“MANONG, pakibilis po. Male-late na po ako sa klase!”
“Saglit na lang po, Miss Cassie. Huwag po kayong mag-alala. Aabot po kayo sa klase ninyo,” tugon ng
driver niya.
Kinakabahan na si Cassie. Ganito lagi ang nangyayari tuwing may pasok
siya sa eskwela. Nagkukumahog siya
papunta sa unibersidad na kaniyang pinapasukan.
Simula ng pumasok siya sa mundo ng
pag-aartista, ganito na ang naging takbo ng buhay niya. Pilit niyang pinagkakasya ang pag-aaral at
pagta-trabaho sa loob ng bente kwatro oras.
Lalo na ngayon na may bago siyang teleserye. Halos hindi na nga siya natutulog. Minsan ay sa sasakyan na lang niya
nararanasan ang matulog.
Hindi siya nagsisising pinasok niya
ang pag-aartista. Bukod sa binubuhay
siya niyon at nagagawa niyang pag-aralin ang sarili niya, gusto niya ang
trabahong iyon.
Hindi ipinanganak si Cassie na
mayaman o nakaka-angat sa buhay. Siguro
oo, kung hindi lang itinakwil ang kaniyang ina ng mga magulang nito nang sumama
ang kaniyang ina sa kaniyang ama, na isa lamang tricycle driver noon. Ngunit ngayon na may maganda siyang trabaho,
nagawa niyang iahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya at napag-aaral niya pa
ang dalawa niyang nakababatang kapatid.
She gently closed her eyes and
breathes. Kahit iyon lamang ay magawa
niya. At nang huminto na sa tapat ng
eskwelahan nila ang kaniyang sasakyan, kaagad siyang bumaba roon at tumakbo
papunta sa first class niya para sa araw na iyon.
Dahan-dahan niyang pinihit ang
seradura ng room A305. Nang mabuksan
niya nang tuluyan ang pintuan, napalingon sa kaniya ang mga kaklase niya pati
na ang kaniyang propesor.
Nahihiya siyang ngumiti sa mga ito
at hinarap niya ang kaniyang propesor.
“Sorry I’m late, Ma’am Grace,” aniya.
“Muntik ka na naman ma-markahan ng
late, Cassiopeia. Mabuti na lamang ay
umabot ka sa grace period. You may now sit,
Ms. Ledesma,” sabi ng kanyang propesor.
She immediately rushed inside the
room and sat on the chair at the back.
She felt tired as she rests her back on the chair. Hindi niya alam kung paano niya nakakayanan
ang ganito araw-araw. Iwinasiwas niya
ang kaniyang katawan para magising ang kaniyang diwa. Dapat ay may matutunan siya ngayong
araw. Iyon lang ang nasa isip niya
ngayon.
“Psst!”
Napalingon siya sa katabi niya. She smiled.
Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy siyang nabubuhay ngayon ay ang
lalaking katabi niya.
Kinuha nito ang kamay niya at
hinalikan. Nilingon niya ang guro niya
sa unahan. Mabuti na lamang ay abala ito
sa pagsusulat sa pisara.
Nilingon niyang muli ang
lalaki. “Hi,” bati niya rito.
“How was your day?” tanong nito sa
kaniya.
Ngumiti siya sa lalaki. She has to admit it. Zach is the sweetest. “Fine, as long as you are here,” tugon niya
at saka niya ito kinindatan. Tumawa
naman ito.
Zach is her boyfriend for three
years now. Masaya siya kung anuman ang
mayroon sila. Marami rin silang
pinagdaanan katulad ng isang normal na magkarelasyon. At ipinagmamalaki niya na nalagpasan nilang
lahat iyon.
“Mamaya na kayo magkwentuhan, Cassie
and Zach!”
Napabalikwas sila ng upo nang
sumigaw ang propesor nila. Nagkatinginan
silang dalawa sabay napatawa nang mahina.
BUMILI si Cassie ng makakain niya ng hapong iyon sa canteen. Hindi niya kasabay si Zach ngayon dahil may
subject ito na hindi sila magkaklase.
“Hi, Cassie!” bati sa kaniya ng
isang babaeng estudyante rin doon.
“Hello!” bati niya rin dito at
kaniyang nginitian.
“Pwedeng magpa-picture?” tanong
nito.
“Akin na ang camera mo,” sabi ni
Cassie sa babae.
Nag-alangan ang babae. “Ayy.
Hindi po gan—”
Tumawa siya. “Joke lang!
Ito naman. Siyempre pwede. Halika, picture na tayo.”
Tumabi sa kaniya ang babae at
inilabas ang cell phone nito. Cassie
smiled at the camera and the girl did the same.
“Thank you po, Cassie. Ang bait mo talaga,” anito.
“You’re welcome. See you around!” aniya at humanap na siya ng
mauupuan.
Inilapag niya ang pagkaing binili
niya sa lamesang napili niya at kinain iyon. Ito ang
malungkot sa pagiging artista, sa isip-isip niya. Ang alam ng lahat ay mahirap silang lapitan o
kaya ay nakakahiya kung makikipag-usap ang mga ito sa kanila.
Simpleng tao lang naman din sila. Nagkataon lang na lumalabas sila sa
telebisyon at nakakakilala ng mga kilalang tao sa lipunan. Prebilehiyo iyon ng isang artista. Pero hindi siya naiiba sa lahat. Nagkakamali siya, nalulungkot, nasasaktan, at
higit sa lahat, tao siya. Kung anong
nangyayari sa buhay ng ibang tao, nangyayari rin sa kaniya. Kung anong nangyayari sa buhay ng isang
normal na estudyante, nangyayari rin sa kaniya.
“Anong iniisip mo, ha?”
Napalingon siya sa dumating. Hinalikan siya nito sa pisngi.
“Zach! Tapos na agad ang klase niyo?” tanong niya sa
lalaki.
Umupo ito sa tabi niya. “Wala kaming prof sa PolSci. Hinanap kita.
Nandito ka lang pala,” anito at nginitian siya. “Sumama ka sa akin.”
Napakunot ang noo niya. “Saan tayo pupunta?”
Hindi sumagot ang lalaki. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya
palabas ng canteen.
Hindi pa sila nakakalagpas ng pinto
nang may marinig siya. Hindi na sana
niya papansinin, pero narinig niya ang pangalan niya.
“Nagpa-picture ka sa kaniya? Anong trip mo?”
“Wala lang. Ang plastic nga niya e. May pangiti-ngiti pa, akala mo naman totoong
mabait.”
Napalingon na sa kaniya si
Zach. Nag-aalala na ang itsura
nito. Nginitian na lamang niya ang
lalaki.
Nilingon niya ang dalawang
nag-uusap. Nanlaki ang mata niya. Iyon ang estudyanteng lumapit sa kaniya
kanina. Mukhang hindi siya napapansin ng
mga ito. Palalagpasin niya ito ngayon,
pero kapag naulit, makakatikim ang mga ito sa kaniya.
Ito ang mahirap sa pagiging
artista. ‘Pag kaharap mo ang mga tao,
todo ngiti sila sa iyo at todo pakita ng pagkagusto. Pero kapag nakatalikod ka na, puro negatibo
ang ibinubuga ng mga bibig nila at sasaksakin ka hanggang sa mamatay ang buong
pagkatao mo.
Sa pagkakataong iyon, si Cassie
naman ang humila sa kamay ni Zach.
Ngunit, kapag nakatagpo nga naman siya ng mga demonyita, ayaw siyang tantanan
ng dalawang estudyante. Hindi na niya
talaga kinaya pang pigilan ang sarili niya dahil sa huling sinabi ng isa.
“Narinig ko nga na kabit siya ng
isang politician. Ang hindi ko lang alam
ay kung sino. Pero mayaman daw talaga
iyon. Napakalandi talaga niya. Kawawa naman si Za—”
Hindi na natapos ng babae ang
pagsasalita nito nang harapin niya ang dalawa.
Halata sa mga mukha nito ang pagkagulat.
“Huwag ka nang mag-abala pa na
pakinggan ang sinasabi ng iba. Baka
gusto mong tabasin ko ang tenga mo para hindi ka na makarinig pa. Isama ko na rin ‘yang walang kwenta mong dila
na walang ibang ginawa kung hindi magkwento ng mga bagay na wala namang
katotohanan,” litanya niya sa babae.
Hinawakan
na ni Zach ang braso niya para pigilan siya pero inalis niya lang ang kamay
nito. Lahat ng estudyante roon ay
nakatingin na sa kanila at wala siyang pakialam. Pati ang mga guro sa unibersidad na iyon ay
nanunuod lang sa kanila. Tila ba
nag-aantay lang ang mga ito ng susunod na kabanata ng istorya nilang dalawa ng
mahaderang kaharap niya. Ang ayaw niya
talaga sa lahat ay iyong hinuhusgahan siya dahil hindi talaga siya
mag-aatubiling patulan ang mga ito.
Hindi
makapagsalita ang dalawang babae dahil sa hiya.
Kinuha niya ang I.D ng babaeng lumapit sa kaniya kanina. Binasa niya roon ang mga impormasyon tungkol dito.
“Oh,
you’re name is Shane. Uyy, wow! Twenty three ka na pala. At ilang taon lang ba ang kurso mo? Four years, ‘di ba? Ano ‘to, nagma-masteral ka? Lupet mo, ha!” aniya at hinagis sa babae ang
I.D nito. “Hindi ako perpekto, pero
ginagawa ko ang lahat para makatapos ako ng pag-aaral. Nagsisikap ako. Hindi kagaya mo na bukod sa ang tanda na pero
palamunin pa rin ng mga magulang, pakikipag-tsismisan lang ang alam. Mas lalo mo lang ipinaparamdam sa akin na
sikat ako at mas maganda sa ‘yo. Bakit
hindi mo subukang ipagkalat ang dahilan kung bakit hindi ka pa rin
guma-graduate para naman sumikat ka?
Mag-aral ka, huwag puro ako ang ibinubuka ng bibig mo dahil baka
lumagpas ka na sa tenure mo rito sa unibersidad, lalo ka pang hindi
maka-graduate. Gamitin mo ang utak mo,
huwag ang bunganga mo!”
Sa
mga oras na iyon, tila natauhan na mula sa pagkakabigla si Shane. “Ang dami mo namang sinabi! Masyado kang defensive. Akala mo ba nakatulong lahat ng sinabi mo? Hindi.
Alam naman kasi lahat ng tao rito kung hanggang saan lang ang kaya
mo. Magiging katulad ka lang din ng
ibang artista. Hindi ka makakapagtapos
ng pag-aaral dahil mas gugustuhin mo na lang magtrabaho—sumisikat ka na,
yumayaman ka pa. Tama ako, ‘di ba?”
anito na may kasamang pang-uuyam.
Sa
pagkakataong iyon, gustong pagtawanan ni Cassie ang babae. Shane is such an impossible person. Hindi siya makapaniwala na kaya ng babae na
magsalita ng mga bagay na puro kababawan para lang lunurin siya sa kahihiyan.
“Ang
ayoko sa lahat ay iyong kailangan kong patunayan ang sarili ko sa lahat ng
tao. For what? To please them? Sa tanang buhay ko, wala akong tinapakang
tao. Pero ito ang una at huling beses na
gagawin ko ito,” she paused. Lumapit na
siya nang tuluyan sa babae at nakipagtitigan dito. Tila mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan
nila. “Balang araw, kakainin mo rin
lahat ng sinabi mo. Kung lahat ng bagay
ay akala mong alam mo na, pwes, nagkakamali ka.
Ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa ‘yo para hindi ka na mag-isip
pa…ga-graduate ako nang walang problema.
I forgot, may psychic ability rin pala ako. Teka, nakikita ko ang future mo. Oops!
Habambuhay ka makikipagtitigan sa mga lumang pisara ng eskwelahang ito,”
she smirked. Lumayo na ng kaunti si
Cassie sa babae.
“Happy dust eating!”
Pagkatapos
niyon ay lumabas na kaagad sila ni Zach sa canteen. Halos hindi na siya makahinga sa mga oras na
iyon. Naiiyak na lang siya.
Ngayon
lang nangyari ang ganito sa kaniya sa tatlong taong pananatili niya sa
eskwelahan na iyon. Alam niya na sa
trabaho niya, hindi maiiwasan ang may manghusga sa kaniya kahit na wala naman
siyang ginagawang masama. Pero napuno na
talaga siya sa pagkakataong iyon.
Nanggagalaiti talaga siya sa mga taong hindi muna nag-iisip bago
magsalita. She pities those kinds of
people. Mga estudyanteng immature!
“Cassie,
wait!”
Napatigil
siya sa paglalakad. Mukhang napabilis yata
ang kaniyang paglakad at nakalimutan niyang kasama niya pala si Zach. Nilingon niya ang kaniyang nobyo.
“Hindi
mo na sana sila pinatulan,” sabi ng lalaki sa kaniya.
“Anong
gusto mong gawin ko? Makinig lang sa mga
panghuhusga nila?”
Zach
cupped her face. “Hindi naman sa
gano’n. Ang sa akin lang, ayoko kasi na
nasasaktan ka. Kung hindi mo na lang
sana sila pinansin, hindi na sana nagkaroon pa ng gulo. Lalo ka lang nilang pag-uusapan dahil sa
inasal mo kanina.”
Tinanggal
ni Cassie ang mga kamay ni Zach sa mukha niya.
Of all people, hindi niya inaasahan na ganito pa ang sasabihin ng nobyo
niya. “Zach, ako ang naagrabyado! Pero kung makapagsalita ka, parang ako pa ang
may kasalanan,” aniya rito.
“Hindi
naman gano’n ang ibi—” Napatigil sa
pagsasalita ang lalaki. “Hindi ko alam
kung anong nangyayari sa ‘yo at nagkakaganyan ka. Pero isa lang ang nasisiguro ko, kinakain ka
ng pagiging artista mo. Dati naman hindi
mo sila pinapansin kahit na anong sabihin nila tungkol sa ‘yo. Kung alam mo naman na hindi totoo ang
sinasabi nila, hindi mo na kailangan pang magpaliwanag. At dahil sa ginawa mo kanina, hindi ako
mag-aatubiling isipin na totoo nga ang mga paratang nila.”
Hindi
na napigilan ni Cassie ang kaniyang sarili nang malakas na dumapo ang palad
niya sa pisngi ni Zach. Nanlalabo na ang
paningin niya. Mabilis na dumadaloy ang
mga luha sa mga mata niya. Halos hindi
na siya makapagsalita. Sobrang sakit ang
nararamdaman niya.
“Halos
wala na akong itinira sa sarili ko nang magdesisyon akong magtrabaho para
makapag-aral ako. Kahit na alam ko ang
consequence na haharapin ko kapag nag-artista ako, itinuloy ko pa rin. Tiniis ko ‘yon. Kahit lahat ng tao rito sa mundo pa ang humusga
sa akin, ayos lang. Magtatakip na lang
ako ng tenga.” Saglit siyang tumigil sa
pagsasalita.
Pinunasan niya ng kamay
niya ang luha niya. “Pero hindi ko
matanggap na ikaw mismo na nobyo ko, pag-iisipan ako ng masama. Ang sakit, Zach. Para akong dinudurog. Tang-ina, nakaka-gago eh! Ikaw dapat ang mas nakakakilala sa akin. Pero tingnan mo nga naman, mas malupit ka
pang manghusga kesa sa kanila!”
Tinitigan
niya si Zach. Hindi na ito sumagot
pa. Huminga si Cassie nang malalim.
“Kakaunti
lang kayo na kakampi ko laban sa mundo, ngunit sa dahil sa iniisip mo, para mo
na rin akong pinatay. Tigilan na natin
‘to, Zach. Masyadong masakit e. Masyado nang mabigat sa damdamin. Magbabawas lang ako ng bagahe para naman
gumaan ang masalimuot na buhay na pasan ko,” sabi niya rito. Tinalikuran na niya ang lalaki ngunit hindi
muna siya umalis sa kinatatayuan niya.
“Huwag mo na akong kausapin, Zach…”
Muli na namang tumulo ang mga luha niya.
“…kahit kailan.”
Mabilis
na naglakad si Cassie palayo sa lalaki. She cried her hearts out. She did not expect this to happen nor planned
it. But everything bad just happened to
her and ran smoothly.
KAAGAD na binuksan ni Cassie ang pintuan ng sasakyan niya at pumasok sa loob. Nagulat ang driver niya na sa mga oras na
iyon ay nagbabasa ng dyaryo.
“Miss,
akala ko po ba hanggang alas singko pa ang pasok niyo?” tanong nito sa kaniya.
Nakatingin
lang si Cassie sa labas. “Umuwi na po
tayo,” tugon niya rito. Hindi na muling
nagtanong pa ang matanda at kaagad nitong pinaandar ang sasakyan.
Nasa
kalagitnaan na sila ng byahe pauwi nang makatanggap ng tawag si Cassie. She grabbed her phone from her bag and took
the call.
“Hello?”
sagot niya sa kabilang linya.
“Hi,
Cassie! This is Marjorie Betchayda,
Casting Director for the movie Falling in Love.
I’m expecting that you already read the script for this movie, did you?”
“Oh,
yes, Ms. Betchayda. Bakit po? Meron po bang problema?” tanong niya sa
babae.
Tumawa
ang babae. “Wala namang problema. I just need you to come here in the
conference room. Nakahanap na kasi kami
na makakapareha mo. We will have our
meeting for your schedule and for you to get to know your partner.”
Napakunot
siya ng noo sa sinabi nito. “Ngayon na?”
“Yes. I’m sorry for the late announcement. Ngayon lang kasi pwede ang makaka-partner
mo. Sa susunod na magkita kayo ay sa
first shooting na ng movie niyo. Is it
okay for you to come here today?”
Tumingin
si Cassie sa labas para alamin kung nasaan na sila at sabay sipat sa kaniyang
orasan. “It’s okay. Give me 30 minutes.”
“Okay,
we will wait for you. See you!” anito at
tinapos na ang tawag.
Tinapik
niya ang kaniyang driver. “Manong
Dwight, punta po tayo sa office.”
CASSIE gently pulled the glass door of the conference room. Maraming tao ang bumungad sa kaniya nang
makapasok siya roon. Pati ata ang iba
pang cast ng pelikula ay pinapunta roon. She gave them her sweetest smile. Lumapit sa kaniya ang isang babae.
“Hi,
I’m Marjorie. Pasensya na talaga kung
biglaan ang pagpapatawag namin ng meeting.”
Nginitian
niya ang babae. “Okay lang po.”
“Umupo
ka muna. Hintayin lang natin saglit si Brad.”
Nanlaki
ang mga mata niya. Brad Ortega? The last time
na ito ang natipuhan ng management na maging ka-love team niya, nag-away sila
ni Zach. Ayaw talaga ng nobyo niya sa lalaki dahil mayabang daw ito at baka
pormahan lang siya. And because of that,
she had to refuse the offer. Teka, bakit ko ba inaalala 'yon? Break na naman kami ni Zach!
Natigil
lang si Cassie sa pag-iisip nang bumukas muli ang pintuan ng conference
room. Lahat ng naroon ay napatingin sa dumating.
Hindi
pa rin nagbabago ang epekto ng lalaki sa lahat.
Mas lalo pa nga itong naging gwapo simula no’ng huli niya itong nakita.
Brad
sat in front of her. Nginitian siya nito
at kinindatan. Napailing siya. Hindi pa rin nga talaga nagbabago ang lalaki.
The
meeting started and settled their availability for the shooting of the movie.
PAGOD na pagod si Cassie nang makauwi siya sa bahay nila. Pasado alas otso na ng gabi nang matapos ang
meeting nila dahil may mga problema sa schedule nila. Pero pinilit ni Ms. Marjorie na magtagpo ang
schedule nila ni Brad.
Tulog
na ang mga magulang niya at kapatid.
Hindi na niya ginising pa ang mga ito.
Umupo
muna siya sa sala at binuksan ang T.V.
Bumungad kaagad sa kaniya ang balita na magsasama sila ni Brad sa isang
pelikula. Ang bilis talaga ng balita, aniya.
Maya-maya
lang ay nakarinig na siya ng malakas na katok mula sa pintuan. Nagtataka siya kung sino ang nasa labas ng
bahay nila nang ganoong oras.
Tumayo
siya mula sa pagkakaupo sa sofa at tinungo ang pintuan. Pinihit niya ang seradura at nilakihan ang
pagkakabukas sa pinto. Iniluwa niyon ang nakakunot ang noong si Zach.
“Anong
ginagawa mo rito?” tanong niya sa lalaki.
“Makikipag-pareha
ka sa mayabang na Brad na ‘yon?!”
Awtomatikong
tumaas ang kanang kilay ni Cassie. “Ano
naman kung makapareha ko siya sa pelikula?
Magaling naman na aktor si Brad kaya magandang opportunity ‘to,” sabi
niya sa lalaki.
Hindi
na nagsalita pa si Zach, ngunit hinawakan nito ang braso niya at hinila siya
palabas ng bahay nila. Nagpupumiglas
siya.
“Ano
ba, Zach! Bitiwan mo nga ako!” bulalas
niya.
“Manahimik
ka diyan!” sigaw ng lalaki.
Patuloy
siyang hila-hila ni Zach katulad ng patuloy niyang pagpupumiglas rito hanggang
sa makarating sila sa sasakyan ng lalaki.
Pinaupo siya nito sa tabi ng driver’s seat. Nang makapwesto na sa manibela si Zach,
kaagad na pinaandar ng huli ang sasakyan.
“Saan
mo ba ako dadalhin?” tanong ni Cassie kay Zach.
But the man seems to have no intention of talking.
Sumandal
si Cassie sa upuan. Nanahimik na lang siya
at lihim na inaabangan kung ano ang balak ni Zach.
Napadiretso
si Cassie ng upo nang mapagtanto niya kung saan sila patungo. Lumingon siya kay Zach, pero patuloy pa ring
nagmamaneho ang lalaki papasok ng eskwelahan.
Zach
parked his car on the side of a tree near the fish pond. Bumaba ng sasakyan ang lalaki. Binuksan nito ang pintuan sa tabi niya at
hinintay siyang makababa ng sasakyan.
Hindi inalis ni Cassie ang tingin niya kay Zach. Umupo siya sa bench malapit sa pond at
tinabihan naman siya ng lalaki.
“Bakit
mo ako dinala rito?” tanong niya sa lalaki.
Zach
shifted his eyes on her. “I’m sorry,
Cassie. I didn’t want you to feel that
way. I’m sorry that I doubted you.”
Nangingilid
na ang luha sa mga mata ni Cassie.
Pinilit niyang pigilan iyon. “Zach,
everything happens for a reason. I
believe that. Itong nangyari sa atin,
naniniwala ako na balang-araw ay maiintindihan rin natin kung bakit ito
nangyayari. Mahal kita, Zach. But I wanted myself to heal. Malaking parte ng isang relasyon ang trust,
at iyon ang nawala sa atin. Isipin mo na
lang na maghihiwalay tayo hindi dahil sa hindi natin mahal ang isa’t isa, but
to grow as an individual person.”
Mabilis
siyang niyakap ni Zach. Doon na tuluyang
tumulo ang mga luha ni Cassie.
Napakahirap ng gagawin niya, ngunit kailangan niyang panindigan iyon. Yumakap rin siya nang mahigpit kay Zach.
“No,
Cassie, please don’t do this!” bulalas ni Zach.
“I’m
sorry, Zach, but we have to,” aniya at humiwalay sa yakap ng lalaki. Zach looks frustrated. Gusto niya sanang bawiin ang desisyon niya,
pero pinigilan niya ang sarili niya.
“Let’s go home. Mapapagalitan
lang tayo kung magtatagal pa tayo rito.”
“Hindi
sila magagalit.”
Napakunot
ang noo ni Cassie sa sinabi ng lalaki.
“What do you mean?”
“Our
family owns this school.”
Nanlaki
ang mga mata niya. Cassie is trying to
digest what Zach has said. “Bakit hindi
mo ito sinabi sa akin?”
“Marami
nang kontrobersiya tungkol sa ‘yo ang kumakalat para dagdagan ko pa. I did everything I can to hide my status just
to protect you. I never wanted to hurt
you, Cassie.”
Naisuklay
ni Cassie ang mga kamay niya sa buhok niya.
She tried her best to breathe normally but she can’t.
“Zach,
please, always remember that I love you and it will never fade. I know that this is the right thing to
do. Goodbye, Zach.”
Tumayo
na si Cassie sa kaniyang kinauupuan at tinungo na niya ang daan palabas ng
eskwelahan.
MAHIGPIT na hinawakan ni Cassie ang itim na sombrero sa ulo niya. Dahan-dahan niya iyong tinanggal. Nakangiti niyang tinitigan iyon. All of her sacrifices were finally paid
of.
Isang
taon na ang nakakalipas nang tumigil siya sa pag-aartista. May sapat naman siyang ipon para makapag-aral
siya nang hindi nagtatrabaho.
Sinuportahan siya ng pamilya niya sa naging desisyon niya. Marami ang nagtaas ng kilay sa ginawa niya at
kung anu-anong rumors na ang lumabas, pero wala na siyang pakialam doon.
She
threw her cap up in the air, and shouts her lungs out. Sobrang saya ang nararamdaman niya sa mga
oras na iyon. Tama ang lahat ng naging
desisyon niya. Nakaka-proud ka, aniya sa kaniyang sarili.
Nasa
kalagitnaan sila ng kasiyahan nang biglang tumunog ang mikropono sa stage. Napalingon siya roon. She saw Zach on the stage with a microphone
on his hands. Suot-suot pa rin nito ang
toga.
Nagtaka
siya kung anong ginagawa roon ng lalaki.
Nagpaikot-ikot ang tingin ng lalaki hanggang sa tumigil iyon sa may
pwesto nila.
Ngumiti
ang lalaki sa kaniya. “Hi, Cassie,”
anito.
Hindi
niya napigilan ang kaniyang sarili na matawa sa lalaki. Tila nahihiya si Zach nang batiin siya nito.
“Matagal-tagal
na rin simula nang maghiwalay tayo,” pagpapatuloy ng lalaki. “Pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa ‘yo.”
Nagtilian
ang lahat. Nahihiya na si Cassie dahil
sa ginagawa ni Zach.
“Naniniwala
na ako sa sinabi mo na kailangan natin mag-grow as an individual person. Itinuring kong mali ang naging desisyon mo
noon dahil nasaktan ako, pero sa paglipas ng panahon ay napagtanto ko na tama
iyon. You did it, Cassie,” sabi ni Zach
at nginitian siya. Gumanti rin siya ng
ngiti sa lalaki. “Siguro naman tapos na
ang healing process mo, ‘di ba? Kung
hindi pa, hayaan mong ako ang gumamot sa ‘yo.
Sasamahan kita at hindi ka mag-iisa.”
Lumapad
na ang ngiti sa labi ni Cassie.
Nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso niya.
Napansin
niya na may dinudukot si Zach sa bulsa nito.
Ngunit hindi ata iyon mahanap ng lalaki.
Lumingon si Zach sa kaibigan nito na noon ay nasa gilid ng stage.
“
Saan
na ‘yon?” tanong ni Zach sa kaibigan niya.
May
inihigas ang lalaki kay Zach na kung anuman na maliit na bagay. Nagulat siya nang lumapit sa kaniya ang ibang
kaibigan ni Zach at hinila siya patungo sa stage.
Nang
makaharap na ni Cassie si Zach, hinampas niya sa balikat ang lalaki. Pinanlakihan niya rin ito ng mata.
Tumawa
ang lalaki. “Relax, Cassie. Pakinggan mo lang ang sasabihin ko,”
anito. Nanlaki ang mga mata ni Cassie
nang lumuhod ang lalaki sa harap niya. “Cassie, I love you, and I wanted you to
be mine for the rest of my life.”
Zach
opened the small box. Cassie cannot
utter any word. Nanlalabo na rin ang
kaniyang paningin dahil sa luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata niya.
Ngumiti
si Zach sa kaniya. “Will you be mine
forever?”
Sinabunutan
niya ang lalaki at hinila patayo.
“Nakakainis ka! Dahil sa ginawa
mo hindi ako makaka-hindi sa ‘yo!” Cassie
gave Zach a peck on the lips. “Of
course, I will be yours forever.”
Isinuot
ni Zach ang singsing sa daliri niya sabay yakap sa kaniya. Napansin ni Cassie ang flash ng mga camera sa
paligid niya. Humiwalay siya ng yakap kay
Zach at tumingin sa paligid.
Bumulong
si Zach sa kaniya. “Life is not
cruel. Marami pa rin silang nag-aabang
sa ‘yo.”
One
last tear landed on her right cheek. Kung
mayroon man siyang natutunan sa mga nangyari sa kaniya, it is making the right
decision. She will be hurt at first, but
it will all be worth it.
***WAKAS***
No comments:
Post a Comment