Dahil sa hirap ng buhay kailangang magtrabaho sa ibang bansa ni Nica. Ni sa hinagap ay hindi nya inisip na mapadpad sya sa bansang Hongkong, dahil may matatag na trabaho na sya sa isang kompanya bilang isang sekretarya.
Ngunit kinukulang pa rin ang kanyang kinikita sa pang-araw-araw ng kanilang gastusin. Si Nica ang panganay sa kanilang tatlo na magkakapatid. Ang sumunod sa kanya ay si Ruby, nag-aaral sa kolehiyo sa kanyang kinukuhang kursong Educational. Hindi pinalad na makapasa sa examination sa isang kilalang state of university. Kaya sa isang pribado sya nakatakdang mag-enrol sa darating na pasukan. At dahil may kamahalan ang tuition fee kaya todo kayod sa trabaho ang ginagawa ni Nica.
Lagi itong nag oovertime para madagdagan ang kakaunting nyang kinikita sa kanyang pinapasukang kompanya.
Ayaw na sana mag-aral pa sa kolehiyo ni Ruby dahil pinanghinaan na ito ng loob dahil sa hindi napasama ang kanyang pangalan sa mga nakapasa sa exam na iyon.
Malaking tulong sana kung nakapasa sya dahil pamasahe at mga project na lamang ang kailangang gastusin sa pag-aaral nya.
"Ate magtratrabaho na lang ako, kahit sales lady tatanggapin naman ako, pasado naman ako sa height at madali lang ang requirements duon, atleast high school graduate pwede na" ang wika nya sa kanyang ate Nica.
"Anong magtratrabaho ka dyan, mag-aaral ka ok, akong bahala sa magiging tuition fee mo, total naman malapit na ako sumahod sa paluwagan pwede mo ng pang-enrol yon " wika ni Nica sa kapatid.
"Anong magagawa ko kung wala akong kinita sa pamamasada? Mahina ang byahe, sa hirap ng buhay ngayon nilalakad na lang ng mga tao ang pagpasok kung malapit-lapit lang din ang papasukan nila sa trabaho, ang iba naman ay may kanya-kanya ng single motor na ginagamit, at kung susuwertehen naman ako sa pamamasada minsanan lang kung mangyari, mas madalas mahina ang kita " wika ni Mang Ambo sa kanyang asawa.
"Tay wag na po kayo mamasada, kaya ko naman po suportahan ang pang-araw-araw natin na pangangailangan sa sinusweldo ko."
"Naku anak, kaya ko pa naman ang mamasada at saka nag-aaral pa ang dalawa mong kapatid, may binabayaran pa tayo sa tubig at kuryente, aba'y mabuti na lang at wala tayong binabayaran sa tinitirhan natin dahil minana ko pa ang bahay na ito sa mga namayapa kong magulang. "
"Tama ang Itay mo Nica, total naman kaya pa namin ang kumita ng pera kaya sa abot ng aming makakaya ayaw naming maging "ng din ang mga pinagpaguran nyo makapagtapos lang ako " seryosong sabi ni Nica sa kanyang magulang.
"Gusto namin anak kahit paano makabawas din kami sa mga gastusin dito sa bahay. Hindi sa lahat ng panahon kami lang ang aasikasuhin. May sarili ka ring buhay na dapat asikasuhin" saad ni Aling Caring sa panganay na anak na si Nica.
"Ang inay talaga, 23 yrs.old pa lang naman ako, hindi pa ako mahuhuli sa byahe. Naiintindihan naman po ako ni Jason. Napagkasunduan namin na magpapakasal kami kapag nakagraduate na si Ruby sa college. "
"Talaga anak? Talagang swerte ka dyan sa boyfriend mo, bukod sa gwapo na, mabait at maalalahanin pa sa aming pamilya mo. Kapag dadalaw yang si Jason dito sa bahay laging may dalang pasalubong hindi lang sayo, pati sa amin ng mga kapatid mo. "
"Kaya nga po mahal na mahal ko si Jason dahil hindi lang ako ang mahal kundi pati kayong mga pamilya ko " nakangiting wika ni Nica.
"Hangad na lang namin ng Inay mo anak ay maging matatag ang inyong relasyon ng nobyo mo. Anumang pagsubok ay wag nyong isuko ang pag-iibigan nyong dalawa. Alalahanin mo may kaya sa buhay si Jason, may sariling business na pinamamahalaan. At karamihan sa alam kong mga ganyang pamilya ayaw ng magulang na makapag-asawa ang mga anak nila ng hindi nila kauri " aniya ni Mang Ambo sa anak.
Hindi nakakibo si Nica sa tinuran ng ama. Alam nyang may punto ito sa sinabi dahil batid nyang hindi buto sa kanya ang mga magulang ng nobyo. Nuong ipakilala kasi sya sa mga ito ay ramdam nya ang malamig nitong pakikitungo sa kanya.
"Ma, Pa, si Nica po girlfriend ko" pakilala ni Jason sa kanyang magulang.
"Ganon ba? Ano naman trabaho ng mga magulang mo hija? " tanong ng mama ni Jason kay Nica.
"Ang tatay ko po namamasada ng jeep, ang Inay ko naman po ay nagtitinda sa palengke."
"Ilan naman kayong magkakapatid? "
"Tatlo po lahat kaming magkakapatid ako po ang panganay " sagot ni Nica sa tanong ng mama ng nobyo.
"Masyado pa kayong mga bata, pag-aaral muna ang intindihin nya bago ang personal nyong damdamin " sabat ng papa ni Jason.
"I know naman po papa, magtatapos muna kami ng pag-aaral ni Nica. Tapos mag-iipon muna kami bago kami magplanong magpakasal. "
Kaya ng makatapos ng pag-aaral ang magkasintahan ay sinabi ni Nica sa kasintahan na pagtatapusin muna nya ng pag-aaral ang kanyang kapatid na si Ruby. Atleast kahit si Ruby na ang bahala mag-asikaso sa pag-aaral ng kanilang bunsong kapatid na lalaki si Jerwin.
