NAGSUSUMIKAP si Catherine na mapag-aral ang sarili.
Namamasukan siya bilang diswasher at janitres na rin sa
isang kainan malapit sa pinapasukan niyang unibersidad kapalit ng biente pesos
na bayad sa isang oras na sasahurin niya.
Nag-aaral sa araw trabaho sa gabi.
Mahapding sugat sa mga kamay, puyat at pagod ang araw-araw
niyang kalaban..
Pag-uwi ng kanilang bahay kung anu-ano pang masasakit na
salita ang isinasalubong sa kanya.
"Ito ba ang tamang oras na pag-uwi ng matinong
babae?" sinasalubong niya sa tuwing umuuwi sa gabi pagkatapos ng kanyang
trabaho mula sa kanyang ama.
"Ano ang aasahan mo? nagtatrabaho siya para matustusan
ang pag-aaral niyang ipinagkakait mo sa kanya," salo ni Aling Martha.
"Wala akong mapapala kapag ginastusan ko 'yan sa klase
ng marka niya makakatapos? Ilusyonada."
"Pasok na po ako sa kuwarto ko ma," paalam ng
dalaga sanay na siya sa ganoong pananalita ng kanyang ama sa kanya.
"Kumain ka na ba?"
"Opo, pinakain ako ni Aling Celia bago pinauwi,"
aniya.
"Sige, nang makapagpahinga kana."
Iniwan na niya ang kanyang mga magulang sa sala.
"Sa pangungonsinti mo kaya namimihasa iyan! Anong malay
mo nagbebenta na pala ng katawan iyan!" muling saad ni Mang Cardo.
"Kung binibigyan mo ba naman sana ng panggastos e 'di
sana maagang umuuwi katulad ng dati, gusto niyang makapag-aral kaya siya
nagsusumikap, at huwag mong pag-iisipan ng hindi maganda ang anak ko. Ako ang
nagrekomenda sa kanya kay Celia."
Si Celia ay suki ngi Aling Martha sa gulayan na minsa'y
nagpatulong maghanap ng taga-hugas at taga-linis ng carenderia nito.
"Hindi ba't binibigyan mo naman sa kita mo mula sa
pagtitinda?"
"Hindi sapat! kailan ba magiging patas ang pagtrato mo
sa kanila ha?!"
"Huwag ka ng umasa, ang gagastusin ko sa kanya ay
ilalaan ko na lamang kay Cathlyn."
"Bahala ka, sana lamang ay hindi mo pagsisihan ang
ginagawa mo kay Catherine balang araw!" Iniwan na nito ang asawa sa sala.
Impit na umiiyak si Catherine ng mapasukan ito ni Aling
Martha.
"Cathy," tawag niya rito.
"Po," kiming tugon niya.
"Heto na pandagdag mo sa pambili mo ng sinasabi mong
guide book," anito.
"Nakabili na po ako ma."
"Itago mo nalang para sa panggastos mo."
"Salamat ma, magpapahinga na po sana ako."
"Cathy, pagpasyensyahan mo nalang ang papa mo."
"Sanay na ako ma, at tanggap ko namang mahina ang utak
ko, sanay na ako sa mga pangmamaliit at panlalait niya maging sa mga kaklase ko
at nakakakilala sa akin, tanggap kong reyna ako ng pasang-awa."
Nayakap ni Aling Martha ang dalaga.
"Gawin mong sandata ang lahat ng 'yan para sa pag-abot
mo sa iyong pinapangarap, susuportahan kita sa abot ng aking makakaya."
"Salamat ma."
"Sige na, magpahinga kana linggo naman bukas."
Kumalas na ito sa
pagkakayakap kay Catherine saka tumayo at lumabas na ito.
Masakit para rito ang trato ng kanyang asawa sa kanilang
panganay.
Nakatulugan na rin ni Catherine ang pag-iyak.
KINABUKASAN kagaya ng dati maagang nagising ang dalaga upang
tumulong sa gawaing bahay kapag kasi araw ng linggo ay tumutulong siya sa
kanyang ina sa palengke dahil wala siyang pasok sa carinderia.
