AKO si Jane 25 yrs. old. Nakatapos ng two yrs. course. Single mother, nabuntis ako timing kakagraduate ko lang ng college. Kaya hindi ako nakapag work sa tinapos kong pag aaral.
Syempre galit yong mga magulang ko sakin, lalo na at binigo ko sila nag iisa pa naman akong anak. Siguro talagang ganito ang kapalaran ko bigo sa pag ibig.
Siguro ang magulang ay magulang pa rin kahit ganon ang sinapit ko walang ama ang isisilang ko, sa dahilang ito palay may kinakasama na. Ayaw ko na rin makigulo pa sa kanila. Kinupkop pa rin nila ako at sinabihang mag iingat na ko sa susunod ng hindi ko na sapitin uli ang kahihiyang sinapit ko, ang pagiging isang dalagang ina.:
Lumipas ang mga taon. Balik sa dati ang pamumuhay ko. Nakalimutan ko na rin ang ama ng anak ko. Nakalimutan ko na rin ang pag-ibig sa takot na maulit na naman ang nangyari sakin.
Hanggang sa nakilala ko si Jake. Yong una kuya pa ang tawag ko sa kanya. Wala lang naman sakin kasi sakin ang pagkakilala namin.
Nakilala ko pala sya sa pinapasukan kong trabaho sa garment. Kahit nakatapos ako at umabot ng 5 yrs. na hindi nakapagtrabaho sa nababagay ng kursong aking natapos. Kaya sa isang garment ang aking kinabagsakan.
Kahit pagtawanan pa ako ng iba dahil may pinag aralan naman ako bakit mas duon ko pa piniling magtrabaho.
Ang katwiran ko sa hirap ng buhay hindi mo kailangang mamimili pa ng mapapasukang trabaho.
Halos araw araw kami nagkikita ni Jakw tuwing papasok ako ng trabaho. Pareho kaming sewer sa pinapasukan namin.
Masaya na sana ang lahat dahil ang alam ko ay pagiging magfriend lang ang pagiging malapit namin sa isat isa.
Hanggang isang gabi habang magkasabay kaming pauwi, nagsabi syang umupo muna kami .
Hindi naman nya sinabi kung anong dahilan kung napapagod na sya sa paglalakad o may gusto syang sabihin sakin.
Dahil ang totoo alam ko namang may gf na sya at engage to be married na ang friend kong si Jake.
Habang nakaupo kami hindi ko alam pero may nagbago sa kanya hindi sya kumikibo ng mga sandaling iyon.
Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Gusto ko magsalita pero parang may pumipigil sa akin na wag ako magsalita.
Inabot ng kalahating oras na wala kaming kibuan ng bigla na lang nya ako yakapin. Nagulat naman ako.
" Ano ka ba Jake? Naninibago ako sa yo ha. " Hindi naman ako nag inarte na sinungitan ko sya at itulak sa pagkakayakap nya sakin.
Parang wala syang pakialam sa mga nagdadaang tao na makakakita sa ayos naming iyon.
Kunsabagay wala naman nakakakilala sa amin, kahit sa mga kasamahan namin sa trabaho.
" Hindi ko mapigilan Jane. Matagal na kitang mahal. Pinipigilan ko lang, pero hindi ko na talaga kaya itago pa ang nararamdaman ko. " Ang sabi sakin ni Jake.
Ako naman ewan ko ba kung bakit wala ako nasabi sa kanya. Hindi ko magawang magalit o hindi ko masabing mahal ko rin sya. Dahil sinarado ko na ang puso ko sa mga lalaki. Dahil sa sinapit ko.
Nagagawa ko makipagbiruan sa mga lalaki at makipagkaybigan pero hanggang duon lamang.
Si Jake ang pinaka close ko sa lahat.
Biglang kumalas sya sa pagkakayakap sakin at nagyaya ng maglakad uli para makauwi na. Habang ako ay wala pa ring nasabi. Hanggang makauwi na kami.
Kinabukasan pasok uli sa trabaho, nagkita uli at parang wala lang naganap samin sa nakaraang gabi.
Pero hindi ko na siya tinatawag na kuya. Magkasabay pa rin kaming umuuwi .
Pero bago kami umuwi niyaya nya muna kami magpunta ng mall kahit isang oras man lang daw, marelax.man lang ang katawan namin sa maghapong trabaho.
Naging sunud-sinuran ako sa kanya.
Habang papasok kami ng mall hinawakan nya ang kamay ko, mahigpit. Pakiramdam ko ng mga oras na yon naging teenager uli ako.
Umupo kami kung saan may mga upuan talaga para sa mga gusto lang umupo para magpahinga.
Hawak pa rin nya ang kamay ko habang nakaupo kami at hiniga nya ang ulo nya sa may balikat ko.
Sinabi nya uling mahal na mahal nya ko. At ng mga sandaling iyon narealize ko na mahal ko rin pala si Jake kaya walang pagtutol nagmula sakin sa pagyakap nya at maging ang paghawak nya sa kamay ko.
Yon ang simula ng relasyon namin ni Jake. Hindi ako nag-usisa tungkol sa sitwasyon nya dahil alam ko at alam nya ang sitwasyon naming dalawa.
Walang permanente, pwedeng matapos anumang oras ay matapos na agad ang relasyon namin ni Jake.
Habang nalalapit ang kasal nya walang sumbat sya narinig sakin.
Hanggang umuwi na sya sa kanila. Apat na buwan syang nawala sa trabaho. Alam ko kung bakit ? Para sa preparation ng kasal nya.
Pinilit Kong inignorahin ang libo-libong sakit na nararamdaman ko sa pusp ko. Pakiramdam ko tinutusok ng sanlaksang karayom ang dibdib ko. Pero nakikipagbiruan pa rin ako sa mga kasamahan kong lalaki sa pinagtratrabahuhan ko. May mga nagtangka ding manligaw pero ang sagot ko wala muna yan sa isip ko dahil ang konsentrasyon ko na sa anak ko.
Walang communication saming dalawa iniwasan namin ang magtext o tumawag para iwas gulo.
Alam ko naman san ang lugar ko kay Jake at alam ko rin mas pipiliin nya ang asawa nya sakin kahit sabihin pang mahal namin ang isat isa.
Pinilit kong wag muna sya maalala hanggang sa dumating ang takda ng araw ng kasal nila. Bago magbesperas ng taon.
Hindi ko mapigilan ang umiyak. Nagtago ako ng banyo para duon ko.ibuhos ang sama ng loob ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mahimasmasan na ako. Naghilamos ako para hindi mahalata ng mother ko na galing ako sa pag-iyak.
One week after his wedding balik work sya uli. Naiwan sa province nya ang asawa nya dahil malaki ang kinikita nya sa pagiging sewer at matagal na rin sya namamasukan sa garment na pinapasukan kaya minabuti nyang wag na mag apply ng ibang trabaho. Isa na rin sa dahilan ang relasyon naming bawal.
Habang tumatagal lalong lumalalim ang relasyon naming patago. Pero alam na alam kong bawal at natatakot ako na baka hindi ko na kayang mawala pa sya sakin na kahit kelan hindi ko pwedeng angkinin na pag-aari na ng iba.
Hanggang sa dumating ang puntong ayaw ko na masakit man pero kelangan ko ng tapusin ang lahat samin ni Jake.
Ayaw ko ng magkamali pa uli. Ayaw kong dumating sa puntong magbunga ang aming bawal na relasyon.
Kaya nagresign ako sa trabaho. Sinabi ko sa kanya kelangan na naming tapusin ang lahat samin. Habang kaya pa namin mawalay sa isat-isa.
Masakit man, pero kaylangang tanggaping hindi kami pwedeng pangmatagalan ang relasyon namin, ang lahat ay may hangganan.
Sa ngayon kahit ilang buwan na akong wala sa trabaho at hindi kami nagkikita. Masakit pa rin sakin ang lahat.
Lagi ko naaalala ang gabing nagtapat sya ng pag ibig sakin. Iyon ang "Ang Alaala ng Isang Gabi " sa aming dalawa ni Jake.
Kaya ang buong atensyon ko ngayon ay ibinuhos ko sa aking munting anghel.
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment