"HON, siguro panahon na para ilantad natin ang ating relasyon, total naman parehas tayong hiwalay sa ating mga asawa." Brian's opinion.
" Bakit hon, pagod ka na ba?" Tanong ni Erica.
" Nope. Pero mas mabuti na 'yon."
" Kung sabagay tama ka hon, mas maganda parin 'yong wala tayong kinatatakutan at pinagtataguan, 'yong tanggap tayo ng lahat." Nakasandal si Erica sa dibdib ni Brian ng mga sandaling 'yon.
Nasa tabi sila ng batis at naliligo.
Halos mag-iisang taon na ring tinatago ang kanilang relasyon dahil umiiwas sila sa mga taong mapanghusga kahit na sabihing hiwalay na sila sa kanya-kanyang mga asawa.
" Basta ipangako natin sa isat-isa kung ano man ang mangyari walang iwanan at kapit kamay tayong lalaban at harapin ang anumang pagsubok o hamon na darating sa ating pagmamahalan." Seryusong sabi ni Brian at hinalikan sa noo ang kanyang mahal.
" Pangako hon, walang iwanan. Sabay nating harapin ang anumang trials na darating." Erica rise his hand with the sign of promises.
At ganun din ang ginawa ni Brian.
Both of them are happy. They want a freedom para sa kanilang pagmamahalan, like a bird with a freedom to fly anywhere and everywhere without the judgements of others.
Nasa ganoong ayos sila, yakap ni Brian si Erica sa likuran at nakasandal naman si Erica sa dibdib ni Brian. Pinapakiramdaman ang tibok ng kanilang mga puso na sumasabay sa hampas ng hangin sa kabundukan at kumukumpas sa daloy ng tubig sa kailogan.
" Hon, medyo natuyo na ako, ligo tayo ulit?" Aya ni Erica.
" Okey hon, basta isang langoy lang at uuwi na tayo, magdidilim na kasi mapanganib dito."
"Masusunod hon. Tara na!" Tumakbo sa palapit sa tubig.
" Tatayo ka na lang ba d'yan? Ayaw mo ba akong sabayan?" Muli ni Erica ng mapansing pinagmamasdan lang siya ni Brian habang paruo't parito.
" I'm enjoy watching you hon," totoong sabi ni Brian and slowly move forward to Erica kung saan siya naglulublob sa tubig.
" Nagbibiro ka na naman, halika na nga!"
" Hon, ang buwaya papalapit na sa'yo, siguro gusto ka niyang kagatin." Biro ni Brian ngunit nagkunwaring seryuso.
Erica's become panic at magkabilaan ang kanyang paglingon, gusto na rin niyang umiyak.
Habang si Brian ay nais nang humalakhak sa nakikitang hitsura ng babae.
Medyo nakunsensya naman si Brian, mabilis niya itong nilapitan at niyakap.
" Ako ang buwayang nais kang kagatin." Biro na naman ni Brian ngunit may halong katotohanan.
Mabilis naman ang pick-up ni Erica kaya nasagot din niya ito agad ng kapilyahan.
" Do it hon. Rigth here, rigth now." Mapanghamong sagot naman ni Erica. At kusang kumalawit ang kanyang mga kamay sa batok ni Brian.
" Silly girl!" Sabay angkin sa labi ng nobya.
Sinibsib nito ang labi ni Erica na puno ng pagmamahal at respito.
Dahan-dahan niyang binuhat ito at dinala sa tabi. He slowly put Erica's body in the ground with a full of care habang magkahinang ang mga labi.
Full of romance, full of love and full of respect ang pinalasap ni Brian kay Erica.
Taos puso namang tinugon ng isa.
Nakikiayon ang paligid sa katahimikan, tanging ungol lamang ng dalawang taong nagmamahal ang maririnig at kahit huni ng ibon ay siyang nagsisilbing musika na sumasabay sa bawat galaw ng mga dahong hinahampas ng hanging amihan.
Tanging mga hayop at halaman lamang ang nakasaksi sa kanilang pag-iibigang walang sinumang maaring humadlang.
Kapwa pagod ang dalawa ng marating nila ang langit ng kaligayan.
" Tomorrow start the day to face the truth. Na harapin ang katotohanan, ang araw ng simula na harapin ang lahat. Ang anumang panghuhusga, panlalait at mga mapanuring tingin na maaring makamit." Makahulugang sanaysay ni Brian. Nakahiga parin ito sa mabuhanging bato at nakatingala sa kalangitan.
Erica, embrace him ng maintindihan niya ang ibig sabihin ng katabi.
Nais lang naman nilang mabigyan katuparan ang nilalaman ng kanilang mga damdamin, paka-ibigin at pakamahalin ang bawat isa.
Bago nila nilisan ang lugar na iyon, they will make promises na lahat ay kakayanin, lahat ay susuungin at lalaban sa anumang maaring mangyari.
Kinabukasan, they we're both happy. Kaligayahang walang sinumang maaring humadlang, ngunit hanggang saan nila dadalhin ang sayang ngayon lang nila ulit nahanap at natagpuan? Makakaya nga kaya nilang harapin ang anumang hatol ng karamihan?
" Hon, good morning!" Bati ni Brian kay Erica at humalik sa pisngi.
" Good morning too hon!" Ganti nito.
" Ang bango talaga, parang dalaga parin."
" Dalaga naman talaga ako eh." Kunwaring tampo ni Erica.
" Hon, either your a single or not ikaw parin ang dalaga ng buhay ko."
" Naman muntik na akong kiligin doon ah!" Nakangiting saad nito.
" Kahit araw-araw ko pang gawin sa'yo hon, basta masaya ka lang palagi." Lambing naman ni Brain.
" Hmmp halika na nga para makakain na tayo baka mabusog na ako d'yan."
" Busog na ako sa tuwing nakikita kang masaya."
" Kaya mahal kita eh."
" At mahal din kita, mahal na mahal. Handa akong talikuran ang lahat 'wag ka lang mawala." Totoong saad ni Brian.
" Talaga! Kahit anak mo?" Pinalaki pa ang mata nito.
" Ibang usapan na 'yon hon, hindi ko magagawa sa anak ko 'yan, mahal ko kayong dalawa."
" Sige na nga! Kain na nga lang tayo nagutom na ako sa amoy eh." Hinila nito ang kamay ni Brian, at sabay na silang nagtungo sa kusina para mag-agahan.
" Ikaw ba nagluto nito hon? Ang sarap naman." Panay-panay pa ang subo ni Erica.
" May iba pa ba? Masarap ka kasing magmahal kaya naging masarap ang luto ko." Seryosong nakatitig kay Erica na panay ang subo.
" Ikaw na hon, ikaw na talaga ang pinakamasarap magmahal." At mabilis na uminum ng tubig dahil muntik ng mabilaukan.
Masaya silang pinagsaluhan ang agahan ng puno ng sarap at sigla ang bawat isa.
Magkasama silang lumabas, hawak kamay ang dalawa patungo sa lugar upang hingiin ang kapatawaran ng kanilang ginawa at angkinin ang basbas ng kanilang pagsasama sa natatanging nag-iisang Banal na Espiritong maylikha ng lahat.
SIMBAHAN.
SIMBAHAN ang kanilang unang pinuntahan ng araw na 'yon. Hindi na sila nasusurprisa, sa daan palang mga mapanuring mata na ang kanilang nasasalubong lalo na ang mga taong nakakakilala sa kanila. Even the Church ay walang pinagkaiba dahil pagpasok palang nila nandoon din ang mga mapagngutyang, mga tingin na ipinukol sa kanila. Wala na talagang pinipiling lugar ang ibang mga tao ngayon, kahit sa lugar na banal at sakramento, dinadala parin ang mga ugaling hindi makatao.
They ignore them, patuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa narating nila ang Altar. Altar ng Dios. Altar ng pag-ibig. At doon taos puso silang humingi ng kapatawaran sa kanilang kasalanan. Ang kasalanang magmahal ng parehas na may mga pag-aari na ngunit hiwalay na sa parehas nilang mga asawa.
" God, alam naming malaking pagkakamali itong pinasukan namin, sa iyo at sa mga nakapaligid sa amin, kaya nga po kami naparito upang hingiin ang iyong kapatawaran at tanggapin ang aming pagmamahalan. Handa po kaming humarap sa anumang parusa na ibibigay mo sa amin. Patawad, pinagbigyan lang po namin ang isinisigaw ng aming mga damdamin."
Halos walang pinagkaiba ang dasal ng dalawa kahit sabihing magkahiwalay ang isipan nila.
Sa ilang minutong lumipas muli nilang tinahak ang daan palabas ng gusaling iyon, magkawak kamay at may ngiting sa labi.
" Hindi na nahiya, puro may mga asawa pero tingnan ninyo, mukhang ipinagmalaki pa ang pagsasama nila!" Parinig ng isang Ali na isa ring kamag anak ni Erica. Galit itong nakatingin sa kanila.
" Ang kakapal ng mga mukha!" Sabi naman ng anak din.
" Mali na kung mali! Kasalanan na kung kasalanan pero tao lang kaming nagmamahalan at naghahangad ng kaligayahan." Mahinang sabi ni Erica sa mga tsimosa.
