice to---“

Naputol ang anumang sasabihin niya nang bigla siyang tawagin ng binata.

 “Manalastas! Are we going to do our project o makikipagkwentuhan ka riyan?”

Tinapunan niya ito ng masamang tingin.Pati ba naman ito nakiki-Manalastas?

“Sige po ha.Tawag na ako ng Kapre.”

Dahil sa sinabi niya ay natawa si Aling Paula.

Muli siyang namangha pagkapasok nila sa silid ng binata.Ang ganda-ganda kasi sa loob.

“Feel free to use my computer.” Wika nito kaya napalingon siya sa binata.Gayon na lang ang  gulat niya nang makita niyang nakahiga na pala ito sa kama habang mariing nakapikit.

“Hoy! Kapre! Pumunta tayo rito para gumawa ng project hindi para matulog!”

Lumapit siya sa binata at akmang hahawakan niya ito sa braso.

“Ano ba Manalastas? Ang ingay mo! Gumawa ka na lang ng project mo!”

“Umayos ka nga! Kung ayaw mong pumasa, puwes ako gusto ko.Kaya sa ayaw at sa gusto mo tulungan mo ako.Kahit minsan ay nagha-hands-on tayo, still hindi ko pa rin kabisado ang paggamit niyon.’Tsaka wala akong facebook account kaya tulungan mo akong gumawa.”

Tinapunan lang siya nito ng masamang tingin bago nagpunta sa computer desk.

HINDI lang iyon ang huling beses na nagpunta siya sa bahay ng binata.Dahil sa tuwing may projects sila, sa bahay nito nila iyon ginagawa.Ganoon din kapag may reporting sila.Dahil lagi na niya itong pinipiling partner.Subalit sa mga araw na naroon siya, mas natuklasan niya kung gaano ka cold ang binata sa mga taong naroon sa bahay nito.Kaya para magkaroon ng kasagutan ang mga katanungang nabubuo sa kanyang isipan, naglakas loob siyang lapitan si Aling Paula.Baka sakaling makakuha siya ng kahit kaunting inpormasyon tungkol sa binata.

Hindi naman siya nabigo, masaya raw kasi ito dahil kahit papaano ay nag-aaral na raw ng mabuti ang binata at dahil iyon sa kanya.Kaya raw nagkakaganoon ang binata ay dahil simula’t sapol ay hindi ito nabigyan ng atensyon ng mga magulang nito kahit nag-iisa lang itong anak.Puro kasi trabaho ang mga ito.At mas lalo raw lumala iyon nang mamatay ang daddy ni Kefren, dahil mas dumami ang responsibilidad ng mommy nito sa mga kumpanyang naiwan ng nasira nitong asawa.

Mas nawalan ito ng oras para sa binata.Kaya nagtanim na ng galit ang binata sa mga magulang nito, lalo na sa mommy nito.At mas napatunayan niya ang bagay na iyon nang minsang sabay silang dumating sa bahay ng binata dahil may report silang pag-aaralan.

“Can you explain what is the meaning of this?” galit na salubong sa kanila ng mommy ni Kefren habang papasok sila ng bahay.May hawak itong tatlong card na sigurado siyang kay Kefren.

“I don’t need to explain it to you Elizabeth.If you’ll excuse us, may ga---“

Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa anumang sasabihin ni Kefren.Hawak ang kanang pisnging namumula ay tumingin ito sa mommy nito.

“Hindi kita pinalaking bastos Kefren!” sigaw nito sa binata.

“Pinalaki mo nga ba ako?” sarkastiko nitong tanong. “Sa pagkakaalam ko ni katiting na oras ay hindi niyo ibinigay sa akin! Kaya huwag kang umasta na parang napaka-perpekto mong ina!”

Pagkasabi niyon ay muling lumabas ng bahay ang binata.Agad naman niyang sinundan ang binata.

“Kefren! Bakit mo sinasagot ng ganoon ang mommy mo?” tanong niya nang maabutan sa may gate ang binata.Para kasing ka-level lang nito ang mommy nito kung kausapin nito kanina.

“Dahil galit ako sa kanya!” wika ng binata  nang humarap sa kanya.

“Pero pwedi mo naman siyang kausapin ng maayos ah.Hindi ‘yong sinisigawan mo siya na para bang ikaw ang mas nakatatanda sa kanya.Kefren, nanay mo ‘yon.Siya ang nagluwal sa’yo.Hindi mo siya dapat tinatrato ng ganoon.”

“Sino ka ba huh?” tanong ng binata na naging dahilan upang matahimik siya.”Okay lang sa akin ‘yong pakialaman mo ang pag-aaral ko.Pero ang pasukin ang personal kong buhay ay hindi ko na mapapAyagan!” galit nitong sigaw sa kanya.”Pwede ba Ana, huwag kang magbait-baitan.Alamin mo rin minsan ang lugar mo!”

Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya.

“A-ang sakit mo namang magsalita.” Umiiyak niyang wika.”Gusto ko lang namang sabihin na kahit galit ka sa mommy mo, dapat mo pa rin siyang itrato ng maayos.Dahil kahit anong gawin mo, siya at siya pa rin ang nanay mo.Wala ng magbabago roon.” Pagkasabi niyon ay agad na siyang lumabas at pumara ng pedicab.


IT’S been two weeks mula nang mangyari ang sagutan nila ng binata.Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap.Hindi naman siya galit sa binata, nasaktan lang siya sa mga binitawan nitong salita sa kanya.Pero hindi niya ito magawang lapitan at kausapin, nahihiya kasi siya.

Narito sila ngayon ni Jenie sa may damuhan, nakaupo dahil recess time.

“Best, alis muna ako ha.May ise-search pa pala ako sa library.Sige ha!”

“Sige.”

Tumayo na ito saka nagmamadaling umalis.

Abala siya sa pag-iisip ng kung anu-ano nang biglang lumapit at naupo sa tabi niya s Kefren.

“Hi!” nakangiti nitong bati.

“H-Hi!”

“Ana, I’m so sorry sa mga nasabi ko sa’yo.Nadala lang ako ng galit kaya sa ’yo ko naibunton.” Malamlam ang mga matang wika ng binata.

“W-wala iyon Kef, naiintindihan kita.” Nakangiti niyang wika nang tumingin sa mga mata ng binata.

“Thanks!” nakangiti rin nitong wika.

“Alam mo Kef, sana huwag mong hayaang talunin ka ng problemang kinakaharap mo.Bakit hindi mo subukang labanan ‘yan? At pairalin na lang ang pagmamahal.” Wika niya habang matiim na nakatitig sa mga mata ng binata.”Kef, subukan mong mahalin ang mga taong nakapaligid sa’yo.Ang mga bagay na nakapaligid sa’yo.Mahalin mo kung anuman ang buhay mayroon ka ngayon.Alam mo, hindi mo dapat sinisira ang pag-aaral mo dahil lang sa problema.Dapat nga mas pag-igihan mo pa.

"Huwag mong sayangin ang pagkakataong makapag-aral ng mabuti.Napakarami ng taong naghahangad na magkaroon ng buhay na kagaya ng sa iyo.’Yong tipong hindi sila nahihirapan sa pagtatrabaho makapag-aral lang.Kung tutuusin, napaka swerte mo dahil mayroon ka ng mga bagay na wala ang karamihan.Mayroon kang yaman na magagamit mo sa pag-aaral pero sinasayang mo.At higit sa lahat, matuto kang magpatawad.Ang pagpapatawad ay ang pinakamagandang panregalo lalo na sa mga taong nangangailangan niyon.Pairalin mo ang pagmamahal and I can assure you that evething will be okay.”

Eksakto tumunog ang bell nang matapos niyang sabihin ang mga ‘yon.

“Tara, time na.” yaya niya sa binata.

At habang nasa klase, pansin niyang tahimik ang binata.Tila kailalim ng iniisip nito.Nahiling na lang niya na sana ay maunawaan nito kung ano ang nais niyang iparating.Sana rin, maganda ang resulta ng mga napag-usapan nila ni Seniora Elizabeth.


LUMIPAS ang isang lingo, ngayon ay English festival nila na kung saan mayroong iba’t-ibang klase ng palaro ang gaganapin.

“Let’s proceed to the next game which is the planting rice!” masaya niyang anunsyo sa entablado.Siya kasi ang emcee. “Each club should provide ten persons to participate.If you can’t provide ten persons, that means you’re automatically disqualified!”

Kanya-kanya namang hugot ng partisipante ang mga president ng bawat clubs.Mula sa members ng Math club ay natanaw niyang nagtaas ng kamay si Kefren.Lihim siyang napangiti dahil pansin niyang unti-unti na itong nagtitino sa pag-aaral.Nag thumbs up pa ito nang tumingin sa gawi niya.

Iyon na nga ang simula ng pagtino ni Kefren.Lagi na itong sumasali sa mga activities ng school.Nagpaparticipate na rin ito sa class room.At lagi na itong nakakapasa sa mga exams nila.Noong nakalipas na buwan ng wika nila ay ito ang nakapartner niya.Mabilis na lumilipas ang mga araw, lingo, hanggang naging buwan.


“ANG saya natin ah?” puna niya sa kakaibang ngiti ng binata.Narito sila ngayon sa library.

“Thanks Ana!” bigla ay wika nito.Nangunot naman ang noo niya.

“For what?”

“My mom told me that it was you, who tried to talk to her.Sabi niya, kinausap mo raw siya.Kalmado mo raw sinabing ang isang anak ay nangangailangan ng atensyon, ng buong atensyon ng isang ina.Atensyon na kapag hindi nila nakuha ay posibleng maging dahilan para masira ang kanilang pag-iisip, posibleng makaapekto sa kanilang pag-aaral.‘Yong tipong wala silag gagawing maganda para sa sarili nila.Katulad ng sa akin.But I’m so glad that you came into my life.You who teach me how beautiful life is.Ikaw na nagturo sa akin kung paano magpatawad at pairalin ang pagmamahal.At nang sundin ko ang mga sinabi mo, tama ka, naging okay ang lahat.”

“Wala iyon.Basta huwag kang magpatalo sa problema.Dahil parte na ‘yan ng buhay natin.Pagsubok na kailangan lagpasan.”

“I will!”

Napangiti siya sa sagot ng binata.

Right Kefren! Magpakatatag ka! Labanan mo ang mga pagsubok na dumarating at darating pa sa buhay mo! Magpakatatag kang harapin ang hamon ng tadhana! saloob-loob ng dalaga. 

Katulad ng ginagawa ko.Pilit na lumalaban sa hirap ng buhay na aking kinalakihan.Dahil naniniwala akong kapag may dilim, mayroon ding liwanag! Patuloy na sa loob-loob niya.
Dalawang buwan na lang ‘Nay, gagraduate na ako.Palapit na ako sa mga pangarap ko para sa inyo.Konting tiis na lang dahil darating din ang araw na makakamit natin ang liwanag!




***W A K A S***

No comments:

Post a Comment