Short Story Writing Contest Entry #11: First Time In Forever by Jinky Tomas-Palino


Teaser:

She is scholastically smart, pero pagdating sa kanyang puppy love, naging tanga ang puso ni Dani. Ito na rin ang naging rason upang alisin sa kanyang word power ang fairytale.

When Connor del Grande met her, insisting fairytale is real will change Dani's concept of love. Muling bubuhayin ni Connor sa dalaga ang pagiging unconditional ng pag-ibig.

Will she change her mind first time in forever that soon, she will live her happily ever after?


CHAPTER 1

"ANAK."

Napangiting lumingon si Dani pagkatapos maulinigan ang tinig ni aling Kikay, ang kanyang nanay.

"Alas-dose na po, inay. Sa mga oras na ito, dapat natutulog na kayo para makapagpahinga ng maayos."

Naramdaman niya ang palad ng ina na humahaplos sa kanyang mahaba at unat na buhok.

"Hindi ba dapat ay ikaw ang matulog na, anak? Baka antukin ka sa klase."

"Kaya ko po!" Masiglang saad ng katorse anyos na dalagita.

"Napapansin ko, anak. Dumadami na yata ang iyong homework."

Bahagyang natahimik si Dani sa huling sinambit ng ina. Napasulyap siya sa dami ng papel na nakatambak sa kanyang study table. Nakakapagod ng isip ang kanyang ginagawa, ngunit ang kapalit nito ay kakaibang kiliti sa kanyang kaibuturan.

Sa ilang sandali pang pag-uusap nila ng kanyang ina, pumayag na siyang mahiga hanggang sa siya'y nakatulog.

"DANI! Late na tayo!"

Mabilis na nagsuklay si Dani. Sa timbre ng boses ng sumisigaw, sigurado siyang si Tina na ito, ang kanyang kababata at matalik na kaibigan.

"Inay, aalis na po kami!" Sigaw ni Dani.

Nagmamadali na siyang tumakbo at sumakay sa tricycle.

"Hi, Tina!"

Tumaas ang isang kilay ni Tina habang nakatitig sa dalawang aklat na dala ni Dani.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Idinaan sa biro ang kaibigan.

"Alam mo, matalino kang shunga!" Sagot ni Tina.

Napatawa si Dani sa sinabi ng kaibigan. "Anong language naman, iyan?"

Hindi pa rin mawala ang pagkakasimangot ni Tina. "Nagpuyat ka na naman kagabi?"

"Alangan na sa araw ako magpuyat, bestfriend?" Muling biro ni Dani.

"Tigilan mo nga ako, Dani! Ewan ko ba kung bakit nagpapakatanga ka na taga-gawa ng assignments ng Nick na iyun!"

"Tina naman! Hindi ako inaabuso ni Nick. Masaya ako sa mga ginagawa ko sa kanya."

"Kailangan ba talaga na papungayin ang mata tuwing naiisip mo ang bandido na iyun?" Sumimangot si Tina.

Ngumiti na lamang ng lihim si Dani. Alam niyang concern ang matalik na kaibigan kaya nakapagsasabi ng mga salita laban kay Nick.

Sa gate pa lamang ay nakatayo na si Nick. Pakiramdam ni Dani ay para siyang naglalakad sa red carpet na may mga roses at tulips. Ewan ba niya sa kanyang sarili, parang sila lamang ni Nick ang tao sa mundo. Tila napakasarap makulong sa bisig nito.

"Hi, simple beauty! Are my homework done?" Nakasisilaw ang mga ngiting ibinigay sa dalaga.

"Done, Nick!" Nakangiting iniabot ni Dani ang mga ipinagawa sa kanya.

"Wow! Sige, see you after class!"

Matagal ng nakatalikod si Nick, ngunit ang pakiramdam ng dalaga ay nasa alapaap pa rin ito habang nakahawak ang kamay niya sa mga balikat ng binata. At sa saliw ng malamyos na musika, sila ay sumasayaw.

"Daniela!"

Pinukaw ni Tina ang kanyang kamalayan ng malakas nitong sambitin ang buong pangalan ni Dani at malakas na pagpitik nito sa kanyang balikat.

"Yes, my bestfriend?" Nakangiti ang dalaga.

"Tingnan mo ito, nakita lang ang pantasya, nag-i-ingles na!"

"Ang killjoy mo talaga! Halika na nga sa classroom." Yakag ni Dani.

Napaaga si Dani sa group project at kahit si Tina ay wala pa. Inabala niya ang sarili sa pagmamasid ng mapansin niya si Nick, kasama nito ang barkada.

"Hi, Nick!" Masigla niyang bati.

"May kailangan ka?" Pormal na tanong sa kanya ni Nick.

"You know her, Nick?" Maarteng tanong ng nag-iisang babae sa umpukan.

"Maybe a fan?" Dagdag pa ng katabi ni Nick.

"Yes." Ang mga titig ni Nick ay tila nagbabanta.

Napahiyang tumalikod na lamang si Dani. Fan lang pala ang definition ni Nick sa kanya.

Well, si Nick Asuncion nga ang pinakasikat na estudyante sa kanilang paaralan. Mayaman na, guwapo pa at magaling sa pagbabasketball. Kaya nga, maraming humahanga sa kanya. But not her, hindi siya basta fan lang.

At ang sakit-sakit malaman na ang inaasahan niyang sasabihin ni Nick ay hindi niya narinig.
Umiiyak siyang nagsumbong kay Tina.

"Aba, ineng! Kung maka-emote ka diyan ay para kang namatayan ng asawa!" Pinagalitan niya ang kaibigan.

"Hindi, eh! Dapat hindi niya sinabing fan niya ako!" Pagmamaktol ni Dani.

"At anong gusto mong marinig? Na nililigawan ka niya? Sinasabi ko na sa iyo na player lang iyang Nick na iyan! Gumising ka nga, Dani. Napakalayo mo kay Nick. Masakit pero sigurado akong hindi ka niya mapapansin kung hindi ka matalino!" Ipinagdiinan ni Tina.

Iniwasan niya si Nick dala ng sama ng loob. Masakit, pero kinakaya. Kung kailan nasasanay na siya, Nick disturb her once again. This time not to ask a favor, but a decision.

"N-Nick? Are you serious?"

"Oo. Seryoso ako. You love me, right?"

"I guess so." Kiming sagot ng dalaga.

"Then, can you be my girlfriend?"

"Yes, Nick."

Bahagya siyang niyakap ng binata. Sandali lamang ang mga yakap na iyun, pakiwari niya ay napakatagal siyang ikinulong ni Nick sa kanyang mga bisig.

"May ipapakausap lang sana ako, Dani. Sana, tayong dalawa na muna ang nakakaalam. I want our privacy. Sweeter, I guess!"

Kakaibang kiliti ang naramdaman niya sa mga sinabi ni Nick, kaya higit siyang nagkaroon ng inspirasyon para tulungan si Nick sa mga gawain niya sa school.

Kung may pinakamasaya sa sandaling iyun ay siya lamang ang may karapatan dahil sa fairy tale na naganap kanina.

"Uy, Dani! Nanalo ka ba sa lotto at super saya mo?" Pansin ni Tina.

"Kami na ni Ni..." Hindi tinapos ni Dani.

"Ano? Ituloy mo nga ang sinasabi mo." Inalis ni Tina ang palad niyang nakatakip sa kanyang bibig.

"Wala! Ang sabi ko, excited na ako sa graduation." Pagsisinungaling niya.

Habang lumilipas ang araw, patuloy ang pagiging makulay ang buhay ni Dani.

Palinga-linga si Dani sa paligid. Nang masiguradong okay na ang paligid.

"Dani!"

"Hi, Nick. Natapos ko na ang mga final projects mo."

"Talaga? Naku, salamat talaga! Kaya, ito ang para sa iyo, Dani!"

May iniabot ang binata sa kanya na box. Nakabalot ito ng pink wrapper.

"Buksan mo." Sambit ng binata.

Puno ng excitement na binuksan niya ang regalo sa kanya ni Nick.

"A bracelet?" Namamanghang sambit ni Dani.

Hindi maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ng dalaga sa mga sandaling iyun. "Salamat, Dani."

"Maliit na bagay lang iyan kumpara sa mga nagawa mong kabutihan, Dani."

Nagpatuloy ang lihim nilang relasyon. Pinilit niyang ikubli ang lahat sa kaibigan. Nakumbinse rin nito na tanging ang nalalapit na nilang pagtatapos sa sekundarya ang tanging dahilan kung bakit siya palaging nakangiti. Ginampanan niya ang papel ng isang mabuting kasintahan.

Ang isa lang sa pinakamahirap sa kanilang sitwasyon ay tuwing naglalapit sina Nick at Trixie. Si Trixie ang babaeng maarteng nagtanong noon kung kilala siya ni Nick. Sa kaartehan ng babae ay parang gusto niyang ipamukha sa babae na huwag siyang lalapit-lapit sa kanyang boyfriend.

Masayang pumasok sina Dani at Tina sa klase. Malayo pa sila ay nakikita na nila ang mga ibang estudyante na may pinagkakaguluhan sa information board. Ang mga iba naman ay makikita ang excitement sa mukha. Ang iba naman ay tila ayaw ang nasa board.

Nagawang magtanong ni Tina sa isang estudyanteng nasa pasilyo. "Anong meron?"

"Wala naman. Nasa board lang kasi na magtatapat in public si Nick at ipapakilala sa lahat ang babaeng pinakamamahal niya."

Kung umiinom lamang siya ng tubig, kanina pa siya nabilaukan sa kanyang narinig.

"Ano ulit ang sinabi mo?"

Sumimangot sa kanya ang estudyante. "Ang kulit mo din, Dani! Sumiksik ka na lang kaya para mabasa mo ang detalye!" Tumalikod na ito.

"Anong nakain nun at ang sungit! Daig pa ang may menopause!" Saad ni Tina.

"Huwag mo ng patulan." Saway ni Dani sa kaibigan.

Pinilit nilang magsumiksik para maki-usyuso. Tama nga ang narinig. Si Nick ay sasabihin na sa lahat na siya ang kasintahan niya sa mismong promenade nila?

Ngayon pa lamang ay para na siyang hihimatayin sa sobrang kaba. Kinakabahan siya sa mga reaksiyon na kanyang maririnig.

Lahat ay bakas ang kasiglahan ng umpisahang pag-usapan amg tungkol sa prom ng mga estudyante. Naging abala na ang lahat sa paghahanda.

Nagtataka na rin si Dani kung bakit hindi na niya masyadong nakikita si Nick. Kung nakikita man siya nito ay hindi nagtatagal. Hindi na rin sila nag-uusap sa dati nilang tagpuan. Inisip na lamang niya na maikling panahon na lamang, pwede na silang mag-usap kahit maraming nakakakita sa kanila. Mahirap din pala ang relasyon na tinatago lamang.

"Hindi ko alam kung anong isusuot ko sa prom, Tina!"

"Sus! At kailan ka pa nagkaroon ng problema tungkol sa mga damit na iyan?"

"Siyempre, excited lang! Alam mo namang naudlot ang dapat prom natin noon. Nang dahil sa K-12 program ng DepEd, heto at dalaga na tayong mag-graduate ng high school."

"Tense nga yata itong kaibigan ko at ang napunta na sa ibang planeta ang paliwanag. Huwag na nating isipin masyado ang damit. Alam mo na, kung maganda ka, kahit simpleng damit ay nagmumukhang mahal!"

"Basta, I want to be the prettiest woman sa prom."

"Oh, dear! Kagaya ng palagi kong sinasabi sa iyo, you're the prettiest sa school at ang tanging block para stand out ay ang kawalan ng pera. Honestly, ang daming rich na talbog sa beauty mo, Dani. Kaya ikaw, gamitin mo ang utak mo. Study and earn!'

"Opo, lola!" Nagawa pang magmano si Dani kay Tina.

"Tse!" Tinampal nito ang noo ng kaibigan.

Alas-kuwatro na pero hindi pa nakapagbihis si Dani. Inagahan ang kanilang prom. Dapat alas-sais pa lang ay mag-uumpisa na ang kasiyahan.

"Oh, bakit hindi ka pa nakaligo?" Pansin ni Kikay sa anak.

"Maaga pa naman po, inay." Sagot ng dalaga.

"Anong maaga, anak? Napakabilis lumipas ang oras. Baka nga nakabihis na si Tina."

Saglit na pumasok ang ina sa kuwarto at paglabas nito ay mayroong dalang rectangle box.

"Ano po iyan?"

"Prom dress, anak. Halika! Alam kong magugustuhgan mo ito." Kampanteng saad ng ina.
Hindi makapaniwala si Dani sa kanyang nakikita. Napakagandang peach gown at may mga silver linings.

"Saan niyo po ito kinuha, anak?" Pagtataka ni Dani.

"Anak, regalo ko ito sa iyo. Mula noong nag-aral ay palagi akong umaakyat ng stage dahil sa mga parangal na ibinibigay mo sa akin, anak. Gusto ko ring bigyan ka ng konting sorpresa."

Napayakap siya sa ina. "Salamat po, inay. Napakalaking bagay po ito."

"Walang anuman, anak. Pasensiya ka na sa nanay dahil hindi ko naibibigay ang lahat ng kailangan mo, anak."

"Inay, ang pagtataguyod po ng pag-aaral ko ay napakalaking bagay." Maluha-luhang sagot ng dalaga.


CHAPTER 2

SIYA man ay hindi makapaniwala sa nakikita niyang repleksiyon sa salamin. Napakaganda niya pagkatapos niyang maglagay ng make-up. Ang ina niya ang nag-ayos sa kanyang buhok.

"Ang ganda mo talaga, anak." Proud na proud ang ina.

"Mana ako sa iyo, inay."

Nagngitian silang dalawa. Ipinagpapasalamat niya ang genes ng mga magulang. Bagamat, hindi niya nakagisnan ang ama dahil maaga itong nawala sa kanilang mag-ina. Ayon sa ina, mestiso ang kanyang tatay kaya hindi nakapagtataka kung bakit maputi at makinis ang kanyang kutis. Morena man ang ina, matangos naman ang ilong at likas na balingkinitan ang pangangatawan.

Isinuot ni Dani ang regalo ni Nick na bracelet sa kanya.

Pati si Tina ay namangha ng makita siya. Tuluyan ng lumitaw ang itinatagong kagandahan ni Dani.

Nasisiyahan ang dalaga dahil sa walang katapusang pagpuri sa kanya ng kanilang mga schoolmates.

Nagsimulang mag-ingay ang kapaligiran dahil sa tugtog. Sayawan dito, sayawan doon. Nasa kalagitnaan na sila ng pagsasaya ng biglang agawin ni Nick ang atensiyon ng lahat.

Napakakisig ni Nick sa kanyang suot. Naghiyawan ang ilan ng magsalita ang binata.

"Hello, everyone. Few months from now ay maghihiwalay na tayo to achieve our dreams. But, before that, I want to say how proud I am to let you know na sa school na ito, I met this girl whom I fall in love with. Kahit, my lola wants me to study first, I really fought this girl to her." Muling nagsigawan ang mga naroon.

Nanlalamig na si Dani. Ang sarap pakinggan ang mga sinasabi ni Nick tungkol sa kanya.

Nagtatanong ang mga mata ni Tina dahil biglang hinawakan ni Dani ang mga kamay niya.

"And the girl I'm referring...my princess, my love, my Trixie!"

Nagpalakpakan ang mga nasa paligid, kasabay ng pag-akyat ng stage ni Trixie at naghalikan pa ang mga ito.

Si Trixie! Pakiramdam ng dalaga ay walang katapusang sibat ang tumatarak sa kanyang pagkatao ng mga sandaling iyun.

"Bakit ba ang lamig ng kamay mo?" Pansin sa kanya ng kaibigan.

"Umalis na tayo, Tina." Pinilit niyang buo ang boses.

"Sige na nga!"

Tinawagan ni Tina ang kanyang kapatid para sunduin sila. Hindi umiimik ang dalawa. Durog na durog ang kanyang puso ng mga sandaling iyun.

"Bye, Tina. Sorry kung hindi ka nag-enjoy kanina." Alanganin man ay kinausap pa rin niya ang kaibigan.

"You should, Dani. Ayaw kitang husgahan pero kung dahil kina Nick at Trixie, kaya bigla kang nagyaya, hay nalang!"

Natumbok ni Tina ang lahat. Ayaw pa rin niyang umamin.

"Bakit ang aga mo, anak? Kumusta ang prom." Sinalubong siya ng ina.

"Inay, masakit po kasi ang ulo ko. Mamaya na po tayo mag-usap."

Pagkatapos niyang magmano, agad na siyang nagbihis at naghilamos. Tulad ng nakagawian, luha niya sa unan ang kaulayaw ng gabing iyun.

Namumugto ang mga mata niyang gumising. Tinakas niyang lagyan ito ng yelo. Ayaw niyang ipahalata sa ina ang matagal niyang pag-iyak kagabi.

"May nangyaring hindi maganda, Daniela?"

"I-Inay?" Bumagsak ang yelo sa sahig.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin, anak?" Untag ni Kikay sa anak.

"Wala po, inay."

Kinabig siya ng ina at mahigpit nitong niyakap ang dalaga. Sa hagod ng kanyang ina, lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob ay ibinulalas ng dalaga. Sa pamamagitan ng kanyang mga impit na pag-iyak, ipinagtapat niya sa ina ang lahat.

"Oh, Dani. Huwag kang umiyak, anak."


CHAPTER 3

KAILANGAN niyang harapin ang bukas. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya magpapadala ng anumang emosyon na makakasira sa kanyang mga pangarap.

"We need to talk, Nick."

Lumapit sa kanya ang binata. "What do you want? May practice pa ako." Halatang umiiwas ang binata sa kanya.

"Totoo bang ginamit mo lang ako?"

Ngumisi ang binata. "You should know the answer. Brilliant ka, hindi ba?"

"How dare you, Nick! Manggagamit!"

"Come on, Dani! Hindi kailan maging tayo. Alam mo, don't be naive. Ang mayaman ay para sa mayaman."

"How about love, Nick?"

"That's thing is crazy! Pwede ba, huwag kang puro emosyon! Kaya, nahihirapan ang pag-angat ng karamihan dahil sa emosyon, Dani. Be practical and wise!"

Itinikom niya ang bibig. Hinayaan niyang bumalik ang binata sa kanyang mga team mates. Pinunasan niya ang luha.

"Totoo ba ang mga narinig ko?"

"Tina, let me explain. Please!"

"Akala ko bestfriend mo ako! How could you, Dani? Naglihim ka sa akin! Hindi ko maintindihan!"

Hinabol niya ang kaibigan. "Tina, sorry na!"

"Sorry ka ng sorry, pero ewan ko!"

"Kahit anong sasabihin mo sa akin, ngayon. Basta, kausapin mo ako!"

"Pagod na ako na tumatalak, Dani!"

"Suntukan na lang?"

Saglit silang tumahimik at nagtawanan pagkatapos.

"Sira! Bati na nga tayo, pero please lang, ibaon mo na sa limot ang Nick na iyan!"

"Promise, Tina."

Tumupad siya sa pangako sa kaibigan. Nagpatuloy siya sa pagsisikap sa pag-aaral. Ang naging bunga nito ay nasungkit niya ang pagiging valedictorian.

"Ngayon pa lang ay miss na kita, Tina!" Totoo sa loob na sambit ng dalaga.

"Ako rin naman, Dani. Pero, kailangan kong magbakasyon sa Bicol. Maysakit si lolo at kawawa naman si nanay kung hindi ko sasamahan. Magkikita pa naman tayo sa pasukan, diba?"

Tumango ang dalaga. "Oo, Tina. Basta, tawagan mo ako pagdating mo doon." Bilin ng dalaga.

Malungkot siyang umuwi. Umupo siya sa duyan.

"Nakaalis na si Tina, anak?"

"Opo, inay. Matanong ko po pala, kailan ako pwedeng magsimula sa pagtatrabaho sa casa del Grande?"

Ang tinutukoy ng dalaga ay ang mansiyon na katabi ng kanilang bahay. Matagal ng namamasukan ang ina bilang labandera at hardinera. Nangangailangan pa daw ang mga del Grande ng isa pang katiwala sa mansiyon.

"Desidido ka na ba talaga, anak? Baka mahirapan ka niyan sa pag-aaral."

"Hindi po, inay. Kaya ko po! Tsaka, kapag pasukan na ay weekends na lang ako sa mansiyon." Sagot ni Dani.

"Bahala ka, anak. Ayaw ko sanang mamasukan ka ngunit kailangan mong magtapos sa pag-aaral."

"Naiintindihan ko po, inay."

TUMAYO si Connor del Grande ng bumaba ang kanyang mama at papa. Kailangan nilang mag-usap ng masinsinan.

"Seriously? Ayaw kong pumunta ng province!" Mahigpit na tanggi ng binata.

"And what do you want? Ang puro barkada, Connor? Two years na lang at magtatapos ka na sa college, pero what are you doing? Lakwatsa!" Sagot ni don Facundo.

"Ma! Ayaw ko doon! My friends are here!" Nagpapasaklolo siya sa ina.

"Our decisions are final, Connor! I gave you chances, hijo. What did you do? Binalewala mo ang lahat."

"Because I'm so tired living in this big house, pero halos walang nakatira. Lagi kayong wala."

"We are trying to do everything para sa iyo, Connor. Kung hindi kami magsisikap ng mama mo, saan ka pupulutin kung mamamatay na kami?" Ani ng kanyang ama.

"It's more than enough, papa. Mama, hindi lahat ng bagay ay pera ang katapat!"

"Magbihis ka na para ihatid ka na ng driver." Utos ng ama.

"Hindi niyo ako sasamahan?"

"We have business meeting."

"That's bullshit!" Padabog na umakyat ang binata.

"Connor!" Tawag sa kanya ng ina.

"Hayaan mo siya." Sambit ng ama.

Kasabay ng pag-andar ng sasakyan ng kanyang mga magulang ang siya namang pagkalabog sa loob ng kuwarto ni Connor.

Pinaghahagis ng binata ang mga nasa ibabaw ng kanyang mesa. Iisa lamang naman ang gusto niyang hilingin sa kanyang mga magulang. Hindi lang materyal na bagay o pera ang kanyang kailangan.

Matagal na niyang pinapangarap na kahit maraming ginagawa ang mga magulang ay nagagawa pa rin nila siyang sabayan sa pagkain, ang tabihan siya tuwing nanonood ng movies. Ang makasama niya ang mga magulang sa mga espesyal na okasyon sa kanyang buhay.

At ang mga ito ay tila isa na lamang suntok sa buwan. Ang mga barkada na lamang niya ang palaging kasama. At sa pagkakataong ito, gusto pa siyang ilayo ng kanyang mga magulang sa mga taong umiintindi sa kanya.

"Senyorito! Nakahanda na po ang mga maleta niyo sa kotse." Sigaw iyun ni Milo, ang driver na maghahatid sa kanya sa Cagayan Valley.

"Susunod na po ako, manong!" Umupo siya sa kama. "What a nightmare!" Sigaw ni Connor bago siya nagtungo sa banyo para maligo.

"Agahan mo ngayong pumunta ng casa del Grande, anak." Maaga siyang ginising ng ina.

"Bakit po, inay?"

"Darating daw ang isa sa mga apo ng dating may-ari ng bahay, anak. Ipinapalinis ni don Facundo ang guest room para sa anak."

"Wala pong problema, inay. Maayos po ang tulog ko kagabi kaya nga po napaaga rin ang aking gising." Sagot ni Dani.

"Maganda kung ganun, anak."

Ang ibang kasambahay ay nadatnan ni Dani na abala na ang mga ito. Pati ang mga hardinero ay halatang maaga ring pumasok ang mga ito.

Gusto tuloy niyang itanong kung ang magiging panauhin ba nila ay isang prinsepe?

Napailing ang dalaga sa naisip na kalokohan. Matagal ng walang nakatirang mga del Grande sa kanilang mansiyon

Naglalakad siya sa pasilyo ng mapansin ang kakaibang ayos ng sala. Lalo itong gumanda at ang pumukaw sa kanyang paningin ay ang larawan na bagong kabit sa dingding.

"Sino po siya, ateng?" Tanong niya sa kasambahay na kasalukuyang nagpupunas ng plorera.

"Si Connor del Grande, Dani. Siya ang magiging bisita at pagsisilbihan mo habang naririto siya.

"Po? Ako ang serbidora? O kaya sabihin na po nating yaya, ateng! Ang laki na niyang tao." Pagtanggi kuno ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala, mabait naman ang batang iyun at guwapo pa!" Ngumiti ito sa kanya.

"Kahit pa mas guwapo siya kay Brad Pitt, ateng. Kung mayaman din lang, wala akong masyadong tiwala." Pagtatapos ng dalaga sa kanilang usapan.

Nagtungo siya sa kuwartong tutuluyan ng anak ni don Facundo. Maayos naman ang loob ng kwarto. Hindi siya mahihirapan na linisan ito. Abala siya sa paglalagay ng mga kagamitan sa banyo. Naulinigan niya sa labas ang mga nagkakagulong mga kasambahay.

Nagkibit-balikat lamang ang dalaga. Sanay na siya sa kaingayan ng mga kasama sa bahay.

Isinara na niya ang pinto ng banyo. Paalis na sana siya ng maengganyong tingnan ang repleksiyon sa salamin. Sinipat niya ang kabuuan ng mukha. Kahit nakasuot siya ngayon ng para sa katulong, taglay pa rin niya ang kagandahan ni Dani. Napangiti siya, lalong dumagdag sa maamo niyang mukha ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Tila nahihiya ring magpakita ang hindi kalaliman niyang mga biloy sa magkabilaang pisngi ng dalaga. Minsan ay naririnig niyang inihahambing siya kay Mikee Cojuangco.

Biglang dumilim ang mukha ni Dani ng maalala ang sinapit niya kay Nick. Kumuha siya ng towel at pinormang pabilog at inisip na leeg ni Nick ngayon ang kanyang hinahawakan. Kumuha siya ng toothbrush at inisip na kutsilyo ang kanyang hawak.

"Nick Asuncion! Nagkita din ulit tayo." Ngumisi ang dalaga.

Iniba niya ang kanyang pwesto at pinilit ginaya ang boses ng binata. "Simple beauty, hi!"

"Hindi ako simple beauty! Maalindog ako at maganda, Nick!" Balik sa dating boses niya ang dalaga.

"Bahala ka na, pero ang mahalaga ay nahulog ka sa akin bitag. Dahil sa mga ginawa mong mga proyekto ko, tumaas ang aking grades!" Humalakhak si Dani bilang si Nick.

Hinigpitan ni Dani ang pagkakasakal sa tuwalya. "Tanga na kung tanga! Dahil akin naman ang huling halakhak. Dadaloy ang iyong dugo bilang paghihiganti ko sa panloloko mo! At ang pupugutin kong ulo mo ang siyang regalo ko kay Trixie! Mamamatay ka! Papatayin kita! Papatayin kita!" Humalakhak ang dalaga kasabay ang paulit-ulit na pagsaksak nito sa tuwalya gamit ang tootbrush. Tumigil lamang si Dani ng maramdaman na niya ang pagod.

"Tapos na ang show? Good job!"

May pumalakpak sa likuran ni Dani. Nabitiwan niya ang mga hawak na tuwalya at sepilyo. Pumihit ang dalaga. Naka-leather jacket ang matangkad na lalake. Nakasumbrero din ito at maysuot pang shades. Kinilabutan ang dalaga. Pinasok na yata ng mga magnanakaw ang mansiyon. At ang mga naririnig niya kaninang ingay sa ibaba ay dahil ginahasa na ng ibang kasamahan ng lalakeng ito ang mga iba pang mga kasambahay, kasama ang kanyang ina! 

Lihim na umusal ng panalangin si Dani, hindi siya makakapayag na basta mawala ang iniingatan niyang dangal dahil sa rapist na ito.

Over her dead body! Kailangan niyang lakasan ang loob.

"Huwag kang lumapit sa akin dahil papatayin kita!" Pagbabanta ng dalaga.

"Lalapitan kita sa ayaw at sa gusto mo." Sagot ng baritonong boses.

Nanlamig ang dalaga. Humakbang nga ang lalake. Hindi maaari! Sigaw ng kanyang utak.

"One more step at bubutasan ko ang tagiliran mo!" Sagot ng dalaga.

Humalakhak ang binata. "Sasaksakin mo ako with that shampoo?"

Namula ang dalaga ng mapansin ang hawak nitong head and shoulder. Hindi na siya makaisip pa ng paraan para matakasan ang lalakeng lalong lumapit sa kanyang kinatatayuan.

"Saklolo! Tulong!" Ito na yata ang pinakamalakas niyang sigaw sa buong buhay niya.

Napaatras ang lalake sa kanyang ginawa. Naramdaman ni Dani ang maraming yabag na patungo sa kinaroroonan niyang silid.

"Inay? Ateng?" Nakilala niya ang dalawang naunang sumaklolo sa kanya.

Nilapitan siya ng ina. "Anak, bakit ka sumisigaw?"

"Hindi ba kayo nasaktan, inay? Tumawag po kayo ng pulis!"

"Ha? Sandali, Dani. Anong pulis?" Lalong naguluhan ang kanyang ina sa kanyang mga binabanggit.

"Inay, hindi niyo ba nakikita ang lalakeng iyan? Pinasok tayo at siguradong may mga kasamang magnanakaw!"

Napatingin ang ina sa itinuro niyang lalake. Umiling si Kikay sa kanya.

"Ano na po? Matatakot na lang tayo, inay?" Pangungulit ni Dani.

Hindi siya sinagot ng ina. Bagkus, nilapitan niya ang lalake na tila nahihiya.

"Pasensiya na po kayo sa aking anak, señorito Connor."

Lahat na yata ng dugo ni Dani ay natuyo ng banggitin ng nanay niya ang pangalan ng lalake.

"Gusto kong magpahinga, aling Kikay. Lalabas na lang ako ng kuwarto kung may kailangan ako."

"Sige po." Sagot ng ginang.

Pati yata ang paghakbang ay nakalimutan ni Dani. Halos hatakin na siya ng ina palabas.

Ibinagsak ni Connor ang katawan sa malambot na kama. Pagod ang kanyang katawan sa mahabang biyahe at ito ang kanyang madadatnan. Napagkamalan pa siyang magnanakaw ng katulong na iyun.

Sa isang banda, napangiti ang binata ng maalala niya ang nadatnan niyang eksena ng dalaga sa banyo at ang pamumula ng mga pisngi nito ng marinig ang kanyang pangalan.

Pinagalitan siya ni Kikay ng marating nila ang kusina. Hiyang-hiya ang ginang sa nangyari.

Ipinagtanggol ni Dani ang kanyang sarili. "Inay, kasi po halos nakatakip na ang buong mukha at ang init para magsuot ng ganoong jacket."

"Kailangan mong humingi ng sorry sa kanya, anak. Alalahanin mong sa kanilang pera galing ang ikinabubuhay natin."

"Opo, inay. Sorry na rin po sa ginawa ko."

"Sige, ituloy na natin ang kanilang mga ginagawa."

"Susunod na po, inay."

"Mabuti kung ganun, bitiwan mo nga yang hawak mong shampoo. Baka ikaw ang mapagkakamalang magnanakaw niyan." Sumilaw ang ngiti ng ina.

Sabik niyang ikinuwento ang naganap kay Tina. Hindi maawat ito sa kakatawa habang nag-uusap sila sa telepono.

"Guapo ba?" Tanong ni Tina na patuloy pa rin sa paghahagikhik.

"Hindi ko alam. Huwag mo na nga akong pagtawanan! Alam mo na ngang napahiya ang tao." Himig-pagtatampo nito.

"Sorry na nga. Pero, ito ang tatandaan mo, huwag na huwag ng mauuto kay Nick. Alam mo namang parehong university ang papasukan ninyo."

Napatigil saglit ang dalaga sa sinabi ni Tina. Bakit niyo at hindi natin ang ginamit ni Tina?

"Dani..." Marahil ay napansin ng nasa kabilang linya ang bahagya niyang pananahimik.

"Bakit, Tina? Hindi ka ba uuwi after summer?"

"Sorry, Dani. Dito na siguro ako sa Bicol mag-aral." Malungkot na saad ni Tina.

"Ganun ba? Nakakalungkot naman." Walang-ganang sagot ni Dani.

"Nalulungkot din naman ako, pero wala akong magagawa, Dani. Basta, kahit anong mangyari, kahit magkaiba tayo ng school, pareho pa rin tayong kukuha ng Accountancy ha?"

"Oo naman, Tina. Basta ako pa rin ang bestfriend mo."

"Promise ko iyan, Dani. Paano, tatawagan na lang kita ulit? Babantayan ko si lolo."

"Bye, Tina."

Kakaibang kalungkutan ang sumakop sa kanyang pagkatao ng patayin niya ang cellphone. Nakakalungkot lang kasing isipin na ang nakasanayan niyang kasama sa pagpunta ng paaralan ay hindi na niya makakapiling. Para na rin siyang nawalan hindi lamang ng isang matalik na kaibigan, kundi pati na rin ang kapatid.

Masakit ang ulo ni Connor na bumangon. Ayaw pa niyang dumilat pero kanina pa nag-aalburuto ang cellphone niya sa tawag ng ama.

"Hello, dad."

"How is your day?" Tanong ni Facundo.

"Fine, yet a little bit boring."

"Masasanay ka din diyan, son. You need some space from your peers. Nangingibabaw palagi ang pangalan ng grupo ninyo ng mga kaguluhan."

"We are just protecting each other, dad. Hindi kami lalaban kung hindi kami kinakanti."

"Whatever reason is, hindi pa rin maganda para sa pangalan mo, hijo. In few years, mamanahin mo ang real estate business ng pamilya."

Naiiling ang binata. "Wala akong dapat patunayan, dad. I am a good man at kaya kong gampanan ang tungkulin ko." Matatag niyang sagot.

"Let's see, then. Enjoy your stay, Connor."

Damn! Gusto pa niyang sagutin ang ama, but the phone was off. How could his dad and mom does not want to let him rule his wants? Wala siyang inaapakang tao. Hindi ang pa-easy-go lucky niyang lifestyle ang basehan ng madla upang husgahan kung anong tunay na nilalaman ng kanyang pagkatao.

Sawang-sawa na siya sa buhay na puno ng pagbibigay ng mga maling interpretasyon sa kanyang pagkatao. Ang mga magulang niya na dapat ang mga unang makakaunawa sa kanya ang tila walang tiwala sa kanya. Kung hanggang kailan niya patutunayan ang sarili, ito ang hindi niya alam.


CHAPTER 4

NABUNGARAN niyang nakaupo sa antique chair si Connor. Atubili siyang lumapit at kailangan niya yatang hiramin lahat ng powers ng mga super ninja para magkaroon ng buong-loob.

"Huwag kang tumayo na lang diyan. Say what you want to say."

Napapiksi ang dalaga. Para naman kasing may mga mata pa ito sa kanyang likuran.

Tumikhim ang dalaga. "M-Mister del Grande, sorry po sa nangyari kahapon."

"Call me, Connor. Nasa late twenty's pa lang ako at hindi angkop na tawagin akong mister." Seryosong saad ni Connor.

"Sige po." Maikling sagot ng dalaga. Nakakahiya naman kasing basta na lamang siyang tawagin sa kanyang pangalan.

"Kung gusto mong makipag-usap sa akin, huwag kang tumayo sa likuran ko."

Ang suplado naman. Reklamo ng isip ni Dani.

Humarao siya sa binata. "Kung mayroon pa po kayong ipag-uutos ay tawagin niyo ako."

Halos tumigil ang kanyang paghinga ng mag-angat ng mukha si Connor. Malinaw niyang napagmamasdan ang kagwapuhan nito.

"Ano bang pangalan mo?"

"Dani."

"Masculine name."

"Short for Daniela."

"Nice name." Komento ng binata.

Kahit papaano ay may naipon yata siyang isang dosenang tulips sa sinabi ni Connor sa kanya.

"I said it, again. Pwede ka ng umalis, Dani."

"Po? May sinasabi ka po?"

"Are you daydreaming? Hindi pwede sa akin iyan, Dani. Gusto ko ng alertong kasama."

Tumayo si Connor at naiwan pa rin si Dani na nakatulala. Nagiging pasaway na naman yata ang kanyang pantasya. Pero, safety first! Si Connor ay kahanay ni Nick na galing sa mayamang pamilya. At kagaya ng sinabi sa kanya ng binata. Pagdating sa pag-ibig, hindi puro emosyon.

Nasampal niya ang kanyang sarili sa mga naiisip niya. Kung anu-ano na yata ang gumugulo sa kantang isip. Nakakahiya tuloy sa tao na pinag-iisipan na niya ng kung anu-ano.

"Dani, come!"

Iniwan ni Dani ang mga tinutupi niyang mga kurtina ng marinig ang boses ni Connor.

"Yes po?"

Tumaas ang kilay ng binata. "Alisin mo nga iyang po tuwing kinakausap ako. I feel so old with that." Reklamo ng binata.

"Nakakahiya naman po kasi na tatawagin kayo sa pangalan."

"Then, don't call me Connor. Just omit that word."

"Kayo na ang bahala. May kailangan ba kayo sa akin?" Naging malumanay na lamang ang kanyang boses.

"Wala bang bar dito?" Tanong sa kanya ng binata.

"Pasensiya na po, hindi ko alam."

Napansin marahil ni Connor na hindi pa rin niya maiwasan ang gamitan ng po. Hindi na siya pinansin, imbes na muli siyang sitahin.

Nagkamot ng ulo ang binata. "Wala man lang mapasyalan dito."

"Marami."

"Like?"

"Sa ilog, pwede rin po sa burol o kaya sa mga kapatagan. May mga park din sa malapit."

"What?"

"Ay, sorry pala! I forgot na mayaman kayo at ang nature ay hindi kasama sa mga pasyalan."

Natahimik ang binata. "How about malling?"

"Nice idea! May mall po sa malapit. Two hours drive."

"Okay. Tara!"

Itinuro ni Dani ang kanyang sarili. "Ako po? Isasama ninyo?"

"Natural. Magpalit ka muna."

Naka-iniporme ang dalaga. Pinaunlakan niya ang yaya ni Connor. Pinuntahan niya ang quarter nilang mga maids. Mabuti na lamang at palagi siyang may dalang damit-panlakad.

"Saan ka pupunta?" Nakasalubong niya ang ina sa pasilyo.

"Inay, sasamahan po si Connor sa mall."

"Tama ba ang narinig ko na Connor na lang ang tawag mo sa amo natin? Naku, Dani!" Nanlaki ang mga mata ni Kikay.

"Relax, inay! Iyun po ang gusto ni sir kaya sumusunod ang po ako."

"Anak, basta alalahanin mong malaki ang agwat mo kay Connor. Tigilan mo habang maaga pa kung may ilusyon ka."

"Itong si inay, ang dumi ng isip."

"Ayaw ko lang maulit ang ginawa ni Nick sa iyo."

"Inay, nadala na po ako sa nakaraan. May lesson na po ako. Ang mga mayayaman ay karamihang sakit sa ulo nating mahihirap." Komento ng dalaga.

"Not everyone. Ready, Dani?"

Nagtitigan ang mag-ina ng biglang sumulpot si Connor.

Sumenyas na lamang si Dani sa ina. Daig pa ni Connor ang psychic. Sapagkat, tuwing mayroon siyang mga sinasabi ay sumusulpot ito.

"Kaya maraming namamatay sa disgrasya dahil sa katigasan ng ulo. Umupo ka nga ng maayos para maikabit ko ang seatbelt mo." Utos ng binata sa kanya.

Hindi maiwasang maglapit ang kanilang mga katawan. Langhap na langhap ni Dani ang pabangong ginamit ng binata. Para tuloy gusto niyang maligo sa cologne para naman maging kaaya-aya ang kanyang amoy.

"Take a breath. Mamaya, tuluyan ng mawala ang hininga mo." Nginitian siya ng binata.

Namumulang ibinaling ni Dani ang paningin sa bintana. Sa isang linggo pa lamang ng binata sa casa del Grande, palagi na lamang nag-iinit ang kanyang mga pisngi. Halata pa naman dahil mestisahin siya.

Binabagtas nila ang daan ng biglang tumirik ito.

"Anong nangyari?" Maang na tanong ng binata.

"Baka naubusan ng gasolina. Ginamit kasi ni manong Kino kanina at sinabing bukas na pakakargahan."

"Why you didn't tell me ahead?"

"Akala ko naman ay pinakargahan niyo ng gasolina."

"Hindi! May malapit bang gasolinahan dito?"

Nagkamot ng ulo si Dani. "Eh, malayo po. Ang mabuti pa ay tawagan ko si manong."

"Okay." Kunot-noong sambit ni Connor.

Dismayadong ibinaba ni Dani ang cellphone. Tumingin ito sa binata. "Eh, sumaglit po sa kabilang-bayan si manong Kino at naiwan pa po ang cellphone sa bahay. Si inay po ang nakasagot."

"What? At anong gagawin natin dito? Parang napakalayo natin sa sibilisasyon kahit pa sabihing sementado ang daan."

"Sorry po. Eh, shortcut po kasi dito. Mga gulayan at farm po dito. Ang mga nakikita niyong mga kubo ay dati pong tirahan ng mga gumagawa ng daan. Wala po sila ngayon dahil itinigil muna ang proyektong ito dahil sa sigalot ng mga pulitiko dito sa bayan."

"Dani! Nakakagigil ka na talaga! Ni hindi natin alam kung anong oras tayo mapupuntahan no Kino dito."

"Hintayin na lang po natin o kaya sana ay may magawi ditong mga motorista."

"Which is one in a million chance."

Nakangiwing tumango si Dani. Tinadyakan ni Connor ang gulong dahil sa inis.

"I hate this life! Ni walang masisilungang waiting shed." Reklamo ni Connor.

Umupo si Dani sa sementadong daan. Nakaharap siya sa kapaligiran na kung saan ay luntian dahil sa mga tanim na mandarin. Sa kabila naman ay nakatiwangwang pa rin kaya parang tsokolate ang kulay ng lupa. Ang natatandaan niya ay mga mais ang nakatanim noon. Hindi lang niya alam ang susunod.

Muli niyang iginawi ang paningin sa kapaligiran. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga dahon na parang sumasayaw sa hampas ng hangin.

Kinuha ni Connor ang mobile phone sa bulsa. Low battery ang tumambad sa kanyang paningin na lalong nagpainit sa kanyang ulo. At ang kasama niya ngayon ay parang walang pakialam sa sitwasyon nila ngayon. Parang tuwang-tuwa pa siya sa nangyari. Nagagawa pa talaga niyang ngumiti, samantalang kanina pa halos hindi maipinta ang mukha.

"Ganito na ngang kamalasan ang nangyari, nagagawa mo pang ngumiti."

Lumingon si Dani sa kanyang narinig. "Nagkataon lamang naman ito. This is not malas." Sagot ng dalaga.

"And how do you call, a blessing?" Nagsalubong ang kilay ng binata.

Tumayo si Dani para mas maganda ang kanilang pag-uusap. "Mister Connor del Grande, maliit na bagay lamang po ang naganap kumpara sa mga karahasang kinakaharap ng ibang mamamayan ng planeta."

"Are you telling na parang wala akong concern sa humanity?"

"Uh-oh, wala akong sinasabi. Bakit po ba ang init ng ulo ninyo? Parang pasan niyo agad ang mundo. Iba talaga ang mayaman, noh? Ayaw nilang maantala sa bawat lakad. Ayaw ninyong napupuknat ang mga plano sa buhay."

"There is no wrong with that. Alam mo kasi Dani, bawat segundong nasasayang ay maraming naaapektuhan nito. Look what happened! Nagsasayang lamang tayo ng oras dito sa daan." Nawawalan na ng patience ang binata.

Idagdag pa si Dani na inilalabas na yata lahat ng kanyang wisdom. Para tuloy siyang nakikipag-usap sa matanda.

"Sorry to disappoint you, Connor. Sa totoo lang, today is not a waste of time for me. Matagal ko na ring hindi nakakasama ang kalikasan. Umpisa kasi noong nagtapos ako ng sekundarya, abala na ako sa family house ninyo para makapag-ipon para sa aking pag-aaral."

"It must be tiring." Naramdaman niyang medyo kumalma ang boses ng binata.

"Masaya ako sa ginagawa ko. Iba kasi kung pinaghihirapan ang lahat. Ikaw? I mean, maswerte ka. You are born with a golden spoon. Lahat ay kayang paikutin dahil sa pera."

"It's not what you think." Sabad ni Connor.

"Ikaw, are you happy?"

"Of course."

"You don't act like that way. Para kasing napakadilim ng mundo mo."

Tiningnan lamang siya ni Connor. Hindi sumagot ang binata.

"Who is Nick?"

Namula ang dalaga ng marinig ang pangalan ng lalake. "Wala naman. Batchmate."

"Hindi ako naniniwala."

"Siya lang naman ang representative ng mga sinungaling at manloloko sa mundo. Ginagamit ang pagiging guwapo at mayaman upang makasakit sa kapwa. And this is the main core kung bakit allergic ako sa mga mayayaman."

"Dahil ang tingin mo ba ang mapagsamantala?"

"At abusado, walang kwenta, manloloko, gago at kampon ni Medusa!"

Tutop niya ang bibig na tumingin sa binata. Napaka-taklesa niya! How could she forgot na kaharap niya si Connor?

Tumayo ang binata. "Manong Kino is here." Sambit ni Connor at hindi man lang siya sinulyapan ng binata.

Dahil natatakot ang dalaga sa kakaibang kaseryosohan ni Connor ay naisipan niyang sa motorsiklo na sumakay si Dani. Para kasing manununtok si Connor ng wala sa oras!


CHAPTER 5

"MANONG KINO, sa motorsiklo na lang niyo po ako makikiangkas." Ngumiti ang dalaga.

"Walang problema, Dani."

"Ako na ang magpapatakbo ng motorsiklo, manong. Kayo na ang magmamaneho sa kotse."

Nawalan ng kulay ang balat ni Dani sa kanyang narinig. Kaya nga siya umiiwas, dahil nakukunsensiya siya sa kanyang mga nasabi. Ngunit, tila nananadya pa si Connor.

"Kung ganoon ay sa kotse na ako." Pang-iibang isip ni Dani.

"Then, sa kotse tayo sasakay." Saad ni Connor.

"Sa motorsiklo ako. Sasama ako kay manong Kino." Diretsahang sambit ng dalaga.

"Sa motorsiklo tayo sasakay, Daniela."

Kailangan pa talagang banggitin ang buo niyang pangalan kagaya ng ginagawa ni Tina kung nagagalit na ito sa kanya.

"Sa kotse ako sasakay."

"Sa motorsiklo nga!"

Napakamot si Kino sa pagpapalitan ng desisyon ng dalawa niyang kaharap.

"Mawalang-galang na po, sir Connor, saan po ba sasakay itong si Dani?" Pinaglipat-lipat niya ng tingin ang dalawa.

"Sa motorsiklo, kasama ako."

Napangiwi si Dani ng bigla na lamang siyabg hinatak ni Connor. Sa laki ng pangangatawan ng binata, para lang siyang bulak na binitbit ni Connor.

"Mauna po kayo." Bilin ni Connor.

Agad na tumalima si Kino. Naiwang lupaypay ang isip ni Dani. Nanigurado pa talaga ang kasama niyang binata na sila lamang ang maiwan.

Sumakay ang binata at iniaabot nito ang palad sa dalaga upang umangkas na rin ito.
"Ayaw kong sumakay!" Tanggi ng dalaga.

"Ayaw mo talaga? Iiwanan kita dito!" Pagbabata ni Connor.

"Eh, di iwan mo lang ako!" Pagmamatigas ni Dani.

"Daniela!"

Hindi umalma ang dalaga. Nagsimula siyang maglakad.

Napatili ang dalaga ng bigla siyang buhatin ni Connor. "Bitiwan mo nga ako!"

"Umangkas ka na, Dani! Gusto kong umuwi!"

"Sige na, sige na!"

Ibinaba siya ng binata pero mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay. Dahil sa mahigpit nitong pagkakayakap, instead na spark o boltahe ng kuryente ang mararamdaman ng puso ay hindi, kundi masakit na tila gustong ihiwalay ni Connor ang palad niya sa kanyang buong kamay.

"Kumapit ka sa baywang ko dahil ayaw kong mahulog ka!" Bilin ni Connor at siya mismo ang naglagay sa kamay niya sa gawing baywang ng binata.

Matulin ang pagpapatakbo ni Connor. Halatang sanay sa paggamit ng ganitong uri ng sasakyan. Minsan, napapapikit siya dahil sa humahapding niyang mga mata dala ng hangin.

"We are here, finally." Pukaw ni Connor sa kanya.

"Sa house o sa sementeryo?" Galit na sabad ni Dani.

Nakakalokong ngumiti si Connor. "Huwag kang mag-alala dahil hindi ka tatanggapin sa sementeryo."

"Magpasalamat ka at ligtas tayo dahil ikaw ang unang mumultuhin ko!"

"You will not, Dani! Hindi ba allergy ka sa amin?"

"Allergy na ano?"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Dani? Malinaw ang narinig ko kaninang sinabi mo tapos ngayon nag-aasta kang inosente."

Gustong pigilan ni Dani ang sarili pero talagang nahihilo siya at kailangan niyang magkalat or else, matatagalan lamang ang pagkahilo niyang nararamdaman.

"What the heck!" Hindi napigilang mapalakas ang boses ni Connor.

"Sorry, nasusuka na talaga ako.." At muli ay tumalsik sa polo ng lalake ang inilabas ng kanyang bunganga.

"My goodness, Daniela! Nananadya ka ba?"

Naulinigan ni Kikay ang malakas na boses ni Connor. Nagmamadali niyang hinanap ang kinaroroonan ng binata.

Nang makita ang ayos ng anak ay mabilis siyang dumulog at inalalayan si Dani. "Anak, halika muna sa kuwarto mo para makapagpahinga."

Naiwan si Connor. Nagtataka siya kung bakit sa unang pagkakataon ay hindi siya pinansin ni Kikay. Nasanay siyang palaging humihingi ng paumanhin tuwing may nagagawa si Dani.

Tinanggal niya ang kanyang t-shirt. Nagtungo si Connor sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi pa man nawawala ang inis sa nangyari kanina ay dinagdagan pa ni Dani ang kamalasan niya ngayong araw. Kung siya lamang ang masusunod, mas nanaisin niyang hindi nakikita ang dalaga. Lalong sumasakit ang kanyang ulo.

Tinawagan niya ang ama. Iisa pa rin ang desisyon ng mga ito. Sa probinsiya muna siya. Hindi bale dahil mabilis lumipas ang mga araw. Hindi namamalayan, matatapos na ang summer.

"Connor, pwede ba tayong mag-usap?" Si Kikay ang nagsalita.

Inilapag ni Connor ang hawak na coffee mug. "Ano po iyun, aling Kikay?"

"Ano ang nangyari kay Dani, Connor? Ayaw kong magsalita ng hindi ka nagpapaliwanag pero kilala ko ang anak ko. Hindi basta sumasakit ang ulo at nahihilo ng ganun kung hindi sa sobrang lamig. Mabilis ang pagpapatakbo mo ng motorsiklo, tama ba ako?"

Walang mahagilap na salita ang binata. Ang galit niya kanina sa dalaga ng madumihan siya ng suka ay unti-unti nabubura.

"Connor, iginagalang kita dahil malaking tulong ang casa del Grande sa aming mag-ina. Hindi ito ang hadlang para ilabas ko ang saloobin ko ngayon. Bilang isang ina, masakit na nakikita ko ang ganoong sitwasyon ng aking anak. Sana sa susunod Connor kilalanin mo muna ang mga taong nakakasama mo para wala kang masasaktang ibang tao."

"Sorry po, aling Kikay."

"Kay Dani ka na lang makipag-usap, Connor."

Nakailang balik na siya ng banyo at nailabas na niya yata lahat ng laman ng tiyan pero sobrang sakit pa rin ng kanyang ulo.

Kung pwede lang inumin ang eficascent oil ay nilaklak na niya para mawala na ang sobrang sakit ng kanyang ulo.

Wala siyang dapat sisihin dahil alam na nga niyang madali siyang mahilo at sumakit ang ulo ay hindi pa niya agad itong naisip. Summer man na maituturing, malamig naman ang panahon at sa bilis ng pagpapatakbo kanina ni Connor, hindi nakapagtatakang mauuwi sa ganito niyang nararamdaman.

"Bukas po, inay!" Sagot ni Dani ng marinig niya ang mahihinang katok ng pinto. Hindi na niya magawang buksan ang pinto dahil sa sobrang sakit ng ulo.

Naramdaman niyang pumasok ang ina. Umupo ito sa kanyang tabi at hinagod ang kanyang buhok at minasahe ang kanyang ulo.

"Hindi ko sinasadya, Dani."

Napadilat ang dalaga ng marinig ang tinig ni Connor. Akala niya, ang ina niya ang pumasok kanina.

Pinilit ni Dani ang bumangon, inalalayan siya ni Connor na umupo sa headboard ng kama.

"Bakit ka humihingi ng sorry?" Pagtataka ni Dani.

"Ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon. Sorry, Dani. Hindi ko talaga sinasadya."

"Okay na po, mister del Grande. Nakaganti naman ako."

Sa umpisa ay hindi maisip ni Connor ang sinabi ni Dani na nakaganti na siya. Kung hindi pa itinuro ng dalaga ang t-shirt na bagong palit ni Connor ay hindi pa niya ito maalala.

"Mahiga ka ulit. I know how to massage." Hinawakan ng binata ang kanyang balikat.

"Sigurado ka? Baka naman sasakalin mo ako?" Pinilit ni Dani ang ngumiti.

"Trust me, I know. I used to massage my dad."

"Used to? Bakit, hindi na sumasakit ang ulo ni don Facundo?"

Natawa ang binata sa paraan ng kanyang pagtatanong. "Busy na sila masyado sa pagpapalago ng negosyo at abala naman ako sa pag-aaral. Halos hindi na nga kami nagkikita sa bahay."

"Ganun talaga ang mga magulang, Connor. Halos isubsob ang sarili para sa kapakanan ng anak."


"Pumikit ka na nga, ang ingay-ingay mo." Saway sa kanya ni Connor at inumpisahan nitong i-massage ang sentido ng dalaga.

Nang mapansing himbing na ang pagkakatulog ni Dani ay dahang-dahang tumayo ang binata. Inayos nito ang kumot at ang kanyang palad ay dumako sa pisngi ng dalaga. Mabining haplos ang iniwan nito bago nilisan ang kuwarto.

Maaliwalas ang mukha ni Dani habang naghihintay ng sasakyan. She is officially enrolled at ilang araw pa ay tuluyan na siyang matatawag na kolehiyala.

"Dani, halika na!"

"Manong Kino? Anong ginagaw niyo dito?"

"Para sunduin ka." Puno ng kasiglahan si Kino.

"Nakakahiya naman sa inyo, manong. Baka po nakakaabala na ako." Kiming sagot ng dalaga.

"Hindi mo kailangang mahiya dahil sinusunod ko lang ang bilin ng amo natin."

"Ano pong ibig niyong sabihin, manong?"

"Nasa loob din ng kotse si Connor at siya ang nag-utos na sunduin kita."

Humakbang ang dalaga para sumunod sa lalake. Nakita nga niyang nakaupo si Connor at kumaway po ito sa kanya.

"Manong, sandali! Hindi kayo sasakay?" Sinundan niya si Kino. Narinig niyang nagpaalam ito sa binata.

Umiling ang ginoo. "Hindi, Dani. Hindi ako kasama sa lakad ninyo ngayon."

"Po? Wala naman kaming pupuntahan."

"Mauna na ako, Dani."

Tumalikod na ang lalake. Gusto pa niya itong usisain pero bumaba si Connor. "Pinaghihintay mo na naman ako, Daniela. Sakay na."

Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang pinto ng kotse. Pinaandar ni Connor ang sasakyan. Nangunot ang kanyang noo ng nagtama ang kanilang paningin.

"Hindi ka ba talaga marunong maglagay ng seatbelt? Umayos ka nga!"

Bago pa man nakahuma ang dalaga ay nararamdaman na niya ang kamay ni Connor na inaayos ang seatbelt nito.

"Saan tayo pupunta?"

"Well, this is my last two days sa province. At kahit para tayong aso at pusa, matiyaga ka pa ring kasama."

"Ililibre mo ako, Connor?" Sinubukan niyang banggitin ang pangalan ng binata.

Napansin niyang bahagyang napatitig sa kanya ang binata. "Gusto kong makita ang ipinagmamalaki mong kagandahan ng kalikasan."

"May idea ako!" Excited na sagot ni Dani. "Ang casa del Grande!"

"Ang bahay?"

"Absolutely! Kung may kakaibang ganda na kailangan niyong masilayan ay ang family house ninyong mga del Grande."

"Kabisado ko na ang malaking bahay, Dani."

"Pati ang mga magagandang paintings ni don Facundo? Oh my, he is such an artist!"

"Paintings? Saan nakalagay?" Nabuko siyang hindi niya kabisado ang bahay.

"Makikita mo mamaya sa mansiyon." Pagbibida ni Dani.

Hindi makapaniwalang mukha ni Connor ang kanyang nakikita ngayon. Tuwang-tuwa ang binata habang iniisa-isa niyang tiningnan ang mga paintings ng ama. May sinadya pang room sa loob ng mansiyon at nagmimistulang mag eksibit ng mga sandaling iyun.

"Very precious!"

"You did not know?"

"I never did, Dani. Thank you!"

Tumigil ang pag-inog ng mundo ng yakapin siya ng mahigpit ni Dani. Kung gaano katagal ang pagdidikit ng kanilang mga katawan ay hindi kalkulado ni Dani.

"Sorry! Nadala lang ako ng emosyon ko." Kinalas ni Connor ang kanilang pagkakayakap.

"May gusto pa akong ipakita sa iyo, Connor."

Dinala siya ng dalaga sa may likuran ng mansiyon. May gate na maliit at bagamat may kalayuan na sa casa del Grande, sakop pa rin ito ng malaking lupain ng pamilya ni Connor.

"Wow! This is such a paradise!"

Tumambad sa kanilang mga mata ang maliit na kubo na pinapaligiran ng maraming halamang namumulaklak. Isama pa ang swing na nasa gilid ng bahay.

"Napakaganda, ano?" Binasag ni Dani ang katahimikan.

"Tama ka, Dani. Napakaganda. No wonder kung bakit wala man kami dito sa ancestral home ay walo ang mga kasambahay, iba lang ang tatlong hardinero at si Kino. Ang dami palang kailangan gawin dito."

"Oo, alam mo ba ang story ng lugar na ito, Connor?"

"I don't even hear this place." Pagtatapat ng binata.

Inakay ni Dani si Connor na maupo sila sa swing. Mas nakabubusog sa mata kung matitingnan nila ng maigi ang mga bulaklak sa kanilang paligid.

"This is a simple house, kung tatawagin nga ay gazebo. But to your mom and dad, this is a castle where there love begins. Dito madalas magpinta si don Facundo. Ayon kay inay, dito natagpuan ng dad mo si donya Margarita which is nakatulog dahil sa pagod sa pagtakas sa lalakeng dapat ay pakakasalan niya. Ang iyong mommy ay nagtago sa bahay na ito hanggang natuto ang kanilang puso na mahalin ang bawat isa."

"Really? How can you know about these?"

"Ang totoo niyan, karamihan sa mga bata ay pamilyar sa kwento nina Rapunzel, Cinderella, Mulan at ang iba pang mga fairytale legendaries. At ako? Mas pamilyar ako sa love story nina Margarita at Facundo, ito kasi ang palagi kong naririnig na kwento ni inay."

"A great love story, indeed. Amazing, Dani! I think, dapat na akong magselos sa iyo, kasi mas kabisado mo pa ang fairytale ng mga magulang ko kaysa sa mismong anak." Pagbibiro ni Connor.

Tinawanan ni Dani ang binata. "Hindi naman fairytale iyun. It's a real life."

"You don't believe in fairytale?"

"They don't exist."

"Bakit naman?"

"Basta lang. Tsaka, dapat nga hindi na laganap ang mga story na iyan. Pinapaasa lang nila ang mga mahihirap na pwedeng ibigin ng mayayaman."

"Posible iyun, Dani. Walang pinipili ang pag-ibig. Dahil ang true, great love ay hindi estado ng buhay ang basehan. Puso ang nagpapasiya at hindi ang mga materyal na bagay."

"Sabi mo lang iyan, Connor. I strongly trust my intuition that you will be fall in love with a rich one like you."

"Hindi lahat ng taong nabibilang sa isang pangkat ay parehas, Dani. What if I say na ang mga babaeng commoner ay nag-aasawa ng mayaman ay gold-diggers. Do you agree?"

"Of course not! Kung mag-aasawa ako ng mayaman ay dahil mahal ko siya. And this is a big joke, dahil sigurado akong nakatadhana ako sa katulad ng lebel ng aking pamumuhay."

"Kung ganyan ang pananaw mo sa buhay, you will be an old maid!" Pagbibiro ni Connor.

Gumanti ng biro ang dalaga. "Of course not! Ang ganda ko kaya!"

"Hindi ka lang maganda, Dani. Napakaganda mo."
"Ows? Nalampasan mo na ang quota ng pagpuri sa akin, Connor."

"Hindi ako nagbibiro, Dani. You are like a tamale."

Pabiro niyang hinampas ang balikat ni Connor para hindi mahalata ang kilig niyang naramdaman.

Ilang parte na lamang ng kwento ang kanyang isinusulat. Kung encoding ang kanyamg gagawin at ipa-book bind pa ito ay hindi na niya mahahabol na ibigay sa binata.

Bumili na lamang siya ng mamahaling notebook at isinulat ang napakagandang istorya na naging magandang bahagi sa buhay ni Connor. Alam niyang ang kwentong ito ang ituturing ng binata na pinakamaganda sa lahat ng aklat.

Malalim na ang gabi pero kailangan niyang matapos ito.

"Anong sinusulat mo, Dani?" Napansin siya ng ina na abala pa rin sa harap ng kanyang night table.

"Love story po nina don Facundo at donya Margarita, inay. Pauwi na po siya bukas kaya kailangan ko itong tapusin."

"Anak, parang masyadong nagkakadikit na ang loob niyo ni Connor?" Patanong ang pagkakasambit ng ina.

"Inay, hindi po. Ginagawa ko lang kung anong trabaho ko. Sayang din kasi ang ibinabayad sa akin ng mga del Grande." Depensa ng dalaga.

'Mabuti kung ganoon, anak. Ayaw lang kitang masaktan tulad ng dati." Muling saad ni Kikay.

"Nick is a lesson, inay. Hindi na po ako bata at alam ko na pong kontrolin ang emosyon ko."

"Pero, guapo at hindi mahirap mahalin si Connor. Lalo pa at kakaiba ang ikinikilos niya tuwing magkasama kayo. Ewan ko ba, parang espesyal ka sa kanya."

"Huwag naman po, inay. Nakakahiya naman sa tao kung anu-ano ang iniisip ninyo. Hindi po at napakalabong mangyari. Umaapaw kaya sa kayamanan si Connor!"

Nakahilera silang lahat na namamahala sa kaayusan ng bahay. Oras na ng pagbabalik ni Connor sa siyudad. Kailangan niyang tapusin ang pag-aaral at patunayan sa mga magulang ang kanyang kakayahan. Bakas sa mukha ng iba ang kalungkutan at ang tanging nagpagaan sa kanilang loob ay ang pangako ng binata na muli siyang babalik sa mansiyon.

Nahihiyang iniabot ni Dani ang binalot niyang regalo para sa binata.

"What is it?"

"A story of one great love."

"The del Grande's?" Paniniyak ng binata.

Nakangiting tumango ang dalaga.

Hinawakan ni Connor ang kanyang palad. "Thank you for this, Dani. Hope to see you again and hear your own fairytale."

"They are not real."

"I will prove you, someday. Just wait for the right time, Dani."

Nahiwagaan man ang dalaga sa iniwang salita ni Connor ay nagkibit na lamang siya ng balikat. One thing for sure, maninibago siya ngayong mawawala na ang binata.

May kalungkutan man siyang nadarama sa kanyang pagbabalik sa nakagisnang bahay. Sa maikli niyang pagkakalayo sa mga magulang ay may malaki siyang napatunayan. Malaking kamalian na inisip niyang pera ang sentro ng buhay ng mga magulang. Nakalimutan niyang hindi niya maiintindihan ang lahat dahil sa sarili lamang ang pinapakinggan niya. Habang nasa biyahe, inisip niyang dapat bumawi ang binata.

"Welcome home!" Sumalubong ang kanyang ina at ama.

Yumakap si Connor sa mga ito.

"How is your vacation, son?"

"Worth it, dad!"

"Halika sa sala. We have lots of time to listen from your stories." Saad ng ina nito.

"Well, dad. May kasalanan ako."

"What? Sasabihin mong maayos ang naging maayos ang bakasyon mo. Is this a joke or something?" Tinig ng ama.

"Relax, dad. I just stole this from your art room!" Masayang pagbabalita ng binata at iniangat ang hawak.

"My painting when your mom just gave birth to you." Binalingan nito ang asawa at hinalikan ang pisngi.

"Yup, dad! Isasabit ko ito sa room ko. And I have something to read also, mom."

Puno ng emosyom ang bawat pagbabasa ng binata. He read every word to the best he can. Kaninang dumating ang kanyang sundo, nakailang beses na niyang binasa ang nilalaman ng notebook na regalo sa kanya ni Dani.

Kitang-kita niya sa mga mata ng magulang ang kasiyahan. Ang mga namumuong luha ng dalawa ay tanda ng hindi pa ring kumukupas na kanilang pag-iibigan.

"Great story, dad and mom."

"Hijo, saan mo iyan nakuha?" Tanong ng ina. Hindi pa rin nawawala ang katuwaan nito.

"A gift from a lady who never believed in fairytale, yet, so much in love with your stories, mom." He puzzedly replied.

Natuwa ang ina sa narinig. "She sounds good."

"You are right, mom."

"She must be one of our housekeepers, hijo." Pansin ng ama.

"Right, dad."

"No wonder na alam niya ang istorya naming dalawa ng daddy mo, hijo."

Sa kanilang pagsasama ay walang sinayang na panahon si Connor upang maiparamdam ang labis niyang pagmamahal sa dalawa. At bilang pangako sa kanila, nais niyang iabot ang diploma sa mga magulang at tutulong siya sa pagpapaunlad ng kanilang kompanya.

"We are glad to hear that from you, hijo. Sorry kung napapabayaan ka namin, don't think na hindi ka namin mahal." Ayon sa kanyang ama.

Nilapitan ni donya Margarita ang kanyang anak. "I have my faults, too. Pagkatapos namatay ang tatay ng daddy mo, we found out na halos pabagsak na ang kompanya dito sa Maynila, anak. You are still a kid back then. Natakot ako sa maaaring mangyari. Ayaw kong maranasan mo ang hirap na dinanas ko bago ako pinakasalan ng daddy mo. Simpleng pamumuhay lamang ang kinamulatan ko, Connor. Palibhasa, inampon lamang ako kung kaya naman nagawa nila akong ipagbili sa lalakeng galante at handang pakasalan ako. Nagawa kong tumakas hanggang mapadpad ako sa hiding place ng iyong ama kapag nagpipinta ito." Panimulang pagsasalaysay ng ginang.

"Tama ang iyong ina, son. Kaya kami nagsumikap ng husto upang mabawi ang mga kayamanang ninakaw ng mga business partners ni papa. Hindi naming namamalayan na habang natutupad na ng goal namin ni Margarita, napapabayaan ka namin, Connor. Magkakasama tayo sa iisang bubong, but it always seems that we are away fron each other. We love you, hijo and please understand us more." Hiling ng ginoo.

"I understand everything, dad. Sorry for all my troubles. Sorry kung pati ang reputasyon ng kompanya at nabahiran ng mga katarantaduhan ko noon." Pagpapakumbaba ng binata.

Yumakap ang ginang sa mag-ama. "Enough for dramas! Ang mabuti pa, kumain na tayo. We need a family celebration to a better future and love for our family."

Sa paglipas ng panahon ay naging abala ang binata sa puspusang pag-aaral hanggang nakamit ang mga pangarap niya sa buhay.

Ginawa niyang manhid ang sarili. Batid ni Dani na ito ang kanyang kalasag para makamit ang kanyang mga pangarap.

"Dadalo ka ba ng iyong graduation ball?"

"Opo, inay. Sa wakas, malapit na po akong matapos at may maganda na kayong accountant!"

"At mabait na anak, Dani. Nagagalak ako dahil sa patuloy mong pagkamit ng iyong mga pangarap." Madamdaming usal ni Kikay.

"Inspirasyon ko po kayo, inay."

Nakaayos na siya. Labis ang kanyang pagtataka kung bakit mayroon siyang make-up artist at napakaganda ng kanyang suot. Para siyang prinsesa.

"Napakaganda mo, anak."

"Inay, hindi po kaya magalit ang mga del Grande kapag malaman na dito ako inayusan?" May pag-aalala sa tinig ni Dani. Ang munting paraiso nina Facundo at Margarita ang kanyang tinutukoy.

Ngumiti lamang ang ina at bilin nito na huwag siyang lalabas hanggang hindi pa dumarating ang kanyang sundo.

Naiwan siyang mag-isa. Biglang bumukas ang pinto. Napatayo ang dalaga. Napahawak siya sa kanyang dibdib habang papalapit ang bagong dating.

"C-Connor?"

Ngumiti ang binata. "Is my princess ready for her ball?"

"What are you doing here? How did you know?" Ayaw man niyang aminin, pero kakaibang galak ang kanyang naramdaman after long years of not seeing Connor.

Lalong nanikip ang kanyang paghinga ng hawakan ni Connor ang kanyang mga kamay. "I made a promise, remember? This is the right time, Daniela. To prove you one thing. Fairytale is real."

"Connor..."

"And this kiss may help." Isang mabining halik ang iginawad niya sa dalaga at niyakap ito.
"I don't know what to say. Akala ko, nakalimutan mo na ako. You've been away for five years."

Tinitigan niya ang dalaga. "Dahil gusto kong patunayan na may ibang mayaman na marunong magsikap, maghintay at magmahal, Dani."

"You mean mahal mo ako?"

"I love you, Daniela. And that love started when you called me magnanakaw. That time, I had stolen your heart to be mine."

"Oh, Connor! Mahal din kita. Pinilit kong itanggi dahil sa agwat ng ating buhay, pero mapilit itong puso ko."

Pinunasan ni Connor ang kanyang luha. "I don't want to see those tears again. All I want is to let you smile and laugh. Halika na, naghihintay na ang sasakyan. Sasamahan kita sa graduation ball mo. I want to spend every single happiness with you, my love."

Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Dani paglabas niya sa munting paraiso. Nabungaran niya ang mga sariwang tulips and rose petals na nagkalat sa bermuda grass. Inalalayan siya ni Connor. Hindi niya binitiwan ang kanyang palad hanggang makarating sila sa sasakyan ng binata. At dito, may isa pang sorpresa ang naghihintay kay Dani.

Nakangiting sumalubong sa kanya sina Facundo at Margarita. Hindi man niya sila nakita noon ng personal. Batid niyang sila ngayon ang kanilang kaharap.

"Magandang araw po!" Pinilit niyang maging kampante sa sarili.

Lumapit si donya Margarita sa kanya. "Mas maganda ka pa sa araw, hija. Connor is right, you're beauty is spectacular. No questions why my son deeply fall for you."

Her cheeks turned red. Gusto niyang tumalon sa tuwa. Nais niyang yakapin si Connor sa labis na katuwaan.

"Mas maganda pa rin kayo, donya Margarita." Dani replied.

"Call me tita, hija. Thank you for the compliment. My husband love is my secret for aging gracefully."

She was moved when don Facundo kissed his wife's cheek. "I love you, Margarita."

"Dad, mom! Remember, fan niyo ang kasintahan ko. Baka naman mas gugustuhin na lang niyang makasama kayo kaysa sa akin." Pagkukunwaring tampo ni Connor.

Masasayang tawanan ang pumailanlang sa sinabing iyun ng binata. Ang araw na iyun, walang makakapantay sa kasiyahan niya.

Dahil sa tagpong nararanasan niya ngayon, she believes one more that love is inevitable.

First time in forever, paninindigan walang pinipili ang pag-ibig. Mayaman o mahirap. Everyone deserves to love and be loved back.

Binigyan ni Dani ang masuyong halik sa pisngi ang binata. Connor smiled at her. Binago ng binata ang mga mali niyang pananaw. Higit pa man, muli niyang napatunayan that love is not a tale, love is magical and you will never get rid of it.

***W A K A S***


No comments:

Post a Comment