"Ako na po gagawan niyan ma," aniya sa kanyang
inang nagsasangag.
Nilingon ni Aling Martha ang dalaga.
"Ang aga mo naman anak, linggo naman ngayon."
"Mas mabuti na iyan ng may maitulong naman, at hindi
puro kain lang napapakinabangan," anang kararating lamang na si Mang Cardo
galing sa pamimitas nang gulay.
Sanay na sanay na si Catherine sa ganoong patutsada ng
kanyang ama, iyong mga katagang iyon ang almusal niya.
"Catherine, walisan mo na lamang ang bakuran, tapos na
rin naman ako rito," ani Aling Martha sa dalaga na kaagad naman niyang
sinunod.
Hindi mapigilan ng dalaga ang mapaluha sa tuwing nag-iisa
siya, kahit sanay na siya sa ganoong pananalita ng kanyang ama ay nasasaktan
parin siya.
Pagkatapos niyang mawalisan ang bakuran ay pinasiyang
maglaba na muna tutal ay maaga pa naman..
"Mag-agahan ka muna anak, mamaya mo na ituloy
'yan," tawag ni Aling Matha kay Catherine.
"Mamaya na lang po ma, konti lang naman ito para
makasabay na ako sa inyo papuntang palengke," aniya.
"Hindi ka na naman makakapag-agahan niyan."
"Okay lang po, kasi ma may group activity kami sa
lunes, pupunta po ako sa bahay ng kagrupo ko para po magsanay mamayang alauna
ng hapon."
"Ang sabihin mo maglalakuwatsa ka lang, ang dami mong
alam pagdating sa markahan tiyak pasang-awa ka na naman!" singit ng
kanyang ama.
"Ano ka ba naman Cardo, nagsusumikap ang anak mo para
makapag-arala, anong klase ka bang ama? Sa halip na suportahan mo ikaw pa ang
mangmamaliit, manghahamak sa kanya!" anas ni Aling Martha.
"Sige, ipagtanggol mo na naman, tutal ikaw naman ang
mapapahiya kapag hindi nakatapos o kaya ay makatapos na puro pasang-awa!"
"Huwag ka nalang magsalita kung puro panalalait sa
kanya ang sasabihin mo!"
Patuloy ang sagutan ng kanyang mga magulang. Dinig na dinig
niya ang lahat.
"Balang araw makikita mo na makakatapos ako,
magsisilbing inspirasyon at aral sa akin ang mga panlalait at pangmamaliit
mo," sa isip ng dalaga.
Ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalaba.
Konti lamang naman ang linabhan niya kaya maaga niyang
natapos. Kaagad siyang naligo pagkasampay..
"HINDI ka muna ba kakain anak?" tanong sa kanya ni
Aling Martha.
"Hindi na po, bibili na lamang ako ng lugaw sa palengke
mamaya, tara na po ng matulungan ko kayo," aniya.
Mangiyak-ngiyak si Aling Martha na sumunod dito dahil nauna
pang naglakad paalis.
"Sana hindi ka sumuko sa mga pinagdadaanan mo,"
piping usal nito.
Kagaya ng sinabi niya kanina ay kumain na lamang siya sa
lugawan.
"Anak, kumain ka ng kanin,, heto oh pambayad mo,"
anang kanyang ina na sumunod pala sa lugawan.
"Okay na po ako rito ma," aniya.
"Hindi puwede," anito, umorder ito ng kanin at
ulam sa kabilang carenderia.
Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang kainin iyon.
Pagkatapos niyang kumain ay bumalik na siya sa gulayan nila.
PAGSAPIT nang alauna ng hapon ay nagpaalam na siyang pupunta
sa bahay ng isang kagrupo niya kung saan napagkasunduang gawin ang pagsasanay,
kumukuha siya ng kursong Hotel and Restaurant Management sa Tesda, dalawang
taon lamang iyon kaya nagsusumikap siya.
"Mag-iingat ka anak ha?" bilin ni Aling Martha.
"Opo ma, baka po pala gabihin ako," aniya.
"Naiintindihan ko, sige na lumakad kana baka hinihintay
ka nila."
Nilisan niya ang palengke, sumakay siya ng tricycle papunta
sa bahay ng kaklase niya.
Tama nga ang sinabi ng kanyang ina, siya na lamang ang
hinihintay.
"Sorry guys, late ako," hinging paumanhin niya.
"Okay lang, kararating din lang namin," anang isa.
Ilang sandali pa ay nagsimula na sila.
Marami silang pinag-aralan kagaya ng; Pagluluto, pag-aayos
ng lamesa at iba pa. Kailangan nilang magawa iyon ng maayos kinabukasan dahil
may mga makakatunggali ang bawat grupo..
Inabot sila ng alas-nuwebe ng gabi, ipinahatid naman siya ng
kaklase nila sa kapatid nito gamit ang motosiklo.
"Salamat sa paghatid," aniya bago bumaba.
"Walang anuman, sige tutuloy na ako," anang
binata.
Ang eksenang iyon ang nakita ni Mang Cardo.
"Sinasabi ko na nga bang naglakuwatsa ka lang, may
taga-hatid ka na rin ngayon, baka naman buntis kana!" anas nito pagkapasok
pa lamang ng dalaga.
"Cathy, nariyan kana pala, kumusta ang ginawa
niyo?" si Aling Martha sa kalalabas mula sa kusina.
"Okay naman po ma," aniya.
"Kumain ka muna bago ka magpahinga."
"Busog na 'yan sigurado dahil pinakain ng naghatid sa
kanya!" singit muli ni Mang Crisanto.
Napapikit siya ng mariin, hindi naman siya mang-mang para
hindi matukoy ang nais sabihin ng kanyang ama.
"Isipin niyo na ang gusto niyong isipin pa, basta ang
lahat ng ginagawa ko ay para sa pag-aaral ko, bakit hindi iyang matalino niyong
anak ang bantayan niyo?" saad niya. Saka tinalikuran ito at pumasok sa
sarili niyang kuwarto.
Pagkapasok niya ay kumuha siya ng bihisan at tuwalya,
lumabas muli't nagtungo sa banyo.
Hinintay naman siya ng kanyang ina na mapadaan sa kusina
galing banyo.
"Anak kumain ka muna, paborito mo ito," anyaya ni
Aling Martha rito.
"Hindi na po ma, okay na po ako nagmeryenda po kami
kanina, magpapahinga na lamang po ako, maaga pa akong gigising bukas para
makatulong sa inyo bago ako pumasok," aniya.
"Hay naku ate, nagtatampo ka lang kaya ayaw mong
kumain, huwag ka ngang ganyan, totoo naman ang sinasabi ni papa eh! nag-iinarte
ka pa!" anang biglang sulpot na si Cathlyn.
"Sige po ma, magpapahinga na ako," aniyang hindi
pinansin ang sinabi ng kapatid.
Hinayaan na lamang ni Aling Martha ang dalaga..
"Balang araw makikita niyo rin akong makakatapos ng
pag-aaral, tatanggapin ko lahat ng panliliit niyo," sa isip ni Catherine
saka pinahid ang kanyang mga luha..
Nakatulugan na lamang niya ang pag-iyak..
PAGKAGISING kinabukasan ay hinanda na niya ang sarili sa mga
salitang bibitawan ng kanilang ama.
Tahimik na lamang siya habang nakikinig sa sinasabi ni Mang
Cardo, pagkatapos niyang maihanda ang agahan ay uupo pa lamang sana ang
dalaga..
"Cathlyn halika na, baka wala kang makain mamaya dahil nakadulog
na ang palamunin," tawag ni Mang Cardo sa bunsong anak, susubo pa lamang
sana si Catherine, ibinalik na lamang niya ang pagkaing isinalin sa plato niya
saka tumayo at bumalik na siya sa kanyang kuwarto upang maghanda sa kanyang
pagpasok..
Naluluhang pinagmasdan ni Aling Martha ang dalagang tahimik
na umalis sa kusina.
PUMASOK si Catherine na walang kain..
"Cath, okay ka lang ba? bakit parang namumutla
ka?" puna ni Archie sa dalaga, isa ito sa kagrupo niya.
"Okay lang ako," aniya.
"Hay, nag-iinarte ang queen of pasang-awa, magsisisi
kayong naging kagrupo niyo 'yan, sigurado hindi na naman pinakain ng tatay niya
iyan dahil walang naitutulong sa kanila!" Anang isang kaklase niyang
kapit-bahay nila.
"Huwag mo nalang pansinin," ani Archie.
Ngumiti si Catherine bago nagsalita. "Sanay na sanay na
akong minamaliit Archie, iyan ang isa sa mga inspiration ko upang pagbutihin
ang pag-aaral ko, at darating ang araw na tatawanan ko nalang ang lahat ng
iniiyakan ko, God is with me," nakangiti niyang turan.
Ipinagpatuloy na nila ang kanilang ginagawa..
ALAS-TRES ng hapon ay tapos na ang klase niya, may kailangan
siyang libro kaya nagpunta siya sa library dahil wala naman siyang sapat na
pambili, puwede namang mag-research subalit kinakailangan niyang makapag-ipon
para sa susunod sa semester.
Pagkatapos niya sa library ay pumunta sa carenderia ni Aling
Celia.
"Ang aga mo ngayon ah!" Anang butihing Ale.
"Maaga pong natapos ang activity namin," aniya.
"Malayo ang mararating mo Cathy pagbutihin mo lang at
huwag kang makalimot humingi ng gabay sa Poong Lumikha, napakabait at tiyaga
mong bata.."
"Kailangan po Aling Celia, I had to fallow my dreams,
lahat ng mga pinagdadaanan at naririnig ko ay malaking tulong for me to strive
more, kayo po ang pangalawang nagtitwala sa akin, salamat po lagi sa pa-alala..
"Aba marunong ng mag-english, sinasabi ko lang ang
totoo iha, siya bago ka magsimulang maghugas magmeryenda ka muna."
"Opo.."
Kumuha na siya ng meryendang pansit..
Pagkatapos niyang kumain ay sinimulan na niya ang paghuhugas
ng mga pinagkainan at naglalakihang kaldero.
Kinakantahan niya lamang ang trabaho kaya hindi masyadong
ramdam ang pagod.
Pagkatapos niya kasing maghugas ay lilinisan niya ang
cerenderia, pagdating ng gabi marami ang naghahapunan doon kaya tumutulong na
rin siya sa pagsisilbi.
Pag-uwi ng bahay sangkatutak na sermon at kung anu-ano pang
mga salita ang sasalubungin mula sa ama..
ALAS-DIYES na nang gabi ng umuwi siya. Masaya na siya sa 120
na kinita niya may maidagragdag sa ipon niya para sa susunod na semestre,
kulang pa kasi iyon..
"Ipaghanda ng pagkain ang reyna, dumating na!"
Anang kanyang ama.
"Kumain na po ako sa cerenderia," aniya.
"Mabuti naman nang hindi nasasayang ang pagkain!"
"Kailan niyo ho ba ako tatratuhin bilang anak? Kailan
niyo ako bibigyan ng respeto bilang tao pa? Tinitiis at tinatanggap ko ang
pangmamaliit ng ibang tao kahit masakit dahil alam kong parte iyon ng buhay,
alam kong gano'n ang tingin nila sa isang katulad kong pasang-awa at trying
hard, pero alam niyo ba kung gaano kasakit ang kutyahin at maliitin ng iba,
triple ang sakit kapag sa inyo mismo nanggagaling ang mga salitang masasakit.
Kung hindi niyo ako kayang tratuhin bilang anak niyo, irespeto niyo nalang ako
bilang tao! Lahat ng mga sinasabi niyo kaya kong tanggapin, dahil kasama sa
buhay studyante ang masermonan, pero sobra na po ang mga binibitawan niyong
salita sa akin, ang sakit pa, sampalin mo na lamang ako ng paulit-ulit kaysa
pagsalitaan ng masasakit."
"Kahit anong gawin mo, sigurado akong hindi ka
makakatapos!"
"Balang araw, masasabi mo ring anak mo ako!"
Iniwan na niya ang kanyang ama.
Napaiyak si Aling Martha sa tinuran ng dalaga, dahil narinig
nito lahat.
LUMIPAS ang mga araw..
Kanina pa niya sinusubukang bumangon subalit umiikot ang
kanyang paningin, araw iyon ng sabado at kailangan niyang pumasok sa cerenderia
para pandagdag pambayad niya sa lunes..
Pinilit parin niya, subalit hindi pa man nakaisang hakbang
ay bumagsak na siya sa sahig.
Dali-daling tinungo ni Aling Martha ang silid ni Catherine
ng marinig ang pagkahulog ng picture frame na nasagi ng dalaga.
Basag ang frame sa tabi ng dalagang nakahandusay..
"Diyosko, anak anong nanagyari sayo?!"
nag-aalalang si Aling Martha.
Inaapoy ng lagnat ang dalaga..
Isinampa nito sa kama ang walang malay-taong si Catherine.
"Ate, bakit hindi mo linabhan kagabi ang damit ko,
sinabi kong gagamitin ko ngayon eh!"
Anang kapapasok na si Cathlyn sa
kuwarto ng kapatid.
"Hindi ka ba marunong maglaba? Anong tingin mo sa
kapatid mo, alila?" pareho lang
kayo ng ama niyo! Ayan ang alila niyo walang malay at inaapoy ng lagnat!"
Anas ni Aling Martha na kababalik lamang dala ang palangganang may tubig at
bimpo.
"Nag-iinarte lang 'yan, maisumbong nga kay papa!"
Anitong padabog na lumabas.
Hindi parin nagkakamalay si Catherine kaya lumabas si Aling
Martha upang tumawag ng tricycle at tutulong sa kanyang buhatin si Catherine
upang madala sa clinika.
Nakakuha naman ito, at nagmagandang loob ang driver na
tulungang mabuhat si Catherine.
Malapit lang naman ang clinika na bukas biente-kuwatro oras.
"Mababa po ang BP niya Misis, kulang sa tulog at pahinga
kaya nagkaganyan," anang doktor na sumuri sa dalaga.
"Gano'n ho ba dok? salamat.."
"May mga irereseta akong gamot na kailangan niyang
inumin Misis," nagsulat ang doktor sa puting papel pagkatapos ay inabot
kay Aling Martha.
Nang nagkamalay ang dalaga ay inuwi rin ng kanyang ina,
medyo bumaba na ang lagnat niya kaya pumayag ang doktor kailangan lamang
magpahinga.
"Saan kayo galing? lanta na ang mga gulay!"
patutsada ni Mang Cardo.
"Dinala ko sa clinika si Catherine, iyang mga gulay
puwede pang kainin kapag hindi naibenta, pero kapag ang anak ko ang mawala
hindi na maibabalik!" Ani Aling Martha.
"Saan ka kumuha ng pinambayad at ibinili ng mga gamot
na iyan?" anitong itinuro ang hawak ni Catherine.
"Ma, mauna na po ako sa loob," paalam niya.
Hindi na niya nahintay sumagot ang kanyang ina. Pumasok na
lamang siya.
Pagkapasok sa kuwarto ay kinuha niya ang pinaglalagyan ng
mga ipon niya, dalawang libo na iyon para sa pamabayad niya sa unibersidad para
sa susunod na semester.
Kinuha niya ang resibo upang makita kung magkano ang
ibabalik na pera sa kanyang ina.
Eksaktong 1500 lahat.
Pikit-mata niyang binilang ang pera niya at kinuha ang
kaukulang halagang ibabalik sa kanyang ina.
Bumalik siya kung saan nag-uusap ang kanyang mga magulang..
"Ma, bayad po ng ginastos niyo.." aniya, sabay
iniabot ang perang tig-isang daan.
"Anak kailangan mo iyan diba?"
"Okay lang po, magsusulat na lamang po ako muli ng
promissory note," aniya.
Kinuha ni Mang Cardo ang pera.
Kaagad tumulo ang luha ng dalaga pagtalikod niya..
Maghapon siyang hindi lumabas ng kuwarto, ni konting kain ay
wala kaya hindi nakakainom ng gamot.
"Hindi ko po kayo sisisihin papa God kasi alam ko lahat
ng ito ay may magandang kapalit balang-araw, nawa'y patuloy mo akong gabayan at
bigyan nang lakas ng loob para sa mga pagsubok," usal niya habang
nagsilandasan ang masaganang luha niya.
ARAW ng lunes, nakagawa na siya ng promissory note na
pinapirmahan pa niya kay Aling Martha.
"Anak," tanging nabigkas nito sabay yakap sa
dalaga.
"Okay lang ma, may awa ang Diyos sa akin, kakayanin ko
lahat makapagtapos lang ako.."
"Umuwi ka kaagad mamaya, hindi ka pa puwedeng
magtrabaho."
"Okay na ako ma, sige po pasok na ako."
"Heto, pangmeryenda mo," anitong inabutan ng
isang-daan ang dalaga.
"Salamat po ma.."
Iniwan na niya ang kanyang ina sa palengke..
"PROMISORY note na naman?!" bulalas nang cashier
ng unibersidad.
"Ma'am, nagkasakit po kasi ako.."
"Not accepted, you had to pay within this day!"
mariing sabi nito.
"Pero ma'am."
"Next please," anang kahera.
"Sige po," aniya.
Nanlumo siyang lumabas..
"I'm sure promissory note na naman ang ibinayad
niyan," dinig niyang sabi ng kasunod niya.
Nagtawanan naman ang mga ito..
Napaiyak siyang naglakad palabas ng unibersidad, sinundan
naman siya ni Archie.
"Cathy, bakit?" tanong ng binata.
"Wala," aniya saka nagpatuloy sa paglalakad.
Natagpuan niya ang kanyang sarili sa carenderia ni Aling
Celia.
"Cathy, okay ka lang ba? sabi ng nanay mo kanina, may
sakit ka raw kaya sinabi niyang hindi ka muna makakapagtatrabaho.
"Aling Celia.." Aniya sabay yakap na napahagulhol
sa butihing Ale.
"Anong problema iha? ang init mo ah, halika ka nga
rito, maupo ka muna at mag-usap tayo."
Pagkaupo nila ay kinausap siya nito.
"Anong problema Cathy, sabihin mo baka matulungan
kita."
"Kailangan ko pong magtrabaho, hindi tinanggap ang
promissory ko, iyong naipon ko po kasi ipinambayad ko sa doktor at pinambili ng
gamot ko," lakas loob niyang sabi.
"Ano? Hindi ka ba binibigyan ng nanay mo?"
"Nagagalit po si papa, bininilang ang kita ni
mama."
"Grabe naman iyang ama mo, magkano ba ang kailangan
mo?"
"Dalawang-libo po, kahit magdamag akong magtrabaho
hindi ako kikita ng dalawang-libo, maliban na lamang kung--"
Nakuha ng Ale ang nais sabihin ng dalaga.
"Bibigyan kita ng pamabayad mo, huwag mo lamang gawin
ang nasa isip mo, kakaltasan ko na lamang kada araw ang sahod mo hanggang
mabayaran mo, at hangga't hindi ka pa magaling hindi ka muna magtatrabaho, may
part time naman," naawa ito sa dalaga, hindi na lingid sa kaalaman nito
ang problema ni Catherine dahil ito ang isang nagingging sandigan ng dalaga.
"Maraming salamat po, balang araw makakabayad ako sa
inyo, kung hindi man po, ang Diyos na lamang ang manukli sa kabutihan
niyo.."
"Kung gusto mo, dumito kana muna hanggang makapagtapos
ka, may tulugan naman dito, wala rin naman akong anak, naawa ako sayo eh! Self
supporting ka samantalang may maayos namang kita ang mga magulang mo.."
"Opo, magpapaalam ako kay mama."
"Sige na, bayaran mo na ang utang mo maaga pa naman,
umuwi ka at kumuha ng mga gamit mo," anito saka dumukot ng dalawang-libo
sa belt bag nito at ibinigay sa dalaga.
Masaya siyang bumalik sa unibersidad.
Pagkabayad niya'y umuwi na siya..
