One Shot Writing Contest Entry #14: Gleam Of Hope by Jenevieve Cagatin


"EVERYONE of us has his/her own goal in life, something that we want to be or want to have in life. But before obtaining our goal, there are lots of adversities that we will encounter as we go through our pyramid of success."

Avery's voice reverberating at the open stage. And just a scene on the television, it replay on her mind how she struggled the lure of triumph...

HINDI napigil ni Avery ang mga luha na nasipag-unahan sa pagpatak nang sabihin ng kanyang mga magulang na hindi siya makapagpapatuloy sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo due to financial restraint. Tricycle driver lang ang kanyang ama samantalang ang ina naman niya ay isang labandera. Hindi sapat ang kinikita ng mga ito para tustusan ang kanyang pag-aaral lalo pa't may apat na kapatid siyang nasa kinder at elementarya.

"'Tay, hindi po ako makakapayag na tumigil. Alam naman po ninyo kung gaano ko kagusto na makapagtapos para maiahon ko kayo sa kahirapan," mariing tutol ni Avery sa ama.
"Alam naman namin 'yun, anak. At nagpapasalamat kami ng nanay mo sa maganda mong adhikain para sa amin, pero anong magagawa ko? Kahit araw at gabi akong magpasada, hindi pa rin sasapat ito para matustusan ang pag-aaral ninyong lahat."

Bumakas sa mukha at tinig ni Teroy ang kalungkutan. Nanghihinayang din naman silang mag-asawa na matigil sa pag-aaral ang kanilang panganay dahil nakikita nilang may angkin itong talino. Sa katunayan ay Valedictorian ito sa katatapos lang na graduation sa Mataas na Paaralan ng Mariano San Pueblo.

"Gagawa ako ng paraan para makapag-aral," determinadong wika ni Avery. "Ayokong maglaho ang mga pangarap ko!"

"At ano namang gagawin mo sa ganyang kalagayan?" tanong ng kanyang ina. "Ang mabuti pa ay dumito ka na lang sa bahay at tumulong sa pagbabantay ng mga kapatid mo."

Bumalong ang mga luha sa mata ni Avery sa narinig. The words hitted the sensitive spot of her heart. Bumaba ang tingin nito sa magkabilang mga hita. She is pity cripple. She's no such luck to have a strong and straight pair of legs. Isa siyang pilantod at walang mararating sa buhay. Ito ang nais ipahiwatig sa kanya ng mga magulang.

"Anak..." Nilapitan ni Dolor ang panganay at mahigpit itong niyakap, "pasensiya ka na. Wala akong intensyon na saktan ang damdamin mo. Ayoko lang na umasa ka at mabigo. Iba na ang henerasyon ngayon. Maraming tumutuligsa sa tulad mong may kapansanan."

"Gusto ko pong makapagtapos nang kolehiyo, 'nay. Paa lang ang nawala sa akin, may isip at kamay pa ako para gawin ang nais ko. Maraming scholarship na ibinibigay ang gobyerno, maghahanap ako. Payagan lang po ninyo akong makapag-aral," pagsusumamo ni Avery.

Naantig naman ang puso ng mag-asawa sa nakikitang determinasyon ng anak na makapag-aral.

"Kapag nakuha kang iskolar, papayag kami. Kung hindi man, titingnan natin sa susunod na taon dahil baka makaluwag na tayo."

Nabuhayan ng loob si Avery sa sinasabi ng ama. Nagliwanag ang mukha nito at sumilay sa labi ang ngiti ng kasiyahan. Gagawin niya ang lahat nang kanyang makakaya. Magsisikap siya.


"HINDI na ba kita ihahatid sa loob?"

"Kaya ko na po, 'tay." Kinuha ni Avery ang dalawang saklay at iniipit ito sa magkabilang kili-kili, "Salamat po. Mag-iingat ka po sa biyahe."

"Balitaan mo agad ako."

"Opo, 'tay."

Matapos makababa ng tricycle na pinapasada ng ama ay dumiretso na si Avery sa loob ng paaralan na pinagkuhaan niya Entrance Exam. Ngayon ang araw na malalaman niya ang resulta. At habang patungo sa Registrar's Office, hindi ito tumigil sa pag-usal ng dasal na sana ay makapasa siya.

"Mag-aaral ba siya dito?"

"Kawawa naman!"

"Dapat sa kanya ay nasa bahay lang."

Halos matunaw sa sobrang kahihiyan si Avery nang marinig at mapansin ang mga matang nakasunod ng tingin sa kanya. She had the urge of turning her back to escape such feeling of discomfort, but she felt like she was submerged in a thick mud.

She released an exasperating sigh para payapain ang sarili, bago ipinagpatuloy ang paghakbang. Sinikap niyang lumakad ng normal gamit ang mga saklay para marating ang pakay na lugar.

"Nandito ang pangalan ko!"

"Yes! Pumasa ako!"

"Teka, bakit wala ako dito?"

Nakipagsiksikan si Avery sa mga kabataan na naghahanap nang kani-kanilang pangalan sa anim na coupon band na nakapaskil sa tagilirang dingding ng Registrar. Her eyes immediately googled the lists, but to her great appalled, there's no sign of her name written on it. Nakaramdam ng panghihina si Avery. She tilted her head to pulled her back to fleet away, pero napahinto ito nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang papel na nasa itaas na bahagi at nakahiwalay.

She gasped and agape nang makita niya ang kanyang pangalan na isa sa sampung nakakakuha ng slots for scholarship. Hindi niya napigil ang nadaramang kasiyahan and she shriek with delight.

"Thank you, Lordddd!"

Natahimik ang palagid at lahat nang atensyon ay natuon sa humiyaw na dalagita.
"Sorry," nakangiti nitong hingi ng paumanhin. "Masaya lang ako!"

Matapos muling tiyakin na pangalan nga niya ang nakasulat sa papel ay pinuntahan nito ang paradahan ng mga tricycle kung saan agad niyang ibinalita sa ama ang magandang biyayang natanggap niya.

Ibinida naman ni Teroy sa mga kasamahan sa TODA ang pagkakapasa ng anak. Ipinagyabang pa nito na balang-araw ay magkakaroon na rin siya ng anak na guro.


"UNANG araw mo ngayon kaya dapat magpakitang-gilas ka kaagad!"

"Ano namang gusto mong gawin ng anak natin, Teroy? Tumambling o kumain ng apoy?"

Tulad ni Avery ay excited din ang mga magulang niya sa kanyang pagpasok. Wala kasing isa man sa angkan nang mga ito ang nakatapak ng kolehiyo kaya suportado siya kahit dalawang nilagang kamote lang ang baon niya.

"Huwag kang makikipag-away doon," paalala ng ginoo na binitbit na ang bag ng anak. "Nakakasakit din ang hampas ng saklay!"

Nagkatawanan ang pamilya.

"Tara na! Baka ma-late ka pa!"

"Magpapakabait ka, anak."

"Salamat po, 'nay."

Pinakalma ni Avery ang sarili dahil sa pagbangon ng kaba sa dibdib. Bigla kasi siyang nagkaroon ng agam-agam na baka hindi siya matanggap nang mga tao sa magiging bago niyang mundo. Paano kung maranasan uli niya ang pambabatikos at pangungutya tulad nang tinamo niya mula elementarya hanggang sekondarya?

"Magdasal ka lang." Naramdaman ni Teroy ang pananahimik ng anak, "Gawin mo lang ang tama at huwag kang magpapadala sa mga naririnig mong hindi kaaya-aya sa tenga."

"Opo, 'tay."

Inisip na lamang ni Avery ang kanyang mga pangarap. Kaya naman nang pumasok siya sa silid-aralan at mapako ang tingin sa kanya ng lahat na nasa loob, she raised her face defiantly.


"TATAY?"

"Kaya ko pa..." Sunud-sunod na umubo si Teroy, "Kumusta ang araw mo sa eskuwelahan?"

"Okay naman po." Dinukot ni Avery sa bulsa ng uniporme ang isang medalya at iniabot ito sa ama, "Nakuha ko po ang unang puwesto sa 'Own A Brain'. Patimpalak po 'yun na may kinalaman sa mga pamosong scientists at genuises. Gold medalist po ako. Tinalo ko ang labing-apat na kalahok."

Ngumiti ang ginoo. Ikinulong nito sa mga palad ang medalya at ipinatong sa dibdib. 

"Ipinagmamalaki kita, anak."

"Salamat po, 'tay. Lahat po nang pagsisikap ko ay para sainyo."

Sandali nitong pinagmasdan ang panganay. "Alam mo ba noong isilang ka at sinabi ng doktor na may kapansanan ka sa mga paa, nanghinayang siya at nalungkot. Ang sabi ko, bubuhayin kita dahil darating ang panahon na magiging presidente ka. Tumama ba ako?"

Nakangiting tumango si Avery. Hindi lang siya presidente ng kanilang klase kundi maging nang buong unibersidad. Pinatunayan at patuloy niyang patutunayan sa lahat na hindi kapansanan ang hahadlang sa kanyang mga pangarap.

"Sa tingin ko, tatama uli ako kung sasabihin ko na kahit mawala ako, hindi mo pababayaan ang nanay at mga kapatid mo."

"Tatay naman! Huwag ka pong magsalita ng ganyan!"

Ginagap ni Teroy ang kamay ng anak at masuyo itong pinisil. "Mapapanatag ako dahil nand'yan ka."

"Isang taon na lang po, 'tay. Isang taon na lang. Puwede mo bang hintayin ang araw na muli akong umakyat ng entablado?"

"Magpapahinga na ako, anak."

Humilig si Avery sa dibdib ng ama at binalikan ang mga araw na karga siya nito. She was fortunate to have a good father. Marami mang kulang sa kanya, pinunan naman ito ng pagmamahal.


TUMIGIL muna sa lilim ng punongkahoy si Avery. Pinunasan nito ang pawis sa mukha at ipinaypay ang kamay. Tumingala ito. Nakangiti pa rin ang araw at wala man lang yatang balak magtago sa likod ng mga ulap.

Anim na buwan na rin ang lumipas mula nang pumanaw ang kanyang ama sa sakit na tuberculosis. Kaya naman nang pumasok siya para sa huling taon niya sa kolehiyo ay wala nang naghahatid at sumusundo sa kanya. Wala rin naman siyang pamasahe. May ilan na naaawa at pinapasakay siya, pero karamihan ay dinadaanan o nilalagpasan lang ang kanyang presensiya.

Mula bahay ay nilalakad niya ang tatlong kilometro patungo sa paaralan at pauwi. Tatlong beses na siyang nabalian ng saklay, pero hindi siya sumuko. Hindi ito ang pipigil sa kanya, may mga kamay siya para gumapang.

"Masuwerte ka pa rin," wika nito sa sarili habang nakatingin sa bago niyang mga saklay. Nag-ambag ang kanyang mga guro at ilang kasamahan sa Student's Guild na kanyang kinabibilangan para makabili. "Malapit ka na sa finish line, Avery. Malapit na."

Muling pinagpatuloy ng dalaga ang paglalakad. Ayaw niyang mahuli sa klase.

"Hey! Watch out!"

Hindi na nakalingon si Avery sa sumigaw dahil itinulos na ito sa kinatatayuan habang ang mga nanlaking mata ay nakatuon sa isang sasakyang paikis-ikis sa kalsada na animo'y nawawalan ng kontrol ang nagmamaneho.

She was frozen, panic began escalating through her veins. A chilly fear began creeping on her muscle. She have no choice left than close her eyes and wait for death...

"Gotcha!"

Mabilis na nagmulat si Avery. Natagpuan na lamang nito ang sariling nayayakap nang matitipunong bisig. And at the very front of her, just a few inches, was a handsome face assuring her that she's perfectly safe.

"Are you alright?"

"H-ha?!" biglang natauhan si Avery sa tila pagkakahulog sa malalim na hukay. "I'm fine!" Humiwalay ito sa pagkakayakap ng lalake, "Salamat."

"Here..." Inabot nito sa dalaga ang isang saklay na nasa paanan at dinampot ang isa pa na tumilapon sa 'di kalayuan, "Hindi ka ba nasaktan?"

Umiling si Avery.

"Take an extra care dahil maraming balasubas ngayon sa daan. Bakit ka ba naglalakad? Marami namang sasakyan, ah?"

"Wala kasi akong pamasahe," deretsahan nitong tugon. Bilin sa kanya ng ama na hindi niya dapat ikahiya ang totoo maging ang kanilang estado. "Ikaw din naman naglalakad, ah?"

"Nasiraan lang ako ng sasakyan. Iniwan ko muna sa talyer dahil baka mahuli ako sa klase. Anyway..." Inilahad nito ang palad, "Stanley Delmar."

"Fortress Rock?"

"Unbeatable for three consecutive years," pagbibida ng binata sa kinabibilangang grupo ng Shadow Play mula sa departamento ng Theatre Arts.

Nakangiting tinanggap ng dalaga ang pakikipagkamay nang kaharap. "Avery Rodriguez."

"The famous heiress of Einstein."

They shook their hand for more than a minute while looking at each other's eyes. And Stanley hold his heart as if he is in severe pain. So as Avery na noon lamang nakaramdam nang kakaibang pintig ng puso.


"DON'T mind them!"

"Hindi ka ba talaga nahihiya na makasabay ako sa paglalakad?"

"Why should I?"

Tumigil sa paghakbang si Avery at bahagyang itinaas ang isang saklay, "Baka sakaling hindi mo napapansin."

Mula nang magkita sila ni Stanley ay lagi na silang magkasama kapag nagkakaroon ng libreng oras. Minsan kasi ay hindi nagtutugma ang kanilang panahon sa kaliwa't kanan nilang extra-curricular activities, pero tuwing umaga ay dinadaanan siya nito sa bahay para isakay at ihatid. Pinababaunan na lamang niya ito ng kakanin o nilagang kamote bilang pasasalamat.

"Oh, cut that crap!"
"Ayoko lang napapahiya ka."

"And who would be ashame to walk with the heiress? And by the way, congratulation. Balita ko, pinilay mo ang 'Thrones of Wizard' ng UP."

"Talagang kailangang lagyan mo ng PINILAY word?"

Natawa si Stanley habang napangiti naman ang dalaga na muling naramdaman ang kilig at kiliti sa puso.

"Hindi uli kita maiimbitahan sa loob, ha?"

"And that puzzled me," pinahaba nito ang leeg sa pagtanaw sa maliit na bahay.

"Uhm, pasensiya ka na. Hindi pa rin kasi matanggap ni Nanay ang pagkawala ng tatay namin. She was still in bad shape, baka magalit kapag nakita ka."

"Ngayon naiintindihan ko na. Akala ko may artista kang itinatago sa loob na ayaw mong ipakita sa akin," pagbibiro nito. "Sunduin na lang ulit kita bukas."

"Salamat. Mag-iingat ka."

"Ikaw rin."

Hinintay muna ni Avery na makaalis ang kotse ng binata bago ito pumasok. At nadatnan na naman niyang nakatulala ang ina sa kawalan. Nagmano siya dito.

"Hindi pa ba umuuwi ang tatay mo?"

Naupo ang dalaga. Itinabi nito ang saklay at ginagap ang mabutong kamay ng ina na noon ay malalakas pa sa paglalabada. "Inay, alam ko kung gaano kasakit ang pagkawala ni Tatay..."

"Wala na si Teroy? Nasaan siya?"

"Patay na siya, 'nay."

Nag-unahan sa paggulong ang mga luha ni Dolor. Mabilis naman itong pinahid ni Avery.
"Nandito pa kami, 'nay. Lima pa kami na makakasama mo."

Napahagulhol ang ginang.

"Lahat tayo dito ay nasasaktan, pero gusto ni Tatay na maging matatag ang bawat isa sa atin."

Aaminin ni Avery na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kanyang ama, pero kung magpapatalo siya sa emosyon at pagsubok ay bibiguin niya ang binitiwang pangako dito. She won't fail her father.

Bilang panganay, kailangan niyang maging malakas at matatag. Inutil man ang kanyang mga paa, hindi siya nagpakita ng kahinaan sa pamilya. Though sometimes she felt lost out at the sea, just waiting for the tide to push her which way to paddle, iniisip na lang niya ang kanyang mga pangarap. All it takes was the courage and perseverance to make a step closer to victory.

Kinakausap niya ang mga kapatid na magtulungan sila. At gamit ang pera mula sa nakuhang abuloy ay nagsimula siyang magluto nang mga kakanin na ipinapadala niya sa mga ito para ibenta sa eskuwelahan. Tumanggap din siya ng labada. Pinasok din niya ang pagiging tindera sa palengke kapag walang klase. At maging ang paggawa ng mga report o thesis ng ilang estudyante na tamad mag-aral.

She worked like a mad dog. Kung puwede nga lang ay huwag na siyang magpahinga. Mabuti at mabait sa kanila ang Diyos kahit may mga pagkakataong nawawalan na siya ng tiwala.

"Nanay, nami-miss ka na namin. Hindi po magiging masaya si Tatay kung makikita ka niyang nagkakaganyan na para na ring nawala sa amin."

Tila biglang natauhan si Dolor sa narinig. Napatitig ang luhaan nitong mga mata sa kaharap, "A-anak?"

"Mahal ka po namin at nandito lang kami para alagaan ka. Balang-araw, makakasama din naman ulit natin si Tatay. Mabubuo uli tayo."

"Patawad, anak. Patawad kung naging mahina ako. Nasanay lang akong laging nasa tabi natin ang tatay mo."

"Naiintindihan ko po, 'nay. Naiintindihan ko. Magsimula uli tayo..."


AVERY'S train of thougth brought her back to the present as she heard a loud cheers. At mula sa pagkakatayo sa harap ng mikropono ay hinanap nang mga mata nito ang kinaroroonan ng kanyang pamilya.

"How we struggled and overcoming life's hard times determined our success. We should not let failures ruin ourselves. Failures are not hindrance but a ladder to success. Through failures, we would able to see our mistake and from that, we will grow spiritually, mentally and most especially, it will enable us to be a better person. God will not give us such problem if He knows that we can't handle it. And I would like to take this opportunity to extend my heartfelt gratitude to my family for being there for me through thick and thin.If it wasn't for all of you, I would never be who I am."

Nadako ang tingin ng dalaga sa direksyon ni Stanley na ngumiti at kumaway sa kanya. Ito ang isa sa mga taong gusto niyang pasalamatan. At kukunin na niya ang pagkakataong iyon.

"God gave me you. Hindi lang bilang isang kaibigan kundi tagapagtanggol. I saw a GLEAM OF HOPE everytime you walked with me, unashamed."

Lumapad ang ngiti ng binata. Sumaludo ito kay Avery.

"Ang pag-asa ay para lamang sa mga taong marunong maghintay. Everyone of us was listed on God's timetable. Mine just arrive..." Itinaas nito ang mga medalya na nakasukbit sa leeg, "Hiniling ko lang na makapagtapos ng kolehiyo. I didn't expect that He will give me more than to what I prayed."

Pumalakpak at nagsitayuan ang lahat ng dumalo sa graduation. Bawat isa ay humanga sa katatagan at determinasyon nang napiling Suma Cum Laude. Angkin man nito ang kapansanan, nanatili itong matapang sa pagharap sa mga hamon ng buhay.


"TINUPAD ko ang pangako ko, 'tay."

Isa-isang sinulyapan ni Avery ang mga kapatid maging ang ina na nakaupo sa wheelchair.

"Nakapagtapos na kaming lahat at maayos na rin ang buhay namin. Sayang dahil hindi mo na inabutan ang narating naming tagumpay."

"Siguradong bidang-bida na naman niya tayo kay San Pedro!"

Nagkatawanan ang lahat sa biro nang isa sa magkakapatid.

"Talagang lagi niya kayong ipinagmamalaki," wika ni Dolor.

Lumuhod si Avery sa harap ng ina. "Masuwerte lang kami dahil kayo ang naging magulang namin. Salamat sainyo ni Tatay."

Nagyakapan ang pamilya.

" Tama na muna ang drama..."

Nadako ang tingin ng lahat sa pagdating ni Stanley na may bitbit na kahon ng cake.

"Para saan naman 'yan?" pagtataka ni Avery.

"Matanda ka na talaga!" asik ng binata. "Nakalimutan mo na ba na ito ang araw na una kong nahawakan ang saklay mo?"

Namula ang dalaga.

"Biro lang! Frienship Day natin ngayon," inilabas nito ang cake at tinirikan ito ng isang kandila. "At siyempre sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon para humingi ng permiso sa pamilya mo na ligawan ka."

"Tumigil ka nga!"

"O, bakit? Wala namang masama dahil dalaga ka, binata naman ako."

"Huwag ka nang magpakipot!" sulsol ng pamilya.

Humakbang si Stanley sa harap nang namumulang kaibigan. "Puwede ba?"

"Puwedeng ano?"

Itinaas nito ang tangan na cake. "Puwede bang sabay nating ihipan ang kandila at hilinging tayo na lang hanggang huli?"

Ngumiti muna si Avery bago pumikit.



***W A K A S***

No comments:

Post a Comment