" Mare, ano na lang ang sasabihin ng mga asawa nila kung malaman ang pinaggagawa ng dalawang 'yan?" Kapitbahay na tsismosa.
" Ewan ko lang mare, talagang ang mga tao ngayon ay wala ng mga hiya!" Sadyang nilakasan pa ni Tasing na tiyahin ni Erica.
" H'wag mo silang pansinin, bago natin ipinakita sa lahat ang relasyon natin ngayon, alam nating dalawa na isa iyan sa mga mangyayari." Sabi ni Brian na mahigpit na hinawakan ang kamay ni Erica.
" Makakaya ko lahat ng panghuhusga nila basta h'wag ka lang mawala." Totoong sagot ni Erica.
Patuloy parin sila na parang walang naririnig sa paligid, kung baga bingi-bingihan na nga lang at kapalan ng mukha, pero kay gaan ng pakiramdam.
" Ganyan nga hon, ipakita natin sa kanila hindi tayo apektado, matatahimik din ang mga 'yan."
" Oo, magsasawa din ang mga 'yan."
Sa bawat hakbang katumbas ay ibat-ibang bulungan, mapanghusgang mga isipan.
Ang bawat salitang kanilang naririnig tila ba isang palaman ng tinapay na nagbibigay buhay sa kanilang relasyon upang mas lalo silang pagtibayin ng panahon.
Natapos ang maghapong tila ba kay gaan ng kanilang pakiramdam kahit nabalot ito ng mga salitang hindi kanais-nais pakinggan.
" Thank you Hon," malambing na sabi ni Erica.
" For what hon?"
" For your love, kasi natagpuan ko na ang kaligayan sa piling mo na noon pa may hindi ko naramdaman."
" Me too , dahil ikaw ang muling nagbibigay kulay sa buhay ko."
Naging mas matibay ang pagsasama nila.
Puno ng pangako na kahit anumang unos na dumting hindi ito matitibag, at walang sino mang makakapaghiwalay sa kanilang pagmamahalan..
Ang lahat nga ba na kanilang binibitiwang salita ay mapanindigan? Paano nalang kung marami ang makikialam?
Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa paglalambingan ng dalawa.
Mabilis namang tumayo si Brian para buksan sana ang pinto ngunit agad namang inako ni Erica.
" Ako na hon." Aniya at sabay tayo.
Isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Erica ng mabuksan niya ang pinto.
" Wala ka na bang hiya! Malandi ka! Pati respito sa sarili mo nilunok mo na!" Galit na salubong ng kanyang Ina. Mula ng malaman ni Laura ang ginawa ni Erica, hindi na ito makatulog. At nahihiya na rin sa bulong-bulongan ng mga tao.
Napahawak si Erica sa kanyang pisnging namumula.
" Kulang pa 'yan sa kawalang hiyang ginawa mo! Hindi mo na binigyan ng kahihiyan ang ating pamilya! Naturingan ka pa namang isang edukada ngunit ano itong ginawa mo?" Namumula na sa galit ang kanyang ina.
Lumuluha lamang si Erica, wala siyang mahagilap na sasabihin sa magulang.
" Patawad po, nagmahalan po kami at mahal ko po ang anak ninyo." Singit ni Brian. Nangmarinig niya ang malakas na sampal, dali-dali itong lumabas.
" Mahal? Pagmamahal ba ang tawag d'yan? Kalukuhan! Sarili n'yo lang ang iniisip ninyo! Hindi n'yo iniisip ang mga tao sa paligid ninyo!" Galit na galit itong tinitigan si Brian.
Muli itong humarap kay Erica. " Kung hindi mo hihiwalayan ang lalaking iyan, ilagay mo d'yan sa kukuti mo na wala kanang pamilyang babalikan." May diing bigkas ang bawat salitang binitiwan ni Laura bago tumalikod.
Tila nanlulumong napasandal si Erica sa may pinto. Napakahirap palang sarili mo nang pamilya ang magsasabi ng hindi maganda. Kay sakit pakinggan na sa akala mo ang unang taong makaintindi sa'yo ngunit hindi pala.
Mabilis na ipinasandal ni Brian sa kanyang dibdib si Erica at inakay sa may sofa at doon pinaupo.
" Maiintindihan din nila tayo balang araw." Pampagaang wika ni Brian.
Patuloy lamang sa pag-iyak si Erica. Napakasakit na nanggaling mismo sa iyong Ina ang salitang masakit pakinggan.
Minsan, ang akala ng lahat ang pamilya ang unang makakaunawa sa'yo but not all the time dahil minsan sila mismo ang unang manghusga sa'yo. Napakasakit mang isipin pero iyon ang totoo. Marinig muna lahat sa iba 'wag lang sa sarili mong pamilya dahil iyon ang pinakamasakit tanggapin.
Brian embrace her para ipadamang anuman ang mangyari nasa tabi lang siya.
" Shhh, lilipas din ang lahat." He said.
" Ang sakit lang hon eh, akala ko handa na ako pero hindi! Hindi, kasi ito nasasaktan ako." Umiiyak paring wika nito.
" Hindi naman tayo manhid para hindi masaktan hon, but we need to face it. At sa mga darating pa." Mahinang sabi ni Brian ngunit may katotohanan.
Simula pa lamang ng kanilang pagsasama ngunit bakit parang kay rami ng kumukontra?
Sadya nga bang ganito ang mangyayari kapag nagsimula sa mali?Paano nalang pagnalaman ng kanilang mga asawa, may patutungohan pa kaya ng kanilang pagsasama?
Hanggang saan? Hanggang saan sila matatanggap ng mga taong nakapaligid sa kanila? Matatanggap nga ba o tuluyan silang kamuhian ng lahat.
GULONG-GULO ang isipan ni Brian dahil ang anak niyang nasa pitong taong gulang ay hindi matanggap ang pagsasama nila ni Erica. Nais parin nitong mabuo ang kanilang pamilya.
" Ayaw ko sa kanya papa, babalik si mama para buuin ang pamilya natin!" Singhal nito kay Brian habang umiiyak.
" James, hindi na babalik ang mama mo sumama na siya sa iba." Mahinahong sabi ni Brian.
" Hindi, sabi n'ya uuwi na siya. Kausap ko si Mama, nagsisi na daw siya." Ika ni James na akalain mong sa murang edad nito ay parang naiintindihan na ang mga nangyayari sa paligid.
" Kahit babalik pa siya anak, hindi na mabubuo ang pamilya natin."
" Dahil ba mahal mo na si tita Erica kaya hindi mo na mahal si mama?" Umiiyak pa rin ang bata. Alam nito ang tungkol sa relasyon nila ni Erica.
Tango lang ang isinagot ni Brian sa anak at panay din ang tulo ng luha.
Sobrang sakit sa kanya ang makita ang anak na s'yang nagdurusa sa nangyari sa kanila.
Hindi nga nagsisinungaling ang kanyang anak na si James Brian dahil tatlong araw mula noong kausap niya ito ay dumating ang kanyang asawa.
Agad itong yumakap kay Brian.
" Patawarin mo ako Brian, patawarin mo ako. Ngayon ko lang napatunayan na hindi ko kayang humiwalay saiyo, hindi ko kayang lumayo sa inyo." Nahahabulang mga luhang hinging patawad ni Jamia kay Brian.
Pigil sa galit naman ang nararamdaman ni Brian, tanging naikuyom nito ang mga palad dahil nasa harapan ang anak.
Galit siya kung bakit nagawa nitong magluko gayong ginawa naman niya lahat. Galit siya kung bakit nagbumalik pa ito.
Oo, matanggap niya ito pero hindi bilang asawa kundi bilang Ina ng anak nila. Ngayon pa na may mahal na siya! Ngayon pa na nakatali na ang puso niya sa iba!
Kasal nga sila ngunit sa papel na lamang iyon, sa kanilang puso ay iba na. Wala ng bisa ang pagmamahalang iyon, tanging kasal na lamang nila ang nag-uugnay sa kanila.
" Please papa patawarin mo na si mama!" Umiiyak na saad ng bata.
Para namang sinaksak ang puso ni Brian ng marinig ang sinabi ng anak ngunit kung patuloy lamang ang kanilang relasyong mag-asawa kahit alam nilang sira na at hinding-hindi na ito mabubuo pang muli, patuloy lamang nilang sinasaktan ang kanilang mga sarili. Mas lalo lamang pinapalala ang sitwasyon.
" I'm sorry Jamia pero may iba na akong mahal at siya na ang nagmamay-ari nito." Sagot naman ni Brian na umiiyak na rin sabay turo sa kanyang dibdib.
" Hindi! Mawawala din s'ya sa puso mo dahil nandito na ako! Ako ang mahal mo diba? Diba?" At pinagdaupang palad sa mukha ni Brian ang kanyang kamay.
" Oo, pero noon 'yon at hindi na ngayon." At lumapit sa anak pagkatapos tanggalin ang kamay ni Jamia.
" Patawad anak, balang araw maintindihan mo rin lahat. Basta tandaan mong mahal na mahal ka ni papa at iyon ang hindi magbabago." At niyakap ang anak bago tuluyang tumalikod.
Tila nauupos na kandila si Jamia, hindi niya alam na ganito ang kahihinatnan ng kanyang ginawang mali. Umaasa pa naman siyang muling mabubuo ang pamilyang kanyang iniwan. Oo nagkamali siya, pero matagal na niya itong pinagsisihan. Sa kamay palang ng kanyang kinakasama ay nagsisisi na siya, kabaliktaran lahat ang kung ano si Brian kesa doon sa lalaki niya.
Nilapitan siya ng anak nilang si James Brian at niyakap siya nito, kapwa luhaan, kapwa nasasaktan.
In a few days, hindi nawalan ng pag-asa si Jamia na muling suyuin ang asawa upang mabuo ang kanilang pamilya. Naisipan niyang maghanda para surprisahin si Brian. Nasa mall siya ng mga oras na iyon, kasagsagan ng kanyang pamimili ng masipat ng dalawa niyang mata mismo ang kanyang asawa at ang babaeng kasama nito na walang iba kundi si Erica.
Masayang nagsusubuan sa loob ng restaurant ng gusaling iyon.
Biglang nag-init ang kanyang katawan na tila ba binuhusan ng kumukulong tubig sa sobrang galit na naramdaman. Sa sobrang inis at galit, isang bagay ang kanyang nagawa.
At isang desisyon at isang ngiti. Ngiti na may kasamang kahulugan.
At isang desisyon at isang ngiti. Ngiti na may kasamang kahulugan.
" Pagbabayaran n'yo ito!" Nagbabagang sambit niya. At nilisan ang lugar na walang pinamili.
" Anong plano mo ngayong nandito na ang asawa mo?" Tanong ni Erica kay Brian.
" Ayos na nag-usap na kami." Sagot nito, tuloy parin ang subo.
" Ok lang sa kanya?"
" Oo naman, siya din naman ang unang nangaliwa. Eh ikaw, ang asawa mo?" Tinitigan nito si Erica.
" Masaya na 'yon sa piling ng babae n'ya."
" Mabuti at wala ng manggulo sa atin."
" Sana nga!" Ngunit may mga katunungan parin sa isipan.
Matibay ang paniniwala nilang hindi na sila guguluhin ng kanilang mga asawa. Sa isip nila ang mga ito ang unang nagluko kaya naman wala silang pangambang ilatag ang kanilang relasyon sa karamihan.
Tama nga kaya ang nasa isipan nila, gayong hindi naman nila hawak ang mga isip ng kanilang mga asawa. Paano nalang kung may hindi sasang-ayon sa pagmamahalan nila, may mangyayari kaya?
" Hindi na ba namin mababago ang desisyon mo? Siya na ba talaga ang pipiliin mo?" Sita agad ni Jamia kay Brian ng dalawin nito ang anak.
" Alam mo na ang isasagot kaya hindi mo na kailangang magtanong pa." Mahinahong sagot ng lalaki. Tumuloy ito sa loob para puntahan ang anak.
" Magawa mo ba talaga kaming iwanan?"
" Bakit naman hindi, kung ikaw nga nagawa mo!"
" Hindi ako papayag, makikita mo kung ano ang kaya kong gawin!" Nagbabantang saad nito.
" Gawin mo kung anong gusto mo." Sabay alis ng hindi makita ang anak.
" So paano, deal?" Sabi ni Jamia kausap niya ang isang lalaking ngayon lang niya nakilala.
" Ok deal, bukas na bukas din kikilos ako." Sagot ng lalaki.
" Good, bukas din ay kakausapin ko na 'yong taong kilala ko."
" Basta usapan ay usapan." Paniniguro ng lalaki.
" Matino akong kausap. Makakaasa ka."
Tumango ang lalaki at umalis. Naiwang nakangiti si Jamia.
" Layuan mo ang lalaking 'yan kung hindi pagsisihan mo." Nakayuko si Ruel habang sinasabi iyon, nasa harap ng mesa. Si Ruel ang asawa ni Erica.
" Nagbalik ka ba para lang manggulo? Sa tingin mo natatakot ako? Oh God Ruel, noong ikaw ang lumayo wala kang narinig mula sa akin kahit nagmamakaawa ako sa'yo pero ngayon ito ang gagawin mo!" Agad na sumbat ni Erica sa asawa.
" Bakit, dahil ba mahal mo s'ya kesa sa akin?"
" Oo, mahal ko s'ya at hindi ko magagawa ang gusto mo! Ikaw ang unang lumayo at iniwan ako kaya wala ka ng babalikan!" Gusto ng umiyak ni Erica ngunit pinipigil niya, ayaw niyang umiyak sa harapan ng asawa.
" Baka pagsisihan mo ang desisyon mong 'yan!" Hindi man lang nakunsensya si Ruel.
" Bakit, guguluhin mo kami? Parang awa mo na Ruel, hayaan mo na kami, hayaan mo na akong maging masaya!" Malapit na malapit na talagang papatak ang kanyang luha.
" Hindi ko kayo guguluhin ngunit managot kayo sa batas."
Natigilan si Erica , hindi niya akalain na magagawa ni Brian sa kanya ang idemanda sila, samantalang siya'y hindi niya ginawa.
" Hindi biro 'yang sinasabi mo Ruel, parang awa muna palayain nalang natin ang isat-isa!" Napaupo na siya at nakatunghay sa asawang nakatayo, ngunit parang walang narinig si Ruel bagamat iniwan siyang bigla.
Nahigit ni Erica ang sarili. Paano kung totohanin ni Ruel ang kanyang sinabi? Siguradong makukulong sila.
Sa sinabi ni Ruel, bagay na ipinag-alala ni Erica, dahilan upang hindi siya mapakali.
Agad na niyakap ni Erica si Brian pagdating at hindi napigilan ang pagluha.
" Hon, bakit? Nag-alalang tanong ni Brian.
" Hon, ayaw kong magkalayo tayo, ayaw kong mawalay sa'yo."
" Shhh, hindi ako mawawala sa'yo hon."
Talagang pinaninindigan nila ang kanilang pagmamahalan.
Ilang araw ang lumipas isang balitang bumulagta sa kanilang dalawa, dahilan upang mangamba ang dalawa.
" You have warrant of arrest Sir and Ma'am." Sabay abot sa papel na hawak ng dalawa.
" Anong ibig sabihin nito?" Si Brian na nagulat sa mangyayari.
" Inaaristo po kayo sa salang pakikiapid sa may asawa." Deritsong sagot ng may katabaang pulis.
" Mamang pulis 'wag n'yo pong gawin sa amin ito. Parang awa n'yo na po."
Nagmamakaawang saad ni Erica.
" At ngayon magmamakaawa kayo! Tingnan natin kung saan kaya ang pagmamahalan ninyo." Nakangiting nakakaluko pang turan ni Jamia. Sumunod ito sa mga pulis at nasa likurann din niya si Ruel.
Nadapo agad ang tingin ng dalawa sa nagsasalita.
" Jamia?" Patanong na sambit ni Brian, wala siyang mahagilap na sasabihin.
" Ruel, anung ibig sabihin nito?" Ani naman ni Erica.
" Dalhin n'yo na ang mga 'yan mamang pulis at ikulong!" Matatag na boses ni Ruel.
Mabilis namang sumunid ang mga pulis at agad na pinusasahan ang dalawa.
Napamaang lang ang dalawa, wala silang masabi ngunit ang mga mata'y kusang nag-uusap at nagkakaintindihan. Gustuhin man nilang umangal o magreklamo ngunit malakas ang katibayan ng mga asawa nila na nagpahuli sa kanila.
Matibay ang ibedinsya ni Ruel at Jamia upang ipakulong ang kani-kanilang asawa.
Nasa iisang bubong na kasi si Brian at Erica. Nagsama na sila sa pag-aakalang walang magiging problema. Sa pag-aakalang hindi na magbalik ang kanilang mga asawa na s'yang unang lumayo at nang-iwan. Ngunit ang pagkakamali nila' y hindi nila ito binigyan pansin, hinayaan lamang nila na maging masaya sa iba habang sila ay nasasaktan.
Pero anu ito ngayon? Kailangan ba nilang magdusa para sa binibitiwang pagmamahal nila sa bawat isa? Ganito ba talaga kasaklap ang tadhana sa kanila? Paano nalang ang bukas nila kung piitan ang magsisilbi nilang tahanan?
Tanging pagluha lamang ang nagawa ni Erica, ngunit hindi siya nagsisi sa pagmamahal na binitawan niya para kay Brian, sapagkat sa kunting sandali ng pagsasama nila puno siya ng pagmamahal at puno ng saya na hindi matutumbasan kahit anumang bagay.
Naikuyom ni Brian ang kanyang mga kamao, nasaktan siya ng sobra sa nakikitang anyo ng babaeng mahal niya.
" I'm sorry hon!" Anas ng isipan niya. Walang siyang magawa kundi ang pagmasdan lamang si Erica.
Habang lihim na lumuluha.
Paglabas pa lang nila ng tahanan, mapanghusgang mga mata at bulong-bulongan sa paligid ang kanilang naririnig. Masakit man ngunit iyon ang katotohanang hindi na mababago sa mga tao.
Nasa level na kasi tayo ng mapanghusgang mundo. Kaunti o malaking kasalanan man ang nagawa mo parehas lang sa mata mga tao.
Kung tanging pagmamahal lang ang kanilang kasalanan, kailangan ba talaga itong pagbayaran? Sa mata ng Dios, sa mata ng tao, at sa batas na siyang hahatol upang maparusahan?
BILIBID
BILIBID kung saan ang lugar doon pagbayaran ang mga pagkakamaling nagawa, mapag-ibig man o iba pa, ang dinalhan ng magkatipang Brian at Erica.
" Hon, I'm sorry! Wala akong magawa!" Sabi ni Brian kay Erica. Nasa harap na sila ng kulungang bakal, magkayakap.
Kinalagan na sila ng mga sandaling iyon at binigyan ng limang minutong magkausap.
" Maayos din ang lahat hon, basta sabay tayong lalaban." Sagot ni Erica at panay parin ang tulo ng kanyang mga luha.
" Oo, walang bibitaw anuman ang kahihinatnan nito. May awa ang Dios, muli niya tayong bigyan ng pag-asa para ipakitang tayo ay para sa isat-isa. Ipangako mong hindi ka susuko." Puno ng kalungkutang saad ni Brian.
" Pangako hon, hanggang sa huli tayo at tayo parin."
Isang pulis ang lumapit sa kanila upang tapusin ang kanilang pag-uusap.
Dahan-dahang nagbitaw ng kamay ang dalawa, kung maari lang sana ay 'wag ng magkahiwalay ang dalawa ngunit oras na, oras na upang pagbayaran nila ang kasalanang nagawa nila. Ang magmahal ng may pag-aari na. Kung bakit kasi hindi nalang pagbigyan ang kanilang pagmamahalan. Kung bakit kasi hindi nalang hahayaan ang kanilang relasyon na doon nila natagpuan ang sapat na kaligayahan.
Tuwang-tuwa si Jamia at Ruel sa kanilang ginawa, wala mang lang mahanap na konsensya sa kanilang mga puso.
Sinampahan kasi nila ang dalawa ng kaso. Si Jamia ay sinampahan niya si Brian ng Cuncubinage case at si Ruel ay kasong Adultery ang isinampa laban kay Erica. Nakasaad dito na maaring makulong ang babae at lalaki kung mapatunayang may relasyon sila kapag kasal sila sa kani-kanilang mga asawa at may namamagitang pagtatalik sa kanila.
" Atty., sa palagay ninyo tuluyan na kayang makulong ang dalawa?"
" Matibay ang ibedensyang isiniwalat ninyo, lalo at nagsama na pala sila sa iisang bubong. Siguradong makukulong sila ng may katagalan." Sagot ng Atty., kay Jamia.
" Mabuti kung ganun Atty., nararapat lang sa kanila 'yon." Sabi naman ni Ruel na nakangiti.
Tango-tango lang ang abogadong kinuha nila.
Kumuha din ng abogado ang dalawa para ipaglaban ang lugar nila.
" Matibay ang ibedensya nila mukhang mahihirapan tayong ipanalo ang kaso." Sabi ni Atty. Lopes na kinuhang abogado nina Brian at Erica.
Nasa loob sila ng isang silid kung saan doon kinakausap ang mga taong nakulong.
" Gawin n'yo po ang lahat Mr. Lopes, kung may paraan pa." Dismayadong sabi ni Brian.
" Gagawin ko ang makakaya ko." At tumayo na ito para lisanin ang lugar na iyon sapagkat tapos na ang oras ng dalaw nila.
Nagsimula na nga ang hearing nila, una palang ay parang pinanghinaan na sila ng loob sapagkat matibay ang ibedensyang hawak nina Ruel at Jamia.
Hindi man lang sila binigyan ng pyansa para habang inuusad ang kaso kahit papaano ay makalabas sila.
" Mrs. Erica Villanueva, ayon sa aking panig kasalukuyan kayong nagsasama na sa isang bobong ni Mr. Brian Abellana 'di po ba?" Tanong ng abogado., ng kabilang kampo. At tiningnan si Brian ng makahulugan.
Hindi nakasagot si Erica, napayuko lamang ito dahil iyon naman ang totoo. Ayaw na niyang magsinungaling pa, nagkasala na siya sa taas at sa asawa kaya ayaw na niyang dagdagan pa.
Marami ng mga tanong ang kanyang nasagot mula unang hearing until now na ang siyang panghuli at malalaman na hatol sa kanila.
Kung iyon man ang maging parusa sa kanila, tatanggapin niya para lang matigil ang mga taong nakapaligid sa kanila.
Tinanong din si Brian ng abogado, wala ding tugon mula sa lalaki sapagkat tumingin siya kay Erica, parang nakikiusap ang mga tingin nito.
Inaantay ng kabilang panig ang sagot nila, pati ang taga hukom ay nag-aantay sa kasagutan but no one answered.
" Kagalang-galang na tagahukom, ang aking katanungan mula sa nasasakdal, patunay lamang na guilty ang kabilang panig." Muling nagsalita ang abogado nina Ruel at Jamia ngunit sa tagahukom na ito tumingin.
Tatlong tunog ang narinig ng lahat mula sa tagahukom, basihan upang tapos na ang oras ng tagapakinig.
Muling ibinalik ang dalawa sa silid na bakal ngunit hindi sa iisang silid kundi magkahiwalay.
Malawak na ngiti naman ang pinakawalang nina Jamia at Ruel pagkalabas sa silid hukuman.
" Sa susunod na araw na ang sagot, malalaman na natin." Nakangiting turan ni Jamia kay Ruel.
" Siguradong makukulong sila ng mahabang panahon." Nakangiting sagot nito.
" We celebrate the party?" At mapang-akit na ngiti.
" Why not? I like the idea!" Ngiting nakatitig si Ruel kay Jamia.
" Hindi kaya masyado tayong advance? What about after the judgement?"
" Pwede rin namang second party?"
" Hmmp, good idea."
At tinahak na nila ang daan na sila lang dalawa ang nakakaalam sa party na ipagdiriwang nila.
"ITO na ba talaga ang magiging tahanan ko? Ito na ba ang kabayaran ng ginawa ko. Parusa mo ba sa amin ito?" Lumuluhang saad ni Erica nakahiga ito sa maliit na kama at nakatitig sa kisame. Maraming katanungan na kahit alam na niya ang sagot.
" Kawawa ka naman, sa dami-dami kasing lalaki bakit sa may asawa ka pa nagmahal, 'yan tuloy nagaya ka sa amin." Lapit ng isang babae na si Lara, kasama niya sa loob ng kulongan.
" Wala akong pinagsisihan, mahal ko s'ya." Sagot niya.
" May maitutulong ba ang pagmamahal na 'yan? Diba wala? Mas lalo ka pang-ibaon dito."
" Kung ito na ang kapalaran ko, tatanggapin ko."
" Papayag ka nalang bang ganito ang magiging buhay mo? Wala ka bang gagawin?" Pangungulit ng kasamahan niyang si Lara.
" Bakit ikaw, tinanggap ang buhay na ito? Kung natanggap mo, magagawa ko din!" Medyo napikon na sagot ni Erica. Pero sa totoo lang mas gugustuhin parin niyang makalabas, mamuhay ng may kalayaan hindi katulad sa loob na bakal na iyon, bawat galaw at bawat pagkakamali ay may nakabantay.
Natigilan naman si Lara, walang mahagilap na sasabihin dahil kahit nga naman siya ay hindi ninais na tumira sa bakal na rehas, kung hindi lang nagipit siya ng mga sandaling iyon at kapit sa patalim kaya niya nagawa ang hindi mabuti.
Napailing na lamang si Erica ng mapagmasdan ang natahimik na kasama.
Sobrang sakit, sobrang hirap ng kalooban ni Erica. Magkasama nga sila ni Brian ngunit magkaibang silid naman, hindi nga niya alam kung ano na ang nanayari dito. Nalulungkot din siya sapagkat isa man sa pamilya niya ay wala man lang nagpakita ng supurta. Minsan naisip niya, ganun na lang ba kalaki ang kasalanan niya?
Pakiramdam niya habang nakakulong sa rehas na bakal ay parang wala ng umaga pa para masilayan niyang muli ang araw at wala ng bukas pa para tuparin ang kanyang mga pangarap.
Ang mga pangarap nila ni Brian, ang buo ng masayang pamilya.
Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at pinilit na pumikit, umaasang bukas ay may liwanag naghihintay. Umaasang bukas ay may pag-asang makakamtan.
" Patawad Jesus, patawad!" At pinahid ang luha sa mata at pinilit na makatulog.
" Dito ka nababagay ang mga malanding tulad mo!" Agad na narinig ni Erica pagbangon niya kinaumagahan. Napalingon siya at mula kay Jamia.
Nagpagting ang taing ni Erica sa narinig, biglang tumaas ang kanyang presyon.
" Kund hindi ka kasi maharot hindi mo dadanasin ito!" Muli ni Jamia.
Napataimbagang si Erica.
" Huwag kang magmalinis na akala mo'y santa ka dahil parehas lang tayo, ang pinagkaibahan lang natin, ikaw inaayawan ako inuunungan. Palabang wika ni Erica.
Galit na galit naman si Jamia sa narinig buhat kay Erica, kung wala lamang bakal na nakaharang sa kanila sinugod na niya si Erica.
" Damn you bitch!" Ika niya sabay alis.
Baon sa hirap ang kalooban ni Brian, namiss niya si Erica at namiss niya ang kanyang anak.