Pagdating sa bahay nila ay kaagad niyang inayos ang mga
dadalhin niyang gamit..
Paglabas niya ng kuwarto ay dumating naman ang kanyang mga
magulang.
"Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Aling
Martha rito.
"Ayos lang ma, kumuha lang po ako ng gamit ko,
mag-stay-in na po ako sa carenderia," aniya.
"Pero anak.."
"Kaya ko na po ma, isang taon nalang makakatapos na
ako."
"Ilusyonada, pabayaan mo kung gustong umalis, wala rin
namang pakinabang dito!" sabat ni Mang Cardo.
"Aalis na po ako ma, salamat po sa lahat, mababayaran
din kita pagdating ng panahon," aniya saka yumakap sa ina.
Hinayaan na lamang ni Aling Martha, sa loob nito'y mas
makakabuti na rin iyon para makapagpahingang makarinig ng sermon at masasakit
na salita ng kanyang asawa.
LUMIPAS ang mga araw..
Huling taon na niya sa dalawang-taong kurso niya sa Tesda,
walang kamalay-malay ang kanyang ama na isa siya sa top student ng Tesda at
maaring mabigyan kaagad ng trabaho pagka-graduate.
"Ma, konting panahon na lamang magtatapos na po
ako," masayang balita niya ng dumalaw siya sa kanilang bahay.
"Proud na proud ako sayo anak, sa kabila ng lahat
naging matatag ka, magtatapos ka mula sa sarili mong sikap, ipinagmamalaki kong
anak kita, kaya lamang-"
"Bakit po?"
"Buntis si Cathlyn, at ayaw panagutan ng lalaki.."
Hindi siya kaagad nakapagsalita.
"Kailan pa ho?"
"Dalawang buwan na noong gradution niya, kahapon lang
niya sinabi."
"Okay lang po iyan ma, magkaka-apo na kayo."
"Alam mo namang mataas ang pangarap ng papa mo para sa
kanya."
"Maari naman niyang ituloy ang pag-aaral niya
diba?"
Tumango si Aling Martha.
"Ate, mabuti ka pa magtatapos kana, ako heto matalino
ngang naturingan naging bobo naman sa pag-ibig, sana mapatawad mo ako sa lahat
ate, I'm sorry," anang kalalabas sa kuwartong si Cathlyn.
"Tao lang ako Cathlyn, salamat na rin dahil sa mga 'yon
naging matatag akong harapin ang lahat ng pagsubok sa akin.."
Yumakap sa kanya ang nakababatang kapatid.
"Narito pala ang anak ko, miss na miss kita," saad
naman ng kanilang ama mula sa kusina.
"Namiss niyo lang ako dahil wala kayong nasesermunan at
minamaliit," aniya.
"Anak, patawarin mo si papa ha? Nagkamali ako Cathy,
ako dapat ang unang sumuporta at nagtiwala sayo, pero ako pa ang nangmaliit
sayo, sana mapatawad mo ako, nalaman ko lamang ang halaga mo noong wala ka na
sa poder namin."
"Hindi ko ipagkakait ang kapatawaran sa inyo, dahil
kayo ang naging daan upang magpursige ako sa buhay, naging matatag na humarap
sa buhay sa kabila ng kaalamang nag-iisa ako.."
"Salamat anak.."
"Ang tagal kong pinangarap na marinig iyan.."
"Bumalik kana rito, kami na ang bahala sa lahat."
"Hindi po Pa, magtatapos ako sa sarili kong sakripisyo,
nakaya ko noon, makakaya ko pa rin hanggang makamit ko ang tagumpay na
pinapangarap ko, I will follow my dreams.."
"Ipinagmamalaki kita anak.. Salamat, maari ba kitang
mayakap?"
"Sige po.."
Buong higpit na niyakap ni Mang Cardo ang dalaga.
Nakiyakap na rin ang ina niya at kapatid..
SA ngayon ay nasa OJT stage na siya sa isang Five star hotel
sa Manila kaunting panahon na lamang ay makakamit na niya ang bunga ng kanyang
paghihirapan at pagpupursige sa buhay...
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment