NAPASULYAP si Mr. Gonzales sa loob ng classroom na iyon. Siya na ang principal ng paaralang minsang ay naging estudyante ang ginoo. Sa kakisigan niya noong kanyang kabataan, marami pa rin ang nagtataka kung bakit isa siyang matandang binata.
Nang matapat ang kanyang tingin sa upuang itinuring niyang espesyal, naging hudyat upang muli niyang sariwain ang mga alaalang nagdulot sa kanya ng inspirasyon at siya ring dahilan kung bakit hindi na siya nag-asawa pa. Si Aila…
TAHIMIK lamang na nakaupo si Aila sa kanyang upuan, habang nakasentro ang paningin sa kanyang kwaderno at nagsusulat.
Isa siyang fourth year student. Matangkad, maganda, at may angking katalinuhan. Subalit, isa siya sa mga estudyanteng walang kaibigan. Hindi kasi palaimik, kung kaya't laging sentro ng tuksuhan at pambu-bully ng mga karamihan sa kanyang kapwa-estudyante.
" Aila, are you with us?" may himig na galit na pagpuna ng kanyang guro.
Naglalakbay na naman kasi ang kanyang isip at tanging ang Diyos lamang at ang kwaderno na kaharap ang nakakaalam ng dahilan.
Iniangat niya ang kanyang ulo, at bahagyang ibinaba ang hawak na panulat, kasabay ng agarang pagtago sa kwaderno, bago magalang na tumayo at humarap sa kanilang guro. " I'm sorry, Maam." Paghingi niya ng paumanhin.
Gustuhin man niyang iwasan ang mga ganoong pangyayari ay hindi niya magawa. Siguro kung wala lamang siya sa lihim na pinagdadaanan ngayon, malamang, siya na ang nangunguna sa klase. But she can't.
" Ayan kasi, natutulog na gising!" Kantiyaw ng tumatawang kaklase na nasa kanyang likuran.
Hindi na lamang niya iyon pinansin, dahil siguradong pagtutulungan lamang siya. Pagdating ng oras ng meryenda, pilit niyang ikinakasya ang ibinibigay ng kanyang ama na pera. Sa dami ng estudyante, talagang nag-uunahan ang mga ito sa pakikipagpila, at tulad ng madalas na mangyari, basta na lamang siyang itinutulak ng iba para agawan siya sa kanyang kinatatayuan, lalo na kung malapit na siya.
Mag-isa lamang siyang nakaharap sa lamesa, habang kumakain. Hindi niya talaga maiwasang makadama ng panghihinayang sa mga nakikitang tirang pagkain ng mga kapwa mag-aaral. Kung siya, tinitipid ang sarili, dahil alam niya ang pagod ng kanyang ina na isang OFW para lamang makapag-aral siya, ngunit ang iba naman, tila ba kung magsayang ng mga gamit at pagkain, parang pinupulot lamang ng mga magulang ng mga ito ang pera.
Napapailing na lamang siya't inilabas ang kwaderno, at nagsulat na naman matapos kumain. Ang kanyang kwaderno ang tanging nagsisilbing kanyang kaibigan. Tuwing uwian, tinitiis niyang maglakad na lamang para makatipid. Hindi niya maintindihan kung bakit kulang na ang ibinibigay ng kanyang ama, samantalang dati naman ay sapat at may sobra pa na kanyang naitatabi.
Kung paanong pilit niyang pinagkakasya ang kanyang allowance, ang siya ring pilit hinahati ang kanyang oras, para may oras pang makapag-aral. Siya ang nagsisilbing ina ng kanyang nag-iisang kapatid. Anim na taon ng hindi umuuwi ang kanilang ina. Dati naman, responsable ang kanilang ama, ngunit, bigla na lamang itong nagbago. Naging lasenggo, sugarol, at magagalitin. Hindi lamang iyon, unti-unti pang winawasak ang kanyang pagkatao.

" ITAY, may babayaran po kami sa school." Kanyang wika sa ama.
Pinilit man niyang maglaan, ngunit talagang kulang. Pinili niya ang pagkakataong hindi lasing ang kanyang ama, dahil kapag lasing ito, iba na naman ang kapalit ng kanyang hihingiin at iyon ang halos 'di na niya masikmura.
" Oh ,eto. Uwi ka ng maaga ha?"
Sa klase ng tingin ng kanyang ama, alam na niya ang kahulugan ng tingin na iyon. Nanginginig ang kanyang mga kamay na inabot iyon. Gusto niyang makapagtapos sa pag-aaral, dahil iyon ang pangako niya sa kanyang ina, at para mailayo rin niya ang kanyang kapatid sa piling ng demonyong ama. Mahirap, masalimuot at nakakapoot ang kanyang buhay na kinalalagyan.
Lakad, takbo ang kanyang ginawa makahabol lamang sa flag ceremony. Pinili niyang maglakad sa umagang iyon, para may pang-meryenda siya mamaya, dahil sigurado siyang mag-iingay na naman ang kanyang mga alaga sa tiyan.
" M-Manong, please. Papasukin niyo po ako. Ilang minuto lang naman po akong late. Please." Humihingal na kanyang pagmamakaawa sa guwardya. Wala siyang pambayad sa punishment kapag wala siya sa linya, kaya todo ang kanyang pagmamakaawa sa guwardya.
" Please, manong." Kanyang pang-uulit na halos lumuhod sa harap ng guwardya. Napahinga siya ng maluwag nang pinayagan siyang pumasok.
Muli siyang tumakbo, at 'di napansin ang isang kapwa estudyante na makabanggaan, na siyang dahilan ng halos pagkadapa niya. " S-Sorry." Anya.
" Ako ang dapat magsorry." Mapagpakumbabang saad naman ng isang binatang mag-aaral.
"Aila, pwede ba kitang makasaba mamaya sa canteen?" patuloy nito.
Hindi na ito sinagot pa ng dalaga. Muli siyang tumakbo, patungo sa linya. Mabuti na lang talaga't nakahabol pa siya, kahit nasa pinakahuling linya na siya. Habang nakalinya siya sa likod, hindi niya maiwasang mapatingin sa mga kapwa mag-aaral.
Plantsado ang mga uniporme ng mga ito. Malinis ang mga suot na sapatos at halatang mga bago. Ang sapatos kasi niya'y luma na. Gamit pa niya iyon nang siya'y sophomore pa lamang. Namamaluktot na nga ang kanyang mga paa, dala ng kalumaan kaya halos 'di na kasya sa kanya.
Hindi niya tuloy naiwasang mangarap. Kung sana, meron ang kanilang ina sa piling nila'y, sana plantsado din ang kanilang damit na magkapatid na pumapasok. Sana, may isang ulirang ina rin silang naghahanda ng breakfast para sa kanila. At sana, hindi siya ang ginagawang parausan ng kanilang ama.
Hindi niya tuloy naiwasang mapapikit sa pangangarap, na sana nasa mundo siyang ganoon.
" Tapos na ang flag ceremony. Huwag ka ng matulog." Agad siyang napadilat nang marinig ang sinabi ng pamilyar na tinig na iyon. As usual, siya na naman ang center of attraction. Kinakantiyawan at pinagtatawanan.
Napayuko siya. Namumula ang mga pisngi. Halos wala ng lakas pa ng loob na iangat ang ulo para salubungin ang tingin ng binatang nakabanggaan kanina, at ngayo'y nasa harapan na naman niya.
" S-Salamat ha?" anya at agad na itong tumakbo patungo sa kanyang silid-aralan.
Naiwan namang nagtataka si Jeminar. Hindi niya maintindihan kung bakit napakailap ng dalaga. Transferee siya sa paaralang iyon. Nang unang pasukan pa lamang, agad ng nahuli ng dalaga ang kanyang loob. Ang hirap kasing bigyan ng description ang katangian ng dalaga, very frustrating and interesting.
Sa kauna-unahang pagkakataon na tumibok ang kanyang puso, at sa isang dalaga pa na tila walang pakialam sa paligid. Napaka-misteryosa.
AGAD itinago ni Aila ang kwaderno, nang magsalita na ang kanilang guro, at pinahahanda na sila sa kanilang mahabang pagsusulit.
Kahit papaano naman, may na-review siya kagabi, kaya handa na siya sa pagsusulit na iyon. Dahil nakaupo siya sa pinakalikurang gilid, kitang-kita niya ang mga kaklaseng nagkokopyahan, na tila ba mga nagkukumpulang bubuyog kapag nakatalikod ang kanilang guro. Ang iba nama'y nagbabatuhan ng mga kodigo.
" What's going on?" galit na turan ng kanilang guro, at sa saktong pagharap nito, ang kodigo'y agad na ibinato sa kinaroroonan ni Aila.
Natuon ang lahat ng tingin ng kanyang mga classmates sa kanya. Sa mga mata palang ng mga ito'y nagpapahiwatig ng siya ang sinisisi.
" Ma'am, si Aila po kasi. Ibinato sa amin ang kodigo, ibinato lang po namin pabalik." Wika ng isa.
Nanlaki ang mga mata ni Aila sa narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit may mga ganoong klaseng estudyante. Mga mahilig magpalusot, at ang isang tahimik na tulad niya ang sinisisi.
" Tama ba, Aila?" Nanunuri ang tingin ng kanyang guro na nakapukol sa kanya.
Tumayo siya't humarap sa guro." Hindi po, Maam. Sila po ang nambato niyan sa akin." Kanyang magalang na sagot. Sa kanyang sinabi, lalong nag-ingay ang kanyang mga kaklase.
“She is right!” May pamilyar na boses ang pumukaw sa klase, si Jeminar.
“No! She wasn’t!” May ilang nanindigan pa rin sa pagsisinungaling.
" Shut up! This time, naniniwala ako sa kanya! Kaya kayo, magsitigil kayo! Kung sino man ang makakuha sa inyo ng mababa, ibabagsak ko sa first grading!" Galit na turan ng kanilang guro.
Kahit papaano nakahinga ng maluwag si, Aila. Mabuti na lamang talaga. May iba kasing subject teacher niya, na kapag may kaya, o kaibigan ang magulang ng kanyang kaklase, siya na agad ang ididiin. Kung may lakas lang siya ng loob na ipagtanggol ang sarili, matagal na niyang ginawa.
NANG lilipat sila sa kanilang ibang subject, naagaw ng kanyang tingin ang ilang mga estudyante na nasa lilim ng punong mangga na nagliligawan, at may mga ka-holding hands, ang iba naman nasa likod ng paaralan, naglalaro ng sipa. Hindi niya tuloy maiwasang mapatanong sa kanyang isip. Bakit nga ba may mga estudyante talagang hindi marunong pahalagahan ang edukasyon? Hindi man lamang nila iniisip ang pagod ng kanilang mga magulang.
Minsan, napapatanong din siya tungkol sa sarili. Siya na mataas ang pangarap, ang siya namang halos hirap makapasok sa eskwelahan. Sa kabila ng mga nangyayari sa kanya, pinipilit niya paring makatapos. At inaasam, na sana, umuwi na ang kanyang ina.
" Tulala ka na naman."
Kahit hindi siya lumingon, kilala na niya ang may-ari ng tinig na iyon. Hindi siya sumagot. Tahimik lamang siyang humakbang at sumunod sa mga kaklase.
" Ang sungit mo naman." Patuloy na saad ng binata at sinadyang sumunod dito.
Nanatili siyang walang imik. Hindi naman niya maitatangging tila kaylakas ng tibok ng kanyang puso sa laging presensya ng binata, ngunit, talagang gusto niyang umiwas dito. Gusto niyang makapag-concentrate sa kanyang pag-aaral.
Hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa tapat ng kanilang classroom. Nakapila silang lahat ng maayos bago pumasok sa loob.
" Good afternoon, Maam." Kanilang magalang na pagbati.
Napasulyap siya sa labas. Naroon parin ang binata. Nakaupo ito at nakatungo ang tingin sa kanya. Bigla tuloy siyang nakadama ng inis dito. Hindi kasi sila magkasama sa subject na sumunod.

As usual, Geometry subject. Marami na namang aantukin na estudyante. Lalo pa't panghapon ang subject nilang iyon. Ang iba'y sadyang 'di nakikinig sa kanilang guro. Ang iba nama'y lihim na kumakain ng kung anu-ano. Ang iba pa'y kapag nakaharap ang kanilang teacher sa blockboard, nakatungo ang kanilang mga tingin sa kaharap na classroom at kanya-kanyang pa-cute sa mga crush.
Sa kanilang magkaka-klase, iilan lamang silang matatawag na nag-aaral ng mabuti. Maging sila na may mga pangarap sa buhay, nasisira ang atensyon dahil sa mga makukulit at matitigas ang ulo na mga kaklase.
Sa kanyang isip, bakit kaya hinahayaan ng ibang estudyante na matapos ang isang subject nila na wala man lang silang napapag-aralan? Sino kaya ang lugi? Ang kanilang guro ba? O sila? Wala sa kanila. Kundi, ang kanilang mga kawawang magulang na nagsisikap at tiwalang nag-aaral ang kanilang mga anak.
Kung may kapangyarihan lamang sana ang kanyang kwaderno, hihilingin niyang mapunta siya sa kinalalagyan ng mga kaklase niyang nagsasayang lamang ng pera at oras. Kung mangyari man iyon, papahalagahan niya ang lahat ng iyon, at gagawing makabuluhan ang lahat ng pagsisikap ng kanyang mga magulang. Subalit, hindi. Dahil pinagkaitan siya ng bagay na iyon. Nag-aalala na nga siya sa kanyang ina, pagkat hindi na ito nagpaparamdam. Ang kanyang ama naman, napaka-iresponsable. Lahat ng ibinibigay sa kanya, may kapalit na 'di niya kayang tanggihan at patigilin, pagkat ang buhay ng kanyang kapatid ang nakasalalay.
" Manang, baka po pwedeng pumasok akong dishwasher niyo?" kanyang pakiusap sa may-ari ng kanilang isang school canteen. Kailangan niyang humanap ng pagkakakitaan. Ang dami kasi nilang babayaran at bibilhing project. Ipinagpasalamat niya sa Diyos, nang pumayag agad ang may-ari.
Kung ang ibang estudyante, relax lamang na nakaupo at nagkukwentuhan pagkatapos kumain, siya heto't naghuhugas ng maraming kagamitan. Kung siya lang sana ang nasa kalagayan ng mga ito, hindi niya sasayangin ang oras niya. Magre-review siya't pag-aaralan at paghahandaan ang mga susunod nilang subject.
Ang iba pa'y, hindi yata makapasok ng paaralan, kung hindi naka-make-up at hindi naliligo ng pabango. Sa mga lalake naman, naka-gel ang buhok at patayo pa ang style ng mga ito, na tila kung malaglagan ng butiki'y ma-barbeque na ito.
Kahit naging working student na siya, hindi pa rin niya hinayaang bumaba ang kanyang mga grado. Nasa pangalawang pinakamataas pa rin siya. Kung may sapat lamang siguro siyang oras, sigurado, siya ang mangunguna.

NAGMAMADALI siyang tinapos ang kanyang hugasin sa araw na iyon. Mabuti na lamang sanay siya sa mabilis na paggalaw. Kailangan niya talagang makahabol. Napakaistrikto pa naman ang kanilang Guro na unang klase nila ng hapon. Kapag late ka, hindi ka na papasukin.
" Manang please. Kahit po bawasan niyo na ang sahod ko. Kailangan ko nalang po talagang pumasok." Kanyang pagmamakaawa.
Pinagtatawanan pa siya ng mga estudyanteng nakarelax lang na nakaupo. Mga walang pakialam kung male-late man sila o hindi papapasukin. Ang iba kasi'y sapat na ang grading pasang-awa. Ang mahalaga ay hindi bumagsak.
Mabuti na lamang at nadala rin ang may-ari sa kanyang pagmamakaawa't pakiusap at siya'y pinayagan. Kung gaano siya nagmamadaling makahabol sa unang subject ng hapon, ang iba nama'y natatanawan niyang nakaupo lamang sa mga lilim ng punong mangga na walang planong pumasok.
Napahinga na lamang siya ng malalim, at naisip na sadyang ganoon na lamang yata talaga, ang buhay ng ibang estudyante. Parelaks-relaks, mga wala namang laman ang utak.
KASALUKUYAN siyang nagre-review nang biglang pabagsak na isinara ng kanilang ama ang pinto. Lasing na naman itong umuwi galing trabaho. Isa itong karpintero.
Agad siyang humiga sa tabi ng kapatid na nahihimbing na sa pagtulog. Niyakap niya ito ng mahigpit at nagkunwari na ring natutulog. Pigil ang kanyang paghinga, habang taimtim na nananalangin na sana hindi na siya istorbohin pa ng baboy na ama.
Bahagya na siyang napaidlip, nang biglang may humawak sa kanyang paa. Mabuti na lamang hindi siya napatili sa gulat. Tulad ng dati, ang kanyang ama na naman. Pupunuin na naman siya ng nakakatakot at nakakakilabot na banta, para lamang maisakatuparan ang nais sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang sisihin ang kanyang ina. Kung bakit kasi hindi na ito umuwi pa. Ang huling balita niya, may karelasyon na itong iba, kaya naman hindi na maisipang umuwi. Kung kaya't ang kanyang ama na dating mabait, at mahal na mahal sila, naging demonyo na.
HABANG lumilipas ang buwan, kapansin-pansin ang kanyang pangangayayat. Hindi niya maintindihan ang kanyang kakaibang pakiramdam. Sa kabila ng lahat, pinipilit parin niyang mabuhay bilang isang estudyante, kung kaya't hindi siya lumiliban sa pagpasok.
" Hi. Pansinin mo naman ako."
Kasalukuyan siyang nasa library nang oras na iyon. Kinukulit na naman siya ng isang estudyante. Hindi naman niya ito kaibigan, ngunit laging nakasunod sa kanya at nagpapa-pansin, kahit hindi niya pinagtutuunan ng pansin. Kung ang iba'y kinikilig kapag nilalapitan ng katulad ni Jeminar na gwapo, at bago sa eskwelahang iyon, siya'y hindi.
Gugugulin na lamang niya ang sarili sa pag-aaral kaysa sa pakikipagligawan. Sabihan na siyang killjoy, pero iyon talaga siya. Seryoso sa buhay, na ayaw na niyang ilapit pa ang sarili sa iba, dahil siya mismo'y hindi matanggap ang sarili. Nananatili lamang siyang matatag para sa kapatid, at sa pag-asang uuwi din ang kanilang ina at hindi totoo ang balitang nagkalat tungkol dito.
" I'm Jeminar Gonzales. Please, Aila, I want to be your friend." Patuloy na pangungulit nito.
Nginitian lamang niya ito, para naman hindi siya maging bastos. Inabala niya muli ang sarili sa pagsasaliksik ng takdang-aralin. Ang ibang mga estudyanteng naroo'y akala mo abala sa librong hawak, subalit, tanaw na tanaw naman niyang pocketbook ang nakapaloob doon, at ang kawawang libro ang siyang nagsilbing pantakip.
Hindi na naman niya maiwasang ulanin ng bakit. Bakit nga ba kaya?
Siya, kawawang-kawawa na habulin ang vacant time sa pagsasaliksik sa library, ngunit ang iba'y sa halip na gugulin rin ang oras sa makabuluhan, ay hindi. Kundi ginagawa nilang leisure timen na sigurado siyang hindi naman napapagod ang isip ng mga ito kapag kasalukuyan ang kanilang klase. Ang iba'y hinahayaan lang na mag-init ang puwet sa upuan, at wala man lamang partisipasyon tuwing sila'y nagtatalakayan.
NAPAKUNOT-NOO siya nang makita ang mga pasa sa kanyang katawan. Kalauna'y hindi na lamang niya iyon pinansin.
Problema niya kung sino ang pakikiusapan niyang dadalo sa kanilang PTCA MEETING sa araw na iyon. Wala naman ang kanyang ama. Ang kanilang mga kapitbahay, at kamag-anak, hindi naman sila pinapansin. Pumasok na lamang siya. Siya na lamang ang makiki-meeting para sarili, at isa pa, maaari din naman silang makinig sa meeting na iyon kasama ang sinumang dadalo na kanilang mga magulang. Hindi niya talaga maiwasang makadama ng inggit sa mga estudyanteng may mga kasamang magulang.
" Nasaan ang parents mo? Sinong makikipag-meeting sa iyo?" Malditang tanong ng isa niyang classmate, kasama ang iba pang kaklase na kaibigan nito.
" A-Ako ba?" Kanyang napamanghang tanong kasi hindi siya sanay na kausapin ng medyo may sense. Kadalasan kasi, puro panlalait ang naririnig niya sa mga ito.
" Ah, hindi. Hindi ikaw!" Tumatawang turan nito, kaya naman nagsipagtawanan ang buong grupo. Batid naman niyang may kaya sa buhay ang mga ito. Sa pananamit, sa paggagasta ng pera, at iba pang luho.
Hinayaan na lamang niya ang mga ito. Minabuti niyang pumasok na lamang sa classroom, kung saan idadaos ang meeting at tahimik na hinihintay pa ang iba. Sa kanyang nakikita, siya lamang ang estudyante sa loob, at lahat ay mga magulang na at mga ate na representatives ng bawat kaklase niya.
Habang tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana, naulinigan niya ang isang kaklase niya kanina na nagtanong sa kanya, na ngayo'y pilit pinagtatabuyan ang ina.
" Hindi ba sabi ko, huwag na kayong pumunta dito? Mas gugustuhin ko pang wala akong representative, kaysa sa mapahiya ako sa mga rich friends ko." Anito.
Nanayo ang kanyang balahibo sa narinig. Lihim siyang napasilip sa mag-ina. Kapansin-pansin na kagagaling lamang sa paglalabada ang ina ng kaklase niya. Buong akala niya'y mayaman ito.
" Anak, hayaan mo na akong maki-meeting. Nakiusap lang ako sa amo ko para lamang maka-attend. At isa pa, ano naman ang kinalaman ng mga rich friends mo dito?" mapagpakumbabang himig ng ina nito.
Napakamot sa ulo ang kanyang kaklase." Basta. At please, huwag mo akong tatawaging anak. Kasi nakakahiya. Ang alam nila, mayaman ako. Ayaw kong mapahiya sa kanila kaya umalis ka na!" Pilit hinihinaang tinig na turan nito.
Kitang-kita ni Aila, ang lumandas na luha ng ginang. Tila nadudurog ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan, kung bakit may estudyanteng ganoon. Siya nga, walang tigil sa kakaasam, na sana naroon din ang kanyang ina.
Marami nga naman talagang mga estudyanteng, nagdadamit mayaman at umaastang mayaman, para lamang mapantayan at matalbugan ang mga kaibigan. Hanggang sa masulyapan niyang lumapit ang tatlong kaibigan nito.
“Where’s your mom? Bakit katulong niyo ang pinapunta mo dito?" Wika ng isa. Hindi nakaligtas kay Aila ang pagdidilim ng mukha ng ginang. Awang-awa siya dito ng sobra.
" W-wala ang mommy ko. Hindi ko siya pinapunta dito, siya ang kusang pumunta." Anito.
" Sige, papasok lang kami sa loob. Nandoon na kasi ang mga parents namin eh." Tanging pagtango lamang ang itinugon ng huli.
Akmang tatalikod na sana siya at sumunod sa mga ito nang bigla siyang hinapit ng ina sa braso, at pwersang pinaharap. " Anong klase kang anak?!" Buong pagtitimping turan nito.
" Umalis na po kayo. Nakakahiya!" Anya't pilit binawi ang braso at agad ng tumalikod.
Lumuluhang napayuko naman ang ginang, at dahan-dahang humakbang. Agad lumabas ng classoom si, Aila. Sinundan niya ang ginang na lupaypay ang balikat.
" Maaari ko po ba kayong gawing ina? Kahit ngayon lang po. Wala kasing makiki-meeting para po sa akin." Magalang niyang pakiusap.
Napatingin ang ginang sa kanya at napangiti tanda ng pagsang-ayon. Inalalayan pa niya ang ginang papasok sa kanilang classroom at tinabihan ito. Sa meeting na iyon, doon nalaman ng ginang ang pinaggagagawa ng anak. Kaya pala hindi ipinapakita sa kanya ang mga grado nito, dahil may bagsak at puro mababa. At ang estudyanteng kasama niya'y pumapangalawa sa pinakamatalinong estudyante.Hindi niya tuloy maiwasang, asamin, na sana ganitong klaseng estudyante din ang kanyang anak.

MABILIS lumipas ang buwan. Nasanay narin si Aila, bilang isang working student.
Subalit, talagang pagod ang kanyang katawan. Lagi pang napupuyat. Gusto niya kasing maging valedictorian, para makapag-aral pa ng kolehiyo.
" Anak, nakausap ko ang nanay niyo. Uuwi na daw siya ngayong marso. Sakto sa Graduation mo." Bungad ng kanyang ama.
Ngayon, kanyang napagtanto, na kaya pala naging mabait na ito sa mga nakaraang araw. Hindi na rin siya ginagalaw. Pero tapos na ang lahat. Luklukan na ang kanyang pagdadalamhati dahil sa mga nangyari.
" Anak, siya nga pala, may pinadala ang nanay mo na susuotin mo sa JS PROM. niyo. Sana magkasya sa iyo." Patuloy pa ng kanyang ama.
Kung sana hindi siya nilapastangan ng paulit-ulit noon, sana magawa niyang maging masaya ngayon. Kinuha niya iyon at napaluha nang makita. Ang ganda. Sa kauna-unahang pagkakataon na naisip siyang regaluhan ng ina.
DUMATING ang kanilang JS PROM na ginanap sa mismong school. Lahat ng kapwa niya estudyanteng naroon ay talagang nagsasaya. Patalbugan sa mga suot. Tahimik lamang siyang nakaupo habang nanonood. Siya lang ang walang kasamang magulang.
" Can we dance?" napaangat ang kanyang ulo. Si Jeminar na naman iyon. Gusto rin niyang maranasang sumayaw, kaya tinanggap niya iyon.
" Ang ganda mo talaga." Papuri ng binata.
Ngumiti lamang siya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nanghihina siya. Kapag pipikit siya'y pakiramdam niya'y nakalublob siya sa kadiliman.
" Congrats pala hah? Ikaw pala ang magiging valedictorian." Wika ulit ng binata.
Mula first dance, hanggang ngayong last dance, sila lamang ang magkapareha.
" S-Salamat."
Hindi niya maintindihan ang mga pasa sa kanyang katawan. Ang dami pa niyang pangarap, kaya hiniling niyang, sana, okey lamang siya. Kung ang ibang estudyante, hinahayaang masira ang buhay, ngunit siya, pilit niyang inaayos. Ngunit ngayo'y tila ramdam niyang, wala na. Bibigay na yata siya. Tinitigan niyang mabuti ang kasayaw na binata. Lihim siyang nagpasalamat na may isang Jeminar na ramdam niyang nagpapahalaga sa kanya.
" I--I love you, Aila." Pagtatapat ng binata. Walang sagot si Aila sa kanya, tila wala ito sa sarili. Nahihiwagan siya sa dalagang kasayaw. Kanina pa ito namumutla. Parang wala ng dugo. Nangingitim ang mga labi.
" A-Aila."
Pilit ngumiti ang dalaga." Ang kwad--kwaderno ko, pakitago. Magagamit mo sa future, please let me live as an inspiration, Jeminar." Nanghihina niyang saad at itinuro ang bag sa kanyang kinauupuan.
Hindi man niya maintindihan ang lahat, sinunod niya ang pakiusap ni Aila na kunin ang kuwaderno. Napatungo naman ang tingin ng binata doon, at kanyang muling pagharap sa dalaga, unti-unti na itong natutumba, kaya maagap niyang niyakap.
" Aila..Aila..."
Sa oras na iyon, nalagutan na ng hininga ang dalaga sa mismong kandungan ng binata. Ang lahat ay nagkagulo. Dinala nila agad sa ospital ang dalaga, ngunit talagang wala na.May sakit itong leukemia, at dahil sa napabayaan at walang kaalam-alam na may sakit siya, lumala ito ng lumala.

“Sir Jeminar, gusto ko lamang pong isauli ang kwaderno ni Miss Aila. Malaki po ang naitulong sa outreach program na kalakip ng aking case study.”
Ang tinig ng isa sa mga estudyante ni Mister Gonzales ang pumukaw sa kanyang kamalayan sa kasalukuyang panahon.
“Good to hear that.” Nakangiti niyang sagot.
“Sir, how do you know her? She is full of wisdom, sayang at maaga siyang lumisan.” Biglang lumungkot ang tinig ng estudyante.
“Aila is very special to me. I know a little of her, yet she leaves lots about being a student. Sadly, namatay ng maaga, pero mananatili siyang buhay dahil sa kanyang kuwaderno.”
“And sir, kung sakali pong ako ang valedictorian, gusto ko po sanang gawan ng tribute ang mga pangarap ni Miss Aila.” Hiling ng estudyante.
“Of course! She will be happy. Her legacy will remain alive forever. Naluluhang ngumiti si Mr. Gonzales ng sulyapan niya ang kwaderno. Pakiramdam niya, bigla itong umilaw. Hindi man natupad ni Aila ang kanyang mga pangarap, ang mga letrang iniwan niya sa kanyang kuwaderno ang magpapatuloy ng mga ito sa pamamagitan ng mga estudyanteng makakabasa ng kanyang pagsisikap.
" Alam kong masaya ka na, Aila. Ilang taon man ang lilipas, ikaw lamang ang babaeng mananatili sa puso ko. Sa iyo ko nakita ang tunay na pagsisikap sa pagkamit ng pangarap, ang pagiging isang mabuting estudyante sa kabila ng lahat ng mga pagsubok. Kagaya ng malawakang impluwensiya ng iyong kwaderno, mananatiling ikaw ang tanging mamahalin ko, Aila." Wika ng principal sa sarili at masayang nilisan ang classroom.

***W A K A S***
No comments:
Post a Comment