Short Story Writing Contest Entry #3: Love's Sweetest Vengeance by Clara Dayrit


IV. LOVING HEARTS FIND A WAY
                                                               
NANG magising si Brad,si Hannah naman ang napalalim ang tulog.Sa ngayon sya naman ang may chance para mapagmasdan nang matagal ang babaeng di nya mawari kung anong dahilan at pilit pinag-krus ang kanilang landas sa hindi pa mabuting pagkakataon.Sa maikling panahon na nakasama nya si Hannah,nahihirapan na syang paniwalain ang sarili na isa itong home-wrecker gaya ng perception ni Carmi.

Malamang kung sakali man,sigurado si Jopher ang talagang may kalokohan.The truth will come out so soon.Hindi nga sya nagkamali,nag-vibrate ang phone ni Hannah at nakita ni Brad na nag-registered ang pangalan ng kanyang bayaw sa screen ng phone nito.Bigla tuloy naningkit ang mga mata ni Brad sa galit.Galit na tila may bahid pa ng kirot sa kalooban nya ngayon at alam nya na walang kinalaman ito sa kung anong meron sa bayaw nya at ni Hannah…pero kirot na dala ng kasalukuyan nyang nararamdaman sa babaeng ito.Halip na si Hannah ang ihulog nya sa kanyang bitag, tila sya ngayon ang nahuhulog nang tuluyan sa kumplikadong balon ng pag-ibig…na hindi sya sigurado kung naroon si Hannah para saliwan sya.He doesn’t want to be a loser…not in his wildest dream.Kung magiging loser man sya, sisigurohin nyang hindi babae ang magiging daan ng kanyang kabiguan.Malaki na ang investment nya para marating ang tagumpay nya sa ngayon kaya hindi sya papayag na hilahin lang sya pababa ng isang babae.

Napakislot si Hannah nang maramdamang pinagmamasdan nya ito habang nakatulog. “Brad,are you okay now?What’s that strange kind of look mean Brad?May gusto ka bang sabihin sa’kin?”Malambing na pagkakatanong nito.

Gustuhin man ni Brad na usisain at kumpirmahin ang natuklasan nya kanina,ay nauumid ang kanyang dila.Sa halip ay hindi nya makontrol ang sarili nang bigla nyang yakapin ng may buong pagmamahal si Hannah. “You deserve to be loved,Hannah…I don’t wanna hurt you.” Garagal pa ang tinig ni Brad nang sabihin nya ito.Tinatalo sya ng konsensya nya…bigla syang nakaramdam ng sobrang awa para kay Hannah. “Napaka-walanghiya ng Jopher na yon,niloloko na nya si Carmi,ganon din si Hannah ngayon.”Gigil na usal ni Brad sa sarili.

”What did you just say Brad?Nagagalit ka ba?” Usisa ni Hannah.

 “No…no…kailanman hindi ako dapat magalit sayo…Is there any reason for me to get mad at you Hannah?”Balik tanong nya dito. “Syempre wala naman di ba?I think you’re the kind of person na pwede kung pagkatiwalaan…and I just proved it now.Thank you Brad.Seryosong tugon ni Hannah nang tinitingnan ng diretso sa mata si Brad. “Don’t say that…wala ka pa namang dapat ipagpasalamat sa akin,ako ang meron kasi you took care of me kanina and you never leave my side hanggat maging okay na ako uli. I want you to know, I’m so glad that I have you…I mean that we met.” And they just can’t realize again that they’re simply going with the flow…

Napaka-natural ng mga matatamis na salitang lumalabas sa kanilang mga labi gayon din ang matatamis na halik na muling nagpatagpo sa kanilang mga nagpapakatotoong damdamin. “I think I’m falling for you Hannah…I want you to stay in my life…not just today…but until the end of time.” Siguro kung nakikinig lang si Anton sa kanyang mga sinabi, tiyak makokornihan ito sa kanya.Hindi kasi sya yong tipong romantiko by nature.Pero lumalabas lang ang totoong romantic side ni Brad kapag kitang seryoso talaga ito sa kanyang nararamdaman.Feeling nya kasi ngayon,if he will continue to suppress his feelings he knew it  will grow much stronger.Para bang isang bisyo na habang tinatanggal lalong mahirap gawin,lalong kumakapit,higit kesa dati.Kaya mas maiging maaga nyang pakawalan.Anumang maging consiquences,he will just cross that bridge when he’s there ika nga.Ang importante ang ngayon,he is just but human…so as Hannah,they both deserved to be happy.

She didn’t say any more words as a response with Brad’s sweet loving statement habang hinahagkan sya nito ng buong pagsuyo…but she just gave a much sweeter and tender kisses  for him.Subalit ang lahat ay napatid ng isang ring tone sa cellphone ni Brad. 

“Excuse me sweety…just a moment okay?”Paalam ni Brad kay Hannah bago ito lumayo ng konti sa kanya para sagutin ang tumatawag…si Carmi.Pero dahil halatang babae ang tumawag, nilakasan ni Brad ang pagbanggit ng “Oh yes Ate…I’ll talk to you later okay?Kumusta mga pamangkin ko? Ganon ba,sige tatawagan kita uli mamaya promise…bye for now.”Putol nito sa kausap para iparinig kay Hannah na kapatid nya lang ang kausap.He’s trying so much to be so defensive napansin nya tuloy sa sarili.Parang ngayon pa lang,he doesn’t want to form any reason for doubts para kay Hannah.He will do the best he can to preserve her genuine trust for him.“No,not this early…and hopefully not ever!”Pakiusap ni Brad sa sarili.

Papaano nya matatakasan ang pangungulit ni Carmi para paglaruan niya ang feelings ni Hannah gayong sa ngayon ito na ang pinakamahirap niyang gagawin.Dahil kapag sinaktan nya si Hannah in favor of his sister, kasama sya sa higit na masasaktan.Dahil napaka-ikli pa ng panahon pero hindi nya maitatanggi na nagkaroon na ng espesyal na pitak sa kanyang puso ang babaeng ito at tila hindi nya magagawang paglaruan ito.Hindi ngayon at maging kahit kailan.

Muli pa, pinagsaluhan nila Brad at Hannah ang mga sumunod pang oras na tila nanumbalik ang mga ito sa kanilang kamosmusan.Kulitan,harotan at kung ano-anong kabaliwan na kapwa nila kinagigiliwang gawin nang malaya.Ngayon nila nalaman ang pinakamasayang bahagi ng buhay…yong may isang taong kayang gawin ang maraming bagay para saiyo bagama’t hindi ito ang dating mundong iniikutan ng buhay nya.Kapwa nila hinayaan ang mga sarili na seryosohin ang pagpapalago ng kabuhayan at paghandaan ang isang kinabukasan…pero ang tanong,para saan ang isang masaganang buhay at maaliwalas na bukas kung wala kang kasalo para i-enjoy ang mga ito?Mananatili kaya sa kanilang tabi ang mga taong narito lamang sa kanila habang ang araw ay nasa kasikatan pa...ngunit sa dapit hapon kaya ng kanilang buhay kung kailan parating na ang takip-silim,naroon pa kaya ang mga ito para sila ay akayin sa silyang tumba-tumba at hainan ng maayos na hapunan?Ito ang seryosong itinatakbo ng kanilang mga pananaw sa ngayon.Hindi man sila nag-bibitiw ng maraming salita para sa isa’t-isa pero batid nila pareho ang nais ng kanilang mga damdamin.Napakahirap bitiwan ang isang taong minsan lamang dumating sa buhay natin pero tila siya na ang kabuoan ng iyong ngayon at bukas pa na darating…

Hindi mahirap bitiwan ang mga katagang totoong galling sa puso.

“Stay with me Hannah…I can’t imagine my life now without you…not even my life after this…”Masuyong pakiusap ni Brad habang walang kakurap-kurap na tinititigan ng mata sa mata si Hannah.Ano’t anuman ang malaman niya sa mga sumunod na araw  basta nasabi na nya dito ang nais nyang sabihin,maluwag na ang kanyang kalooban.Bahagyang hinawakan ni Hannah ng buong pagmamahal ang kabilaang pisngi ni Brad at sinabi, “I’m so sorry Brad…but I just can’t love you this way…I want to love you more.”At nagkulay rosas ang buong paligid…kinalimutan nila pareho ang lahat lahat…pinangatawanan nila ang tamis ng kasalukuyan.

“Kahit anong mangyari Hannah,just believe in me…yan lang ang tanging pakiusap ko sayo.Many things can happen na maaaring hindi natin hawak…but if you will just trust me,everything will be at its best.Promise me, okay?”At walang alinlangang sumagot si Hannah. “I will and will always will…just believe in you.”Ito na marahil ang hudyat na kapwa sila handa sa anumang balakid na dumating sa pagitan nila… this thing, is all that matter…to surrender each passing time, in each other’s arms… with loving-tender kisses…up to each ultimate self- surrender.There’s no room for regrets as well as little space for revenge.If it is, then it’s the sweetest revenge that love can bring.

After those uncontrollable passion,undeniable sweetest encounter of a lifetime,tila biglang hindi maipaliwanag ni Brad ang biglang naramdaman.Nagagalit sya sa sarili…Sobra!Parang walang masidlan ang hiyang nadarama sa kanyang ginawa.Parang sasabog ang kanyang konsensya.Sa kabila ng kanyang mga sinabi kay Hannah kani-kanina lamang na kailangan nitong pagkatiwalaan sya…at ginawa nga naman ni Hannah nang walang pag aalinlangan,higit pa dahil ipinagkaloob nito sa kanya ang sariling kapurihan.Halip matuwa ay di nya magawang ngumiti man lang habang pinagmamasdan ang nahihimbing pa na si Hannah sa kanyang mga bisig.Ang pinagpapantasyahan ng maraming kalahi ni Adan,ngayon ay katabi nya at pingkaloob sa kanya ang buo nitong mundo…pero tinutugis si Brad ng kanyang konsensya.

Bagama’t totoo lahat ng kanyang pagtugon sa maalab na damdamin nila ni Hannah kanina lamang,at ang lahat ng kanyang mga binitiwang salita ay totoong totoo na mula sa  kanyang puso,hindi maipagkakaila na hinayaan niyang umabot sa sukdulan ang kaniyang pagtutuklas sa katotohanang talagang ninanais nyang matanto.At ngayon na ang inaakala niyang kalaguyo ng kanyang bayaw ayon sa maling paniniwala ng kanyang kapatid na matagal na panahon nyang sinusunod at sinusuportahan sa maraming bagay ay isang masaklap na pagkakamali…na sinang-ayunan nya sa paraang ngayon ay pinagsisisihan nya ng labis.

Pinaghinalaan nya pa rin si Hannah at yon ay isang katotohanan.Kinailangan pa ni Hannah na maisuko ang sarili ng buong-buo para lamang malaman ni Brad na isa itong napakabuting babae taliwas sa maling paratang ni Carmi.She’s so pure…at napaka-inosente,walang kamalay-malay ang nahihimbing na si Hannah.Hinahalos-haplos ni Brad ang napakalambot at napakabangong buhok ni Hannah na dumadampi sa kanyang mga bisig.

 “Hey what’s the matter again, Brad? You seemed to be so upset? Ani Hannah na tila binabasa ang ibig ipahiwatig ng malalim na titig ni Brad. “I’m just so happy…and I’m afraid I can’t reach your level of expectations for me.”Aminadong tugon ni Brad.

“So, does it simply mean when you love somebody so much, you expect something more in return too,Brad?”Bwelta ni Hannah.

“No,of course not sweety!Pero bakit hindi mo sinabi na ako ang pinaka-unang pinagkatiwalaan mo ng lubos?I mean,I suppose to prove more than you should expect from."

“Tapatin mo nga ako Mr.Brad Collin,Bakit ka ba masyadong apektado?If there’s someone here that suppose to worry with what happen,siguro ako yon dahil ako ang babae,I’m the loser here Brad…pero hindi ko naman pinagsisisihan ang nangyari.Kasi kahit hindi sa ganito kadaling panahon,kahit siguro matagal pa,kung hindi isang katulad mo ang dumating sa buhay ko,hindi ko pa rin pagkakatiwalaan ng lubos.I know it’s you that I’m waiting for…for a lifetime Brad kaya ikaw ang pinili kong pagkatiwalaan.Now tell me Brad,am I wrong with my ultimate choice?”

 “I’m so sorry Hannah…”

 “It’s okay, whatever is the reason of your repeated apologies every now and then Brad, naiintindihan ko, kasi nga lalaki ka, you’re oftentimes uncertain with many things kahit alam mo na ang talagang tama.Still you dig deeper to find some more.” At nagsimula nang mag ayos ng sarili si Hannah.Animoy binagsakan ng langit at lupa si Brad nang sandaling naiwan sya ni Hannah para maligo.For sure after a while pansamantalang babalik na sila sa La Forteza at sya naman ay kailangan nang lumuwas pabalik ng Manila para isalaysay kay Carmi ang lahat lahat na natuklasan nya sa pagkatao ni Hannah baon ang mabigat na konsensya nya.Muli pa,tumunog ang cellphone ni Hannah at dali-dali itong lumabas nang naka-towel lamang para madaling masagot ang nasa linya.

“Oh yes Jopet, I’ll be there soon…why is there something wrong?Okay…okay pabalik na ako dyan.”Pagkuway nagmamadali na ring nag-ayos si Brad dahil alam nya na kailangan nya na rin matapos ang karugtong na impormasyong hinihintay nya.Pasasaan ba, whatever it takes kailangan nyang taposin kung anong nasimulan.

“Hay naku this is it…kaya nga you know what Brad?Sobrang takot kong magkarelasyon ng seryoso…kasi baka nga pagsisihan ko ng labis.”

“What do you mean Sweety?Ibig bang sabihin,what happen between us is just a fancy game?...and that passionate evening we spent together ay isa lamang pagkakataong hindi maiwasan?”

 “I’m giving back the question to you Brad…”

 “I love you for real Hannah.”
                                                                                                                                                                     
V. THE PUZZLE ENDS
                                                      
NANAIG ang sandaling katahimikan habang pabalik sila sa La Forteza.Hindi nakatiis si Hannah. “Brad I’ll be meeting someone…wanna join us for breakfast?” “No thanks we suppose to have our breakfast before we leave,pero mukhang importante ang sadya ng kakausapin mo…I will leave some space for both of you.”

“No, he’s an old friend.Way back in college kalapit ng pamilya ko ang pamilya nya.We grew up together at nagturingang parang magkapatid.Nothing more, nothing less.Napakarami nyang gusto sa buhay…but because his parents separated,hindi nya rin na-achieved lahat ng gusto nya.Only that,he married the woman she really loved so much.Kaya lang madalas hindi sya kontento dahil sabi nya he should have proven something more na hindi galing sa naipundar ng pamilya ng asawa nya.”Seryosong salaysay ni Hannah.

 “Really?Well, what’s the big deal then?He should prove he’s a worthy man of the house.All he need to do is to stand responsible sa  anumang steps na kinakaharap  ng pamilya nya sa ngayon.Hindi sya dapat bumitaw.”

“Yeah, Brad tama ka.I think you two need to talk.He will learn a lot of things from you.”

“Ha-ha-ha-ha!Not now sweety.There’s a lot of time for us.If he’s a good friend of yours,then I know he will be my good friend too in the future.That’s a promise.O pano andito ka na sa castle mo,hindi na muna ako papasok sa loob,I need to go downtown to buy stuffs for my kiddos in Manila.”

 “Huh!You didn’t tell me…”Napa-biglang kunot noo s Hannah na agad namang nakuha ni Brad ang ibig sabihin.

“Hey don’t worry…not my own kids sweety…para sa mga mahal kong pamangkin.Mahilig sila sa mga fresh fruits and jams.Babalik ako agad huwag kang mag-alala mahal na mahal kita and I mean it.”Muli pa, hinagkan nya ng walang kasing tamis ang babaeng itinatangi.

“Wait for me Hannah,I’ll be back soon.”

Nakita nya ang sasakyan ni Jopher sa kalakip na parking area.Pero mas minabuti ni Brad na huwag na lang muna itong harapin.He knew sometimes sa buhay ng bawat tao,kinakailangan ng tamang panahon at pagkakataon.It’s not yet too late,he can give this man a chance to prove his worth bilang isang haligi ng tahanan.Kakausapin nya rin ang kanyang kapatid na si Carmi to simply give Jopher some space to bring out the best he can as a man and as a person he deserved some kind of respect and trust para sa isang mas matibay pa na pundasyon ng isang relasyon.If there’s one good thing that Brad learned from this,hindi dapat pairalin ng bawat tao ang mga espekulasyon lalo na’t hindi pa natin nababatid ang buong katotohanan.

Minsan kasi ang tao mismo ang gumagawa ng sariling multo.Minsan tinatakot na natin ang ating mga sarili sa mga bagay na hindi pa nangyayari o maaaring hindi naman nga mangyayari.It’s not bad to look forward to the idea that there’s still this so called true love that can change everything.All we need is to give every heart a chance to prove its worth.

“Yes hello Kuya Jopher,we need to talk when you get back to Manila okay?I have a good business proposal for you pero gusto ko ikaw mismo ang gumawa ng business lay-out kasi ito ay gagawin mo para sa pamilya mo and for you to expand your knowledge bilang isang ganap na arkitekto okay ba sayo?Sige sige…aantayin kita.Your kids here are missing you so much at si Ate nag-aalala na sayo.We will celebrate an out of town vacation when you get back kasi gusto kong ipakilala sayo ang magiging Mrs.Brad Collin hahahah!I can’t wait to see you…okay bye.” 

Buong pagtataka ni Jopher nang matapos ang maikling usapan nila ni Brad.Kasalukuyan silang namimili ni Hannah ng mga furnitures na pinapipili nya dito para ibigay kay Carmi. “I just can’t believe it Hannah, my brother-in-law called up…and everything sounds good.My God!whoever brought out the goodness in him to be this way,saludo ako.” Hannah just replied a simple smile and said “Maybe he’s now in-love that’s why he learn the value of giving chances…Hmmm I can’t wait to meet him Jopet…malay mo mas makatulong pa ako to add some spices in his lovely world now di ba?”

And Brad as well just can’t wait to tell Hannah that she’s the right woman na matagal na niyang hinihintay para maging kumpleto ang kanyang mundo at para mabago lahat ang kanyang pananaw sa buhay lalo na sa pag-ibig.Na sa mundong ito, marami ang hindi magkakatugma pero pinagtatagpo ng kapalaran para maging ganap na magkatuwang sa isang misyon at yon ay pagyamanin ang damdaming mag-uugnay sa bawat sulok ng magkakaibang mundo.

Hannah trusted him so much…at kailangan nya ring suklian ang tiwalang yon para sa kanya.At hindi kailanman dapat na maranasan ng kanyang mga magiging anak ang katulad ng sinapit nila ng kanyang Ate Carmi.Kailangan anumang binuo ng kanilang pusong nagmamahalan ay panatilihing buo magpakailanman.Being a victim of a broken family doesn’t really mean the same destiny for the next generation.Kaya nga kailangan ng self-realization at tamang pananaw hindi lang sa bawat sitwasyon kundi maging sa pag-tugon ng respeto at tiwala sa kapwa pusong minamahal.Trust is the strongest foundation of every loving relationship. Ito ay hindi dapat nasisira ng mga maling akala.

So now,na-realized ni Brad that revenged cannot build a loving destiny for two hearts to find a better end.Isa itong lason na papatay sa isang relasyon na maraming bukas ang masisira.If there’s still a better way to rebuild a loving relationship then never leave a space for doubts.Remove the “stains” that causes each pain…and start anew.

Its been two weeks now,naayos lahat ni Brad ang gusot sa pagitan ng kanyang kapatid at bayaw na si Jopher.There’s no more sweeter when things are being talked about in such a loving way na hindi na kailangan pang magbangayan at magbatohan ng hindi magagandang salita.Instead,have an open mind and heart to understand each differences and accept each other.

“Wow what’s the occasion Brad at nagpahanda ka ng napakarami today? Mukhang may espesyal kang bisita am I right young brother?”Ani Carmi.

“Yeah dear sissy…I think it’s about time for me na maglagay na rin sa tahimik…since you guys are okay now,wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama ang babaeng tanging nais ng puso ko for the rest of my life.”Seryosong sabi ni Brad at niyakap ng buong pagmamahal ang nag-iisang kapatid.

“I’m so happy for you Brad.Napakaswerte ng babaeng ito to have you…I wish both of you all the best things in this world…and I mean it.Salamat din ng marami Brad,I just don’t know how to repay your goodness sa lahat-lahat ng ginawa mo sa pamilya ko and still doing for us now.”For the first time, Brad heared this from Jopher.He can’t believed it now that he and Jopher are talking things so smoothly like this way…napaka-gaan sa kalooan.

“I think everything’s ready guys…and she called me up approaching na sya.I just hope when you meet her,you’ll welcome her as one new member of our family…because she will soon to be.”

“Syempre naman Brad,if she’s your choice,then she must be the best woman.Huwag mo kaming problemahin Brad,napakarami mo nang ginawa sa amin,its your turn to take the new chapter of your book of life…yong para sa sarili mo naman.”

“Thank you ate…wish me luck.”

“Of course I do my brother…all the best for you.”

After a while,its really a very big surprise for everyone lalo na kay Carmi.Nang ipakilala ni Brad si Hannah,pasimpleng kurot ang inabot ni Brad sa tagiliran mula sa kapatid at pabulong na sinabi, “Ikaw talaga Brad,kahit kailan,punong-puno ka ng sense at surprises…but its nice to be this way na tayo na lang ang nakaka-alam…Muntik na tayong makagawa ng kasalanan sa mga taong totoong minamahal natin.But keep up the good job Brad,you deserved to be happy.”

“No ate Carmi,we both deserved to be happy.

“So,Brad all those times pala na naghahanap ako ng babaeng irereto ko sayo,what an amazing thing that you found the one na talagang iniisip ko na makakasundo mo.You two are simply best for each other.”Ani Jopher.

“Now what are we waiting for? Cheers for my wife to be, Hannah…my love, my life and my everything.I just couldn’t believe na hindi pala sukatan ang haba o igsi ng panahon to say you really love a person.Usually it just come in an unexpected encounter of two destined hearts.” 

Cheers for a lovely couple… and to their happiness forever!


 ***W A K A S***



No comments:

Post a Comment