Short Story Writing Contest Entry #12: Alaala Sa Piing Mo By ThePoorFrenz



Teaser:

Pagiging broken hearted ang dahilan kaya na-aksidente si Christine, nang magising siya’y wala nasiyang maalala sa kanyang nakaraan. Ayon sa lalaking kanyang nagisnan, ito ang kanyang fiancée at magkakaanak na sila. Pinaniwalaan niya ito at magkasama silang bumuo ng mga bagong alaala.


Ngunit sadyang ang tadhana ang gagawa at gagawa nang paraan upang itama ang lahat. At kahit anong pilit mong maglihim, lalabas at lalabas din ang buong katotohanan. Muling nagtagpo ang landas nila nang lalaking nang-iwan sa kanya noon. Nakatakda bang muling mawasak ang kanyang
puso sa pagbalik ng kanyang nakaraan?


Sino ang pipiliin niya? Ang lalaki sa kanyang nakaraang mga alaala o ang lalaking nagbigay sa kanya ng mga bagong alaala?


PART ONE

 “I’M s-sorry,Christine.”

Binundol nang matinding kaba ang dalaga at unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang mapulang labi sa tinuran nang kanyang nobyo na si Gerald. Hindi ito makatingin sa kanya, sa halip ay sa magkasalikop nitong mga kamay ito nakatingin. Naroon sila nang mga sandaling iyon sa paborito nilang Restaurant.

“I’m sorry?” Bakit? Hindi ba dapat “Happy 2nd Anniversary” ang isasalubong nito sa kanya dahil ngayong  February 14, ang pangalawang taon nila bilang magkasintahan? O kaya naman ay “Happy Valentine’s Day”. Ganun dapat,bakit ito nagso-sorry ngayon?

“H-Hon?” hindi niya mapigilang pumiyok. Tila may bikig ang kanyang lalamunan.

“I-I’m so-sorry, Hon.”

“B-bakit? C’mon Hon.. hulaan ko, wala kang gift sa akin ‘no?” biro niya na nilangkapan ng
 mahinang tawa ang sinabi. “ Ano ka ba? It doesn’t matter, okay. Ako, Ako may napakagandang ibabalita sa ‘yo! Gift ko sa ‘yo.” aniya na pilit pinasigla ang boses upang mapaglabanan ang kabang nadarama.

“Kailangan na nating taposin ang kung anong mayroon tayo.” mahina nitong sabi ngunit para sakanya’y napakalakas niyon.

“H-Ha..?” saglit siyang natigagal, nililimi kung tama ba ang narinig. Pagkuwan ay tumawa na may kasamang tunog. “Ikaw talaga, Hon. Puro ka kalokohan. Huwag mo akong biruin ng ganyan.”

“I’m dead serious, Claire.” Anito na sinalubong ang kanyang mga mata.  Muli na namang nawala ang kanyang pagkakangiti.

“A-anong i-ibig mong sabihin?” muling gumaralgal ang kanyang boses. Naramdaman rin niya
 ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Saglit siyang napakurap-kurap upang pigilan ang nagbabantang pag bagsak ng kanyang mga luha.

“I’m sorry, I have no choice. Kailangang sundin ko ang kagustohan ni Mama.” Muli, nakatungo
 nitong sabi. “Aalisan niya ako ng karapatan sa aming kompanya na mula’t sapul ay pinaglaan ko ng oras at panahon.  Aalisan niya ako ng mana.”

This is it! Talagang hindi titigil ang Mama nitong si Donya Victoria Del Valley hanggang hindi sila napaghihiwalay na dalawa. Noon pa man alam na niya, mula ulo hanggang paa ang pagkadisgusto nito sa kanya. Palibhasa’y mahirap lang siya na nagta-trabaho sa Canteen ng kompanya ng mga ito. HRM under graduate siya at matagal nang mag-isa sabuhay.  Kinuha siyang cook sa nasabing canteen at doon niya nakilala ang binata. Naging magkaibigan sila at hindi naglaon ay nagkagustohan. 

Sinubukan naman niyang pigilan ang sariling damdamin dahil saagwat ng kanilang katayuan sa buhay pero hindi niya ito nakitaan nang pagsuko hanggang sa makuha nito ang kanyang tiwala at pag-ibig. Simula pa lamang ay nagpakita na nang pagtutol ang Ina nito sa kanilang relasyon ngunit hindi sila nagpatinag. Hawak kamay nilang ipinaglaban ang kanilang relasyon. Nangako ito na hinding-hindi bibitaw. Walang sino man ang makakapaghiwalay sa kanila kaya umabot sa ikalawang taon ang kanilang relasyon. Bagama’t hindi pa nila pinag-uusapan ang kasal ay ayos lang sa kanya besides bata pa siya. Twenty five lamang siya at ito naman ay Thirty two. Umasa siya ng happy ending sa kanilang relasyon. Bakit biglang ganito?

Namalayan na lamang niya’y nag-unahan nang bumagsak ang kanyang luha na kanina lamang ay abot-abot ang kanyang pagpipigil.

“I-I’m sorry.. mahal na mahal kita pero—“

Hindi nito naituloy ang sinasabi dahil malakas nang dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito.

Tigagal ito na napatitig sa luhaan niyang mga mata.

“P-Paano tayo? ako? P-Paano ako? Nasaan na ang mga pangako mo? Kakalimutan mo ang lahat dahil takot kang mawalan ng mana?” mga katagang halos hindi na niya naisatig.

“M-Makakatagpo ka rin nang mas karapatdapat sa ‘yo at sa pagmamahal mo. Nang mas nababagay sa ‘yo.”

“Mas nababagay sa ‘yo.” Mga katagang tila punyal na tumurok sa kanyang puso. Anong ibig
 sabihin nito? Na hindi ito nababagay sa kanya dahil sa katayuan nito sa buhay. Langit ito at siya’y lupa lang, ganun ba ang ibig nitong sabihin? Katulad nang laging pinapamukha sa kanya ng ina nito? Hindi iyon ang gusto niyang marinig mula rito, ngunit ito ang reyalidad. Isang katotohanan na sa kabila nang matatamis nitong mga pangako, bahag parin ang buntot nito na suwayin ang Mama nito.

“Hindi man ngayon, pero sana mapatawad mo ako balang araw. I’m s-sorry.”

Tumayo na ito at mabilis na lumisan. Mabilis siyang napatayo upang pigilan ito ngunit nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa masaganang luhang hindi na niya kaya pang pigilan.

Hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin, nanatili siyang nakatanaw rito. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang puson at bahagya iyong hinaplos-haplos.

Hindi niya alam kung paano siya naka-alis sa lugar na iyon.Wala sa sarili na nagpatuloy siya sa
kanyang paglakad habang walang humpay ang kanyang pagluha. Pakiramdam niya’y gumuho ang kanyang mga pangarap na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Kanina,  habang tinatanaw niya itong papalayo, nakikita rin niya ang unti-unti rin pag guho ng kanyang mundo.

Ang buong akala niya’y panghabang buhay na ang kanyang kaligayahan ngayong mayroong bagong buhay sa kanyang sinapupunan. Ang bunga ng kanilang pagmamahalan ng nobyo. Subalit hindi na niya nagawang ipaalam dito ang maganda sana niyang surpresa dahil nauna na nitong tapusin ang kanilang relasyon. Paano na siya ngayon? Paano na sila ng kanyang magiging anak? Tulad niya, lalakirin ba ito ng walang amang kikilalanin?

Habang patuloy siya sa kanyang paglakad nang walang kasiguraduhang patutunguhan, bigla na lamang siyang tumawid ng kalsada. Hindi niya napansin ang isang mabilis na parating na sports car. Paglingon niya’y hindi siya nakakilos sa kinatatayuan. Sa nanlalaking mga mata, tanging liwanag lamang na nagmumula sa parating na sasakyan ang kanyang huling natandaan.

“ANO pa ba ang gusto mo, Mama? Sinunod ko na ang gusto mo. Iniwan ko na si Christine.
 Tulad ng gusto mo!”

Naroon sila sa sala ng mansion at tila sadyang hinintay siya nito upang tiyaking sinunod niya ang kagustuhan nito.

“Marry Alexa San Diego.”

“What!?” Ang Alexa na tinutukoy nito ay anak ng kaibigan nito na tulad nila’y tinitingala rin sa
 lipunan ang pamilyang kinabibilangan.

“You heard me right, Gerald. You will marry the unica hija of San Diego.”

“I can’t, Mama. You know that! I don’t love anyone but Christine. Siya lang ang babaing
 pakakasalan ko.”

“Hindi kailangang mahal mo ang babae para pakasalan ito. Siya ang nararapat sa ‘yo atiyon ang mahalaga!  hindi ang babaing ‘yon ang nararapat sa ‘yo!” tukoy nito kay Christine.

“No!”

Nakipagsukatan siya ng tingin sa ina. Tama nang sinunod niya ang gusto nito na hiwalayan ang
 babaing kanyang minamahal, pero ang diktahan siyang pakasalan ang babaing napipisil nito para sa kanya’y ibang usapan na.

Biglang nagbago ang expression ng mukha nito. dahan-dahan itong napahawak sa dibdib at
animo’y nahihirapan huminga.

“M-Mama? Mama!” agad nangibabaw sa kanyang galit ang pagiging isang anak, agad na
 dinaluhan ang ina na ngayon ay napa-upo na. Bakas sa mukha nito ang paghihirap. “M-Mama..? Diyos ko, Mama!”

Dali-dali niya itong binuhat at halos takbuhin ang hagdanan pa-akyat sa silid nito habang
tinatawag ang kanilang mga kasambahay. Agad tinawagan ni Manang Esmi si Dr. Arellano,
ang family Doctor ng mga Del Valley. Hindi naman nagtagal at agad itong dumating.  Alalang-ala si Gerald sa kalagayan ng ina. Ngayon lang kasi ito inatake. Ang alam niya’y malakas ito at walang kahit na anong iniindang sakit.

“D-Doc. A-anong lagay ni Mama? Ba-bakit bigla naman yata ganun?” usisa niya kay Dr. Arellano pagkalabas nito ng kuwarto ng kanyang Mama. Bago kasi nito sinuri ang matanda ay pinalabas sila nito.

“Gerald, may kumplekasyon sa puso ang mama mo. Bawal sa kanya ang mapagod ng husto, ang ma-stress, sumama ang loob o magalit ng husto. Please lang, kung nag-aalala ka sa kalagayan ng Mama mo, huwag na huwag mo sanang pasamain ang kanyang loob. Kausapin mo ang inyong mga kasambahay.” Malumanay nitong sabi. Hindi kaagad niya nagawang sumagot, nakatingin lamang siya sa mukha ng may edad nang doctor.

“MABUTI naman at gising ka na.”

Tuluyang iminulat ng dalaga ang mga mata nang marinig ang boses ng isang lalaki. Nakita niya ang nakatunghay na lalaki sa kanya kaya’t napakurap-kurap siya.

“S-Sino ka? A-Anong nangyari?”

“Naririto ka sa hospital, halos two days kang walang malay. Nabun—“

“H-Hospital? Ano? Bakit!?” akma siyang babangon ngunit biglang kumirot ang kanyang ulo kaya napabalik siya nang higa at nasapo ng dalawang kamay ang sariling ulo.

“A-Ayos ka lang ba? S-sandali tatawag ako ng Doctor!”

Mabilis na kumilos ang lalaki, lumabas ito ng silid at pagbalik ay may kasama ng Doctor. Haban siya ay pilit na inaalala ang nangyari. Paano siya napunta sa Hospital? Anong anngyari? Mga katanungan sa kanyang isipan na sa tuwing pinipilit niyang alalahanin ay ibayong kirot ang kanyang nadarama sa kanyang ulo.

“A-Anong nangyayari Doc.? Bakit hindi niya maalala ang nangyari?” Tanong nang lalaki sa Doctor matapos nito suriin ang lagay ng dalaga. Panay din ang sulyap nito sa dalaga na ngayon ay muli ng nakapikit.

“Hindi pa tayo sigurado. Marahil ay dala lang iyon ng kanyang sinapit. Sa kanyang muling paggising doon natin malalaman kung tunay ngang nawalan siya ng memorya.”

“I-Ibig mong sabihin, Doc. maaring magka-amnesia siya?”

“Hindi pa natin ‘yan masasabi ngayon.”

Napatangu-tango na lamang ang lalaki.

NANG muling magising ang dalaga ay mukha parin ng isang lalaki ang kanyang nasilayan. Ito rin ang nagisnan niya nang una siyang magising.

“H-Hi!” nakangiti nitong bati sa kanya. Lumabas tuloy ang biloy nito sa magkabilang pisngi na
 parang kay Jericho Rosales. Maging ang mga mata nito ay animo’y nakangiti rin.

Kumilos siya’t tinangkang bumangon, mabilis siya nitong naalalayan.

“Thank you.”

Ngiti lamang ang naging tugon nito. Isang nagtatanong na tingin ang ipinukol niya rito. Marami
kasi siyang nais itanong ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

“Natatandaan mo ba kung ano ang nangyari sa ‘yo? K-kung bakit ka naririto sa hospital? Kung
ano ang pangalan mo, saan ka nakatira?”

Blanko ang mukha na nakipagtitigan siya sa lalaki sabay iling. Kumunot ang noo nito na animo’y nagtataka rin.

“Hindi mo maalala?”

“S-sino ako?” sa halip ay balik tanong niya rito.

Ilang sigundo rin itong natahimik na parang kaylalim ng iniisip. Pinilit niyang isipin ang lahat
 tungkol sa kanya ngunit wala siyang mahagilap. Unti-unti na siyang nagpanic.

“A-Anong nangyari? Ba-bakit wala..? wala akong maalala! Wala akong maalala! Anong nagyari sa akin? Ba-bakit ganito ka-kahit—?“ Bigla siyang natahimik dahil ikinulong siya nito sa matitipuno nitong bisig. kahit anong pagpumiglas niya’y hindi siya nito pinakawalan.

“I’m sorry, I’m sorry.. Babes, I’m sorry.”

Kung kanina napipilan siya nang bigla siya nitong yakapin, ngayon ay hindi siya makakilos sa
pagkabigla. Awang ang bibig na napakunot ang kanyang noo sa tinuran nito. Tinawag siyang ‘babes’ at nagso-sorry? Bakit? Lalong lumalim ang gitla sa kanyang noo nang maramdamang hinalikan nito ang kanyang ulo.

“I’m sorry.” Ulit nito na dahan-dahan siyang pinakawalan. “Sandali, tatawagin ko ang Doctor.”

 ILANG sandali pa at sinuri na ang dalaga ng Doctor.  Doon ay sinabi nitong nagka-amnesia ang dalaga.

“Eh Doc. Gaano namankaya katagal bago bumalik ang kanyang alaala?”

“Hindi ko ‘yan masasagot hijo. Depende ‘yan sa bilis ng kanyang recovery. Maaring linggo,
 buwan o taon. Nasa kanya parin nakasalalayan kung gusto niya agad balikan ang kanyang nakaraan.”

Napatangu-tango ang lalaki. Nang magpaalam ang Doctor, saglit na namayani sa kanila ang
 katahimikan. Maya ay tumikhim ang lalaki.

“ Ako si Michael. Michael Saavedra.” Pagpapakilala nito sa sarili. “At ikaw, ikaw si Marianne
 Villegas, ang fiancée ko.” Bahagyang lumikot ang mga mata nito at gumalaw-galaw ang adams apple.

Automatic na lumipad ang kanyang tingin sa guwapo nitong mukha.

“And we’re engage.”

Sa kanyang pagkagulat, hinawakan nito ang isa niyang kamay at ipinakita sa kanya ang suot
 niyang ring. Patunay ang engagement ring sa kanyang daliri na nagsasabi ito ng totoo.

“Tatlong taon na ang relasyon natin.”

“W-wala akong matandaan, I’m sorry.”

“I know, I know. It’s okay. Kung wala ka mang matandaan sa nakaraan mo, hindi na mahalaga
 yon. Sabay tayong bubuo ng mga bago mong ala-ala.”

“B-bakit ako naririto sa hospital?”

“I’m sorry, Babes. Nagkaroon kasi tayo nang mis-understanding. Nagalit ka sa akin at bigla kang tumakbo patawid ng kalsada. Huli na para mapansin mo ang pagdating ng isang sasakyan. Wala akong nagawa, bago pa kita nahabol, nasagasaan ka na.”

Mahigpit na napahawak siya sa dibdib. Hindi niya ma-imagine ang eksaktong eksena. Ganun pa man ay may kakaibang kaba sa kanyang dibdib.

“Hindi na mahalaga ‘yon.  Ang mahalaga ngayon ligtas ka at ang baby natin.”

Shock ang rumehistro sa kanyang mukha sa huling tinuran nito. Wala sa loob na nakapa niya ang kanyang puson.

“B-Buntis ako?”

“Oo, Babes. You’re one month pregnant.”

“D-Diyos ko..”

“Tandaan mo, ano man ang mangyari mahal na mahal kita.”

Awang ang bibig na napatitig na lamang siya rito. Nang muli siya nitong yakapin, hinayaan na
lamang niya ito.

ILANG araw pa ang lumipas na nasa hospital bed ang dalaga. Lahat ng sabihin sa kanya ni
 Michael ay pinaniwalaan niya nang walang pagdududa. Nakilala na rin niya ang kapatid nitong babae na si Elaine at mommy Eva nito nang sabay na dumalaw ang mga ito sa kanya. Sa simula ay nailang siya dahil sa kakaibang tinginan nang mga ito at ni Michael ngunit sa huli ay naging panatag naman siya dahil nakitaan niya ng kabaitan ang mga ito. Maalaga ang mommy nito, ito mismo ang nag-aasikaso sa kanya tuwing wala ang binata.

Makalipas ang limang araw na pananatili niya sa Hospital, pinayagan na siyang umuwi at sa
bahay na lamang ituloy ang pagpapagaling. Ayon kay Michael, wala na siyang pamilya kaya naman sa bahay nang mga ito siya ini-uwi. Halos naging sunod-sunuran siya at hinayaan niyang magpatangay na lamang sa agos. Besides, wala siyang maalala kahit na ano kaya pinaubaya niya kay Michael ang lahat.

 SAMANTALA, upang hindi mabigyan nang sama ng loob ang mommy ni Gerald, pumayag na
 siyang pakasalan si Alexa. Mabilisang in-organized ang kasal nila.

Habang kasalukuyang nagaganap ang kasalan, makahulugang  napangiti ang Donya. At last,
 nagtagumpay siyang ilayo ang kanyang anak sa isang gold digger na si Christine. Sa simula palang, alam na niya at basa na niya ang mga tulad nito. At hindi siya papayag na sa isang hampaslupa mapunta ang kanyang anak at mapunta sa wala ang kayamanang kanyang pinaghirapang itaguyod na minana pa niya mula sa kanyang great grandparents.

Habang abot taynga ang ngiti ni Alexa ay siyang kabaliktaran naman ni Gerald. Para sa kanya ito ang oras ng kanyang kamatayan. Wala sa sarili na naging sunod-sunuran na lamang siya sa daloy nang mga kaganapan. Total simula palang naman ay naging sunod-sunuran na siya. Wala nang saysay kung kakalabanin pa niya ang kayang Mama na bukod sa mahina na pala ang puso nito ay wala narin siyang balita kay Christine mula nang gabing taposin niya ang kanilang relasyon. Ilang buwan narin ba ang nakalipas? At ilang beses na rin ba niyang tinangkang hanapin ang dating kasintahan ngunit sa tuwina’y inaatake ang kanyang ina dahil sa bigla-biglang pagsama nang loob nito.

Natapos nang maayos ang kanilang kasal at ngayon, tuluyan na nga siyang nakatali sababaing
 hindi niya mahal at alam niya na kailan man hinding-hindi niya matututunang mahalin. Dahil
 hanggang sa kanyang kamatayan, nasisiguro niyang si Christine lang ang kanyang mamahalin.

“I love you.”

Nagulat pa siya ng kabigin siya sa batok  ng kanyang asawa at halikan sa labi. Palakpakan naman ang mga naging saksi.

Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nakikita ni Gerald ang tunay na ugali ng babaing
 kanyang pinakasalan. Sa ilang buwan na pagsasama nila bilang mag-asawa, walang araw na hindi sila nito nagtatalo. Kahit sa napakaliit na dahilan o kung may ginusto ang babae na hindi nasunod, agad itong nagwawala. Sa una ay pinapanigan pa ito ng kanyang ina at laging sinasabi na sundin niya at ibigay ang lahat ng gusto nito ngunit sa huli ay ito na mismo ang nagagalit sa babae.

“Ayokong isipin na nagkamali ako nang ipilit kitang ipakasal sa anak ko, Alexa.  Ikaw ang
 maybahay, dapat alam mo kung paano mo aasikasuhin ang asawa mo. Aba, alagaan mo naman ang anak ko, hindi ‘yang puro sarili mo ang iniisip mo. Pagod sa maghapon ang anak ko sa office tapos sasalubungin mo siya ng maingay mong bunganga!?” Minsan isang gabi ay hinarap ng Donya si Alexa para pagsabihan ito ngunit sadyang ugali na nito ang sumagot ng pabalang sa nakakatanda dito dahilan upang mas lalong nag-init ang ulo ng Donya.

Kung puwede nga lang na hindi na umuwi si Gerald sa kanilang mansion at gawing bahay na
 lamang ang opisina , baka mas magiging okay siya kaysa umuwi siya nang bahay at ganito ang kanyang mauuwian. Mula ng ikasal sila ni Alexa, wala na siyang katahimikan.Tila naging impyerno na ang kanyang buhay.Kung sakali kaya na sila ni Christine ang nagkatuluyan, magiging ganito rin kaya?

Bahagya niyang naipilig ang kanyang ulo. Ito at ito parin kasi ang laman ng kanyang isip. Walang sandalina hindi niya ito naiisip. Kung sana’y pinaglaban niya ito noo.

Walang sandali na nagungulila siya rito. Mula noon hanggang ngayon ay kinasusuklaman niya
ang kanyang sarili sa pagiging mahina. Wala siyang kakayahang ipaglaban ang babaing tunay na minamahal. Pinagakuan lang niya ito at pinaasa, sa huli ay winasak niya ang puso nito. 
Kung sana’y maibabalik lamang niya ang lahat. Hinding-hindi niya ito bibitawan.

 MABILIS man ang paglipas nang mga araw, linggo at buwan ngunit ang kalagayan ng dalaga
 bilang si Marianne ay ganun parin. Wala parin siyang maalala. Subalit para sa kanya ay hindi na mahalaga ang kanyang nakaraan dahil sa pamilyang Saavedra na buong pagmamahal siyang tinanggap sa bahay ng mga ito. 

Bilang Marianne at fiancée ni Michael, naging panatag siya sa piling nito. Hindi na rin muna itinuloy ang pagpa-plano ng kanilang kasal dahil sa kanyang kalagayan. Lahat ng kanyang kailangan at ng bata sa kanyang sinapupunan ay ibinigay sa kanila. Damang-dama niya ang pagmamahal nito. Kahit kunti ay wala siyang makitang dahilan upang pagdudahan ang sinasabi nitong pagmamahal sa kanya at iyon ay sapat na. Wala man siyang maalala, ramdam niya sa kanyang puso ang unti-unting sumisibol na pag-ibig para rito.

“Good morning my future, Mrs. Saavedra!” buhat sa likuran ay bigla siya nitong niyakap kaya
 naman muntik siyang mapalundag. Nahampas na lamang niya ang braso nito.

“Ano ba? Ginulat mo ako eh!” tila batang pagmamaktol niya na humarap dito. “Paano kung
 nadulas ako? Paano kung..?”

“Sssh! Wala. Walang mangyayaring masama sa inyong dalawa dahil bago pa kayo bumagsak,
 nasalo na kayo ng mga bisig ko.” anito nang nakangiti at ayan na naman ang dimple nito. sa tuwina na ngingiti o magsasalita lamang ito, hindi niya mapigilang haplusin iyon. Hinuli nito ang isa niyang palad na humahaplos sa pisngi nito at dinala iyon sa bibig at ginawaran ng halik.

“I love you.” Pagkuwa’y sabi nito na bahagyang pinisil ang tungki ng kanyang ilong.

Hindi man niya isatinig, masayang-masaya siya tuwing mag-a-I love you ito sa kanya.

“Thank you.” Sa halip ay sagot niya.

“Thank you?” ulit nito na nalukot ang mga kilay.

“I love you too.” Nakangiti niyang sagot at yumakap siya sa beywang nito.

“Yan! so, anong gusto mong pasalubong mamaya?” Dahil bihis na bihis ito kaya alam na niyang papasok ito ng opisina. Isa itong Archetech sa isang sikat na construction firm.

“Kahit ano. Pero mas gusto ko na umuwi ka ng maaga.” aaminin niya na kapag wala ito sa bahay ay hinahanap-hanap niya ito. Saka lamang siya nakakaramdam ng kapanatagan kapag nasa tabi niya ito.”

“You’re wish is my command.” Anito na bahagyang yumuko sa kanya at ginawaran siya ng
mabilis na halik sa labi kasunod ay bahaya itong yumuko at hinalikan ang umbok niyang tiyan na ngayon ay siyam na buwan na.

Patungo na si Michael sa kanyang kotse nang marinig ang malakas na sigaw ni Marianne.

“Michael!! Mikeeeee!”

Mabilis siyang napabalik dito. Naabutan niya itong nakangiwi at tila hirap na hirap habang sapu-sapo ang tiyan.

“M-Marianne? A-Anong..?”

“M-Mike.. a-ang bata.. ang bata lalabas na. ma-manganganak na akoooo!!”

“H-Ha!?” pati siya’y nahawa na. Napangiwi rin siya habang napapangiwi ito. Hindi tuloy niya
 malaman ang gagawin.

“Ma!! Elaine!! Maaaa!!” sigaw nito sa pagtawag sa ina at kapatid saka mabilis na pinangko ang dalaga. Humahangos naman na lumabas nang bahay ang mga ito.

“Anong nangya-?!” kapwa natigilan ang dalawa.

“Ma, manganganak na si Marianne, madali kayo!” anang binata na tinatakbo ang kinalalagyan
ng sasakyan.

“Elaine, kunin mo ang mga gamit ng bata, madali ka! Sumunod ka kaagad sa hospital.” Baling ng ginang sa anak na babae.

“O-Opo!” anito na natataranta rin.

Mabilis itong tumakbo paloob ng bahay habang ang ginang ay sumunod kay Michael sa
sasakyan.  Ito ang katabi ng dalaga sa back seat habang nagmamaniho si Michael. Hindi ito mapakali sa pagda-drive. Panay ang lingon nito sa likuran.

“Ano ba, Michael? Mag-focus ka sa pagda-drive. Sa kalsada ang tingin.”

“Ma, hindi ko mapigilan. Natataranta ako!” pag-amin niya. Ang totoo ay halos maihi na siya. At
 habang tinitingnan niya ang nahihirapang dalaga, gusto niyang akuin ang lahat ng paghihirap nito. Sa maikling panahon na nakasama ito, totoong minahal na niya ito. Minahal niya ito higit pa sa kanyang ex-fiancee na nang-iwan sa kanya.


PART TWO

TWO YEARS LATER...

“DADDA! Dadda!” Excited na sigaw ng batang babae na kahit medyo bulol pa ay bibo na itong magsalita.

“Mariel! Mariel, stop running!” ang nag-aalala sabi ni Marianne na mabilis na nakasunod sa
 anak. Natanawan kasi nito buhat sa terrace ang pagdating ng kotse ni Michael.

“Carefull, honey!” nasabi na lamang niya dahil mukhang wala itong balak makinig. Nang
 maabutan ito ay agad niya itong kinarga.

“Dada! Dada!!”

“Yes, Honey. Sasalubungin natin si Dada.” At lumakad na siya.

Pagkapasok ni Michael sa bahay, agad siyang napangiti nang makita ang mag-ina na pababa ng hagdanan. Lalo siyang napangiti dahil ang ingay-ingay ni Mariel at paulit-ulit siyang tinatawag habang naka-umang ang dalawang braso para magpakarga. Inilang hakbang niya ang mga ito.

“Hello baby, hello mommy.” Ginawaran muna niya ng halik sa labi si Marianne saka ginawaran
 ng halik ang bata bago kinarga.

“So, kumusta naman ang mag-ina ko?”

“Haynaku, talagang napakakulit na n’yang anak mo. Kahit ang yaya eh tila susuko na.”

Inakbayan niya ang dalaga. Sa nakakapagod na maghapon sa opisina at sa field, lahat nang ‘yon ay nawawala kapag uuwi siya ng bahay at sasalubungin siya ng dalawang babaing napaka-importante sa kanyang buhay. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang hindi sinasadyang masagasaan niya ito, hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik ang alaala nito. Dapat ba niyang ipagpasalamat iyon? kung gabi-gabi naman siyang inuusig ng kanyang konsensiya sa mahabang panahong pinaniwala ito sa kanyang mga kasinungalingan? Hanggang kailan niya  ililihim dito ang buong katotohanan?

“Babes? May problema ba?”

Bahagya niyang naipilig ang ulo, hindi niya namalayang nakatulala siya.

“Babes?”

“Da-da..” pinisil ng bata ang magkabila niyang pisngi.

“Ahm, w-wala naman. Wala. By the way, kaya pala ako maagang umuwi ay para sunduin kayo
 dahil nagpa-reserve ako sa isang restaurant. Magdi-dinner tayo sa labas.”

“Ha? Sana’y tumawag ka kanina para nakapag-prepare kami ng anak mo.”

“Kasi po, on the way na ako nang maisip ko ‘yon kaya hurry up! Magbihis na kayo ni Baby.”

Mabilis naman itong kumilos. Isang taon na rin ang nakalipas mula ng magpasya sila na
magbukod na ng bahay. At kahit magkasama sila sa iisang kuwarto matulog, iginagalang naman niya ang kalagayan nito. Ang mahalaga ay hindi siya nagkulang na iparamdam dito na totoo ang kanyang pagmamahal dito.

SA isang mamahaling restaurant niya dinala ang mag-ina. Mukhang nagustohan ng bata ang
 lugar dahil pumapalakpak ito habang palapit sila sa kanilang table. At ngayon tuwang-tuwa ito na nakaupo sa kanyang kandungan.

“Hmm, akala ko simpleng dinner lang. Napaka-romantic naman dito.” Ani Marianne.

“Valentine ngayon kaya diba dapat na romatic? Saka special talaga sa akin ang Valentine’s day.

Iyon kasi ang unang pagkikita natin.” Habang sa kanyang isip, Valentine’s day niya nasagasaan ang dalaga. Bahagyang nawala ang ngiti ng babae kaya agad niyang ginagap
 ang kamay nito. “It’s okay. Naiintindihan ko na hanggang ngayon wala kang maalala.”

“Dalawang taon na Michael, pero wala parin akong maalala. Natatakot ako, paano kung hindi na nga bumalik ang mga alaala ko?”

“Eh ‘di mabuti.” Sigaw ng kanyang isipan. “H-Hindi naman na mahalaga ang nakaraan mo, ang
 mahalaga ay ang ngayon. Ang mga bago mong alaala.” Sa halip ay sabi niya.

“Hindi ako magiging buo hangga’t hindi ko naalala ang nakaraan ko, Michael.” Bahagya siyang
 natigilan sa sinabi nito. Pa’no na lang kung biglang maalala nito ang nakaraam. Malaman nito na walang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Malaman nito na lahat ng ito ay pawang kasinungalingan lamang, paano niya tatangapin ang galit nito?

“Michael, gusto kong alalahanin ang ating mga nakaraan. Kung paano tayo nagkakilala, paano
 mo ako niligawan? Anong reaction mo nang sinagot kita. First date natin, lahat-lahat ng may kinalaman sa’yo gusto kong maalala. Ikaw ang bumuo sa akin, Michael. Salamat sa pagmamahal mo. Sa pagtanggap mo sa akin.”

Sa mga tinuran nito, tila sinuntok siya sa dibdib ng sarili niyang konsensiya.

“K-Kumain na muna tayo.” sa halip ay sabi na lamang niya, naging mailap ang kanyang mga mata rito.

“Michael.”

Bahagya siyang nagulat na napa-tingin dito nang pisilin nito ang kanyang kamay.

“I’m sorry kung hanggang ngayon wala akong maalala. Gusto kong malaman mo na mahal na
 mahal kita. Kahit na anong mangyari, hindi ‘yon magbabago.”

Nagulat na naman siya. Para siyang na-estatwa na hindi nakakilos ni hindi makapagsalita.

“Salamat sa lahat-lahat. Tama ka, mas mahalaga ang kung ano tayo ngayon. mahal na mahal ko kayo ni Baby Mariel”

Bagama’t binabagabag ng konsensiya, nangibabaw parin ang saya sa kanyang puso dahil sa mga narinig. Ang hiling lamang niya nasana kahit bumalik ang alaala nito, hindi ito magbago. Ano ba ang nakaraan nito? sino ba ito? Sino ang ama ni Mariel? Bakit sa loob ng dalawang taon, wala siyang nabalitaan na may naghahanap dito? May pamilya pa ba ito? Kung ano man ang kasagutan nang lahat ng ‘yon, handa niyang tanggapin ang magiging consequence nang lahat ng kanyang mga kasinungalingan.

Basta’t ang alam lamang niya, sa lahat ng kasinungalingang ito, isa lang ang totoong-totoo. Mahal na mahal niya ito at ito ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.

Kapwa nag-enjoy sila sa kanilang Valentine’s dinner date. Naging madungis ang mukha at kamay ng bata sa kinain nitong pasta kaya nagpasya si Marianne na dalhin ito sa rest room para linisin. Nang pabalik na siya sa kanilang table, hindi sinasadyang nabangga siya ng lalaki na mukhang nagmamadali at palingun-lingon sa karamihan ng table.

“Oh! Ouch!” bulalas niya. Napatingin siya sa lalaking bumangga sa kanya ngunit tila hindi siya
 nito pansin. Abala ang mga mata nito sa hinahanap.

“Baby, are you okay?  Nasaktan ka ba?”

“M-Miss?”

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa pamilyar na boses? Hindi niya maintindihan pero
 parang kilala niya ang boses na iyon.

“Chris-Christine!?”

Napakunot-noo siya sa lalaki, ito ang nakabangga sa kanya. Hindi niya alam kung ilang sigundo siyang nakatitig sa mukha nito.

“Christine, I-ikaw nga! Ikaw nga! At..” natigilan ito nang mapatingin sa batang hawak-hawak niya ang kamay.

“A-Anak mo?”

“Yes, anak ko pero hindi Christine ang pangalan ko.” walang emosyon niyang sabi.

 “A-Anong..? ikaw si Christine at.. at ako si Gerald. Remember me? Nakalimutan mo na ba ako?”

Nalukot ang kanyang mukha, tila familiar ito sa kanya. Ang boses, ang mukha, para bang
 matagal na niya itong kilala ngunit kahit anong pilit niyang isipin ay hindi niya maisip. Higit na nagpagitla sa kanya ay ang tawagin siya nitong Christine. Siya si Marianne, at hindi Christine ang pangalan niya.

“A-I’m sorry.. hindi ako ang inaakala mo. Excuse me!”  malalaki ang mga hakbang na iniwan ito.

Narinig pa niya ng tawagin siya nito sa ibang pangalan ng ilang ulit.


“OH, ANONG NANGYARI?” nagtatakang tanong ni Michael ng makabalik ang mag-ina. Napansin niyang namumutla si Marianne.

“Babes?” kinuha niya rito ang bata.

“W-wala. Tayo nang umuwi. Bigla lang sumakit ang ulo ko.”

“H-Ha? Ka-kaya mo pa ba? Gusto mo bang---?”

“No. I just want to go home.”

“O-okay.. let’s go.”

Lingid sa kanilang kaalaman, may pares ng mga mata ang nakatanaw sa kanilang paglabas sa nasabing restaurant.

“Christine.. Alam kong ikaw ‘yan. Kailanman hindi nakakalimot ang puso kaya hindi ako
 naniniwala na hindi mo ako nakikilala. Kahit ilang pangalan pa ang gamitin mo, hindi mo maikakaila habang buhay na ikaw ang nag-iisang babaing minahal ko at ang babaing tunay na nagmamahal sa akin.” Sigaw ng isipan ni Gerald. Dalawang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon ito parin ang hanap-hanap niya. Ito parin ang babaing mahal niya na siyang dahilan upang magpasya siyang makipag-devorce kay Alexa na hanggang ngayon ay on-process parin. Ngayon ay wala na siyang takot na suwayin ang kanyang Mama.

Ngayon na nakita niyang muli si Christine, gagawin niya ang lahat para mabawi itong muli.

Babawiin niya ito sa lalaking kasama nito kahit pa may mga anak pa ang mga ito. Anak? Tila malinaw parin niyang nakikita sa kanyang balintataw ang maamong mukha ng bata. Nang titigan niya iyon kanina, kakaibang damdamin ang kanyang naramdaman. Napakagaan ng kanyang loob sa bata. Ilang beses na hiniling sa kanya ni Alexa na magka-anak sila ngunit tila tukso naman na hindi sila mabigyan ng anak.

Hanggang samatuklasan nila na may problema ang matres nito dahilan upang hindi maaring magka-anak.

“Mr. Del Valley?”

Ilang ulit siyang napakurap-kurap. Hindi niya alam kung gaano na katagal siyang tulala. Kung
hindi pa siya bahagyang tinapik ni Mr. Cuneta na kanyang ka-meeting ngayong gabi, hindi pa babalik sa kasalukuyan ang kanyang pansin.

“I-I’m sorry..”

“Mukha yatang may malalim kang iniisip, kung may problema maari natin itong ipagpaliban at..”

“No, Mr. Cuneta. I’m fine. Please proceed.”

Nagpatuloy si Mr. Cuneta, Nakikinig man siya’y ngunit ang klahati ng kanyang isipan ay inukupa ni Christine. Hanggang sa makauwi siya sa kanyang Condo unit ay hindi na ito nawaglit sa kanyang isipan.

NIYAKAP ni Michael ang dalaga buhat sa likuran habang nakatayo ito sa gilid crib ng anak  na
 ngayon ay himbing nang natutulog.

“Hindi yata naging maganda ang gabig ito sayo, Babes?” tanong niya matapos kintalan ito ng
pinong halik sa batok. Pinihit niya ito paharap sa kanya saka tinitigan ang mga mata nito. mula kasi paglabas nila ng Restaurant ay naging tahimik na ito.

“Sana kung ano man ang bumabagabag sa ‘yo, binabahagi mo sa akin. Kung ano man ang
 problema, pag-usapan natin at sabay natin itong lulutasin.”

Napayuko si Mariane. Marami siyang gustong linawin dito ngunit hindi niya alam kung paano
sisimulan. Maayos naman ang lahat mula nang magising siya sa hospital dalawang taon na ang nakakalipas kahit pa nga wala siyang maalala. Nabuhay siya sa katauhang ipinakilala sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sinubukang magsimulang muli at nagmahal ng totoo. Sa isang iglap, sabay-sabay niyang naramdaman ag pagkalito, pagkabahala, pagdududa at takot dahil sa isang lalaki kanina sa restaurant. 

Si Gerald, familiar sa kanya ang boses at mukha nito pero hindi iyon ang nakapagpabahala sa kanya kundi ang tawagin siya nito saibang pangalan. Gusto niyang isipin na nagkamali lang ito, napagkamalan lang siya pero sa kabilang banda, paano kung hindi nga siya si Marianne? Paano kung Christine nga ang kanyang pagalan? Natatakot siyang isipin na kasinungalingan ang lahat sa kanyang paligid. Natatakot siyang malaman na all this time, niloloko lang siya ni Michael. Nang lalaking minahal niya kahit wala siyang maalala.

“B-babes?”

“P-Pagod lang siguro ako. Gusto ko nang matulog.” Kumawala siya sa mga braso nito at
 humakbang patungo sa kabilang bahagi ng kama. Nahiga siya patalikod sa lalaki saka
 pumikit ng mariin. Naramdaman niya ang pag galaw sa kabilang side ng kama at narinig ang
 pagbuntong hininga nito.

Hindi na siya kinulit ng lalaki, dapat makakatulog na siya pero nanatiling gising ang kanyang
 diwa. Isang bahagi niya ang ganun na lamang ang pagnanais na makitang muli ang lalaking ‘yon sa Restaurant baka sakaling masagot nito ang mga katanungan niya sa sarili na hindi niya maisatinig kay Michael.

Naging madalas ang pag labas ni Marianne kasama ang kanyang anak sa pag babakasakali na muling mag-cross ang kanilang landas ng lalaki. May mga pagkakataon na nagwi-window shopping siya sa iba’t-ibang mall. Minsan din ay sinasadya niyang dalawin si Michael sa opisina nito na siyang kinakatuwa naman nito. Ngunit tila naging mailap sa kanya ang pagkakataon.

“Babes, narito kami ni baby Mariel sa starbucks malapit sa office mo.  Sabay na lang tayo
 umuwi.” Minsan isang hapon ay tinawagan niya si Michael. Galing silang mag-ina sa mall.

“Naku Babes, nasa field ako ngayon. Biglaan, hindi ko alam kung makakadaan pa ako ng
 office. Mag-taxi na lang kayo pauwi.”

“Ganun ba? S-sige.”

“Sorry, Babes.”

“It’s okay. Gagabihin ka ba?”

“Hindi naman. Baka before seven nasa bahay na ako.”

“Okay.”

“I love you.”

“I love you too.”

Matapos makipag-usap sa phone, inayos na niya ang kanyang gamit.

“Baby,  uuwi na po tayo. Wala pala si Daddy sa office, nasa field work siya kaya kailangan na
 natin maunang umuwi.” Tumango naman ito at ini-umang ang dalawang braso para magpakarga.Sa kanyang pagtayo, hindi sinasadyang nalaglag ang kanyang panyo.

“Wait baby..” aniya sabay yuko upang kunin ang panyo nang siya’y matigilan dahil may paris
 ng sapatos na huminto sa tabi ng kinauupuan ng kanyang anak, sa makatuwid halos nasa harap niya ito.

Dahan-dahan ang pag-angat ng mukha ang kanyang ginawa hanggang sa magtama ang kanilang mga mata ng lalaki. Ito ang lalaking dahilan ng mga paglabas niya nitong mga nakaraang araw.

“Hi!”

Tila naumid ang kanyang dila, wala siyang maapuhap na salita. Nakatitig lamang siya sa guwapo nitong mukha na kahit pormal ay tila nakangiti parin.

“M-maari ba tayong mag-usapha, Christine?”

Nang marinig na tinawag siya nitong muli saibang pangalan, doon siya napakunot-noo.

“Bakit mo ako tinatawag na Christine? Sinabi ko nang hindi ako si—“

“Ikaw si Christine.” Maagap nitong sabi.  Napa-iling siya. Hito ngayon sa kanyang harapan ang
lalaking kanyang hinahanap. Maari na niyang itanong dito ang lahat upang malinawan siya pero bakit bigla siyang naduwag? Mabilis siyang tumayo at binuhat ang anak mula sa isang upuan.  Ang gusto yang gawin ngayon ay ang tumakbo palayo.

“Christine, I’m sorry! Alam kong mali ako nang iwan ka dalawang taon na ang nakakalipas.
 Maniwala ka, mahal parin kita hanggang ngayon.”

Natigilan siya sa pag hakbang, tila robot na muli siyang napaharap dito.

“A-Anong sabi mo?”

“Tine, ano bang nangyayari s a’yo? Naiintindihan ko kung sagad hanggang buto ang galit mo sa akin pero ang magpanggap kang ibang tao saharap ko, huwag naman. Ang tagal kitang hinanap, kung alam mo lang. Pinagtanong kita sa mga katrabaho mo sa canteen, lahat sila hindi nila alam kung nasaan ka.”

“H-Hinanap mo ako?”

“Oo, Tine. Para mag-sorry at magpaliwanag sa nagawa ko sa ’yo.”

“I-I’m s-sorry, wala akong matandaan samga sinasabi mo.”

“Huh! Seryoso ba ‘yan?” anito na halatang hindi naniniwala.

“I’m serious. Hindi kita kilala. Wala akong matandaan sa mga sinasabi mo, w-wala rin akong
 matandaan kahit sa nakaraan ko.”

“A-Ano? T-totoo ba? Ano ‘yon, nagka-amnesia ka?”

“Oo.” Diretso ang tingin niya sa mga mata nito. Kitang-kita niya ang pagkabigla nito. Hindi ito
 nagsalita na nilapitan siya at inalalayan maupong muli.

“G-Gusto kong malaman kung bakit ka nagka-amnesia? Kailan pa?”

“Two years ago. Hanggang ngayon nangangapa parin ako sa nakaraan ko.” pag-amin niya rito.

“H-Ha?”

“Nagising nalang ako sa isang hospital, two years ago nang walang maalala kahit na ano. “ napaawang ang bibig ng lalaki.

“Sabi ng fiancée ko, February fourteen ng gabi nang masagasaan ako at..”

“Fiancée? Sinong fiancée ang sinasabi mo?” lukot ang kilay na tanong nito.

“Si Michael. Siya ang nagisnan ko sa Hospital.”

“kalokohan! That’s impossible! Ako ang boyfriend mo two years ago. Ang sinasabi mong
 February fourteen, iyon ang second year anniversary natin. Nasa isang restaurant tayo noon at.. at..” napasabunot ito sa sariling buhok. “Nang ga-gabing ‘yon, alam kong nasaktan kita nang husto na siyang pinakalamaking pagkakamali na nagawa ko buhay ko. Tinapos ko angating relasyon dahil ‘yon ang kagustohan ng Mama ko.”

Ang dalaga naman ang napatulala sa mga narinig. Maya-maya ay sunod-sunod siyang napa-iling.

“N-no.. h-hindi toto ‘yan..”

“Christine maniwala ka, nagsasabi ako ng totoo. Iniwan kita doon sa restaurant nang gabing
 ‘yon.”

“K-Kasama ko si Michael nang gabing ‘yon..”

“Sabi n’ya?”

Muli siyang napatango.

“Ako ang paniwalaan mo. Walang dahilan para humabi ako ng kuwento. Para maniwala ka, ito..” kinuha nito ang wallet at may litaratong inilabas doon saka iniabot sa kanya. “Tingnan mo. Ikaw at ako, magkasama tayo. kuha ‘yan ng first anniversary natin. Ikaw si Christine Santiago, HRM under graduate at sa canteen ng aming kompanya ka nagtatrabaho. Doon tayo nagkakilala.”

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang litrato. Nakayakap siya sa leeg nito at ito naman nakadampi ang labi sa kanyang pisngi. May nakasulat sa ibaba niyon ang mga katagang

“Gerald and Christine, Love forever.”

“Please, maniwala ka naman sa akin. Tutulungan kitang maalala ang lahat ng nakaraan mo.

Christine, mahal na mahal pari kita sa kabila ng lahat nang nangyari dalawang taon ang nakalipas.

“K-Kung t-too ang mga sinasabi mo, s-sino si Michael? S-sabi niya..”

“Siya ba ang ama nang..” napatingin ito sa bata na abala sa paglalaro nang hawak nito.

“H-Hindi ko na rin alam, ewan ko. Sabi niya siya ang ama ng dinadala ko. Nang magising ako sa hospital, siya na ang nagsabi na buntis ako.”

“J-Jesus Christ..” agad na tumayo ang lalaki at lumapit sa bata at agad itong kinarga. “A-Anak ko ang batang ito. Ako ang ama nito.”

Muli siyang natigagal. Agad na nag-init ang magkabila niyang mata hanggang sahindi na niya
napigilan ang sariling emosyon at sunod-sunod nang naglandas ang kanyang mga luha habang
nakatingin sa lalaki at karga ang kanyang anak.

“Christine, sigurado ako.Ako ang ama ng batang ito.”

GUSTONG sumabog ng puso niya sa mga rebilasyon nang hapon na iyon ganun pa man nagawa pa rin niyang maka-uwi nang bahay nang mahinahon. Matapos ang lahat nang pinagtapat sa kanya ni Gerald, mas pinili parin niya ang umuwi sa kanilang bahay kaysa ang sumama rito ayon sa kagustuhan nito. Hinamon pa siya nito na ipa-DNA ang bata para makasigurado na ito ang ama ng kanyang anak.

Pero iba ang gusto niya, ang marinig mismo kay Michael ang buong katotohanan.

Nalaman niyang ikinasal pala ito sa babaeing gusto ng mama nito ngunit hindi nag-work ang
 pagsasama ng dalawa na nauwi rin sa hiwalayan at inalok siya nito na magsimula silang muli ngunit puso’t isip niya ang agad na tumangi.


PART THREE

BUO na ang pasya ni Michael, ngayong gabi kakausapin niya ng masinsinan si Marianne.

Ipagtatapat niya rito ang buong katotohanan. Mahal na mahal niya ito kaya’t gusto niyang maging fair dito. Ilang gabi rin siyang hindi makatulog dahil sa kakaisip kung tama ba ang kanyang gagawin. At kung ano man ang kalalabasan nang lahat, tatanggapin niya. Dapat noon pa niya ginawa ang tama, at ito ang tama. Ang ipagtapat dito ang buong katotohanan.

Nang maka-uwi, isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang
 pumasok nang bahay. Tulad nang mga nakaraang gabi siya umuuwi, nasa sala si Marianne
 at hinihintay siya. Ngunit tila may kakaiba rito. Kagyat siyang tumikhim upang mag-alis ng bara sa lalamunan saka pilit na nguniti dito.

“Hi.” Aniya nang makalapit dito. Bahagya siyang yumukod upang gawaran ito ng halik sa pisngi
 tulad nang lagi niyang ginagawa tuwing siya’y darating ngunit sa kanyang pagkabigla ay bahagya nitong inilayo ang mukha. Kapansin-pansin din ang pormal nitong mukha kaya naman alanganin siyang naupo sa katapat na upuan. Bigla siyang dinaga sa dibdib. Itutuloy pa ba niya ang pagtatapat dito? Mukhang wala ito sa mood.

“Ahm, Marianne we need to t-talk.” Hindi niya mapigilan ang pumiyok. Tila may bikig sa kanyang lalamunan ngunit kailangan niyang magpatuloy. It’s now or never.

“Sa tingin ko nga, Michael. Dapat nga tayong mag-usap ng MASINSINAN.” Pinagdiinan talaga
 nito ang huling kataga.

“M-Marianne..?”

“Oh, Please Michael! Alam mong hindi talaga Marianne ang pangalan ko!” hindi na napigilan
 nito ang pag taas ng boses na siyang kinabigla niya. May alam na ba ito? bumalik na baang alaala nito?

GUSTO nang bumagsak nang mga luha ni Christine habang nakatingin siya sa mukha ni Michael.

Kitang-kita niya ang pagkatigagal nito sa kanyang huling sinabi. Kung ganun, si Gerald nga ang nagsasabi nang totoo?

Bigla siyang napatayo sabay talikod upang itago ang pag bagsak ng kanyang luha. Hindi na niya iyon kayang pigilan pa.

“M-Marianne, please..” anito na mabilis siyang napigilan sa braso.

“H-hangang kailan mo itatago sa akin ang totoo? H-hanggang kailan mo ako paniniwalain sa mga kasinungalingan mo?” humarap siya rito.

“P-Paanong..? bumalik na ba ang alaala mo?”

“Isang tao na lubos na nakakakilala sa akin ang nakausap ko. Sinabi niya ang lahat sa akin.

Sabihin mo, dapat ko ba siyang paniwalaan? Hindi raw Marianne ang pangalan ko kundi Christine. Christine Santiago ang buo kong pangalan. Hindi ikaw ang fiancée ko dahil siya daw ang two years boyfriend ko bago ako naaksidente. Shit! Michael, sabihin mong nagsisinungaling siya at ikaw ang nagsasabi ng totoo. Nakikiusap ako, sabihin mo sa akin ang totoo, maniniwala ako sayo. Sabihin mong sinungaling siya at ikaw ang nagsasabi ng toto. Sabihin mo! Sabihin mo!” Hindi na niya mapigilan ang subrang sakit na nararamdaman sa kanyang dibdib. Napayuko ito at hindi magawang tumingin sa kanya.

“I-I’m s-sorry..”

Maikling salita ngunit higit pa sa pag amin nito ang katumbas niyon. Dala nang matinding
 emosyong nadarama, pinagsusuntok niya ito sa dibdib habang patuloy sapagbalong ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Para bang sa pamamagitan niyon ay mawawala lahat ng sakit sa kanyang dibdib.

Hinuli nito ang kanyang mga kamay at ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Tila naghihina na hinayaan niyang nakasubsob siya sa matitipuno nitong dibdib at doon pinagpatuloy ang tahimik niyang pagluha.

Nang mahimasmasan ay bahagya niya itong itinulak at kumawala sa pagkakayakap nito. walang sali-salita na humakbang siya patungong pinto.

“M-Marianne, saan ka pupunta?”

Hindi niya ito pinansin na patuloy sa ginagawang paghakbang. Gulong-gulo ang kanyang isipan, tanging ang nais lamang niya nang mga sandaling iyon ay ang mapag-isa, malayo rito. Gusto iyang makapag-isip ng maayos.

“Please, Marianne. Huwag kang umalis..” habol nito sa kanya at pinigilan ang kanyang kamay na nakahawak sa doorknob.

“Please, gabi na at..”

“Gusto kong mapag-isa. Please, hayaan mo muna ako. Ung may konsensiya ka pa, hayaan mo na ako!” bulyaw niya rito. Dahan-dahang binitawan nito ang kanyang kamay.

Malaya siyang nakalabas ng bahay, patuloy siyang naglakad habang hilam sa luha at gulong-gulo ang isipan. Hindi niya alam kung gaano na katagal siyang naglalakad, nakalabas na siya nang village.

Nang marinig na nagri-ring ang kanyang phone, doon lang niya napansin na nasa suot na short ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at tiningnan ang caller. Nang mabasa ang pangalan ni
 Michael ay agad niyang pinindot ang cancel. Paulit-ulit itong tumawag at paulit-ulit din niyang kina-cancel.

Bago pa magbago ang kanyang isip, nag-text na siya kay Gerald. Binigay kasi nito ang number kanina bago sila naghiwalay. Agad siya nitong pinuntahan sa address na binigay niya. Sumama siya sa unit nito at doon wala siyang ginawa kundi ang tahimik na lumuha habang ito’y walang imik nanakaupo sa kanyang harapan.

HINDI na mapakali si Michael dahil biglang hindi na niya makuntak ang dalaga.

“Please, Mariane.. nasaan ka na ba? Umuwi ka na sana. Please, maghihintay kami ng anak mo.” Aniya habang palakad-lakad sa sala. Nang mapansin niya ang maliit na litrato na bahagyang nakasingit sa gilid ng sofa na inupuan kanina ng dalaga. 

Kinuha niya iyon at tiningnan. Litrato ni Marianne at ng isang lalaki. Ang sweet ng dalawa sa litrato. Nakasulat din doon ang pangalan ng dalawa. Nanlalambot na napa-upo siya. kung ganun totoo nga, Christine ang totoo nitong pangalan. At ang lalaki ba sa litrato ang sinasabi nitong nakausap nito? Naramdaman na lamang niya ang paglandas ng kanyang mga luha. Wala sa sarili na pinunas niya iyon.  

Ngayon niya na-realized kung gaano niya kamahal si Marianne. Higit pa sa sakit na naramdaman niya ng iwan siya ng kanyang fiancée. Noon ego lang niya ang natapakan nito nang iwanan siya. Ngayon, puso at buong pagkatao niya ang nasasaktan. Napasinghot-singhot siya saka tumayo at umakyat sa kanilang silid kung saan himbing na natutulog si baby Mariel na itinuring narin niyang parang tunay na anak. Habang nakatunghay siya sa payapang pagtulog nito, muli na namang nag unahang lumandas ang kanyang mga luha.

“Baby, kung ano man ang magiging desisyon ng mommy mo tatangapin ko. gusto ko
 lang sabihin na mahal na mahal kita na parang sarili kong dugo’t laman. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo.” Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito.

“D-dada..?”

Bago pa ito tuluyang magising, kinarga na niya ito at pinahilig sa kanyang balikat upang muling
 makatulog.

MATAPOS mahimasmasan si Christine, pinunas niya ang kanyang luha at tumayo.

“Saan ka pupunta?” habol sa kanya ni Gerald ng humakbang siya patungong pinto.

“Uuwi na ako.” Maikli niyang tugon.

“Ano? Bakit pa? alam mo nang nagsinungaling siya sa ‘yo sa mahabang panahon..”

“Naroon ang anak ko.” walang emosyon niyang sabi.

“Kung ganun, sasama ako. Anak ko si Mariel at may karapatan ako sa bata.”

“Please.. huwag ka nang dumagdag pa. Salamat na lang..”

“Christine, I love you.” Mabilis nitong sabi saka kinuha ang kanyang mga kamay at dinala sa bibig nito at hinalik-halikan. “Please, umalis na kayo sa bahay na iyon. Magsimula tayong muli. Ikaw, ako at ang anak natin.”

“Wala pa akong maalala sa sinasabi mong nakaraan natin. Kung totoong hindi nakakalimot ang puso kahit makalimot man ang isip, bakit wala akong makapa sa dibdib ko na pagmamahal para sa ‘yo?”

“Chri-Christine..?”

“Kung tunay nga na ikaw ang ama ni Mariel, hindi ko siya sayo ipagkakait. Pero hindi ko
 matitiyak kung meron tayong dapat balikan o dapat simulang muli.”

“Chriz..”

Muli na siyang humakbang palabas ng unit nito.

“Hayaan mo akong ihatid ka, Please.” Muling habol nito. “Gabi na at baka mahirapan kang mag-taxi. Mahirap ng magtiwala ngayon lalo na sa ganitong oras.”

Nagpahinuhod na lamang siya rito, besides may point naman ito. Sakay nang kotse ay wala
 silang imikan na dalawa. Ibinigay lang niya rito ang exact address at nanahimik na siya habang sa labas ng binatana nakatingin.

Dahil midnight na, wala ng traffic kaya’t mabilis ang kanilang biyahe. Ngunit sahindi inaasahang pagkakataon, isang mabilis na sasakyang ang rumaratsada mula sa kanilang likuran, hindi nito napansin ang pag-red light kaya naman huli na para apakan nito ang break habang sila ay naka-hinto na. 

Sumalpok ang harapan ng kotseng iyon sa likuran ng kotse ni Gerald dahilan upang matulak sila papunta sa nakahintong sasakyan sa kanilang harapan. Sa bilis ng pangayyari, pag lingon ni Gerald sa dalaga ay naka-lunagyngay ang ulo nito.

“Christine? Chri-Christine?” inalog niya ang balikat ng dalaga at nang mabaling sa kanya ang
 mukha nito, nahintakutan siya dahil nakita niyang nagdurugo ang noo nito.

“Diyos ko, Christine!? Christine!”

Nagkagulo na rin sa labas at may mga pulis narin na nakalapit sa kanila. Mabilis na lumabas si
 Gerald. "Pakiusap padaanin ninyo ako, ang kasama ko.. ang kasama ko baka may mangyaring masama sa kanya! Kailangan siyang madala sa hospital!”

Bahagyang sumilip ang isang MMDA sa loob ng kanyang kotse.

“May tumawag na ng ambulancia.” Sabi nito.

“Hindi ko kayang maghintay kung kailan ‘yon darating, wala kaming kasalanan, kami ang
 binangga buhat sa likuran.” Mabilis na naglabas ng wallet ang binata at iniabot saisang officer ang kanyang lisensiya. “Ito! hawakan ninyo ang licence ID ko. Tawagan ninyo ako kung kinakailangan pero nakikiusap ako, hayaan ninyong madala ko kaagad sa pinakamalapit na Hospital ang girlfriend ko!”

Hindi nahirapan ang binata makiusap, pinayagan na siya nito kaya naman agad niyang nadala
sa hospital ang dalaga.

UMAGA nang magising si Michael sa tabi ni baby Mariel, agad niyang iginala ang kanyang mga mata sa kabuoan ng silid. Hindi niya nakita ang dalaga. Hindi manlang nagusot ang side ng kama na hinihigaan nito. Bigla ang kabang bumundol sa kanyang dibdib. Mabilis siyang bumangon at tiningnan ang nakanting kuwarto sa pagabbakasakaling doon ito natulog ngunit ganun na lamang ang kanyang panlulumo dahil wala ang dalaga saan mang bahagi ng bahay. Hindi ito umuwi kagabi.

Dali-dali niyang hinanap ang cellphone na sa kasamaang palad ay nadaganan pala ni Mariel.

Pagtingin niyay maraming miss calls ang isang hindi kilalang number. Marami ring texts messages. Pagbasa niya’y iisa lang ang laman, isang masamang balita. Nabitawan niya ang cellphone.

MABIBIGAT na hakbang habang palapit siya sa Hospital room kung saan naroroon ngayon si
 Christine. Hindi na niya isinama ang bata, nang mabasa ang masamang balita ay agad niyang tinawagan ang kanyang Mama para iwan dito ang bata. Ayon sa Nurse na nakasalubong niyang lumabas sa kuwarto ng dalaga, ayos na raw ang lagay nito. Nagising na ito kanina mula ng dalhin ito kagabi na walang malay.

Doon ay nakahinga siya ng maluwag. Iyon lang naman ang gusto niyang malaman na nasa ayos ito. ngayon ay nagdadalawang isip siya kung tutuloy pa siya sa loob.

Sa huli ay nanaig sa kanya ang pagnanais na makita ito kaya naman lakas-loob na pinihit niya ang doorknob. Maliit pa lamang ang pagkakabukas niya ay isang lalaki na ang kanyang nakita. Naka-upo ito sa tabi ng dalaga paharap sa kanyang gawi. Duda siya kung nakita siya nito, napaka-seryoso nito na para bang may pina-uusapan ang mga ito na mahalagang bagay. Kilala niya ang lalaki sa mukha, ito ang lalaki sa litrato kasama ni Christine.  Nang halikan nito ang kamay ng dalaga, pakiramdam niya’y tinaga siya ng paulit-ulit sa dibdib. Napapikit siya ng mariin saka muling hinila ang pinto pasara.

Napasandal siya sa tabi. Napapikit siya ng mariin, subrang sakit lang ng kanyang nararamdaman ng mga sandaling ‘yon. Mahal na mahal niya ang dalaga ngunit wala siyang karapatang masaktan.

Kasalanan naman niya ang lahat. Hinayaan niyang mahulog ng husto ang kanyang loob dito gayong alam niyang walang kasiguraduhan ang lahat.

“You must be, Micheal.” Anang tinig ng isang lalaki.

Napamulat siya at napatingin dito, hindi niya namalayang bumukas pala ang pinto at lumabas
 ito. Walang sagot mula sa kanya, nakipagsukatan lamang siya ng tingin dito.

“I’m Gerald. Ang tunay na nagmamay-ari sa mag-ina ko.”

Bahagya niyang ikiniling ang ulo sa tinuran nito ngunit walang salita muli galing sa kanya.

“Gising na siya at siguro masasabi kong malaki ang naitulong nang aksedinte kagabi, bumalik na ang lahat ng kanyang alaala. Kung gusto mo siyang makita, sige pumasok ka. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin dahil sa sunod na magkakaharap-harap tayong tatlo, kukunin na namin sa ‘yo angaming anak.”

Pakiramdam niya’y gumuho ang kanyang mundo sa mga narinig.

NAPATINGIN si Christine sa may pinto nang muli iyon bumukas, akala niya’y bumalik si

Gerald ngunit iba ang kanyang nakita. Pakiramdam niya’y bahagyang pumalya ang tibok ng kanyang puso habang nakatingin sa seryosong mukha ni Michael na palapit sa kanya.

“Mabuti naman at walang masamang nangyari sa ‘yo. Sapat na sa akin malaman na okay ka.
 Balita ko bumalik na ang alaala mo. That’s good news.”

Gusto niyang magsalita ngunit tila naputulan siya ng dila. Nakasunod lang ang tingin niya rito
 nang lumapit ito sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. Sa kanyang pagkagulat, may inilagay ito roon.

Nang tingnan niya ang palad, nakita niya ang litrato nilang dalawa ni Gerald.

“M-Michael..?”

“Masaya akong nakabalik ka na sa tunay na ikaw. Sa taong tunay na nagmamahal at mahal mo. Patawarin mo ako sa lahat-lahat. Oo, naging makasarili ako. Sarili ko lang ang inisip ko noon kaya pinaniwala kita sa mga kasinungalingan. Sa kagustuhan kong matakasan ang nakaraan ko, nagawa ko ‘yon.  siguro mas tamang sabihin na ginamit lang kita. Hindi ko naman inaasahan na mas mamahalin kita nang higit sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko sinasadyang maramdaman ang lahat nang ito to the point na ayaw ko nang mawala kayo sa akin. Gusto kitang ipaglaban sa kanya. Kayong dalawa ni Mariel. Pero naisip ko, hindi ko maitatama ang pagkakamali sa isa pang pagkakamali. Kaya pipiliin ko ang tama, kahit na ang katumbas niyon ay ang kamatayan ng puso ko. Palalayain na kita. You deserved to be happy
at karapatan ni Mariel na makilala ang tunay niyang ama. Karapatan ninyong dalawa na maging masaya, Hindi sa piling ko kundi sa piling niya. Paalam, Christine. Alam ko na sasunod na paghaharap natin ay kukunin na ninyo sa akin si Mariel. Wala akong gagawin kundi ang paghandaan ang araw na iyon dahil gusto ko pagdating nang araw na ‘yon may lakas ako para tuluyan kayong isuko.” Tumalikod na ito. “By the way, Ang taong naka-bundol sa ‘yo dalawang taon na ang nakakalipas.. Ay ako. Muli, sana mapatawad mo ako.”

Hindi siya nito pinagsalita, basta na lamang itong lumakad patungong pinto at tuloy-tuloy na
 lumabas. Hindi niya napigilan ang pag unahan ng kanyang mga luha.  Bakit ang sakit-sakit? Hindi siya handa. Ang buong akala niya’y wala nang mas sasakit pa noong taposin ni Gerald ang kanilang relasyon, dalawang taon na ang nakakalipas. Bakit ibang-iba ang sakit na dulot ng mga salitang binitawan ngayon ni Michael?

Hindi niya namalayan kung gaano katagal siyang tahimik na lumuluha. Kahit nang bumalik si
Gerald ay tinalikuran lamang niya ito.

HINDI naman nagtagal si Christine sa hospital, agad siyang pinayagang maka-uwi. Hindi na siya pinayagan ni Gerald na bumalik sa bahay ni Michael, sa unit nito siya dinala.

“Feel at home, Honey. Dapat ka nang masanay dahil mula ngayon dito ka na titira at ang anak
 natin. Kailangan na natin siyang kunin kay Michael. You know what? Hindi na ako makapaghintay na mabuo tayong tatlo. Excited na akong maging ama sa ating anak at maging asawa mo.” Sabi nito na may kislap ng kasiyahan sa mga mata. Bahagya siyang napalayo dito nang marinig ang huling tinuran nito.

“W-Why? May mali ba sa sinabi ko?”

“Maging asawa mo?” ulit niya. “Hindi ba’t kasal ka na sa iba?”

‘”Y-yes but.. malapit nang mawalang bisa ang kasal namin. At ngayon na nandito ka nang muli
 sa akin, mas may dahilan ako upang madaliin ‘yon kahit pa magbayad ako ng malaking halaga.”

Bakit ganun? bumalik na ang lahat nang kanyang alaala pero tulad nang minsang sinabi niya rito, wala siyang makapa sa kanyang puso na pagmamahal para dito. At aminin man niya o hindi, si Michael parin ang laman ng isip niya.

Nabigla siya nang kabigin siya nito at yakapin ganun pa man, pinilit niyang kumawala rito.

“G-Gusto ko nang magpahinga.” Iwas niya rito. “Saan ba ako? Kahit dito nalang sa sofa, ayos na ako.”

“Hon, nagbibiro ka ba?” pagak itong tumawa. “Of course, doon ka sa magiging room natin, sa
 bed natin.” Kumindat pa ito, napalunok siya. Habang sa kanyang isip, si Michael. Na sa tagal nilang magkatabi sa kama, never itong nag-take advantage sa kanya. Hindi nito sinamantala ang kanyang kalagayan. Nang hawakan siya ni Gerald upang igiya sa kuwartong sinasabi nito, mabilis niyang natabig ang kamay nito. Bakit ganun? Hindi siya palagay sa mga hawak nito.

Matuling lumipas ang mga araw nang  pamamalagi ni Christine sa Unit ni Gerald, lalo lamang
niyang napapatunayan sa sarili kung ano talaga ang kanyang gusto.

“Gerald, Dalawang taon na ang nakalipas. Maraminang nagbago.” Aniya habang magkaharap
 sila sa hapag-kainan. Katatapos lang nila mag-diner.

“Ops! Bago ‘yan hayaan mo muna akong magsalita.” Pigil nito sa iba pa niyang sasabihin.

Tumayo ito at sa kanyang pagkabigla, lumuhod ito sa kanyang tabi at may ini-abot sa kanyang pulang box.

“Para hindi ka na mag-alinlangan pa. Hon, will you marry me? Pangako na oras na mapawalangbisa ang kasal namin ni Alexa, agad nating aasikasuhin ang kasal natin at bukas na bukas ay kukunin na natin si Mariel kay Michael.” Hinawakan nito ang isa niyang kamay ngunit mabilis niyang nabawi iyon sabay tayo.

“H-Hon?” puno nang pagtataka na napatayo na rin ito. “Honey..?”

“Tulad ng sinabi ko, marami na ang nagbago, Gerald.  Nagsimula ang lahat ng taposin mo ang
 lahat sa atin at iwan ako.”

“Na matagal ko nang pinagsisihan. Kung maibabalik ko nga lang ang nakaraan, hinding-hindi ko gagawin ‘yon.”

Hinarap niya ang binata saka tinitigan ito sa mga mata.

“Marami nang nagbago. kahit akala natin na ‘iyon ang nakabubuting gawin, minsan hindi na
 naibabalik ang lahat sa dati.”

“A-anong sinasabi mo, Hon? Ang mahalaga naman dito ‘yong mahal parin natin ang isa’t-isa.

Na walang nagbago o nabawas man lang. I love you at alam kong mahal mo parin ako. Nakalimot lang ang isip mo pero siguradong ako parin ang tinitibok ngpuso mo.”

“I don’t think so.”

“H-Hon..? You still love me, right?” paniniyak na tanong nito.

“I’m sorry, Gerald. Pero tulad ng sinabi ko sa ‘yo noong wala akong maalala, wala akong
 maramdamang pagmamahal para sa ‘yo dito sa puso ko.”

“Huh! That’s impossible!” sinabayan nito nang pagak na tawa ang sinabi. “Hindi ako
 naniniwalang hindi mo ako mahal.”

“I’m sorry, Gerald. Pero huwag kang mag-alala, ipapakilala kita kay Mariel bilang tunay niyang
 ama.”

Tinalikuran na niya ito at akma nang lalabas nang muli itong magsalita.

“Siya na ba ngayon ang mahal mo?”

Natigilan siya sa tanong na iyon.

“Tuluyan na bang nahulog ang loob mo sa kanya?”

“Oo, Mahal na mahal ko siya at gusto kong dugtungan pa nang mas mahaba ang mga ala-alang sabay naming binuo.”

Sa isipan  na lamang niya iyon nasabi, walang lingon-likod na tuloy-tuloy siyang lumabas ng unit nito. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag nang lulan na siya ng taxi at nasabi na niya ang address ng bahay ni Michael.

Nang makababa nang Taxi, nagsimulang tumambol ang kanyang dibdib habang nakatayo siya sa tapat ng gate. Tanaw niya ang malamlam na liwanag ng ilaw sa sala. Para sa kanya’y napakalungkot niyon. Nagpasalamat siya at hindi pa naka-lock ang gate. Mabilis siyang pumasok at halos takbuhin niya patungong front door. Naghugot muna siya ng sunod-sunod na buntong hininga saka lakas-loob na kumatok saka pinindot ang door bell. Ilang saglit ay narinig na niyang may pumihit ng door knob.

“Good eve--!” nabitin saere ang kanyang sinasabi dahil hindi ang yaya ang nagbukas ng pinto na siyang inaasahan niya.

“M-Michael..” Sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib, kahit sariling boses ay hindi niya marinig.

“Hi!” maging ito ay nagulat sa hindi inaasahang bisita. “T-Tuloy ka. Tuloy.” Niluwagan nito ang
 pagkakabukas ng pinto. Agad naman siyang sumunod.

“Maupo ka muna, titingnan ko kung gising pa si Mariel, iniwan ko kasi sila ni Elaine sa kuwarto.”

Akma na itong aalis nang mabilis niyang hawakan ang kamay nito para pigilan.

“S-Sandali..”

Tumigil naman ito pero napatingin ito sa kanyang kamay na nakahawak dito.

“S-Sorry.” Naiilang na agad siyang bumitaw dito ngunit muli nitong kinuha ang kanyang kamay.

Nang itaas nito ang kanyang kamay, doon lang niya napagtanto kung bakit doon ito nakatingin. Suot niya ang engagement ring niya na suot na niya nang unang magising siya sa hospital. Walang emosyon na tiningnan siya nito.

“We need to talk.” Eye to eye niyang sabi rito.

Tumangu-tango lang ito bagama’t hindi binibitawan ang kanyang kamay.

“S-sabi mo noon, hindi mahalaga ang nakaraan. Mas mahalaga ang mga bagong alaala.”

Muli itong tumango.

“Naririto ako sa iyong harapan ngayon dahil gusto ko sanang makiusap sayo.”

“Kung saan ka liligaya, sino ba naman ako para ipagkait ‘yon sa ‘yo? Sinabi ko naman sa ‘yo na paghahandaan ko ang araw na ito para—“

Hindi niya ito pinatapos sa siansabi, walang paalam na kinabig niya ito sa batok saka bahagyang tumingkayad at inabot ang labi nito ng kanyang labi. Nanlaki ang mga mata nito sa kanyang ginawa.

“Nakikiusap ako sayo, huwang mo kaming isuko. Ipaglaban mo ako sa kanya dahil wala akong
 ibang gustong gawin kundi ang dugtungan pa ang mga bago kong alaala na binuo kasama ka.” Mahaba at mabilis niyang sabi bago pa siya pangunahan ng kaba.

“Christine?”

“Michael, Nasaktan ako nang sabihin mo sa akin na isusuko mo kami ni Mariel. Bumalik man ang alaala ko, tulad ng sinabi ko sayo noon na kahit anong mangyari mahal na mahal kita.”

“T-Totoo ba ‘yan?” ngayon ay kumurap-kurap ito at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang
 pamamasa ng mga mata nito. “D-Diyos ko, huwag mo akong biruin nang ganyan. Umasa na ako noo at nasaktan. Kung mawawala ka pa sa akin ngayon.. Diyos ko, ikamamatay ko na. Dahil ang pag dating ninyo ni Mariel sa buhay ko ang muling bumuo sa mundo ko.”

“Kung ganun, kailan mo ako pakakasalan sa simbahan?” naka-labi niyang tanong dito. “Bilisan
 mo dahil asang-asa ako  na hindi lang kay mariel ka may gagampanan bilang ama kundi gagampanan mo rin ang pagiging tunay mong asawa sa akin.”

Malakas itong natawa sa kanyang sinabi sabay haklit sakanyang beywang at ginawaran siya
nang makapugtong-hiningang halik na puno nang pananabik at pagmamahal. Agad niya iyong tinugon.

“Kung kailan ka ready. Dahil ako, handang-handa na. Ang tagal ko na ngang nagpa-
 practice bilang asawa mo eh.” Makahulugan nitong turan matapos pakawalan ang kanyang labi.

“Mahal na mahal kita, my future wife.” Sabi pa nito.

“I love you more.”

At muling naglapat ang kanilang mga labi.

***W A K A S***








No comments:

Post a Comment