Hindi man lang kasi pinahintulutan ni Jamia na makadalaw ang bata sa kanyang ama. Kulang nalang ay tanggalan si Brian sa kanyang anak.
" Anong ginagawa mo dito? Ano masaya ka na?" Salubong ang kilay ni Brian.
" Dinadalaw ka lang!" Nakangiti pa si Jamia.
" Hindi ikaw ang kailangan ko kaya makakaalis kana!"
"At sino? Iyong si Erica? Ayon siya iyak ng iyak!" Tumaas ang kilay ni Jamia sa sinabi ni Brian.
Parang sinaksak ang puso ni Brian sa narinig ngunit pinilit niyang maging normal.
" Nakakulong ka na nga lahat-lahat Erica ka parin! Magsama kayong mga walang hiya!"
" Ang anak ko ang kailangan ko." Mahinahong sabi niya.
" Anak? Magdusa ka, wala kang anak!" Sabay talikod nito.
Naiwang naikuyom ni Brian ang mga kamao sa galit.
Wala siyang magawa dahil nasa loob siya ng kulungan.
ARAW NG PAGHATOL.
HABANG binabasa ng tagabasa ng hukuman ang magiging resulta o pagpapasya, kung anong magiging hatol sa nasasakdal, ngiting-ngiti naman sina Jamia at Ruel, abot langit pa talaga ang mga ngiti nito. Samantalang hindi na magugulat pa sina Erica at Brian sa magiging desisyon ng korte.
" People in the Phillippines Criminal case, Tittle eleven Article 333. Adultery case- versus-Erica Villanuevaay nahatulan ng anim(6) na taong pagkakakulong dahil sa salang pakikiapid at napatunayang guilty sa mga nangyari. And Criminal case, Phsychological violence under RA 9262. Concubinage case, versus- Brian ay nahatulang apat na taon at isang araw na pagkakakulong dahil napatunayang guilty in beyond the case." Ang isiniwalat ng tagabasa.
Ang lawak ng ngiti ng kabilang panig matapos marinig ang testimonya ng tagabasa.
Hindi naman nagulat pa ang dalawa sapagkat they know that the case against them have a strong evidence. Kaya nasa isip na nila ang maging resulta ng kasong ito.
Kasabay ang pagpusas sa dalawa para muling ihatid sa bakal na rehas na kulongan. Muli tatamasin ang malungkot na buhay mag-isa ang wala sa tabi ang iyong mahal, na handa kang proteksyonan sa lahat ng bagay.
" 'Yan talaga ang nababagay sa mga kabit!" Sinadya pang palakasin ni Jamia para marinig ng dalawa.
Subalit manhid na sila para sa mga ganyang salita, sanay na sila. Kasalanan na kung kasalanan ang magmahal ng may sabit ngunit kung ligaya namang walang kapalit ang hatid nito, lulunukin na lamang hiyang nakapaloob dito.
Nagtinginan na lamang sina Brian at Erica, tanging mga mata at puso lamang ang nag-uusap. Mababanaag dito na walang susuko hanggang sa makamit nila ang kalayaan at ang bukas ng kanilang pag-ibig.
Agad na pinakawalan ni Erica, ang mga luha pagkapasok sa kulungan. Luha ng kalungkutan,
dahil ang mawala sa tabi ni si Brian. Luha ng pait dahil sa hirap ng buhay sa looban.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan, pero hindi nawawalan ng pag-asa na muli silang magkasama.
" Sana mahintay mo ako." Tanging bulong ni Erica sa hangin.
" Hon, mamimis kita, sana 'wag kang mawalan ng pag-asa. Saglit lng ang anim na taon at magsasama na tayo ng malaya." Sabi naman ni Brian na parang nasa tabi lang niya si Erica.
Naging malungkot at mapait man ang mga nagdaang araw sa kanila ngunit hindi iyon naging hadlang upang panghihinaan sila at mawalan ng pag-asa sa buhay. Malakas parin ang pananalig nila sa itaas na may darating pang bukas para sa kanila, para muling bigyan ng katuparan ang kanilang pagmamahalan. At bumuo ng pamilyang masaya. Dito na susukat ang tibay ng kanilang pagmamahalan dahil kahit bakal man ang humadlang hahanap at hahanap sila ng paraan maipadama lang ang kanilang pagmamahalan.
Nakaisip ng magandang idea si Brian, kailangan lamang niyang makausap isa man sa tagabantay sa kanila, panalangin niya na sana ay pumayag ang taong hihingian niya ng tulong maipaabot lang ang pagmamahal niya kay Erica.
Kabang-kaba si Brian habang lumapit sa isang pulis na nasa gilid kung saan sila kakain.
Isang buntong hininga bago siya nagsalita.
" Boss, pwede bang humingi ng pabor?" Ika niyang kinakabahan.
" Ano 'yon Brian?" Agad namang tanong ng pulis.
" May ipapabot lang po sana ako sa inyo kay Ms. Erica."
" Akin na!" Walang pagtutol na saad ng pulis.
Binigay naman agad ni Brian at tinanggap naman agad ng pulis.
" Salamat boss."
" Walang anuman!" Walang emosyong sagot ng pulis.
At humakbang na ito papunta sa kinaroroonan ni Erica.
Nagtataka naman si Erica at kinakabahan ng makitang papalapit sa kanya ang isang pulis. Hindi niya mawari ngunit bakit nakalaramdam siya ng exciment.
Napahawak pa siya sa kanyang dibdib.
" Oh God!" Aniyang hindi maipaliwanag na pakiramdam.
" Ms. Erica, may nagpapaabot sa'yo." Wika ng pulis ng makalapit sa kanya.
Tinanggap naman ni Erica ang binigay ng pulis.
" Saan po galing?" Tanong niya.
" Buksan mo nalang." May pagka-suspence din pala si mamang pulis.
" Mamaya nalang!" Sabi niya at sabay lagay ang sulat sa kanyang bra.
Papahiga na si Erica ng maalala ang ibigay ng mamang pulis sa kanya.
Kinuha niya sa kanyang bra, nagdadalawang isip pa siya na buksan ito, subalit iyon ang sinasabi ng kanyang isipan.
Napatulo ang luha niya ng buksan ito at binasa.
HON,
KAHIT SA GANITONG SITWASYON TAYO SANA TULOY PARIN ANG PAGMAMAHALAN NATIN, KUMAPIT KA LANG HON AT MANALIG MAY BUKAS DIN PARA SA ATING DALAWA. PATULOY TAYONG LALABAN HON. MAHAL NA MAHAL KITA.
I LOVE YOU HON!
LOVE,
BRIAN.
BRIAN.
Ang nilalaman ng sulat na galing kay Brian.
" I love you too hon." Sagot din ni Erica at dinala sa dibdib ang hawak na papel. At muling binalikan ang masayang alaala nila ni Brian, sa gano'ng paraan napapangiti siya.
Mahal na mahal din niya si Brian at dito na rin umiikot ang kanyang mundo.
At mas lalo pa niya itong minahal, kahit hirap man silang ipadama na andyan lang sila bawat isa pero nakahanap parin ito ng paraan para lang hindi maputol ang kanilang sinimulang pag-ibig. At ipagpatuloy ang kanilang sumpaan.
Naipadama nila ang kanilang pagmamahala sa pamamagitan ng pabigayan ng sulat. Tanging nagbibigay lakas sa kanila upang lumaban at maniwalang may pag-asa pa ang pag-iibigan nila at may darating pang para muling tuparin ang mga pangarap nila. Hindi naging hadlang sa kanila ang rehas na iyon, mas pinagtibay pa sila ng mga panahon.
Maging mga kamag-anak at pamilya nila ay itinakwil sila dahil sa kahihiyang kanilang nagawa.
Sa araw-araw, naging maganda ang gising nila at may ngiti sa labi, dala ng pag-ibig na walang makakahadlang kundi si kamatayan lamang.
Lumipas pa ang mga araw, buwan at taon, na parang kay bilis lang. Hanggang sa dumating sa punto na may isang magpapaalam dahil oras na para sa kanyang kalayaan.
" Hon, kung maari sana na palit tayo ng punishment gagawin ko para makalaya kana sa loobang ito." Totoong sabi ni Brian. Humingi siya ng pabor na makausap si Erica bago siya lalabas sa gusaling iyon.
" Ayos lang hon, basta mag-iingat ka doon." Sagot ni Erica.
" Basta hon, hihintayin kita, saglit lang naman ang dalawang taon makakalabas ka na rin." At hinawakan ito ang kamay ni Erica.
" Pangako hon, I love you." Muli nito.
" Huwag kang mangako hon, baka makahap ka ng iba sa labas, matagal pa ang dalawang taon marami pang mangyari." Pinipigilan ang pagtulo ng luha.
" No Hon, madali lang 'wag lang isipin."
" I love you too hon," madamdaming saad ni Erica.
" Huwag kang mag-alala lagi kitang dadalawin, kahit araw-araw pa gagawin para sa'yo."
" Abellana, oras na para lumabas." Wika ng isang pulis na nakabantay sa kanya.
Dahan-dahang nagbitaw ang kanilang kamay, nais man na 'wag ng makalayo pa ngunit hindi pa ang tamang panahon ang para sa kanila.
Palayo na ng palayo si Brian pero panay parin ang kanyang paglingon sa kinaroroonan ni Erica.
Pinakawalan naman ni Erica ang mga luha na kanina pa gustong pumatak sa maamo niyang mukha.
Pagkalabas ni Brian sa gusaling iyon may pangako siyang binitawan. Pangakong dala nito ay kalayaan.
Muling naging malungkot ang mga araw ni Erica sa loob ng piitan lalo pa at ilang linggo na ang lumipas wala parin Brian ang nagpapakita sa kanya.
" Sabi mo dadalawin mo ako lagi! Sabi mo kahit araw-araw pa! Pero saan na? Nasaan kana?" Lumuluhang turan niya ngunit ang katagang binitawan ay tanging sa isip lamang.
" Nangako ka! Nangako ka!" Muli niya at unti-unting pinanghinaan.
Sa bawat oras at araw lungkot ang dala nito sa kanya pero iba ang sinasabi ng kanyang puso ang umasa at magpakatatag dahil darating siya. Darating at tutuparin ng lalaking mahal niya.
" Sana hindi mo nalang ako pinaasa. Sana hindi nalang ako naniwala!" Umiiyak parin si Erica.
" Villanueva, may dalaw ka." Sabi ng tagabantay sa kanila.
" Ho? Sino?" Nagulat pa siya, hindi niya inaasahan na may dadalaw sa kanya.
" Abellana." Maiksing sagot ng kaharap.
" Si Brian?" Anas niya, parang napalundag ang kanyang puso sa saya.
Mabilis niyang inayos ang damit at pinahiran ang mga luha, kapagdakay lumabas sa kanyang selda at tinungo ang silid para sa mga may bisita, kasabay niya ang pulis na naghatid sa kanya.
Pagpasok palang ni Erica, agad siyang sinalubong ni Brian ng yakap.
" Hon, I miss you at sorry kasi hindi kita nadalaw agad, may mahalaga kasi akong ginawa." Wika agad ni Brian.
" Its okay hon, ang mahalaga nandito kana at hindi mo ako kinalimutan." Napaluhang saad ni Erica.
" Hindi mangyayari 'yon, tutuparin ko ang pangako sa iyo. Hihintayin kita."
" Thank you hon, kaya love kita eh!"
" Hmmp mambola pa, halika na nga may dala akong pagkain, luto ko 'yan kaya kumain ka."
" Talaga! Pinagluto mo ako! Kaya mas lalo kitang love eh." Sabay halik sa labi.
" Magnanakaw ka talaga!"
" Ano?"
" Magnanakaw ng halik."
" Naman, sa'yo lang naman eh."
" Sige na kumain kana."
Sumunod naman si Erica. Nawala ang agam-agam niya na nakahanap na ng iba si Brian at hindi na siya babalikan.
Matapos ang isang oras na dalaw, umalis na may ngiti sa labi si Brian at naiwang may ngiti din sa labi si Erica.
Naging masaya ang araw na iyon dahil sa wakas muli nilang nilang natikman ang yakap at halik ng pag-ibig.
Palagi na siyang dinadalaw ni Brian, bagay na muling nanumbalik ang ngiti niya sa labi.
Mabilis lang lumipas ang mga araw, ito na siya at araw na ng parol niya para sa kanyang kalayaan. Ang makalabas sa kulungang bakal.
Iba't-ibang emosyon ang kanyang nararamdaman, andoon ang kinakabahan na hindi niya alam kung bakit? Nandoon ang pakiramdam na masaya dahil sa wakas malaya na siyang muli. At ang pakiramdam na nahihiya, siguro ay dahil sa mga mapanuring mata ang sasalubong sa kanya.
Napasinghap siya at nilasap ang simoy ng hanging sariwa. Napabuntong hininga sabay pakawala ng ngiti. Ngunit may halong lungkot dahil hindi man lang siya sinundo ni Brian.
" Welcome to the outside world of Jail!" Matipunong boses mula sa kanyang likuran na siyang nagpatigil sa kanyang paghakbang.
" Brian? Hon?" Aniyang dahan-dahang napalingon.
" Yes hon, I'm here at gusto ko na ako ang unang babati sa'yo at makita mo dito sa labas." Madramang saad ni Brian, ang s'ya namang dahilan ng unti-unting pagtulo ng luha ni Erica. Hindi luha ng kalungkutan kundi luha ng kasiyahan. At sa wakas muling pinakinggan ang kanyang damdamin ang ninanais nito.
" May surprisa ako sa'yo, I'm sure matutuwa ka! Hulaan mo." Masayang sabi ni Brian.
" Ano ako si madam Auring at manghuhula!"
" Sige na! Try lang!" Pamimilit ni Brian.
" Sige na nga! Hmm... wedding proposal." Hula nito.
" Nope."
" Welcome party?"
" Nope."
" Naman, hirit na ako."
" Here!" Sabay abot sa kapirasong papel.
" Ano ito?"
" Buksan mo para malaman mo."
Excited namang buksan nito at binasa.
" Nagpa-anull kayo?" Bulalas ni Erica pagkatapos niyang mabasa ang nilalaman ng papel.
Tumango si Brian.
" Congrats hon." At niyakap ang lalaki.
" Basta para sa'yo gagawin ko." Totoong sabi nito.
Biglang lumungkot ang mukha ni Erica.
" Why? Something wrong?" Tanong ni Brian.
" Papayag kaya 'yong isa na magdivorce kami? Total pinakulong na niya ako eh."
" Papayag 'yon! Subukan lang niyang huwag pumayag makikita n'ya." Pagbabanta nito.
" Bakit, anong gawin mo?"
" Saka na hon, magpahinga ka muna. Saka ko na sasabihin sa'yo ang lahat. Pero bago 'yan kakain muna tayo."
" Anung kainin hon?"
" May iba pa ba? O baka naman gusto mo ikaw ang kainin ko!" Birong totoo ni Brian.
" Hmmp pwede rin!" Mapang-akit na ganti nito.
" H'wag mo akong hamunin hon, baka hindi ka makakain ngayon." At kinabig ang bewang nito.
" Sige na nga nagutom na ako eh"
" Mamaya nalang." Bulong ni Brian sa tainga ni Erica, at humalik sa leeg.
Napasinghap naman si Erica sa mainit-init na hininga ng lalaki, napapikit din siya sa hatid ng kiliti nito.
" Hon." Malamyos na boses nito. Naging ganado tuloy si Brian na muling ipalasap ang kanyang pagmamahal kay Erica.
Naging mapaghanap ang kamay ni Brian, gumagapang na ito patingo sa kanyan nais. Hanggang sa natuntun nito ang dapat alisin.
Napaiktad si Erica ng maramdaman niya ang mainit na palad sa kanyang dalawang bundok.
Habang panay naman ng gapang ng kanyang halik sa katawan ng babae at dumapo din ito sa dalawang malulusog na bagay.
Bahagyang huminto doon at parang batang uhaw na uhaw sa gatas ng Ina. At muling naglakbay ito hanggang sa marating ang totoong pakay at doon pinagsawa.
Para namang nagdedeliryo sa sarap si Erica, ibang sensasyon kasi ang pinadama ni Brian sa kanya. Hanggang sa isinagawa ang ehersisyong lahat ng pawis ay lalabas sa sobrang sarap. Narating nila ang langit na walang pag-aalinlangan.
" TAPOS mo narin akong ipakulong, panahon na siguro para sa anullment ng kasal natin." Paunang wika ni Erica. Pinuntahan niya si Ruel para makausap.
" Hindi ko maibibigay sa'yo 'yan. Kailangan parin kita." Seryusong sabi ni Ruel.
" Para saan pa ang kasal natin kung hindi na natin mahal ang isa't-isa? At 'wag la nang mangarap na babalik pa ako sa'yo!" Nagpipigil sa galit i Erica.
" Gawin mo kung anong gusto mo pero hindi ako pipirma sa anullment na 'yan." Sabi ni Ruel at tinalikuran si Erica.
Napamaang si Erica at walang masabi. Nag-uumapaw sa galit.
Umuwi siyang laylay ang balikat dahil ayaw talaga ni Ruel ibigay sa kanya ang kalayaan.
" Hon, anong nangyari sa lakad mo?" Tanong ni Brian.
" Ayaw n'ya. Kailangan pa daw niya ako." Mahinang sabi ni Erica.
" Talagang sarili lang niya ang iniisip!" Napataimbagang sabi ni Brian.
" Ito nalang ang paraang kaya natin hon, para makalaya kana sa kanya." Muli ni Brian. At sinabi niya kay Erica ang ang lahat ng kanyang nalalaman.
Napaluha si Erica, pagkatapos niyang marinig mula kay Brian ang lahat ng nangyari habang nasa kulungan siya. Hindi niya lubos maisip kung bakit ayaw pa siyang pakawalan ni Ruel.
Pagkalipas ng ilang araw nakatanggap ng Subpoena, si Ruel mula kay Erica. Subpoena,
is a document that requires its recipient to appear in court as a witness If you receive a subpoena.
Nagbabagang sa galit si Ruel ng mabasa ang nilalaman ng sulat.
" Hindi ako papayag!" Nanlilisik na mga matang nakatingin sa kalayuan.
Pumunta agad si Ruel kinabukasan sa korte, kasabay na agad nito ang kanyang abogado.
Hinarap nga ni Ruel ang kasong isinampa sa kanya ni Erica.
Habang tumatakbo ang kaso, palalim naman ng palalim at patibay ng patibay ang ebedensyan isiniwalat ng kampo ni Erica.
Wala namang kaalam-alam si Jamia sa nangyari kay Ruel, ngunit nagtataka na ito kung bakit bihira nalang dumalaw si Ruel sa kanya.
Napadali ang kaso dahil matibay ang ebedensyang binitawan ni Erica sa husgado.
Nahatulan si Ruel ng ilang taon pagkakakulong.
Napatunayan sa Korte na may relasyon si Ruel kay Jamia at may anak din sila.
Umuusad palang ang kaso, kinuhanan na nila ng DNA test ang anak ni Jamia at iyon ay 99% na kay Ruel na anak ito.
Hindi man sila nagsama si Jamia sa isang bubong pero palagi namang dumadalaw si Ruel sa bahay nito.
Nalaman na lamang ni Jamia ng nasa kulungan na si Ruel. Kung hindi pa siya pumunta sa bahay ng pamilya ng lalaki, hindi niya malalaman ang nangyari.
Awang-awa siya sa kanyang anak habang pinagmasdan itong naglalaro ng barbie doll.
" I'm sorry baby, hindi mo muna makikita ang iyong ama." Lumuluhang sabi niya ngunit sa isipan lamang.
Minsan naisip niyang ito na kaya ang ganti sa ginawa nila noon kina Erica at Brian?
Muling sumagi sa isipan niya kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Ruel.
Nang ipakulong nila sina Erica at Brian. Isang kasunduang naganap sa pagitan nina Ruel at Jamia. Ang kasunduang isang gabing pagtatalik. Ngunit ang lahat ay nauwi sa isang relasyon dahil sa isang gabi na 'yon, ipinalasap ni Ruel kay Jamia ang hindi matutumbasang sarap na pagpapaligaya. Ang isang gabi ay naulit ng naulit at nauwi sa isang pag-ibig.
" Mama, bakit po kayo umiyak?" Tanong ng kanyang anak na si Ramila.
" Wala anak, maglaro ka nalang." Ika niya at pinahid ang luha at humalik sa noo ni Ramila.
Ngayon niya ulit naalala ang lahat ng kanyang ginawa. Ang lahat pala ay may kapalit, ang lahat ay may ganti o masasabi nating karma. Sabi na nga nasa huli ang pagsisisi.
Sa araw-araw niyang pinagmamasdan ang anak at hinahanap ang ama, paulit-ulit din bumabalik sa kanyang alaala ang hindi makatarungan ginawa nila, kahit siya ang unang kumaliwa sa kanyang asawa.
Kung gaano kasaya niya noong ng makita ang dalawa na naghihirap, ganun din kasakit sa kanya ngayon ang makitang nangungulila ang anak sa ama sa mahabang panahon.
Samantalang si Ruel, ay binugbog ng mga kasamahang preso dahil sa kasamaang ugaling pinapakita nito.
Sa araw-araw niya sa loob ng kulongan, ngayon lang niya na pagtantong hindi ganun kadali ang mamuhay sa loob ng rehas na bakal.
" Namimis na kita anak, kay hirap pala ng ganito. Sana mapatawad mo ako, lalaki kang wala ako sa tabi mo." Lumuluhang saad ni Ruel, hawak-hawak ang isang larawan ng anak na mula sa kanyang wallet at hinahaplos ito.
Sobrang pagsisisi ang kanyang naramdaman. Gustuhin man niyang ibalik ang dati kung saan masaya sila ni Erica nagsasama. Ngunit dahil sa pananakit niya dito kaya nakuhang humiwalay ni Erica at nakibahay na rin si Ruel sa kanyang babae.
" Mr. Ruel, may dalaw ka." Ang pumukaw sa diwa ni Ruel habang binabalikan ang kahapon na ngayon ay kailan may hindi na maaring mabuo pang muli.
" Anak ko, anak ko." Humagulgol na saad ni Ruel habang yakap-yakap ang kanyang anak. Dinala ni Jamia ang kanilang anak dahil karapatan din ng bata na malaman ang katutuhanan kung nasaan ang kanyang ama.
Luhaan ang mag-ama at kahit si Jamia ay puno din ng luha ang kanyang mga mata, hanggang sa natapos ang oras ng dalaw ni Ruel.
KASABAY ng pagfile ng kaso ni Ruel ang pagproseso din ni Erica sa kanilang anullment.
Napadali lang ang lahat dahil na rin napatunayan sa kurte ang magkaroon ng ugnayan nito sa ibang babae. Kung noon hindi nagawa ni Ruel ang ipawalang bisa ang kanilang kasal ngunit ngayon ay tinuldokan na ni Erica.
Both of them now are cirtified anulled.
" Salamat sa'yo hon, kung hindi dahil sa'yo until now kasal parin ako kay Ruel. Mabuti nalang at nalaman mo ang lahat ng nangyari habang nasa kulongan ako." Ani Erica.
" Kung para sa'yo at sa ikaliligaya mo, gagawin ko lahat mapaligaya ka lang hon." Totoong sabi ni Brian at ginagap ang kamay ng kasintahan.
" I love you hon." Mula sa puso ni Brian.
" I love you more hon," madamdamin ding tugon ni Erica.
Nang mga sandaling 'yon magkayakap silang magkatabi sa malambot na kama. Wala ng iniisip na maaring pang makapaghiwalay sa kanila. Walang alalahanin kung tungkol sa kanilang mga asawa ngunit ang suliranin tungkol sa pamilya, hindi pa alam kung tanggap na nga ang kanilang pagsasama.
" Hon, may nakalimotan ka palang sabihin sa akin." Si Erica.
" Ano 'yon hon?" Nagtatakang si Brian.
" Kung paano mo napapayag ang asawa mo sa anulment ninyo?"
" Simple lang, tinakot ko s'ya. Na ididimanda ko s'ya! Dahil nalaman ko ang totoo sa kanila ni Ruel."
Napaisip naman si Erica. " Magagawa mo 'yon, gayong alam mo nang may anak sila at may anak kayo?" Tinitigan nito ang kasintahan.
" Syempre hindi, tinakot ko lang naman."
" Ang bait mo talaga hon, sa kabila ng ginawa n'ya sa'yo may awa ka parin sa kanya."
" Pinapaladpad mo naman ang puso ko."
" Nagsasabi lang ako ng totoo." Sabay dantay ng hita sa pambabang bahagi ng lalaki.
" Naman... ang likot ng paa mo na buhay ulit."
" Huh! Anong nabuhay ulit?" Maangmaangan nito.
Ngunit gusto nang humalakhak.
" Baka mag-almusal ka ngayon ng lutong langit." Pilyong wika ni Brian.
" Masarap 'yon kakaibang lasa yata. Can I taste?" Mapang-akit na mata ang pinukol sa katabi.
" Don't seduce me hon, baka magahasa kita."
" I welling."
Wala namang sinayang na sandali si Brian, agad nitong sinibasib ang labi ni Erica, mapagmahal at puno ng respito ang pinalasap niya kay Erica. Hanggang sa muli na naman nilang narating ang dulo ng bahaghari.
" Ang kakapal talaga ng mga mukha ninyo! Nakulong na lahat-lahat, tuloy parin ang kalukohan ninyo! Sadya ba talagang wala kayong hiya!" Sumbat ng magulang ni Erica sa kanila.
Nahigit ni Brian ang sarili kung wala lang siyang respito, malamang nasampal na niya ito. Sa lahat ng ayaw niya ang pagsabihan ng hindi maganda ang babaeng minahal niya. Hindi baling siya wag lang ang minamahal niya.
Natigilan nan si Erica sa pagbungad ng kanyang ina, sa kabila ng lahat ng paghihirap na natamo niya ay hindi parin siya tanggap at relasyon nila ni Brian. Kahit sabihing legal na ito dahil parehas na silang anulled sa mga asawa nila.
" I'm sorry mama, pero kung hindi n'yo po matatanggap ang pagmamahalan namin wala na po kaming magagawa. At hindi po namin kayo pipilitin na tanggapin ang paiibigang ito." Mahinahong tapat ni Erica sa Ina.
" Wala na ba talaga kayong mga hiya at talagang walang makakapigil sa inyo?" Namumula na sa galit ang Ginang.
" Mawalang galang na po, kung ang pinunta ninyo dito ay laitin at pahiyain kami, maari na po kayong umalis." Nagtitimpi sa galit na sabi ni Brian.
Yamot na yamot ang Ina ni Erica ng lisanin nito ang tahanan nila
Kinausap ni Brian ang kanyang mga magulang. May plano siyang gagawin. Sa wakas pumayag naman ang mga ito. Kaligayahan nila ang maging maligaya ang anak.
Ilang araw mula ng pumunta ang magulang ni Erica sa kanila, pilit na itong ngumiti pagkaharap si Brian.
Syempre mas nanaisin parin ni Erica na maging maayosa pagitan nila ng kanyang pamilya.
Isang disisyon ang nabuo sa isipan ni Brian, ang suyoin ang pamilya ng kanyang mahal na kasintahan.
" Anong ginagawa mo dito? Kung nandito ka para patawarin kayo at tanggapin kayo! Umuwi ka nalang dahil hindi namin matatanggap ang pagmamahalan ninyo!" Agad na sabi ng Ina ni Erica na si Laura.
Ngunit hindi susuko si Brian.
" Parang awa n'yo na po, kahit para sa anak ninyo." Lumuhod na ito sa harapan ng ina ni Erica. Wala siyang pakialam sa mga nakakarinig at nakakita. Ngayon pa ba siya susuko? Sa kabila ng pinagdaanan nila? Sa kabila ng pang-aalipusta at panglalait, panghuhusga? Manhid na yata sila sa bagay na iyan.
Napaiyak narin ito, kung pwedeng halikan niya ang paa ng mga magulang ni Erica, ay gagawin niya mapatawad at matanggap lang sila.
Lumapit naman ang Ama ni Erica kay Brian at hinawakan ang balikat nito, inalalayang makatayo. Desperado na talaga si Brian, gagawin ng niya lahat makuha lang ang simpatiya ng mga magulang ni Erica.
" Ako na ang bahala sa asawa ko Brian, kakausapin ko siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo." Hinahagud nito ang balikat ni Brian.
" Gusto ko lang pong maging masaya ang anak ninyo, alam kung iyon din po ang nais ninyo para sa kanya." Sabi ni Brian na puno ng katotohanan.
Sa narinig ng Ginang, para naman siyang sinampal ng ilang beses dahil iyon naman talaga ang gusto niya para kay Erica. Nais niyang maging maligaya ito ngunit bakit hindi niya iyon magawa? Parang unti-unting natauhan ang Ginang.
Paalis na si Brian ng pigilan siya ni Laura ang ina ni Erica.
Dahan-dahang pinakawalan ang ngiti sa labi, patunay lamang na tanggap na niya ang pagsasama nila. Bagay na ikinagaan ng loob ni Brian.
" Salamat po." Sabi niya at niyakap ang Ginang.
Sobrang saya ang naramdaman ni Brian ng mga sandaling iyon. Mabilis niyang tinungo daan pauwi.
" Hon, anong meron, sobrang saya mo yata?" Nagtatakang tanong ni Erica.
" Wala hon, happy lang ako kasi lagi kitang nakikita araw-araw." Aniyang niyakap ang nobya.
" Napadalas na yata ang alis mo?"
" May inaasikaso lang ako hon," sagot ni Brian. Kasalukoyan silang naghahaponan ng sandaling iyon.
" Bukas nga pala hon, aalis tayo. May pupuntahan tayo." Muli ni Brian.
" Saan?"
" Malalaman mo bukas."
" Hmmp pasurprisa pa!"
" Basta bukas." Seryusong sabi ni Brian. Nag-iwan naman ng katanungan sa isip ni Erica.
Maaga silang umalis kinabukasan. Seryuso naman ang mukha ni Brian at si Erica ay medyo kinakabahan.
" Here we are hon!" Masayang sabi ni Brian. Huminto sila sa tapat ng isang bakanting pwesto, na sa pagkakaalam ni Erica ay isang karenderya.
" Anung gagawin natin dito?"
" Magtatayo tayo ng negosyo, ikaw ang magluto kasi walang kasing sarap ang luto mo parang ang pag-ibig mo sa akin."
" Maniwala na sana ako eh kaso may dugtong pa."
" Totoo ang sinabi ko kaya ngayon palang magsimula na tayong mag-ayos. May mga laman na d'yan sa freezer para sa ihahandang putahi." Masayang sabi ng lalaki.
" Wow! Believe na ako sa'yo hon!" Bulalas nito sabay yakap kay Brian.
Ang natirang ipon ni Brian ang s'yang ginamit para makapagpatayo ng kaunting paglilibangan pansalba sa araw-araw na pangangailangan.
Naging abala agad sila sa pag-aayos ng mga kagamitan na maaring magamit sa pagluluto.
Tulong-tulong sila sa gawain upang mapabilis ang pag-aayos nito. Naging madali lang para sa kanila ang ipaayos ang lahat ng mga kagamitan at ang pagluluto.
Sa araw-araw, dahil sa masarap magluto si Brian at Erica, padami ng padami ang kanilang kustomer, padagdag ng padagdag ang kita.
Isang bagay nalang ang hinintay ni Erica, mula kay Brian. Ngunit dismayado siya dahil kahit kailan ay hindi man lang nabanggit ng lalaki sa kanya o kahit pag-usapan man lang nila. Ganun paman ipinipilit na lamang niya ang sarili na makontento sa kung ano sila ngayon, ang mahalaga masaya sila na magkasama.
" Hon, ikaw na muna dito ha, at may pupuntahan lang ako." Sabi ni Brian.
" Saan naman ang punta mo hon?" Pasimpleng tanong niya.
" Kina Mama at Papa hon. Saglit lang ako."
" Sige mag-ingat ka."
" Ikaw din." At humalik sa noo.
Muli ngang kinausap ni Brian ang kanyang mga magulang para humingi ng tulong sa isang bagay na kanyang gagawin.
Pumayag naman ang kanyang mga magulang. Isang lugar ang kanilang pinuntahan at tulong-tulong silang ayosan ito.
Medyo may katagalan din ngunit para sa kanila madali lang.
Pagkatapos ay tinawagan ni Brian ang pamilya ni Erica at pinapapunta sa lugar kung saan nila inayosan.
Ang lugar kung saan sila nagkakilala ni Erica. Ang lugar kung saan nagsimula ang pag-ibig nila. Ang lugar na tanging saksi sa kanilang pagmamahalan.
Habang abala si Erica, sa bago nilang pagkakakitaan, hindi rin ito mapalagay. Nag-alala ito sa katipan sapagkat gabi na ay hindi pa ito bumalik.
" Saan na kaya ang lalaking 'yon." Aniyang mababanaag ang pag-alalala dito.
Napapikit si Erica at hawak-hawak ang bewang, nakaramdam din ito ng pagod.
Napadilat siyang bigla ng may humawak sa kanyang balikat at bahagyang menasahe.
" Ang tagal mo naman hon," raklamo niya.
" Sorry hon, may ginawa lang kasi ako. Napagod ka ba?"
" Medyo lang naman."
" Sige na magligpit na tayo para makapagpahinga." Sabi ni Brian.
Matapos nilang magligpit, agad na humanap ng masasakyang taxi.
" Hon, ibang daan ito ah, saan ba ang punta natin?" Nagugulohang tanong ni Erica.
" Sa lugar kung saan magiging masaya ka hon." Makahulogang wika ni Brian.
" Hmmp pinapasabik mo ako hon." Excited nitong sagot.
" Naman h'wag masyado baka umiyak ka."
" Ganun, sige sisimangot nalang ako." Kunwari pa n'ya.
" Dito na pala tayo. Manong dito nalang po." Sabi ni Brian sa mamang driver.
" Mukhang familiar sa akin ang lugar na ito?" Nakakunot ang kanyang noo dahil hindi niya gaanong maaninag dahil sa kadiliman.
" Tara na! Maglalakad pa tayo." Wika ni Brian at hindi pinansin ang sinasabi ni Erica.
Habang nilalakad nila ang gitna ng kadiliman, nakaramdam ng kaba si Erica, subalit nililibang niya ang sarili sa mga nakikitang alitaptap.
Minuto lang at narating nila ang lugar. Hindi man sigurado si Erica pero iyon ang nasa kanyang isipan. Nakarinig siya ng agos ng tubig sa paligid.
Biglang kumiwanag ang paligid gamit ang mga ilaw na lampara. Nakapalibot ito sa kanilang dalawa at nakahugis puso. Samantalang sa itaas ay mga ilaw ng alitaptap ang lalong napapadagdag ng kagandahan sa paligid.
Nagulat si Erica ng biglang lumuhod si Brian sa kanyang harapan.
" Anuman ang hirap ng ating pinagdaanan, kahit ang rehas na bakal ay ating natirhan ngunit hindi tayo sumuko para lang mabigyan ng lugar ang ating pagmamahalan. Napuno man ito ng panghuhusga, panglalait at kinamuhian man tayo ng ating pamilya pero ito, patuloy parin tayong lumalaban." Bahagyang lumunok ng laway si Brian at muling nagsalita.
" Mahal na mahal kita hon, dinala kita dito para ika'y yayain, WILL YOU MARRY ME?" Ang pagtatapos ni Brian. Nagmumula sa kaibuturan ng kanyang puso ang lahat ng kanyang sinabi at may katutuhanan.
Pigil naman sa paghinga ang mga tao sa paligid. Ang mga taong inimbitahan at kasama sa plano ni Brian.
Natamimi si Erica, wala siyang masabi, sa sobrang sayang nakapaloob sa kanyang damdamin at puso.
Napaluha lamang siya habang nakatitig kay Brian.
" Miss Erica Villanueva, will you marry me?" Muli ni Brian.
" Yes, yes, yes. May dahilan pa ba para humindi? Mahal na mahal din kita, I will marry you!" Puno ng kasayang sagot niya sabay halik sa labi.
Malakas na palakpakan sa gilid nila, bagay na ikinatigil ng halikan nila. Muntik na nan silang makalimot.
Walang mapagsidlang kaligayan ang kanilang nadarama. Tanggap narin sila ng lahat.
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment