CHAPTER 11
HALOS paliparin ni Imran ang kanyang sasakyan papunta sa TRE condominium, matapos niyang malaman kung sinu ang sumundo kay Angel sa bahay ng kanyang Mama. Napag-alaman niya na andoon si Mia Jane Drilon sa mga oras na ito, ang presindent ng TRE’s condominium at bar na pagmamay-ari ng anim na mga babae.
Nakuha niya ang cell phone number ni Miss Mia Jane Drilon pagkatapos niyang matawagan si Tyrone subalit kanina pa niya dina-dial ang number nito ay walang sumasagot at nagri-ring lang.
"Excuse Miss! Emergency lang po." He talking to the receptionist staff nang nasa entrance na siya ng condo.
"Yes Mr. Abbas?What can I do for you?" Nakangiting tanong nito sa kanya nakikilala pala siya nito. Ito rin ang receptionist noon hinahanap niya si Alf Tyrone.
"I’m looking for Miss Mia Jane Drilon, the President of this condominium. I want to ask about Angel White. Can you tell her that I’m here? Please…" halos hindi na siya humihinga habang kausap ito. Buong isip niya ay nakatuon sa pag-aalala kay Angel. Kinakatakutan niya na baka makita na ng dalaga ang kapatid nito na nagbinta rito sa mga human trafficker.
"Oh, Mr. Abbas..I heard my name, just correct me if I’m wrong. Are you asking about me? Hmmm . ." si Mia nasa likod na pala niya.
Biglang lingon si Imran paharap dito, “Yes! Thanks God, you here! Please tell me … Where’s Angel?”
"Angel?" taas kilay nito tanong sa kanya.
"Angel White…Where is she? Nasa panganib ang buhay niya kapag hindi mo pa kagad sasabihin kung nasaan siya!"
"You mean, Hui?"
"Angel White! Ang sinundo mo kanina sa Fobres park! Saan mo siya dinala? Answer me!" hindi nakapagtimpi si Imran na hindi magtaas ng boses.
"Hey! You don’t need to shouted, Mr. Abbas." tumaas din ang boses nito nakapameywang pa.
"Imran, Miss Jane..Please, huwag kayo magtalo. Nasa Terminal 3 si Angel, doon sya hinatid nitong si Miss Jane." si Alf Tyrone na kararating lang. Inuutusan ito ni Imran na sundan siya sa TRE condo kung saan dito rin nakatira ang private detectivena kanyang inukopa.
"Tyrone, anung problema kay Hui?" taray na tanong ni Mia sa lalaking kararating lang.
"Biktima ng human trafficker si Hui, nu’n isang araw ko lang nalaman na si Hui at Angel White naligtas ni Imran ay iisa. Saka na namin ipapaliwanag ang nangyari sa kaibigan mo. But please try to contact her and don’t allow her na makabalik siya sa kanila o ‘wag niya hayaan na makita siya ng kanyang kapatid. Her brother was the one who sold your friend to a human trafficker." mabilis na paliwanag ni Tyrone dito.
Maging siya ay nalito. Anong kinalaman ni Angel sa president ng TRE at bakit kilala rin ito ni Tyrone sa pangalan Hui? Sino ba talaga si Angel? Bakit tila napakamisteryo nito ngayon sa kanya? At bakit ito ipinagbili ng kanyang nag-iisang kapatid sa mga sindikato? Mga katanungan nasa kanyang isip ngunit ipagpalibang na muna niya. Ang mahalaga sa kanya ay matagpuan si Angel.
"Stay connected with me, Tyrone. Pupunta ako sa NAIA, Terminal 3 ngayon." malalaking hakbang na tinungo niya ang kanyang sasakyan nasa harap lang ng condo.
"Wait Imram!" dinig pa niyang tawag sa kanyang ni Mia Jane Drilon. Napahinto naman siya kagad sa paghakbang, hinintay niya ito saglit.
"Why?"
"Nakaalis na marahil ang eroplanong sasakyan niya patungong Cebu. Take this one!" abot nito sa kanya ng isang maliit na papel." kung sakaling susundan mo siya, ditomo ako tawagan sa number na ito. Hindi ‘yun kaagad na magpapakita sa Mama niya o maging sa kapatid niya. Ako lang ang nakakaalam kung saan siya ngayon." anito nakangiti.
"Are you sure?" medyo nabawasan ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.
"Yeah.."
"Okay, thank you!" aniya sabay kuha sa maliit na papel na inaabot nito. "Tyrone, I know you have access to the airlines. Can you tell there na huwag hayaan na makalabas muna si Angel sa airport. I need your connections in the PNP too. Magtalaga ka ng security for Angel at huwag nila aalisin sa paningin nila hanggang hindi pa ako nakakarating sa Cebu airport.
"Imran, that’s crazy thing to do." tumawa ito. "Ano ang sasabihin ko kapag nagtanong sila? Does she have a warrant of arrest?"
"No! She’s not a criminal." singit ni Mia Jane sa kanilang dalawa.
"I’m asking a security safe for her, Tyrone! She’s a victim and she need a help! Hindi pa nahuhuli ang kapatid niya nagbinta sa kanya." halos mapamura sya.
"Easy bro!" patawa-tawa pa ito habang hinugot ang cellphone nito nasa bulsa ng jacket na suot.
"Ikaw talaga,Tyrone! Puro ka pa-go lucky kaya ganyan ka!" naiinis na wika ni Mia Jane.
"Aalis na ako, para maabutan ko siya kagad sa Cebu airport." paalam ni Imran sa dalawa. "Miss Mia, please send me sms. Take my number to that man." sabi niya rito at sabay turo kay Tyrone na may kausap na sa kabilang linya.
Pagkasakay niya sa kanyang Chevrolet Camaro Lv1 na kulay black and yellow ay pinahaharurot niya iyong papuntang NAIA, Terminal 2, habang nasa daanan ay humingi siya ng permiso sa control power ng paliparan. Gagamitin niya ang kanyang Cessna nasa NAIA nakatambay, para walang sagabal at makarating siya kagad sa Cebu airport. Nakatanggap na kasi siya ng text mula kay Tyrone nasa Cebu airport na raw ang dalaga.
Pagkarating sa airport ay agad niyang pinalipad ang kanyang Cessna sa tulong na rin ng tagapag-alaga ng kanyang baby toy na siyang tawag niya sa maliit niyang eroplano. Wala pang isang oras ay palapag na ito sa land base ng Cebu airport.
Malalaki at mabilis na hakbang ang ginawa ni Imran papunta sa waiting area ng mga arrival passengers.
"Mr. Imran Abbas, we’re here." tawag sa kanya ng isa mga official officer naka-base sa airport.
"Where is she?" mabilis niyang tugon. Kahit hindi magpakilala ang nakaunipormadong lalaki ay alam niya iyong ang kanyang ni-request na magbabantay kay Angel.
Itinuro sa kanya ang mahabang upuan, doon niya nakita ang isang babaeng nakayukong nakaupo. Her long black hair covered her face. Imran knew she’s crying. He saw her looking that way always if she cried in Sabah.
"Angel!" His heart leapt.
Parang lumuwa ang mga mata nito nang makita siya. Fear and anger in her eyes. Tumakbo ito palayo sa kanya, ngunit naging maagap siya kaya hindi man lang ito nakalayo sa kanya kahit kunti.
"Angel, stop!" Imran hugged her so tight that she couldn’t move.
Her body trembled. Nagpupumiglas ito. “Bitawan mo ako!”
His masculine strength kept her escaping. “Angel, tumigil ka na! Bakit ka ba nagkakaganyan? Tell me!”
"Hindi mo ako pagmamay-ari, hindi ko na hihintayin na pagsawaan mo pa ako. Kulang pa ang perang binayad mo sa mga sindikato sa pag-angkin mo sa akin, Imran! Kaya tama na! Hindi mo ako sex slave! Kakasuhan ko kayong lahat!" mahabang sabi nito sa mahinang boses.
"What? How can say that? I never think that your my sex slave, baby." malakas pa rin ang kalbog sa kanyang dibdib na hindi mawala-wala mula pa kaninang tanghali na umuwi sya bahay ng kanyang ina nang malaman wala sa bahay nito ang dalaga.
Humagulhol ito, “Layuan mo ako! Pakawalan mo na ako! Hayaan mo akong makabalik sa amin at nang mabayaran kita sa halagang binayad mo sa pagbili mo sa akin.”
"Baby… .stop crying please…"Iginiya niya ito pabalik sa kinauupuhan nito kanina. Wala na siyang pakialam kung pagtitingin sila ng mga tao nasa loob ng airport. Nakaalerto rin ang ibang PNP na kanyang ni-request, pinapasigurado niya na hindi makalapit ang kapatid ng dalaga dito.
"Pakawalan mo na ako please, Imran. Hinihintay na ako ng Mama ko at ng kapatid ko." anito na pinaghahampas ang kanyang dibdib.
I can’t! Hinding-hindi kita pakakawalan kahit kelan, mapapahamak ka lang lalo kapag bumalik ka sa pamilya mo.” hirap niyang sabi. Gustong-gusto na niyang sabihin dito na ang kapatid nito mismo ang nagpahamak dito.
"Bumalik ka na sa girlfriend mo! Iwanan mo na ako rito! Pagsasawaan mo rin ako, ‘pag kasal na kayo mababaliwala na rin ako sa iyo! Kaya utang na loob, pakawalan mo na ako! Pinapangako ko na ibabalik ko nang buo ang pera mo!" sigaw nito sa kanya.
"She’s not my girlfriend anymore!" pasigaw din na wika niya. Kapagkuwan ay huminahon siya, "Look at me, Angel… .Calm down…" hinarap niya ang mukha nito sa kanyang mukha.
Titig na titig siya sa mukha nitong mala-anghel, samantala ito ay nakayuko at hindi makatingin sa kanyan ng deretso. “You don’t understand and I don’t understand too kung bakit ka nagkakaganyan. Maayos pa tayo kagabi pagka-uwi natin. But now, why?”
"Manloloko! Baka patayin mo pa ako kapag nagsawa ka na sa akin! Ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat, kabilang ka rin sa mga grupo ng human trafficker. Dahil kung hindi paano ka nakapasok du’n at nabili ako?" hinampas uli siya nito.
"O, sige, umalis ka na! Umuwi ka na sa inyo! Hindi mo ba alam na mismong kapatid mo ang nagpahamak sa iyo! At hindi mo rin ba alam na halos mabaliw ako nang malaman ko na umalis ka sa bahay ni Mama!" hindi na niya napigilan pa ang kanyang emosyon.
Tumayo siya, pasabunot niyang hinawakan ang kanyang buhok. Hindi siya sanay sa ganitong eksena, hindi siya sanay makiusap sa isang babae, at lalong hindi siya sanay na sinisigawan at pinaghahampas. Pero bakit pagdating sa dalaga ay lahat nagagawa niya, umiiba ang kanyang pananaw pagdating sa babae, sa nararamdaman, o sa pakikipagrelasyon.
"Why should he…" putol na sasabihin ng dalaga. Bigla itong napahinto at nakaawang ang bibig nito.
"What?" pasigaw niyang tanong. Nakita naman niya ang butil-butil na luha nito. Nakatitig ito sa kawalan, hindi na nito naipagpatuloy pa ang anu man sasabihin nito."oh, please! don’t saw that to me, please stop crying my angel."
"Excuse me, Sir!" lumapit ang nakaunipormadong lalaki na sumalubong sa kanya kanina.
"Yes!" May ibinulong ito sa kanya, nagtangis ang kanyang baga sa sinabi ng lalaki. "Arrest him, now!"
"But. . Sir, wala pong order dito sa amin, wala kaming warrant arrest para maaresto siya." anito na ang tinutukoy ay kapatid ni Angel. Binalita nito sa kanya nasa labas ng airport ang kapatid nito at tila si Angel ang hinihintay nito sa labas ng arrival area.
"He’s international wanted, may nakapatong na malaking halaga sa ulo nito. Any PNP have a right to arrest him!" sagot niya rito na hindi man lang pinapakawalan ang bisig ng dalaga. takot siya na baka takbuhan siya nito.
"Sinong aarestuhin?" tanong ni Angel nakabawi na sa ilang saglit na pagkatulala.
"Tinawagan mo ba ang kapatid mo na sunduin ka rito sa airport? Nasa labas siyang ngayon."
"No! Wala akong pinagsasabihan na uuwi ako." maagap nitong sagot.
"Kayo na ang bahala!" wika niya sa PNP official na kausap niya. Hinila niya si Angel papasuk departure area, gagamitin niya uli ang kanyang Cessna pabalik sa Manila.
Nagpupumiglas ang dalaga habang hila niya ito, “Bitawan mo nga ako!”
Walang sabi-sabing kinarga niya ito, isinampay sa kaliwang balikat niya na tila isang sakong bigas na pinapasan. “Don’t try to move or else…I will let you to pull down!”
Nanahimik naman ang dalaga, baliwala sa kanyang ang bigat nito. Nagkalaman na kasi ito magbuhat nang kanyang kinupkop, hindi na tulad ng dati na subrang payat at magaan lang.
"Kanino ito? S-sino ang magdadala nito?" nagulat na tanong nito nang maisakay na nya ito sa kanyang maliit na eroplano.
"This is my baby Cessna, the Skycatcher. I bought this for personal use." he helped her into the passenger seat and buckled her in. He then slid into the cockpit.
"Kaya mo itong paliparin?" tigalgal na tanong ng dalaga sa kanya na kanina lamang ay pinaghahampas siya at humahagulhol.
"Of course! Nakarating nga ako rito,masundan ka lang kagad."
Nakaawang ang labi nito nakatingin sa kanya, hindi siguro inaasahan nito ang kanyang kakayahan sa ganoon.Maya’t maya ay muling nagtanong, “Saan mo natutuhan ang pagpapalipad?”
"Sa Cuba Flight School, located at Nort America. Member ako ng Cessna Pilots Association. Okay na po ba kamahalan? Pwede ko na ba paliparin?"
"Be sure.. ."maikling sagot nito.
"Get ready!" he said while Angel held her breath as his aircraft took off smooth.
He was gentle flying an airplane pabalik sa NAIA Terminal 2. Sabay ng pag-angat nito ay malakas niyang buntong-hininga na nagpapahiwatig na hindi na niyang kanyang panindigan sarili ang hindi pagbuo ng pamilya. Naitanim na rin niya sa kanyang isip na hindi lahat ng nagkakapamilya ay nagkakawatak. Nakadepende pala iyong sa dalawang tao, kung magiging mahina ba ang mga ito sa pagsubok. Habang nasa himpapawid ay ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi mangyayari sa kanya ang nangyari sa mga magulang niya.
Pagkalapag niya sa kanyang Cessna sa Terminal 2 kung saan iniiwan ito ay doon lang muli nagsalita ang dalaga.”I’m safe with you.”
Napatingin siya rito, hindi niya alam kung tanong ba iyong o ano. “baby, look at me.” He held her face gently and said. ” I told you that before. Do you still remember my promise to you?”
"Stay with you and I’m safe with you."
"Yeah… Listen to your heart." tinignan niya ito. Hindi naman mapakali ang mga mata ng dalaga. "Do you still believe that promise?"
Tears trickled from her eyes again, but not as fear or anger ang kanyang nakikita rito. “Just stay here, I will take my car. And please, your tear…wipe it! I’m so weak if I saw that.” aniya bago bumababa sa Cessna.
Pagkabalik ni Imran sa kanyang Cessna kung saan niya nilapag ito ay dala na niya ang kanyang Chervolet Camaro Lv1. Nagmamadali siyang pinuntahan kagad ang dalaga kung saan iniwan niya itong hindi pa nakakaalis sa inuupuhan niya kanina sa loob ng Cessna.
Ngunit…wala na roon ang dalaga! Muling dinagundong ng kaba ang kanyang dibdib, mabilis niyang tinignan ang paligid. Maraming tao na umaakyat sa iba’t ibang airlines plane at bumababa sa mga kararating lang na mga eroplano.
"Oh my God! Where is she go?" kinakabahan nausal niya sarili.
Natakasan naman ba siya ng dalaga? Nahihilo na siya sa katitingin sa mga tao, magtatakip-silim na. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may masamang mangyari rito.
"Angel, where are youuuuu?" malakas niyang tawag dito.Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na huwag tumawag pansin sa mga tao.
Hawak-hawak niya ang kanyang batok nang biglang may kumalabit sa kanya.
No comments:
Post a Comment