Hindi naman tumutol ang nobyo sa kanyang hiling dito. Naiintindihan nito ang kanyang sitwasyon. Ayaw isipin ng binata na magiging kontrabida sya sa buhay ng nobya kung hahadlangan nya ang mga plano nito sa buhay para sa pamilya.
Mahal na mahal nila ang isa't-isa, lalo na at parehas nilang first love ang bawat isa. Kaya sa lahat ng bagay ay nagkakasundo sila. Bawat isa'y nagkakaroon ng pagkakaunawaan. Ayaw nilang masaktan ang sinuman sa kanilang dalawa. Nagkakatampuhan man ay agad din silang nagkakasundo.
Matapos mag-usap-usap ang pamilya ni Nica matapog kumain ng hapunan ay tumayo na ang kanilang mga magulang para makapagpahinga. Ang kanilang ama ay napagod sa pamamada, samantalang ang kanilang ina ay sa pagtitinda ng barbecue simula ng hindi na ito magtinda sa palengke.
Mas pinili ng ina ni Nica na sa bahay na lang nila magnegosyo dahil nakakatulong-tulong naman nya ang dalawa nyang anak na si Ruby at Jerwin sa pagtitinda.
Lahat ng mga kapitbahay nila ay hanga sa kanilang pagsasamahang buong pamilya. Dahil bawat isa'y nagtutulungan para kumita ng pera.
Hindi gaya ng iba na porket naipagtapos na ng pag-aaral ang isa sa mga anak ay inaasa na lahat dito ang responsibilidad sa pamilya.
Ang mga magulang ni Nica ay iba ang prinsipyo, katwiran ng mga ito hanggang kaya nila magbanat ng buto ay ayaw nilang basta na lamang tumunganga at maghintay ng grasya na darating.
Habang naghuhugas ang dalawang magkapatid na Nica at Ruby ng mga pinggan ay nagtanong si Ruby sa kanyang nakakatandang kapatid.
"Ate may tatanong ako sayo? "
"Anong itatanong mo Ruby? "
"Ah, kasi ....."
"Anong ah? Anong kasi? Sabihin mo na nga binibitin mo pa ko dyan " inis na sabi ni Ruby sa kapatid halata ang pagkainis sa pambibitin ng kapatid sa gusto nitong sabihin.
"Ano kasi ate, ano bang feeling ng inlove? " wikang sabi ni Ruby na nahihiya pang sabihin.
"Sus.... yon ba ang itatanong mo sakin? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Alam mo malalaman mo lang nainlove ka kapag gusto mo sya laging makita, kapag napa tugs-tugs-tugs nya ang puso mo, kapag nabablangko ang isip mo sa tuwing nakikita mo sya, kinikikig ka sa tuwing ngumingiti sya, yong simpleng "hi" lang nya libong-libong kasiyahan na yong nararamdaman mo, siya ang una mong naiisip paggising mo sa umaga " nakangiting sabi ni Nica na habang nakatingin sa kanilang kisame. Halata pa mukha na nito na inlove na inlove pa rin kahit apat na taon na ang relasyon nila ni Jason. Naging saksi si Ruby sa pag-iibigan ng kanyang ate Nica at nobyo nito.
"Ganon pala yon ate? Ganon pala yong naramdaman mo ng mainlove ka kay kuya Jason? " nakangiting sabi ni Ruby.
"Bakit mo tinatanong ang bagay na iyon, .bakit nainlove ka na ba? " sabay kiliti nito sa nakababatang kapatid.
"Ano ba ate nakikiliti ako? Tama na. "
"Titigil ako kapag sinabi mo sakin ang totoo? "
"Eh ano naman ang aaminin ko? Parang nagtatanong lang naman " tawa-tawa pa rin ng tawa si Ruby dahil hindi pa rin sya tinitigilan ni Nica sa kakikiliti.
"Umamin ka na kasi. Ah, ayaw mong umamin ha, susumbong kita kina Itay at Inay, sasabihin ko may boyfriend ka. "
Akma na sanang sisigaw si Nica para tawagin ang mga magulang ng awatin sya ng kapatid.
"Ate huwag! Sige na nga aaminin ko na " pigil ni Ruby sa kanyang ate Nica, natakot ito na totohanin ang sinabi, pero ang totoo tinatakot lang ito ni Nica para umamin. Naiintindihan naman nya ang kapatid, dahil sa edad nitong desesyete natural lang na umusbong sa murang edad nito ang ganoong damdamin dahil dumaan din sya sa ganong sitwasyon pinalad lang na naging maganda ang takbo ng lovelife nya.
Hiling lang nya sana ganoon din ang mangyari sa kapatid at kung mabigo man ito at masaktan, sana naman ay makayanan ng kapatid. Dahil hindi lahat ng naiinlove ay may happy ending.
Kung ayaw mong itakwil ka namin bilang anak namin, ay sundin mo kung ano ang gusto namin mangyari. Pakasalan mo si Danica, dahil nalulugi na ang negosyo natin pupulutin tayo sa kalye kapag nangyari yon. " ang sabi ng ina ni Jason.
Nalulugi na ang kompanya nila na pinalago ng kanyang mga magulang. Isang garment factory ang negosyo ng mga ito. Nagsimula lang ito dati sa maliit, hanggang sa napalago. Mga pantalon ang produktong tinatahi.
Marami na rin ang naipundar ng mga magulang sa negosyong iyon, nakabili sila ng sariling house and lot. Sariling sasakyan. Unti-unti ring nakapagpundar ng mga kasangkapan sa bahay.
Mula ng makagraduate sa kolehiyo si Jason ay sya ang katu-katulong ng mga magulang sa pamamahala ng kanilang negosyo. Samantalang ang kanyang bunsong kapatid na lalaki ay kasalukuyan pang nag-aaral at isang taon na lang ay gragraduate na rin ito kursong katulad din ng kinuha nya ang business management. Yon ang kursong pinakuha sa kanila ng kanilang mga magulang dahil ayon sa mga ito yon lang ang dapat dahil hindi magtatagal at sila na rin ang hahawak at magpapalago ng negosyong itayo ng mga ito. Hindi naman sila tumutol sa gusto ng kanilang magulang.
"Mama hindi maaari ang gusto ninyo, hindi ko mahal si Danica, si Nica ang mahal ko at hindi naman lingid sa inyo ang relasyon naming dalawa. Alam kong hindi kayo boto sa kanya nuon pa, pero hindi nyo pwede panghimasukan ang damdamin ko Mama. Mahal ko si Nica, kaya sya lang ang dapat kong pakasalan. " matatag na wika ni Jason sa ina.
" Yan ba ang natutunan mo sa babaing iyon, sinasagot mo na ako ng pabalang . "
" Walang kinalaman dito si Nica kung bakit ko kayo nasasagot Mama, nagagawa ko to dahil hindi ko gusto ang isang bagay na pinapagawa nyo sakin. Kaylanman hindi ko matutunang mahalin si Danica, kaibigan lang ang turing ko sa kanya. " saad ni Jason.
" Ano bang ayaw mo kay Danica anak, maganda naman sya, sexy, matalino at higit sa lahat mayaman anak. Matutunan mo din syang mahalin pagkasal na kayo, maniwala ka anak. "
" Yan ang akala nyo Mama, pero iba ang prinsipyo ko ang puso kaylanman hindi kailangang turuan kundi kusang nararamdaman yan. "
" Hu.... kalokohan yang puso-puso na yan, sabihin mo yan pagnalaman mo ang totoong dahilan kung bakit kita pinipilit pakasalan si Danica. " sabi ni Dolores sa anak.
" Anong ibig nyong sabihin Mama, anong pwedeng maging dahilan? " takang tanong ni Jason sa kanyang ina.
" Natalo sa sugal ang papa mo, at kahit ebenta pa natin itong bahay natin, at mga kagamitan kulang pa. Nakaloan pa sya ng malaking halaga sa lending. Para masurvive ang negosyo natin subalit walang nangyari, lumaki lang ang interes na inutang ng papa mo, hindi pa nababayaran.
" mahabang paliwanag ng mama ni Jason.
" Ano po Mama? " gulat na sabi ng binata.
" Yan na nga ba sinasabi ko, ang pagkahilig ng papa sa sugal, ang sugal hindi sa lahat ng oras ay panalo ka, kadalasan dyan ay natatalo. Paano na tayo ngayon, sa kangkungan tayo pupulutin. " mahabang sabi ni Jason.
" At hindi lang sa kangkungan tayo pupulutin makukulong pa ang papa mo sa utang nya sa sugal. Anak, may sulosyon pa naman para hindi natin sapitin ang ganong bagay, hindi pa malalagay sa kahihiyan ang pamilya natin. Pakasalan mo si Danica tiyak lahat ng kinatatakutan nating mangyari ay mareresolbang lahat. Malaki ang gusto sayo ni Danica, kita mo naman kahit may girlfriend ka na panay pa rin ang paramdam nya sayo. Swerte mo na anak sa kanya dahil sa mga mayayamang nanliligaw sa kanya ay sayo pa rin sya umaasa na makamit ang pag-ibig mo. "
Tama ang sinabi ni Dolores sa anak, malaki ang pagkagusto ni Danica kay Jason. Lagi itong nagpupunta sa kanilang bahay at laging kakwentuhab nito ang kanyang ina. Maganda si Danica, sexy at matangkad, maputi at makinis ang balat. Mahahalintulad sa sexy star na si Angelika Panganiban.
Buong gabi hindi halos nakatulog si Jason, nag-aagaw ang pagmamahal nya sa pamilya at sa kasintahang si Nica. Ngunit sa huli umiral pa rin ang kanyang pagiging anak. Hindi nya maaatim na makulong ang kanyang ama at makita sa lansangan ang kanyang ina at kapatid. Kung may magagawa rin naman sya para hindi mangyari ang ganoong kahabag-habag na kalagayan ng kanilang pamilya.
Hindi rin makakaya ni Jason na mabilad sa kahihiyan ang kanilang pamilya. Kaya para hindi mangyari yon kelangan nya isakripisyo ang kanyang pansariling damdamin. Ipagtatapat nya kay Nica ang totoong dahilan kung bakit gusto na niyang tapusin ang kanilang relasyon, siguro naman ay maiintindihan sya nito.
Pagkagising kinabukasan ay nangangalumata ang dalawang mata ng binata, halatang hindi ito nakatulog ng nagdaang gabi.
Pagkapunta nya ng dining room upang makapag-almusal ay naroon na ang kanyang mama at papa. Halatang sya talaga ang hinihintay nito.
" Gising ka na pala anak, maupo ka muna ng makapag-almusal ka na sumabay ka na sa amin ng Mama mo. Pumasok na pala ang kapatid sa school, kaya tayo na lang magsalu-salo ngayon " sabi sa kanya ng 'kanyang papa.
" Oh anak, napag-isipan mo na ba "ang sinabi mo ko sayo kagabi. Alam kong hindi mo kami kayang biguin. " wika ng kanyang Mama.
" Opo Mama, halos hindi ako nakatulog kagabi, payag na po ako makasal kay Danica. " malungkot na sabi ng binata.
"Salamat anak, alam kong malaking sakripisyo itong gagawin mo, batid namin ng mama mo kung gaano mo kamahal ang kasintahan mong si Nica. Pero matutunan mo ring mahalin si Danica. " saad ng kanyang Papa.
" Sana nga po, sana kaya kong matutunang mahalin din si Danica, gaya ng pagmamahal ko kay Nica. Dahil si Nica lang ang unang babaeng babaeng minahal ko sa buong buhay ko. " malungkot pa ring sabi ni Jason sa harap ng hapag-kainan.
" Aalis muna ako Papa, Mama. " paalam ni Jason at saka tumayo
" Hindi mo pa nauubos yang kape mo at sinangag ah, uubusin mo muna yan bago ka umalis anak " ang sabi ni Dolores sa anak.
"Hindi na pi Mama, wala akong gana, dahil sa bigat na nararamdaman ko ngayon sa puso ko. "
" Sorry anak kung pati kaligayahan mo nadamay sa nangyayari sa pamilya natin ngayon. "
" Wag nyong isipin yon, natural lang na isipin ko ang kapakanan ng pamilya natin, " pagkatapos sabihin nun ay agad ng humakbang palabas ng kanilang bahay ang binata.
" Napailing na lang ang mag-asawa, alam nilang labag sa kalooban ng kanilang anak ang gagawin nitong pagpapakasal kay Danica. Si Danica lang kasi ang alam nilang pwedeng magsurvive sa kanilang pamilya. At kailangan pakasalan ito ni Jason dahil ito ang gusto ng mga magulang ni Danica. Para sila na ang bahalang magbayad ng kanilang malaking pagkakautang.
" Hayaan na muna natin ang anak natin makapag-isip mag-isa, mahirap sa kanya ang gagawin nyang ito para sa pamilya natin. " wika ni Alberto sa asawang si Dolores.
Nakipagkita si Jason sa nobyang si Nica. At nagpunta sila sa paborito nilang lugar na puntahan tuwing magkikita silang dalawa sa Rizal Park. Naupo sila sa isang bakanteng upuan, pero napansin ni Nica ang nobyo na kanina pa ito walang kibo at balisa.
" Babes, may problema ka ba? Kanina ko pa kasi napapansin na tahimik ka at balisa, anong nangyayari sayo, pwede mo naman sabihin kung may problema ka baka sakaling may maitulong ako sayo. "
" Babes may ipagtatapat ako sayo, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sayo " sabi ni Jason sa dalaga.
" Ano ba yon babes? Anong klaseng problema ba yan, parang napakalaking problema naman yan at hirap na hirap kang sabihin sakin. Sige na sabihin mo na, makikinig ako. " seryosong sabi ni Nica.
" Ikakasal na ako kay Danica pero maniwala ka ikaw ang mahal ko. "
" Anong sinabi mo? Nagbibiro ka ba? Hindi nakakatawa klase ng biro mo Jason. " halos maiyak-iyak na sambit ni Nica kay Jason.
" Totoo ang sinabi ko Nica, ikakasal na ko kay Danica kaya kelangan na nating tapusin ang relasyon nating dalawa. "
Halos mabingi sa kanyang narinig si Nica. Pakiramdam nya'y nanigas ant buo nyang katawan, naninginginig ang bawat himaymay ng kanyang mga laman ng mga sandaling iyon.
"Hindi...... hindi maaari. Paanong.... ? Paano mo nagawa ang ganitong bagay na to sakin Jason. "
" Sandali Nica magpapaliwanag ako. "
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Jason mula sa kamay ng kanyang nobya.
" Ano pa bang dapat mo ipaliwanag sakin? Malinaw lahat ang narinig ko, isa kang manloloko, pinaasa mo lang ako sa wala. Ang galing mo, napaniwala mo kong mahal na mahal mo talaga ako. Dahil ba sa sa isa lang akong mahirap hindi nababagay sa pamilya nyo. Kaya ba si Danica ang pakakasalan mo dahil isa syang mayaman. " nanggagalaiti na sabi ni Nica.
" Hindi mo naiintindihan kung bakit ko sya pakakasalan, hayaan mo munang makapagpaliwanag, " ang pakiusap ni Jason at hinawakan nito ang kamay ng nobya pero nagpumiglas ang dalaga.
" Wag na wag mo akong hahawakan. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko sayo sa mga oras na to? Sagad na sagad ang galit na narito sa puso ko para sayo. Pakiramdam ko pinipiga sa sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Bakit mo nagawa sakin ang bagay na to? Minahal kita ng buong puso, tapos ganito lang ang igaganti mo, anong klase kang tao, wala kang puso. " galit na galit na sabi ni Nica.
Hindi na nagawa pang makapagpakiwanag ni Jason, dahil ayaw rin naman sya pakinggan pa ni Nica ang mga sasabihin nya. Hindi na lamang nya pinilit pang paliwanagan si Nica. Tama na rin yon na, hahayaan na lamang nya na isipin ng nobya na pinagtaksilan nya ito kaysa ang aaminin nya ang totoong dahilan kung bakit sya nakikipagkalas at kung bakit sya magpapakasal kay Danica. Ayaw nyang maawa ito sa kalagayan nya.
" I'm sorry Nica, sana makahanap ka ng lalaking mamahalin ka ng totoo, hindi katulad ko na sinaktan ka lang at pinaluha " yon ang sinabi ni Jason kay Nica at pagkatapos nun ay nilisan na nya ang lugar na iyon.
Masakit kay Jason ang naging desisyon nyang iyon. Pero alang alang sa kapakanan ng kanyang pamilya ay handa nyang isakripisyo ang kanyang pansariling kaligayahan. Inisip na lang nya matutuhan din nyang mahalin si Danica dahil mabait naman ito.
Hindi na napigilan pa ni Nica anf kanina pang luha na gustong bumulalas sa kanyang mga mata pagkaalis ni Jason. Pakiramdam nya ay sasabog ang dibdib nya sa sobrang sakit. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso nya matapos na sabihin sa kanya ng nobyo na magpapakasal na ito sa ibang babae.
" Pano mo nagawa sakin ang ganitong kasakit na bagay, bakit nagawa mo kong saktan, ganong alam na alam mo naman kung gaano kita kamahal? Sayo lang umiikot ang mundo, kahit pagod ako sa trabaho nawawala iyon dahil palagi kang andyan sa tabi ko. Nasanay akong kapag uwian ko na sa trabaho lagi kang nakaabang para sunduin ako. " umiiyak na sabi ni Nica sa sarili habang pinupunasan ng panyo ang mga luhang naglalandas sa kanyang magkabilang pisngi.
Matagal na sandali na walang humpay sa pag-iyak si Nica. Sobra nyang dinamdam ang nangyaring break-up sa kanilang dalawa ni Jason. Nang biglang may tumawag sa kanyang cellphone sa hawak na bag. At ng tingnan nya ang caller ay pangalan ng kapatid na si Ruby ang tumatawag, naguguluhan man kung bakit napatawag ito dahil hindi naman nito ugali ang tumatawag kung hindi lang naman importante.
" Hello Ruby! Oh, bakit ka napatawag. "
" Hello ate " sagot sa kabilang linya at umiiiyak ito, " biglang kinabahan si Nica.
" Bakit Ruby, bakit ka umiiyak anong nangyari? "
" Ate pumunta ka agad dito sa ospital, si Itay naaksidente nabangga ng truck yong minamaneho nyang dyip, ayon sa mga nakakita nawalan daw ito ng preno yong minamanehong sasakyan ni Itay. " sabi ni Ruby sa kabilang linya, patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
" Ano saan ospital yan? Kamusta na si Itay, nagkamalay na ba sya, ha Ruby? " sunud-sunod na tanong ni Nica sa kapatid.
" Kasalukuyan pa syang nasa emergency room, andito nga kami ni Inay at Jerwin, hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang doctor na naassign kay Itay. "
" Diyos ko ano bang pagsubok itong binigay nyo sakin, paskong-pasko puro problema at sakit ng kalooban ang natanggap ko ngayon. Ano bang nagawa kong mali at pinaparusahan nyo ko ng ganito.
"Hello ate andyan ka pa? tanong sa kabilang linya.
" Oo Ruby andito pa ko, sige pupunta ako dyan hintayin nyo ako dyan. " sabi ni Nica sa kapatid at saka pinatay na ang hawak na cellphone a nilagay na uli sa shoulder bag na hawak niya.
" I'm sorry Nica, sana makahanap ka ng lalaking mamahalin ka ng totoo, hindi katulad ko na sinaktan ka lang at pinaluha " yon ang sinabi ni Jason kay Nica at pagkatapos nun ay nilisan na nya ang lugar na iyon.
Masakit kay Jason ang naging desisyon nyang iyon. Pero alang alang sa kapakanan ng kanyang pamilya ay handa nyang isakripisyo ang kanyang pansariling kaligayahan. Inisip na lang nya matutuhan din nyang mahalin si Danica dahil mabait naman ito.
Hindi na napigilan pa ni Nica anf kanina pang luha na gustong bumulalas sa kanyang mga mata pagkaalis ni Jason. Pakiramdam nya ay sasabog ang dibdib nya sa sobrang sakit.
Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso nya matapos na sabihin sa kanya ng nobyo na magpapakasal na ito sa ibang babae.
" Pano mo nagawa sakin ang ganitong kasakit na bagay, bakit nagawa mo kong saktan, ganong alam na alam mo naman kung gaano kita kamahal? Sayo lang umiikot ang mundo, kahit pagod ako sa trabaho nawawala iyon dahil palagi kang andyan sa tabi ko. Nasanay akong kapag uwian ko na sa trabaho lagi kang nakaabang para sunduin ako. " umiiyak na sabi ni Nica sa sarili habang pinupunasan ng panyo ang mga luhang naglalandas sa kanyang magkabilang pisngi.
Matagal na sandali na walang humpay sa pag-iyak si Nica. Sobra nyang dinamdam ang nangyaring break-up sa kanilang dalawa ni Jason. Nang biglang may tumawag sa kanyang cellphone sa hawak na bag. At ng tingnan nya ang caller ay pangalan ng kapatid na si Ruby ang tumatawag, naguguluhan man kung bakit napatawag ito dahil hindi naman nito ugali ang tumatawag kung hindi lang naman importante.
" Hello Ruby! Oh, bakit ka napatawag. "
" Hello ate " sagot sa kabilang linya at umiiiyak ito, " biglang kinabahan si Nica.
" Bakit Ruby, bakit ka umiiyak anong nangyari? "
" Ate pumunta ka agad dito sa ospital, si Itay naaksidente nabangga ng truck yong minamaneho nyang dyip, ayon sa mga nakakita nawalan daw ito ng preno yong minamanehong sasakyan ni Itay. " sabi ni Ruby sa kabilang linya, patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
" Ano saan ospital yan? Kamusta na si Itay, nagkamalay na ba sya, ha Ruby? " sunud-sunod na tanong ni Nica sa kapatid.
" Kasalukuyan pa syang nasa emergency room, andito nga kami ni Inay at Jerwin, hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang doctor na naassign kay Itay. "
" Diyos ko ano bang pagsubok itong binigay nyo sakin, paskong-pasko puro problema at sakit ng kalooban ang natanggap ko ngayon. Ano bang nagawa kong mali at pinaparusahan nyo ko ng ganito.
"Hello ate andyan ka pa? tanong sa kabilang linya.
" Oo Ruby andito pa ko, sige pupunta ako dyan hintayin nyo ako dyan. " sabi ni Nica sa kapatid at saka nilagay na uli sa shoulder bag na hawak niya ang cellphone.
Pakiramdam ni Nica ay pinagsakluban sya ng langit at lupa ng mga oras na iyon.
Kakabreak lang nila ni Jason at hindi pa sya nakakarecover sa sakir na nararamdaman ng pagtataksil na ginawa sa kanya ng nobyo ay isang dagok na namang problema ang dumating sa kanyang buhay. Naaksidente ang kanyang ama at ngayon ay hindi nya alam kung ano na ang kalagayan nito na kasalukuyang nasa emergency room.
Agad na tinapos ni Nica ang luhang kanina pa tumutulo sa mga mata nya dulot ng pananakit sa puso ng lalaking minahal nya ng lubos. Naisip nyang sayang lang ang mga luha nya para sa walang kwentang lalaking katulad ni Jason.
Namumugto ang mga matang tumayo si Nica. Nilisan nya ang lugar kung saan sila lagi pumunta ni Jason, ang lugar na naging saksi sa masaya nilang pagmamahalan dahil huwad lang pala ang mga pinapakita sa kanya ng lalaking inakala nyang makakasama nya hanggang sa sya'y tumanda.
Tinungo ni Nica ang eksaktong lugar na sinabi ng kapatid nyang si Ruby.
Pagkarating nya ng ospital ay dumiretso na agad sya ng emergency room. Duon ay nakita nya ang dalawa nyang kapatid na sina Ruby at Jerwin kasama ang kanilang ina.
Nilapitan nya agad ang mga ito at pagkakita sa kanya ng ina ay niyakap sya nito agad, tuluyan na itong napaluha.
" Nica ang Itay mo, " umiiyak na sabi ng kanyang ina.
" Bakit inay, kumusta ang Itay, anong sabi ng doktor? "
" Sabi ng doctor nakumatos daw ang itay mo at hindi lang iyon, naapektuhan ang mga mata nya dahil sa mga bubog na tumama sa mata bunga ng pagkakauntog sa salamin ng dyip na minamaneho nya. Ano ba namang pagsubok itong dumating satin, magpapasko itong sinapit ng pamilya natin. Bakit tayo pa ang binigyan nya ng ganitong problema, saan tayo kukuha ng pera para sa pang opera ng papa mo at sa mga gamot na kailangan nya. " mahabang sabi ng ina ni Nica.
" Wag ka mawala ng pag-asa nay, akong bahala gastusin, yong sasahurin ko sa paluwagan iyon muna ang gagamitin natin, at kung kukulangin mag loloan ako sa SSS ko. Ikaw Ruby, pasensya na pero hindi ka muna makakapasok ngayong pasukan sana maintindihan mo. " ang wika ni Nica saka ito bumaling ng tingin sa kapatid na babae.
" Ok lang ate, naiintindihan ko, " ang sagot ng kapatid nyang si Ruby.
" Wag ka mag-alala sa next semester matutuloy na ang pag-eenrol mo sa kolehiyo. "
" Ok lang ate kahit hindi na ako makapagkolehiyo, magtratrabaho na lang ako para makatulong din ako sa mga gastusin at pagpapagamot ni Itay, " sabi ni Ruby sa kanyang ate.
Nagdesisyon si Nica na tanggapin ang alok ng kapitbahay nilang nagtratranaho sa agency.
Tutulungan siya nitong makapag-abroad na walang gagastusin ang agency na ang bahala sa lahat. Ang desisyon na lang nya ang kailangan.
Nuon ay ayaw nitong tanggapin ang alok dahil maiiwan nya ang nobyo nyang si Jason. Pero ngayon na naghiwalay na sila at kelangan nya talaga ng malaking halaga para operasyon sa mga mata ng kanyang ama at pagpapaaral sa dalawa pa nyang kapatid. Sa ngayon pamilya na lang nya ang kanyang nasa isip. Kahit nararamdaman pa rin nya ang sakit na iniwan sa kanyang puso ng dating nobyo ay kelangan nyang ignorahin iyon. Ang dapat nyang isipin sa mga sandaling ito ay ang kapakanan ng kanyang pamilya.
Limang taon ang kontrata ni Nica sa bansang Hongkong, isang katulong sa bahay ang magiging trabaho nya duon at ayon sa agency mababait ang magiging amo nya duon.
" Sigurado ka ba anak sa desisyon mong iyan " tanong ng ina ni Nica sa mismong araw ng kanyang flight.
" Opo inay, mag-iingat po kayo dito ha, maganda na rin po itong desisyon ko para makalimutan ko ng tuluyan ang ginawa sakin ni Jason " seryosong sabi ni Nica.
" Ikaw din anak mag-iingat dun ha? Malalayo ka sa amin ng ama mo at mga kapatid. "
" Sige po baka magkaiyakan pa tayo, wag nyo na ko ihatid baka magkadramahan pa tayo sa airport. " aniya ni Nica.
Matapos magyakapan at magpaalaman ay inihatid na sa labas ng kanilang bahay si Nica ng kanyang dalawang kapatid na sina Ruby at Jerwin.
"Ate mag-iingat ka sa hongkong ha, " wika ng bunso nyang kapatid na lalaki.
" Oo mag-iingat ako para sa inyo. Ikaw alagaan mo sina Itay at Inay ikaw ang lalaki kaya ikaw dapat ang magbantay at mag-alaga sa kanila. " at pagkasabi niyon ay kinusot nya ang buhok ng bunsong kapatid.
" Oo ate akong bahala sa kanila, strong yata to. "
" Oh, paano aalis na ko at baka mahuli ako flight. " pagkasabing iyon ay sumakay na ng taxi si Nica para ihatid sya sa airport. "
" Habang papaalis ang taxi na sinasakyan ni Nica ay hindi na nya nilingon pa ang dalawang kapatid baka lalo lang mahirapan ang kalooban sa gagawin nyang paglisan, total limang taon lang naman ang bubunuin nya sa ibang bansa pagkatapos nuon ay muli na silang magkakasama-samang buong pamilya.
Matuling lumipas ang maraming taon. Naging maganda ang resulta ng pagtratrabaho sa bansang Honkong ni Nica. Mababait ang naging kanyang amo. Tuwing sasapit ang araw ng linggo ay pinagdaday off sya ng kanyang mga amo.
Sa ganong araw sinusulit nya ang buong araw sa paglilibot sa buong lugar ng hongkong, namimili ng mga gamit na pwede nyang mapadala sa mga magulang nya at dalawang kapatid.
Lalong ikinatuwa ni Nica ng ibalita sa kanya ng kanyang ina na naoperahan na ang mga mata ng kanyang ama. At dahil na rin sa mga therapy na ginawa ay nawala na ang pagkakumatos nito. Bumalik na uli sa normal ang kanyang ama. At ayon pa sa balita sa kanya ng ina ay naging maganda na raw ang kalusugan nito, tumaba-taba na raw dahil nasusuportahan na raw ng mga masusustansyang pagkain at iyon ay dahil sa perang mga pinapadala nya. Napagawa na rin ang bahay nila, nakapagtapos na ng pagiging isang guro si Ruby at ngayon ay may maayos ng trabaho sa isang pribadong eskwelahan duon din mismo sa pinasukan nyang school.
Mayroon na ring mini store ang kanyang ina. Nabili nila ang maliit na lote na katabi nila at duon ay pinatayo nito ang maliit na tindahan na pinagkakakitaan ng kanyang ina.
At ang kapatid nyang bunso ay nasa 2nd year college na. Samakatuwid hindi na nya masyado kailangan pang problemahin ang pag-aaral nito at kapwa na sila may trabaho ni Ruby. Ang kanyang itay naman ay hindi na namamasada pa, dahil tumatanggap na lang ito ng boundary sa buhat sa pinadala nyang pera ay nakabili ng second hand na dyip ang ama nya at ang kapitbahay nilang si Mang Agustin ang nagmamaneho nito.
Malaki ang pasalamat ni Nica at masinop ang kanyang pamilya sa mga pinapadala nyang pera. Sulit na sulit ang limang taon nyang nawala'y sa mga ito. Pag-uwi nya ay magtatayo na lang sya ng sariling bakery yon ang magiging negosyo nya sa mga naipon nyang pera.
Ilang pasko ang nakalipas na hindi sila magkakasama pero muli na namang sasapit ang pasko ay hindi na sya mangungulila sa mga ito. Magkasama-sama na silang muli. Maliban sa isang taong minahal nya ng lubos pero niloko lamang sya nito.
Natapos na ang kontrata ni Nica at pababa na ngayon ng eroplano. Sa labas ng airport ay naroon ang buo nyang pamilya na naghihintay sa kanyang pagbabalik.
" Ate, Ate, andito kami " tawag sa kanya ni Ruby kumakaway ito sa kanya, kasama si Jerwin at mga magulana nila.
" Kumusta anak? Mis na mis ka na namin, ang tagal mong nawala. " sabi sa kanya ng ina, haloa hindi pa rin.ito makapaniwala na ngayon ay makakasama na nila uli ang panganay na anak.
" Mabuti naman po inay, itay. Andito na po uli ako, at magkakasama-sama na tayo uli. " masayang sabi ni Nica.
Napuno ng iyakan at yakapan sa bawat isa ang pamilya ni Nica.
" Kumusta ka na Tay? Salamat at gumaling na po kayo. "
" Oo anak, magaling na ako at iyon ay dahil sa tulong mo, salamat anak. " masayang wika ng kanyang ama.
" Wala po yon tay. Obligasyon ko bilang anak ang suportahan ko kayo sa mga pangangailangan at saka tinaguyod nyo naman ang pag-aaral ko nun di ba? "
" Hay naku, dito pa ba tayo magdradramahan, umuwi na muna tayo sa bahay at duon na natin ito ituloy. Nakakahiya sa mga tao pinagtitinginan tayo. " saad ng bunso nyang kapatid na si Jerwin.
Napangiti na lamang si Nica. Hanggang sa makauwi sila ng bahay ay wala pa ring tigil ang pangungumustahan nilang mag-anak.
Isang linggo bago sumapit ang araw ng pasko ay abala ang pamilya ni Nica sa mga ihahanda at pagbili ng mga regalo sa mgq inaanak, nagreserba din sila ng regalo sakaling magpuntahan ang iba nilang kamag-anakan kahit paano ay mayroon silang maiaabot.
Hanggang isang araw may bisitang dumating si Nica na hindi inaasahan si Jason.
" Nica anak may bisita kang dumating " tawag sa kanya ng ina.
" Sino daw po Inay, pakisabi sandali lang at bababa na ko. " sagot ni Nica sa ina.
" Si Jason anak, bilisan mo at kanina ka pa hinihintay. "
Sa narinig at biglang kumabog ang dibdib ni Nica. Ganitong-ganito ang naramdaman nya ng unang araw silang magkakilala nung nasa college pa lang sila.
Napatawad na nya si Jason. Dahil yon ang tinuro sa kanilang magkakapatid ng magulang nila wag magtanim ng galit sa taong sayo'y nagkasala. Kahit gaano pang kalaking pagkakamali ang nagawa nito dahil kung patuloy mong kikimkimin ang poot sa dibdib ito mismo ang hindi magpapatahimik sayo.
Natanggap na ni Nica na hindi sila ni Jason ang para sa isa't-isa. Ang hindi lang nya lubos maisip ay kung bakit pa ito muling nakipagkita sa kanya ngayon.
Mula ng maghiwalay sila at pagkalipas ng limang taon ngayon lang uli sila nagkita.
Hindi nya alam kung paano ito haharapin, pakiramdam nya ay para syang bumalik sa pagkateenager.
Walang tigil ang pagkabog ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Subalit agad ding sinaway nya ang sarili sa nararamdaman nyang yon. May asawa na si Jason, pag-aari na ito ng ibang babae.
Pagkababa nya ng hagdanan ay agad nyang nakita si Jason nakatingin ito at ngumiti pakiramdam nya ay namula sya sa ginawang pagngiti nito lalo lumitaw ang dimple nito sa magkabilang pisngi.
Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya, lalo pa yata tumindi ang pagkabog ng dibdib ng makita si Jason. Pero pilit nyang pinakalma ang sarili ayaw nyang ipahalata rito na matindi ang tensyong naidulot ng muli nilang pagkikita.
" Andito ka na pala Nica, maiwan ko muna kayo ni Jason, pupuntahan ko muna ang itay mo sa kwarto, hihilutin ko lang ang buong katawan, kelangan daw iyon sabi ng doktor para dumaloy ang serkulasyon ng dugo nya sa katawan, para hindi na bumalik ang stroke nya. " pagkasabi nun ay iniwan na silang dalawa ni Jason.
Naupo sya sa sopa, ilang segundo rin namayani ang katahimikan silang dalawa. Si Jason na ang unang nagsalita.
" Kumusta ka na Nica? Ang tagal mo ring nawala dito sa lugar natin, lalo kang gumaganda. "
" Mabuti naman, ito medyo nakakaluwag na kami sa buhay dahil sa pagtratrabaho ko sa ibang bansa. Napagamot na si Itay at nakatapos na ng pag-aaral si Ruby, na ngayon ay may matatag na ring trabaho. Ikaw kumusta ka na, kumusta na kayo ng asawa mong si Danica. " wika ni Nica.
" Hindi natuloy ang kasal namin ni Danica. Dahil alam nyang kahit magpakasal kami ay hindi ko sya matutunang mahalin. Dahil para sakin Nica ikaw lang ang babaing una at huli kong mamahalin. " seryosong sabi ni Jason sa dalaga.
" Ano paanong hindi natuloy, eh kaya ka nga nakipaghiwalay sakin di ba para makasal kayong dalawa " nalilitong tanong ni Nica.
" Oo sinabi ko nga sayo yon, pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag. Magpapakasal ako kay Danica para maisalba ang pamilya ko sa kahihiyan. Natalo si papa sa sugal. At naluluge na ang negosyo namin, kahit ebenta pa namin ang bahay at lupa hindi pa sapat na kabayaran at baka sa kalsada na kami pulutin. Hindi ko kayang makulong si Papa. Kaya nagpasya akong pumayag pakasal kay Danica. Dahil mayaman ang pamilya nya, sila lang pwede makatulong sa pamilya namin. " mahabang paliwanag ni Jason.
" Iyon ba ang dahilan, sorry Jason hindi kita binigyan ng pagkakataon makapagliwanag, nangingibabaw ang galit ko ng mga sandaling iyon. "
" Wag kang humingi ng tawad, naiintindihan ko ang nararamdaman mo Nica. Sadyang mabait si Danica, ng malapit na ang araw ng kasal namin sya na mismo ang umurong. Pinabayaran na lamang sa pamilya ko ng paunti-unti ang nautang namin sa kanila. Hanggang sa tuluyan na namin nabayaran iyon. At hindi na uli pang nagsugal pa si Papa. Isang leksyon na sa kanya ang nangyari sa buhay namin. At ng binalak kong makipagbalikan sayo, nasa ibang bansa ka na raw. Limang taon ang kontrata mo. Nasabi ko sa sarili ko na hihintayin ko ang pagdating mo. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang muli tayong magkakabalikan. "
Hinawakan ni Jason ang mga kamay ni Nica. At sa pagkakadaop ng kanilang mga palad ay muli nilang naramdaman ang pananabik ng bawat isa. May kakaibang kuryente ang hatid ng init ng palad ng kamay ni Jason kay Nica. Pakiramdam ng dalaga ay bumalik sila sa nakaraan ng sila pa ng binata.
Agad binawi ni Nica ang kanyang kamay ngunit hindi pinayagan makawala ang mga iyon ni Jason. At taimtim syang tinitigan nito. Pakiramdam ni Nica ay matutunaw sya sa mga titig na ipinupukol sa kanya ng kaharap.
" Pwede ba Jason wag mo nga akong titigan ng ganyan, naiilang ako eh. " saad ng Dalaga pilit na iniiwas ang mukha nya kay Jason.
" Gusto ko lang pagmasdan uli ang maamong mukhang yan na matagal ko ng ninais na makita uli. Nica listen to me, sana magsabi ka ng totoo. "
" Ano yon " sagot ng dalaga.
"Mahal mo pa ba ako? Kasi kung ako tatanungin mo, hindi nawala ang pagmamahal ko sayo, patuloy akong naghintay sa pagbabalik, umaasa pa rin ako na muli tayong magkakabalikan. Na maibalik ang dati nating masayang relasyon. Kaya uulitin ko ang tanong, mahal mo pa ba ako. "
Napaiyak si Nica sa tanong na iyon sa kanya ni Jason.
" Kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko sayo, at nung araw din na nagkahiwalay tayo aaminin ko labis akong nasaktan. Kaya minabuti kong mangibang bansa para kahit paano makalimutan ko ang nangyaring kabiguan ko sa pag-ibig. Pero sa paglipas ng mga taon, natutunan na rin kitang patawarin, ngunit ang pagmamahal ko sayo nanatili pa rin sa puso ko. " madamdaming sabi ng dalaga.
Sa narinig na iyon ni Jason ay hindi na nya napigilan pang yakapin si Nica. Niyakap nya ito ng buong higpit na para bang ayaw na nya itong muling mawala'y sa kanya.
Ginantihan din ni Nica ang yakap na iyon.
" Oh Nica mahal na mahal pa rin kita. Hindi ka nawala sa puso't isipan ko. Pagkatapos nun ay kumalas sa pagkakayakap nila si Jason at buong pagkasabik nya hinagkan ang mga labi ng dalaga. Gaya ng dati ramdam na ramdam nila ang init ng pagmamahal ng bawat isa sa halik na iyon.
Matagal na sandali din nilang ninamnam ang halik na iyon at saka kumalas sa halikan nilang dalawa. Bawat isa ay habol ang kanilang hininga.
" I love you Nica " sambit ni Jason.
" I love you too " tugon ng dalaga.
At muling nagkabalikan ang dalawang pusong pinaglayo ng tadhana. Nakalagpas sila sa pagsubok na dumating sa kanilang buhay.
Naging malungkot man ang paskong nagdaan sa kanilang dalawa. Pero ngayon ay masaya na nilang haharapin ang paskong darating na magkasama.
" Sa aking pagbabalik ang inakala kong magiging masaya ang paskong darating dahil makakasama ko na muli ang pamilya ay dobleng kasiyahan dahil nagkabalikan na tayo uli, at may pagkakataon na muling ipagpatuloy ang naudlot nating mga pangarap, " nakangiting sabi ni Nica sa kasintahan.
At dumating ang araw ng Pasko na magkasama sila ni Jason. Walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Nica. At sa wakas nakasundo na rin ng dalaga ang Mama ni Jason. At itatakda na rin sa wakas ang kasal nilang dalawa.
WAKAS
No comments:
Post a Comment