One Shot Writing Contest Entry #16: Ako'y Maghihintay by Ashlie Dreamer


BAROTAC NUEVO ILOILO- Barotac Nuevo National Comprehensive High School

NAG-UUNAHAN ang mga estudyante papasok sa loob ng school campus. Last hour na kasi para isara ang gate. Gitgitan ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Mahigpit ang policy ng BNNCHS kapag na late ay hindi na puwedeng pumasok pa at mas lalong pinagbabawal ang incomplete uniform at walang student ID.

Humahangos si Janine sa kakatakbo patungong school gate. Akmang isasara ni Manong William ang gate ng sandaling iyon. Kailangan niyang maabutan ito upang hindi siya mapagsarhan ng gate.

"Opps… k-kuya hintay! Papasukin mo muna ako, please!" aniya sa medyo may kalakasan boses para marinig siya ng security guard.

"Late ka naman Janine?" kumunot ang noo ni Manong William na tinitingnan siya nito.

Nag-peace sign siya rito. “Kuya, please lang minuto lang naman akong na-late, eh. Mahirap kasi sumakay ng traysikel at medyo malayo pa 'yong sa amin," mahabang litanya ni Janine.

Binuksan naman ni Manong William ang maliit na gate upang papasukin siya. "Basta dumiritso kaagad sa classroom mo Janine," anito.

"Opo, thank you Manong William. Ang pogi mo talaga," nakangiting sabi niya rito.

"Ikaw na bata ka idadaan mo pa ako sa pambobola mo, sige na pumunta ka na roon sa classroom mo. Mamaya ma-late ka pa sa klase mo," mahabang wika ni Manong William. Pailing-iling naman si Manong William at ngumingiti rin habang sinusundan ng tingin si Janine. Nakasanayan niya na rin ang makikisalamuha sa mga estudyante. Sa araw-araw ba naman na security guard siya dito.

Filipino ang first subject ni Janine. Nasa alba hall building lamang ang classroom at malapit lang din sa gate. Nang pumasok na siya sa loob ng classroom. Laking pasalamat niya dahil hindi pa nagsisimula ang klase. Pasimple siyang pumasok at naupo sa gano'n ay hindi siya mapansin ng subject teacher nila.

"Late ka naman?" tanong sa kanya ni Jenerose nang nakaupo na siya. Magkatabi lamang ang kanilang ang upuan.

" Pssttt... hinaan mo naman ang boses mo. Mamaya malaman pa ni Ma'am Castro na- late naman ako," aniya sabay lapat nang dalawang daliri sa bibig niya. "Mahirap sumakay ng trysikel."

Maya't maya tumunog ang high school life. Ang ibig sabihin ay tapos na ang klase nila sa asignaturang Pilipino at pupunta na sila sa sunod na subject class nila. Linigpit ni Janine ang kanyang notebook at libro. Sinilid niya ang mga iyon sa bag niya.

PAVILLION ang kadalasan tambayan nila Janine kasama ang kanyang mga kaibigan sina Roselyn, Jenerose ,KC, at Sennith. Kapag tapos na ang kanilang klase dito sila palaging tumatambay. At gumagawa ng mga assigment.

"Janine, sorry ngayon ko lang naisauli ang slum notes mo," hinging paumanhin ni George nang nakalapit dito. Saka binigay ang nasabing slum notes.

"Okay, lang." Nakangiting turan niya.

"Pasensiya na, hah. Ang kaibigan ko nag-sign din sa slum notes mo," saad ni George.

"College rin siya George?" out of curiosity na tanong ni Janine.

Nasa College na kasi si George. At iisang compound lang ang High School at College. Magkaiba nga lang ang building.

"Yeah, College rin siya. Nagustuhan niya kasi 'yong mga questions kaya na ingganyo rin siyang magsulat. Basahin mo na lang ang mga isinulat niya at ang message niya para sa'yo.

"Sige, basahin ko mamaya," aniya saka nginitian ito.

Hinanap ni Janine ang status n'ong sinasabi ni George. Ang sumulat daw sa slum notes niya, nang makita niyon ay kusang napataas ang isang kilay ni Janine habang binabasa ang sinulat nito. Franklin Matus ang pangalan ng lalaking ito. Binasa niya rin ang message ni Franklin para sa kanya.

Sana makilala kita ng personal kung bibigyan mo ako ng pagkakataon. Gusto kitang maging kaibigan cute. Ang message sa kanya ni Franklin.

"Cute?" kunot-noo niyang sambitla. Ibig sabihin nakita na siya nito ng personal? Napalakas pala ang pagbigkas niya.

"Sino ang cute?" tanong ni Roselyn, tiniklop ang libro na binabasa nito. Saka tumingin 'to sa kanya.

"Iyong Franklin, sabi sa message cute raw ako," sagot ni Janine.

Tiningnan naman siya ni Jenerose nakikinig din pala ito. “Gurl, hindi ka naman cute," pang-aasar at nakangising sabi ni Jenerose.

"Basta 'yon ang sabi niya sa message. Cute raw ako at huwag na kayong kumuntra," aniya nakahalukipkip.

"KILALA ko na si Franklin," saad ni Janine rito sa mga kaibigan niya. May matamis na ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. Pati na yata ang mga mata niya ay nakangiti na rin. Nasa Science building sila ng sandaling iyon naghihintay ng klase nila sa subject na Science.

"So, what?" sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan niya.

"Ang guwapo pala ni Franklin, siya `yong tipong boy-next-door. Insaktong-insakto siya sa dream boy ko," aniya na tila nasa dreamland na siya at kinikilig. "I need more information about him," anas ni Janine.

"Goodluck gurl sa kahibangan mo," sabi ni Jenerose.

"Basta kung bastedin ka ng Franklin na `yon huwag kang iiyak-iyak." Ani Roselyn.

SA kagustuhan na makilala niya si Franklin at pakiramdam niya may gusto na rin siya sa binata. Nagtanong-tanong siya sa mga kaibigan niya na kaibigan rin ni Franklin. She’s succeed, napag-alaman niyang second year college na'to at engineering ang kurso nito. Nalaman niya rin taekwondo instructor ito sa brotherhood club.

"Baliw" ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya dahil sa pagkakaroon niya ng crush kay Franklin. Marahil nga ay totoo iyon. Ilang araw na rin siyang nagmasid sa Engineering Department para lang makita uli niya si Franklin. Pero madalas siyang bigo. Napagpasiyahan niya na lamang na sumali na rin sa taekwondo at sigurado siyang makakasama niya ito kapag may training session.

"JANINE sasali ka rin ba?" tanong ni Kim, kunot-noo ito habang tinitingnan siya. Classmate sila ni Kim. Pero mas matanda ito ng walong taon sa kanya. Huminto kasi ito ng pag-aaral noon. Palagi siyang inaasar nito sa hindi niya alam ang dahilan. Basta sa tuwing nang-aasar ito at nakikita na asar, talo siya ay tuwang-tuwa naman ito.

"Oo, sasali ako, `tsaka hindi naman yata pinagbabawal ang mga babae rito at walang age limit," sagot niya rito.

"Sigurado ka? Baka hindi mo kakayanin at sa kalagitnaan pa lang ng training susuko ka na. Alalahanin mo masakit sa katawan ang pag-practice lalo't first timer ka," anito na hindi niya mawari kung seryoso o inaasar lamang siya nito. Ito pa concern citizen? Malabo yata mangyari 'yon!

"'Yon ang akala mo, patutunayan ko sa'yo na kayang-kaya ko ang pag-practice sa taekwondo at nagkakamali ka sa inaasahan mong hindi ko kakayanin," aniya tinaasan ng isang kilay ito. Malakas na tumawa lamang si Kim. Hindi pinansin ang sinabi niyang iyon. Sabi na nga ba, eh, nag-umpisa naman ito para asarin lang siya.

"Good luck sa practice," ani Kim at umalis na doon.

Mayamaya ay narinig niya ang boses ni Franklin. Nakasuot ito ng dobok, ang uniform nito sa tae kwon do. " Sino ang mga baguhan dito?" tanong nito at tumingin ito sa kanila.

Tinaas naman ni Janine ang kanyang kanang kamay. At saka ningitian niya 'to ng kay tamis-tamis. Saglit lang 'to tumingin sa kanya at agad din umiwas ng tingin.

Hmmp, suplado! aniya sarili.

"Pumunta kayo roon sa kinaroroonan ni Kim. Siya ang magtuturo sa inyo," pagbigay alam nito sa kanilang mga baguhan.

Ang buong akala ni Janine si Franklin ang magiging instructor niya sa unang araw ng training niya sa taekwondo. Ang malas lang si Kim pa ang maging instructor niya. Nakita niyang lumapit si Franklin sa kinaroonan ni Kim. Tila may pinag-usapan ang mga ito, mayamaya ay tumingin ang mga ito sa kanya. Parehas nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa kanya na nakatayo sa 'di kalayuan sa dalawang iyon.

Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang 'yon? sa loob-loob niya.

Lumapit si Kim dito. This time seryoso ang nakalarawan sa mukha nito. Magkasalubong ang dalawang makapal na kilay nito. Kanina nakangiti pa ito pero ng matapos makipag-usap kay Franklin bigla na lang umiba ang mood nito. Walang kangiti-ngiti habang nakaharap 'to sa kanilang mga baguhan. Pero pakialam niya ba kung nakasimangot si Kim. Nandito siya para magpapansin kay Franklin.

"Chariot," Nagulat siya sa ginawang pagsigaw ni Kim. "Attention," ang ibig sabihin ng chariot, base na rin sa research niya. Nag-research muna siya para mapag-aralan ang iba pang tungkol sa taekwondo.Tumayo siya ng tuwid, nag-umpisa ang training nila sa warm up exercise. Ganado siyang gawin iyon dahil nandiyan si Franklin. At alam niyang paminsan-minsan nakatingin rin dito.

Wala siyang pakialam kahit hinihingal na siya kahit warm up exercise pa lang ang natapos niya. Inspired kasi siya kahit magulo na ang buhok niya sa pagtalon at tagatak na ang pawis niyaay ayos lang sa kanya. Todo-ngiti pa rin siya.

Tumingin si Janine roon sa kinaroroonan ni Franklin busy rin ito sa pagtuturo ng tae kwon do sa ibang trainees. Napapangiti siya habang nakatingin doon. Ang guwapo talaga ni Franklin at nababagay rito ang suot nitong uniform.

Pinitik ni Kim ang tungki ng ilong niya. "Aray, masakit 'yon, ah. Ano ba ang problema mo?" matalim niyang tinitigan si Kim na makulimlim ang mukha nito.

"I want to remind you, Janine. Nandito ka para sa training. 'Di 'yong habang nagtuturo ako kung saan-saan ka naman nakatingin," anito. "Puwede na ba nating simulan ang training ninyo? Be concentrate you're attention," anito. "Iyon naman talaga ang ipinunta mo rito 'di ba?" binigyan nito ang huling pangungusap.

Tumango naman siya. Hindi niya pinansin ang pagsusuplado ni Kim. Keber niya ba.
"Ituro ko muna sa inyo ang basics ng tae kwon do. ' Yong tamang fist at standing positions. Pati rin ang basics kicks," tiningnan sila nito isa-isa nang mapadako ang tingin ni Kim sa kanya ay sumimangot siya rito.

"Ganito ang tamang pagkuyom ng kamao sa tae kwon do," pagpatuloy nito sa pagsasalita. Ipinakita ni Kim ang pagkuyom ng kamao nito.

Step by step ang ginawang pagtuturo nito sa kanila. Sa tingin niya ay madali lang 'yon. Saglit niyang pinasadahang tingin nang tingin si Franklin busy pa rin ito sa pagtuturo sa ibang trainee.

"Since this is tae kwon do, expected na dapat ay marunong kayong sumipa. `Yong hindi basta sipa lang kayo nang sipa. Bawat sipa sa tae kwon do, may aim." Paliwanag ni Kim.

Sinimulan nito ipakita ang basics ng tae kwon do. "Sa bawat sipa na gagawin niyo ay kailangan niyong sumigaw. Upang ma-release sa ganoon hindi kayo gaano mapagod," paliwanag ni Kim sa kanila nang matapos nito ipakita ang tamang gawin sa basics.

Nang matapos ang training session, pakiramdam ni Janine binugbog siya ng paulit-ulit. Masakit ang buong katawan niya lalo na ang mga binti at braso niya. Unang araw pa lang ng practice niya ay nakaramdam na agad siya nang pananakit ng katawan. Napapikit at napangiwi siya ng maramdaman niya ang kunting kirot mula sa kanyang mga binti.

Lumapit si Kim dito. "Kaya pa?" nakangising tanong nito sa kanya.

"Oo naman," sagot ni Janine pilit binabaliwa ang pananakit ng kanyang katawan naramdaman.

Pinagpatuloy niya ang pagliligpit sa mga gamit niya. Saglit niyang sinulyapan si Franklin sa 'di kalayuan. Nakaupo ito ng Japanese sitting at kaharap ang babaeng mahaba ang buhok. Masayang nag-uusap ang mga ito at paminsan-minsan ay hinahampas ng babaeng iyon si Franklin sa balikat nito. Tila nag-e-enjoy naman si Franklin at todo ngiti pa nga ito sa kaharap. Habang nakatingin siya roon tila may kung anong bagay ang kumurot sa kanyang puso. Hindi niya alam kung gaano na katagal siyang nakatitig sa mga iyon. Napalingon na lang siya kay Kim nang magsalita ito. Ang buong akala niya ay umalis na ito, hindi pa pala.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Kim. "Gabi na," sabi pa nito.

"Uuwi na rin," aniya sabay kuha ng bag niya nakalapag sa ibabaw ng mesa.
"Ihahatid na kita sa sakayan ng traysikel papunta sa inyo," ani Kim sumabay na rin ito sa paglalakad.

Habang naglalakad tila walang gustong bumasag ng katahimikan na namamagitan sa pagitan nila.

Tumikhim si Kim, " Sumali ka lang ba sa taekwondo dahil kay Franklin? May gusto ka sa kanya 'di ba?" sunod-sunod na tanong nito.

Huminto siya sa paglalakad at hinarap 'to nakasimangot ang mukha niya. “Anong pakialam mo kung sumali man ako dahil kay Franklin at kung may gusto man ako sa kanya. Labas ka na roon," naniningkit ang mga matang wika ni Janine.

Nakita niyang bigla na lamang tumigas ang anyo ni Kim. Pero bigla na lang din umiba ang reaksiyon ng mukha nito nang tumingin si Kim sa kanya.

"Kahit anong gawin mong pagpapansin kay Franklin. Hindi ka n'on papansin. Ang pangit mo kaya," nakangising turan nito.

Nagsimula naman ito para asarin siya. “Bakit ka ba nakikialam, hah?" naiinis na binalingan niya 'to. Mabilis na paglalakad ang ginawa niya.

"May pakialam ako, because I’m concerned to you. Ayoko makita ka one of this day umiiyak dahil lang kay Franklin," anito seryoso ang mukha ni Kim.

"Wow! Concern citezen ka na pala ngayon, Kim?" napapalatak sambitla ni Janine.

Idinikit nito ang hintuturo sa kanyang noo. "Janine, sinasabi ko sa'yo dahil ayokong makita kang umiiyak at nasasaktan dahil lang sa kanya. Hindi mo pa gaano kakilala si Franklin," sumeryoso ang mukha ni Kim. Napuno ng pagkainis ang ekspresyon.

Tinitigan niya ng mabuti ang mukha ng kaharap. Kapag ganitong seryoso ang ekspresyon ni Kim ay masasabi may hitsura nga ito. At ang daliri nito nasa noo ay naghahatid ng kakaibang kilabot na hindi niya maipaliwanag. Basta ang alam niya naging abnormal ang tibok ng puso niya.

Tinabig niya ang kamay ni Kim, saka tumawa. "Grabe ka, Kim… hindi ko akalain concerned citizen ka rin sa maaaring maramdaman ng ibang tao. Ikaw pa na ang alam ay asarin at inisin ako."

Sa pagkakataon iyon ay ngumisi ito. Bumalik ang masayahing ekspresyon nito na nakasanayan na niya. "Umuwi ka na nga, mamaya maiwan ka pa ng traysikel," anito hindi pinansin ang sinabi niya rito.

"JEN, nakagawa ka ng assigment?" tanong ni Janine.

"Bakit naman? Hindi ka naman nakagawa ng assigment?" nag-angat ng mukha si Jenerose saglit siyang binalingan ng tingin nito. Nadatnan niya kasi nagbabasa ito ng libro.

Nginitian niya si Jenerose. “Eh, na-busy kasi ako,” aniya umupo siya sa katabing upuan sa tabi ni Jenerose. "Pakopya ng assigment mo…" nakikiusap ang mga mata nakatingin dito.

"Busy saan? Sa pagpapansin kay Franklin?" nakataas kilay tanong ni Jenerose.

"Inlove ang kaibigan mo. Intindihin mo na lang," namilog ang mga matang sabi niya rito.

"Ewan ko sa'yo, Janine! Kailan mo pang itigil ang kalokohan mong 'yan. Kung hindi lang kita kaibigan. Hindi kita pagbibigyan," anito saka binigay sa kanya ang notebook nakasulat doon ang assigment na kokopyahin niya.

"Dear Lord, salamat at binigyan mo ako ng kaibigan na mabait at hindi ako kayang tiisin. Salamat dahil may kaibigan akong si Jenerose. Napakasuwerte ko talaga!," litanya niya sabay taas ng dalawang kamay sa ibabaw ng ulo niya at tumingala pa siya.

"Ang O.A mo!" binatukan siya ni Jenerose. Tumayo na ito mula sa inuupuan nito.

"Aray ko po," sabay himas sa leeg niya at ngumiwi para magmukhang nasaktan nga talaga siya.” Nagpapasalamat lang naman ako, ah. Anong masama d'on?" reklamo niya.  “Saan ka na pupunta?" tanong niya rito dahil nililigpit nito ang mga notes at isinilid sa bag nito.

"Pupunta na akong grandstand may practice tayo ngayon para sa cotillion," sagot ni Jenerose.

Bigla naalala ni Janine na ngayon pala ang unang araw sa pag-practice ng cotillion para sa nalalapit na Junior Senior Prom. At sa araw na'to mismo malalaman kung sino ang magkapareha. Nawala sa isip niya ang tungkol sa pag-practice. Busy kasi sa pagpapansin kay Franklin.
"Tapusin ko lang itong assigment na kopyahin ko. Then I'll follow you there."

"Okay, bilisan mo… sabi ni Mrs Araneta bawal ang late." Anito at umalis na roon.

NAIWAN mag-isa si Janine sa classroom. Busy siya sa ginagawang pagkopya ng assigment. Nang bigla na lamang may humablot sa notebook niya. Naiinis siyang tiningnan upang alamin kung sinuman ang basta-basta na lang hablutin ang notebook niyon. Mukha ni Kim nakangisi ang nakikita niya. Tila aliw na aliw pa ito habang tinitingnan siya . Hawak nito ang notebook niya.

"Akin na nga 'yan!" sabay agaw niya rito ng notebook. Pero mas matangkad ito sa kanya kumpara sa height niya. Naiinis siya habang tinititigan niya si Kim.

"Nangongopya ka naman, noh?" tanong nito na hindi maalis-alis ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito.

Habang tinititigan ni Janine si Kim. Tila may iba siyang naramdaman para dito. Ang lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib. “Pakialam mo?" aniya sinubukan uli kunin dito.

"Nakakainis ka," sabay habol dito. Paikot-ikot silang naghahabulan. Humahalakhak pa ito. Sinadsadya na asarin talaga siya nito. “Akina nga 'yan!" nahihingal na sabi niya rito.

"Kunin mo nga rito," si Kim.

"Ang sweet naman," tukso ni Senith ng makita sila nito naghahabulan sa loob ng classroom." Bagay na bagay kayo," dagdag pa nito.

"Hindi, ah. Sino ba naman ang ma-inlove sa bakulaw na `yan?" aniya na lumukot ang nakalarawan sa mukha niya.

"Janine, may crush si Kim sa'yo.” Ani Roselyn may malalapad na ngiting nakapaskil sa mga labi nito. “'Di ba, Kim… may crush ka kay Janine? " baling nito kay Kim.

Wala man lang reaksiyon mula kay Kim sa sinabing iyon ni Roselyn. "Oh! Ito na ang notebook. Gumawa ka kasi ng sarili mong assigment. Sa halip na gumawa ka, ang pagpapansin kay Franklin ang ginagawa mo." Anito na hindi maipinta ng magaling na pintor ang mukha nito. Binigay ang notebook kay Roselyn sabay labas ng classroom.

"Hoy, Kim! Saan ka pupunta?" sa malakas na boses ni Roselyn.

Saglit huminto sa paglalakad si Kim, saka lumingon dito. “Pupuntang grandstand," sagot nito. Tuluyan ng umalis doon.

UNANG araw ng practice nila sa cotillion. Tradisyon ng school nila ang presentation ng ng senior student. Kapag minalas nga naman si Kim pa ang kapareha niya.

Pumalatak siya, “kapag minalas nga naman ikaw pa ang naka-partner ko."

Ningisihan siya ni Kim. “Mas malas ako sa'yo na ikaw ang ka-partner ko. Samantala marami naman tayong nagagandahang classmate. Ikaw pa ang nakapareha ko," pang-aasar nito. Hindi mapuknat-puknat ang ngiti sa mga labi nito.

Diniinan niya ang paghawak sa balikat ni Kim, dahil nanggigil siya ng inis rito.

"Huwag mo akong pagsamantalahan Janine," pilyong ngiti nito.

"Asa ka pnga pagsamantalahan kita," aniya sambakol ang mukha. Inapakan niya ang paa ni Kim. Napangiwi naman ito sa sakit ng paa nito.

"Ma'am si Janine ina..." ani Kim.

Nanggigil na tinakpan niya ang bibig ni Kim," mamaya na lang pagkatapos ng practice saka na `yan ilabas ang yamot natin sa isa't isa. Ayoko mapagalitan ni Mrs Araneta.

Tumango naman si Kim. Tinanggal niya ang palad niyang nakatakip sa bibig nito.

"Bakit hindi mo higpitan ang paghawak sa 'kin? Kapag hindi ka umayos malalagot tayo," naiinis na bulong ni Janine rito.

Tiningnan siya nito sa mukha," talaga bang gusto mong hawakan kita nang maayos?"

"Oo."

"Gusto mong hawakan kita ng mahigpit?"

"Oo sabi eh," napipikong sagot niya.

"Okay," nakangising ikiniling ni Kim ang ulo bago siya hinapit palapit. Inayos nito ang pagkahawak sa kanyang likod.

JS PROM NIGHT- hindi nga siya pumayag na si Kim ang maging eskort niya pero ganoon din ang kinalabasan ng lahat. Hindi kasi umaalis si Kim sa tabi niya. Hindi rin ito nagyaya ng ibang kasayaw at parating siya ang kinukulit nito.

"Lets dance," Si Kim nilahad ang kanang kamay nito.

Alanganin naman siya kung makipagsayaw siya rito. Pero nang tinitigan niya si Kim sa mata ay tila nakiki-usap ito habang nakatingin din ito sa kanya.

"Please, kahit isang sweet music lang. May mahalaga akong sasabihin sa'yo.”

"Bakit hindi mo na lang sabihin dito?"

Palinga-linga naman si Kim sa mga katabing mesa. “Maraming makarinig sa sasabihin ko sa'yo. Gusto ko ikaw lang ang makarinig," anito.

Nang nasa dance floor na silang dalawa.”Anong sasabihin mo?" tanong ni Janine. Naramdaman niya naman ang abnormal ng tibok ng puso niya habang kasayaw niya si Kim.

"Bago 'yon gusto ko sabihin. You're the most beautiful girl here. Janine, matagal ko ng gustong sabihin sa'yo ito pero wala lang akong lakas ng loob para ipagtapat sa'yo."

"Ano ba 'yon?" tanong i Janine.

"Janine matagal na kitang..."

"Our male face of the nigth is none other than... Kim Robles." Naputol ang sasabihin ni Kim ng i-announce ang male face of the night kasunod n'on ay ang female face of nigth. Kailangan sumayaw ng napiling male and female face of nigth.

"Isang sayaw lang, then babalik din ako." Ani Kim. Pinuntahan na ang female face of night.

Nang nakaalis na si Kim. Lumabas ng venue si Janine upang tumungo ng comfort room. She's need to re-touch her make-up. Habang naglalakad nasagip ng paningin niya sa sulok ang magkapareha na naghahalikan. Saglit siyang huminto at pilit inaaninag kung sino ang mga iyon. Kilala niya ang lalaki si Franklin iyon. Hindi siya puweding magkakamali. Habang pinapanood ang ginagawang paghahalikan ng mga ito. Tila may kung anong kumurot sa puso ni Janine. Masakit din pala ang taong nagustuhan niya ay may kahalikang iba. Mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon. Sa sobrang pagmamadali hindi niya napansin may makabanggaan siya. Mabuti na lang at maagap siya nahawakan sa baywang kung hindi malamang sa sahig ang bagsak ng katawan niya.

"Watch out and be careful," anang baritonong boses. Nang tumingala siya rito mukha ni Kim ang nakita niya. Kumunot ang noo nito habang nakatingin ito sa kanya. Nilapit ang hintuturo sa pisngi at pinunasan ang ilang butil ng luha sa kanyang pisngi. Hindi niya namalayan napaluha na pala siya.

Inakay siya ni Kim, papuntang Pavillion. "Bakit ka nga pala umiiyak kanina at mukha kang nagmamadali?" Tanong ni Kim.

"Nakita ko si Franklin may kahalikan," aniya hindi makatingin nang diretso kay Kim.

"Talagang gusto mo si Franklin?" malungkot na tanong nito.

Sa halip na sagutin niya ito. Iniba niya ang usapan para sa gano'n maiwasan niya ang maaaring maisipan at itanong nito. "Ano pala ang sasabihin mo sa 'kin kanina?"

"Forget about it," anito na bumuntong-hininga pa.

"Okay," matipid naman sagot niya. Tumayo at hinakbang ang mga paa paalis doon. Subalit nakailan hakbang pa lang siya ay narinig niyang nagsasalita si Kim.

"Janine, matagal na kitang gusto," saad ni Kim.

Lumapit siya rito. “Pakiulit ng sinabi mo, Kim.” Aniya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatingin sa seryosong mukha ng binata.

"Matagal na akong may gusto sa'yo. Ilang beses ko ng sinubukan na ipagtapat sa'yo ang pagmamahal ko para sa'yo.Pero sa tuwing sinusubukan ko hindi ko naman nagagawa dahil sa naduduwag ako na baka kapag sinabi ko na sa'yo pagtatawanan mo lang ako at hindi ka maniniwala. At saka alam kong naka-fucos ang attention mo kay Franklin. Palagi rin kita inaasar dahil 'yon lang ang tanging paraan naisip ko para mapansin mo rin ako." Mahabang litanya ni Kim.

She's under the shock pagkatapos ni Kim sabihin ang totoong damdamin nito para sa kanya. Tila ayaw pa rin niya maniwala sa mga nalaman niya. Si Kim matagal ng may gusto sa kanya? Walang alam kung 'di asarin lang siya. Ngumiti siya rito. “Gusto rin kita, Kim, pero bilang kaibigan. Please give me enough time para matutunan kitang mahalin. Hindi ka naman mahirap mahalin, eh," aniya.

Nakapaskil naman ang malapad na ngiti sa mga labi ni Kim." Oo naman, hindi naman ako nagmamadali, Janine. Ang mahalaga nasabi ko na sa'yo na mahal kita. Nandito lang ako at maghihintay kung kailan mong matutunan na mahalin din."

Ningitian niya rin ito. “Thank you, Kim. Let start be a friend or a close friend." Nilahad ang kamay rito upang makipag-shake hands.

"Friends," nakangiti rin wika ni Kim sabay abot ng kamay niya.

Napatitig si Janine sa magkadaop nilang mga kamay. Alam niya sa sarili hindi rin magtatagal ay matutunan niya rin mahalin si Kim. Hindi naman ito mahirap mahalin.


***W A K A S***


No comments:

Post a Comment